TAMPOK NA MGA BALITA NG 2019

BuCor-1

(Ni NELSON S. BADILLA / Huling Labas)

HINDI nawawala sa mga balita nitong 2019 ang talamak na korapsyon sa maraming ahensiya ng pamahalaan.

Ito’y dahil hindi agresibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa problemang ito na ilang ulit na rin niyang tinitiyak sa media na ayaw niya ng katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

Narito ang ilan sa mga ahensiyang namumutakti sa katiwalian.

Korapsyon sa BUCOR

NAGING laman ng bawat pahayagan ang Bureau of Corrections (BuCor) at New Bilibid Prison (NBP) na nasa iisang lugar lang sa Muntinlupa City noong pinamumunuan pa ito ni dating BuCor Chief Nicanor Faeldon, na ilang beses naisa­lang ng Senate Blue Ribbon Committee  sa imbestigasyon dahil sa kaduda-dudang pagpapalaya ng libong mga bilanggo kaugnay sa batas tungkol sa good conduct time allowance (GCTA).

Naniwala ang ilang senador na posibleng mayroong kumitang opisyal sa BuCor dahil maging ang mga notoryus na bilanggo sa Maximum Security Compound ng NBP ay napalaya.

Muntik na ngang napalaya sina dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez at negosyanteng Janet Lim Napoles.

Bukod sa anomalya sa GCTA, sumambulat din sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee na napakatalamak pa rin ng korapsyon sa BuCor, NBP at maging NBP Hospital.

Patuloy pa rin ang transaksyon ng ilegal na droga mula sa NBP patungo sa mga galamay ng mga drug lord sa labas ng pambasang bilangguan.

Ang dahilan ay ang pagkakaospital sa NBP Hospital dulot nang napakasamang ka­ramdaman kapalit ang mala­king halaga sa doktor sa nasabing pagamutan.

Nadiskubre ring maging ang pera para sa pagkain ng mga bilanggo ay kinukurakot ng mga matatakaw sa pera sa BuCor at NBP.

Natanggal si Faeldon sa BuCor, ngunit hindi pinakasuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nag-talaga  sa mataas na posisyon sa nasabing ahensiya. Bago napunta sa BuCor si Faeldon, itinalaga ito ni Presidente Duterte sa Bureau of Customs (BOC) kung saan naisalang ito sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa talamak na katiwalian sa hinahawakan nitong tanggapan.

Ipinalit ng pangulo kay Faeldon si dating Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) jailwarden Supt. Ge­rald Bantag, kabilang sa Philippine National Police Academy- Kaagapay Class.

Tiniyak ni Bantag nang opisyal siyang gawing hepe ng BUCOR na “tatlong buwan” lamang niyang tatanggalin ang katiwalian, korapsyon at transaksyon ng ilegal na droga sa BuCor, NBP at NBP Hospital.

PNP, Ninja cops at ‘agaw-bato’

AGAW-BATONAWASAK ang imahe at kredebilidad ng Philippine Natio­nal Police (PNP) nang lumutang sa imbesti-gasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagkakaroon ng ‘Ninja cops’ na  mga tauhan ni General Oscar Albayalde noong 2013 na  siya  pa ang provincial director ng Pampanga.

Lumutang sa imbestigasyon ang operasyon ng “agaw-bato” kung saan mahigit 200 kilo ng Metham-phetamine hydrochloride (shabu o bato) ang nakumpiska sa bahay ng pinaniniwalang drug lord na si Johnson Lee sa isang subdibisyon sa Mexico, Pampanga subalit 36 na kilo lang ang idineklara ni P/Major Rodney Baloro IV, team leader ng drug unit ni Albayalde.

Ibinunyag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP, na inagaw at pinagkakitaan ng mga tauhan ni Albayalde ang mahigit 160 kilo ng shabu.

Noong 2016, tinawagan pa ni Albayalde ang noo’y regional director ng Central Luzon Police Office na si C/Supt. Aaron Aquino hinggil sa implimentasyon ng “dismissal order” laban sa kanyang mga tauhan na nasangkot sa operas­yong “agaw-bato,” samantalang regional director din naman si Albayalde  ng National Capital Region Police Office.

Lumabas na mistulang hinarap ni Albayalde ang dapat na kaparusahan kina Balo­ro. Dahil sa ibinunyag nina Magalong at Aquino, nasira ang pangalan at kredebilidad ni Albayalde.

Nagbitiw sa pagiging hepe ng PNP si Albayalde noong Oktubre 14, sa halip na hintayin ang kanyang pagreretiro noong Nobyembre 8.

Hanggang sa ngayon ay wala pang naitatalaga si Pangulong Duterte na kapalit ni Albayalde sapagkat wala siyang makitang “sobrang honest” na opisyal na puwedeng maitalagang PNP Chief.

Halalan 2019

MAYO naganap ang halalan kung saan pumili ang mga botante ng mga senador, kongre­sista at mga opisyal sa mga pamahalaang lokal.

Naging tampok na balita laganap na bilihan ng boto na naganap isang araw bago ang maghalalan at mismong araw ng halalan.

Kanya-kanyang batuhan ng akusasyon ang mga politiko na pareho rin naman ng nakalaban nila na namili ng boto. Ang usapan lang ay kung sino ang mas malaki ang pinakawalang pera sa pagbili ng boto.

Ang bilihan ng boto na isang porma ng korapsyon ay hindi nawawala hanggang ngayon.

P4.1 trilyong badyet, bukas sa korapsyon

Speaker Alan Peter CayetanoIPINAGMALAKI ni Speaker Alan Peter Cayetano na pasok sa deadline na Oktubre ang pagpasa ng House of Representatives sa panukalang P4.1 trilyong badyet ng administras­yong Duterte para sa 2020.

Sinabi ni Cayetano na mabilis na desisyon at aksyon ng Kamara sa ilalim ng kanyang liderato kasabay nang pagyayabang na walang pork barrel sa P4.1 trilyon badyet subalit nang nasa Senado ay natumbok ni Senador Panfilo Lacson na mayroong pagkukunan ng yaman ng mga tiwaling kongresista.

Binulalat ni Lacson ang kalokohan sa P4.1 trilyong badyet habang tinatalakay sa Senado, ngunit nailusot pa rin ng ilang kongresista ang P83.219 bilyon na siyang pagkukunan ng 742 proyektong nagkakahalaga ng P16.345 bilyon na isiningit sa ulat ng Bicameral Conference Committee (Bicam).

‘Ignorante’ si Robredo

NAPAKASIPAG magsalita ni Bise Presidente Ma. Leonora Robredo hinggil sa iba’t ibang isyu ng bansa subalit sa dalawang isyu ay papahiya ito.

Una ay tungkol sa ilegal na droga matapos siyang italaga ni Pangulong Duterte bilang ‘co-chairman’ ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD).

Maraming inalatag si Rob­redo sa ICAD upang matiyak na “hindi madugo” ang kampanya laban sa droga at “ginagalang ang karapatang pantao ng mga  sangkot sa ilegal na droga” subalit kakasimula pa lang sa trabaho ay walang tigil na ito sa pagbibigay ng samu’t saring komento at kanyang adyenda sa ahensiya.

Lumitaw sa bandang huli na ginagamit lang ni Robredo ang pagkakataon upang pasikatin ang kanyang sarili at pagandahin ang kanyang imahe sa publiko.

Pangalawang isyu ay hinggil sa kontrobersiya ukol sa Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Servi­ces Inc.

LENI-2Binatikos ni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ideklara ng huli na hindi niya papayagang magbayad ang pamahalaan ng P7.39 bil­yon sa Manila Water at P3.4 bilyon sa Maynilad batay sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na hiningian ng tulong ng dalawang water concessionaires ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Pinagsabihan ni Robredo si Duterte na “maghinay-hinay” at maging “kalmado” sa pagpuna sa Manila Water at Maynilad.

Maraming postibong resulta at epekto ang desisyon ng pangulo tulad ng hindi mababawasan ng P10.79 bilyon ang pera ng pamahalaan, hindi itutuloy ng Manila Water at Maynilad ang dagdag-singil sa Enero at nakansela ng MWSS ang pinalawig na kontrata ng dalawang kumpanya sa pamahalaan mula 2022 hanggang 2037.

Kaya, inakusahan si Rob­redo ng tagapagsalita ng pa­ngulo na si Atty. Salvador Panelo na ignorante sa isyu kaugnay sa kapakanan ng bansa.

Please follow and like us:
Read More

MAINIT NA BALITA NG 2019

(Ni NELSON  S. BADILLA / Unang Bahagi)

MARAMING pangyayari ngayong 2019 na siguradong mayroong direktang epekto sa bansa at mamamayan.May maganda ang epekto at mayroon ding masama bu­nga anomalya at korapsyon.

Isa-isahin natin.

Kontra Maynilad at Manila Water

HINDI tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ng Singapore na magbayad ang pamahalaan ng P7.39 bilyon sa Manila Water Company Inc. at P3.4 bilyon sa Maynilad Water Services Inc. bilang kapalit sa umano’y perwisyong ginawa ng pamahalaan sa dalawang kumpanya makaraang hindi kilalanin at hindi ipatupad ang ilang probisyon ng nakasaad sa kontrata  sa pagitan ng dalawang kumpanya at gobyerno upang maging distribyutor ng tubig sa mga residente ng Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ang P7.39 bilyon ay ang kabuuang halaga ng ikinalugi ng Manila Water mula 2015 hanggang 2019  at ang P3.4 bilyon naman ang kabuuang halaga ng ikinalugi naman ng Maynilad mula 2013 hanggag 2017 dahil sa pasya ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System – Regulatory Office (MWSS – RO) noon na huwag isama ang corporate income tax sa umentong hinihingi ng Manila Water at Maynilad sa buwanang bayad ng kani-kanilang kustomer.

Ayon kay Duterte, maraming probisyong “onerous” sa kontrata ng pamahalaan sa Maynilad at Manila  Water.

Sinabi rin ng pangulo na “matagal nang niloloko” ng dalawang kumpanya ang kanilang mga kustomer sa Metro Manila at mga katabing lalawigan dahil maging ang buwis na dapat ang Maynilad at Manila Water ang nagbabayad sa Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa kanilang bilyun-bilyong kinikita bawat buwan ay ipinapasa sa kanilang mga kustomer bilang pagsama sa binabayaran kada buwan ng bawat pamilya.

Nagsimula ang kontrata ng Manila Water at Maynilad sa pamahalaan, sa pamamagitan ng MWSS, noong 1997.

Hanggang 2020 ang haba ng kontrata ng dalawang kumpanya sa pamahalaan.

Ang pagsasapribado ng negosyong distribyusyon ng tubig sa publiko ay nakatali sa programang praybitisasyon ni Pangulong Fidel Ramos.

Pagkatapos nito, nabuo ang MWSS – RO.

Noong panahon ni Pangu­long Gloria Macapagal – Arroyo, pumayag ang MWSS na pahabain hanggang 2037 ang kontrata ng Maynilad at Manila Water matapos makumbinsi ng dalawang kum­panyang ito ang pamunuan ng MWSS na kailangang umabot hanggang 2037 ang kontrol ng nasabing mga kumpanya sa negosyong distribyusyon ng tubig sa Metro Manila upang mabawi ang kanilang puhunan at ginastos sa nasabing negosyo.

Noong panahong nagsampa ng kaso ang Manila Water dahil sa iginiit nitong pagkalugi mula noong 2015 hanggang 2019, kaya dapat silang bayaran ng pamahalaan ng P7.39 bilyon ay umabot sa P25 bilyon ang kinita ng kumpanyang pag-aari ng pamilya Ayala at mga dayuhang negosyante mula 2015 hanggang 2018, ayon na rin sa ulat ng Manila Water.

Ang Maynilad na nagdeklarang nalugi noong 2013 hanggang 2017 sa PCA ay kumita ng P36.7 bilyon ang kinabig nitong kita nasabing panahon.

Pabor na pabor sa mga residente ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ang desisyon ni Duterte, sapagkat una ay pumayag na ang pamunuan ng Manila Water at Maynilad na hindi na nila itutuloy at igigiit pa ang desisyon ng PCA.

Ikalawa, inatras na rin nila ang umento sa babayarang tubig kada buwan simula Ene­ro na naunang pinayagan ng MWSS – RO.

Ikatlo, kinansela at pinawalang bisa ng pamunuan ng MWSS ang kontrata nito sa Maynila at Manila Water noong 2009 na palawigin hanggang 2037 ang kontrol ng dalawang kumpanya sa distribyusyon ng tubig sa kanilang mga kustomer.

At ikaapat, nagbuo na ang Department of Justice (DOJ) ng panel na mag-aaral, mag­rerebyu at magbabago sa kontrata ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water alinsunod sa direktiba ni Duterte.

Sinabihan ni Duterte si DOJ Secretary Menardo Guevarra na tiyaking walang nakasaad na mga probisyong “onerous” sa kontrata.

Ampatuan MassacreKatarungan sa Ampatuan Massacre

Disyembre 19, inilabas ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis – Reyes ang desisyon sa 57 counts ng murder charges na isinampa laban sa 198 tao sa pangunguna ng angkan ng Ampatuan sa Maguindanao dahil sa kanilang pagkakasangkot sa pagpatay sa 57 katao, 34  ay mga journalist (ngunit tinanggal ng huwes ang namatay ding mamamahayag na si Reynaldo Momay, sapagkat hindi natagpuan ang kanyang bangkay).

Sa 761-pahinang desisyon ni Solis – Reyes, 28 ang makukulong ng “reclusion perpetua” (habambuhay na pagkabilanggo na 40-taon ang katumabas ayon sa batas), pangunguna ng magkakapatid na Zaldy, Sajid at Andal Jr. Ampatuan.

Kasama rin ang kamag-anak nilang si Anwar Ampatuan Sr., Anwar Sajid “Datu Ulo” Ampatuan, Anwar “Datu Ipi” Ampatuan, Mohades Ampatuan at Misuari Ampatuan.

Labinglima ang makukulong mula anim hanggang 10 taon bilang “accessories” sa pagpatay ng 58 tao.

Umabot sa 54 ang nakalaya matapos  ipawalang sala ni Reyes dahil walang sapat na ebidensiyang nagdiin sa kanila sa kaso.

Batay sa rekord sa sala ni Reyes, 80 akusado ang malaya pa hanggang ngayon mula nang maganap ang Ampatuan Massacre noong Nobyembre 23, 2009, ilang buwan bago mag-eleksyon noong Mayo 2010.

Maraming tao at orga­nisasyon ang nagsabing na­naig ang katarungan sa naganap na masaker sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao, dahil 57 katao na kamihan ay mamamahayag, ang nabigyan ng hustisya dahil sa kawalan ng takot ni Judge Reyes na hatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang mga akusado, lalo na ang mga prinsipal na akusado na sina Zaldy, Sajid at Andal Jr.

Ngunit, hindi lahat masaya sa desisyon, sapagkat mayroong ilang kuwestyonableng desisyon tulad ng pagpapawalang sila ni Reyes kina Akmad “Tato” Ampatuan at Sajid Islam Ampatuan bagamat alam nila ang planong pagpatay, ngunit wala sa aktuwal na masaker.

Ipinahayag ni Esmael “Toto” Mangudadatu, asawa ng isa sa mga biktima ng masaker at kasalukuyang congressman sa 2nd district ng Maguindanao, na iaapila niya ang kaso ng dalawang Ampa­tuan na napawalang sala.

Subalit base sa batas, hindi na puwedeng maghain ng motion for reconsideration o iapela ang pagpapawalang sala sa kasong kriminal sapagkat iyon ay proteksyon na ng akusadong napawalang sala.

Ngunit, posible pa ring maisampa ang apila ng mga kamag-anak ng mga biktima kaugnay sa pagpapawalang-sala kung ito ay papanigan ng Office of the Solicitor General (OSG).

Sa nasabing desisyon ni Judge Reyes, napakahalagang mensahe na ipinakita nito na mayroong opisyal sa korte na hindi kayang patahimikin ng pera o matakot at umatras sa makapangyarihang mga politiko.

Pinatunayang mayroong huwes na kayang maglabas ng desisyong reclusion perpetua laban sa makuwarta at makapangyarihang angkan ng Ampatuan.

Bagamat, mayroong nakamit na katarungan laban sa karumal-dumal na krimen na isinagawa ng ilang miyembro ng angkan ng Ampatuan, hindi nangangahulugang tapos na ang politika ng personalidad, politika ng pera at kapangyarihan ng Ampatuan, sapagkat batay sa rekord sa Commission on Election (Comelec), mayroong 36 na mga Ampatuan ang nahalal sa iba’t ibang posisyon noong eleksyong 2019.

Napabalitang mayroong 597 bank accounts, 500 ektaryang lupain, 130 sasakyan, 420 mga baril at pribadong sundalo na daan-daan ang mga tauhan.

Hindi rin nangangahulugang wala nang magaganap na masaker bago maganap ang eleksyon.

