ALDEN AYAW SA BABAENG HIGH MAINTENANCE

(Ni Rommel Placente)

KAARAWAN ni Alden Richards noong January 2. Sa tanong sa kanya kung anong birthday wish niya, ang sabi niya,”Siguro when it terms to career,sana international project this year, and more movies. Siguro sa personal, siyempre, good health and lovelife,”

Ibig niyang sabihin ready na siyang magmahal at magka-girlfriend?

“Siguro. I’m 28, almost magti-30,”sagot ni Alden na natatawa.

Ano ba ang hinahanap niya sa isang babae?

“Lagi ko nang sinasagot ‘yan. ‘Yon pa rin ako. I would admire someone who will understand my nature of work. Saka,’yong hindi high maintenance,”

Nahanap na ba niya ang ganoong klaseng babae, o hinahanap pa lang?

“Hinahanap pa,” mabilis niyang sagot

Ngayong taon  ay ipagdiriwang ni Alden ang kayang 10th anniversary sa showbiz. Bahagi ng kanyang pagdiriwang ay ang pagkakaroon niya ng concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa July 25.

“Isa ‘yon sa mga pinaghahandaan ko (concert)”

May mga naiisip na ba siya kung sinu-sino ang kukunin niyang guests sa kanyang concert?

“Most likely it will evolve around friends and family members. And of course  ‘yong mga nakatrabaho ko in the past,” ani pa ni Alden.

Sino sa tingin niya ang hinding-hindi dapat mawala sa  kanyang concert?

“Siguro, gusto kong mag-perform talaga ‘yong family ko, my dad, my sisters. Kung makakauwi man ‘yong brothers ko (from abroad), I want them to be performing with me, hindi lang audience.  That would be something different about magpa-concert this year,”eksploka pa niya.

Anong feeling niya  ma sa loob ng sampung taon niya sa showbiz ay nananatiling  marami ang nagmamahal sa kanya at sikat pa rin niya?

“Siguro, talagang it really pays to be a nice person. And if you’re really true and sincere with your intertions,  ‘yon yung nagiging effect sa tao. Ramdam nila ang sincerity at ang pagka-totoo mo sa kanila.Nakatutuwa kasi, ganoon ako  sa buhay,eh. And in my 28 years of exisrtense, wala naman akong ibang ginawa, kundi makisama nang maayos sa mga tao. Irregardless kung sino, anong antas, I treat them equally. I treat them as humans,” mahaba-haba niyang sagot.

Si Alden ang bida sa primetime series ng  GMA 7 na The Gift. Ano pa ba ang dapat abangang ng kanyang mga tagahanga sa kanyang serye?

“May nalaman akong plot last night na medyo mabigat. Hindi ko lang puwedeng i-reveal kung ano ito. Pero sa pagkakabunyag ng mga sikreto sa buhay ni Sep (Alden’s role), may mawawalang pinakaimportanteng tao sa kanya. Ewan ko, hindi pa final, pero parang final na. So abangan nila’yun,” pagtatapos ni Alden sa aming panayam.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment