ALDEN BUMALIK SA SOUTH KOREA

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

Tinotoo nga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang sinabi nito na babalik siya ng South Korea. First time pa lang na nakarating ng South Korea ni Alden nang tumanggap siya ng Asian Star Prize Award mula sa Seoul International Drama Awards noong August. Naging vocal ito sa pagsasabing nagustuhan at na-enjoy niya ang siyempre, favorite country rin naman, huh!

At nabanggit nga ng bida ng The Gift na gusto niyang bumalik ng Korea at gusto niyang isama ang kanyang pamilya.

And since for like ilang years, parang naging tradisyon na yata ni Alden na tuwing Holidays, ipinapasyal at sinasama niya sa bakasyon ang pamilya niya. So this year, sa South Korea nga magse-celebrate ng Christmas si Alden with his family.

Ayon kay Alden, “Pa-Korea kami, tapos balik din. Kasi nga, new year countdown.”

For sure, susulitin ng aktor ang kanyang bakasyon para mamasyal at makabonding ng ilang araw ang kanyang pamilya. At sa kanyang pagbabalik sa bansa, sa New Year Countdown celebration naman ng Kapuso Network mapapanood si Alden. Isa rin ito sa naging annual tradisyon ng Kapuso aktor na palaging present sa countdown special ng GMA.

At sa totoo lang, isa ito sa kinabibiliban namin kay Alden lalo na at marami sa ibang artista, hindi tumatanggap ng New Year’s countdown dahil siyempre, marami ay nasa bakasyon pa or kasama ang pamilya with their New Year’s celebration, pero si Alden, for nine years yata, from a newcomer to one of the most famous actors we have, maglalaan at maglalaan ito ng oras para sa network’s New Year’s countdown.

Siyempre, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang The Gift at ang bagong Sunday noontime show ng network simula sa January 5.

ANG PAGBABALIK NG PRIMETIME REYNA

Parang ang saya ng mga bagong line-up na shows na aabangan sa pagpasok sa ng 2020 sa Kapuso network. Kasabay ng bagong dekada ay ang pagbabalik din naman sa primetime ng Reyna ng network na si Marian Rivera.

Ang finally, matutuloy na pagsasama na nila ni Gabby Concepcion sa “First Yaya.” Nai-imagine na namin ang kakulitan ni Marian bilang Yaya ng mga anak ng amo niya na si Gabby at siyempre, paano made-develop ang relasyon sa dalawa. Sa totoo lang, naaalala namin dito ang isa sa mga unang pelikula ni Regine Velasquez noon na “Wanted Perfect Mother” with Christopher de Leon naman.

Gayundin ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Posibleng hindi na alam ng mga millennials ngayon, pero isa sa hit movie noong araw ni Gloria Romero ang “Manang Biday.”

Bago rin aabangan sina Barbie Forteza at Kate Valdez na parehong gaganap sa title role. Masuwerte si Migo Adecer dahil mukhang marami ang na-impressed sa kanya sa Sahaya kaya heto’t may follow-up agad sa kanya at siya ang pag-aagawan nina Kate at Barbie.

At siyempre, ang pinaka-aabangang Tagalog adaptation ng hit Korean series na “Descendants of the Sun.” Positibo ang mga nababasa naming comments sa teaser na inilabas na ng network sa tandem for the first time nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado as Big Boss and Beauty, lalo na sa isa sa mga iconic scene ng serye.

In fairness, kuhang-kuha yung feel sa original. Pero gusto naming mapanood muna sa Linggo, sa KMJS ang buong trailer ng D.O.T.S. kunsaan una itong ipapalabas.

Ang lahat ng ito ang pang-first quarter ng 2020 ng Kapuso network. Habang tuloy-tuloy pa rin ang mga primetime series na Beautiful Justice, The Gift at One of the Baes.

 

Related posts

Leave a Comment