ALDEN: NEVER JUDGE ANYONE BY FIRST IMPRESSION!

alden55

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

MALAKI ang pasasalamat nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang  mga  amang nagtaguyod sa kanya-kayang mga pamilya. Ayon kay Kathryn ay malaki ang naging sakripisyo ng amang si Teddy Bernardo upang matupad ang mga pangarap ng aktres.

“Pinakanatutunan ko sa kanya ‘yung sacrifice. Kasi si Papa hanggang ngayon nasa Cabanatuan. Pumayag siya na nandito kami sa Manila to pursue my dream. Nahiwalay si Mama sa kanya. If not for him, wala ‘yung approval niya, wala rin ako ngayon,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Para sa dalaga ay mas batang tingnan ngayon ang ama kumpara noong. “Ngayong mas tumatanda na siya, mas bumabata nga siya (tingnan). Mas cool siya ngayon eh. Happy ako na happy naman si Papa ngayon,” paglalahad ng aktres.

Samantala, bukod sa pagporma nang maayos ay namana rin ni Alden sa ama ang pagiging propesyunal pagdating sa trabaho. “Actually siya talaga ‘yung sinusundan ko sa pagdadamit. Lahat ng damit ko kinuha na niya kasi maliit ‘yung katawan niya. He really taught me to be professional in my work. Pagdating sa oras, pagdating sa pakikibagay sa mga tao,” pagbabahagi ni Alden.

Ang ama rin ni Alden ang nagturo sa binata na huwag maging mapanghusga sa kapwa dahil hindi talaga ito maganda. “Siya ‘yung nagturo na ‘wag madaling manghusga. Kasi hindi naman natin alam ‘yung pinanggagalingan ng taong ‘yon. So never judge anyone by first impression,” dagdag pa ng aktor.

Sa July 31 ay ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’ na pinagbibidahan nina Kathryn  at Alden mula sa Star Cinema. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment