LIGTAS NA BUHAY

SAFETY FIRST

Kailangan Laging Handa

(Ni Mac Cabreros / Huling Labas)

TOTOONG sa isang kisap mata ay posibleng mawala ang buhay ng isang tao kung kaya’t kailangan ang matinding pag-iingat upang maiwasan ang panganib hindi lang sa pang-araw-araw na pagtratrabaho  subalit maging sa pang-araw araw na buhay.

Sa trabaho, kailangang ligtas sa mga gawain lalo na sa kaisipan at pangangatawan upang maayos na maisakatuparan ang mga gawain sa lugar na pinaghahanapbuhayan.

Kaya nga sinabi ni Engr. Jimmy Dela Cruz, ng Department of Labor and Employment (DOLE) Accredited occupational safety and health (OSH) specialist and practitioner, dapat ituro sa mga Kurso sa kolehiyo ang OSH para maging ligtas at malusog ang mga manggagawa o yung mga nasa labor industry.

Sinabi rin ni Engr. Dela Cruz na dapat sumailalim sa orientation ang lahat na manggagawa, empleyado at maging ang mga big boss para batid ang papel ng bawat isa upang maiwasan ang disgrasya o trahedya at posibleng maging dahilan para mawala na  tila  bula ang itinayong negosyo o kumpanya.

Ano ang RA 11058?

Sapagkat batid ni Sen. Joel Villanueva ang kalahagahan ng kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa o em­pleyado kaya’t inakda niya ang Republic Act 11058 o An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Stan­dards and Providing Penalties for Violations Thereof.  Noong Mayo 22, 2018, ipinasa ang RA 11058 at nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 17, 2018.

Inilabas naman ng Department of Labor noong Disyembre 17, 2018 ang DO 198-18 naglatag sa Implementing Rules and Regulations at naging ganap na epektibo ang batas nitong Enero 2019 matapos mailathala sa pangunahing pahayagan.

Itinatakda na obligado ang mga employer na bigyan ng libreng personal protective equipment o PPE ang manggagawa o empleyado nito kung saan sasailalim sa mandatory training o orientation hinggil sa safety at health standards na dapat laging pairalin o gawin sa lahat na oras o pagkakataon.

Pinupursige rin na dapat magkaroon ng Safety Officer at First Aider na sumailalim sa seminar ng DOLE at DOLE Accredited na grupo o institusyon; may nurse, dentista at doctor depende sa dami ng empleyado gayundin na hangga’t maari ay magpatayo ng ospital at kung hindi man ay makipagkasundo sa pinakamalapit na ospital para sa pangangailangang emergency.

Nakasaad din dito ang karapatan at papel ng emplo­yer at empleyado. Highlight dito ang karapatan ng manggagawa na gawin ang

iniuutos kapag batid nito (worker) na sobrang delikado o mapanganib

lalo kapag walang nakalatag o hindi nasusunod ang safety standards o procedures.

Itinakda rin ang parusang multa kada bawat paglabag sa itinakdang patakaran at panuntunan na mula P20,000 hanggang P100,000 kada araw, depende sa kadalas at kabigat ng nagawang paglabag.

Please follow and like us:
Read More

BUHAY, ISANG IGLAP

REVIVING

(Ni Mac Cabreros / Unang Bahagi)

HINDI imposible na sa isang kisap mata ay maraming buhay ang mawawala.

Kaya naman napakahalaga ng kaligtasan at kalusugan ng bawat isa lalo na sa lugar ng ating trabaho.

Bunga nito, isinusulong ang pagsama sa curriculum sa lahat ng kurso sa kolehiyo ang occupational safety and health o OSH.

Ayon kay Engr. Jimmy Dela Cruz, Department of Labor and Employment (DOLE) Accredited OSH Specialist at Practitioner, dapat ituro at maging bahagi ng lahat na kurso ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa o  nasa labor industry.

Aniya, magkaugnay ang epekto ng anumang disgrasya o trahedya sa lugi ng kompanya na magreresulta rin sa posibilidad na pagsasara dito.

“Kung ang manggagawa ay hindi sumusunod sa safety standards at naaksidente at madadamay ang iba pang empleyado, maapektuhan ang buong kumpanya o negosyo. Kaya napakahalaga ang OSH dahil sa isang pagkakamali ay posibleng babagsak ang negos¬yo sa isang iglap lamang,” pahayag Engr. Dela Cruz.

Binanggit nito na mas malaking porsyento ang mada¬damay kung saan abot sa 80 porsyento ang indirect cost o lugi kumpara sa 8 porsyentong direct cost o gastos kapag nagkaroon ng disgrasya o trahedya.

“Kung may nasugatan dahil bumagsak ang binubuhusang bahagi ng ginawang gusali, siyempre dadalhin sa ospital – gastos na ‘yan. Paano kung namatay? Di ba mas malaking sakit ng ulo at ng bulsa?” paghahalimbawa Engr. Dela Cruz.

Idinagdag nito na masasakripisyo rin ang kredibilidad ng kompanya ng kontraktor o sub-contractor kapag nangyari ang disgrasya at kapag nagkaganito tiyak na iiwas na o mag-aatubili na ang iba pang investor na kunin ang serbisyo kumpanya.

Idinagdag pa ni Engr. Dela Cruz, dapat sumailalim sa orientation ang lahat na manggagawa, empleyado at maging ang mga big boss para batid ang papel ng bawat isa upang maiwasan ang disgras¬ya o trahedya at posibleng maging dahilan para mawala na  tila  bula ang itinayong negosyo o kumpanya.

“Kailangan na mayroong Safety Officer at First Aid Res¬ponder ang bawat kompanya,” wika pa Engr. Dela Cruz.

Binanggit nito na pinapatupad ngayon ang Republic Act 11058 na magpapalakas sa implementasyon ng OSH at nagtatakda ng mabigat na parusa.

Kasalukuyang nagsasagawa ng seminar sa Basic Occupational Safety and Health si Engr. Dela Cruz.

Please follow and like us:
Read More

PINTO SA PAG-ASENSO

WORLD BANK

Pagpapapogi upang makuha tiwala ng World Bank

(Ni Mac Cabreros)

SA pag-ibig, nagpapaguwapo ang nanini­ngalang-pugad na binata para mapitas ang matamis na ‘OO’ ng sinisintang dalaga.

Sa larangan naman ng negosyo, kailangan ding magpapogi ang gobyerno maging ito ay lokal o nasyunal para mahimok ang mga investor na maglagak ng puhunan at magtayo ng negosyo.

Ganito ang ginawa ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nagdaang mga panahon kaya’t naging mabango ito sa mga investors at nakamit ang pinakamataas na puwesto bilang business friendly kumpara sa mga nagdaang mga taon.

Base sa Ease of Doing Business 2020 report ng World Bank, tumalon ng 29 bahagdan upang umangat ang Pilipinas sa ika-95 pwesto mula ika-124 noong nakaraang taon.

Mula sa 190 ekonomiya sa buong mundo, tinanghal ang Pilipinas na pinakamagandang lugar na pagtatayuan ng negos­yo bunsod ng mga repormang ipinatupad sa nagdaang mga taon.

“The Philippines strengthened minority investor protections by requiring greater disclosure of transactions with interested parties and enhan­cing director liability for tran­sactions with interested parties,” ayon World Bank.

Ayon naman kay Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry, pinalaki ng Pilipinas ang bukas ng pinto para sa mga manga­ngalakal o investors nang alisin ang minimum capital requirement para sa domestic companies at pagluwag sa proseso sa pagkuha ng construction permit at occupancy certificate.

“The vast improvement in the country’s ranking was triggered by higher scores in the following areas: getting credit, protecting minority investors and dealing with construction permits,” ani Lopez.

Umaasa ang Kalihim na lalong gagaganda at babango ang mga bansa sa mga investor sa sunod na taon.

“While not all reforms were accepted by the World Bank in this cycle, we are counting on the newly esta­blished Anti Red Tape Autho­rity (ARTA) to ensure that the agencies continue the EODB reforms already initiated. These reforms must create a positive impact on our stakeholders,” diin Sec. Lopez.

Dagdag pa dito, aniya, ang pagpapatupad sa batas na nagkakaloob ng pautang sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

“The enactment of Republic Act 11057 or the Personal Property Security Act (PPSA) would help propel the Philippines to a higher ranking in the business index for 2021,” pagsang-ayon Finance Secretary Carlos Dominguez.

“With the PPSA in place, MSMEs can register their movable assets, such as inventory with the Land Registration Authority (LRA) and use those assets as collateral in accessing formal sources of financing,” pahayag Dominguez.

“This is among the reforms we are pursuing to further improve our business climate and empower small entrepreneurs.”

Ang RA 11057 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto nakaraang taon para mapalawak ang access sa credit ang mga MSMEs, magsasaka at mangi­ngisda.

Nabatid na itinatakda ng naturang batas na maaring makahiram sa banko ang iba’t ibang sector gamit ang non-traditional collateral gaya ng account receivables, inventory, negotiable instruments, electronic securities, crops, livestock, consumer goods, machinery, equipment at intellectual property rights.

Sa EODB report ng World Bank, tinimbang ang patakaran at panuntanan ng gob­yerno hinggil sa pagsisimula ng negosyo, pagkuha ng construction permit, pagkukunan ng elektrisidad, pagrerehistro ng ari-arian, pagkuha ng credit, proteksyon ng mga maliliit na investor, pagbabayad ng buwis, pangangalakal sa ibang lugar at pagtalima sa kontrata.

“Governments can foster market-oriented development and broad-based growth by crea­ting rules that help businesses launch, hire, and expand,” pahayag World Bank Group president David Malpass nang ilabas ang EODB 2020 report.

“Removing barriers fa­cing entrepreneurs generates better jobs, more tax revenues and higher incomes, all of which are necessary to reduce poverty and raise living stan­dards,” dugtong Malpass.

Sa mata ng mga eksperto, malaking aspeto para pumasok ang investor ay ang kaayusan at kapayapaan sa lugar.

Dahil dito, ginagawa ng gobyerno ang lahat na paraan para mapahupa ang kaguluhan at karahasan sa bansa na gawa ng mga rebelde gayundin na mapagtigil ang mga krimen na gawa ng mga adik.

Nasusukat din ang pagi­ging business friendly ang isang lugar sa dami ng umusbong na kalakal na nakalikha ng maraming trabaho ng mamamayan.

Naitutulak ng mabangong kalakalan ang ekonomiya ng isang bansa.

Napakagandang balita. Pero umaasa ang sambayanan na hindi lamang nakatala sa estadistika o datos kundi maramdaman ang tunay na ginhawang bunga nito.

Please follow and like us:
Read More

KAMANDAG NG LAWAY

rabies-2

Walang dapat maulol, walang kailangang mamatay

(Ni Guillermo Octavio)

NOONG Hulyo, nalat­hata sa Diaryo Bomba na isang lalaki ang nagbigti gamit ang mga pinunit na damit para wakasan na ang kanyang paghihirap matapos makagat ng aso sa Davao City.

Sinabi ng nurse sa  ospital kung saan nilapatan ng lunas ang lalaki, madalas ay nagwawala ito at naging bayolente, isa sa mga senyales ng late stage ng rabies encephalitis o mas kilala sa Pilipinas bilang simpleng rabies, isang malalang sakit na nakukuha mula sa kagat ng aso at iba pang hayop.

Sinadya ng PeryodikoFi­lipino Inc. na hindi babanggitin ang pangalan ng lalaki para iwasang muli ang pamimighati ng kanyang mga maiwang mahal sa buhay. Ang lalaking ito, katulad ng marami ay hindi dapat namatay, nahihirapan, at lalo na nauulol, kung sapat at wasto lamang ang kaalaman.

Ano ang rabies?

Ang rabies ay isang viral disease na kumakalat sa pamamagitan ng mga apektadong hayop.  Maaari itong maisalin sa pamamagitang ng kagat, kalmot o pagkalapit sa may impeksyong laway ng mga apektadong hayop.

Kagat ng aso ang pangunahing pinanggagalingan ng rabies.  Apatnapung  porsyento ng mga tinatamaan nito ay mga batang 14-taong-gulang pababa at tinatayang nasa 250 hanggang 300 Pinoy ang namamatay dito kada taon.

Maiiwasan sana ito, gaya ng naunang nabanggit, kung sapat, at wasto ang kaalaman, sapagkat ang maling impormasyon, kung minsan, ang siyang nakakaulol.

Maling pang-unawa sa rabies

Sa mga gustong mang-bash, hindi na kailangang sumunod pa ang “akala” sa katagang “mali” dahil wala pa namang akala sa kasaysayan ng sangsinukob na napatuna­yang tama.

Kabilang sa mga maling paniniwala sa rabies ay lahat ng aso’t pusa ay isinisilang na may rabies.  Ang mga hayop ay isinisilang na malusog at walang sakit at nahahawa lamang sa mga hayop na mayroon nang rabies.  Marami ring naniniwala na mas mabagsik ang rabies ng mga tuta at ku­ting.  Mali rin ito sapagkat mabagsik ang rabies, tuta man o malaking aso, kuting man o pusang pwede nang maki­paglampungatan.

May mga naniniwala na sa kagat lamang ng hayop maaaring maisalin ang rabies, at ito ay mali rin.  Maaa­ring maisalin ang rabies sa pamamagitan ng kalmot, at ang nakasanayan ng ating mga ninuno na pagpapadila sa ha­yop ng sugat.  Tandaan na nasa laway ng may sakit na hayop ang rabies.

Bukod dito maraming Pilipino pa rin ang sumasampalataya sa “tandok,” o “tambal” o pag-aaalis ng rabies gamit ang sungay ng hayop, at iba pang alternatibong pang­gagamot gaya ng paggamit batong buhay o paglalagay ng bawang sa kagat ng hayop para maiwasan ang rabies.  Paumanhin sa mga naniniwala, ngunit walang sapat na paliwanag ang mga pamamaraang ito batay sa agham, at tanging post-exposure prophylaxis lamang maiiwasan ang rabies makaraang makagat.

Mga dapat tandaan

Ang dapat itanim ng mga mamamayan sa kanilang kukote ay 100% silang matotodas kapag sila ay nagkaroon na ng rabies, sapagkat sa sandaling lumitaw na ang mga senyales nito ay wala na itong lunas.

Kung 100% porsyento mang tiyak ang kamatayan kapag nagka-rabies,  100 % din namang maaaring maiwasan ang rabies sa mga hayop at tao.

Dapat na pabakunahan ang mga alagang hayop. Aso at pusa,  laban sa rabies pag-edad ng tatlong buwan at kada taon matapos ito.  Dapat ding pakaininin ng wasto ang mga alaga, bigyan ng sapat na kalinga at atensyon.

Bukod dito dapat na malinis at komportable ang kulungan o anumang pinananatilihan ng mga alaga at nararapat na tiyaking hindi sila nakagala sa mga kalsada upang maiwasang makapangagat.

Mga dapat gawin sanda­ling makagat ng hayop

Sa sandaling makagat ng hayop, dapat hugasan ang sugat gamit ang sabon sa dumadaloy na tubig sa loob ng 15 minuto,  Linisin din ang sugat gamit ang 70% alcohol o tincture of iodine.

Para makatiyak, dapat na sumangguni sa doktor o sumangguni sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center.

Dapat na itali o ikulong ang nakakagat na hayop at obserbahan sa loob ng 10 hanggang 14 na araw. Huwag patayin ang aso.

Kung kusang mamatay ang aso sa loob ng nasabing panahon, humingi ng tulong sa beterinaryo para sa pagpapasa ng specimen para sa rabies testing.

Mga kaparusahan sa pabaya sa alaga

Nakasaad sa Republic Act  9482 0 Anti-Rabies Act of 2007 na ang mga may alagang hayop na ayaw itali ang kanilang aso kapag nasa labas ng kanilang tahanan ay dapat pagmultahin ng P500 kada insidente.

Yaon namang nabigo o ayaw na iparehistro at pabakunahan laban sa rabies ang kanilang mga alaga ay may multang P2,000.  Bukod dito, kapag nakakakagat ang hayop na ayaw pabakunahan, obligado ang amo nito na pabakunahan ang kanyang alaga at ang makakakagat nito.

P10,000 naman ang multa kapag ayaw paobserbahan ng may-ari ang kanyang alagang aso kapag ito ay nakakagat, at P25,000 naman kapag ayaw nang paobserbahan ang alagang nakakagat ay tumanggi pang sagutin ang gastos sa pagpapagamot ng nakagat.

Nawaý  may napulot kayo sa pitak na ito.  Tandaan, walang dapat maulol, walang kailangang mamatay  sa rabies.

Please follow and like us:
Read More

UNDER/OVER SA PAGKAIN

PAGKAIN-12

Hinay-hinay sa pagbibigay ng pagmamahal

(Ni Mac Cabreros / Ikalawa at huling labas)

UPANG makatiyak na may sapat na pagkain sa hapag kainan o maagapan ang napipintong kagutuman bunsod ng mabilis na paglobo ng populasyon, sinabi ng Department of Science and Technology na kailangang maitaguyod ang mga teknolohiya para mapalaki ang produks­yong agrikultura.

Kabilang sa mga teknolohiya para mapalaki ang pro­duks­yong agrikultura ay ang pagdevelop ng high-yield varie­ties at resistant sa peste at extreme weather condition.

Bukod pa ito sa patuloy na paglobo ng populasyon sa bilis na 1.7 porsiyento bawat taon.

Sinabi ni Secretary Fortunato Dela Peña, kalihim ng Department of Science and Technology, mangangailangan ang gobyerno ng P3.94 bilyon para masuportahan ang 3.28 milyong bata na pawang may problema sa malnutrisyon.

Kaya naman ipinakikilala ng ahensiya ang mga pagkaing masusustansiya katulad ng iron-fortified rice, mongo meal na gawa sa bigas at mongo, micronutrient growth mix at iodine-rich drinking water.

“Our complementary foods like rice-mongo instant baby food blend is our answer to underweight, stunting and wasting. The iron fortified rice addresses iron deficiency anemia and iodine-rich drinking water which  is for Iodine deficiency disorder,” ani Dela Pea.

“Let me now zero in on a program that is for the nutritional well-being of our young children,” dagdag pa nito.

Inilunsad din ng DOST ang Malnutrition Reduction Program na nakasuporta sa layunin na “Zero Hunger” na kaakibat ng programang Phi­lippine Plan of Action for Nutrition 2017-2022” kung saan prayoridad ang kalusugan ng mga buntis at nagpapasusong ina sa sanggol at mga kababaihang nasa 23 taong gulang at pababa.

Inihayag naman ni Dr. Michael Purugganan, isang Filipino-American biologist at Dean sa New York University at ina­ral ang origin ng palay (oryza sativa), kailangang suportahan ng gobyerno at pribadong sektor ang pangangailangan ng mga magsasaka gaya sa pinansyal at kagamitan o makinarya para mapalaki ang produksyon ng mga ito.

Kapwa aminado sina Dela Pena at Dr. Purugganan na mayroong ‘gap’ at problema kaugnay sa pagdami ng tao kumpara sa produksyong pagkain.

Tinalakay at inilatag sa pagpupulong ang mga hakbanging itataguyod para makamit ang Philippine deve­lopment agenda kung saan isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa karampatang aksyon.

Akala natin na masuwerte ang mga batang may magulang na may kakayanang magbigay ng maraming pagkain. Inaakala natin na pagmamahal ang naibibigay natin dahil naipapakain natin sa kanila ang mga pagkaing nais nila subalit mas dapat maging kontrolado dahil kapag naging sobrang bigat ang timbang ng mga batang ito ay maituturing pa rin silang ‘obese’ na isang klase rin ng malnutrition.

Doble malas naman ang mga batang ipinanganak ng patpating ina dahil mas mahina ang kanilang panlaban sa gutom at makapitan ng sakit at namamatay. Kaya, tayong mga magulang ay isipin ang kapakanan lalo ang kalusugan ng ating mga anak. Maghinay-hinay sa pagbibigay ng pagmamahal. Dapat sapat lang at kinakailangan.

Please follow and like us:
Read More

MALNUTRISYON, PROBLEMA SA MGA BATA, PROBLEMA NG BANSA

MALNUTRITION

(Ni Mac Cabreros / Unang labas)

BILANG magulang ibini­bigay natin ang lahat para sa ating mga anak. Ngunit dahil sa sobrang pagmamahal natin ay minsan nalalagay sa kapahamakan ang ating mga anak na madalas nagreresulta sa trahedya.

Dahil gusto nating malusog at malakas ang katawan ng ating mga anak, binibigay natin ang lahat na uri ng pagkain. Hindi lang natin namamalayan na ito’y sobrang bigat at taba na pala ang mga ito. Overnutrition ito na isang indikasyon ng malnutrition.

Sa kabilang banda, paano naman ang kalusugan ng mga bata na hikaos ang kanilang magulang? Siguradong undernourish ang mga ito dahil walang maibigay na masustansyang pagkain ang kanilang magulang.

Malaking problema ang malnutrition sa ating bansa. Dalawa kada sampung bata ang underweight o kulang ang timbang kumpara sa kanilang edad; tatlo kada sampu naman ang stunted o hindi tumatangkad/lumalaki habang 1 kada 25 ang overweight o sobrang bigat ang timbang.

Ayon sa Food and Nutrition Research and Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST), madalas nagkakasakit ang mga batang malnourish (kulang o sobra ang nutrients sa katawan) at minsan ay humahantong sa kamatayan.

Base sa datos ng FNRI-DOST, abot sa 30,000 bata edad 5 pababa ang namamatay kada taon dahil sa malnutrition. Dito, nalulugi ang gob­yerno ng P220 bilyon kada taon.

Ayon naman sa Save the Children report noong 2016, abot sa  P328 bilyon ang lugi ng gobyerno noong 2013 dahil sa gutom saan P166.5 bilyon ang lost of income dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral, P160 bilyon sa lost producti­vity dulot ng premature mortality o maagang pagkamatay at P1.23 bilyon bilang educational cost.

Bunsod nito, nais ng gob­yerno sa pamamagitan ng FNRI-DOST, katuwang ang iba pang ahensya, na maisalba ang buhay ng libo-libong bata.

Isinulong ng FNRI-DOST ang Teknolohiya para sa Malusog na Pilipino na tututok sa kalusugan at nutris­yon ng mga bata kasama ang kanilang ina.

“Kailangan nating ita­guyod ang First 1000 Days Law. Mayroon tayong tekno­lo­hiyang gagamitin upang malabanan ang malnutrition sa bansa,”inihayag  ni  Fortunato De la Pena Jr, kalihim ng DOST.

Binigyan-diin ng kalihim na ang pagkasawi ng mga bata ay bunsod ng mahinang kalusugan ng  kanilang pangangatawan kung saan madaling makapitan ng iba’t ibang sakit tulad ng anemia.

Dahil dito,  aniya, kailangang isulong ng iba’t ibang sangay ng gobyerno gaya ng Department of Education, Department of Social Welfare and Development at Department of Health, Local Government Units, Non-Government Organizations, public offices at Micro-Small and Medium Enterprises ang teknolohiyang lilikha ng nutri­tious foods na “pagkain ng sanggol sa sinapupunan hanggang sa pagtuntong ng dalawang taon.”

Binanggit ng kalihim na kailangan ang P5 bilyong pondo bawat taon upang maisalba ang mga batang 5-taon pababa upang sa paglaki ay magiging malakas na ang pangangatawan.

“For every P49 invested in the nutrition program, the Philippine economy will save P587 in forgone earnings and health expenditures due to undernutrition,” paliwanag ni Dela Pena.

Sinabi pa nito na marami ng makinarya gaya ng dyer, extruder with blower, mixer at blending machine ang magagamit ng mga MSMEs para sa paggawa ng masusustansiyang pagkain na abot kaya ang pres­yo.

Ayon pa sa kalihim, mara­mi nang ginagawang hakbang ng FNRI at itinataguyod ng i­lang LGUs, NGOs, POs at MSMEs ngunit kailangan pa ang malawakang suporta ng lahat na sektor upang makamit ang adhikaing maging malakas at produktibo ang mamamayan.

Please follow and like us:
Read More

KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA BAGSAK DAHIL SA RICE TARIFFICATION LAW – REP. CABATBAT

Rep Cabatbat-Magsasaka

(Ni Nelson Badilla / Huling bahagi)

BAGSAK ang buhay ng mga magsasaka dulot ng pagkakaroon ng Rice Tariffication Law (RTL).

Ito ang pahayag ni MAGSASAKA party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat sa ­Diaryo Bomba.

Idiniin ni Cabatbat na ang pangunahing resulta ng RTL ay dumagsa nang d­umagsa ang inangkat na bigas sa bansa.

Ang layunin, aniya, ng RTL ay ang walang limitasyong pag-angkat ng bigas.

Nasa 95 porsiyento ng bigas sa bansa ay galing sa mga magsasakang Filipino, kaya ang kulang ay limang porsiyento lamang, wika ni Cabatbat.

Nangangahulugang limang porsiyento lang kailangang angkating bigas mula sa ibang bansa na mas mababa sa 800 metriko toneladang bigas, tugon ng mambabatas.

“Pero, ang reyalidad [ay] 2.6 milyong metriko ­tonelada ang inangkat natin mula sa ibang bansa,” banggit ni Cabatbat.

Naniniwala rin ang kongresista na pinaluwag ng RTL ang daanan ng rice smugglers.

Iginiit ni Cabatbat, “Dahil sa krisis na dinulot ng mga masasamang epekto ng Rice Tariffication [Law], hindi lang maliit ang kita ng mga magsasaka ngayon, [kundi] sobrang lugi pa nila. ­Masuwerte na mabibili ng P17.00 per kilo ang ani dahil nitong mga nakaraang buwan, maraming report na nakaabot sa atin na 11 – 12 pesos bawat kilo ang bentahan [ng palay mula sa ani ng mga magsasaka], tapos may mga lugar na P8 ang bawat kilo.”

“Pero, kahit sabihin ­nating P17.00 mabibili ang bawat kilo ng palay [na siyang iniutos ni Agriculture Secretary William Dar sa National Food Authority (NFA)], papatak lang ng halos limang piso ang kita ng mga magsasaka per kilo, o mga P20,000 bawat isang ektarya ng lupa, which is the average hectarage of a Filipino farmer. Multiply natin sa dalawang crop cycles, [lalabas] P40,000.00 kada taon o P3,330 kada buwan lang ang kita ng magsasaka,” patuloy ni Cabatbat.

Sa ganyang kita sa loob ng isang taon, malinaw na bagsak na bagsak ang kita ng mga magsasaka, tugon ng bagong mambabatas.

Aniya, ang P3,300 kita bawat buwan ay hindi sapat upang makabuhay ng pamilya.

“Base sa guidelines ng NEDA (National Economic Development Authority), below food poverty rate na iyang kitang ganyan eh. Kung hindi sapat iyan para bumuahy ng sarili, ‘wag nating i-expect na makakabuhay ang magsasakang Filipino ng pamilya niya. Kulang na kulang ito [para] pampaaral ng anak, lalo na pambili ng pagkain at gamot. Baka nga sa pagbabayad ng utang lang mapunta ang lahat ng kikitain ngayong ani eh.”

Ayon sa NFA, maliban sa P17.00 kada kilo ang pagbili nila ng palay ng magsasaka, ipinasa ng NFA Council ang karagdagang P3.00 kada kilo ng buffer stocking incentive (BSI) noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Maliban sa P17.00 at P3.00, magbibigay din ang NFA ng dalawampung sentimo bawat  isang kilong palay para sa pagpapatuyo nito, dalawampung sentimo uli para sa paghahatid ng palay sa NFA buying station at karagdagang tatlumpong sentimo para sa pangkooperatibang pagbabago.

Kaya, P20.70 ang matatanggap ng magsasaka kapag binili ng NFA ang kanyang palay bawat kilo,  pahayag ng ng NFA.

Batay sa talaan ng NFA, mula Enero hanggang ­Hulyo ng taong kasalukuyan ay ­umabot na sa 286,805 metriko tonelada o 5,736,100 sako ng palay ang nabili ng ahensiya.

Ang kabuuang halaga nito ay P5.936 bilyon.

Iginiit ni NFA administrator Judy Carol Dansal na “We continue to focus on aggressive palay procurement from our local farmers as mandated by Republic Act 11203 or the Rice Liberalization Law not only for buffer stocking purposes during calamities and emergencies but to provide a ready market for our ­farmers’ produce and cushion the impact of the low farm gate price.”

Mayroong 303 NFA ­buying stations na nakapuwesto sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nang tanungin ng Diaryo Bomba  si Rep. Cabatbat tungkol sa mga nararapat gawin ng Kongreso, DA at NFA upang umangat ang buhay ng mga magsasaka, ganito ang naging sagot ng mambabatas: “Holistic dapat ‘yan. There is no panacea or single cure sa ­usapin ng pag-angat ng buhay ng magsasaka. Unang hakbang d’yan ay ang pagtutok ng mga ahensiya ng gobyerno natin na iahon ang ating mga magsasaka [mula] sa hirap. Alam n’yo po kasi, ang karaniwang pokus lang kasi ng gobyerno ay kung paano mapakain ang mamamayan – saan man ito galing, kahit imported pa ‘yan. Tama naman ito, pero subukan kaya nating mag-invest sa mismong magsasaka, sa tao, dun sa mga nagbubungkal ng lupa mismo. Tiyak ko susunod ang buong agrikultura na lalago kapag pinangalagaan natin ang ating mga magsasaka.”

Please follow and like us:
Read More

NFA, SWAK O LIGWAK  SA KASONG GRAFT?

NFA-7

(Ni Nelson Badilla / Ikaapat na bahagi)

NAUNANG pumalpak ang National Food Authority sa dapat ay trabaho nito bilang pangunahing instrument ng pamahalaan upang paunlarin ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Hindi naisakatuparan ng NFA ang responsibilidad nitong siguruhing sapat ang bigas na makararating sa mga pamilihan upang may makain ang bawat pamilyang Filipino.

Noong nagkaroon ng matinding krisis sa bigas at nagkaroon ng malaking problema ang mga magsasaka dahil bagsak ang presyo ng kanilang produktong palay, wala umanong ginawang hakbang ang NFA o walang konkretong solusyon na maihayag ang nasabing tanggapan upang mabigyang kalutasan ang problema ng sambayanan.

At dahil sa kapalpakan ng NFA, naniniwala si Atty. Jose Sonny Matula, beteranong propesor ng mga batas sa ma­raming paaralan ng mga naghahangad maging abogado, na posibleng masampahan ng kasong kriminal ang pamunuan ng NFA.

Ayon kay Matula, ito ay dahil sa desisyon at aksyon ng nasabing tanggapan sa paggamit ng P7 bilyong pondo bilang pambayad ng utang nito sa Land Bank of the Phi­lippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na taliwas at tahasang paglabag sa orihinal na paglalaanan ng nasabing multibilyong pondo na itinakda at ipinag-utos ng General Appropriations Act of 2018.

Iginiit ni Matula na maaaring nagkasala ang pamunuan ng NFA ng paglabag sa ilang probisyon ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang pahayag ni Matula ay matapos  hingian ng  Peryodiko Filipino Inc. ng pahayag kaunay sa  hakbang ng NFA  na ipambayad ang P7 bilyong pondo nito sa pagkakautang sa bangko sa halip na ibili ng bigas upang  maging ‘buffer stock’ sa loob ng partikular na panahon.

Idiniin ni Matula, pa­ngulo rin ng Federation of Free Workers (FFW) at Nagkaisa labor coalition, kailangang mayroong managot sa maling praktis ng NFA upang ma­tuldukan na ito sa mga susunod na taon.

Umamin ang pamunuan ng NFA sa paggastos ng P7 bilyon.

Sa isang kalatas nito, idiniin ni NFA administrator Judy Carol Dansal na naging “masinop” lang ang NFA sa pagbabayad nito ng utang sa sa LBP at DBP.

Ani Dansal, mas pinili ng NFA na mabawasan ang “interest” at “documentary stamp tax expenses” sa mga pagkakautang ng NFA, kaya ito ang inuna ng ahensiya kaysa sa bilhin ang P7 bilyong halaga ng palay ng mga magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Dansal, nakatipid ang NFA sa kanilang ginawa.

Iginiit din niya na tapos na ang nasabing kontrobersiya noong 2018.

Noong 2018 din ay binili ng NFA ang mga palay ng mga magsasaka at mga bigas na galing sa ibang mga bansa, bilang bahagi ng food security program ng NFA.

Ipinagyabang pa ni Dansal na sinang-ayunan naman ng NFA Council ang kanilang hakbang.

Bagaman nadiskubre ng Commission on Audit (COA) ang malaking pagkakasala ng NFA,  hindi naman ito nagsampa ng kasong kriminal laban sa pamunuan ng NFA sa Office of the Ombudsman.

Maging kasong administratibo ay walang kinaharap na reklamo ang NFA.

Kaya naman, paniwala ni Atty. Matula,  ‘mistulang absuwelto’ ang pamunuan ng NFA bagaman lumabag ito sa ilang probisyon ng ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang ulat ng COA tungkol sa maling paggastos ng P7 bil­yon ay maaari nang batayan upang maghain ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal at kawani ng NFA na may kinalaman sa isyu.

Ang gagawin naman ng Ombudsman ay magsasagawa ito ng mas malalim na imbestigasyon upang magamit nilang batayan kung nararapat bang sampahan ng kaukulang kasong kriminal ang pamunuan ng NFA at iba pang taong sangkot sa pagbabayad ng utang ng NFA sa LBP at DBP gamit ang P7 bilyong pambili ng mga bigas galing sa mga magsasakang Filipino o hindi. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

COA: NFA PUMALPAK

NFA-4

(Ni Nelson Badilla / Ikatlong Bahagi)

ANG National Food Authority (NFA) na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ay pangunahing instrumento ng pamahalaan para sa kabuhayan ng mga magasaka.

Direktang trabaho ng NFA na tiyaking may sapat na bigas na makararating sa palengke upang may makain ang bawat pamilyang Filipino.

Ang NFA ang natatanging ahensiya ng pamahalaan na nakatutok sa bigas upang makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at magkaroon ng bigay ang bawat pamilyang Filipino.

Noong 2018 kung saan napakatindi ng krisis na kinakaharap ng mga magsasaka tungkol sa bigas at maging ang mamamayang Filipino, mahalagang matukoy ang eksakto at kongkretong ginawa ng NFA upang makatulong sa mga magsasaka.

Napakahalaga ng 2018, sapagkat kritikal ang taon na ito sa kalagayan ng mungkahing Rice Tariffication Law (RTL) – kung ito ay ipapasa ng Kongreso o hindi.

Nadiskubre ng COA na umabot lamang sa 61,784 metriko toneladang palay ang binili ng NFA sa mga magsasaka at ilang samahan ng mga magsasaka noong 2018.

Napakalayo sa tudla ng NFA na 388,889 metriko toneladang bigas para sa nasabing taon, sapagkat 15.89 porsiyento lamang ang katumabas nito sa tudla.

Idiniin din ng COA sa ulat nito na pumalpak ang NFA maging sa Strategic Rice Reserve (SRR) dahil 0.1 araw ang SRR ng NFA, sa halip na magkasya sa labinlimang araw.

Ang Government Rice Buffer Stock (GRBS) ay sapat lamang sa tatlong araw, imbes na magkasya sa loob ng tatlumpong araw na siyang itinakdang target ng NFA.

Dahil sa kapalpakang ito ng pamunuan ng NFA, idineklara ng COA na kapus ang murang bigas sa mga pelengke, partikular sa unang dalawang kwarter ng 2018.

Ang napakaliit na bilang ng murang bigas ng NFA ang isa sa mga nagtulak-pataas sa presyo ng iba’t ibang klaseng bigas sa nasabing panahon.

Ang limitadong bigas sa merkado ay resulta ng kawalan ng sapat na pera ng NFA na bumili ng maraming bigas mula sa mga magsasakang Filipino.

Ito’y dahil ang pitong bilyong pisong inilaan ng DA sa NFA upang ipambili ng bigas ay pinambayad sa utang nito sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ngunit, inilihim ito ng DA at NFA noon sa publiko, lalo na sa mga magsasaka.

Walang binanggit ang mga opisyal ng DA at NFA hinggil sa pagbabayad ng P7 bilyong utang ng NFA sa LBP at DBP gamit ang P7 bilyong pambili ng NFA sa mga palay ng mga magsasaka.

Kahit si DA Secretary Emmanuel Piñol ay napakatahimik sa media tungkol sa isyung ito.

Ayon sa COA, tinawagan nito ng pansin ang pamunuan ng NFA na huwag ipambayad ang P7 bilyon sa bilyun-bilyong utang nito sa dalawang bangko ng pamahalaan, ngunit lumilitaw sa pagsisiyasat ng COA na binalewala ng pamunuan ng NFA ang naturang panawagan.

Pinagsabihan ng COA ang pamunuan ng NFA na huwag gamiting pambayad sa utang ang P7 bilyong piso noong 2018, sapagkat ganito rin ang ginawa ng pamunuan ng NFA noong 2017.

Noong 2017, P5.1 bilyong pondo na pambili ng palay ang ipinambayad ng NFA sa utang nito sa ilang bangko, wika ng COA.

Ibig sabihin, regular nang ginagawa ng pamunuan ang pagbabayad ng utang nito sa LBP at DBP gamit ang pondong inilaan ng DA sa NFA upang bilhin nito ang mga bigas ng mga magsasakang Filipino. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

MGA MAGSASAKA INIWAN, INILAGLAG NG NFA

MAGSASAKA-NFA

(Ni Nelson Badilla / Ikalawang Bahagi)

NITONG nakalipas na taon, mistulang sunud-sunod na ‘bagyo’ ang pumasok sa mga palayan at palengke sa mara­ming panig ng bansa, kabilang na ang Bulakan na siyang pinakamalapit sa Metro Manila na pinagkukunan ng bigas.

Napakataas ng presyo ng bigas bawat kilo, sapagkat kapos na kapos ang suplay ng bigas noong 2018, banggit  ng noon ay kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Emmanuel Piñol.

Ngunit, idiniin ni Piñol noong Setyembre ng nakalipas na taon na walang krisis sa bigas dahil walang “rice shor­tage.”

Aniya, ang problema lang ay walang bigas sa merkado na galing sa National Food Authority (NFA) at walang dumarating na mga bigas mula sa ibang bansa.

Ibig sabihin, ang inaa­bangan ng DA noong nakalipas na taon ay bigas na manggagaling sa ibang bansa, sapagkat wala nang mailalabas na bigas ang NFA sa mga palengke.

Ang suliraning ito ay binigyan ng “espekulasyon” ng publiko, kaya malaki ang itinaas ng presyo ng bigas, giit noon ni Piñol.

“We have no rice shortage, but there is admittedly a spike in the price of rice in the market because of speculation dahil nga nawala ang NFA rice sa merkado nang mahaba-habang panahon. Na-delay din ‘yung pagdating ng imported rice,” banggit ni Piñol.

Ang presyo ng bigas noong 2018 ay P50.00 hanggang P60.00 o higit pa bawat kilo.

Dahil sa ganitong masamang sitwasyon ng presyo at suplay ng bigas, iwinawasiwas at iginigiit noon ni Piñol sa media na kailangang tanggalin na limitasyon sa pag-angkat ng bigas mula sa iba’t ibang bansa.

Ipinunto ni Piñol noong Agosto 2018 na mareresolbahan na ang kakapusan ng suplay ng bigas dahil aangkat ang Filipinas ng dalawang milyong metriko toneladang bigas kapag ganap nang batas ang panukalang Rice Tariffication Act.

Sa ganitong karaming volume ng bigas, tinatayang aabot sa 40 porsiyento ang taripang makukolekta mula sa mga negosyante.

Ang halaga nito ay aabot sa US$400 milyon bawat taon o P21.6 bilyon.

Sa sobrang laki ng taripang ito, siguradong lalaki rin ang suporta ng DA sa sektor ng magsasaka, pagtitiyak ng dating kalihim.

Ganito ang pahayag ni Piñol: “Ililibre namin ang binhi ng mga magsasaka. Iyong magandang binhi [ang ibibigay ng DA sa mga magsasaka] para ma-doble ang kanilang produksyon, abono, and even subsidized farm machinery and equipment. If that happens then our farmer would be able to improve their productivity, increase the production and lower the cost of production.”

Sa madaling salita, pabor na pabor si Piñol sa panukalang Rice Tariffication Law (RTL).

Ang kilalang panguna­hing nagsusulong ng panukalang RTL ay si Senador Cynthia Villar.

Ngunit, maraming nag­duda kay Villar, sapagkat subdivision at condominium ang ilan sa negosyo ng pamilya Villar.

Sina Villar at Piñol ay kap­wa naniniwalang ang walang limitasyong pagdagsa ng bigas ng mga dayuhan sa Pilipinas ay siyang kagilagilalas na solusyon ng bansa upang magtuluy-tuloy nang hindi maubusan ng bigas sa mga palengke.

Batay sa rekord ng NFA, walang itinulong ang NFA upang dumami ang kanyang bigas na ibebenta sa palengke.

Malaki sanang tulong ang bigas na ibinebenta ng NFA, sapagkat ang presyo nito ay malayo sa presyo ng mga bigas na itinitinda ng mga negosyante.

Kaso, kulang na kulang ang suplay ng bigas ng NFA.

Ang lumabas sa pagsisiyasat at pag-aaral ng Commission on Audit (COA) ay inilaglag at iniwan ng NFA ang mga magsasakang Filipino.

Nadiskubre ng COA na ang P7 bilyong ibinigay ng pambansang pamahalaan sa NFA upang makabili ng mga bigas sa mga magsasakang Filipino ay ipinambayad ng NFA sa utang nito.

Nakasaad sa ulat ng COA na ang ginawa ng pamunuan ng NFA ay ginamit ang P7 bilyon sa pagbayad nito sa “maturing loans” nito sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Nadiskubre ng COA na ang NFA ay umutang ng P6.366 bilyon upang tustusan ang pag-angkat ng mga bigas. Ang P6.366 bilyon ay higit na mataas kaysa inutang ng NFA na P403.872 milyon noong 2017 upang magkaroon ng pondo para makabili ng inangkat na mga bigas.

Ang P7 bilyong inilaan ng pambansang pamahalaan ay siyang kongkretong palaman ng food security program ng NFA para sa taong 2018.

Sa pamamagitan ng pagbili ng NFA ng mga bigas mula sa mga magsasaka ay magiging matatag ang suplay ng bigas sa palengke at pati na ang presyo ng bigas.

Idiniin ng COA na ang desisyon ng pamunuan ng NFA ay tahasang paglabag sa Republic Act 10964 o General Appropriations Act of 2018.

Malinaw na nakasaad at ipinag-utos ng R.A. 10964 na ang pitong bilyong piso ay eks­klusibong gagamitin sa “rice buffer stocking” sa pamamagitan ng pagbili ng mga palay ng mga magsasaka.

Ayon sa R.A. 10964, ang tanging pagkakataon na hindi bibilhin ng NFA ang palay ng mga magsasakang Filipino ay kapag nahaharap sa kalamidad ang bansa o kapos sa produksiyon ng bigas ang bansa.

Kapag nangyari ito, aangkat ng bigas ang NFA, ngunit ito ay batay sa rekomindasyon ng NFA Council at ng pangulo ng bansa.

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA NG MGA MAGSASAKA, LUMALA

MAGSASAKA-7

(Ni Nelson Badilla / Unang Bahagi)

HINDI na mainit na isyu ngayon ang problema ng mga magsasaka hinggil sa mababang presyo ng kanilang ina­ning palay.

Ang mainit ngayon ay ang African swine fever (ASF), ang sakit sa baboy na kumakalat ngayon sa ilang panig ng bansa.

Nangangahulugan bang tapos na ang problema ng mga magsasaka tungkol sa mababang presyo ng palay dahil hindi na ito ibinabalita sa media?

“Hindi,” ang sagot ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka kahit ipinag-utos noong unang linggo ng Set­yembre ni Agriculture Secretary William Dar na bilhin ng National Food Authority (NFA) ang palay ng mga magsasaka sa presyong P17.00 kada kilo.

Ang desisyon ni Dar ay resulta ng impormasyong nakarating sa kanyang tanggapan na masyadong mababa ang presyo ng palay sa maraming panig ng bansa. Mayroong  P6 bawat kilo ng palay.

Sa pana­yam sa media noong unang linggo ng Setyembre, idiniin ni Joseph Canlas, tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL), na ang presyo ng palay sa bayan ng Arayat sa Pampanga ay hindi pa umabot ng sampung piso bawat kilo.

Ani Canlas, mataas pa ang presyo ng darak na nasa P12 bawat kilo kumpara sa P6 ang palay bawat kilo.

Ipinunto niya na siguradong hindi mabubuhay ang mga magsasaka sa napakababang halaga ng palay bawat kilo.

Sampung piso naman bawat kilo  sa Cagayan Valley, ayon sa Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley (Danggayan). Hindi nalalayo ang presyo ng palay sa Bulacan.

Walang saysay ang desisyon ni Dar, pahayag ni Ignacio Ortiz, tagapangulo ng AMGL-Nueva Ecija.

Ani Ortiz, hindi makatutulong sa mga magsasaka ang P17.00 bawat kilo ng palay.

Hindi nito maiaangat ang kabuhayan ng mga magsasaka, tugon ni Ortiz.

Idiniin pa ni Ortiz na “Yung buying price ng NFA na P17 kada kilo [ay] isang dekada nang nakapako habang ‘yung gastos ng mga magsasaka [ay] ilang beses nang tumaas” mula noon.

Ayon kay Ortiz, si­mula nitong Marso ng taong kasalukuyan ay pumapalo na sa P14.79 bawat kilo ng palay ang gastos ng bawat isang magsasaka, kabilang na ang interes sa inutang ng magsasaka.

Kaya, naniniwala ang samahan ni Ortiz na hindi makabubuhay kung bibilhin ang kanilang palay sa pitong piso kada kilo hanggang sampung piso.

Sa nasabing presyo na pito hanggang sampung piso kada kilo ng palay ay pihadong lalong mababaon sa utang ang mga magsasaka – higit silang maghihirap kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ang kalagayan naman ng mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon ay hindi nagkakalayo. Pare-pareho silang dumausdos nang todo ang kita ngayong 2019.

Isang malaking isyu sa sektor ng magsasaka ang deklarasyon ni Secretary Dar na bibilhin ng NFA ang palay ng mga magsasaka sa P17.00 bawat kilo, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit, batay na rin sa mga pahayag o posisyon ng mga samahan ng mga magsasaka, hindi natapos ang suliranin ng mga magsasaka kahit nagmistulang naging mabait ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka nang bilhin ng NFA ang mga palay ng mga magsasaka sa halagang P17.00 bawat kilo, sapagkat ang iginigiit ng mga magsasaka ay matagal nang P17.00 ang presyo ng palay kada kilo, ngunit hindi uma­ngat ang kanilang buhay.

Madalas pa ring nangu­ngutang ang mga magsasaka upang magroon lamang ng salaping ipandurugtong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Sa madaling salita, hindi nawawala ang problema ng mga magsasaka subalit mas lalo pa itong lumaki. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

KANDILA NG KAHILINGAN, KAILANGAN BA PARA SA MGA PATAY?

KANDILA NG KAHILINGAN

(Ni Nenet L. Villafania)

BUKAS at sa susunod na araw ay ipagdiriwang ang Araw ng mga Patay kaya’t iba’t ibang kandila ang makikita sa mga tindahan at department store at iba pang pwedeng pagkuhanan at pagmulan ng mga bagay na dinadala sa sementeryo sa pagbisita sa mga namapayapang mahal sa buhay.

May mura, may mahal, may maganda, may ordinaryo. Ako, mas pinipili ko ang simpleng kandila dahil mas mura ito at mas madaling bitbitin.

Kung Katoliko kayo at mahilig magsimba, palaging may makikita kayo sa lahat ng mga simbahan na candle burners o tirikan ng mga kandila. Bawat isang nagbi-bisita Iglesia, namamanata man o hindi, ay bumibili ng kandilang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10 para itirik, kasabay ng pag-usal ng kahilingan at dalagin sa Diyos o sa santong pinamamanataan.

 Nakagawian, ngunit talaga bang kailangan?

Malaking negosyo ang kandila tuwing Biyernes sa Quiapo, tuwing Miyerkoles sa Baclaran, tuwing Huwebes sa Saint Jude, tuwing Martes sa San Loretto at tuwing Sabado sa Lourdes. Wala namang araw na pinipili ang Santo Nino de Cebu, Manila Cathedral, San Agustin, San Sebastian, at kung anu-ano pang simbahan. Lahat yan, may tindera ng kandila na iba-iba pa ang kulay, kaya tinanong ko sila kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay ng kandila.

Tina, 17, Quiapo Church –,Dalawang klase lang po kasi ang itinitinda kong kandila. Pula at puti lang. Ayoko po kasi ng itim dahil masama po iyon. Sabi po ng lola ko na siya talagang nagtitinda dito, pulang kandila ang sisindihan kung humihingi kayo ng tulong sa Nazareno tungkol sa trabaho at pag-ibig. Puti naman po pag para sa kalusugan ng pamilya. Mas mabenta po ang pula, pero marami ring bumibili ng puti.

Aling Josie, Lumang Simbahan, Nasugbu, Batangas – Nakagawian na ng lahat ng nagsisimba sa Lumang Simbahan na magtirik ng kandila tuwing dadalaw sila dito. Dalawang klase ang kandila namin, puti at pula. Mas mura ang pula dahil ako mismo ang guma­gawa nito, pero pareho lang yan. Ang dasal naman, pag mula sa puso, kahit ano pa ang kulay ng kandila mo, maririnig ng Diyos.

Dindi Perez, 27, devotee ng Saint Jude – Iba-ibang kulay ng kandila ang binibili at itinitirik ko tuwing Huwebes pag nagsisimba ako at humihiling kay St. Jude. Depende kung ano ang hinihingi ko. Halimbawa, pink pag gusto kong magkasundo kami ng boyfriend ko, yellow pag gusto kong magkaroon ng pera, green ‘pag bago pa lang ako sa trabaho para swertihin, white pag mayroon akong problemang gustong lutasin at kung ano-ano pa.

Guia de la Cruz, travel and tours proprietor,  Pasay City.Wala lang. Nakasanayan lang kaya lagi akong may nakatirik na kandila sa office. Hindi naman ako gaanong naniniwala sa mga kulay-kulay na yan, pero sa totoo lang, may natutupad. Tingnan mo nga, lahat ng kasabay ng Golden Spring Travel and Tours, tsugi na, ako, andito pa rin. Saka binigyan ako ni Lord ng pinakahihiling kong anak. Ano pa ba ang mahihiling ko? Maayos na negos­yo, anak, pamilya, sapat na yon.

Nabatid ng manunulat na ito na may ibig sabihin ang itim na kandila at ginagamit ito sa kasamaan. Sinasabing ang itim na kandila ay pang-akit sa masamang espiritu kaya marami ang ayaw magtinda subalit mayroon ilan na ayaw maniwala kung kaya’t sige lang ang kanilang pagbebenta.

Sa totoo lang, sabi ng mga paring nakausap ko na ayaw ipabanggit ang kanilang mga pangalan, walang kinalaman ang kandila sa mga dasal at hi­ling ng sinuman. Nasa puso raw ang paghiling at pamamanata, at kung para ito sa iyo, ay siguradong ibibigay ng Diyos sa tamang panahon.

Wala rin daw kinalaman ang kandila sa kaligtasan ng mga namatay nating mahal sa buhay, ngunit makatutulong ang ating pag-alala at mga dasal upang makaakyat sila sa langit. Sa Araw ng mga Patay, puting kandila po ang sisindihan ko para sa mga mahal naming yumao, simbulo ng kalinisan ang aming layuning nawa ay nasa mabuti silang kalagayan sa langit.

Please follow and like us:
Read More

TOTOO O KATHANG ISIP LANG ANG DEMONYO, ASWANG AT BAMPIRA?

DEMONYO

Pinagmulan ng Demonyo

SAAN nagmula ang demonyo? Sa bibliya, sila ay mga angel na tumalikod sa Diyos at naglingkod kay Satanas. Sa Pahayag 12: 8-9 “At inihagis ang mala­king dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Dia­blo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.”

Ang tao ay nasa spiritual battle laban sa evil spirits – kay Satan at sa dating anghel na umalis sa langit. Sa Efeso 6:11 “Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.”

 Aswang, Bampira at Iba pa

May totoong bampira, taong lobo at zombies sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sa katunayan, pinatotohanan ito ng isang psychiatrist na naka- face-to-face ng  tinatawag na ‘undead.’

Ang vampires, werewolves, at zombies ay kilalang mga mythical characters at kadalasang sa dalawang okasyon lang nakikita: sa mga pelikula at o sa costume parties kapag Halloween.

Sa pahayag ni Dr. Randy Dellosa, isang psychiatrist, nakaengkuwentro niya nang harapan ang nasabing mga nilikha sa loob ng kanyang klinika.

Totoo, ang mga true-to-life vampire, werewolves at zombies ay naririto at aktuwal pa silang kumukunsulta sa pychiatrists!

Ang clinical vampirism. Ang Renfield’s syndrome ay nauugnay sa obsessive desire na matikman o mainom ang lasa ng dugo.

Ilan sa mga taong may Renfield’s syndrome ay nani­niwala na pinalalakas ang puwersa ng kanilang mga buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo.

Iniinom ng mga “self-cutters” ang kanilang dugo. Ilan sa mga bampira na na­kilala ni Dellosa ay adolescent o young adult “self-cutters” na nilalaplap ang kanilang sariling dugo matapos silang maghiwa sa sarili.

Para sa mga bampirang ito, ang nzn.nnn, pag-inom ng dugo ay ginagawa nila kasama ang kanilang intimate partner at sinasamahan ng  sexual arousal.

Sa matindi pang mga kaso, ang real life vampires ay kilala sa pagle-level up ng kanilang vampiric activities.

Paano malalaman kung mayroong  Renfield’s Syndrome?

Sa human history, umiinom ng dugo ang mga tao para sa nutritional at ritual purposes.

Gayunpaman, kung mayroon kang strong psychological desire na uminom ng dugo, maaari kang mag-alala na mayroon kang  isa pang kondisyon.

Ang mga katanung gaya ng: Naaakit ka ba o na- aroused kapag tumitingin ng dugo?  May sensory o aesthe­tic attraction ka sa dugo (Hal. Nag-e-enjoy ka sa amoy, etc).

May  sexual fantasies ka ba kaugnay sa dugo (hindi mula sa pinsala ng iba)?

Kung ang sagot mo ay oo, maaaring mayroon kang blood fetish (sexual attraction sa dugo). Hindi ito pathological maliban sa mahalaga ito sa pagkilos mo at nasisiyahan ka rito.

Please follow and like us:
Read More

KASAYSAYAN NG UNDAS

UNDAS10

Pinagmulan ng mga katatakutan

(Ni Edzer Lanuza / Unang bahagi)

ANG Halloween o Hallowe’en na sa tagalog ay Undas,  ay isang pagdiriwang na ginaganap sa maraming bansa sa tuwing sasapit ang October 31, ang gabi sa Western Christian feast na All Hallows’ Day.

Sinisimulan ito sa tatlong araw na paggunita sa mga namatay kabilang ang mga santo at martir at lahat ng mga namayapa na. Marami ang naniniwala na nag-ugat ito sa mga pagano.

Ipinagdiriwang sa pamamagitan ng lighting bonfires, apple bobbing at divination games, paglalaro ng pranks, pagbisita sa nakakatakot na lugar, pagkukuwento ng kahila-hilakbot na istorya at panonood ng horror films.

Sa maraming bahagi ng mundo, pinakasikat ang pagdalaw sa mga puntod ng mga namayapa at pagsisindi ng mga kandila.

Alamat ng mga Kuwentong Nakakatakot

Ang Aswang (o Asuwang) ay nahahawig sa bampira o kaya’y bruhang multo sa kuwentong bayan ng mga Filipino at ang kuwento nito ay napakarami ng pinagmulan bagama’t iba’t iba ang paniniwala.

Noong panahon ng mga Kastila, mas kinatatakutan ang aswang sa lahat ng alamat ng katatakutan sa bansa. Halimbawa ng mga kuwento nito ay ang paggising sa gabi na nakarinig ng kakaibang tunog na iniuugnay sa “tiktik” na nakaabang sa labas ng bintana.

2 Uri raw ng aswang

Demonoid.  Ang Aswang ay tipikal na isang lalaking nilalang na may mahaba at matalas na dila na gamit sa paghithit ng mga sanggol sa sinapupunan ng babae.

Panilo rin ang dila nila sa  sanggol sa tiyan para mahugot ito palabas sa sinapupunan ng ina.

Manananggal. Ang manananggal ay karaniwang isang babae at nahahati ang katawan nito sa dis-oras ng gabi. O, sa gabi ito nagbabagong anyo.

Ang pang-itaas na kalahati ng katawan ng manananggal ay nagkakaroon ng tila higanteng mga pakpak ng paniki na lumilipad para kainin ang mga puso at atay ng taong kanilang binibiktima.

Senyales ng mga Taong Naliligalig

Kung sa sikolohiya ang pag-uusapan, ang aswang bilang isang  manananggal ay simbolo ng isang taong sob­rang naliligalig sa kanyang sarili.

Ito ay isang indibidwal na nagdurusa mula sa kawan ng salungat ang pagkatao. Isang  halimbawa nito ay isang ordinaryong tao, na larawan ng pagkainosente, at sa gabi ay aswang na nagiging simbolo ng kasamaan.

Iba pang Uri ng mga Nilalang

Tikbalang. Isang uri ng nilalang sa alamat ng kasaysayan sa Pilipinas na sinasabing naninirahan sa mga bundok at gubat sa Pilipinas. Ito umano ay mataas, mabuto, nahahalintulad sa tao na may ulo ng kabayo na mahahaba ang biyas ng binti at pumapantay ang tuhod sa ulo kapag nakaupo ng patingkayad.

Kapre. Base sa mga alamat ng kasaysayan dito sa Pilipinas, ang Kapre ay isang nilalang na umano’y demonyo na naninirahan sa puno. Nagmula ang salitang Kapre sa Arabic na “Kafir” na ang ibig sabihin ay hindi naniniwala sa Islam. Ang mga unang Arabs at Moors na hindi mga muslim ay pawang maiitim ang balat at sila ang ipinapadala sa giyera. Ang mga kapre ay inilalarawang malalaki, matatas, maitim, nakakatakot, mabuhok ang katawan at maskuladong nilalang. Itinuturing na malakas ang pang-amoy ng mga kapre at nakatira ang mga ito sa puno kung saan ng mga ito isinasagawa ang kanilang pananabako.

Engkanto. Ang mga ito ay itinuturing sa alamat na mga espiritu na gumagala sa kapaligiran na sinasabing may kakayahang magkatawang tao o anumang uri na gusto nitong kopyahin. Madalas, ang engkanto ay sinasabing mga kaluluwa ng mga namayapang ninuno natin. Madalas, sa kasaysayan, lumalabas silang mga espiritu o kaya naman ay sirena, maiitim na nilalang, mga duwende at iba pa.

Please follow and like us:
Read More

TARA! SAKAY NA SA MOTORTAXI (2)

MOTORTAXI-3

Panganib sa kalsada o hatid na ginhawa?

(Ni Mac Cabreros)

BAGO nabigyan ng pagkakataon para sa pilot run test ang operasyon ng motortaxi, naunang ipinatigil ng Department of Transportation sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon nito dahil Illegal bunsod ng kawalan ng prangkisa.

Sinabi ng DoTr na ang operasyon ng motortaxi ay labag sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code at alinsunod dito, anumang sasakyan na nakarehistrong pribado o pamperso­nal na gamit ay hindi maaring gamitin bilang pampubliko.

Mariing pinuna ng ng mga driver ng motortaxi ang nabanggit na hakbang ng gobyerno. Ayon sa mga ito, magugutom ang kanilang pamilya dahil tila inalis ng gobyreno ang pagkain ihahain nila sa hapag kainan dahil ang pamamasada ng motortaxi ang pinagkukunan nila ng pantustos sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Magkahalo naman ang reaksyon ng publiko. May nalungkot dahil mapipilitan silang makipagpambuno sa siksikang pampublikong sasakyan at magtiis sa nakakaantok na biyahe dahil sa mala usad-pagong na galaw ng sasakyan. Marami naman ang nagtanggol sa DOTr at kanilang sinang-ayunan ang nais ng gobyerno na protektahan ang kaligtasan o buhay ng bawat Pinoy, maging ito ay pasahero o driver mismo.

Pangako sa mabilis na prangkisa

Noong Marso 4, 2019, dalawang buwan bago ang halalan, ipinangako ng noon ay re-eleksyonista na si Sen. Grace Poe na mamadaliin niya ang pagpasa ng batas na pumapayag na maging ‘for hire’ ang mga motorsiklo tulad ng “Angkas”.

Sa “Safety Fiesta” event ng grupo ni George Royeca, tagapagsalita at puno ng regulatory and public affairs ng Angkas, sinabi nito na malaki ang tiwala nila kay Poe na kinikilala nila bilang “Kampeon” ng mga mananakay.

Sinabi ni Poe na batid niyang ang kabuhayan ng mga miyembro ng grupong nais pasukin ang transportasyon ay nakasalalay sa prangkisa ng Senado at tama ang lapit sa kanya dahil isa siya sa pinakamabilis magtrabaho ng prangkisa sa Senado.

“Ang akin lang sini­siguro ay ligtas ang ating mga kababayan at pati kayo,” pahayag ni Poe sa mismong harap ng mga miyembro ng transport group.

Ipinangako ni Poe na sakaling mabigyan ulit ng pagkakataon na maging puno ng public services committee, liligawan niya ang kanyang mga kasamahan na ipasa ang bill na magbibigay ng pagkakataon sa publiko na mamimili ng kung anong klase ng sasakyan ang kanilang gagamitin upang makarating kaagad sa pupuntahan.

“Binibilisan ko, pinag-aaralan ko, para ang prangkisa na maghahatid ng mas maganda, mas mabilis, at mas affordable na transportation sa lahat, at pagkakakitaan ninyong lahat sa ligtas na paraan, ay maipasa na,”  dagdag ni Poe.

Sa simula pa lang ng taon, nanawagan na si Poe sa DoTr na madaliin ang pag-aksyon nito kaugnay sa regulasyon ng operasyon ng motorcycle taxis.

Subalit nanindigan si DoTr Secretary Tugade na ilegal ang habal-habal dahil base sa Land Transportation and Traffic Code, bawal gamitin ang motorsiklo bilang public transport.

Gaano nga kaligtas ang pagsakay sa motortaxi?

Base sa datos ng Traffic Engineering Center-Road Safety ng MMDA, tumaas ng 21 porsyento ang bilang ng mga naaksidenteng motorsiklo noong nakaraang taon. Ayon dito, mula 22,063 rider na nadisgrasya noong 2017 ay lumobo ito sa 26,652. Sa bilang ito, 204 ang nasawi habang naitala sa 12,108 ang nasugatan noong 2018.

Ayon sa awtoridad, kawalan ng disiplina sa sarili gaya ng mabilis na pagpapatakbo, pagdaan sa hindi nararapat o walang habas na pagsingit-singit at hindi pagsalang-alang sa mga batas-trapiko kaya nadidisgrasya ang mga nakamotorsiklo.  Bunsod nito, isinulong ng DOTr na kailangang sumailalim sa training ang mga driver para maisipuso ang mga nararapat na aspeto sa pagmamaneho.

Ngayon, batid natin ang panganib o peligrong nakaamba sa pagsakay ng motorsiklo. At sa kabilang banda ay malaki ang naihahatid na ginhawa sa publiko o pasahero gayundin ang driver sampu ng pamilya nito.Tara, angkas ba kayo?

Please follow and like us:
Read More

PASIKATIN, MOTORTAXI (1)

MOTOR TAXI

Gobyerno Nakikinig sa Publiko

(Ni Mac Cabreros)

SA gitna ng kainitan ng problema sa mabagal na daloy ng mga sasakyan sa kahit saang sulok ng Kamaynilaan, hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat, opisyal ng pamahalaan o maging ordinaryong mamamayan, na magkaisang hanapan ng solusyon ang problema sa trapiko.

Iba’t ibang solusyon ang iminungkahi ng ating mga kababayan ang pagbawas sa bilang ng mga sasakyan o pagphase out ng mga luma lalo ang edad 15 pababa. Nabatid na 70 libong sasakyang ang pumapasok o nadagdag sa bansa bawat taon dala ng mabilis na proseso at mababang downpayment kaya volume ang masasabing malaking porsyentong rason ng pagbigat ng trapiko.

Dagdag na imprasraktura ang gusto naman ng iba gaya ng skyways. Ito ang dahilan kaya hinihiling ng Department of Transportation (DOTr) sa Kongreso ang Emergency Power ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapag mayroong alternatibong madadaan, maiibsan ang mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA.

Mayroon ding gustong dalhin sa probinsya ang iba’t ibang sangay ng gobyerno,  magtayo ng iba pang mega cities sa labas ng siyudad para mahikayat ang ating kababayan lalo na ang mga dayo sa Metro Manila nang sa sa gayon ay mabawasan ang populasyon na nagkukumpol-kumpol sa kasalukuyang siyudad.

Gusto rin ng gobyerno partikular ng MMDA na ipagbawal ang provincial bus sa EDSA; mahigpit na pagpapatupad sa number coding at odd-even scheme; pagtatalaga sa Highway Patrol Group at katuwang ang mga traffic enforcers; pagtanggal sa mga obstructions sa kalsada at iba pang iskema.

Mayroon ding gustong gawing one-way ang EDSA at C-5; pagtakda ng magkahiwalay na oras ng pasok ng mga estudyante at manggagawa at maging pagbubukas ng mga mall gayundin ang work at home para hindi na kailangang pumunta sa kalsada.

At kabilang sa mga pangunahing solusyon na nailahad ay ang paglegalixe ng motortaxi (habal-habal/tuktuk motorela/SkyLab) dahil mas madali at mabilis ito kumpara sa mga four wheels na -sasakyan.

Sa motortaxi o habal-habal, mas mabilis na makararating ang sakay (tao o bagay) sa lugar na patutunguhan. Ito ang ikinukonsiderang solusyon sa masikip na daloy ng trapiko dahil maaring dumaan ang motorsiklo sa maliit na espasyo o eskinita.

Sa kasalukuyan, nasa pilot test run ang motortaxi sa loob ng anim na buwan simula Hunyo 8 hanggang Disyembre sa Metro Manila at Metro Cebu. Nabigyan-daan ito matapos aprubahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang rekomendasyon ng Technical Working Group na nagtakda ng patakaran at panuntunan sa nasabing hakbang.

“Patunay ito na nakikinig ang gobyerno sa publiko. Patunay ito na bukas ang aming mga isip. Noong Disyembre ay inatasan natin ang pagbuo ng technical working group at itong general guidelines ang bunga ng mga pagpupulong na iyon,”  ayon sa kalihim ng DoTr.

Kabilang sa mga patakaran ang pagkuha sa serbisyo ng motortaxi gamit ang mobile app; pagkakaloob ng safety gear gaya ng matibay na helmet sa pasahero at may makakapitan dito  tulad ng belt sa vest ng driver; bukod sa helmet kailangang nakauniporme ang driver at hindi ito magpatakbo sa lagpas na 60 kilometro bawat oras.

Ayon sa DoTr, gagamitin ang datos na makukuha sa test run para mabalangkas ang batas tungo sa paglegalize sa motortaxi.    May karugtong

Please follow and like us:
Read More

BANGON MARAWI (3)

MARAWI-17

Paghihilom sa Sugat ng Nakaraan

(Ni Mac Cabreros)

NAGKAPITKAMAY ang mga opisyales ng pamahalaan kasama ang mga ordinaryong mamamayan sa pagtutulong-tulong upang makaahon ang Marawi sa pagkakalugmok bunga ng hindi naiwasang gulo sa Mindanao.

Sa pagdiriwang ng paggunita sa kabayanihan ng mga nasawi sa Marawi Siege, nakiisa sina Task Force Bangon Marawi Chairman Roberto del Rosario, Marawi City Mayor Majul Gandamra, Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Deputy Chief Minister Ali Solaiman, Brig. Gen. Felicisimo Budiongan, 103rd Brigade Commander Col. Jose Maria Cuerpo, 2nd Mechanized Brigade Commander Col. Facundo Palafox IV, at Philippine National Police Lanao del Sur Chief Police Col. Madzgani Muksan Mukaram.

Ayon kay TF Bangon Marawi Chairman Del Rosario, chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council,  nagsi­mula nang  umarangkada ang mga proyekto at programa ng gobyerno katuwang ang pribadong sektor para maibalik ang normal na pamumuhay ng taga-Marawi.

“We would like to inform everybody, especially our Maranao brothers and sisters, that in this second anniversary of the Marawi liberation, we are on track with our timetable as embodied in the master deve­lopment plan,” ayon kay Del Rosario.

“This October, the most affected area will be cleared of bombs. We will be requesting the AFP to declare the MAA as safe from the danger of bombs,” banggit Del Rosario. Aniya, matatapos ang ‘pagwawalis’ sa alikabok ngayong Nobyembre at sisimulan na ang pagtatayo ng iba’t ibang imprastraktura bago matapos ang taon.

“With these developments, we can say that the completion of the rehabilitation will be attained or achieved by December 2021,” dagdah pa ni Del Rosario.

Pagbubuklod ng mga mamamayan

Para mapabilis ang pahilom ng sugat at mabalik ang sigla ng pamumuhay sa lungsod, binigyan-diin ni Sec. Galvez sa isang multi-stakeholder peace forum sa Mindanao State University na kailangan ang social healing at reconci­liation.

“Ang pagtitipon na ito ang magbibigay daan upang tayo ay makapag-usap at magpalitan ng kuro-kuro kung paano natin maisusulong ang kapayapaan at kaunlaran dito sa inyong lugar,”wika Galvez at hinikayat ang mamamayan na makipagtulungan sa gobyerno para maibangon ang lungsod sa lalong madaling panahon.

“Magagawa po natin ito sa pamamagitan ng mga pag-uusap na katulad nito. Buksan po natin ang ating mga puso at isipan, at pakinggan ang bawat isa. Naniniwala ako na ang lahat ng nandirito ngayon ay may malaking maitutulong sa pagbangon ng Marawi.” Din ni Galvez.

Kasalukuyang itinataguyod ng Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang Social Healing and Peacebuilding Program o SHAPE. Magiging katuwang ng OPAPP ang Mindanao State University para umarangkada ang nabanggit na programa saan target na pagbubuklurin ang lahat na mamamayan maging ito ay Muslim, Kristiyano at Katutubo.

“We will never leave you behind,” pagtatapos Galvez.

Please follow and like us:
Read More

BANGON MARAWI (2)

MARAWI-1

Sulyap sa Hinaharap

(Ni Mac Cabreros)

MATAPOS ang dalawang taon, kumusta na kaya ang Marawi City?

“We are on our way to ­being well. We are finally ­learning what peace is all about,” ­pahayag ni Marawi City Mayor Majul Gandamra sa Week of Peace Festival bilang bahagi sa paggunita ng Marawi siege.

Hinikayat ng alklade ang kanyang mga nasasakupan at kababayan na makibahagi sa social healing  program ng ­gobyerno.

“Peace starts with us. Peace must be realized,” pagdidiin pa ni Gandamra.

“In reality, it is you, the people of Marawi, who have inspired and strengthen my resolve to work for genuine and enduring peace,” pahayag naman Peace Adviser Carlito Galvez Jr.

“Truly, I am very inspired to know that as we observe the Holy Month of Ramadan, you are using the occasion as an opportunity to reflect on the lessons of the Marawi experience and apply them to your daily lives. This is where the healing process can truly begin.”

Sinabi pa ng kalihim na makikinabang ang Marawi City sa itinatag na Bangsamoro region. “The opportunity for us to heal, rebuild, and recover is within reach. With the establishment of the Bangsamoro ­government, the fate of this beautiful city now rests not only in the hands of the new leadership but also in your hands. You now have the opportunity to play a key role in charting the course of Marawi’s future,” sabi ni  Galvez.

Para marating ang dulo ng healing process, isinulong ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at Armed Forces of the Philippines, na alalayan ang mga natitirang miyembro ng Maute group na sumuko sa gobyerno.

“We are looking at the Basilan model, wherein members of the Abu Sayyaf, who have surrendered, where given proper interventions,” pahayag Col. Romeo Brawner, commander ng Task Force Ranao.

“What we are looking at it as the implementation of transitional justice and reconciliation here,” sabi naman ni Galvez.

Sa programa, gagamitin ng gobyerno ang mga sumukong Maute members para kausapin ang kanilang kababayan na iwasang magpalinlang at sumanib sa bandidong grupo at mag aklas laban sa gobyerno.

Nitong Oktubre 17 taon kasalukuyan binalikan at ginunita ang digmaang sumiklab sa Marawi City na bumura sa ganda nito kung saan pinulbos ng ngipin ng ilang libong bala at bomba ang mga bahay, ospital, paaralan, simbahan at iba pang istraktura . Nagmistula itong ‘ghost town’ at tinawag ‘ground zero’.

“We will never forget Marawi.” Bigkas ni  Presidential Peace Adviser Galvez Jr. sa isang seremonya sa 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army habang nakatayo sa harap ng monumento saan nakalilok ang mga pangalan ng 126 sundalong nalagas sa labanan.

“This is the time to remember their names one by one. I remember the time how they fought and how they died. I remember every name of those who sacrificed for the liberation of Marawi. This is one of the many ways that we can show to the people that we will always remember them.

Losing a hundred people is something you can never forget,” dagdag pa ng kalihim.

“In hindsight, I would like tell the people that this is the way…how soldiers [had] to give up their lives just to ­liberate Marawi from the clutches of terrorism. That’s the oath of the soldier and that we are ready to die for our country and for our people,” impit ang boses na dugtong ng Kalihim saka sumaludo.  (May Karugtong)

Please follow and like us:
Read More

BANGON MARAWI (1)

MARAWI-10

Kamay na Bakal, Sanhi ng Paghupa ng Apoy

(Ni Mac Cabreros)

MAYO 23, 2017 nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na noon ay nasa Russia para sa state visit, ang Martial Law sa bisa ng Proclamation Order No. 216 para makontrol ang buong Mindanao kasama ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Ito ay dahil sumiklab ang labanan ng puwersa ng pamahalaan at Islamic State of Irac and the Levant o ISIL kasama ang Maute Group at Abu Sayyaf Salafi jihadist group.

Nang mapawi ang usok ng digmaan, hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na panatilihin ang Martial Law sa Mindanao kahit marami ang kumontra na nauwi pa sa pagtungo ng usapin sa Korte Suprema subalit naibasura kaya’t nagpatuloy ang pagkontrol ng military sa  mga rehiyon sa Mindanao.

Sa isinagawang pag-aaral ng International Alert Philippines, natukoy na malaki ang naiambag ng Martial Law para ‘lumamig ang ulo’ ng mamamayan sa Mindanao. Nakitang bumaba ang bilang ng mga insidente ng karahasan at kaguluhan na madalas nareresulta sa patayan sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM), kasama ang Isabela, siyudad ng Cotabato, Davao at CARAGA region, kung  saan may naiulat na 45,000 insidente.

“Data show that conflict incidence across all provinces in the ARMM dropped 30% from 4,140 incidents in 2017 to 2,910 in 2018. Conflict deaths also decreased by 60% in 2018 from a year before from 2,261 to 900,” banggit Nikki de la Rosa, IAP country manager.

Aniya, ang pagbaba ng bilang ng bangayan at patayan ay bunga ng madalang na pag-atake at paggamit ng baril at bomba ng mga armadong grupo.

“The State was also able to maintain a fragile peace in the Bangsamoro by imposing martial law, which in turn deterred the carrying and use of firearms,” diin Dela Rosa.

Dagdag dito, ayon pa Dela Rosa, ang pag-aresto ng Philippine National Police sa mga taong ilegal na nagdadala ng baril noong 2018 ay nagresulta upang matapyasan ang patayan sanhi ng baril sa 31 porsyento mula 1,290 noong 2017 ay naging 891 noong 2018.

“Bombing incidents declined from 193 incidents in 2017 to 166 in 2018 and were less deadly in 2018 with five deaths per incident, slightly down from six in 2017,” banggit pa Dela Rosa.

Bagama’t unti-unti nang humuhupa ang apoy sa dibdib ng taga-Mindanao, nananatiling nasa balag nang alanganin ang kaayusan at kapayapaan dito.

Kahit maayos na ang buhay ng mga tao sa Bangsamoro, nananatili pa rin sa isip ng tao na ito ang pinakamapanganib na lugar sa bansa dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa tuluyang naapula ang apoy.

Sinabi rin ni Dela Rosa na posibleng magningas muli ang apoy at pumutok ang karahasan at kaguluhan bunsod nang patuloy na extremism,bangayan ng mga armadong grupo, away ng mga angkan at maging iringan ng mga pulitiko.

Ayon naman kay Francisco Lara, Senior Peace and Conflict Adviser ng Alert Philippines, maraming aspeto pa ang dapat tignan o timbangin bago alisin ang Martial Law.

“Because of the fragile peace, certain conditions will have to be met before the military pulls out. The lifting of martial law in Mindanao is certain, but there has to be a political settlement on the use of weapons before it is lifted,” wika Lara.

“It is certainly critical because extremist violence remains resilient and resurgent. Tensions are rising because of the unexplainable delays in the Marawi reconstruction process that has added to the grievances of those affected, especially women and the youth,” pagsang-ayon De la Rosa. May Karugtong

Please follow and like us:
Read More

MAG-INGAT SA MENINGO (2)

meningococcemia-3

Nakakahawa, Delikado

(Ni Nenet L. Villafania)

Nakakahawa nga ba? Gaano kadelikado?

AYON sa science dictionary, ang meningococcemia ay ­impeksyon sa dugo dahil sa bakterya na tinatawag na Neisseria meningitidis, o meningococcus. Nakakahawa ito katulad ng sipon o ubo, o kahit pa kapag ­nahingahan ka ng direkta ng taong maysakit nito.

Kapag nahawa na, lalagnatin ang pasyente at mananakit ang katawan na parang tinatrangkaso. Kapag nagkaroon na ng rashes, seryoso na ang lagay ng pasyente na posibleng ikamatay niya. May kumplikasyon kasi ito na maaaring maging sanhi ng septic shock, multiple organ ­failure, hindi makakapag-circulate ang dugo sa mga kamay at paa – na maaaring maging sanhi upang putulin ito o mawalan ng kakayahang gamitin kahit gumaling pa ang pasyente – at syempre, kamatayan kung mapapabayaan.

Sakaling makaligtas ang pasyente, pwede siyang makaroon ng bacterial meningitis na maaari din niyang ikamatay sa hinaharap.

Nagagamot ba ang meningococcemia?

Nagagamot ang sakit na meningococcemia gamit ang intravenous antibiotics. Injection po na sa totoo lang, masakit daw, pero kailangang tiisin dahil nakamamatay nga ang sakit na ito kung hindi maaagapan.

May bakuna rin para hindi mahawa ng ­meningococcemia, ngunit wala pa ang gamot na ito sa Pilipinas, at napakamahal daw nito. Inirerekomenda ng mga doktor na bakunahan nito ang mga bata kapag 11 anyos na at bigyan ng booster dose kapag 16 anyos na.

Dapat din umanong bakunahan ang mga matatanda o ang mga taong dumaan na sa operasyon dahil mahina na ang kanilang immune system. Ngunit mas pinag-iingat ang mga ang mga positibo sa HIV.

Dapat din umanong magpabakuna ang mga taong madalas magbiyahe, sa Pilipinas man o sa abroad, mga college students at militar na nakatira sa mga dormitoryo at barracks, at higit sa lahat, ang mga kasama sa bahay ng mga taong may close contact sa mga hinihinalang may ­meningococcemia tulad ng manggagamot, nars, health workers at iba pa.

Ayon sa pag-aaral, dalawang linggo ang incubation ng bacteria sa katawan ng tao kaya mabuti na ang nag-iingat.

Paano mo ­iniingatan ang sarili mo sa meningococcemia?

Nagsagawa kami ng survey upang malaman kung paano umiiwas ang mga Pinoy sa sakit na ito. Narito ang kanilang mga kasagutan;

Lyndon Plantilla, “Nagtatakip ng bibig at ilong kapag ­inuubo o may umuubo sa malapit at naghuhugas ng kamay palagi.”

Jorge Jr Castro, “Yong pag-spelling lang ng sakit na yan, mahirap na, eh, yon pa ­kayang lunas dyan.”

Susan H. Barcelon, “Painumin ng vitamin C ang mga bata.”

Rosalina Agrava-Gulinao, “Yung mga bata dapat babantayan lalo na sa labas naglalaro. Dapat sasabihan maghuhugas ng kamay ng tamang pamamaraan. Di lang ­meninggo ang dapat iwasan. ­Maraming sakit pa lalo na at bata ang madalas kapitan!”

Ciara Maecy Domingo, “Tigil na lang po sa bahay, di na masyadong naggagala.”

Dolet Fenomeno Botones, “Wag na munang pumasok sa school. Advance vacation.”

Kahit may ilang pasaway na sumagot, ang payo pa rin po natin ay ingat-ingat lang kapag may time. Iisa lang ang buhay ng tao, at ayaw naman ninyo sigurong kayo ang ­maging susunod na biktima.

Please follow and like us:
Read More

MAG-INGAT SA MENINGO (1)

meningococcemia-5

Meron ngunit di kailangang mag-panic

(Ni Nenet L. Villafania)

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na isang 53-anyos na babae ang namatay dahil sa meningococcemia sa isang hospital sa Tanauan City, Batangas noong huling linggo ng Setyembre.

Ayon kay DOH Calabarzon Director Eduardo Janairo, kumpirmado ito base sa mga test results ng Research Ins­titute for Tropical Medicine (RITM).

Ang mga sintomas na naranasan ng biktima ay mga pasa at galos sa katawan, pananakit ng ulo, at mataas na lagnat ang nagtulak sa mga awtoridad upang kumuha ng sample ng dugo ng babae upang mabatid kung pangkaraniwang trangkaso o sa mas malalang dengue. Gayunman, hindi ito agad binibigyan ng pansin ng mga nagkakasakit.

Hinihintay pa ng DOH ang resulta sa blood test ng tatlo pang hinihinalang kaso ng meningococcemia na nagresulta rin sa kanilang kamatayan noon ding isang buwan, kasama na ang isang taong batang isinugod sa emergency room ng Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu, isang dalawang taong batang lalaki na taga-Nasugbu rin at isang 46-anyos na babaing taga-San Jose, pawang sa Batangas.

Ngunit pinabulaanan ni Janairo na may outbreak ng meningococcemia sa Batangas dahil may tatlong kaso pang hindi beripikado, at hindi rin ito naka-concentrate sa iisang bayan. Gayunman, binalaan niya ang madla na maging mapagmatyag, ngunit huwag din naman umanong magpa-panic.

Base sa tala ng DOH, abot na sa 130 ang mga kaso ng Meningococcemia sa bansa mula Enero 1 hanggang Hun­yo, 2019 – kung saan karamihan sa kaso (18%) ay sa NCR at Region IV-A o CALABARZON (16%).

May animnaputwalo (68) na rin ang namamatay.

Noong 2018, 17 ang kaso nito sa CALABARZON kung saan 9 ang namatay. Naging 21 ang kaso dito nitong  Hun­yo at 11 naman ang namatay.

Paalala ni Janairo, “U­nang-una, huwag magpapanic. Napakaimportante pa-check up kaagad, humingi ka ng prophylaxis sa isang epidemiologist o mga doctor at may mga gamot naman sa kahit bata na para ibigay na prophylaxis ‘yung proteksyon, para hindi siya magkaroon ng meningo”.

Sa Nasugbu, pinitisyon ng mga mamamayang pansamantalang isara at ipa-qua­rantine ang Nasugbu Doctors Hospital at Apacible Memorial District Hospital matapos malamang dito itinakbo ang tatlong pasyenteng hinihi­na­lang namatay dahil sa meningo­coccemia.

Nakiusap naman si Na­sug­bu Mayor Antonio Barcelon na huwag mag-panic ang mga tao upang hindi lumala ang sitwasyon.

“Hindi airborne ang meningococcemia,” ani Barcelon. “Hindi ito makakahawa kung hindi ka masyadong malapit sa may sakit.”

Gayunman, hindi pa rin naiwasang magkaubusan ng disposable face mask sa mga botika. Makikita ring karamihan sa mga lumalabas ng bahay, lalo na ang mga bata, ay nakasoot ng face mask bilang proteksyon. (May kasunod)

Please follow and like us:
Read More

TINGIN SA TINGI (3)

LANDFILL

Itatak sa Isip, Puso ang Disiplina

(Ni Mac Cabreros)

TINAYAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Asian Development Bank (ADB) na kapag nagpa­tuloy ang bultong paggamit ng sachet, mangangailangan ang bansa ng 200 bagong landfill na kasing laki ng Metro Manila o 600 metro kilometro sa darating na mga taon.

Batid ng ating pamahalaang, lalo ng DENR, local government units (LGUs) at iba’t ibang sektor o grupo, na lawak at tindi ng masamang epekto ng basura sa kalikasan, sa kabuhayan ng mamamayan, at ekonomiya ng bansa.

Dahil dito, iba’t ibang programa at proyekto ang itinataguyod gaya ng maayos at tamang pangangasiwa sa basura o waste management, pagpapatupad sa batas at ordinansa saan nagpapataw ng karampatang parusa sa sinumang lalabag dito, pagtuturo ng tamang waste disposal kung saan dapat itong paghiwahiwalayin ang mga nabubulok sa hindi gayundin i-segragate ang maari pang pakinabangan o ibenta at i-recycle para ma­ging ‘pera.’

Isinulong din ang pagbabawal ng paggamit ng biodegradble bilang pampabalot sa kalakal at paggamit ng resusable at biodegradable na bag kapag namalengke.

May ilang mambabatas din ang naghain ng panukalang nagbabawal ang paggamit ng non-biodegradable straws at stirrers, ban sa SUP, pagregulate sa produksyon, pag-angkat, pagbenta, paggamit ng plastic.

“The country will not be ready to phase out plastic use until cost-effective alternatives are available,” pahayag Jeremiah Sebastian ng Pollution Control Association of the Philippines.

“The problem with banning plastic in general is we tend to see the ‘evil’ side, focusing on why it was there in the first place. But there is no such thing as eco-friendly packaging – only friendlier. It’s a matter of minimizing the environmental impact of a particular material. That’s where life-cycle assessment comes into play,” diin Sebastian.

Naiulat na pinabalik ng administrasyong Duterte ang basurang mula Canada. Maraming grupo ang nagtuturo sa mamamayan kung paano ga­wing pera ang basura. Marami rin ang naghahanap ng solus­yon para maagapan ang problema. Maraming kompanya mismo ang gumagawa ng hakbang upang mabawasan kung hindi man ay matigil ang paggamit ng plastic. May nagsusulong na pagkunan ang ener­hiya ang basura sa pagtatayo ng waste-to-energy plants. May mga grupong sumisigaw: Ayaw namin sa plastik.

At saan nga dapat magsimula ang solusyon sa basura? Sa gobyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya nito o sa lokal na pamahalaan? Sa iba’t ibang sektor o grupo? O, di kaya tayo mismo ang dapat unang gumalaw?

Tama po, disiplina sa sarili ang dapat nating pairalin. Hindi lamang itatak sa isip at puso natin ang katagang: ‘Reuse/recycle the past, reduce the present, save the future.’ Isagawa natin ito nang taus-puso. Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na dapat gampanan. Nasa ating kamay ang pangangalaga sa kalikasan. Ang pagsalba sa buhay natin at ng sunod na henerasyon. Kumilos tayo ngayon para sa ating kinabukasan.

Please follow and like us:
Read More

TINGIN SA TINGI (2)

DUMPSITE

Kulang sa political will o nabahiran ng katiwalaan

(Ni Mac Cabreros)

NOON pa mang 2000, gumawa na nang hakbang ang pamahalaan upang mapigilan ang paglaki ng problema sa basura lalo na sa plastic kaya’t naipasa ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan upang gumawa ng  tamang hakbang upang mapigilan ang paglaki at pagtambak ng mga problema sa basura kabilang na rito ang pagpapasara sa mga open dumpsite. Naitatag din ang National Solid Waste Management Commission na magtitiyak maipatupad ang nasabing batas.

Napapaloob sa RA 9003 ang pagre-recycle, pagse-se­gregate at pagpapasara sa mga dump sites.

“Many secondary cities do not have waste collection at all,” pahayag Froilan Grate, executive director Global Alliance for Incinerator Alternatives – Philippines.

Sinabi naman ni Von Hernandez, global coordinator ng Break Free From Plastic Movement, bagaman bahagi ng mandato ng RA 9003 ang recycling, segregating, closure of dump sites, nananatili pa rin ang mga ito at ang masaklap ay malapit pa sila sa mga katawang tubig tulad ng Manila Bay at Laguna de Bay.

“It is common sense that these should be shut down – yet there they are, still existing,” ayon kay Hernandez na nagpahayag din na  kakulangan sa political will o posibleng nababahiran ng katiwalian ang implementasyon kaya hindi ito ganap nakakamit ang adhikain ng naturang batas.

Pumutok ang plastic waste sa Filipinas noong 1970’s nang simulan ng mga manufacturer ang paggamit ng single use plastic gaya ng shampoo, toothpaste, creams, soaps, crackers, nuts at iba pang foodstuffs. Lumaganap ang ‘tingi culture’ sa buhay Pinoy kung saan inaakalang makatitipid ito sa gastusin.

“Waste management is just a small part of the solution,” diin Grate. “Yes, cities should do their part in waste management through collection, composting, recycling … but even if all cities comply with RA 9003, there will be residual waste. So companies should start using alternatives that are manageable for communities,” dugtong nito.

Sinabi pa nina Hernandez at Grate na dapat sumunod ang mga kompanya lalo ang mga manufacturer sa batas at maki­bahagi sa extended producer responsibility strategy para mabawasan o maibsan ang problema sa basurang plastik.

“We have RA 9003; what we don’t have is a law that mandates producers to be res­ponsible for the products and packaging that they are bringing to the market,” diin Hernandez.

“These companies have made the decision to make these materials, knowing full well there is no infrastructure to dispose of them. So it’s not a consumer problem but a corporate problem.”

“Single-use plastic is ubi­quitous, but it lasts forever. Recycling cannot be the answer, so we need to change the system,” pahayag Dianna Cohen, co-founder at CEO ng Plastic Pollution Coalition.

“Until large companies take responsibility for their actions, plastics will continue to blight the natural environment. Instead of relying on [local governments] and the efforts of environmental organizations, these companies, which are making a lot of money from consumers, should invest in their own long-term solutions,” dugtong Grate.

“Metro Manila alone spends seven billion pesos [US$130 million] a year to dispose of waste – garbage that big corporations are making money with. It is not right for them to pass the burden to the government and communities.” Pagtatapos  ni Grate.­

Please follow and like us:
Read More

TINGIN SA TINGI (1)

PLASTIC-3

Gabundok na problema ngayon at bukas?

(Ni Mac Cabreros)

ANG basura lalo na ang plastic ay hindi nawawala sa isang iglap lang tulad ng iniisip natin kung gamitan ito ng madyik. Dahil batid natin na taon ang binibilang bago ito malusaw kahit pa ibaon sa lupa. At batid din natin na mapakalaki ng masamang epekto nito sa kalikasan, kalusugan at ekonomiya na kapag nagtagal pa ay mananatiling problema lalo na kapag hindi pinansin at maagapan.

Sa madaling salita, ang ina­akala nating simpleng problema sa basura ngayon ay magi­ging tone-tonelada at gabundok na problemang kakaharapin natin bukas.

Bilyon-bilyong plastik at styrofoam ang natatambak sa mga landfill gayundin naanod sa ilog patungo sa karagatan kung saan nasisira ang marine ecosystem. Noong 2016, naiulat na abot sa 40,000 metriko tonelada ang basura kada araw ang nakokolekta.

Naalarma ang mga eks­perto dahil walong toneladang basura ang natatapon sa mga karagatan bawat araw at ang masaklap dito, base sa ulat, pangatlo ang Pilipinas bilang ocean polluter.

Ayon sa mga mananaliksi, pakonti nang pakonte ang mga pagkaing nakukuha sa karagatan bunsod nang pagkasira sa marine ecosystem kung saan nalalason at namamatay ang mga isda at iba pang lamang dagat. Katunayan, may mga isdang basta na lamang napadpad sa dalampasigan at nang suriin ay plastik ang laman ng bituka. Naiulat din na nagtataglay ngayon ng micro-plastik ang mga isdang nahuhuli at siyang nahahatag sa hapag-kainan.

Umaalingasaw din ang problemang dulot ng masangsang na amoy mula sa basura kung saan pinagmumulan ng iba’t ibang sakit lalo sa upper respiratory system ng tao. Nakaamba rin ang panganib sa kalusugan mula sa toxic waste dahil maaring pagmulan ito ng lason at kemikal para magkasakit ang tao. Nakapagdudulot din ng matinding pagbaha dahil nababarahan ng plastic ang mga daluyan ng tubig at siyempre aapaw sa kalsada ang tubig-ulan.

Alam natin na malakas na economic driver ang turismo. Marami ang nagkatrabaho bilang tourist guide gayundin sa serbisyo sa mga establishment sa tourist spots gaya ng beach. Malaki rin ang ambag nito sa kabuhayan ng mga gumagawa ng handicrafts gaya ng souvenir items. Pero paano kung matataboy ang mga turista dahil umaalingasaw ang nakasusulasok na amoy mula sa gabundok na basura na nagsisilbing ‘eye sore’ kung saan imbes na gaganahan ang pagbisita at pag­liwaliw sa magagan­dang tanawin sa bansa?

Kasabay nang pagsusulong sa turismo, ilang hakbang ang dapat itaguyod para mapanga­lagaan ang kalikasan. Kabilang dito ang pag-promote sa farm-to-market restaurant kung saan higpitan ang pagpasok sa imported at nakapaketeng preserved food. Sa pamamagitan nito, maengganyo rin ang mga magsasaka upang magtanim ng maraming high value crops. Ipinupursige rin ang paagbabawal sa pagdadala ng bottled water bagkus ay reusable water bottle o pitcher sa mga beach at camping areas. Dapat din bigyan ng insentibo ang sinumang mag-uulat na may turistang lumalabag sa batas-kalikasan.

Noong 2000, naipasa ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste kung saan inatasan ang mga lokal na pamahalaan upang gumawa ng karampatang hakbang para maagapan ang problema sa basura kabilang na rito ang pagpapasara sa mga open dumpsite. Naitatag din ang National Solid Waste Management Commission na magtitiyak maipatupad ang nasabing batas.

Bagama’t ganito, pagkaraan ng labingwalong taon, nakita ng mga environmental protector group na hindi ganap naipapatupad ang nabanggit na batas dahil daang open dump sites pa rin ang nag-ooperate.

Please follow and like us:
Read More