Wala ring garantiya na ligtas na ang mga mamamahayag sa pagpatay at pananakot sa mga mayayaman at makapangyarihang tao sa bansa na walang alam na solusyon kundi patayin ang mga mamamahayag upang tuluyan nang manahimik.

SEA GAMES GOLDNanguna sa SEA Games

Sa 149 na gintong medalya, 118 na pilak at 121 tansong medalya, hinirang na numero uno ang Team Pilipinas sa Ika-30 taong South East Asian Games na isinagawa sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Higit itong kahanga-hanga kumpara noong 2005 SEA Games kung saan host din ang ating bansa.

Sa nasabing palaro, numero uno rin ang Pilipinas matapos makakuha ng 113 ang nakuhang gintong medalya ng Pilipinas, 84 na pilak at 94 ang tansong medalya.

Ibig sabihin, patuloy ang paghusay at pag-angat ng kakayanan ng mga manlalarong Filipino.

Ang problema lang sa katatapos na SEA Games ay nabalot ito sa kontrobersiya dahilan upang imbestigahan ng Senado sa susunod na taon at titiyaking magigisa ang mga opisyal na may kinalaman  sa mga kaganapan sa pangunguna ni Speaker Alan Peter Ca­yetano, tagapangulo ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ang kontrobersiya ay magsisimula sa pagpapatayo ng National Government Administrative Center (NGAC) at dalawang sports events ng SEA Games sa New Clark City, Pampanga.

Ayon sa Bases Conversion Development Authority (BCDA), wala sa orihinal na plano ng MTD Capital Berhad ang konstruksiyon ng dalawang sports facilities na gagamitin sa SEA Games dahil ang pagtatayo  ng NGAC lamang ang plano ng MTD Capital Berhad.

Iginiit ng BCDA ang sports facilities kung saan pumayag ang MTD Capital Berhad.

Ngunit, literal na wala namang pera ang MTD Capital Berhad kaya sa mismong tulong ng BCDA napautang ang nasabing kumpanya ng P11 bilyon ng Development Bank of the Philippines (DBP) na ginamit nito sa pagpapagawa ng NGAC at dalawang sports venue para a SEA Games.

Umabot sa P8.51 bilyon ang nagastos ng MTD Capital Berhad.

Ang natitirang mahigit P2.5 bilyon ay tubo na ng MTD Capital Berhad matapos mabayaran ng BCDA ang P8.51 bilyon sa loob ng limang taon.            (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

LASING, WALANG GAWANG MAGALING

ALAK-11

(Ni Guillermo Octavio / Huling labas)

TOTOONG walang buting maidudulot ang pagpapakasawa sa alak. Marami ang napapasama at napapariwara dahil sa pag-inom ng alak nang sobra. Hindi nga masama ang uminom ng alak suba­lit kailangang kaya itong dalhin ng isipan. Hindi puwedeng mangibabaw ang espiritu ng alak sa utak ng umiinom dahil kapag nangyari iyon, tiyak na gulo ang mangyayari.

 Walang basagan ng trip

Noong Marso, agaw-buhay ang isang closed-circuit television technician nang pagsasaksakin ng kainuman nang tangkaing umawat ng biktima sa pagtatalo ng suspek at isa pa nilang kainuman  sa Malabon City.

Itinakbo sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rannie Garcia, 32, ng 144 Compound, Orange Rd., Barangay  Potrero.

Naaresto naman ang suspek na nakilalang si Renato Badidles, 58,  kapitbahay ng biktima.

Alas-3:40 ng hapon,  umiinom ang biktima, ang suspek at  isa pa nilang kapitbahay na si Wilson Alising, 23, sa loob ng  compound.

Nang tumama na ang alak ay nagtalo ang suspek at si Alising at nang umawat si Garcia ay sa kanya nabaling ang galit ng suspek at tinarakan ang biktima ng screw driver.

Marso rin nang pagsasaksakin at paluin ang isang lalaki ng  grupo ng mga lasing na kalalakihan na binawalan nitong umihi sa tabi ng kanyang bahay sa Caloocan city.

Duguang isinugod sa ospital ang biktimang si  Jerome Sambayon, 38 ng Phase 8 Blok 77 Lot Excess Brgy. 176 Bagong Silang.

Alas-5:45 ng hapon nang mapansin ni Sambayon ang isang tropa ng mga nag-iinuman at nang matuklasang ginawang comfort room ang gilid ng kanyang bahay ay sinita niya ang mga ito.

Kumuha ng bote ang mga suspek  bago pinagtulungang pagpapaluin sa ulo ang biktima na tatakbo sana papasok ng bahay ngunit bumunot pa ng patalim ang isang suspek at inararo ng saksak ang biktima.

Abril naman nang halihawin ng saksak habang umiihi ang isang lalaki ng kainumang best friend na pinauuwi na ng biktima dahil sa kalasi­ngan, sa Malabon City.

Isinugod sa Tondo Medial Center si John Renz, 22, ng 22 Perez Street, Barangay Tonsuya ng lungsod, dahil sa saksak sa leeg at kanang balikat.

Palaisipan naman sa mga pulis kung sino ang sumaksak sa suspek na si Redenze Manaclang, 24,  kapitbahay ng biktima,  na may saksak din sa dibdib at likod nang mahuli sa follow-up operation.

Ayon sa pulisya, alas-2 ng madaling-araw ay tuloy pa sa pagtagay sina Rez at Manac­lang sa kahabaan ng Perez Street, Barangay Tonsuya.

Bilang bespren, pinayuhan ni Renz si Manaclang na umuwi na dahil  lasing na ito at  tumayo na rin si Renz para umuwi ngunit nagpaalam muna ito sa kaibigan na iihi lamang.

Habang dyumidyinggel ang biktima ay sumalipawpaw ang ihi nito nang pagsasaksakin ng tila nahihibang na si Manaclang saka tumakas dala ang ginamit na patalim.

Nakita ni Ryan Revecencio, pinsan ni Renz, na du­guan ito kaya itinakbo sa sa nasabing pagamutan ang kaanak.

Nalaman ng iba pang kaanak ni Renz ang kinaroroonan ni Manaclang at humi­ngi ng tulong mga pulis  at ipinadakip ngunit nang dakpin ay duguan din ito dahil sa mga saksak kaya dinala sa  Jose Reyes Memorial Hospital si Manaclang  at kinasuhan ng frustrated murder

Noon namang Hulyo, hindi na nalagok ng isang 20-anyos na lalaki ang iniaabot  sa kanyang tagay nang aksidenteng mabaril ng kanilang tanggero na iniabot ang baso ng alak gamit ang kamay na may tangang baril sa Caloocan City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Tala Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang si  Jomar Selagan, ng San Jose Del Monte, Bulacan at agad na tinugis ng mga pulis ang suspek na si Leo Mape, 19, residente ng Caloocan City, na tumalilis matapos ang insidente.

Nabatid, lumalaklak ng alak ang bitkima at suspek kasama ang isang Christian De Oro, 19,  sa Barangay 185, Malaria  alas-10:30 ng gabi nang may hugutin si Mape mula sa kanyang baywang.

Baril pala ang binunot ni Mape at sinimulang ibida ito sa mga kaharap at nang iaabot na ang tagay ni Selagan ay hawak pa rin niya ang armas.

Aksidenteng nakalabit ni Mape ang baril at pagputok ay tinamaan ng punglo ang biktima na isinugod sa nasabing osptital ngunit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Hulyo rin nang masakote sa Caloocan City ang isang lasing na driver matapos na mabundol ang isang tricycle na minamaneho ng isang se­nior citizen sa Navotas City  at  maikipaghabulan sa mga pulis.

Lasing pa nang masakote si Ralf Alcalde, 44, ng Block 16, Lot 57, Phase 2 Area 2, Brgy Longos, Malabon City, sa Samson Road nang tinangka niyang takbuhan ang nabanggang tricycle ni Ricardo San Pedro, 71, ng C-4 Road, Brgy Bagumbayan North, Navotas City.

Itinakbo sa Tondo Medical Center si San Pedro para magamot habang ang gray na Suzuki Ciaz, na may conduction no. G0-M126 na minamaneho ng suspek ay dinala sa Navotas impounding area.

Binabagtas ni Alcalde ang  M. De Vera St. Brgy. Navotas West dakong alas-10:15 p.m. nang mabangga ang minamanehong tricycle ng matandang biktima.

Matapos mabangga ay nawalan ng control si  San Ped­ro at bumangga sa puwitan ng  isang Navotas police mobile patrol car, isang Toyota Avanza na sakay na dalawang pulis.

Sa halip na huminto para tulungan ang biktima, humarurot si Alcalde papuntang  C-4 Road, at hinabol ito ng mga nagmamalasakit na riders at sa tulong ng mga pulis ay nadakma  ang suspek sa Samson Road.

Kasong reckless imprudence resulting in physical injury, damage to government and private property at  paglabag sa anti-drunk and drugged driving act ang ikinaso laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Kaya’t ngayong Kapaskuhan, para sa kapakanan ng iba, ng kanilang pamilya, ng ating pamilya, at para na rin sa pansarili nating kaligtasan, mga kaibigan, hinay-hinay lang ang tagay upang ang alak ay mailagay sa tiyan at hindi sa bao na may bumbunan.

Please follow and like us:
Read More

LASING, WALANG GAWANG MAGALING

ALAK-10

(Ni Guillermo Octavio)

Sa panahon ng Kapaskuhan ay kaliwa’t kanan ang mga Christmas at New Year parties.  Laganap ang kasiyahan, pagbibigayan ng mga regalo, pagmamahalan at kainan.

Syempre, kadalasan kapag may kainan, hindi  nawawala ang mga inuman, at ‘pag may inuman, tiyak na may malalasing, dahil anuman ang gawin ng sangkatauhan, hindi pa nito natalo ang espiritu ng alak kailanman.

Kapag malagihay lang ang tama, may mga ginagawa ang mga nakakainom na nakatutuwa, gaya ng paghingi ng tawad sa matagal nang atraso.  Mayroon din namang nakatatawa, gaya ng pag-ihi sa loob refrigerator dahil ito ang una niyang nabuksang pintong mayroong ilaw kaya’t inakala niyang kasilyas ito.  Mayroon din namang hindi na umaalis at doon na mismo umiihi at minsan naghahalo ang ihi at suka.

Ngunit kapag nasobrahan na ang tama ng alak ang tumatagay ang kukote niya ay tiyak nang papasukin ni Taning at  malamang makagagawa ng mga bagay na tanging lasing lamang ang may kakayahang gumawa.

Nito lamang Disyembre  21, amoy chico nang ibalibag sa selda ang isang 23-anyos na istambay matapos dakmain ang ari ng isang 63-anyos na lola at suntukin pa ang isang tanod sa Valenzuela City. Nagawa ito ng suspek siyempre dahil sa tama ng alak.

Acts of Lasciviousness ang ikinaso kay John Paul Lomame, 23, ng Elsewhere St., Looban, Malanday, matapos ang kahalayang ginawa kay alyas “Lola Sela”.

Maliban dito, kakasuhan din ng Direct Assault at Resisting Arrest si Lomame dahil sinapak  din niya si Gregorio Lepon, 43, tanod ng Barangay Barangay Malanday na rumesponde sa paghingi ng tulong ng pinagsamantalahang matanda.

Alas-9 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa M.H. Del Pilar St. matapos dumalo sa raffle sa 35 Malanday.

Pa-ekis ekis na nalaglakad dala ng kalasingan ang mahilig na suspek ngunit hindi naman ito pinansin ng matanda.

Hindi akalain ng lola na naispatan na pala siya ng suspek at dagling pinagnasaan kaya’t napahiyaw na lang ang matanda nang dakmain siya sa pagitan ng hita ng buhong na si Lomame.

Narinig ni Lipon ang palahaw ng matanda at agad rumesponde at tinangkang dakpin ang suspek subalit sinalubong siya ng kamao ng suspek at nasapul sa tainga.

Dumating ang iba pang tanod at at mga nagrorondang pulis at dinakip si Lomame na nag-positibong lasing matapos isailalim sa medical examination.

Tunghayan ang ilan pang kwento ngayong 2019 na magpapatunay na ang -nasobrahan ng lasing, kailanman ay walang gagawing magaling.

Silang mga tumanggi sa tagay

Noong Pebrero,  lasing at may black eye nang umuwi ang isang totoy na nasa Ikawalong baitang pa lamang noon matapos na tugisin ng lagari, sapakin at batuhin ng basong may alak ng isang lasing na construction worker nang tumanggi sa tagay ang estudyante sa lungsod ng Valenzuela.

Naglalakad mula sa paaralan sa kahabaan ng Feliciano Street, Barangay Mapulang Lupa  kasama ang mga kaibigan ang 14-anyos na itinago sa pangalang Elmer nang alukin ng tagay ng bangengeng obrerong si Jimmy Mengote, 51.

Tumanggi si Elmer at sinabi umano sa suspek na “Ang sabi ni Inay, ‘wag munang tumagay.”

Dito umusok ang bumbunan ng suspek at ibinato ang basong may alak sa bata saka sinapak.

Nang tumakbo ang bata ay hinabol ito ni Mengote habang armado ng lagari na ikinabulabog ng mga residente at nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Sa selda na nahimasmasan ang suspek at dito na niya napagtantong kinasuhan na siya ng physical injuries at grave threat in relation to child abuse.

Buwan naman ng Abril nang romansahin ng gulpi ng isang biyudo at bataan nito na kapwa lasing hanggang sa hindi na makagulapay ang isang lalaking pauwi lang ng bahay sa Malabon City.

Walang malay nang isinugod sa Tondo Medical Center upang magamot ang mga pinsala at masuri kung may mga nabaling buto ni Nelson Adrino, 30, binata ng C. Perez St., Brgy. Tonsuya.

Nasakote naman at sinampahan  ng kaukulang kaso ang mga suspek na si Mitechell Parcel III, 44, biyudo, ng 129 Joreta St., at Ronie Mark Ortiz, 24, ng 112 C. Perez, kapwa ng Brgy. Tonsuya.

Alas-5:30 pa lang ng hapon ay bangenge na si Parcel  at ang bataan nitong si Ortiz dahil sa maghapong paglaklak ng alak.

Naglalakad si  Adrino  sa kahabaan ng C. Perez St. pauwi nang harangin ng dalawang lasing at inimbitahan sa kanilang inuman.

Umayaw si ang biktima at dito umusok ang bumbunan ng dalawang suspek at -sinimulang kulatain ang hindi na nakapormang si Adrino.

Nahinto lamang ang panggugulpi ng mga suspek nang  may rumespondeng mga barangay tanod  ngunit sa puntong ito ay halos gulay na ang biktima.

Dagling dinakip ang dalawa at itinakbo naman sa nasabing ospital  ang biktima.    (May Karugtong)

Please follow and like us:
Read More

PASKONG PINOY

PASKONG PINOY

The Best Na, Kakaiba Pa

(Ni Santi Lean B. Pascual)

TANGING ang Pilipinas ang nag-iisang bansa na nagdiriwang ng pinakamahabang Pasko. Pagpasok pa lang ng ber (sa english) o bre sa kalendaryo, excited na ang lahat sapagkat simula na ng pagdiriwang nang pagsilang ni Kristo Hesus. At talagang kakaiba ang ginagawa ng mga Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko. Totoong “The Best”!

Ibang iba talaga ang Paskong Pinoy. Masaya, kakaiba at nakakataba ng katawan at lalo na ng puso.

Ang ilan, Agosto pa lang ay nagsisimula na maglista ng kanilang mga pamimilihin para sa Pasko upang maging masaya ang kanilang pamilya, kamag-anak, kaibigan at higit sa lahat ay mga inaanak.

Hindi maitatanggi na nahuhumaling ang mga Pinoy sa Pasko at ito ay hindi lang sa iisang dahilan subalit napakarami kung iisa-isahin. Isa sa gustong-gusto na sumapit ang Pasko ay ang mga empleyado dahil umaasa sila na magkakaroon ng 13th month habang ang iba ay nais ding samahan ito ng bonus ng kanilang mga boss.

Sa mga kabataan at hindi masyadong bata, maging sa eskuwela at opisina ay usong-uso ang Monito, Monita. Pinatitindi nito ang saya at tuwa nang pagbibigayan.

Maraming “sale” hindi lang sa department store at mall subalit maging sa mga bangketa sa Divisoria, Recto, Quiapo, Greenhills, Cubao, Taytay at sa kung saan-saan pa. Dati nakasanayan na ng mga Pinoy na mamili at dumayo kung saan-saang lugar kung saan may murang bilihin subalit ngayon dahil sa traffic, online na ang kinalolokohan ng marami kung saan idinideliver na lang sa kanilang bahay ang kanilang binili at doon na lang babayaran o kaya naman ay binayaran muna sa pamamagitan ng debit card o credit card kasama na ang delivery charge.

Anu-ano ng aba ang dahilan at talagang inaabang-abangan ang Pasko lalo na ng mga bata, kabataan at matatanda?

Posibleng ang mga ito ang pangunahing dahilan kung bakit kakaiba at the best talaga ang Paskong Pinoy:

Simbang Gabi

Dahil karamihan sa mga Filipino ay Katoliko, marami ang nag-aabang sa novena o siyam na sunod-sunod na pagsisimba ng madaling araw na sinisimulan kapag Disyembre 16. Tradisyon na ang Simbang Gabi gayung sa madaling araw ang ginagawang pagsimba at pagkatapos ay palasak na ang pag-aalmusal na kadalasan ay tsaa o salabat ang ginagawang panulak o inumin para sa kinaing bibingka o puto bumbong.

 Aginaldo

Bukod sa Monito, Monita  meron ding exchange gift sa mga eskuwela at opisina. Sa mismong araw ng pasko ginagawa rin ang pamamasko lalo na ng mga bata sa kanilang mga ninong at ninang. Talagang pinag-iipunan ng marami  lalo na ng mga magulang, ninong at ninang ang mga regalo o perang kanilang ipinamamahagi sa kanilang mga anak, inaanak at mga kamag-anak. May mga bata na naglalagay ng medyas sa kanilang Christmas Tree o pinto ng bahay at hinihintay na lagyan ni ‘Sta Claus’ ng regalong kanilang hiniling. Ang bigayan ng regalo sa Paskong Pinoy ay inaabot hanggang Enero 6 o tinatawag na ‘Pista ng Tatlong Hari’ o ‘Three Kings’.

Caroling 

Isa sa masayang ginagawa kapag Pasko sa Pilipinas ay ang caroling o pag-awit ng mga kantang Pamasko ng grupo na may dalang iba’t ibang instrumento na tumatapat sa bahay-bahay at umaasang maabutan sila ng pera para sa kanilang pagkanta. Posibleng ginagawa rin ito sa ibang bansa subalit kakaiba ang sa Pilipinas dahil madalas ay ginagamit sa mga gawaing may kabuluhan ang perang kinita.

Pagsasabit ng Parol

Karaniwan nang tanawin sa bahay-bahay ang nakasabit na parol o kaya naman ay nagkikislapang ilaw kapag sumapit na ang simula ng buwan ng Nobyembre. Noon una, ang mga parol ay gawa lang sa kawayan na ginawang korteng bituin na binalutan ng cellophane. Ngayon, ibang iba na ang parol na ginagamit dahil merong tila mga ilaw na lang o kaya naman ay gawa sa kapis. Maraming lugar na sa bansa ang nagkakaroon ng kontes nang pagandahan ng gawang parol subalit ang pinakasikat ay ang mga parol sa Pampanga.

Noche Buena. Inaabangan ng bawat pamilyang Filipino ang pagsapit ng alas-12 ng gabi ng Disyembre 24 sapagkat ito ang highlights ng pagdiriwang. Ginagawa ito matapos ang misa. Itinuturing na malaking pagdiriwang ito sa ating bansa kahit pa ipinagdiriwang din ito sa iba. Binibigyang oras ng pamilya ang paghahanda ng mga pagkain sa hapag na pagsasalu-saluhan ng buong pamilya. Kadalasan, namimigay  ng handa ang Pinoy sa kanilang mga kapitbahay na gumaganti naman at nagbibigay din ng pagkaing nasa kanilang lamesa.

Bagaman madalas tamaan ng kalamidad ang ating bansa, hindi nawawala ang ispiritu ng pagdadamayan ng bawat isa kung kaya’t marami ang namamahagi ng kanilang nakayanan tulad ng pagkain, damit at laruan sa mga biktima ng sakuna at gayundin sa mga nakatira sa lansangan.

Pero ang pinakamasaya sa lahat ay ang kakayahan ng mga Pinoy na balikatin ang lahat ng kanilang pinagdaanan sa loob ng isang taon maging masaya man ito o malungkot. Dahil sa diwa ng Pasko, marami ang nagtutulungan at hindi nag-iiwanan. Iba ang Pasko sa Pilipinas subalit mas kakaiba ang ugali ng Pinoy — ang pagiging matulungin at mapagmalasakit sa kapwa.

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!

Please follow and like us:
Read More

PALITAN NG “I DO”

Darwin Ballerdo-Haide Duron

Pamaskong Handog sa may Cancer

(Ni Mac Cabreros)

PARA sa magsing-irog, isa ay may sakit na cancer, walang pinakamagandang regalo sa kanila ngayong Pasko kundi ang pagpapalitan nila ng “I do” sa harap ng mga taga Marikina ilang araw bago ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus.

Mismong si Mayor Marcy Teodoro ang nagbasbas sa kasal nina Darwin Ballerdo, 47 at Haide Duron, 50, na sampung taon nang nagsasama bilang isang tunay na mag-asawa.

Alas-10 ng umaga Biyernes, napuno ang bahay sa No. 35 Singkamas Street sa Barangay Tumana, Marikina City, upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Ballerdo at Duron.

Si Ballerdo ay matagal nang ‘nakatali’ sa higaan at nakikipagpambuno sa sakit na cancer. At bago ‘dumating ang kanyang oras’ ay minabuti nitong pakasalan ang kanyang pinakamamahal na babae sa buhay na si Duron.

“Kayo ang magandang halimbawa ng pag-ibig na meron sa isat-isa na kahit kamatayan ay hindi kayo mapapaghiwalay,”  ayon kay Teodoro matapos pirmahan ang mga papeles ng kasal nina Ballerdo at Duron.

Nabatid na dalawang taon nang nakalilipas nang matuklasan ng mga doctor na may colon cancer si Darwin.

“Ang lahat ng dahilan ng pagpapakasal ay pag ibig. Aaminin ko ito: ang unang pagkakataon na may ikakasal ako sa bahay,” pahayag  pa ng alkalde ng Marikina.

“Ang nangyari ay hindi aksidente, lahat nasa tadhana, may mawala man pagdating ng araw palagay ko sa alala ng inyong anak, ang araw na ito ay mananatili, “ dugtong Teodoro.

Nabibiyayaan sina Darwin at Haide ng isang anak na babae, si Trixie, ngayo’y Grade 3 pupil. Nangingilid ang luha nito nang masaksihan ang tigib na pagmamahalan ng kanyang magulang.

Sa pagpapalitan ng ‘I do’, nakaupo si Darwin sa kanyang reclining chair saan nagsisilbi na ring higaan nito. May nakakabit na dextrose sa kanyang kaliwang kamay. Hawak naman ni Haide ang kabilang kamay ni Darwin.

“Dadamayan kita kahit anong mangyari. Salamat, Mamu, dahil kahit na hirap na hirap ako, nandiyan ka sa tabi ko. Salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. Sana maka-survive ako, sana madagdagan pa ng marami ang birthday ko… ang buhay ko. Gusto ko pang gampanan lahat nang gusto ko, obligasyon sa aking pamilya, sa anak ko, sa’yo, sa magulang ko, kapatid ko,” sambit Darwin habang nakatitig sa kanyang asawa.

“Nagpapasamalat ako kay Mayor at nandito po siya. Matagal ko nang gustong makasal tayo. At salamat sa bunso ko nandiyan lagi, alam kong mahal na mahal ako. Hayaan mo anak,  lalaban si papa kahit anong mangyari humaba lang ang buhay ko para sa ating lahat. Kahit na ganito na yung sitwasyon ko hindi pa rin ako gumi-give up. Kahit walang wala na tayo lumalaban pa rin ako,” impit na namutawi sa mga labi ni Darwin.

“Tulad ng singsing, may simula at hangganan ba? Wala. Ganyan yung pag-ibig na meron tayo sa isa’t isa, walang hangganan. Maaring ang isa sa inyo ay mawala man, pero di mawawala ang pag ibig ninyo,” ani Teodoro.

“Ang pagkakataon na ito ay mamaya ay mawala na o bukas ay tapos na, pero yung alaala hindi mawawala, mananatili ito sa isipan ng inyong anak sa puso’tdamdamin, sa alaala ng inyong kapitbahay. Kayo ay magandang halimbawa ng pag ibig na meron sa isat isa na kahit kamatan ay hindi kayo mapapaghiwalay,” dugtong pa ng Alkalde.

“Ako, ang kahilingan ko ay iisa: na manatili ang pagmamahalan ninyo. Ang buhay ay mahirap, hindi madali…laging may hamon. Hindi natin matitiyak ang dadalhin ng bukas pero ang pag asa hindi nawawala kung may pag-ibig, pagmamahal tayo sa isat isa, giit pa ng alkalde.

Nakilala ni Darwin, isang mananahi, si Haide, sa isang kaibigan. Pangalawang asawa ni Darwin si Haide at nagsasama na ng sampung taon bilang isang tunay na asawa na walang basbas ng ‘Diyos’. Nabiyudo si Darwin ilang taon bago nagkaibigan sila ni Haide.

“Magsasama na kayo sa hirap at ginhawa, sa sakit at pasakit… at tanging kamata­yan lamang ang makapaghihiwalay sa inyo.” Pagtatapos Mayor Teodoro sa seremonya na una nitong ginampanan sa loob ng isang bahay at nakatali sa higaan ang isa sa ikakasal.

Please follow and like us:
Read More

KAPAG MAY ALAK, MAY BALAK (3)

DRUNK LADY

Hindi nagtagumpay sa masamang plano

(NI MAC CABREROS)

MARAMING insidente ang naganap na nagtagumpay ang mga manyak na nanghalay ng kanilang mga biktima dahil sa lakas ng loob na dulot ng tapang na hiniram sa espiritu ng alak.

May ilang nahuli at nakulong kaya naman kahit paano ay naibsan ang sakit at hapding dulot ng masamang karanasan sa mga biktima.

Subalit hindi naman natatapos sa pagkakakulong ang sakit na pinagdaanan ng mga naging biktima at pamilya ng mga ito. Dahil hindi lang naman doon natatapos ang masamang panaginip na kanilang pinag­daanan. Kailangan pa rin ang katarungan at iyon ay kanilang hihintayin pa hanggang mahatulan ang mga nagkasala.

Alam naman ng ma­rami na ang masaklap na kapala­ran ng biktima sa kamay ng kanyang salarin ay kanyang dadalhin sa kanyang buong buhay sapagkat ito ay tatanim na sa kanyang isipan.

Kapag lumaban ang api

Sa kabutihang palad, hindi lahat ng mga balak ng mga manyak na lango sa alak ay nagtatagumpay, lalo na kapag buo ang loob ng kanilang ina­api, gaya ng isang 23-anyos na gurong  nakaligtas sa isang lasing na  manyak na niromansa na siya ng gulpi makaraang manlaban matapos na hubaran at tangkaing halayin sa loob ng isang abandonadong bahay sa Valenzuela City noong Hunyo.

Sa tulong ng isang nagmalasakit na tricycle driver at mga maagap na  opisyal at tanod ng barangay ay nailigtas ang puri ng guro na iti­nago sa pangalang Charo, ng isang subdivision sa Barangay Gen. T. De Leon mula sa sa manyakis na si Romnick Pa­dua, 30, ng Jeremias St., Pag-asa, Barangay Karuhatan na kinasuhan ng attempted rape at physical injuries sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Naglalakad pauwi ang guro dakong alas-11:40 ng gabi nang hablutin mula sa likuran at puwersahang kina­ladkad ng lasing na suspek papasok sa isang abandonadong bahay sa Tamaraw Hills, Barangay Marulas.

Nagpumiglas si Charo subalit nangibabaw ang lakas ng suspek hanggang maipasok siya sa loob ng bahay at sini­mulang hubaran habang nakasubsob ang mukha sa sahig.

Nang dakmain at himasin ni Padua ang dibdib ng guro habang sapilitang inaalis ang natitirang saplot sa katawan ay itinodo ng biktima ang kanyang lakas at pilit na nanlaban kaya’t sa galit ay pinagbubugbog siya ng suspek.

Napukaw ang atensyon ng dumaraang tricycle driver na si Eugenio Guzman, Jr. sa sigaw ng guro kaya’t sinilip niya ang loob ng abandonadong bahay at nakita niya ang ginagawang panggugulpi ng suspek sa halos nakahubad nang biktima.

Humingi ng tulong sa mga tanod ng Barangay Marulas ang testigo na nag resulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nito lang Nobyembre, naudlot ang panggagahasa sa isang bubot na bebot nang tadyakan ng biktima sa pagitan ng hita ang suspek na isang tricycle driver sa Malabon City.

Kulungan ang binagsakan ni Joel Mantaotao, 38, ng People’s Village, Barangay Catmon matapos lamutakin at muntik nang magahasa ang 17-anyos na Grade 12 student ng Arellano University na iti­nago sa pangalang “Cynthia”.

Bago nangyari ang bigong panggagahasa, nag-iinuman ang suspek at ang ama ni Cynthia sa kanilang bahay sa Hernandez St., Barangay  Catmon dakong alas-9 ng gabi.

Lingid sa kaalaman ng tatay ni Cynthia, dinadaya siya sa tagay ng suspek dahil may balak ito sa kanyang anak at ilang ikutan lamang ng baso ay nakatulog kaagad sa labis na kalasingan ang ama ng dalagita.

Nang inililigpit na ni Cynthia ang  pinag-inuman ng ama at ng suspek ay dinaluhong na ng suspek ang biktima at pinaghihimas ang hita ng dalagita.

Dala ng takot at pagka­bigla, hindi kaagad nakapalag si Cynthia at inakala ng suspek na nagustuhan ng dalagita ang kanyang ginagawa hanggang isandal niya sa pader ang biktima at pinupog ng halik at sinisimulan nang lamutakin ang dibdib ng nene.

Dito ay biglang sinipa ng biktima ang suspek sa pagitan ng hita saka nagtatakbong palabas at nasabat ng mga nagrorondang ta­nod na sina Jay Ar Ronquillo at Ronaldo Santiago at agad ipinahuli ng biktima.

Nawa ay magsilbing aral ang mga kinalap na pangyayari ng may-akda  lalo na ng mga kabataang babae upang makaiwas sila sa masamang posib­leng kahinatnan sa kamay ng mga manyak.

Please follow and like us:
Read More

KAPAG MAY ALAK, MAY BALAK (2)

LADY DRUNK

(Ni Guillermo Octavio)

Los Demoñitos

MAYROON namang mga bata pa lamang ay may mga sungay na, tulad ng 17-anyos na lalaki na dinakip dahil sa dalawang beses na  panggagahasa sa isang 13-anyos na babae sa Valenzuela City.

Inaresto ang suspek na itinago sa pangalang Marlito sa kanyang bahay sa Dulong Tangke St., Barangay Malin­ta matapos na humingi  ng tulong ang ina ng biktimang itinago sa pangalang Tisha sa Valenzuela City Child Protection Center nang malaman ang nangyari sa dalagitang anak.

Nabatid, pumunta ang biktima at isang kaibigan sa Valenzuela People’s Park Lunes, Hunyo 17, at nakipagtagpo sa suspek na umimbita sa kanila sa kanyang bahay.

Alas-10:30 ng gabi ay umuwi ang kasama ni Tisha at naiwang mag-isa ang biktima at nakumbinsi ni Marlito na makipagtalik.

Pag-uwi ni Tisha sa kanilang bahay nang Martes ng hapon ay kinagalitan siya ng ina hanggang sa aminin ng nene na nakipagtalik siya kay Marlito.

Isinalaysay pa ng biktima na noong Marso 14, kasama niya ang isang nagngangalang Nicole ay pumunta sila sa bahay ni Marlito at nakipag-inuman kasama ang isang nakilala lamang bilang Kuya AJ.

Nang tamaan na ng alak ay pumunta sila sa rooftop ng isang abandonadong bahay sa Malinta kung saan unang ginahasa ni Marlito si Tisha.

Kinasuhan si Marlito ng consented abduction at two counts ng rape sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Kamanyakan naman ang natutunan sa paaralan ng dalawang totoy na halinhinang ginahasa ang nilasing nilang 13-anyos na kaklase, sa Valenzuela City.

Dinampot ang estudyante ng alternative learning system (ALS) na sina Christian Aranas, 18, at isang 17-anyos na itinago sa pangalang “Jeremiah” na inilipat na sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Inimbita ni Jeremiah ang biktimang itinago sa pangalang Kathryn na pumunta sa kanyang birthday party sa Sitio Kabatuhan, Barangay  Gen. T. De Leon pagkatapos ng klase.

Pumunta naman si Kathryn ngunit lingid sa kaalaman nito ay idadaan ni Jeremiah at Aranas ang maitim na balak sa alak at pagdating pa lamang sa party ay sinalubong na ng tagay ang dalagita.

Hindi na namalayan ni Kathryn na nakakarami na siya ng tagay hanggang sa siya ay mawalan ng malay at maram­daman na lamang niyang may mga kamay na naglilikot sa pagitan ng kanyang mga hita.

Nagpapasag si Kathryn ngunit wala itong nagawa sa dalawang kaklaseng hayok sa laman na halinhinang gumahasa sa kanya.

Hindi pa kuntento sa kanilang kahayupan, nang makaraos ay kinaladkad na parang hayop ng mga suspek si Kathryn at iniwang parang nanlilimahid na basahan sa ilalim ng malakas na ulan sa Camcam Street, Barangay Gen. T. De Leon bago magmadaling-araw.

Kahit na nalamog ang katawan at naluray ang dangal ay pinilit makauwi ni Kathryn at isinalaysay sa kanyang ina ang malupit at kahalayang sinapit sa kamay ng dalawang manyka na kaklase.

Wala namang inaksa­yang sandali ang ina ni Kathryn at pumunta sa himpilan ng pulisya at ipinadakip ang  dala­wang manyakis na binatilyo.

Kawangis ng nangyari kay Kathryn ang sinapit  ng dalawang 15-anyos na dalagita sa kamay ng kanilang dalawang kaeskuwela at itinuturing na kaibigan sa Navotas City.

Inimbitahan ng mga suspek na si Chijaiky Arex Alonzo, 19 at 17-anyos na itinago sa alyas “Noel” ang mga biktima na itinago sa pangalang “Donna” at “Mean”, kapwa Grade 10 students, na mag-inuman sa isang bahay sa Policarpio St.,  Barangay San Jose na pinaunlakan naman ng dalawang dalagita.

Pagsapit ng alas-11 ng gabi, nalasing ang mga biktima at hindi na makagulapay subalit sa halip na ihatid pauwi, sinamantala ng mga suspek ang kalasingan ng dalawa at magkasabay nilang ginahasa ang mga ito sa loob ng naturang bahay.

Nagawa lamang makauwi ng dalawang biktima sa kani-kanilang bahay matapos mahimasmasan at isinumbong sa kani-kanilang magulang ang kahalayang ginawa sa kanila ng kaeskuwela.

Kaagad namang humingi ng tulong sa pulisya ang mga magulang ng mga biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek sa ginawang follow-up operation.

Mga pinulutan ng kainuman

Hindi lamang mga nene ang mga pinagsasamantalahan ng mga lasing, mayroon ding mga nasa hustong gulang, ngunit wala sa hustong pag-iisip, dahil sila man ay lasing din, gaya ng isang dalagang call center agent na nilantakan ng kainumang lalaki nong Hul­yo sa  Valenzuela City.

Agad nagsumbong sa pulisya ang 27-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Annaylyn” nang ibalik siya ng suspek na si Jay Castaneda, 40, sa kanilang pinag-inuman.

Kasama sa barkada ang biktima at suspek na nag-iinuman sa Mico’s Bar sa Deparo, Caloocan City na inabot ng madaling araw.

Dala ng kalasingan,  ina­lok ng suspek si Annalyn na sumakay na sa kanyang motorsiklo dakong ala-1 ng madaling araw at ihahatid umano ang dalaga pauwi kaya pumayag naman ang biktima.

Sa kabiglaan ng biktima, sa halip na ihatid siya kanyang bahay, ay dinala siya ng suspek sa bahay nito sa Unit 9, Cora Apartment, Ibaba St., Barangay Bignay, Valenzuela City at ginahasa.

Nang makaraos ang makamundong pagnanasa, parang pinagsawaang napulot na laruan na ibinalik ng suspek ang biktima sa pinag-inuman nilang bar.

Dumiretso sa istasyon ng pulis ang biktima upang magsumbong na nagresulta sa pagkakadakip sa manyak na kainuman.

Kalaboso naman ang isang 50-anyos na lalaki na namburaot muna ng alak sa tagayan ng mga kababaihan bago binola ang isa sa mga ito na naghahanap ng mauuupahan na patutuluying ng libre sa kanyang bahay  ngunit plano palang gagahasain sa Valenzuela City noon ding Hulyo .

Kinasuhan ng rape ang suspek na nakilalang si Rober­to Abalos, alyas “Obet”, binata, machine operator, ng Villa­nueva Compound, Tatalon St., Ugong, Valenzuela City.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Teresa, tumatagay sila ng mga katropang babae nang makitagay ang suspek at nabanggit sa kwentuhan na naghahanap ang biktima ng marerentahang bahay o silid.

Sa puntong ito ay nagyabang ang suspek na maaaring tumuloy si Teresa ng libre sa kanyang bahay at sa paghahangad na makatipid ay sumama ang biktima sa bahay ni Abalos.

Pagkapasok sa bahay ay nagkukumahog na ikinandado ng suspek ang pinto saka dumampot ng kutsilyo at itinutok sa biktima saka ito pinaghubad na pilit at ginahasa.

Nang makaaos ay nali­ngat ang suspek ay sinamantala ito ng biktima at tumakas saka dumiretso sa kanilang barangay na mabilis kumilos kasama ang mga pulis na dumakip sa suspek. May karugtong

Please follow and like us:
Read More

KAPAG MAY ALAK, MAY BALAK (1)

RAPE-ALAK

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

PALASAK na sa kasa­lukuyan, at maaari na sigurong ituring na makabagong “kasabihan” ang linyang “’Pag may alak, may balak”. Tunghayan ang ilang kwentong nagpapatunay ito ay totoo, itaga mo sa bato.

Niñas Inocentes

Malimit na biktima ng mga may masamang balak ay yaong mga wala pa sa hustong gulang at wala pang muwang sa kamunduhan.

Noong Enero ng taong kasalukuyan, isang 15-anyos na dalagita ang dumulog sa pulisya matapos kapain ng isang lasing na kanyang nakasalubong ang kanyang pinakaiingatang hiyas sa Malabon City.

Arestado ang suspek na si Glenn Bodanyo, 37, ng James Village, Magsaysay St.,  ng Barangay San Agustin at kinasuhan ng Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Alas-12:30 ng madaling araw ay naglalakad pauwi ang biktimang itinago sa pangalang “Joan” sa kahabaan ng Magsaysay St. kasama ang kanyang pinsan nang makasalubong ng mga ito ang suspek na lango sa alak at biglan na dinaklot ang pagitan ng hita ni Joan.

Agad humingi ng tulong sa mga barangay tanod na sina Winston Anthony Bulado at Ricardo Quiambao  ang biktima at dinampot si Bodanyo.

Buwan naman ng Pebrero nang makalaboso ang isang 29-anyos na lalaking lasing makaraang ireklamo ng pangmomolestiya sa 11-anyos na neneng na  nakitulog para gumawa ng school project  sa Navotas City.

Sa karsel humantong ang suspek na si Aljohn Mariano ng Suarez St., ng Barangay  Daang Hari.

Pumunta ang biktimang si “Lisa,” na nasa Ikaanim na Baitang, sa bahay ng kanyang kaklaseng kapitbahay ng suspek upang gumawa ng kanilang project ngunit ginabi ito at nakitulog na lamang.

Alas-11 ng gabi , nagulat ang ina ng kaklase ng biktima na si Rowena Cruz, 41, nang mabulagang minomolestya ni Mariano ang nene at nang sitahin ay tumalilis ito lulan ng motorsiklo.

Dumulog ang biktima at mga saksi sa mga tanod at sa follow-up operation ng mga tanod kasama ang mga pulis ay nasakote ang suspek.

Noon namang Abril ay hinalay ng isang 29-anyos na obrero ang 12-anyos na babaeng aanak ng kanyang nila­sing na kainuman  sa Valenzuela City.

Nasakote malapit sa kanyang bahay ang suspek na si Ronel Belano sa Block 12, Lot 6, Northville 1B, Barangay Punturin matapos magreklamo sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Alma kasama ang kanyang ama.

Ala-1:50 ng madaling araw  ay naalimpungatan si Alma dahil may mga pangahas na kamay na lumalamutak sa kanyang mga hita..

Gumapang ang makasa­langang mga kamay at sumunod na nilamas ang dibdib ng nene at sinimulang nang sibasibin ng halik ng mahiwagang lalaki ang labi nang nagpupumiglas na si Alma.

Kasunod nito ay dinakma ng lalaki at dinalirot ang kaselanan ni Alma at dito ay nakakuha ng sapat na lakas ang biktima at naitulak ang nakapatong na at halos walang saplot na suspek.

Nang buksan ni Alma ang ilaw ay bumulaga ang maaskad na karakas ni Belano na natandaan niyang noon lamang nagdaang gabi ay kainuman ng kanyang tatay.

Sa takot ay napalundag palabas ng bintana ang biktima at humingi ng tulong.

Lumitaw sa  sa pagsusuri sa Valenzuela City Emergency Hospital na positbong naka­inom ang suspek na kakasuhan ng panghahalay at paglabag sa R.A 7610 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Hunyo naman ang damputin ang isang 29-anyos na lasing na construction worker matapos na molestiyahin ang menor-de-edad na kapitbahay sa Navotas City.

Lango sa alak nang damputin ang suspek na si Alvin Rosales, ng Barangay San Jose matapos na ireklamo ng 13-anyos na neneng kalugar na nasa Grade 6 pa lamang.

Natutulog ang biktimang itinago sa pangalang Conchita sa kanilang bahay alas-5 ng umaga nang pasukin ng senglot na suspek at ipasok ang daliri sa ari ng biktima.

Nagising sa sakit si Conchita at nagtatakbo sa kanyang ama na sinabayan ng takas ng suspek na kinalaunan ay nada­kip din ng mga pulis at sasampahan ng kaukulang kaso.

Noon namang buwan ng Hulyo ay sa pighati humantong ang pagmamagandang loob ng isang nene nang gahasain siya ng lasing sa bahay kung saan nagpasama ang isang kaibigan nang umayaw ang biktima sa tagay.

Lamog ang katawan ng 16-anyos biktimang itinago sa pangalang “Divina” at nagdurugo pa ang ari nang magsumbong sa kanyang 49-anyos na ina nang makauwi.

Wala namang inaksa­yang oras ang ina ng biktima at nagsumbong sa mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Lolito Gavila, 29, ng  Barangay Bangkulasi.

Pinakiusapan  umano ng isang kaibigang babae si Divina na samahan siya sa bahay ng suspek upang kunin ang hindi batid na halaga ng salapi.

Nagdalang-awa si Divina sa kaibigan dahil maghahatinggabi at dinatnan nila si Gavila na umiinon ng alak mag-isa sa loob ng kanyang bahay.

Nang magpaalam na lalabas lang sandali ang kaibigan ni Divina ay inabutan ng suspek ang biktima ng tagay ngunit tumanggi ang dalagita.

Dito ay pinasok ng espiritu ni Satanas ang kukote ni Gavilla at pwersahang hinubaran ang dalagita at sa kabila ng panlalaban ay nailugso ng buhong na suspek ang puri ni Divina.

Kasong Rape in Relation to Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang isinampa laban sa suspek.

Hulyo rin  nang  ibalibag sa selda ang isang lasing na tricycle driver matapos lamutakin ang ari ng isang 9-anyos na nene sa Navotas City.

Kinasuhan ng acts of lasciviousness in relation to R.A. 7610 si Arthur Esase, 44, matapos damputin sa harap ng tinitirhang bahay sa 1234 Rajah Matanda St., ng nasabing barangay nang magreklamo ang ina ng biktimang nasa Ikatlong baitang pa lamang.

Ayon sa pulisya, alas-5 ng hapon ay  inutusan ng kanyang inang si “Janet,” 51, ang anak na si “Jamie” na bumili ng gamot isang botika sa Leongson St., Bgy San Roque alas-5 ng hapon.

Habang bumibili ng gamot ay naispatan ng lasing na suspek ang biktima at tinopak kaya kinarga ang bata at nilamutak ang ari nito.

Parang dalag na nagpapasag si Jamie hanggang makawala saka kumaripas ng takbo pauwi at nagsumbong sa kanyang nanay.

Dumulog sa barangay ang nanay ng biktima at nasakote ng mga tanod at pulis sa follow-up operation si Esase.

May karugtong

Please follow and like us:
Read More

PUNDASYON NG BUHAY (2)

STEEL-1

TINIMBANG NGUNIT KULANG…

(NI MAC CABREROS)

NOON, hiniling ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na harangin ang pagpasok sa Pilipinas ng tunawan ng bakal upang walang daya ang ginagamit sa pagtatayo ng  ng mga gusali at mga bahay subalit hanggang ngayon ay wala pang aksyon dito ang pamahalaan.

Batid ng grupo ni Mr. Roberto M. Cola, pangulo, na ang naturang hurno, saan ditiaogang sa China, ay walang sapat na kontrol sa sangkap at timpla sa paggawa ng bakal. Dito, hindi tiyak ang kalidad ng produkto.

May punto talaga, kung mahinang klase ang isang produkto, madaling masira. Ang resulta: peligro o trahedya.

Nagtagumpay ang China na ‘malusaw’ ang paggamit ng hurno sa kanilang bansa. Ngunit, malaking problema naman ang kinakaharap ngayon ng mga bansang pinagtambakan ng hurno katulad ng Pilipinas, Vietnam, Thailand, Indonesia, Malaysia at Myanmar (dating Burma). ‘Kinagat’ ng mga gumagawa ng bakal sa nabanggit na lugar at binili ang mga hurno dahil mura ang mga ito.

“’Yan ang problema ngayon,” deklara ni  Cola at binanggit na hindi construction-grade ang mga bakal na gawa sa hurnong galing China.

Ipinpursige ng grupo na gumamit ng electric arc imbes ang nasabing  hurno kung gustong masigurong de kalidad ang produktong bakal.

“In electric arc, there is a refining process while you melt the scrap that removes its impurities,” inihayag Ronald Magsajo, statistics committee chairman ng PISI.

Base sa ulat ng Glo­bal Steel Trade Monitor, umangkat ang Pilipinas ng 9.1 million metric tons ng bakal noong nakaraang taon.

Inihayag ng mga eksperto na hindi lamang sa panig ng mga manufacturer lalo ang gumagamit ng induction furnace ipupukol ang problema. Maari ring kagagawan ito ng mga mapagsamantalang negosyante gaya ng mga retailer. Inihahalo ang mahinang klaseng bakal sa magagandang klase na nagmumula sa ibang bansa.

Parang katulad rin ng ginagawa sa NFA rice na may suggested retail price na P27/kilo ay inihahalo sa magandang klase para maibenta ng mas mataas na presyo upang kumita ng malaki. Baga, tiba-tiba ang kita.

Puwede ring gawin ng mga kontraktor ang hokus-pokus na imbes na high grade ay low grade ang gagamitin para ‘makatipid pero mabubundat ang bulsa’.

Upang makilatis ang mga bakal sa merkado, nagpakalat ang PISI ng mga ‘field tester’ upang suriin ang mga nasa bodega ng mga retailer gaya ng hardware store.

At, natuklasang marami ang ‘tinimbang ngunit kulang’.  Kinumpirma rin mismo ng Department of Trade and Industry (DTI)  na may substandard na bakal sa merkado.

Kaya naman  kumikilos ngayon ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) nito para maiwasang makapasok sa merkado ang mga substandard na bakal. Masigasig din ang Bureau of Philippine Standards (BPS) sa pagsasagawa ng surprise audit sa mga pagawaan ng bakal.

Masusi rin ang pagkilatis nila sa bibigyan ng PS license.

Hindi tutol ang PISI sa hakbang ng DTI sa paghagupit ng latigo sa mga manufacturer at reseller. Pero, ayon sa grupo, pinakamabuting gawin o paraan para maiwasan ang paglipana ng substandard na bakay ay ang pag-ban o pag­lusaw din sa mga induction furnace sa bansa.

Batid kaya ng mga manufacturer at retailer gayundin ang mga kontrator ang Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines at National Building Code, kung saan itinatakda ang parusang ipapataw kapag hindi sinunod ang tamang patakaran at panuntunan o parameters alinsunod sa standard.

Ang kinatatakutan ng karamihan ay malalaman lamang na mahinang klase ang bakal kapag nangyari na ang hindi inaasahan at kung saan maituturing na huli na ang lahat.

Kaya, paano na ngayon ang Build! Build! Build! Program ng administrasyong Duterte? Kuwestiyunable rin kaya ang katatagan o tibay ng mga naipatayong istraktura ng pribadong sektor? Nakakasi­guro rin kaya na ligtas tayo sa ating bahay (kung sakaling lumindol)?

Kaya naman sinabi ni dating Senadora Nikki Coseteng na dapat malaman ang katotohanan upang Maitama ang mali.

Please follow and like us:
Read More

PUNDASYON NG BUHAY (1)

PUNDASYON

Kulay ang tinitingnan, ginagawang basehan

(NI MAC CABREROS)

ANG edukasyon ang matibay na pundas­yon sa magandang kinabukasan kaya nga ang mga magulang ay pinagbubuhusan ng luha, dugo at pawis ang pagtataguyod ng pag-aaral ng kanilang mga anak.

Ang pagmamahal ang nagbibigkis sa maayos at magandang pamumuhay ng pamilya at sa itinatayong bahay, ang matibay na mater­yales na gamit ang ‘nagsesemento’ upang maging matibay at matatag ang tahanan.

Pero paano nga ba kung sub-standard o mahina ang gamit na bakal para sa pundasyon?

Kamakailang, naiulat na ilang hardware sa La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte,

Cagayan, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan, Zambales, Pangasinan, Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Cagayan de Oro, Lanao del Norte, Agusan del Norte, Davao, Cotabato at Zamboanga ang nagbebenta ng mahinang klase ng bakal kaya naman nabulabog ang mga kinauukulan.

Kabilang sa naalarma si dating Senador Anna Dominique “Nikki” Marquez-Lim Coseteng nang magkonsulta sa kanya ang isang inhinyero para sa itinatayong gusali ng kanyang paaralan sa Quezon City.

“Mahalagang malaman ito ng publiko dahil napakalaki ang epekto nito sa buhay natin,” wika Coseteng sa isang panayam ng media. “Buhay natin ang nakataya dito,” dagdag nito.

“Paano kung bumagsak ang bahay o gusali dahil substandard ang ginamit na bakal?,” tanong nito kasabay nang pahayag na ang Pilipinas ay nasa ‘ring of fire’ at madalas na dalawin ng lindol.

Sa taya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) maraming istraktura (bahay at gusali) ang ‘hahalik sa lupa’ at libu-libong katao ang masasawi kapag nagkaroon ng malakas na lindol bunsod ng paggalaw ng Marikina Valley Fault o West Valley Fault lalo na kapag umabot o hihigit sa intensity 7 ang lakas ng pag-uga.

Payo ng mga awtoridad (bukod sa mga nararapat na gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol) na umiwas magpatayo mismo sa linya ng fault o sampung metro mula sa fault. Higit sa lahat, matibay ang itatayong bahay o gusali.

Pero, paano kung mahinang klase ang mga mater­yales na gagamitin gaya ng bakal (at maging ang semento na mayroon na ring apog o alikabok ang laman)?

Ayon pa kay dating Sen. Coseteng, ang kawalan ng tamang ‘labelling’ ang dahilan kung bakit ‘naipupuslit’ o naibebenta sa merkado ang mga mahinang klaseng bakal.

Sinabi ng dating mambabatas na tanging ‘color coding’ o pintura ang palatandaan ng kalidad ng bakal at hindi nakatatak mismo sa bakal. Mahirap makilatis kung ‘ano ang alin’.

Sa ganitong sistema, pahayag pa ni Coseteng, mada­ling ‘sabihin’ na 60 porsyento ang kalidad ng bakal kahit ito’y 40 porsyento lamang. Ang ginagawa ng mga manufacturer ay ‘pinoproseso’ upang ‘magmukhang’ de kalidad ang bakal ngunit sa loob nito ay ‘ampaw’.

Sabagay, may punto nga naman. Malinaw na isa itong uri o paraan ng panloloko ng mga negosyante sa publiko. Halimbawa: Kung ang barya na gawa sa Nordic gold ay hinaluan ng purong ginto ay ‘magmukha’ na itong ‘tunay’ at high grade na ginto at maibenta nang mas mataas na pres­yo.

Ganito rin sa bakal, tubong lugaw ang mga negos­yante dahil ang 40% na klase ng bakal ay maibebenta sa mas mataas na presyo dahil ‘sasabihin lamang’ na 60 porsyento ito alinsunod sa pintura na kulay berde.

Paano nangyari?

Base sa pagtaya ng eks­perto, nagsimula ito nang itambak sa mga bansa sa Hilagang-Silangang Asya kabilang ang Pilipinas ang induction furnace o hurno sa paggawa ng bakal. Bunsod ito nang i-ban ng China ang paggamit ng naturang steelmaking equipment noong 2017.

Noong Enero 2018, naabisuhan ang gobyerno ng Pilipinas hinggil dito sa pamamagitan ng sulat ng Phi­lippine Iron and Steel Institute o PISI kay Environment Secretary Roy A. Cimatu. Hinihi­ling ng grupo na harangin ang nasabing pagpapasok sa Pilipinas ng nabanggit na tunawan ng bakal.

Binanggit ng grupo na ang naturang hurno ay ginagamit ng mga maliliit na pagawaan ng bakal. Nais ng grupo na matiyak na magagamit lamang ang hurno sa nararapat na paggamitan gaya ng paggawa ng cast products, ferroalloys na may tamang sangkap at stainless steel.

Please follow and like us:
Read More

SIMBANG GABI

SIMBANG GABI-4

(Ni Guillermo Octavio)

KANINANG umaga, dinagsang muli ang mga simbahan sa Pilipinas ng mga Katoliko—na karamihan ay may kahilingan na gustong matupad, gaya ng makuha ang salaping nararapat lang ibigay sa kanila, o kaya ay makikipagtagpo sa kung sinong taong itinuturing nilang mahalaga sa mga sandaling iyon — dahil sinimulan na ang Simbang Gabi, isang tradisyong Pilipino tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Ang Simbang Gabi ay siyam na gabing debosyon, katulad ng serye ng misa sa bukang-liwayway na dinadaluhan naman ng mga Puerto Rico na tinatawag namang “Misa de Aguinaldo”.

Ang serye ng Misa para sa Simbang Gabi ay idinaraos mula ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre at ginaganap sa iba’t ibang oras sa pagitan ng alas-3 ng madaling-araw hanggang alas-5 ng umaga.   Misa de Gallo sa Español, o Misa ng Tandang sa Filipino ang tawag sa huling simbang gabi sa bisperas ng Pasko.

Noong unang panahon…

Mga unang bahagi pa ng higit 300 taong pananakop sa atin ng mga Español, noong 1669, nang magsimula ang Simbang Gabi sa Pilipinas bilang isang praktikal na gawain para sa mga magsasaka, na nagsisimulang magtrabaho sa bukid bukang-liwayway pa lamang upang maiwasan ang matinding init mula katangha­lian. Sinisimulan ng mga pari ang Misa umagang-umaga.  Ang kaugaliang ito tuwing Pasko ay nakasanayan na at naging bahagi ng kulturang Pilipino.

Ang Pilipinas mula noon at hanggang ngayon, taliwas sa gustong ipilit ng ilang pulitiko, ay isang bansang agrikultural.  Kilala tayo noon sa ating mga plantasyon ng niyog, tubo at bigas.  Hindi siguro maniniwala ang mga ninuno natin noon kung sasabihin mo sa kanilang sa susunod na milenyo ay magiging isa, o magiging tayo ang pinakamalakas umangkat ng bigas sa buong daigdig.

Maghapon sa sakahan noon ang mga kasama at sakada at nagpapahingan lamang para mananghalian, kung kailan pinakamainit ang sikat ng araw.  Dahil sa nawalang isang oras na ito, doble kayod ang ating mga ninunong magsasaka at pinagkakasyang pili tang oras dahil sa mga takot sa mga enkargado, o katiwaldas…katiwala pala, na namamalakad sa mga lupain ng Español na “panginoon” o haciendero.

Sa pagitan ng pagtatanim at pag-ani lamang napapahinga sa pwersahang trabaho ang ating mga ninuno.  Yaong mga nasa edad na para magtrabaho ay tinitipon sa ilalim ng sistemang tribute, kung saan, marahil dahil sa takot o kamangmangan, o kombinasyon ng dalawa, ay pumapayag ang mga sinaunang Pilipino na magtrabaho ng libre para sa mga proyekto ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya. Ang mga babae naman ay inaaalagaan ang mga tanim nilang gulay sa tumana o kaya ay nagiging kasambahay para sa mga elitista.

Nakalulungkot mang isipin, hanggang sa kasalukuyan ay mga tila hindi natuto sa mga aral ng kasaysayan at nag-aasal “panginoon” sa paniniwalang wala namang pagpipilian ang mga manggagawa kundi sumunod.

Sa pagdating ng Kapaskuhan, naging kaugalian na ang mga novena tuwing gabi, at nakita ng mga pari na dumadalo pa rin ang mga parokyano sa kabila ng maghapong pagod.  Bilang kompromiso, sinimulan ng pari na idaos ang misa ng umagang-umaga habang hindi pa sumisikat ang araw bago magsipunta sa bukid o pumalaot sa dagat ang ating mga ninuno.

Pagkain at inumin

Noong panahon ng mga Español at unang bahagi ng panahon ng mga Kano, walang maihandog ang mga parokyano sa Misa kundi bigas, prutas, gulay at itlog.  Ipinamamahagi ng Simbahan ang ani sa buong kongregasyon matapos ang misa.

Matapos ang Misa, kakain ang mga Pilipino ng mga pagkaing ibinebenta malapit lamang sa simbahan.

Gaya noong unang panahon, sa kasalukuyan ay mayroon na ring handang makakain sa labas lamang ng simbahan.   May latik at yema, gayundin din ang uraro, barquillos, Lengua de Gato.

Nariyan rin ang arróz caldo  at sa maniwala kayo o hindi, papaitan, pang-almusal at hindi pang-pulutan sa mga kapatid nating Ilokano.

Hindi nawawala mula noong panahon pa ng a­ting mga lolo at lola ang bibing­ka, puto bumbong, suman at iba pang kakanin, pero kung noong una ay mainit na tsokolate, kapeng barako o kaya naman ay salabat ang kapares nito, marahil ngayon ay kape na mula sa Starbucks o kaya naman ay milktea.

Ang mga pagkaing gawa sa bigas ay itinitinda para mapuno ang sikmura ng ating mga magsasaka, dahil ito ay mura at mula pa noong una ay “staple food” na ng mga Pinoy.  Ang mga kakanin ay puno rin ng carbohydrates ay kailangan din ng mga kolonyal na Pilipino para sa maghapong pagtatrabaho sa mga bukid at gilingan ng asukal.

Sa kasalukuyan…

Ngayong sinasabing tapos na ang panahong kolonyal at panahon na ng mga millennial, idinaraos na rin ang Simbang Gabi sa mga mall.  Gayunpaman, kamakailan ay nagpahayag ng hindi pagsang-ayon si Cardinal Luis Antonio Tagle sa pagdiriwang ng Misa sa mga mall, maliban na lang kung may sarili itong kapilya.

May Simbang Gabi na talagang sa gabi  idinaraos at nagsisimula ito sa ika-15 ng Disyembre at nagtatapos sa ika-23, kung saan ang mga pagbasa para sa misa kinama­daling-arawan ang siya ring binabasa, bagama’t may mga nagsasabing ito raw ay labag sa kautusan ng Simbahan.

Para maranasan ng mga milenyal kung paano ang Simbang Gabi noong panahon nina Andres Bonifacio, may mga pangkat na nagdiriwang ng tradisyunal na Misa sa Latin, kandila ang gamit at ang daan-daang taong musika at awiting pang-Misa ang ginagamit.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nawawala ang paniniwalang kapag nakumpleto ang siyam na araw na Simbang Gabi ay matutupad ang kahilingan ng nakakumpleto ng novena, kaya’t tiyak, maraming nagsimba kanina, na may kani-kaniyang gustong mangyari at pansari­ling motibo, at nakaligtaan ang tunay na diwa ng Pasko, ang mensahe pag-ibig sa kapwa na dala ng sanggol na si Hesus.

Bilang paalala, wakasan natin ang pitak na ito sa pagtatapos ng isang kantang Pamas­kong tiyak na alam ng lahat:

“At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay MAGBIGAYAN! At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay MAGBIGAYAN!”

Please follow and like us:
Read More

ALAALA NG ISANG ALAMAT

FPJ-10

Fernando Poe Jr. (1939-2004)

(Ni Guillermo Octavio)

APAT na taon nang namamamayagpag sa telebisyon ang programang “FPJ’s Ang Probinsyano.”  Sa mga nakababatang tagasunod ng nasabing programa, si Coco Martin  si Cardo Dalisay, ang magiting na pulis na nakikipaglaban para sa kapakanan ng naaapi kahit siya mismo ay ‘di lang minsang natapakan, nasaktan at nawalan, tapagapagtuwid ng mga baluktot sa lipunan, at tagapagtanggol ng katarungan.

Marahil, muli sa mga nakababata ay palaisipan kung sino ang FPJ na lumikha ng Ang Probinsyano, at ang alam  lamang nila ay ang mga napanonood na sinasabi ng mga dati niyang kakilala sa mga tribute sa mga pang-Linggong programa sa  telebisyon.

Pero tiyak na kung botante ka na noong halalalan 2004, tiyak na kilala  mo  si Fernando Poe Jr., na lumahok sa politika sa unang pagkakataon bilang kandidato sa pagka-pangulo ng oposisyon, at tinalo ng nakaupong pangulo noon na si Gloria Macapagal-Arroyo, sa eleksyong hanggang ngayon ang resulta ay pinagtatalunan, at ‘di iilan ang ayaw itong paniwalaan.

Ronald Allan Kelley Poe

Labinlimang taon na kahapon (Disyembre 14) mula nang pumanaw si Ronald Allan Kelley Poe (Agosto 20, 1939 – Disyember 14, 2004) na mas kilala ng mga Pilipino bilang si Fernando Poe Jr..  Bantog din siya sa kanyang mga inisyal na FPJ, sa kanyang pangalang ginagamit na Ronwaldo Reyes bilang direktor,  at sa tawag na Da King, dahil malaon na, at patuloy siyang kinikilala bilang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Si FPJ ay isinilang sa lungsod ng Maynila noong Agosto 20, 1939.  Siya ay anak ng aktor na si Fernando Poe Sr. na ang tunay na pangalan ay Allan Fernando Poe y Reyes, tubong San Carlos, Pangasinan at Elizabeth “Bessie” Kelley, isang mestisang Irish- American.

Ikalawa sa anim na magkakapatid, si FPJ Poe,  ang orihinal na pagkakabaybay ng apelyido FPJ mula sa kanyang lolo sa ama,ang manunulat ng dula na si Lorenzo Pou na nanirahan sa Pilipinas mula sa Majorca, España at nagmina at nagnegosyo sa Pilipinas.

Nagtapos ng elementarya si Poe sa San Beda College, Lepanto noong 1953, at lumipat sa San Sebastian College noong high school.  Matapos ito ay nagkolehiyo si Da King sa Mapua Institute of Technology at University of the East at theater arts ang kanyang naging kurso.

Ang pagsibol

Nang mamatay ang kanyang ama dahil sa rabies sa edad na 35, naobligang kumayod, maging breadwinner ng pamilya si FPJ at tumigil sa pag-aaral at nagsimulang magtrabaho bilang mensahero sa industriya ng pelikula.  Nakakuha rin siya ng mga papel sa mga pelikula at naging stuntman sa Everlasting Pictures, hanggang sa magbida sa “Anak ni Palaris”  noong 1955 sa edad na 14 ngunit hindi ito gaanong tinangkilik sa takilya.

Noong 1956 gamit ang screen name  na Fernando Poe Jr., na nakuha niya sa kanyang kapatid na si Andy, na ang tunay na pangalan ay Fernando Poe II, ay nagbida si FPJ sa pelikulang ‘‘Lo Waist Gang’’, at simula noon ay naging patuloy na ang kanyang kasikatan.

Itinatag ni Da king ang FPJ Productions noong 1961 at kinalaunan ay bumuo pa ng ibang kumpanya ng pelikula.   Noong 1963, tumestigo siya laban sa grupo ng mga kriminal, ang Big Four, na umano ay hinuhuthutan ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Noong 1965, kasama niyang nagbida si John Saxon sa pelikuilang “The Ravagers,” isang pelikulang tumatalakay sa pagsasanib-pwersa ng mga Pilipino at Amerikano laban sa mga Hapon.

Ikinasal si FPJ sa aktres na si Susan Roces, Jesusa Sonor sa tunay na buhay, sa isang civil wedding noong Disyembre 1968. Ikinasal din sila sa simbahan kinalaunan. Inampon ng mag-asawa ang isang batang babae, si Grace Poe, na ngayon ay isang senadora.

Nagwagi si FPJ ng mga pagkilala bilang pinakamahusay na aktor ng  Filipino Academy of Movie Arts and Sciences  (FAMAS) para sa mga pelikulang Mga Alabok ng Lupa (1967), Asedillo (1971), Durugin si Totoy Bato (1979), Umpisahan Mo, Tatapusin Ko (1983), at Muslim .357 (1986), o limang beses sa 15 nomnasyon, ang pinakamarami sa kasaysayan ng  FAMAS.   Nanalo din siya bilang Best Director ng dalawang beses at nakakuha rin ng parangal para sa Best Screenplay.

Kabilang sa iba pang mga hindi malilimutang karakter na ginampanan ni Da King ay ang papel na Flavio sa seryeng Ang Panday at Aguila.  Karamihan sa mga  batang-bata, pinakamagaganda at seksing aktres  sa Pilipinas ay naging leading lady din ni Da King kahit noong may edad na siya kabilang sina Alice Dixson, Nanette Medved, Anjanette Abayari at Ara Mina.

Ang huling pelikula niya, sa humigit kumulang 250 niyang ginawa sa loob ng halos limang dekada niyang pamamayagpag sa pinilakang tabing ay ang Pakners, kasama ang isa pang alamat, si all-time billiards great Efren “Bata” Reyes noong 2003.

Noong 2012 ay kinumpirma sa pamamagitan ng Proclamation 435  ang pagiging National Artist ni Da King na unang idineklara noong 2006 dahil sa kanyang ‘di matatawarang ambag sa pelikulang Pilipino.

Isang  umagang tila hindi sumikat ang araw

Sa kanyang mga pelikula ay pirming api at malimit magulpi sa simula si FPJ ngunit nananatiling lumalaban hanggang sa manalo sa dakong huli, ngunit malungkot man ay kailangang tanggapin na iba ang pelikula sa tunay na buhay.

Noong gabi Disyembre 11, 2004 ay isinugod sa St. Luke’s Medical Center si FPJ  matapos na mahilo sa Christmas Party sa kanyang production studio.

In-admit siya sa nasabing ospital dahil sa stroke at na-comatose habang ginagamot ang kanyang brain clot .  Inilarawan ng mga manggagamot ang kalagayan niya bilang cerebral thrombosis with multiple organ failure at ala-12:01 noong Disyembre 14 ay pumanaw na si Da King.

Gaya ng dapat asahan, dinumog ang burol at libing ni Da King.  Inilibing siya sa lupa ng pamilya Poe sa Manila North Cemetery.

Marami ang nagpapalagay na sama ng loob ang ugat ng pagkakasakit at kamatayan ni Da King dahil alam umano nitong siya ang tunay na nagwagi sa nakalipas na halalan.

Please follow and like us:
Read More

BACKYARD OLYMPICS

teofilo yldefonso

Pagiging  kampeon dapat bang ikatuwa?

(Ni Mac Cabreros)

SA kasalukuyan ay ma­rami ang walang pagsidlan ng tuwa ang mga Fi­lipino dahil sa pagkakampeon ng bayan na­ting Pilipinas sa katatapos na Southeast Asian Games (SEAG).

Hindi na mahalaga kung ilan ang ginto, pilak at tanso na nakuha ng ating mga manlalaro, basta tayo ang nagkampeon sa basketball, dahil doon naman baliw na baliw ang mga Pinoy.

Iba ang SEAG sa Asian Games kung saan buong Asya ay kasali at ginagawa lamang tayong basahan ng mga bansang gaya ng Tsina at South Korea at mga kapitbahay natin sa Timog Silangang Asya.

Lalong iba sa Summer Olympics na ginaganap tuwing apat na taon, kung saan halos buong daigdig ay kasali.

Laban ka sa drama?

Simula noong unang Summer Olympics na idinaos noong 1896, 31st  Summer Olympics na sana ang naidaos,  pinakahuli noong 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil . Idaraos ang susunod na Olympiada sa 2020 sa Tokyo, Japan. Di na mabilang na sapatos ang napudpod at katakot-takot ang medalya ang napanalunan  dito, at katakot-takot na drama ang naganap.

31st  sana dahil dapat idaraos ang VI Olympic Games sa Germany noong 1916 pero kinansela dahil sa World War I.

Nanood pa si Hitler noong 1936 Olympic Games nang sa wakas ay makarating sa Berlin ang Olympiada.

Ilang taon pa sumabog na ang World War II  nang salakayin ng kawan ni Hitler ang Poland noong 1939.

Kinansela naman XII Olympic Games na idaraos sana sa Tokyo, Japan na kaalyado ni Hitler dahil patuloy pa ang World War II.

Taong 1944 sa kaaway ni Hitler sa United Kingdom sana gaganapin ang XIII Olympics, pero di natuloy dahil hindi pa tapos ang WWII.

Nang bumalik sa Germany ang Olympics, sa Munich noong 1972 hinostage at pinatay ng Palestinian terrorist group Black September ang 11 Israeli Olympic team members kasama ang isang pulis na German.

Pinakahuli, nitong hu­ling XXXI Olympic Games sa Brazil, pinalayas umano ng isang kasapi ng Brazilian synchronized swimming team ang kanyang ka-partner sa kanilang silid para makipag-sex sa kababayan din nilang mananagwan (canoeist).

Olympic Games 1916Backyard Olympics

Naiiba talaga ang drama sa Olympics at maging sa mga lugar na pinagdausan at dapat pagdarausan nito.

Masasabing ang SEAG ay walang binatbat, at ayon sa aking kaibigang si Manong Chito, kumpara sa Olympiada ay pwedeng ituring na “backyard Olympics,” parang Ligang Inter-Tsinelas tuwing bakasyon ng summer, kung saan maraming bagong tuli ang naglalaro, ang ikinumpara mo sa NBA.

Bakit?  Dahil sa 120-taong kasaysayan ng nasabing Olympiada, nakaka-10 medalya pa lang ang Pilipinas:  tatlong pilak at pitong tanso.   At iisang Pilipino pa lamang ang nakakadalawang medalyang tanso at ito ay si Teofilo Yldefonso na ang laro ay swimming.

Samakatuwid, tunay ngang pwedeng ituring na “backyard Olympics” ang SEAG dahil kung sa SEAG ay nagkakampeon tayo, sa Olympiada ay halatang nangungulelat tayo.

Ang SEAG ngayong taon ang ikalawang pagkakataong ang Pilipinas ang naging kampeon sa nasabing timpalak na idinaraos tuwing dalawang taon at sinimulan noong 1977.

Ang mga sumusunod ay mga katanungang ukol sa nagdaang SEA Games.  Sa mga tanong na walang tiyak na sagot, o hindi n’yo gusto ang sagot,  bahala na kayong humusga

1) Ilang beses nang naging host ng SEA Games ang Pilipinas?

* Apat. 1981, 1991, 2005 at 2019

2) Ilang beses nang nagkampeon ang Pilipinas?

* Dalawa. 2005 at 2019

3) Saan idinaos ang SEA Games noong huli tayong magkampeon?

* Dito rin sa Pilipinas.

4) Masasabi bang maganda lang ang ipinapakita ng ating mga atleta kapag nasa sarili tayong bakuran?

* Pwede.

5) Bakit kaya?

* Siguro dahil sa suporta ng mga kababayan.

6) Pwede kayang nanggigil ang mga atleta sa sari-sa­ring kahihiyang nangyari bago at habang ihino-host natin ang palaro kaya nagbigay sila ng record-breaking performance?

* Pwede.

7) Samakatuwid, hindi pala dapat imbestigahan at pwede pang ituring na bayani si Speaker Alan Peter Cayetano at simbulo ng kadakilaan ang kanyang P50 milyong kaldero?

* Totoo nga ang sinabi ng DOH na dapat madagdagan ang mga psychologist at psychiatrist sa bansa dahil dumarami na nga ang baliw sa Pilipinas.

Please follow and like us:
Read More

BARYA MO, BUHAY KO (2)

BARYA-2

(Ni Mac Cabreros)

MARAMING ­pinagdaanan ang baryang noong unang panahon ay napakahalaga subalit sa paglipas ng panahon ay unti-unti hindi na binigyang halaga at minsan at itinatapon na lang dahil wala na ngang mabili ang isang sentimo hanggang piso.

Nagkaroon ng iba’t ibang klase ng barya sa Pilipinas simula nang masakop ang bansa ng Espanya. Nasa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila ang Pilipinas sa ilang daang taon kung saan iba’t ibang denominasyon ang lumabas at meron pang lumabas na gawa sa ginto, pilak at tanso.

Noong panahon ng pamamahala ni Gen. Emilio Aguinaldo naglabas siya ng barya at perang papel na may tatak ng “Republica Filipina” habang noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay nagkaroon din ng iba’t ibang demominasyon ng barya mula isang sentimo hanggang piso.

Naglabas naman ng    ang pamahalaan ng Hapan ng fiat currency na kilala bilang Mickey Mouse money noong World War II.

Noong 1967, pumasok naman ang ‘Pilipino series’. Nakatatak dito ang larawan ng mga bayani ng Pilipinas kung saan pinaliitan ang laki ng mga barya. Nagkaroon ito ng 1, 5, 10, 25 at 50 sentimos. Ibinalik din ang one peso denomination noong 1972 o Jose Rizal coin.

Panahon ni dating ­Pangulong Ferdinand Marcos nang nailabas ang ‘Ang Bagong Lipunan o ABL series’. Nakatatak pa rin ang ­imahe ng mga bayani ng Pilipinas sa denomination na 1, 5, 10, 25, centavos, P1. Nawala ang 50 centavos ngunit napanday noong 1975 ang P5 kung saan mukha ni Pangulong Marcos ang makikita sa harap ng barya. Inilimbag ito ng ­Royal Mint sa England at ­Vereinigte Deutsche Metallweke sa West Germany, Philadelphia at San Francisco mint sa United States, ­Franklin Mint, Sherritt Mint sa Canada, at mismong panday ng Pilipinas.

Matapos ang walong taon, pumasok sa sirkulasyon ang ‘Flora and Fauna series’ saan nakatatak ang mga imahe ng mga bayaning Pilipino at iba’t ibang klase ng hayop at halaman sa likod. Kasama ang mga baryang 1, 5, 10, 25 at 50 ­sentimos ang P1, P2 at ang nagbabalik sa sirkulasyon na P5. Mayroon ­nailistang error o pagkakamali sa baryang 1 sentimos saan nakasulat ang ‘Pandaka pygmea’ imbes na ‘Pandaca pygmaea’ at 50 sentimos saan nakasulat ang ‘Pithecobhaga jeferryi’ imbes na ‘Pithecophaga jeferryi.’ Nademonetized o nawalan ng bisa bilang legal tender ang mga baryang ito noong Enero 2, 1998.

Bilang kapalit sa ABL series coins, naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas noong Disyembre 1995 ng mga ­baryang nakatatak sa likod ang logo nito. Noong Hulyo 10, 2001, naglabas ang BSP ng 10-piso coin saan nasa harapan ang nagkasamang mukha nina Andres Bonifacio at ­Apolinario Mabini. Napalitan din ang ABL series na perang papel. Ang mga P5 pisong barya na may petsang 1997 at 1998 na nailimbag ng Royal Canadian Mint ay walang mint mark habang ang mga napanday sa Pilipinas ay mayroong mint mark. Lahat na P5 coins na may petsang 1999 pataas ay mayroon nang mint mark.

Sa pagbabago ng panahon, sabay na nagbago rin ang anyo maging ang ­metal na ginagamit sa mga barya. At sa inilabas na New Genaration series, bakal na ang ginamit kaya magnetic o dumidikit sa magnet.

Nakasaad dito ang ilang uri ng halaman gaya ng Kapal-Kapal baging, Tayabak at Katmon.

Noong Hulyo 2019, inanunsyo ng BSP na plano nilang palitan ang mga perang papel na P20 sa barya. At noong Septyembre ng taon kasalukuyan, inihayag ng BSP na papalitan din ang ­disensyo ng P5 barya upang maiwasang magkamali o mapagkamalang P1 ang ­baryang nabanggit.

Nakatakdang ilabas ang bagong anyong P5 ngayong Disyembre.

Suporta sa ­magandang ­layunin

Upang maibalik sa sirkulasyon ang mga baryang 1, 5, 10 at 25 sentimos, naisip ng isang ­miyembro ng Pugad Lawin ­Philippines – International Incorporated – ­Balangay ng Pugad Lawin sa Quirino na ilunsad ang ‘Barya Mo! Buhay Ko!’ Layon nito na makolekta ang mga nasabing barya at maibili ng gamit gaya ng maliit na solar power system at ibigay sa mahihirap na kababayan natin lalo ang mga wala pang kuryente o ilaw sa tahanan.

“Kahit kabilang ako sa ‘isang kahig, isang tuka’, nais kong makapag-ambag ng ngiti sa kapuspalad nating ­kababayan,” wika ni Lawin Almazan. “Hindi sa halaga nang malilikom ang batayan. Ang mahalaga ay ang pagbibigay importansya sa ating pera lalo na sa mga barya,” dugtong nito.

Idinagdag nito: “Kung maibabalik natin sa ­sirkulasyon ang mga barya, makakatulong ito sa ating ekonomiya.”

Ang Pugad Lawin ­Philippines – ­International Inc. ay matagal nang ­gumagabay at kaagapay ng mga Pilipino lalo ang mga underprivilege. Nagsimulang magpalaganap ang PLPII bolunterismo o ­Lawinism sa buong bansa noong 1970.

Hinihikayat ng PLPII ang sambayanan na pahaalagahan ang mga barya dahil malaki ang halaga nito. Suportahan ang Barya Mo! Buhay Ko! sa pag-share ng mga sentimos. Kung hindi man mai-donate, ay gamiting pantustos sa ­ating pangangailangan. Maliit man ay malaki kapag napagsamasama.

Please follow and like us:
Read More

BARYA, MALIIT O MALAKI, MAHALAGA (1)

BARYA-1

(NI MAC CABREROS)

SABI ng lolo’t lola ko, noong mga bata pa sila, masaya na silang makahawak ng isang sentimo, limang sentimo at dies sentimo. Noong araw, sa halagang piso, nakakabili na ng kalabaw at kapag may P10 ang isang tao ay mayaman na siya dahil kaya na niyang makabili ng isang hektaryang lupain.

Napakahalaga noon ang mga barya, ng pera, kaya ang pagtitipid at pag-iimpok ay ‘ipinamana’ sa atin ng ating mga ninuno. Kumapara kaya ngayon, may halaga pa ba ang barya lalo ang 1, 5, 10, 25 sentimos?

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, abot sa ISANG BILYONG PISO (1 Bilyon) ang baryang sentimos. Opo, malaki ang halaga ng mga barya. Bukod ito sa mga espesyal na barya lalo ang mga sinauna kung saan libu-libo o milyones pa ang katumbas nito sa mga coin collector.

Malimit hindi na pinapansin o binibigyang halaga ang mga barya. Madalas ay pinaglalaruan lamang ng mga bata at minsan ay itinatapon na lamang. Ito ay dahil pakiwari natin ay wala na itong silbi. Ano nga ba ang katumbas o nabibili ng sentimos?

Noon, nakakabili tayo ng tinapay sa isang ‘nickel’.

Humihingi pa tayo ng ‘tawad’ o discount na kahit isang kusing lamang kapag may binibili tayo. Para naman sa mga negosyante, malaking kawalan sa kanilang kita ang sentimos.

Sabi, hindi mabubuo ang piso (P1) kung walang sentimos. Tama po, mahalaga ang sentimo. Kasinghalaga ng numeral na ‘0’ , kahit katumbas nito ay bokya o wala,  dahil hindi magiging sampu, isang daan, libo, milyon, bilyon, trilyon, quadrillion, quintillion, sextillion, septillion, octillion, nonillion, decillion hanggang sa centilliion, kung walang ‘0’ matapos ang ‘1’.

Dati, ang barya ay gawa sa ginto, jade, quartz at kahoy.

Tawag dito ay ‘cowry shells’. Ginagamit ito pambili ng produkto sa ilalim ng sistemang barter trade noong panahon ng ating mga ninuno o pre-hispanic era. Nagamit din sa barter trade ang mga alahas at gamit na gawa sa ginto at pilak noong panahon ng mga Tsino. Nagamit din ng ating mga ninuno, lalo ang Kingdom of Tondo, Namayan at Rajahnate of Butuan ang ‘Piloncitos’, maliliit na ginto na may tatak bilang patunay na pera o legal tender na maaring pambili o pamalit sa produkto.

Nang manakop ang mga Espanyol noong 1521, nauso ang pera o salaping gold onzas o eight escudos. Lumaganap din ang macuquinas o silver coins na may markang krus at royal coat-of-arms. Tinawag ito ng mga Pinoy na ‘hilis kalamay’ dahil nahahawig ito sa pabilog na rice cake. Napalitan ito ng mga Columnarios o dos mundos na naimprenta o napanday noong 1726. Bilog na ito at lumaganap sa Pilipinas at iba pang bansa.

Noong 1857, ipinag-utos ni Queen Isabella II ang pagtatag sa Casa de Moneda de Manila sa Pilipinas. Nahulma dito ang 1, 2 at 4 peso coins na gawa sa ginto at inilabas noong 1861. Kasunod nito, napanday naman ang 10 at 20 sentimo na gawa sa silver. (Sa panahong ito, unang lumabas ang unang perang papel noong 1851 at kilala bilang ‘Philippine peso fuerte.’ Nilimbag ito ng El Banco Espanol Filipino de Isabel II, ang kaunaunahang banko sa Pilipinas).

Noong 1898-1901 o Revolutionary period, naglabas ang administrasyon ni General Emilio Aguinaldo, bilang Pangulo ng Pilipinas, ng mga baryang centavo at perang papel na One Peso na may tatak ‘Republica Filipina’.

Nang mapasailalim sa kontrol ng mga Amerikano ang Pilipinas, may baryang gawa sa ginto at pilak. At noong US Commonwealth, napanday ang mga barya saan nakatatak sa harap ang isang lalaki na nakaupo sa pandayan o anvil at nakatayong babae at taglay ang tatak na agila at

‘Commonwealth of the Philippines’ sa likod. May denomination itong 1 centavo, 5 centavo, 10, 20 at 50 centavos at one peso.

Noong World War II, naglabas ang gobyerno ng Japan ng fiat currency o kilala rin bilang Mickey Mouse money.

Nang maglabas ang Pilipinas ng barya noong 1958, napalitan ang 20 sentimos na US-PH coin sa 25 sentimos gamit ng base metal.

Nakatatak pa rin dito ang isang lalaki na nakaupo sa pandayan o anvil o nakatayong babae at ang Mayon volcano sa harap habang sa likod ay ang tatak ng Central Bank of the Philippines.  Hinulma o minted sa Philadelphia mula 1958 hanggang 1963, sunod ang Royal Mint ng

Inglatera at Vereinigte Deutsche Metallweke sa West Germany noong 1965 at 1966. Tinawag itong ‘English series’.    May kasunod

Please follow and like us:
Read More

PINOY AKO! IPINAGMAMALAKI ANG LAHING KAYUMANGGI

Philippine Identification System

(Ni Mac Cabreros)

PINOY Ako. Ipinagmamalaki ko ang lahing aking pinagmulan at meron akong pagkaka­kilanlan. Nakatatak ito sa aking pagkatao. Kaya naman tanggap ko sa identification document (ID) ko na Filipino ako sa isip, sa salita at gawa.

Isinusulong ngayon ang Philippine Identification System o PhilSys ID o Pambansang Pagkakilanlan.

Mahalaga ang ID sa buhay ng bawat Pinoy. Gina­gamit ito sa anumang transaksyon sa gobyerno at maging sa pribado.

Unang ikinasa ng admi­nistrasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1990 ang pagkakaroon ng national ID system.

Ngunit nabigo ito dahil matinding pagtutol ang isinasalubong ng ilang sector sa kadahilanang panghihimasok sa privacy at malalabag ang karapatang pantao ng bawat indibidual.

Sa sumunod na admi­nistrasyon, isinulong sa Kongreso ang panukalang magkaroon ng iisang ID. Bahagyang naitaguyod ang Unified Multipurpose ID kung saan nakapaloob sa iisang ID ang lahat na impormasyon ng bawat individual o isang ID na lamang ang gamitin sa transaksyon. Ngunit hindi pa rin ito naging malawakan ang implementasyon. Maraming establis­yemento, gaya ng banko, ang nagre-require na magpakita ng dalawa o higit pa na ID para sa transakyon.

Dahil sa kagustuhang magkaroon ng nag-iisang ID, isinalang muli sa Kongreso ang panukala hinggil dito. Nagkaroon ng balitaktakan o masusing pagtalakay sa committee ng Mababang Kapulungan at Senado hanggang sa Bicameral Conference Committee. Ngunit, kalauna’y naipasa at nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 6, 2018.

Saklaw ng National ID system ang lahat na mamamayang Filipino kasama ang may dual citizenship, gayundin ang mga resident alien o dayuhang nakatira na sa Filipinas.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), maari nang magparehistro para sa national ID system sa Hulyo 2020.

Bago nito, magkakaroon ng pilot testing sa Metro Manila particular sa mga benepisaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); mga empleyado ng National Economic and Development Authority (NEDA) at PSA.

Pasisimulan dito ang pagkuha ng biometric at demographic features na ilalagay sa ID.

Ito, ayon sa PSA, ay para mabatid kung siguradong ‘secured’ ang mga impormasyong maipapasok sa sistema at mapangalagaan ang privacy at karapatan ng indibidual.

“We want to ensure that the processes are efficient, the systems are fully functional, and all information within the system are secure,” pahayag PSA.

Kung maganda ang resulta ng pilot test, sunod na ipatupad ang ID system sa iba pang rehiyon particular sa Region III at IV-A.

“If the initial test run proves to be successful, the government will ramp up the project’s implementation,” pahayag ni Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Binanggit ni Pernia, nakalahad sa ID ang buong pangalan, kasarian, kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tipo ng dugo, tirahan, at kung Filipino o dayuhan.

Bawat transaksyon, kailangan ang ID. Maging sa Barangay Health Centers, gaya sa mga barangay sa Pasig City, ay hinahanapan ng Voter’s ID ang hihingi ng serbisyong medical.

Dahil dito, ipinag-utos ng bagong alkalde ng Pasig na alisin ang politika at  palakasan sa pagkakaloob ng serbisyo publiko at sa halip ay pairalin ang “totoong serbisyo publiko”.

Tama nga naman po. Bakit kailangang botante ka sa lugar bago ka bigyan ng gamot? Paano kung taga-pro­binsya ka at nagtatrabaho ka sa Lungsod?

Kailangang pumunta ka sa barangay mo para magpa-check up?

Anupa’t anuman, kailangan talaga na magkaroon ng iisang ID. Batid naman natin na magtungo sa iba’t ibang sangay o ahensya ng gobyerno para kumuha ng ID gayundin na magbayad sa kada ID na kukunin.

Sa ganang amin, wala kaming tutol sa National ID system.

Please follow and like us:
Read More

DUMI NG TAO, HAYOP MALAS O BWENAS?

(Ni Guillermo Octavio)

“KUNG minsan ang takbo ng buhay mo,  pagdurusa nito’y walang hanggan, huwag kang manimdim ang buhay ay gulong ng palad, gulong ng palad,” ayon sa liriko o theme song ng prog­rama sa radyo na napunta sa telebisyon na “Gulong ng Palad,” kung saan makanti mo lang ang balahibo ng ng batang Romnick Sarmenta ay iiyak na siya, ‘di gaya ngayon na may kaunti na siyang bigote at gumaganap na kontrabida sa “Ang Probinsyano”.

Tunay nga, habang umiinog ang mundo ay umiikot din ang gulong ng ating kapalaran.  Ang nasa ibabaw ngayon ay maaaring nasa ilalim bukas, ang kampeon noon, kulelat ngayon, ang mga kasama natin ngayon, posibleng wala na bukas, ang mga nagsusuot ng karsonsilyo para sa promosyon ng pelikula noon, alkalde na ngayon.

Tayong mga Pilipino ay maraming pinaniniwalaang bagay na nagdadala ng bwenas, karamihan ay walang anumang basehang batay sa agham, at ang pinakakatuwa dito at pinakamasangsang at karimarimarim ay ang paniniwala ng mga nakatatanda na  nagdadala ng swerte ang dumi, na mas kilala bilang tae, o ebak.

 ‘Wag mawalan ng pag-asa

Sa loob ng nakalipas na limang taon, mula noong 2015 hangang 2019 ay pumasok sa finals ng National Basketball Association (NBA), at nakasungkit ng tatlong titulo.  Nitong nakalipas na taon, nabugbog sa injury ang Warriors hanggang sa finals, at ginapi ng Toronto Raptors sa loob ng anim na laro, at ngayong taon ay nasa ilalim ng standings sa lahat ng 30 koponan sa NBA.

Tunay nga umikot na ang gulong ng palad ng koponang pinamumunuan ni Steve Kerr, mula sa pagiging kinatatakutan, sila ngayon ay pinagtatawanan.

SAN FRANCISCONgunit, kung ikaw ay isang tunay na die-hard Warriors fan at naniniwala sa mga kasabihan ng mga matatanda, dapat kayang magdiwang sa pagbalik ng homecourt ng Golden State sa San Franciso mula sa Oakland sapagkat ayon sa artikulo ni R. Cort Kirkwood na “San Francisco Feces Complaints Heading for New Record”  noong ika-22 ng Nobyembre sa website na The New American (https://www.thenewamerican.com/usnews/politics/item/34117-sf-feces-complaints-heading-for-new-record), matindi ang problema ng San Francisco sa dumi ng tao.

Batay sa nasabing akda, kung noon ay kinukutya lamang ang San Francisco dahil sa problema nito sa ebak, ngayong ang mga kalsada nito ay para nang isang bukas na imburnal, ay isa na itong malalang suliranin sa kalusugan.

Ayon sa website na RentHop, ang “poop sightings” sa tinaguriang City by the Bay ay nakababahala at dapat na may ibayong ingat o natata­nging talent kapag naglalakad sa nasabing lungsod dahil ang mga ulat tungkol sa nakakalat na dumi ng tao ay mas mataas ng 7% ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2018.

Noong nakalipas na taon, ayon muli sa  RentHop, nakatanggap ang lungsod ng 28,315 reklamo ukol sa ebak ng tao at hayop, mataas ng 35  porsiyento mula noong 2017, ngunit hanggang Nobyembre 6 ng kasalukuyang taon ay higit na naman sa 25,000 reklamo ang nakuha ng siyudad.  Ito ay halos 81 reklamo kada araw ng nakakalat na dumi ng tao sa 310-araw na pag-aaral na ginawa ng RentHop.

Kapag ito ay nagpatuloy, hanggang sa pagtatapos ng taon ay makakakuha ang San Francisco ng karagadagang  5,265  na reklamo tungkol sa dumi ng tao at aabot ang kabuuan sa 30,265.

Kung magdadala nga ng bwenas sa Warriors ang mga kaganapang ito ay panahon lamang ay tila panahon lamang  makapagsasabi

Hindi ka nag-iisa

GSW-2Gaya ng Golden State, nakatikim din ng matinding dagok ang koponang tumalo sa kanila, ang nag-kampeong Toronto Raptors, matapos na layasan ng kanilang star player na si Kawhi Leonard.

Ngunit, di ‘gaya ng koponan ng nabalian ng brasong si Stephen Curry, hindi nangu­ngulelat ang Toronto, at marahil ay totoo nga ang paniniwala ng matatandang bwenas ang dumi ng tao dahil  isang lalaking nagngangalang Samuel Opoku, 23, ang kinasuhan ng  five counts of assault with a “weapon” at five counts of mischief interfering with property matapos na sabuyan ng balde-baldeng tunaw na dumi ng tao ang limang lalaki sa tatlong magkakahiwalay na pagsalakay sa Toronto.

Ayon sa akdang “Bail hearing for man accused of dumping feces on 5 people set for Dec. 18” ng CBC sa idaraos ang pagdinig sa piyansa ni Opuku sa nasabing petsa, at dismayado umano ang abo­gado ng nasasakdal na si Jordan Weisz sa pagkasuspinde ng hearing dahil mananatiling nakapiit ang kanyang kliyente hanggang sa nasabing petsa.

“It’s always been disappointing to counsel when their client has to sit in custody for a period of time,” sinabi ni Weisz sa CBC Toronto.

Ayon sa Toronto police, dalawa sa mga naganap na “ebak attacks” ay ginawa sa mga silid-aklatan ng mga unibersidad.

Noong Noyembre 22 dakong 5:20 p.m., sinabi ng pulisya na isang lalaki ang pumasok sa John P. Robarts Research Library sa 130 St. George  St., sa University of Toronto downtown campus at binuhusan ng dumi ng tao ang isang bebot at isang bata.

Noon namang  Nob. 24 dakong 5 p.m., isa naman umanong lalaki ang pumasok sa Scott Library, sa 4700 Keele St.,  York University at sinabuyan din ng dumi ng tao ang isang lalaki at babae.

Kinabukasan, alas 11:55 ng gabi, nilapitan naman ng isang kelot ang isang bebot sa College at McCaul streets at binuhusan ng isang  timbang dumi ng tao ang walang kamalay-malay na bebot.

Dumi ng tao ang Tagapagligtas

sewage tank truck.Mula naman sa Mother Russia, isang nagliliyab na BMW ang nailigtas sa tulu­yang pagkatupok nang bombahin ng lusaw na dumi ng tao mula sa isang nataong naroong  sewage tank truck.

Ayon sa artikulong “BMW on fire extinguished with liquid shit” na isinulat ni Rhonda Vance sa website na nag-viral (https://mashviral.com/bmw-on-fire-extinguished-with-liquid-shit/) naganap ang karima-rimarim na insidente sa lungod ng Samara, nang isang BMW X6 ang biglang magliyab.

Ayon kay Vance, hindi niya maisip kung ano ang amoy ng lusaw na dumi ng tao pagtama sa nagbabagang kaha ng nasusunog na kotse.

Madali naman umanong naapula ang apoy ngunit naligo naman sa dumi ng tao  ang nasabing sasakyan.

Matapos ang inyong nabasa, kayo na ang bahalang humusga kung malas nga ba, o bwenas, ang dumi ng tao.

Please follow and like us:
Read More

MUKHA NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA

(Ni Mac Cabreros)

NAPABALITA kamakailan ang pag-imbento ng mga Chemist ng Department of Science and Technology – Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) sa abaca-based fabric na kayang salain ang mga toxic materials at iba pang contaminants sa waste water.

Ayon sa DOST, kaya ng nasabing non-woven fabric na gawa sa fiber ng abaca at synthetic polymer na salain ang mga  heavy metals gaya ng lead, cadmium, nickel, chromium, mercury atd arsenic, na nahalo sa tubig at nakapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng tao at sa kalikasan.

“The materials are graf­ted using radiation at PNRI’s Electron Beam Irradiation Facility, after which it is further processed into its final form as a synthesized filter for heavy metals,” pabatid ng DOST.

“Compared to commercial resins regularly used to filter out waste, the abaca fabric was deemed as re­usable, cheaper and on par, if not better, than its counterparts, according to the science agency,” dagdag ng DOST.

Ang imbensyong ito ng ating kababayan ay tinanghal na Regional Winner para sa Outstanding Utility Model Award sa katatapos na 2019 DOST Regional Invention Contests and Exhibits (RICE) sa National Capital Region noong Nobyembre.

Marami na ring imbensyon ng mga Pinoy. Nandiyan ang Bathala rocket stove na likha ng Team Carding ng Mapua Institute of Technology Students na sina Jeremy de Leon, Alsus Adiaton, Gabriel Layson, Norman Quiniquini. Nakakalikha ito ng kuryente habang nagluluto gayundin nagagagamit bilang water distillation para sa inuming tubig. Una itong ipinakilala sa Duma­gat tribe sa kabundukan ng Sierra Madre sa Norzagaray, Bulacan.

BATHALA STOVEAng Bathala ay Grand prize winner sa Sikat Solar Challenge Foundation, Inc. (SSCFI), ng Lopez Group of companies na First Gen Corporation, Energy Development Corporation (EDC) at First Philippine Holdings Corporation (FPH) katuwang ang US Agency for International Development (USAID) Science, Technology, Research and Innovation for Development (STRIDE).

Malamang mapapabilib si Inspector Gadget sa sapatos na kayang makalikha ng kuryente. Tinawag ito ng estudyanteng si Angelo Casimiro na ‘power walk’. Paliwanag nito na ilagay lamang sa loob ng sapatos ang ‘sole’ o device ’at maari na itong gamitin pang-charge ng Mobile phone.

Kahangahanga rin ang Sustainable Alternative Lighting o SALt lamp ni Filipina scientist Aisa Mijeno. Sa dalawang kutsarang asin at tubig ay maari nang makalikha ng kuryente para mapailaw ang isang LED sa loob ng walong oras.

Ilan lamang ito sa mahabang listahan ng mga bagong imbensyon ng ating kababa­yan na kahangahanga at makapagbibigay ginhawa sa ating buhay.

Ngunit, napapakinabangan nga ba natin? Nagkakaroon ba ng mass production dito sa bansa? Baka naman ibinebenta lamang sa ibang bansa ang patent nito?

Napabalita rin na umaapela ang Filipino Inventors Society.

Ayon Mr. Manuel Dono, pangulo ng FIS, bagama’t may Republic Act 7459 na nagbibigay ng insentibo sa mga imbentor, nananatiling ‘left behind’ ang mga Filipino inventor dahil sa kakulangan ng suporta ng gobyerno.

“Marami tayong magagandang imbensyon ngunit napupunta lamang sa ibang bansa at mapakinabangan ng iba ang magandang dulot nito dahil sa kakulangan ng suportang pinansyal mula sa gob­yerno,” ayon kay Dono.

Aniya, hindi nila ma-mass produce ang kanilang obra dahil walang ayuda na gagamitin bilang panimula o puhunan.

“In fact, there are plenty of Filipino inventors asking for government assistance to mass produce their inventions such as the fuel-less power plant run by water and air, human drone, unsinkable boats, the three-burst fire of the M-16 assault rifle, the wireless anti-carnapping device, to name a few,” pahayag naman  George de Guzman, imbentor ng anti-pollution gadget na power-up.

fluorescent lampInihalimbawa nito ang fluorescent lamp na inimbento ni Agapito Flores na na-mas-produce sa Amerika.

Kada taon ay itinatagu­yod ng Department of Science and Technology (DOST) ang National Invention Contest Exhibit o NICE. Layon nito na iparada ang mga bagong imbensyon at tuklas ng ating kababayan na wagi sa Regional Invention Contest Exhibit o RICE. Binibigyan ng pagkilala ang mga kahangahangang obra.

Pero, nakapagbigay na ba ang mga ito ng impact sa buhay natin?

Paano nga ba maeng­ganyo ang mga scientist, engineers, researchers at iba pang nasa agham at teknolohiya (S&T)?

Ang sagot sa mga kata­nungang ito ay nasa Republic Act 11312 na pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 17 taon kasalukuyan.

