TIKET SA BUS TERMINAL NAGKAKAUBUSAN NA

(NI KIKO CUETO) HALOS ubos na ang mabibiling tiket sa mga bus terminal sa pag-uwi sa probinsiya para sa Undas. Ito ang report na nakarating sa Department of Transportation (DOTr). Ayon sa report, halos wala nang ma-book na biyahe pa-norte at pa-Visayas sa Araneta Center Bus Port. Ito ang mga bus na aircon ang mga sasakyan. Sa report, kaunti na lang ang mabibilhan na tiket o ‘di kaya ay wala na, lalo na sa biyahe sa Bikol. Mula October 30 hanggang November 2 ay halos fully booked na. Sa Araneta…

Read More

6 NAHULOG SA ‘RIDES’ NG PERYAHAN, SUGATAN

(NI JG TUMBADO) ANIM katao ang sugatan matapos mahulog sa sinakyang rides sa isang amusement park sa Legazpi City, Albay. Kabilang sa mga naisugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sina Jasmine Maud, 8; Jester Kurt Badong, 6; Mateth Lopez, 59; Angyeta Balong, 40; Monica Herrera, 22; at Jeric Conde, 13. Nagtamo ang mga biktima ng sugat at bugbog sa iba’t ibang parte ng katawan bunsod ng kanilang pagkahulog mula sa  sinakyan nilang rides na kung tawagin ay ‘spinning swing’ o ang St. Luke Merry  mixed up rides…

Read More

MOIRA, ‘DI PA RIN MAAYOS ANG ILONG SA MALING PROCEDURE

(NI BOY ABUNDA) ILANG buwan na nanatili sa bahay si Moira dela Torre pagkatapos ng pinsalang tinamo dahil sa isang procedure na ginawa sa kanyang ilong. Ayon sa singer ay mayroong pagkakamali sa ginawang non-invasive procedure sa kanya. “Well basically may nagkamali. My nose went on necrosis and it was a very simple procedure, but it went wrong. Hindi po siya naagapan agad because we had no idea what was happening. I was at high risk of being blind, of aneurysm, of heart attack and stroke. For three months I…

Read More

KATHRYN ANG BAGONG SUPERSTAR?

(NI ED DE LEON) KAHIT na humahampas ang habagat na nagpabaha sa Metro Manila, kumita pa rin nang milyones ang pelikula ni Kathryn Bernardo. Hindi tumigil ang pila ng mga tao, kahit baha na. Dahil diyan masasabi mo nga bang si Kathryn ay siya na ngang bagong superstar ngayon? Dalawang pelikula na ni Kathryn ang record breaker, iyong The Hows of Us, at iyang Hello,Love,Goodbye. Pero hindi maaangkin ni Kathryn ang record ng dalawang pelikulang iyan, dahil napakalakas ng leading man niyang si Daniel Padilla, at ganoon din naman si…

Read More

BLOKE NG COCAINE SUMABIT SA LAMBAT

ALBAY12

(NI NICK ECHEVARRIA) IKINAGULAT ng mga mangingisda ang nakitang isang  bloke ng pinaniniwalaang cocaine na napasama sa kanilang  lambat  sa karagatang sakop ng Albay. Sa naatalang report, sinabi ni  Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, bandang alas-11:00 ng gabi nitong Lunes ng matagpuan ng mga mangingisdang sina Nilo Aguilar, 38, Joy Dungaran, 42, at Joven Cambi, 24, pawang residente ng Barangay Sta. Barbara, Rapu-Rapu ng nasabing bayan, ang isang bloke ng nasabing droga. Nakita umano ng tatlong mangingisda sa kanilang lambat ang nakasabit na bloke ng cocaine na binalutan ng  kulay…

Read More

2 ‘HIGH’ SA ‘MJ’ TIMBOG SA BEACH RESORT

(NI JUN V. TRINIDAD) SARIAYA, Quezon – Dalawang humihitit ng marijuana ang nadakip ng mga awtoridad habang nasa gitna ng “pot session” sa isang beach resort sa bayang ito, Lunes ng gabi. Sa report ng pulisya, kinilala ang mga natimbog na suspek na sina Lee Alcantara, 24, at Cedrik del Rosario, 22, parehong residente ng San Pablo City. Naispatan sila ng mga barangay tanod habang kapwa humihitit ng ‘damo’ sa isang kubling bahagi ng Villa Del Prado beach resort sa Barangay Bignay 1 bandang alas-11:10 ng gabi. Dagling tumawag si…

