ANDREA OK LANG LIGAWAN NI SETH FEDELIN

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KABALIGTARAN naman ang mga positive comments ng netizens sa nailabas naming artikulo kay Kathryn Bernardo at Alden Richards ang sa Kapamilya teenstar na si Andrea Brillantes.

Napaka-real kasi ni Andrea. Kaya hindi mo rin talaga masisisi ang mga artista minsan na magsinungaling o hindi magpaka-totoo sa mga sagot nila dahil yung iba, alam na agad ang consequences na hindi nila mapi-please ang lahat. Palaging may masasabi at masasabing nega.

Si Andrea, when asked during her launching as Brilliant Skin Essentials endorser kasama ang owner nito na si Ms. Glenda Victorio kung okay rito o payag na ligawan na ng ka-loveteam na si Seth Fedelin, mabilis na “opo” ang naging sagot niya sa press.

Tila nagulat nga rin si Andrea na sobrang nagpaka-totoo pero hindi naman na nito binawi ang sinabi. Pero yun na, inattack na agad ang teenstar ng mga bashers.

Kesyo ang bata pa raw nito, kesyo kung ano-ano ng hindi magandang salita ang idinikit sa kanya. Just because nagpaka-totoo lang na sumagot?

Sixteen na si Andrea, although bata pa rin talaga, pero hayan at may loveteam na nga na masasabing ang lakas din ngayon.

Sinabi lang naman niyang okay lang na ligawan siya, pero hindi niya sinagot na okay na siyang makipag-relasyon. In fact, ang sagot nga niya sa pangungulit ng press kung may something na sila ng ka-loveteam, “ngayon po, mas kinikilala pa namin ang isa’t-isa, mas nagiging close po.”

At ang focused niya raw talaga, yung career niya na nagiging mainit dahil na rin sa role niya bilang si Cassy sa Kadenang Ginto at ang makapagpatayo raw siya ng bahay.

At 16, alam ba ng mga bashers na si Andrea na ang breadwinner sa pamilya niya?

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment