GIBBONS MAS PABOR SA CASIMERO VS. INOUE BOUT

(NI VT ROMANO)

MAS may kakayahan si newly-crowned WBO bantamweight champion Johnriel Casimero na talunin si Japanese world champion Naoya Inoue kumpara kay Nonito Donaire Jr.

Ito ang malaking paniniwala ni Sean Gibbons, Manny Pacquiao International Promotion president, sakaling magkaharap sina Casimero at Inoue para sa unification bout.

“I believe that Casimero at his age, his experience, his power, his overall boxing skills, he’s what Nonito Donaire was seven years ago,” komento ni Gibbons. “I really believe that he has the style and the power to take Inoue.”

“Nonito Donaire showed a lot of flaws in Inoue. Inoue is a great offensive fighter, but defensively, he has a lot of holes,” dagdag pa ni Gibbons kahapon nang maging panauhin sa PSA Forum kasama si Casimero sa Amelie Hotel-Manila.

Ayon pa kay Gibbons, sakaling matuloy ang Inoue-Casimero, malamang na sa Las Vegas o kaya’y sa Los Angeles gawin ang sagupaan, dahil kalalagda lang promotional contract ng Japanese champion kay Top Rank promoter Bob Arum.

Sinabi ni Gibbons na malamang ay pababanguhin ni Arum ang pangalan ng 26-anyos na si ‘Monster’ Inoue sa US market.

“I believe they want to introduce Inoue to the U.S. market that was the idea of signing with Bob Arum with top Rank. So I see the fight probably being in Las Vegas or Los Angeles,” paliwanag ni Gibbons.

Kung magkakasundo, posibleng sa Abril 2020 maganap ang Casimero-Inoue, pero depende pa rin aniya sa kundisyon ng Japanese boxer, na nagpapagaling pa ng fracture sa kanang eye socket nito na tinamo sa laban okay Donaire noong Nobyembre.

Si Inoue, may record na 19-0 (16 KOs) ay kampeon ng IBF at WBA 118-lb division, tinalo niya si Donaire via unanimous decision sa finals ng World Boxing Super Series.

Gustung-gusto na ring makasagupa ni Casimero si Inoue upang aniya’y magkaalaman kung sino talaga ang mas mahusay na boksingero.

“Gusto ko ng lumaban kay Inoue para magka-alaman na kung sino talaga ang magaling sa amin,” deklara ni Casimero sa Forum na suportado ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). “Gustung-gusto ko na apat na belt yung kunin ko,” dagdag ni Casimero, na tinanghal na WBO champion matapos talunin via 3rd round knockout si Zolani Tete noong Nobyembre 30 sa South Africa.

Please follow and like us:
Read More

BIADO, PHL 9-BALL PLAYERS BABAWI

PASOK na sina Carlo Biado, Johann Chua at Jeffrey Ignacio sa round of 32 ng 2019 World 9-Ball Championship sa Doha, Qatar.

Tinalo ni Biado, 2017 champion at 2018 runner-up, si Bashar Hussain ng Qatar, 11-10.

Nauna rito, dinomina ni Chua si Enrique Rojas ng Chile, 11-5, sa round of 64 para pangunahan ang iba pang mga kasamang Pinoy sa naturang torneo.

Nagwagi naman si Ignacio, na gaya nina Biado at Chua ay nagpartisipa sa 30th Southeast Asian Games, si Stephen Holem ng Canada, 11-6.

Susunod na makakalaban ni Biado si Billy Thorpe ng Canada, habang makakaharap ni Chua si Naoyuki Oi ng Japan, at makakatapat naman ni Ignacio si Ko Pin Yi ng Chinese Taipei.

Naging “anybody’s game” ang torneo makaraang talunin ang 2018 champion na si Joshua Filler ng Germany ni Casper Matikainen ng Finland, 11-7, sa round of 64.

Nabigong manalo ng gintong medalya sa katatapos na SEA Games si Biado at mga kasama niya kaya’t umaasa sila makababawi sa World 9-Ball Championship.

Nagkasya lang si Biado, at ka-tandem na si Johann Chua sa bronze medal finish sa men’s 9-ball doubles. Hindi rin siya nakausad sa semifinals berth sa men’s 10-ball singles.

Kabilang din sa Filipino contingent ang bagitong si Jerico Bunos, na maagang na-eliminate sa nasabing tourney.

Please follow and like us:
Read More

DURHAM PIPIGILAN

(NI ANN ENCARNACION)

IKALAWANG sunod na panalo na maglalapit sa kanila sa inaasam na kampeonato ang target ng TNT Katropa kontra Meralco Bolts ngayong gabi sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinals series sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sasandigan muli ng Katropa ang import na si KJ McDaniels sa krusyal na laro sa ganap na 6:30 ng gabi, na maglalapit sa kanila sa unang kampeonato makalipas ang apat na taon.

Samantala, pipilitin ng Meralco na makabawi mula sa masaklap na kabiguan noong Linggo kung saan tinalo sila ng TNT, 103-94.

Binitbit ng dating Houston Rockets import na si McDaniels ang Katropa nang magtala ng 38 puntos, 14 rebounds, tatlong assists at tatlong blocked shots para angkinin ng koponan ang Game 1.

“Nothing to celebrate,” sabi ni TNT Katropa coach Bong Ravena. “Game 1 lang iyan, mahaba pa series.”

Inaasahan ni Ravena na hindi magiging madali ang pangalawang game lalo pa’t ipinakita ng Bolts ang matindi nitong kakayahan na makahabol mula sa 22 puntos na kalamangan.

“We’re glad we won because Game 1 of any series is very important,” ani Ravena. “We have to find ways to stop (Allen) Durham. Iyan ang problema namin so gagawan pa namin ng paraan.”

Sinabi pa ng TNT coach na kailangan nilang ma-limit ang scoring ni Durham.

“If we can stop Durham, mas easier para sa amin. We have to make stops, especially sa kanya.”

Nagtala ang Meralco import ng 32 puntos at 21 rebounds, at naging susi sa pagrally ng Bolts, na sa malas ay masyado nang huli kaya’t naitakas ng Katropa ang panalo.

Please follow and like us:
Read More

3 LABAN SUSUUNGIN NI ANCAJAS SA 2020

(NI DENNIS IÑIGO)

TATAPUSIN lang ang Pasko ni International Boxing Federation super flyweight champion  Jerwin Ancajas bago magsimula sa kanyang preparasyon para sa kanyang susunod na makakalaban sa 2020.

Magiging abala si Ancajas, na matagumpay na naidepensa ang kanyang titulo sa Mexico, sa susunod na taon kung saan inaasahang sasabak siya sa tatlong laban.

Sa ngayon, dahil Christmas holiday, nasa relax mode pa ang IBF champ at kanyang  chief trainer na si Joven Jimenez sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite.

Nakatakda silang pumunta sa Bukidnon at iba pang parte ng Mindanao, bago mag-Pasko kasama ang kani-kanilang pamilya.

Ngunit kinabukasan (Disyembre 26) ay agad nilang sisimulan ang preparasyon para sa susunod na laban ni Ancajas sa Marso 2020.

Ayon kay Jimenez, base sa pakikipagusap niya kay Sean Gibbons, presidente ng MP (Manny Pacquiao) Promotions, posibleng ang susunod na makakalaban ni Ancajas ay isang  Japanese o Mexican challenger.

Tinalo ni Ancajas ang Chilean challenger na si Miguel Gonzalez sa pamamagitan ng 6th round stoppage noong  Dis. 7 (Dis. 8, Philippine time) sa Puebla City, Mexico.

Lubhang na-impressed si Gibbons sa Panabo City pride kaya’t gusto nito na magkaroon ito ng tatlong laban sa susunod na taon, kabilang na ang unification title duel laban sa kasalukuyang champions sa ibang major boxing associations.

Ayon kay Ancajas, may nalalabi pang isang laban sa kanyang kontrata sa Top Rank Promotions, nakahanda siyang harapin kung sino man ang mapipili ni Gibbons na makakalaban niya.

Please follow and like us:
Read More

WALANG PBA SA PASKO

(NI LOUIS AQUINO)

SA ikalawang sunod na taon at sa mga susunod pa, makakapiling na ng mga manlalaro at team officials ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay sa araw ng Pasko.

Ito’y matapos magdesisyon si league commissioner Willie Marcial tapusin na ang tradisyunal na PBA game tuwing Disyembre 25.

Ayon kay Marcial, bagama’t malaking tulong sa PBA ang maraming manonood ng game kapag Pasko, espesyal at once-a-year na selebrasyon ang Pasko kaya’t marapat lang na ipagdiwang ito kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang liga na magkaroon ng dalawang linggong holiday break para sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Kaya ang Governors Cup semifinals sa pagitan ng Barangay Ginebra at NorthPort, at Meralco at TnT Katropa, kung hindi matatapos sa Dis. 22 ay itutuloy sa Enero 8 na.

Kapag nangyari ito, ang finals ay magsisimula Enero 22, 2020 na.

Huling nagkaroon ng Christmas game ang PBA noong 2017 Philippine Cup kung saan tinalo ng Brangay Ginebra ang Magnolia, 89-78, sa Philippine Arena in Bocaue, Bulacan.

Please follow and like us:
Read More

GINEBRA, NORTHPORT UNAHAN SA SEMIFINALS

(NI ANN ENCARNACION)

AGAWAN sa krusyal na unang panalo ang Barangay Ginebra at NorthPort sa mas pinaikling 2019 PBA Governor’s Cup semifinals simula ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ganap na alas-6:30 ng gabi magsisimula ang mas maikling best-of-three semis sa pagitan ng Gin Kings at Batang Pier.

No.4 team ang crowd favorite Kings habang No. 8 naman ang Batang Pier sa pagtatapos ng elimination round.
Bitbit ang two-games incentive, tinapos ng Ginebra ang pangarap na grandslam peat ng sister team nitong San Miguel Beer sa quarterfinals match-up nila.

Na-upset naman ng NorthPort ang No.1 team sa third conference na NLEX Road Warriors at tinuldukan ang inaasam nitong finals appearance.

Lubhang nakapagpahinga ang mga Batang Pier matapos ang matagumpay na quarterfinals campaign nila, na maaaring maging advantage o disadvantage sa kanila.

Samantala, kapaligtaran naman ang Gin Kings na ang ilang players at maging ang coach nito na si Tim Cone ay naging abala sa katatapos lang na 2019 Southeast Asian Games, kung saan napanatili ng Gilas Pilipinas ang paghahari sa men’s basketball event.

Kaya naman inaasahang sasandigan ni Cone ang momentum ng kanyang mga player na hindi mapasusubaliang malaki ang naitulong upang masungkit ng Gilas ang gintong medalya sa SEA Games.

Ang magwawagi sa best-of-three semifinals sa pagitan ng Ginebra at NorthPort ay makakasagupa naman ang magwawagi sa pagitan ng Meralco Bolts at TNT Katropa.

Please follow and like us:
Read More

AMATEUR TEAMS, ETSAPWERA NA

“SOUTHEAST Asia is catching up.”

Ito ang dahilan, ayon kay Gilas coach Tim Cone, kaya’t hindi na maaaring magpadala ng amateur teams sa SEA Games kung gusto ng Pilipinas na manatiling dominante sa basketball.

“Everybody makes a comment that anybody can beat these teams, from here, from the Philippines,” ani Cone. “And we turned around and looked at each other from a coaching standpoint, and said, ‘So what, you think an amateur team could’ve beat that team?'”

“And everyone said, ‘No.’ No, we can’t bring amateurs anymore to the Southeast Asian Games. They have gotten too good. We gotta bring our best players,” giit niya.

Kaya naman dapat na PBA players pa rin ang magrepresent ng bansa sa international competitions gaya ng SEAG  kung gusto nating manalo, ayon kay Cone.

“If you bring an amateur team, we were talking about it, who would play the center position for us, if we brought amateurs at this point. We’d be good with Kobe Paras and Thirdy Ravena, but who would play the centers?” aniya.

“Who would be the 6-9, 6-10, 6-11 guys that could compete with Thailand and Vietnam and the other guys, like June Mar and those guys can. They don’t.”

Muntikan nang matalo ng Thailand ang men’s team sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Nag-rally lang ang nationals sa pangunguna nina Baser Amer at Kiefer Ravena, na swerteng pumasok ang tres sa huling 16 segundo para sa 80-75 win.

Nahirapan din ang men’s team kontra Thailand bago nakuha ang 81-74 na panalo noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.

Malaki ang kaibahan ng mga nakaraang editions sa katatapos na 30th SEAG kung saan winalis at tinambakan ng all-pro Gilas ang lahat ng nakalaban nito.

 

Please follow and like us:
Read More

EROPLANO NAAKSIDENTE; VIETNAMESE ATHLETES STRANDED SA NAIA

naia3

(NI FROILAN MORALLOS)

NA-STRANDED sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga atleta ng Vietnam makaraang magkaroon ng sira ang kanilang sinasakayn na eroplano na maghahatid sa mga ito pauwi ng Vietnam.

Ayon sa report, paalis kanina sa NAIA terminal 1 ang Vietnamese Airlines flight HVN9654 kung saan lulan ang mga atleta ng Vietnam nang masira ang kaliwang bahagi ng leading edge pakpak ng eroplano makaraang tumama ang gilid sa passengers loading bridge.

Dahilan ito upang pigilin o hindi payagan makalipad ang flight sa piniiral na regulasyon ng NAIA.

Kinailangang manatili sa loob ng isang gabi ang eroplano habang inaalam pa ng aircraft accident investigators (AAI) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang napinsala ng eroplano.

Napag-alaman na dumating ang Vietnamese commercial plane sa Manila noong December 10, para sunduin ang Vietnamese participants ng SEA Games upang dalhin pauwi sa kanilang bansa.

Dahil sa nangyaring insedente pansamantalang hinatak ang Airbus A321 at inilagay sa park ng Bay 4 ng NAIA 1 , habang hinihintay ang go signal at imbestigasyon ng AAI sa aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

KICKBOXING ISUSULONG NI TOLENTINO

(NI DENNIS IÑIGO/PHOTO BY MJ ROMERO)

SA pagsasara ng telon kahapon sa 30th Southeast Asian Games,  humabol pa ang national kickboxing team sa pag-ambag sa medal haul ng overall champ Pilipinas.

Sa huling bahagi ng kompetisyon sa Manila cluster Martes ng gabi, humablot ng ginto ang kickboxing team members na sina Gina ‘The Conviction’ Iniong at Jean Claude Saglag sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Taglay ang karanasan na hinubog sa international arena ng pamosong Team Lakay, pinagulong ng Baguio City pride na si Iniong ang karibal na si Mingkwan Api ng Thailand tungo sa 3-0 panalo sa women’s -55kg kick light category gold medal match.

Hindi rin nagpahuli si Saclag,  na mistulang makina sa bilis ang mga paa at kamay at dinaig ang kalaban na si Mahmoud Mohammed ng Malaysia sa kanilang duwelo sa championship match sa men’s -63.5kg low kick category.
Nagdagdag naman ng bronze medal si Cordilleran fighter Karol Maguide matapos magwagi kay Cheuangvanheuang Phan ng Laos sa men’s-51kg full contact category.    “Masaya kami at nakapagambag kami sa kampanya ng Team Philippines. Mahusay din ang mga kalaban namin, talagang nakapaghanda lang kami ng mabuti. Malaki ang pasasalamat namin sa aming mga opisyal, sa pamumuno ni Senator Francis Tolentino,” ani Iniong, nq sumasabak din sa atomweight division ng pamosong ONE FC.

Sa unang pagkakataon ay nilaro ang kickboxing sa biennial meet at naging impresibo ang Pinoy fighters nang pagwagihan ang 3 ginto, 2 silver at 1 bronze sa eight-division tournament.

Lubos namang ikinigalak ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Sen. ‘Tol’ Tolentino ang kahanga-hangang ipinakita ng Pinoy fighters. At dahil dito, isusulong umano niya na regular na maisama ang naturang combat sports sa mga darating na regional meet.

Please follow and like us:
Read More

MATAPOS ANG 14 TAON: PILIPINAS NAKABALIK SA TUKTOK

(NI VT ROMANO)

SA pagtatapos ng 30th Southeast Asian Games, matagumpay na nakabalik ang Pilipinas sa tuktok matapos tanghaling overall champion ng 12-day sports conclave.

Ikalawang beses ito ng Pilipinas, matapos angkinin din ang kampeonato noong 2005 edition na dito rin ginanap.

Kung noong 2005, 113 ginto (85 silvers at 93 bronzes) ang napanalunan ng mga atletang Pinoy, ngayong edisyon ay nakakolekta ang bansa ng 149 golds, 117 silvers, at 119 bronzes mula sa 56 sports events.

Sinimulan nina John Rambo Chicano at Kim Mangrobang ang pagkolekta ng ginto nang mawalis ang men’s at women’s triathlon.

Sinundan ito ng Filipino dancers na nagkamit ng 10 sa dancesport event. Ang nasabing event ay nagbalik sa regional biennial meet makaraan ang 12 taon.

Hindi nagpahuli si world champion gymnast Carlos Yulo nang humugot ng gintong medalya sa men’s all-around event.

Sa unang araw din ng kompetisyon ay nakakolekta ang Pilipinas ng 23 gold medals. Isang medalya lang ang kulang sa kabuuang 24 gold medals na naiuwi ng bansa mula sa 2017 Kuala Lumpur edition.

Nagpatuloy ang pananalasa ng mga Pinoy, muling nakakuha ng ginto si Yulo sa paborito nyang event na floor exercise kinabukasan.

Walang araw na nabokya ang Pilipinas sa gold medal.

Nagsipag-ambag din ang mga pambato sa weighlifting, wushu, taekwondo, swimming, karate, arnis, skateboard, surfing, chess, billiards, cycling, tennis, soft tennis, golf, basketball, obstacle course races at boxing na may pitong ginto, at iba pang events.

Hanggang sa huling araw ng kompetisyon ay nakahirit pa ng 12 golds ang Pilipinas mula sa jui-jitsu, kickboxing at athletics

Bilang centerpiece event, hindi nabigo ang mga kababayan natin nang sumungkit ng 11 ginto ang mga pambato sa athletics.

Binawi ni Fil-Am Eric Cray ang pagkaka-disqualify niya sa 100-meter heat, nang manguna sa 400-meter hurdles (50.21 seconds). Inangkoran din niya ang gold medal finish sa mixed relay team.

Gaya nang inaasahan, wagi rin si Olympic-bound pole vaulter EJ Obiena sa kanyang event.

Nagdeliber din si Kristina Knott nang mag-reyna sa 200-meter dash, bukod pa sa mga record na sinira nito sa heat pa lamang ng nasabing event. Maging ang mga hindi inaasahang maggo-gold na sina Clinton Bautista (110-meter hurdles), Melvin Calano (javelin throw), Aries Toledo (decathlon), Christine Hallasgo (women marathon), at Sarah Dequinan (heptatlon).

Nagdagdag naman ng tatlong ginto ang esports players kahit unang beses pa lamang silang sumabak sa biennial meet.

Matalo na sa lahat huwag lang sa basketball.

Kaya naman hindi lang isa kundi apat na gintong medalya ang sinungkit ng itinuturing na pambansang laro ng Pilipinas.

Sa ika-18 sunod na pagkakataon ay naghari ang Pinoy sa men’s 5×5 event nang talunin ang Thailand, 115-81 sa harap nang may 12,000 manonood na dumagsa sa mall of Asia Arena.

Ngunit ang pinakamalaking tagumpay ay nagmula sa women’s team na nangibabaw kontra Thailang, 91-71, sa kanilang final showdown.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nanalo ang Pilipinas sa women’s basketball event ng Games.
Nauna rito, hinablot din ng Pilipinas ang ginto sa 3×3 event. Tinalo nina CJ Perez, Chris Newsome, Mo Tautuaa at Jason Perkins ang Indonesia, 21-1.

Panalo rin ng ginto ang women’s team nina Afril Bernardino, Jack Animam, Clare Castro at Janine Pontejos laban sa Thailand, 17-13.

Ang tagumpay ng mga atleta ay sapat na upang matakpan ang hindi magandang balitang naglabasan bago pa man magsimula ang palaro.

Tunay na mga bayani ang mga atletang Filipino.

Please follow and like us:
Read More

30th SEA GAMES DINOMINA: 7 GOLDS HINABLOT NG PINOY BOXERS

(NINA VT ROMANO, DENNIS INIGO/PHOTO BY MJ ROMERO)

KINUMPLETO ni Eumir Marcial ang dominasyon ng Pilipinas sa boxing event ng 30th Southeast Asian Games.

Ito’y matapos angkinin ang ikapitong gold medal kasunod ng knockout win laban kay Nguyen Manh Cuong ng Vietnam ng kanilang welterweight bout sa PICC Forum.

Bukod kay Marcial, sumuntok din ng ginto sina Carlo Paalam, Rogen Ladon, James Palicte, at Charly Suarez sa men’s division, habang sa women’s side nman sina and Josie Gabuco at world champion Nesthy Petecio ang nagdeliber.

Pinaglaruan lang ni Marcia ang nakatunggaling Vietnameses sa pamamagitan ng 71 segundo (1st round technical KO) para kunin ang panalo.

Umani naman ng maraming papuri si Marcial matapos maibulsa ang ikalawa niyang SEAG gold medal.

Nalampasan ng Pinoy boxers ang 2-gold medal haul na naiuwi noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.

Ang Philippine boxing team ay kumulekta ng walong ginto nang ihost ng Pilipinas ang biennial meet noong 2005.

Nagsilbing magandang buena-mano para sa team Phl ang panalo ni Paalam nang magtala ng unanimous decision win laban kay SEA Games champion Langu Kornelis Kwangu ng Indonesia sa light flyweight category.

Agad itong sinundan ng panalo ni Ladon laban kay Yaodam Ammarit ng Thailand sa flyweight.

Sinungkit naman ni Gabuco ang kanyang ikalimang SEAG gold nang manaig sa women’s light flyweight.

Nanaig din si Petecio kontra Oo Nwe Ni ng Myanmar sa women’s fetherweight class.

Sina flyweight Irish Magno, lightweight Risa Pasuit at welterweight Marjon Piañar ay nakuntento sa silver medals.

Please follow and like us:
Read More

INIONG AT SAGLAG, BUMIGWAS NG GINTO SA SEA GAMES KICKBOXING

KICKBOXING

(Photo: NAISKORAN ni Gina Iniong ang karibal sa solidong atake sa kaagahan ng kanilang duwelo sa women’s -55kg kick light category sa kickboxing competition ng 30th Southeast Asian Games.)

HINDI nagpahuli ang Philippine Kickboxing Team sa combat sports na dinomina ng Pinoy sa 30th Southeast Asian Games.

Sa huling araw ng kompetisyon sa Manila cluster ng biennial meet nitong Martes ng gabi, tinuldukan ng Philippine Kickboxing Team ang matikas na kampanya sa napagwagihang gintong medalya nina Gina ‘The Conviction’ Iniong at Jean Claude Saglag sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Taglay ang karanasan na hinubog sa international arena ng pamosong Team Lakay, nadomina ng Baguio City pride na si Iniong ang karibal na si Mingkwan Api ng Thailand tungo sa 3-0 panalo sa women’s -55kg kick light category gold medal match.

Hindi nagpahuli si Saclag na mistulang makina sa bilis ang mga paa at kamay para pigilan na makaporma ang karibal na si Mahmoud Mohammed ng Malaysia sa kanilang duwelo sa championship match ng men’s -63.5kg low kick category.

Nagdagdag naman ng bronze medal si Cordilleran fighter Karol Maguide matapos magwagi kay Cheuangvanheuang Phan ng Laos sa men’s-51kg full contact category.

“Masaya kami at nakapag-ambag kami sa kampanya ng Team Philippines. Mahusay din ang mga kalaban namin, talagang nakapaghanda lang kami ng mabuti. Malaki ang pasasalamat namin sa aming mga opisyal, sa pamumuno ni Senator Francis Tolentino,” pahayag ni Iniong, sumasabak sa atomweight division ng pamosong ONE FC.

Sa unang pagkakataon na nilaro ang kickboxing sa biennial meet, impresibo ang Pinoy fighters sa napagwagihang 3 ginto, 2 silver at isang bronze sa eight-division tournament.

Walang pagsidlan naman ang kasiyahan ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Senator Francis ‘Tol’ Tolentino sa kahanga-hangang kampanya ng Pinoy fighters sa kabila ng katotohanan na bago pa lamang na nabubuo ang kickboxing association, kumpara sa karibal na bansa na may nilalaro nang pro tournament.

“Kumpara sa ibang atleta ng ibang mga bansa, bagito tayo pagdating sa laro na ito, pero pinatunayan ng mga manlalaro natin na ang Pinoy, hindi magpapatalo at lalaban hanggang dulo,” pahayag ni Tolentino.

Inamin ni Tolentino na kailangang doblehin ang kanilang programa, higit sa aspeto ng grassroots sports development upang mas maihanda ang koponan sa susunod na SEA Games na gaganapin sa Ho Chi Mi, Vietnam sa 2021, gayundin ang posibilidad na makapasok ang sports bilang regular sports sa Asian Games sa 2022 sa China.

“Nandito naman ang lahat ng representatives ng Sea Games Federation. We’re united for the inclusion of kickboxing in Vietnam edition and hopefully makasama na rin tayo sa Asian Games.”

“Palalakasin natin ang ating programa, kaya kakausapin namin ang DepEd para maisama ito sa Palarong Pambansa para maenganyo naman ang mga kabataan na magsanay at lumahok din dito. Hopefully, makombinsi rin natin ang mga collegiate league na maisama ang sports sa kanilang programa,” pahayag ni Tolentino.

Please follow and like us:
Read More

PINOY KICKBOXERS, WAGI NG ISANG GINTO AT 2 SILVER SA SEA GAMES

SKP-3

TINUPAD ng Pinoy kickboxers ang pangako na makapag-aambag ng medalya sa Team Philippines sa nasungkit na isang ginto at dalawang silver Lunes ng gabi sa unang araw ng final round sa kickboxing event ng 30th Southeast Asian Games sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Dumagundong ang hiyawan ng crowd na walang humpay ang pagsuporta sa Nationals matapos makamit ni Jerry Olsim ang unang gintong medalya para sa Team Philippines sa martial arts discipline na kauna-unahang nilaro sa biennial meet.

Ginapi ng pambato ng Benguet ang karibal na si Klinming Sarayut ng Thailand via decision sa -69kg kick light category.

Kinapos naman sina Jomar Balangui at Raquel Daquel sa kani-kanilang weight division finals match laban sa Vietnamese opponents.

Naungusan si Dacquel ni Nguyen Thi Hang Nga, 1-2, sa women’s -48kg full contact, habang nagapi si Balangui ni Phan Ba Hoi, 1-2, sa  men’s -54kg low kick.

May dalawang pagkakataon pa ang Pinoy na makasungkit ng gintong medalya sa pagsalang nina internationalist Gina ‘The Conviction’ Iniong  at  Benguet pride Jean Calude Saclag sa finals ng women’s -55kg kick light category at men’s -63kg. low kick class.

Malugod ang pagbati ni Samahang Kick-boxing ng Pilipinas (SKP) president Senator Francis ‘Tol’ Tolentino sa kampanya ng mga atleta na aniya’y nagpamalas ng katatagan at kahusayan sa harap ng sambayanan.

“Nakita naman natin na talagang lumaban tayo, hindi natin ito expertise pero nakipag-laban ang mga manlalaro natin. Congratulations sa mga nanalo. Pahuhusayan pa natin sa susunod,” pahayag ni Tolentino.

Please follow and like us:
Read More

UNANG GOLD SA PHL BOXERS NASUNGKIT NI PAALAM

TINIYAK ni Carlo Paalam na hindi na makakawala sa kanyang mga kamay ang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games nang magwagi via unanimous decision kontra  Langu Kornelis ng Indonesia sa men’s lightweight division kahapon sa PICC Forum.

Ito ang unang gold medal ng Pinoy boxer sa biennial meet, bagama’t nakapaguwi siya ng bronze medal mula sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, si Paalam ang tanging Filipino boxer na hindi nakapaguwi ng medalya kaya’t napakatamis para sa kanya ang naturang panalo.

“Sobrang saya siyempre, nadaya ako dati sa Malaysia, so salamat sa Panginoon talaga kasi binigay niya ang best ko sa taas ng ring,” ayon kay Paalam.

 

Please follow and like us:
Read More

PHL WOMEN’S GOLF TEAM, NAKA-GOLD

WALA man ang pambato ng Philippine women’s golf team na si Yuka Saso, nagawa pa rin ng koponan na manalo ng gold medal sa nasabing event, Linggo sa Luisita Golf and Country Club.

Hindi naging problema kina Bianca Pagdanganan, Lois Kaye Go at Abegail Arevalo na dispatsahin ang kanilang nakalabang Malaysians sa Games golf team event makaraang umiskor ng 136, kumpara sa 140 lang ng kanilang kalaban.

Si Arevalo ang pumalit kay Saso, ang 18-year-old Filipino-Japanese star na nakasama nina Pagdanganan at Go na naka-gold medal sa nasabi rin event sa 2018 Asian Games.

Hindi nakasama sa 30th SEA Games si Saso dahil may din siya sa Japan Ladies Professional Golf Association (LPGA).

Nanguna para sa panalo ng Phl women’s golf team si Pagdanganan, na una nang naka-gold sa individual stroke play.

“I knew that Bianca won her match in the 16th hole and I was on 17th and all I had to do was tie,” ani Go sa kanyang closeout game.

“Obviously, it was so nerve-racking because Ashley is a great player. Like anything can happen in match plays, so I decided to stick to my game plan,” dagdag niya.

Please follow and like us:
Read More

OBIENA NAGTALA NG BAGONG SEAG RECORD

HINDI binigo ni pole-vaulter EJ Obiena ang mga kapwa Pinoy na sumusuporta sa kanya nang talunin ang ginto sa nasabing event na ginanap sa Athletics Stadium sa Capas, Tarlac nitong Sabado.

Gumawa rin ng bagong SEA Games record ang Olympic qualifier sa kanyang tinalon na 5.45 meters.

Ang dating SEAG record ay 5.35 na naitala ni 2017 champion Porranot Purahong ng Thailand.

Please follow and like us:
Read More

DOUBLE GOLD KAY DIDAL

(NINA DENNIS IÑIGO, VT ROMANO)

MISSION accomplished sa 30th Southeast Asian Games ang pambato sa skateboarding ng bansa na si Margielyn Didal nang kunin ang ikalawang ginto sa women’s street skateboarding event sa Tagaytay Extreme Sports Complex, nitong Sabado.

Dinomina ng Asian champion ang naturang event nang makatipon ng kabuuang 12.7 points para sa gold medal finish.

Gaya sa women’s Game of S.K.A.T.E., nakuha ng Pilipinas ang 1-2 win sa women’s street skateboarding nang pumangalawa sa kanya ang ka-teammate na si Christiana Means para sa silver medal.

Tumapos si Means na may 7.3 points, kasunod ang bronze winner na si  Kyandra Susanto ng Indonesia na kumolekta ng 4.0 points.

Ang gold win ni Didal ang ikatlo sa mga gintong napanalunan ng bansa sa skateboarding makatapos din manalo si Daniel Ledermman sa men’s Game of S.K.A.T.E. event noong nakaraang Huwebes.

Please follow and like us:
Read More

WOMEN’S BEACH VOLLEY, NAKA-BRONZE

(NI VT ROMANO)

HINDI hinayaan ng Philippine women’s beach volleyball team na mabokya sa medalya, nang dominahin nito ang Singapore at angkinin ang bronze medal sa Subic, Zambales kahapon.

Tinalo ng tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang pambato ng Singapore na sina Serene Ng at Ee Shan Lau, 21-17, 21-13 sa unang laro.

Sinundan ito ng panalo nina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez laban kina Eliza Chong at Gladys Lee, 21-18, 21-16.

Ang Pilipinas, sa pamamagitan nina Heidi Ilustre at Diane Pascua ay huling nanalo ng medalya sa beach volleyball noong 2005 SEA Games.

 

Please follow and like us:
Read More

GOLD KAY COMALING

(NI DENNIS IÑIGO)

NAGWAGI ng ginto ang isa sa mga ipinagmamalaki ng Ormoc City na si Michael Comaling sa men’s beach triathle in modern pentathlon sa 30th Southeast Asian Games.

Si Comaling, isa sa prized discoveries sa pentathlon stable ni Ormoc City mayor Richard Gomez, ay nagsumite ng 17 minuto at 8.87 segundo sa four-target laser pistol shooting/50-meter swim at 800m run race at tinalo si Phurit Yohuang ng Thailand (17:19.83).

Pumangatlo naman si Muhammad Taufik (17:37.76) ng Indonesia, nanguna sa men’s beach laser run noong Huwebes.

“I have fast hands and was relaxed in the swim,’’ ani Comaling matapos ang kanyang panalo.

Please follow and like us:
Read More

PAGDANGANAN NAKA-GINTO

(NI ANN ENCARNACION)

GUMAWA ng sariling marka sa 30th Southeast Asian Games ang golfer na si Bianca Pagdanganan nang maka-ginto sa women’s individual play kahapon sa Luisita Golf and Country Club sa Tarlac.

Matatandaan na si Pagdanganan ay kabilang sa Philippine women’s team na nanalo ng ginto sa 2018 Asian Games sa Jakarta.

“We knew that Bianca would be able to catch up in the closing holes as she’s always proven to do when she’s behind,” ani National Golf Association of the Philippines president Martin Lorenzo.
Napunta kay Kan Bunnabodee ng Thailand ang silver, habang sa isa pang Thai na si Pimnipa Panthong ang bronze.

Please follow and like us:
Read More

HERO’S WELCOME KAY CASIMERO

(NI DENNIS IÑIGO)

HABANG nakatutok ang pansin ng sambayanan sa paghataw ng mga atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games, tahimik na dumating sa bansa mula sa matagumpay na kampanya sa Birmingham, England si John Riel ‘Quadro Alas’ Casimero,  ang bagong World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion.

Sa pangunguna nina Chair Abraham ‘Baham’ Mitra, at Commissioners Mar Masanguid at Ed Trinidad ng Games and Amusement Board (GAB),  ginawaran si Casimero ng ‘hero’s welcome’ kahapon kasama ang mga empleyado at tagasuporta sa GAB office sa Makati City.

Naging impresibo ang panalo ni Casimero via third round technical knockout laban sa pamosong si Zolani Tete ng South Africa noong Linggo (Lunes sa Manila) sa Arena Birmingham sa England.

Itinigil ng referee ang laban,  may 2:14 pa ang nalalabi sa orasan,  at idineklarang bagong WBO bantamweight champ si Casimero.

Napahanay siya ngayon sa listahan ng mga Pinoy na nakapagwagi ng world title sa tatlong weight division– IBF World Light Flyweight, IBF World Flyweight, at WBO Bantamweight.

Ikinalugod naman ni Casimero ang ibinibigay na suporta at pagkalinga ng GAB sa mga Pinoy fighter, higit sa mga nagsisimula pa lamang magkaroon ng pangalan.

Ayon kay Mitra, nakikipag-usap na ang kampo ni Casimero para sa posibleng ‘unification fight’ kay Naoya ‘Monster’ Inoue ng Japan lalo’t naipahayag na rin ni WBO President Francisco ‘Paco’ Valcarcel ang pagnanais na maisagawa ang superfights sa world body.

Please follow and like us:
Read More

NAKAGINTO SA FENCING

SA wakas ay nakakuha na rin ng gintong medalya ang Pilipinas sa fencing nang mag-rally si   Jylyn Nicanor para sa 15-14 win kontra Diah Permatasari ng Indonesia sa women’s individual sabre sa World Trade Center.

Kinailangan pang rebyuhin ng judge ang huling puntos bago idineklarang panalo si Nicanor, na napaiyak sa labis na kaligayahan.

Isa pang Pinoy, si Noelito Jose, ay naka-bronze lang matapos matalo, 9-15, sa nakalabang si Tien Nhat Nguyen ng Vietnam sa semifinals ng men’s individual foil.

Mayroong 1-2-3 gold-silver-bronze tally sa kasalukuyan ang Philippine fencing team.  EBG

 

Please follow and like us:
Read More

PRADO PANALO NG GINTO

(NI ANN ENCARNACION)

IBINUHOS ni Jermyn Prado ang lahat ng kanyang lakas upang masungkit ang inaasam na ginto sa women’s individual road race ng cycling event sa 30th Southeast Asian Games na Tagaytay City.

Tinawid ni Prado ang matarik na ruta mula sa Nasugbu, Batangas tungo sa Praying Monument sa ituktok ng Tagaytay City sa loob ng 44 mintuo, 44.742 segundo upang hablutin ang karagdagang gintong medalya para sa bansa at kinaaanibang Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling).

Muling nakuha ng isang Pinay ang naturang karangalan na unang inuwi ni Marella Salamat noong 2015 Singapore SEA Games.

Pumangalawa si Luo Yiwei ng Singapore sa oras na 44:48.518 habang ikatlo si Somrat Phetdarin ng Thailand sa 44:58.152 oras.

Kinailangan ni Prado na itulak ang sarili sa pinakahuling 23.1-kilometro ng race course upang maunahan ang mga kalaban, bago tuluyang nagkolaps pagdating sa finish line.

“Tinodo ko na po eh. Sobrang hirap. Pero paid off lahat ng sakripisyo po namin. Sobrang saya po,” sabi ni Prado, na miyembro ng Philippine Navy-Standard Insurance Continental Team.

Si Prado ang ikatlong nakapagwagi ng gintong medalya sa cycling. Nauna nang nagwagi sina Lea Denise Belgira at John Derick Farr sa mountain bike event.

Please follow and like us:
Read More

DIDAL, AOM NG TOPS

Margielyn Didal-2

(NI DENNIS IÑIGO)

ITO na ang pinakamatamis na sandali para kay Asian Games champion Margielyn Didal, napagwagian ang back-to-back titles sa Netherlands at California, USA tungo sa kanyang inaasam na mag-qualify sa Tokyo Olympics.

Sinorpresa ni Didal ang pinakamahuhusay na female park skaters sa mundo upang pamunuan ang first-ever Ladies Day Skate competition sa Berrics sa The Netherlands.

Kinumpleto ng 20-anyos na ipinagmamalaki ng Cebu City ang mga karangalan kung saan ay naidepensa nito ang kanyang korona sa 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships na ginanap sa Huntington Beach, California, USA.

Ang back-to-back triumphs ang naging hagdan ni Didal upang mapasakamay ang “Athlete of the Month” honor para sa Nobyembre na nagkakaisang iginawad ng mga miyembro ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Ito ang unang pagkakataon na ipibagkaloob ng TOPS ang napakahalagang rekognisyon kay Didal, ang pinakabagong organisasyon na kinabibilangan ng sports editors, reporters at photographers mula sa mga pangubahing tabloids sa Pilipinas.

“Like many other great Filipino athletes,  Margielyn made all of us proud to be Filipinos,” saad ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.

“Her success serves as an inspiration to the Filipino youth who hope to make a difference in the wonderful world of sports,” sabi ni Andaya.

Kinunsidera din para sa monthly award ng TOPS sina basketball superstar Jack Danuelle Animam ng UAAP champion  National University at GM Rogelio Barcenilla,  Jr. , na pinamunuan ang “Battle of GMs” chess championship.

Ang mga nakalipas na TOPS monthly awardees ay sina Manny Pacquiao (January), Jasmin Mikaela Mojdeh (February), Natalie Uy (March), Obiena (April), June Mar Fajardo (May), ang Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July), Antonella Berthe Racasa (August)  Obiena (September) at Caloy Yulo (October).

Ang TOPS ang siya ring presentor ng “Usapang Sports”, ang weekly forum na ginaganap sa National Press Club at suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks na may livestreaming mula sa Glitter Livestream. Samantala, si Didal at kapwa Pinay na si Christiana Meas ang maglalaban sa final round ng street skateboarding ngayon, (Huwebes).

Ito’y matapos talunin ni Didal sa semifinal round ang nakalabang si Nyimas Cinta ng Indonesia, habang dinispatsa naman ni Means ang Indonesian din na si Kyandra Susanto.

 

Please follow and like us:
Read More