Read More

HALIMBAWA NG SIPAG AT GALING NG PILIPINO ANG U.S. BASE WORKERS

ITO ANG TOTOO

TAMAD daw ang mga Pilipino, sabi noon ng isang kinatawan ng Pilipinas sa Tsina. Ang Totoo: ang pahayag ng naturang Pinoy na kinatawan ng bansa sa Tsina ay pagtatanggol sa pagtanggap ng mga manggagawang Intsik sa Pilipinas kahit kulang pa nga para sa mga Pilipino ang trabaho rito. Mali na hayaang agawan ng trabaho ng mga Intsik ang mga Pilipino, tamad man o hindi ang mga ito, kasing mali ng pagsasabi na tamad ang mga Pilipino. Ang Totoo: kilala at subok ang mga Pilipino, hindi lamang sa kasipagan, pati sa…

Read More

DRUG-BUST IKINASA SA MALL, P1.4-M SHABU NASAMSAM

SHABU MALL12

(TEKSTO/PHOTO BY ROSS CORTEZ) TATLONG linggo munang nagtyaga sa casing and surveillance ang mga kawani ng PDEA Quezon bago tuluyang nasakote ang 43-anyos na drug courier na si Arnold Pangan, sa isang open parking lot ng isang mall sa lungsod ng Dasmariñas Cavite Naging katuwang ng PDEA Quezon ang mga counterpart nilang PDEA Cavite sa pagkakaaresto sa suspek na mula rin sa kilalang shabu tiangge sa Barangay Datu Esmael sa nasabi ring lungsod Ayon kay PDEA Quezon Investigation Agent 3 William Dulay, tatlong linggo nilang minanmanan ang galaw ng naarestong…

Read More

PRO 4 ITINANGGING ITINATAGO ANG HEPE, 3 TAUHAN SA GAYETA ‘MURDER’

sariaya12

(NI JG TUMBADO) ITINANGGI ng Police Regional Office 4 (CALABARZON) na itinatago nito ang ilang mga pulis na idinadawit sa pagpatay sa anak ng alkalde ng Sariaya Quezon. Ayon kay Police Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng PRO 4, wala sa kanilang kustodiya sina Supt. Mark Joseph Laygo, ang dating chief of police ng Tayabas; PO3 Christopher John Siman, PO1 Perry Malabaguio at PO1 William Allan Ricamonte. Ang apat na pulis ang idinidiin sa umano’y pakikipag-engkuwentro kay Christian Tronila Gayeta, 21-anyos at anak ni Mayor Marcelo Gayeta. Gayunman, lumitaw na walang…

Read More

MARCO HINDI NAIINGGIT KAY DANIEL

marco

(NI BOY ABUNDA) HINDI pinagsisisihan ni Marco Gumabao ang ginawang paglipat sa Viva Artists Agency magdadalawang taon na ang nakalilipas. Matatandaan na dating nasa pangangalaga ng Star Magic ang career ng aktor. “I can’t say that it’s the right decision. It’s just a good decision maybe na I took myself out of the comfort zone. Then I tried new things even though I knew na there was a risk involved or baka ako malayo sa ABS-CBN. I did it because I believe also in Viva, na may magawa sila sa…

Read More

AFTER 3 YEARS: WINWYN, MARK BREAK NA

(NI LOLIT SOLIS) NAGULAT naman ako na sa mismong Valentine’s Day in-announce ni Winwyn Marquez na break na raw sila ni Mark Herras. Kaya pala ang lungkot ng boses ni Mark nung minsang nakausap, wala na sila ni Winwyn. Yang anak-anakan ko pa naman na ‘yan na sobrang ma-in love tapos pag nakipag-break iyak talaga yan. Nagpa-presscon kasi kahapon, February 14 ang Regal para sa pelikulang Time and Again na kung saan bida rito sina Winwyn at Enzo Pineda. Hindi na nakatanggi si Winwyn nang tinanong sa kanya kung totoong…

Read More

PEKENG FP PAGE NG LTO

scam

(NI KEVIN COLLANTES) PINAG-IINGAT ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko laban sa isang Facebook page na nagpapanggap na pagma-may-ari ng License Division ng Land Transportation Office (LTO). Batay sa inilabas na advisory ng DOTr, nilinaw nito na peke at ‘scammer’ lamang ang naturang FB account na Land Transportation Office (LTO)-License Division. “WARNING: This page, “Land Transportation Office License Division,” is not the official account of the Land Transportation Office (LTO). This page is a SCAMMER,” babala pa ng DOTr. Sa naturang pekeng FB account, tinatawagan ang mga may-ari…

Read More

BGY OFFICIAL PATAY, MISIS SUGATAN SA AMBUSH

bgy

(NI JG TUMBADO) ISANG opisyal ng barangay ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa bayan ng Polomolok, South Cotabato na ayon sa mga pulis ay away-pamilya ang ugat ng krimen. Ayon kay Police Regional Office 12 Director Senior Supt. Eliseo Tam Rasco, dead on the spot ang biktma na si Dima Macaludos, 45, Kagawad ng Barangay Lumakil. Ginagamot naman sa Polomolok District Hospital ang 42-taong-gulang na asawa ni Macaludos na si Rohania bunga ng tinamong tama ng bala sa kanyang binti. Batay sa ulat kay Supt.…

Read More

ALDEN MAY SECRET GF NGA BA?

alden200

(NI ROSE GARCIA) ILAN sa entertainment press ang hindi nakalilimot sa kuwento ng burger at ng Pambansang Bae na si Alden Richards. Noong medyo nagkakasunod-sunod na ang show ni Alden sa Kapuso network pero hindi pa rin masasabing mayaman na siya tulad ngayon, nakantiyawan ng press si Alden na magpa-burger naman. Very happy naman itong umoo at nangakong papa-burger raw siya. Actually, ibang burger ang request ng press, pero dahil naging busy na si Alden at lumipas na ilang buwan, sa isang set visit sa serye niya which is, “Carmela”…

Read More

BARCELONA TRIP REGALO NI VICE SA NANAY

vice

ANG daming na-touch sa regalo ni Vice Ganda sa kanyang ina nitong nakaraang holiday season at ito ay ang trip to Barcelona. Nag-post si Vice Ganda ng larawan nila ng ina habang nasa background nila ang The Bassilica of Sagrada Familia sa Barcelona and what it makes it more touching ay ang kanyang caption. “Last year she said she wished to go to Barcelona to be able to see the Sagrada Familia. My profession deprives me of quality time with my family. “So when given the chance I make sure…

Read More

ZSA-ZSA IKAKASAL NGAYONG 2019        

zsa1

BAGO magtapos ang 2018 ay nagpakasal na sina Iza Calzado at Ben Wintle. Masayang-masaya ang matalik na kaibigan ng aktres na si Karylle na nakadalo sa beach wedding ng mag-asawa. “It was a beautiful ceremony and then there was a moment na siyempre, it fell on her shoulders na wala si papa at si mama. I was happy, at that moment nando’n ako sa sand pagulong-gulong. I was ready to give her a big hug to represent our family,” nakangiting pahayag ni Karylle. Kapapasok pa lamang ng 2019 at may…

Read More

MAULAN NA LIBING NI BATOCABE

batocabe5000

SA gitna ng maulan na panahon, inilibing si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe kung saan hindi inalinta ng mga supporters nito ang malakas na buhos ng ulan, Lunes ng hapon. Bago magtungo sa Daraga Public Cemetery, iniikot ang mga labi ng kongresista sailing bareangay sa bayan ng Daraga kung saan ito isinilang. Nakapayong ang mga supporters ng kongresista na matiyagang naghintay sa gilid ng  kalsada at kahit sa huling sandali ay masulyapan man lang ang mga labi nito. Marami ang nagmamahal sa kongresista na umaasang malulutas din ang kaso…

Read More

PARADE OF STARS DELAYED NG 4-ORAS DAHIL SA ULAN

(NI KC GUERRERO) APAT na oras naghintay ang mga fans sa MMFF Float parade sa ilalim ng malakas na ulan. Good luck na lang sa kanila gayundin sa mga photographers ng Peryodiko Filipino. Wag sanang magkasakit ng hypothermia o  trangkaso. Magiging malungkot ang Pasko Pero game ang mga fans. Dinumog pa rin ang parada ng MMFF na ginanap sa Parañaque City despite the heavy downpours. Late na nag-umpisa. Ang ala-una ng hapon na simula ay naging halos alas singko na. Umasa ang organizers na titila ang ulan? Hindi uy! Bilib…

Read More