‘AKUSASYON NG FALCIS FAMILY SASAGUTIN KO’

falcis7

(NI LOLIT SOLIS)

HAY naku! Ayaw pa rin akong tantanan ng Falcis brothers huh!ang kulit ni Lolit

Hindi na nga ngayong Falcis brothers, kundi buong pamilya na yata.

Hindi naman kasi ako nagbabasa nga mga balita online.

Minsan kinukuwento na lang sa akin ng mga bakla, o kaya pinapabasa sa akin.

Sumali na raw ang Nanay nung Falcis. Meron na naman daw statement. Kaya malamang, meron pang miyembro ng pamilya ang magsasalita rin at makisali sa gulong ito.

Ayaw pa rin nila tumigil eh, na ewan ko kung nagi-enjoy na ba sila o type lang talaga nilang tuluy-tuloy pa ring pinag-uusapan.

Kaya siguro sa bahay muna ako, magmuni-muni, kasi sasagutin ko na yan silang lahat.

Magbibigay ako ng statement na isahan lang,  para sa kanilang lahat.

Abangan nyo na lang day!

WILLIE ‘DI INIWAN ANG AUDIENCE NA NAAKSIDENTE

Nung nakaraang Martes ng hapon pauwi na ako galing sa pa-press lunch ni

Bong Revilla sa akin, ayaw akong tigilan ni Jopay Manago ng Wowowin sa kakukulit na pumunta na raw ako sa taping nila dahil guest nga dun si Bong.

Nag-promise kasi ako na samahan ko si Bong, pero sobrang gabi na sila magsisimula ng taping, kaya umuwi na lang ako no!

Sobrang saya nga raw ng guesting ni Bong sa Wowowin na kung saan talagang sinuportahan naman ni Willie Revillame ang pagtakbo ni Bong sa eleksyon.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang kabaitan sa kanya ni Bong na hindi nagdamot nung nangangailangan siya.

Doon nga raw sa taping ay nagkuwento si Willie ng malungkot na karanasan nila sa taping ng birthday episode niya na kung saan merong dalawang matandang naaksidente doon sa studio.

Iyung dalawang matandang nahulog pala doon sa bleachers ng studio ay sumampa dun sa pinakamataas na bawal na pala dun.

Nagsasayaw na sila roon at hindi nga namalayan, nahulog na sila roon at namatay nga yung isa.

Ikinuwento ni Willie na talagang nahirapan siyang kausapin yung pamilya nung matandang namatay,

Pati raw ang isang anak na nagtatrabaho sa ibang bansa ay kinausap niya at hindi raw niya alam kung paano sila harapin.

Ang buong akala raw niya madedemanda na siya. Pero hindi naman daw sila nagkulang sa pag-asikaso,..

Sinagot nila lahat mula sa burol, hanggang sa pagpapalibing at nagbigay din siya ng datung siyempre.

Sobrang bigat yun sa pamilya siyempre, at pati kay Willie na hindi nila alam kung paano nila mapakalma ang pamilya,

Hindi raw niya alam kung ano ang naramdaman nya nung sinabi raw nung isang anak na masaya na rin daw sila dahil kahit paano, alam daw nilang masaya yung nanay nila nung namatay ito.

Noon pa raw kasi gustung-gusto na nitong pumunta sa Wowowin, at tumakas lang daw pala ito para makapunta sa GMA 7. Hindi raw kasi papayagang umalis iyun nang mag-isa.

Ang isa pang halos madurog daw ang puso ni Willie ay nung kinausap naman niya ang isang matandang nahulog na nasaktan at nabalian.

Hindi na nga nag-tape si Willie ng birthday episode niya, sinamahan niya yung matandang iyun sa hospital.

Hawak-hawak daw nung matanda ang kamay niya at hindi raw bumitiw.

Madaling araw na nga raw siya nakaalis ng hospital dahil binantayan daw niya yung matanda.

Iyung matanda raw ang sorry nang sorry sa kanya dahil hindi na raw ito nakasali sa taping ng Wowowin, at hindi na raw nabigay ang birthday gift niya kay Willie.’

Suot pa raw nito ang T-shirt na may nakatatak na ‘Happy birthday Kuya Willie’ na puro dugo na.

SInagot ni Willie ang lahat na gastusin sa hospital at sabi pa niya magkikita raw sila uli nung matanda para bigyan daw niya ng konting puhunan para sa maliit na negosyo nito.

Sabi ni Willie, learning experience daw ito sa kanilang lahat itong nangyari sa kanila sa Wowowin, kaya dobleng ingat sila ngayon at talagang maayos na ang studio para makaiwas sa aksidente.

Sobrang thankful si Willie sa GMA 7 dahil hindi raw talaga siya pinabayaan nung inaayos nila ang pamilya ng dalawang matandang naaksidente doon sa studio (LOLIT SOLIS)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment