ANDREA: AYAW NAMIN NA NAG-AAWAY SILA!

andrea22

(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay sabay na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang mga bida ng teleseryeng ‘Kadenang Ginto’ na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz. Masayang-masaya ang dalawa dahil sa tiwala at suportang ibinibigay ng Kapamilya network sa kanila.

“Sobrang kinakabahan ako hindi ko po alam kung bakit. Ito po ‘yung second time ko na nag-contract signing. Noong una ten years old ako, sobrang saya ko lang, hindi ako kinabahan and carefree ko lang. Tapos ngayon hindi ko alam kung bakit ako kinabahan,” nakangiting pahayag ni Andrea.

Tinaguriang Gold Squad ang mga tambalan sa nasabing serye na sina Kyle Echarri at Francine, Seth Fedelin at Andrea. “Excited po ako na kinikilig and kinakabahan kasi first time ko po. Sobrang saya ko kasi ang first time ko po na pagpirma dito sa ABS-CBN. Kasama ko pa po ang squad ko,” pahayag naman ni Francine.

Naging malapit na magkaibigan sina Francine at Andrea dahil halos araw-araw nagkakasama sa trabaho. Kahit nagbabangayan ang kanilang mga karakter sa serye ay ramdam umano ng dalawa ang init nang pagtanggap sa kanila ng mga tagahanga lalo na sa social media. “Siyempre ayaw namin na nag-aaway sila. Kasi kami po, sobrang friends naman po kami. Kaming lahat maayos kaya ayaw namin na mag-away sila kasi walang point,” giit ni Andrea.

“More on love po sana. Kasi kami po, sobrang okay kami. Kaya sana sa mga supporters po namin, sana okay sin sila,” dagdag naman ni Francine.

Nilinaw rin ng dalawa na walang nangyayaring kompetisyon sa pagitan nila pagdating sa trabaho.
“Wala po,” sabay na sambit nina Andrea at Francine.
“Mas nagtutulungan po kami,” pagtatapos ni Andrea. -Reports from JCC-

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment