ALDUB FANS NABUHAYAN NG LOOB SA TWEET NI ALDEN

alden22

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

NAKAAALIW  talagang magbasa minsan ng mga comments ng mga fans. Given na given na sa amin na isa sa mga passionate o minsan over na mag-isip at analyze ay ang mga fan ng AlDub nila Alden Richards at Maine Mendoza.

Eh, nag-post si Alden sa Twitter account niya nang, “Relax… God is watching.” Yun na, kanya-kanya ng interpretasyon sa apat na words lang na tweet niya ha.

May nagpalagay agad na ang tweet daw ni Alden na yun ay para sa Aldubnation na mag-relax lang, kung may mga hindi man gustong isyu na lumalabas ngayon like Maine and Arjo Atayde, sa tweet ni Alden, may mga nabuhayan ang dugo at inisip na there’s something pa rin between Maine and Alden.

May nagsabi naman na “pa shade, hindi na lang diretsuhin. Kaya maraming delulus.” Ibig sabihin, hindi raw kasi malinaw ang mga post ni Alden kaya yung iba, can’t help na mag-ilusyon pa rin sa kanila ni Maine.

Pero ang maganda sa nabasa namin, mukhang hindi nga kasi tumitigil ang pangba-bash ng iba dahil sa pagka-against sa Maine and Arjo in real-life naman. Na kung tutuusin, labas na si Alden sa ArDub pero pilit pa rin isinisisi kay Alden ang kung anuman meron sa dalawa.

Dahil daw sa simpleng tweet ni Alden, may mga fan na kumalma na. Sabi ng isang netizen, “Kaya I’m a fan. Hindi patola. He has mastered the art of deadmalogy!”

Sayang nga lang at sa ginanap na NDAA 2018 National Digital Arts Awards sa PICC noong Martes ng gabi ay hindi na namin nahintay si Alden na isa sa mga performer.

Eh, ‘di sana, mas bongga at naitanong namin dito kung ano ang pinanggagalingan ng tweet niya na yun at kung ano talaga ang totoo sa KathDen movie.

 

****

NAMANHID ANG ANIT NI THEA DAHIL SA SABUNOT NI KRIS

 

Isang Linggo na lang at magwawakas na ang afternoon prime na “Asawa Ko Karibal Ko” ng GMA-7, after nga raw, plano muna ni Kris Bernal na harapin ang mga pinut-up niyang negosyo. Aminado itong talagang nakukuha ang oras at isip niya raw rito.

Kaya timing din daw na magtatapos na ang isa sa highest rating afternoon prime ng GMA-7 na AKKK at sasabayan na rin daw niya ng travel papuntang Japan kasama ang 2 years non-showbiz boyfriend.

 

Kasabay ng pagtatapos ng AKKK, matatapos na rin ang mga pisikalan nila ni Thea Tolentino na ayon sa dalawa, nagiging totohanan daw talaga.

Naglitanya nga si Thea na manhid na raw ang anit niya dahil sa mga sabunot na natatanggap niya sa serye nilang Asawa Ko Karibal Ko.

“Nagkakasakitan talaga kami, naaawa na nga ako sa kanya,” sabi naman ni Kris.

Ngayong isang Linggo na lang ang serye nila at magpi-finale na, tinanong namin kay Kris kung ano ang pinaka-mahirap na pinagawa sa kanya.

Ayon dito, “Kasi, sanay na ko lagi ng mga ganyang eksena. Iyakan, mga confrontation, api-apihan. Pinakamahirap siguro yung asawa mo, transgender.

“Hindi mo alam kung ano ang magiging reaction mo so for me, yun ang pinaka-mahirap imagine. Isipin mo ba na ang asawa mo, lalaking-lalaki, tapos ngayon, babaeng-babae?”

Intense nga raw ang scene kapag nalaman niya na asawa pala niya dati ang hindi niya inakalang transgender pala na karibal niya which is, played by Thea nga.

Sa totoong buhay, umamin si Kris na may napagdudahan din siya na naging karelasyon niya.

“Hindi naman bading, pero napa-isip lang ako na may chances na– jowa ng bading. Ewan ko, may pakiramdam lang din ako, tapos nakuwento-kuwento lang din.”

After na raw ng relasyon nila nang malaman niya, pero hindi na rin naman daw niya kinumpirma. Bukod pa rito, hindi na rin naman daw isyu sa kanya kung may jowa o naging jowang bading ang nakarelasyon niya.

“Eh kasi, maiintindihan ko rin naman. Malay mo, may pangangailangan,” ang bonggang sagot niya.

Kung during the relationship daw niya malaman na may kasabay siyang dyino-jowa ng boyfriend niya na bading, siguro raw ay makikipag-hiwalay siya. Pero humirit pa rin ito na depende rin daw kung mahal niya.

“Depende e, kasi kung love ko, tinutuloy ko. Pero kung ayaw niya sa akin at siya mismo ang may ayaw sa akin, okay lang. Maintindihin kasi ako. Pero kung gusto pa namin parehong ituloy ang relationship, okay lang din.”

At dahil sa mga rebelasyon na yun ni Kris, isa ang sigurado, mamahalin siya ng LGBTQ community, huh!

Sa mga naging ex-boyfriend naman niya, may ilang short-lived lang, pero pinaka-matagal daw ay si Carl Guevarra.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment