ALYSSA, KIEFER, WALANG TIME SA ISA’T ISA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NOONG April ay ipinagdiwang nina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena ang kanilang ikatlong taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Isang simpleng selebrasyon lamang daw ang kanilang ginawa ayon sa volleyball player.

“Very simple lang Tito Boy, dinner lang and exchange ng gifts to each other. ‘Yung grand kasi Tito Boy as in grand talaga. May class siya Tito Boy, he needed to perform a song. So he invited me saying, ‘Panoorin mo lang ako.’ Kasi kakanta daw siya. Tapos ang ending, for me pala ‘yon. Tapos he asked me kung pwede niya ba raw akong maging girlfriend that time. Siyempre ‘yes’ ang sagot ko. But right now, I really appreciate na mas nagpo-focus siya sa mas kailangan. Maliliit lang na bagay like five minutes na magkikita lang kami dahil wala kaming time talaga because of trainings. Magdadala lang siya ng food, dadaan lang siya sa trainings ko. Maliliit lang na things, but ‘yung mga maliliit na bagay na ‘yon, kapag pinagsama-sama mo, it’s really grand,” pagbabahagi ni Alyssa.

Para sa dalaga ay malaking bagay na  magkaibigan muna sila ng basketbolista bago pa man naging opisyal ang kanilang relasyon. “Siguro one thing what works for us, the friendship. Every day parang bago pa rin ‘yung relationship namin. We care for each other. We feel the love, the care for each other,” giit niya.

Sa June 29 ay ipagdiriwang naman ni Alyssa ang kanyang ika-26 na kaarawan.  Nagbigay si Kiefer ng kanyang mensahe para sa kasintahan. “Happy Birthday! I wish you all the best, hopefully lahat ng wishes mo matupad. People know that you’re a great person. We want nothing but the best for you ‘coz that’s what you deserve. Hopefully we’ll celebrate more birthdays together.  Always have faith in the Lord. Alam ko naman, na Siya ‘yung palagi mong inaasahan. Hindi ka Niya iiwanan, always so God-fearing. Inuuna mo talaga si God and ‘yung family mo. Happy Birthday, nandito lang ako to support you. Every step of the way, every step of the journey. I’m looking forward to spending more birthdays together. Happy birthday, and I love you,” mensahe ng basketbolista kay Alyssa.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay nasubukan na rin ng volleyball player ang pagiging isang artista. Kabilang si Alyssa sa pelikulang ‘My Letters to Happy’ na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa July 17. Kasama rin ni Alyssa sa bagong proyekto sina TJ Trinidad at Glaiza de Castro.-Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment