AIKO: TWO YEARS NA KAMING HINDI NAG-UUSAP NI JOM!

NAIBAHAGI sa amin si Aiko Melendez kung paano ang pakikitungo ng aktres sa mga dating asawa na sina Jomari Yllana at Martin Jickain. Si Jomari ang ama ng panganay na anak na si Andre habang si Martin naman ang ama ng busong si Marthena. “Martin and I are great friends. He’s based now in Boracay because the wife is from there, Maggie. I’m very okay with Maggie. Maggie and I are good. We text each other kapag may kailangan si Marthena, and then they want to borrow Marthena. I exchange texts with Maggie,” nakangiting kwento ni Aiko. “I don’t want to talk about Jomari, respeto na lang sa akin at respeto na lang sa kanya. Two years na kaming hindi nag-uusap ni Jom. Of course, the partner just gave birth. So I don’t want to cause anything naman sa kanilang dalawa and parang respeto ko na lang ‘yon sa kanila,” makahulugang pahayag ng aktres. Kahit hindi na nagkakausap sina Aiko at Jomari ay nagkakausap naman daw paminsan-minsan ang aktor at si Andre. “Yes, Once in a while they talk,” pagtatapos ni Aiko. Sa ngayon ay masaya ang relasyon ng aktres at kasintahang si Jay Khonghun na Mayor ng Subic. Napag-uusapan na rin umano ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal.

Related posts

Leave a Comment