ALDEN MARAMING DAPAT IPAGPASALAMAT

(NI ROSE GARCIA)

SIGURO nga sa mga Kapuso stars, ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang pinaka-thankful sa ginanap na thanksgiving party ng GMA network.

Sa The Manila Polo Club ginawa ang thanksgiving party ng Kapuso at nagsama-sama sa private party ang mga Kapuso stars wearing their best Havana costume.

Nag-post nga si Alden sa kanyang Instagram account na pasasalamat lang daw siyang talaga sa lahat ng magagandang nangyayari sa career niya.

Sey ni Alden, “There’s a lot to be thankful for.”

Puwede ngang sabihin na 2019 was a good year for Alden. Bukod sa given na success ng Hello, Love, Goodbye, ang kanyang primetime series na “The Gift” ay umaani ng magagandang reviews at feedback kaya happy lang si Alden.

Itong taon din na ito niya naitayo ang sariling branch ng McDonalds. At ang bongga, siya ang bagong endorser ng Ronald McDonald House Charities Philippines.

Nag-storytelling si Alden sa mga bata ng Bahay Bulilit at sabi niya nga, “Ibang pakiramdam. Ito yung parte siya ng trabaho pero hindi trabaho.”

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment