ALDEN OPEN NA SA KANYANG INSPIRASYON

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

ANG Asia’s Multimedia Star at ‘The Gift’ lead star na si Alden Richards ay open na ngayon sa kung sino ang inspirasyon niya.

Hindi pala Pinay ang bet ni Alden, ang Thai rapper na miyembro ng isa sa pinakasikat na South Korean girl group na Blackpink ang crush na crush ng actor, si Lisa Manoban.

Nakaka-ilang social media post na si Alden na ang cute nito na nagpa-fanboy kay Lisa. Ang recent post nga niya na may caption na “Kahit man lang sa laro makaholding hands.”

Itina-tag din si Lisa ng mga netizens. Aba, hindi naman madedehado si Lisa sakali at suklian niya ng atensiyon ang pagka-crush at pagpapaka-fanboy ni Alden sa kanya, ‘no!

Kahit napakahilig namin sa mga Korean, este kay Lee Seung Gi lang pala, masasabi naming napakalaki ng kaguwapuhan ni Alden kumpara sa ibang Korean stars, huh!

APPENDECTOMY FAILS AGA’S WIFEY FOR ALMOST PERFECT ATTENDANCE

Hindi nakasama si Charlene Gonzales sa premiere night ng pelikulang Nuuk dahil ayon kay Aga Muhlach, nasa hospital daw ito at ooperahan for appendicitis.

Nalungkot si Charlene dahil lahat daw ng premiere night ng movie ni Aga ay kasama ito.

Mapapanood pa rin naman ni Charlene ang movie dahil ngayong araw na ito pa lang ito showing. Matutuwa si Charlene, gayundin ang mga nakaka-miss kay Aga na mapanood sa big screen.

Ibang-ibang Aga ang mapapanood sa kanya sa Nuuk. Drama na may pagka-thriller ang movie. Tama ang director na si Veronica Velasco na parehong magaling na actor at actress sina Aga at Alice pero, mas nasurpass pa raw ang expectation sa ipinamalas nilang performance sa movie.

Bukod sa not-the-usual Pinoy movie ang Nuuk, bonus pa na halos 90% ng pelikula ay kinunan sa Nuuk, Greenland.

Personally, bukod sa mapanood muli sa big screen sina Aga at Alice, excited kami na makita ang Nuuk. At nang mapanood nga namin ito, hindi na kami nagulat kung bakit ang Nuuk ang may highest percentage of suicidal.

Ang Nuuk ay mula sa produksiyon ng VIVA Films.

HISTORICAL GAG SHOW PA-BONUS ESPESYAL

Kahit na isa pa rin sa top-rating at patuloy na pinapanood ang Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi sa GMA-7, masasabing “history” na ang longest running gag show na ito ng network na ngayon ay nagse-celebrate ng ika-24th anniversary.

Longest-running at multi-awarded gag show, ang GMA network’s “Bubble Gang.” Every year, sinisigurado nila na may espesyal silang handog sa mga loyal viewers nila.

Kaya sa November 15 at 22, may special episodes ang Bubble Gang, a two-part superhero telemovie entitled, “The ScAvengers.”

The man behind the success of Bubble Gang, Michaen V will play the character of Allan Peter Kuya Thanos. Sabi nga niya, “Medyo baliw at ambisyosong project ito. Sa totoo lang, laro lang yung gusto namin and yet gusto namin ipakita na kahit kami naglalaro, yung quality hindi mawawala. So this time around, it’s a visual treat na talagang sa teaser pa lang gugulatin namin kayo.”

Malaki ang pasasalamat ni Bitoy sa mga loyal viewers nila tuwing Biyernes ng gabi na never nga namang bumitiw sa kanila for 24 years.

Bukod kay Bitoy, sina Antonio Aquitania, Mykah at Diego ang alam naming mga orihinal na cast member ng Bubble Gang.

Magkakaiba na ang bilang ng taon bilang regular ng Bubble Gang sina Paolo Contis, Kim Domingo, Boy 2 Quizon, Sef Cadayona,Betong Sumaya, Analyn Barro, Archie Alemania, Mikoy Morales, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Arra San Agustin, Jak Roberto, Denise Barbacena.

Kasama rin sina Arny Ross, Liezel Lopez at Roadfill.

Sa The ScAvengers, may special participation din si Mayor Isko Moreno as Yorme and Spiderman star. Jacon Batalon as Need.

Nabanggit ni Paolo na masaya raw sila. Mas masaya raw sila ngayon. So we asked Bitoy na siyang original at naiwan sa BG kung masasabi nga niyang mas masaya ngayon than before.

“Every Monday naman masaya. We make it a point na maging masaya at kahit isang araw lang na pagsasama-sama.”

Pero natatawang sabi nito, hindi naman daw niya sasabihin na mas masaya ngayon with the new cast than the original.

 

 

Related posts

Leave a Comment