ALDEN TATANGGAP NG INT’L DRAMA AWARD

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

“OVERWHELMING po, hindi po nauubusan ng regalo si Lord,” ang positibo at punong-puno ng pasasalamat na pahayag ni Alden Richards nang makausap namin.

Ipinaalala namin sa kanya na during the height of Aldub’s phenomenon, parang yun na yata, may hihigit pa ba sa kung anong popularidad ang meron sila noon.

Pero heto, hindi na lang popularidad ang sukatan, ang pagiging actor niya ay mas nabibigyan ngayon ng pansin at ang box-office appeal na meron siya. Ang Hello, Love, Goodbye ay posibleng malagpasan pa ang pinaka-malaking pelikula noong isang taon at sinisimulan na rin niya ang bagong primetime series sa GMA-7, ang “The Gift” kunsaan, babalik si Alden sa strength niya bilang isang artista, ang pagiging dramatic actor.

“Opo, yun po talaga, isa po talaga ito sa gusto kong gawin, ang drama talaga, masaya po ako, actually, hindi ko na nga po alam kung paanong saya ang gagawin,” natawang sabi niya.

Lahat nga raw ay parang right timing ang lahat. Aminado si Alden na may pagka-risktaket siya. Gumagawa siya ng mga out-of-the-box at ipinagpapasalamat lang daw niyang talaga na halos lahat, positibo naman ang nagiging resulta.

Inilunsad na rin sa XYLO, BGC ang unang collaboration niya with designer, Avel Bacudio, ang Avel X Alden. Collection ito ng mga jacket, shirts, sporty pants na mabibili exclusively sa Zolingo at kunsaan, literal na collaboration ni Alden kay Avel dahil hands-on ang actor sa bawat detalye.

Nagulat din si Alden dahil kailan lang daw niya na-realized at wala halos nakaisip at talagang hindi sinadya na ang character niya sa The Gift na bulag ay parang timing sa advocacy ng Avel X Alden kunsaan, mga batang bulag sa

Northern Luzon Association for the Blind in La Trinidad, Benguet ang mga beneficiaries.

“Hindi naman nag-uusap ang AXA team at ang GMA creatives, pero nakakatuwa lang na tumayming lahat.”
Paalis din si Alden papuntang Korea ngayong Martes para tumanggap ng award sa Seoul International Drama Awards. First time raw niya sa Korea kaya bukod sa award na matatanggap ay excited din siyang makapag-explore sa ilang araw sa SoKor.

SI SEN. MANNY PACQUIAO ANG GUSTONG KUNIN NA ENDORSER

Pagdating sa ibang bansa, iba pa rin talaga ang kasikatan ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao.

Naimbitahan kami sa launching ng isang app, ang STERNA na unang nai-launch sa Mexico at Columbia. Para ito sa mga gustong mag-aplay ng trabaho sa bansang Canada o mag-migrate. Dahil sa Sterna app, gone are the old school of recruitment. Ang man behind Sterna is Mr. Bruno Paradis at ang Link Asia Manpower Solutions sa bansa ni Mr. Eric Corpuz ang partner ng Sterna sa bansa.

Maaari itong i-download sa lahat ng interesado. Kaya naman namin nasabing iba talaga ang kasikatan ni Manny sa ibang bansa at parang kapag sinabi mong Pilipinas, Manny Pacquiao talaga ang maiisip nila.

Tinanong si Mr. Paradis kung sakali at kukuha ito ng celebrity endorser para mas lalong ma-promote ang app, sino ang naiisip niya. Ang bilis ng sagot niya na si Manny Pacquiao raw. Naniniwala ito sa global influence ng mister ni Jinkee Pacquiao.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment