AGA GIVES OUT BEST PERFORMANCE OF HIS LIFETIME

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

PINANOOD namin ang pelikula ni Aga Muhlach, na may banta pa ngang hindi itutuloy ang screening kung walang ibang papasok maliban sa amin, kaya bumili na lang kami ng tatlong tickets kahit wala naman kaming kasama. Iyon kasi ang requirement nila para ituloy ang screening. At least tatlo.

Magaling na artista naman si Aga, at masasabi naming sa pelikula niyang iyon nagbigay si Aga ng isa sa pinaka mahusay niyang performance sa lahat ng mga pelikula niyang napanood na namin. Lahat naman nagsasabing mahusay si Aga sa pelikula. Pero may narinig na ba kayong mga pra la la writers na nagsabing mahina ang pelikula sa takilya? May nakita ba kayong ganoong posts sa Facebook at Instagram? Wala. Ang takot lang nilang gawin iyon. Baka sa susunod na presscon hindi na sila invited.

Pero iyon ang isa sa nakasira sa mga pelikula natin eh. Kung minsan ang pelikula ay nakakasuka na, pero basahin ninyo ang mga pra la la writers, ang sinasabi “napakagandang pelikula”. Papaano ngang hindi eh “bayad”. Kaya ngayon ano, wala nang naniniwala. Alam na basta sila “fake news”. At ang mga pelikulang ineendorso nila sa Facebook, Twitter at Instagram, naghihilahod sa takilya.

Alam na kasi ng mga tao na ang mga lehitimong opinion ay makikita lamang sa mga lehitimong kritiko na nasa mga lehitimo ring diyaryo. May mga diyaryong masahol pa sa Facebook ang pra la la. Lahat yata ng sentence bayad. Kaya ang laman kung sinu-sinong hindi mo halos kilala. Kaya tuloy nagiging biktima pati ang mahuhusay na pelikula. Tingnan ninyo iyang pelikula ni Aga. Maganda naman talaga pero dahil panay ang labas sa Facebook, hindi na pinaniwalaan. Makikita mo naman eh, naka-post sa Facebook, at naka-tag ang pro, producer, director at artista ng pelikula. Kasi nga “bayad”.

Pero sa totoo lang Tito Kc, nanghihinayang ako sa napakahusay na acting na ipinakita ni Aga sa pelikula. Ang galing-galing niya pero wala halos nakapanood. Iyan ang problema kung minsan, magaling ang artista pero mali ang napiling project na gawin.

Iyan ano man ang sabihin ninyong katuwiran ninyo, hindi masasabing hindi mali iyan. Kasi hindi na nga kumita. Hindi na nga nakabola.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment