ALDEN, KATHRYN ASIA’S SUPERSTARS? MASYADONG NAGMAMADALI

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

KUNG sa tingin namin ay masyadong ambisyoso iyong agad na tinawag si Alden Richards na “Asia’s Multi Media Star” dahil lamang sa isang hit movie na kanyang ginawa kasama si Kathryn Barnardo para sa Star Cinema, aba eh parang mas matindi naman ang ambisyon noong tumawag agad na “Asia’s Superstar” kay Kathryn Bernardo. Bakit?

Dahil ba sa nakagawa siya ng dalawang pelikulang umabot ang kita sa halos isang bilyong piso, na kung kukuwentahin mo ay mahigit na labing siyam na milyong dolyar lamang sa exchange rate ngayon? Aba eh maling-mali dahil ang aktres na Tsina, si Celina Jade ay nakagawa noong 2017 ng isang Chinese movie, iyong Wolf Warriors 2 na ang kinita ay sinasabing umabot sa 74 bilyong dolyar. Iyan ang highest grossing Asian film sa buong history.

Ngayon sasabihin mo, hindi naman kita lang ng pelikula ang basehan eh, iyong popularidad.

Sinasabing ang mga artistang Koreano ang siyang pinaka-sikat ngayon sa buong Asya. Kasi ang kanilang mga telenovela at maging ang kanilang mga pelikula ay naipapalabas na sa buong Asya, may nakakarating pa hanggang US at Europe. At sinasabing ang mga pinaka sikat na aktres sa Korean ay sina Han Hyo Joo at Song Hye Kyo,at naniniwala kami riyan. Iyon lang si Song noong makipag-diborsiyo world news eh, ibig sabihin ganoon kalakas ang following. Kung si Kathryn kaya biglang mag-asawa maging world news din?

Masasabi rin natin na ang China ang pinaka malaking bansa sa Asya, at may pinaka malaking populasyon. At sa kanila ang sinasabing pinakasikat na aktres ay si Zhang Ziyi, at siya ang superstar doon. Eh mas maraming fans sa China kaysa sa Pilipinas.

Kaya sinasabi nga namin, masyado yatang nagmamadali ang mga nagsasabing si Kathryn na ang Asia’s superstar.

SI ALDEN AY KAPUSO, PERIOD!

Hindi rin naman namin maintindihan kung bakit parang isang napakalaking issue iyong hindi kinumbida ng ABS-CBN si Alden Richards sa kanilang party, eh sa totoo lang naman, maliwanag na siya ay kabilang sa network sa Kamuning. Hindi siya kapamilya. Kahit na sabihin mong nahiram siya at kumita nang malaki ang pelikula niya, hindi pa rin dahilan iyon para isama na siya sa kanilang mga stars, in the first place hindi naman.

Hindi ba lalabas na mang-aagaw ang ABS-CBN kung kukumbidahin nila si Alden na artista ng kanilang kalabang network? At saka bakit naman magpapa-imbita si Alden? Gusto ba naman ninyong lumabas na sabik na sabik siyang makagawa ulit ng pelikula sa Star Cinema? Aba kaunting delicadeza naman sana.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment