MERCADO, DINAGIT NG PHOENIX

Solomon Mercado

KASUNOD ni Brian Heruela, kumuha ng isa pang veteran guard ang Phoenix sa katauhan ni Solomon Mercado ng NorthPort. Bilang kapalit ni Mercado, mapupunta sa Batang Pier sina LA Revilla at Rey Guevarra. Nauna nang tinrade ng Fuel Masters si Ron Dennison sa Blackwater para sa 30-anyos na si Huruela. Umaasa ang Phoenix na makatutulong ang mga bagong player nila, lalo na ang tried and tested sa playoffs at finals na si Mercado, sa all-Filipino campaign ng koponan. Matatandaang nakabilang ang 35-anyos na si Mercado sa tatlong title runs ng…

Read More

RETIRADONG BOKSINGERO TUTULUNGAN NG GAB

boxing gloves

KARAGDAGANG benepisyo sa mga propesyunal sa sports athletes ang sentro ng programa sa 2020 ng Games and Amusement Board (GAB) upang mas mapaangat pa ang karera at kabuhayan ng mga ito, kabilang ang mga retiradong boksingero. Kabilang na dito ang maalamat na sina Erbito C. Salavarria at Luisito ‘Lindol’ Espinosa. Nabatid kay GAB Chairman Abraham “Baham” Mitra, gagawin ng ahensiya ang lahat upang mas mapangalagaan at mabigyan ng seguridad ang mga propesyunal na atleta sa kanilang paghahanda, habang lumalaban at matapos ang kanilang career. “Sa ngayon po ay nakikipag-usap na…

Read More

IKA-3 PANALO KINUBRA NG GINEBRA

SOPRESANG naglaro ang injured na si Raymond Almazan ng Meralco ngunit hindi ang naging resulta ng Game 4 na walang hirap na kinolekta ng Barangay Ginebra, 94-72, Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Lamang na ngayon ng dalawang laro ang Gin Kings, 3-1, at nangangailangan na lang isang panalo upang muling makuha ang PBA Governors’ Cup title. “Obviously, Raymond Almazan’s injury changed the complexion of the series. He showed a lot of courage playing but we all know he’s not playing 100 percent,” sabi ni Ginebra coach Tim Cone…

Read More

MERALCO-GINEBRA 1-1 NA

GAYA ng kanilang pangako, bumawi ang Meralco at itinabla ang serye kontra Barangay Ginebra, 1-1, Biyernes sa Quezon Convention Center sa Lucena.  Nagkaalaman lamang ng nanalo sa huling mga segundo ng laro kung saan nakaungos ang Bolts kontra Gin Kings, 104-102, sa Game 2 ng PBA Governors Cup best-of-seven finals.  Hindi gaya sa Game 1, kumonekta ang mga tira ng Bolts lalo sa three-point area, kung saan umukit sila ng franchise-record na 16 triples na naging sandata nila para lumamang ng 19-puntos sa halftime.  Bumalikwas ang Ginebra sa third quarter…

Read More

ANCAJAS, RODRIGUEZ TULOY ANG BAKBAKAN

Ancajas VS Rodriguez-2

MAGKAKASUBUKAN na ng husay at lakas sina IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas at Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico. Ayon kay MP Promotions president Sean Gibbons, nakatakdang magharap sina Ancajas at Rodriguez sa MGM Grand sa Las Vegas bilang main undercard ng Tyson Fury-Deontay Wilder grudge rematch sa Pebrero 23 (Manila time). Kung matatandaan, ang 28 anyos na si Ancajas ay dapat sanang magdepensa kay Rodriguez noong Nobyembre 2. Subalit kinansela ang laban nang mabigong makakuha ng US visa ang Mexican boxer. Bunga nito, napilitan si Ancajas na dumayo sa…

Read More

MAS BATANG GILAS PINABORAN NG SBP

PBA-SBP

MAYROONG 11 PBA players at 13 collegiate at rookies ang kasama sa 24-man Gilas Pilipinas pool na maghahanda para sa first window ng qualifiers para sa 2021 FIBA Asia Cup. Nagkasundo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) na mula rito ay pipili ng Final 12 na kakatawan sa Pilipinas na lalaban sa Indonesia at Thailand sa Pebrero. Kabilang sa PBA stars sina Japeth Aguilar, Kiefer Ravena, CJ Perez, Fil-German Chirstian Standhardinger, Ray Parks, Poy Erram, Roger Pogoy,  Mac Belo, Matthew Wright, Troy Rosario at Marc…

Read More

GINEBRA DOBLE-KAYOD SA GAME 2

coach tim cone-2

KAHIT pa may bentahe bilang crowd-favorite, tanggap ni Barangay Ginebra coach Time Cone na kailangang kumayod ng husto ang kanyang players upang makuha ang pangalawang sunod na panalo sa kanilang PBA Governor’s Cup Finals best-of-seven series ng Meralco Bolts. Tatangkain ng Gin Kings na makaungos ng dalawang laro laban sa Bolts sa Game 2 na gaganapin alas-7 ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena, Quezon. Aminado si Cone na parang ping-pong ang magiging takbo ng laro ng dalawang koponan at tanging sa huling tagpo na lang magkakaaalaman ng magiging…

Read More

NABONG, ITINAPON NG BEERMEN

Kelly Nabong

TULUYAN nang pinagsarhan ng pinto ng San Miguel Beer ang big man na si Kelly Nabong makaraang i-trade ito sa NorthPort. Bilang kapalit ay makukuha ng Beemen ang young forward na si Russel Escoto mula sa Batang Pier. Napunta sa San Miguel ang 6-foot-6 na si Nabong noong Hunyo 2018 at natulungan ang koponan na makuha ang 2019 All-Filipino at Commissioner’s Cup titles. Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin nang siya, kasama sina Arwind Santos at Ronald Tubid ay napatawan ng indefinite suspension ng SMB  noong Nobyembre makaraang madawit…

Read More

DAVIS, WALANG PLANONG MAGTAGAL SA LAKERS

Anthony Davis-3

WALANG plano si Anthony Davis ng Los Angeles Lakers na magtagal sa nasabing koponan. Ito ay kung pagbabasehan ang pagtanggi niya sa $146 million maximum extension offers ng Lakers. Nabatid na nais ni Davis na maging unrestricted free agency pagdating ng Hulyo. Mayroong $28.7 million player option sa 2020-21 NBA season ang bagong superstar ng Lakers. Ngayong season ay naga-average siya ng 27 points, 9 rebounds, 3 assists at 2 blocks. Samantala, nagkaroon ng bruised sacrum si Davis makaraang patihayang bumagsak matapos niyang tangkaing i-block si Julius Randle ng New…

Read More

BRAVES SINILABAN NG ALAB

Pilipinas-Taipei-2

AGAD bumangon ang San Miguel Alab Pilipinas mula sa bangungot na talo sa Macau nang magwagi laban sa Taipei Fubon Braves, 101-96, sa ASEAN Basketball League, Martes sa Filoil Flying V Centre, San Juan. Inakay sa panalo ng Fil-Am na si Jeremiah Gray ang Alab Pilipinas nang kumamada ng 10 sa kauuang 17 puntos niya sa fourth quarter at dinagdagan pa ito ng anim na assists at limang rebounds. Halos isang minuto na lang ang nalalabi sa laro nang pumasok ang tres ni Gray para ilayo ng bahagya ang Alab,…

Read More

RAY ALEXANDER BIBIGYAN NG TRIBUTE NG WSC 2020

(NI DENNIS IÑIGO) MAGSISIMULA na naman ang pinakaaabangang “Olympics of Sabong” o World Slasher Cup 2020 ngayong buwan. Ang taunang 9-cock invitational international derby ay papagaspas sa Enero 20 hanggang 26 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum, bagong rebranded na Araneta City sa QC. Sa taong ito, maliban sa tagisan ng mga pinakamahuhusay na local at international fowl fighters at cockers sa ruweba, bibigyan din ng tribute ang kinikilalang legendary gamefowl breeder na si Ray Alexander. Si Alexander na namayapa noong Hulyo 2019 sa edad na 82 ay isa sa nagpasimula…

Read More

2020 TOKYO OLYMPICS: 70 PINOY ATHLETE SASABAK SA QUALIFYING EVENTS

(NI ANN ENCARNACION) MAHIGIT 70 atletang Pinoy ang sasabak sa qualifying events para sa 2020 Tokyo Olympics mula sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs). Sa Hulyo 2020 na ang 2020 Tokyo Olympics kaya nagkukumahog na ang mga pambansang atleta na makapasa sa qualifying events para sa pinaka-prestihiyosong sports tournament sa buong mundo. Target ng Pilipinas na makapagpadala ng maraming Filipino athletes sa kada apat na taong torneo kasunod ng matagumpay na kampanya sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, kung saan naging overall champion ang bansa. Pitong weightlifters, sa pangunguna…

Read More

SINONG GARCIA ANG MAUUNA VS PACQUIAO?

(NI VT ROMANO) SINA Danny at Mikey Garcia ay dalawa lamang sa mga boksingerong nangangarap makaharap si eight-division world champion Manny Pacquiao ngayong 2020. At may dalawang dahilan iyon: Kumita ng milyon at tawagin ding alamat sakaling sila ay manalo. Si (Danny) Garcia ay umaasang pipiliin siya ng 41-anyos na WBA welterweight super champion bilang susunod nitong kalaban. “In order to become a legend, you’ve gotta beat the legend,” lahad ni Garcia (35-2, 21 KOs) sa panayam ng boxingscene. “You know, Manny Pacquiao’s had an incredible career. Being 40 years…

Read More

CARRASCO ‘DI PA LUSOT SA GUSOT NG SEA GAMES

(NI DENNIS IÑIGO) NAGTAPOS na ang kontrata ni executive director  Tom Carrasco sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc). Ngunit hindi ang mga usapin kaugnay sa mga samu’t saring isyu patungkol sa mga kontrobersya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na patuloy na naghihintay ng kasagutan. Tuluyang nagsara ang pintuan ng Phisgoc kay Carrasco, isa sa mga pangunahing personalidad ng organizing committee ng SEA Games, noong Disyembre 31, 2019. Sa kabila ng tagumpay ng Filipino athletes at muling pagiging overall champion ng bansa sa SEAG, patuloy na kinukwestyon ng…

Read More

KINABUKASAN NG PINOY JINS NASA KAMAY NG PTA

(NI ANN ENCARNACION) NASA kamay ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kapalaran ng national jins na nangangarap mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics. Magkakaroon ng taunang general assembly ang PTA  bukas ng alas-9 ng umaga sa San Andres Coliseum sa Malate, Manila na dadaluhan ng tinatayang 400 regional heads , coordinators at instructors, at taekwondo officials mula sa AFP at PNP. Pangungunahan nina PTA top officials, Grandmasters Sung Chon Hong, Monsour Del Rosario at 30th SEA Games deputy chef de mission Stephen Fernandez, ang general meeting kung saan pag-uusapan ang pagpili…

Read More

NO BRIGHT, NO PROBLEM  

(NI DENNIS IÑIGO) MULING nagliwanag ang kinabukasan para sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa pag-alis ng kanilang sentro na si Bright Akhuetie, na nakatakdang gumradweyt sa susunod na taon. Ito ay dahil sa nakatakdang paglipat sa Diliman ng 6-foot-11 na si Maodo Malick Diouf. Ayon sa ulat ng Spin, pumayag na ang Centro Escolar University na mag-tansfer sa UP ang 20-anyos na Senegalese. Si Diouf ay may record na 16.7 points at 46-percent shooting, 19.5 rebounds, 3.3 assists, 2.9 blocks, 2.0 steals sa kanyang paglalaro sa CEU…

Read More

PBA, BUBUO NG 3×3 LEAGUE

(NI ANN ENCARNACION) IPAGPAPATULOY  ng Philippine Basketball Association (PBA) ang matagumpay na 3×3 basketball sa pagbuo ng isang liga na sisimulan nito sa gaganaping draft sa Pebrero 2020. Ayon sa social media post ng PBA, bubuksan ang rehistrasyon para sa mga aspiring  players sa gaganaping PBA 3×3 sa Pebrero 17. Mga basketball player na edad 17-anyos pataas, Filipino o may lahing Pinoy ang maaaring sumali sa draft. Para sa mga interesadong sumali, dapat na magsumite ng application form, original Philippine Statistics Authority (PSA) issued birth certificate, certificate of recognition mula…

Read More

WANTED, BAGONG GILAS COACH

(NI ANN ENCARNACION) KAHIT naipanalo pa ang Gilas Pilipinas ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, walang balak si Barangay Ginebra coach Tim Cone na mag-extend sa kanyang national duty. Iginiit ni Cone na “one and done” ang pagiging Gilas coach niya. “I was told at the start that I will be some sort of a caretaker for the national team that will be playing for the Southeast Asian Games,” paliwanag ni Cone. Idinagdag niya na may inihahanda nang programa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa susunod na…

Read More

DIAZ, DIDAL NAMUMURO SA 2020 TOKYO OLYMPICS

(NI ANN ENCARNACION) MALIBAN kina pole vaulter Ernest John Obiena at artistic gymnast na si Carlos Edriel “Caloy” Yulo na pasok na sa 2020 Olympics, namumuro na rin na sumunod sa kanila sina weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal. Ayon kay Philippine Sports Institute (PSI) chief at Philippine Sports Commission (PSC) National Training Director Marc Edward Velasco, konting tulak na lang ang kailangan  nina Didal at Diaz upang magkuwalipika sa kada apat na taong multi-sports tournament. “Hidilyn (Diaz) needs to participate in two more international tournament to be assured…

Read More

BROWNLEE SABIK NANG MAGKAMPEONG MULI

(NI DENNIS IÑIGO) GAYA nang inaasahan, hindi na pinaporma ng Barangay Ginebra ang NorthPort at tinapos ito, 120-107, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series Biyernes ng gabi. At dahil wala nang PBA game sa Pasko, mahaba-haba ang magiging bakasyon ng Gin Kings dahil Enero 8 pa magsisimula ang 2019 Governor’s Cup finals. Magkasunod na taon na pinagharian ng Kings ang season-ending conference noong 2016 at 2017, ngunit noong 2018 ay nasilat sila ng Magnolia nang talunin sila sa four games sa semifinals. Kaya sobrang motivated ang resident import…

Read More

PONDO NAUBOS; 2019 ASEAN PARAGAMES INIATRAS

(NI ANN ENCARNACION) NAUBOS ang pondo sa 30th Southeast Asian Games kaya’t imbes na Enero ay sa Marso 2020 na gagawin ang kakambal na torneo nito, ang 2019 ASEAN ParaGames. Ito ang malungkot na inamin ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez kahapon kaugnay sa paghohost ng bansa sa ika-10 edisyon ng Asean Para Games. “We received a memorandum asking us to fund the Asean ParaGames,” sabi ni Ramirez. “Concern is wala na kami maibibigay pa sa paghohost natin because we spent most of our funds for the…

Read More

GINTO SA 2020 OLYMPICS TARGET NG PHL ATHLETES

(NI ANN ENCARNACION) MATAPOS ang matagumpay na kampanya sa Southeast Asian Games, target naman ng mga atletang Filipino ang 2020 Tokyo Olympics. Optimistiko ang 387 national athletes na nanalo ng medalya sa 30th SEA Games na may tsansa silang maka-gintong medalya sa pinapangarap ng lahat ng mga atleta sa mundo na Olympics. Personal na humarap ang mga naturang atleta kay Pangulong Rodrigo Duterte upang magpasalamat sa suporta nito sa kanila sa kada dalawang taong regional tournament kung saan tinanghal na overall champion ang Pilipinas. “Nagpapasalamat po kami sa pagtulong sa…

Read More

ORDER OF LAPU-LAPU AWARD IGINAWAD SA PINOY ATHLETES

(NI ANN ENCARNACION) DAHIL sa tagumpay sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, iginawad sa mga Filipinong atleta ang Order of Lapulapu. Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at si Team Philippines Chef de Mission at Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang nagkaloob ng pambihirang award para sa mga atletang nakatulong upang tanghaling overall champion ang bansa sa katatapos lang na SEA Games. Mahigit 600 medallists sa SEAG ang nagtungo sa Malakanyang para sa awarding of incentives at Order of Lapulapu, ang pinakamataas na karangalan na ibinibigay lamang sa mga…

Read More

AMIT, CENTENO NANALASA SA 2019 WPA WOMEN’S 9-BALL

(NI LOUIS AQUINO) KATULAD  ni Rubilen Amit, pasok na rin si Chezka Centeno sa round of 32 ng 2019 WPA Women’s World 9-ball Championship na ginaganap sa Jinghai International Holiday Hotel & Resort sa Sanya, China. Ang panalo ng 20-anyos na si Centeno laban kay Melanie Suessenguth ng Germany, 7-3, ay matagumpay na bounce-back mula sa pagkatalo kay No. 15 Kristina Tkach ng bansang Russia, 7-5, kamakalawa. Si Centeno, ranked No. 25 sa mundo Centeno ay kapapanalo lang ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games noong nakaraang linggo. Ang…

Read More