Sa nasabing batas na nag-amiyenda sa Republic Act 8439, pagkakalooban ng ayuda at benepisyo sa mga nabanggit.

“Under the law, science and technology personnel who rendered service beyond the established regular workload of scientists, technologists, researchers, and technicians whose broad and superior knowledge, expertise, or professional standing in a specific field contributes to producti­vity and innovativeness shall be entitled to receive honorarium subjects to rules to be set by the department.”

Itinatakda rin ng batas na ang mga nasa S&T na hindi kawani ng DOST ay maari ring mag-avail sa mga benepisyong kaloob dito.

Nakita na natin sa itaas ang dalawang mukha ng angham at teknolohiya.

Ang masasabi natin: Makikita ang resulta sa gawa at hindi sa salita.

Please follow and like us:
Read More

SAPATOS NI SION (2)

MARIKINA SHOES-5

Dumaan sa pagsubok, nanatiling matatag

(Ni Mac Cabreros)

BAGO isalang sa pagawaan, nagkakaroon ng elastic test ang mga sapatos na gawa sa Marikina kung kaya’t subok sa tibay ito. Sa madaling salita, pangmatagalan ang mga sapatos na gawa sa lungsod ng Marikina.

Bagaman dumaan ang bentahan nito sa malamlam na panahon tulad noong matapos ang EDSA Revolution, hindi pa rin nasiraan ng loob ang mga negosyanteng ang puso ay nakalaan na sa paggawa at pagbebenta ng sapatod.

Dumaan din ang Marikina sa mabigat na sakuna, ang paglubog ng lungsod dahil sa bagyong Ondoy kung saan ang karamihan sa mga pagawaan ay nasira ng baha at putik.

Ayon kay Neil Nepomu­ceno, vice president ng ­Philippine Footwear Federation, kung dati ay nasa 5,000 ang shoemaker ay bumagsak ito sa 150.

“Pero hindi kami nawalan ng pag-asa. Ginamit namin itong kahinaan upang kami ay magbubuklod-buklod at nagkaisang ibangon ang industriya ng pagsasapatos,” pahayag Mr. Nepomuceno.

“Dahil nagsama-sama ang aming lakas, unti-unti naming napabalik ang sigla ng pagsasapatos,” dugtong Mr. Nepomuceno.

Nagpasalamat ang grupo sa pamunuan ni Mayor Teodoro dahil sa ayuda at suportang ipinagkaloob sa industriya.

Ikinatuwa naman ng alkalde na kung dati ay kani-kaniya, ngayon ay ‘colloborative’ at nagtutulungan na ang mga manggagawa ng sapatos.

Nabatid na mayroon ngayong 54 manufacturers sa Marikina at libu-libo na ang manggagawa dito.

Para lalong mapalawak at mapalaki ang industriya, naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng P60 milyon pondo sa itatayong paaralan para maituro ang pagdisensyo at paggawa ng matibay, de kalidad at maipagmamalaking sapatos.

“Ating pinagtutuunan ang quality at unique design para makasabay sa produkto ng ibang bansa  na bumabaha sa ating bansa na dulot ng binuksang kalakalan o merkado alinsunod sa pinasok sa kasunduan sa mga bansa sa Southeast Asia,” wika Mayor Teodoro.

Binanggit din Alkalde na magtatayo sila ng one stop shop o hub para sa ating kababayan na gustong pumasok sa shoe industry.

Nabatid na kasaluku­yang itinuturo sa Pamantasan ng Lung­sod ng Marikina (PLMAR) bilang bahagi ng Senior High School ang pagdisenyo at paggawa ng sapatos at iba pang produkto.

“We need to produce skilled workers – a new ­generation of shoemakers –to ensure continuation [of the shoe industry],” wika Teodoro.

Aniya, matutunan ng mga estudyante sa ilalim ng Kto12 program ang art at science o craftsmanship ng shoe industry.

Ipinabatid nito na kasalukuyang itinuturo bilang tech-voc course ang paggawa ng sapatos sa San Roque National High School at Marikina High School.

Nagsimula ang shoe industry noong 1887 dahil sa malikhaing kamay ni Don Laureano “Kapitan Moy” Guevarra.

Mula sa simpleng disensyo, unti-unti itong nagkaroon ng bagong hugis at kulay. Ngayon, maari nang magpa-costumize o magpagawa ng nais o gustong hugis, kulay, haba at laki, disenyo o porma at kung anong uri ng materyal na gagamitin.

Masidhi ang hangarin ng Pamahalaang Lungsod at shoepreneurs na itaas ang antas ng industriya.

Taun-taon ay itinataguyod ang Shoe Festival kung saan ipinaparada ang produkto ng Marikina. Dinadala at ­ibinebenta sa mga karatig lugar. Tampok din dito ang ‘Stilleto Race’ kung saan kailangang magsuot ng sapatos na mataas ang takong ang kasali sa takbuhan.

Mga kababayan, sali ba kayo sa takbuhan? Tara sa Marikina!

Please follow and like us:
Read More

SAPATOS NI SION MAKINIS NA, MATIBAY PA (1)

Mayor Marcy Teodoro

(Mac Cabreros)

Pasko na naman, sinta. Gusto mo magpabongga? O, gusto mo bongga ang regalo mo sa iyong manito/manita?

Magtungo lamang sa Lungsod ng Marikina, paanyaya ng alkalde nitong si Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.

“Dito sa Marikina, makapili at makabili ka ng mura ngunit de kalidad na sapatos,” ayon kay  Mayor Teodoro kasabay ng pagyayabang na ang mga sapatos na gawa sa kanyang lungsod ay makikinis at matitibay.

Kamakailan lamang ay pinamunuan ni Teodoro, kasama ang mga opisyal ng Philippine Footwear Federation Inc. sa pamumuno ni Antonio Andres, may-ari ng Gibson Shoes at Marikina Trade Fair Cooperative, ang Sapatos Festival kung saan alok sa Shoe Bazaar ang iba’t ibang produkto mula leather shoes, bags at iba pa.

“Matitibay at world class ang quality ng mga sapatos na gawa ng magagaling nating sapatero,” bigkas pa Mayor Teodoro.

“Pagsasapatos, ito ang industriya kung saan naging tanyag ang Marikina. Sa pagkakagawa ng unang pares ng sapatos, bahagi na ito ng aming kasaysayan,” dugtong Teodoro.

Binisita rin ni Mayor Marcy ang 48 na shoe manufacturers na nakibahagi sa Festival kabilang ang 71-anyos na si Rolando “Tatay Oly” Santos na gumawa ng pares ng sapatos na isinuot ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang State of the Nation Address (SONA).

Bukod sa Shoe Bazaar na matatagpuan ang Shoe Bazaar sa Marikina Freedom Park, makakabili na rin ang ating kababayan ng sapatos at iba pang produkto ng Marikina sa mga mall. Mayroon na ring outlet ng Marikina Shoe Trade Fair Cooperative sa Pasalubong Center sa Davao City na binuksan noong Agosto 23.

Taun-taon isinasagawa ang Sapatos Festival upang maitampok ang angking talino at talento sa pagdisenyo at paglikha o paggawa ng magaganda at de kalidad na sapatos.

Nakilala ang Marikina bilang Shoe Capital of the Philippines at tangan ngayon ang World Record kung saan makikita ang pinakamalaking sapatos. Mayroon itong sukat na 17 talampakan ang haba at 8 talampakan ang lapad kung saan katumbas ng 30 normal feet ang magsusuot. Abot sa dalawang milyong piso ang ginastos at ginawa ito sa loob ng 77 araw. Sinertipikahan ito ng Guinness Book of World Records noong 2002. (Nakilala rin ang Pilipinas sa pamamagitan ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos dahil sa dami ntiong koleksyon ng sapatos).

“Siguradong matitibay ang mga sapatos na gawa sa Marikina,” wika pa Mayor Marcy.

Aniya, sertipikado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na NC II ang mga taga-disenyo at tagagagawa ng sapatos.

“Hindi lamang matibay kundi stylistic o makabago ang disensyo na

puwedeng maipagmalaki sa international market ang gawang Marikina,” pahayag Mayor Teodoro.

Ipinabatid ni Mr. Antonio Andres, pangulo ng Philippine Footwear Federation Inc, base sa resulta ng isinagawa nilang elastic test ng kanilang sapatos kumpara galing sa ibang bansa, mas tumatagal ng mahigit isang taon ang kanilang gawang sapatos.

Ngunit, tulad ng ibang industriya, dumaan din sa malamlam na panahon ang shoe industry sa Marikina. Bumagsak ito matapos ang EDSA revolution na lalong pinatamlay o lumubog nang rumagasa ang bagyong Ondoy kung saan maraming pagawaan ang nasira sa baha na may kasamang putik. (May kasunod)

Please follow and like us:
Read More

ANG PROBINSIYANA

PROBINSIYANA

Mga walang muwang sa Maynila,  ‘wag pagsamantalahan

(Ni Guillermo Octavio)

Mula pagkabata, umaga hanggang hapon, araw-araw ay nakatitig sa punong mangga sa kanilang bakuran ang dalagang si Saturnina (‘di tunay na pangalan).

Sapul sa pagiging bulaklak hanggang sa pagiging hinog ng bunga ay nasasaksihan niya ang bunga ng kanilang puno ng mangga.

Malimit din niyang maitanong sa kanyang sarili, “Ako kaya kailan mahihinog ang kapalaran ko?  Kailan kaya ako makawawala sa nakababagot na lugar na ito?”

Tuwing magsisimba ay ipinananalangin ni Saturnina na sana ay may prinsipeng sumagip sa kanya sa kanyang ­pagkabagot sa kasalukuyang buhay.

Sa paglipas ng mga taon ay napagtanto ni Saturnina na ang tunay na buhay ay hindi kawangis ng mga alamat ng mga diwata, kung saan palaging masaya ang wakas, at ang mga pangunahing tauhan ay namumuhay ng maligaya matapos malagpasan ang mga pagsubok.

Happily ever after?

Isang araw, nang malapit nang panawan ng pag-asa si Saturnina ay may nakarating sa kanyang impormasyon na nangangailangan ng mga serbidora sa bansang Singapore, ang maliit ngunit mayamang bansa kung saan maging tubig ay ­inaangkat at maraming gatas sa mga pamilihan kahit wala kang bakang makikita.

Puno ng pananabik na nag-apply na serbidora si Saturnina at halos himatayin sa tuwa nang sabihin ng recruitment agency na siya ay nakapasa matapos magbigay ng libo-libong piso para sa training at medical fees sa mga pasilidad na pag-aari din umano ng “recruiter”.

Araw  na lamang ng pag-alis ang dapat hintayin ng dilag, at ng kanilang buong baryo na nakasagap ng “mabuting balita”.

Lingid sa kaalaman ni Saturnina, ang kailangan pala niyang ihain bilang serbidora ay ang kanyang pinakaiingatang puri at katawan.

Ayon kay Saturnina ang sabi sa kanila ng isang nagngangalang Manuel, kung hindi sila magpapahipo man lang ay wala silang kikitain at kung hindi makikipagtalik ay wala silang sasahurin.

Kapag may alak may balak

Bukod dito, obligado umano silang uminom at magpakalango kapag kasama ang kliyente, at dahil hindi naman sila sanay uminom ng alak ay pinupwersa silang ­magpakalasing.

Dito na naghinala si ­Saturnina at nakumpirma ang kanyang kutob at ng 19 na iba pang biktima ng illegal ­recruiter, ang kanilang katransaksyon nang makipag-video call ang ­“ahensya” ng ­“recruiter” sa kanilang magiging amo sa sa ­Singapore.

Nang tanggihan ni ­Saturnina at iba pang aplikante ang karima-rimarim na hanapbuhay na naghihintay sa kanila sa Singapore ay dinaluhong kanilang pinagkatiwalaang tao ang kanilang pasaporte.

Bukod dito, tinakot din silang haharanganin at iba-blacklist sila sa iba pang recruitment agencies at hindi na sila ­kailanman makaaalis ng Pilipinas.

Sigaw ng katarungan

Bunsod ng kanilang sinapit, naibulong ni Saturnina, “Uuwi ba ako sa aming lalawigan na walang taglay kundi maruming damit at kahihiyan?”

Si Saturnina na rin ang ­sumagot sa sariling tanong at kasama ang iba pang aplikanteng nalinlang ng matamis na dila ng illegal recruiter ay dumulog sa Tanggapan ng Punong Lungsod ng Maynila at sumigaw ng katarungan para sa kanilang sinapit.

Kasunod nito, dagling nagsagawa ang Manila Police District’s Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng entrapment operation kung saan pitong illegal recruiters ang inaresto.

Isinagawa ang operasyon sa APP Worldwide Recruitment Services sa Malate, Manila, at pinagdadampot ang general manager ng “kumpanya”  na si Ruben Samonte; at marketing manager na si  Evelyn Samonte.

Kasama ding binitbit sa himpilan ng pulisya ang clinic staff na sina Agnes Almoguera at  Rolando Patiag; marketing staff na si Chaz Patiag; staff na si Jocelyn Tolentino; at maging ang kanilang tsuper na si Regino Tolentino.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga pasaporte ng mga biktima at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Philippine Passport Act of 1996 dahil sa pagkuha sa mga pasaporte ng mga biktima; Presidential Decree No. 28 (illegal recruitment as a crime of economic sabotage), Article 286 of the Revised Penal Code (grave coercion), at Omnibus Revenue Code of Manila.

Hindi pa batid kung nabawi ni Saturnina at 19 pang ibang biktima ang kanilang ginugol mula sa mga manggagantso ngunit ang pagkakadakip sa mga ito ay tunay na isang hakbang palapit sa pagkakamit ng katarungan.

Please follow and like us:
Read More

TARA LARO TAYO!

LARONG PINOY-2

Sa ilalim ng sikat ng araw, puting ilaw ng bilog na buwan…

(Ni Mac Cabreros)

KUNG maibabalik lang ang kahapon. Iyong bakas ng a­king kabataan. Oo, gusto kong bumalik ang aking alaala noong ako’y bata na masayang nakikipaglaro sa mga kapwa ko bata.

Sa pagsikat ng awiting “Puting Ilaw”, makailang ulit din pumailanlang sa aking gunita ang alaala ng aking kabataan kung saan ibang iba ngayon sa pagsibol ng makabagong kabataan.

Noon, sa ilalim ng pu­ting ilaw ng bilog na buwan, sumasabog ang alingawngaw ng tawanan sa larong taguan.

Noon, pagkabukad ng liwayway ay kasama na ang kalaro ng patintero, holen, trumpo, tumbang preso o tatsing lata, syatong, piko, sipa.

Noon,  sa sinag ng dapithapon, ay naaninag ang anino ng nagluluksong-tinik o luksong baka.

Noon, kasabay ng patak ng ulan ay naglalaro naman ng sungka, pick-up stick,, scrabble at word boggle.

Noon, pinakamasaya pa­ra sa laro ng mga kabataang babae kasabay nang pagkanta ang “bubuka ang bulaklak, dadaan ang reyna, kekembot-kembot pa”.

Walang patid na saya ang dulot ng kabataan na madalas ay nagtutungo rin sa tabing dagat upang doon makipaghabulan sa alon kasama ang iba pang kaibigan na minsan sa sobrang kakulitan ay magkakayaan pa na magpunta sa laot gamit ang bangka at doon magpapagalingan sa pagla­ngoy.

Ang sayasaya. Walang kasingsaya.

Kumpara ngayon nasa computer age na tayo. Mas masaya kaya? Mas maganda kaya?

Sa pagpasok ng techno­logy sa buhay natin. Iba’t ibang laro ang nalikha. Tinawag na eSports.

Gamit ang gadyet tulad ng mobile phone, tablet at desktop, nakalalaro na tayo ng Tekken at Mobile Legend at marami pang iba.

Sa keyboard, joystick at maging ating mga daliri ay nakokontrol ang galaw ng laro. Gumagana ating utak. Tumatalas ating isip.

Ngunit, base sa pag-aaral ng mga dalubhasa, may masamang epektong dulot o likha ng paglalaro gamit ang gadyet.

Bukod sa nababawasan ang locomotive power ng katawan, nakasisira pa sa mata ang radiation mula sa gadyet.

Hindi na rin nagiging palakaibigan ang mga bata dahil hindi ito nakakikihalubilo sa kapwa bata. Madalas kasi nasa loob ng bahay o internet shop tahimik at nakatutok sa laro sa gadyet.

Nagiging tamad na rin. Hindi pinapakinggan at tumatalima sa utos ng magulang. Minsan nama’y nagiging hyper dahil nadadala sa laro.

May nabasa akong komento: Mas gusto nilang tahimik na naglalaro ang mga bata sa loob ng bahay gamit ang gadyet. Ito, naiingayan sila sa mga batang naglalaro sa kalye at minsan nabubulabog sila kapag tumama sa pinto ang tumalsik na lata sa tumbang preso.

Bukod dito, ayon naman sa isang komento, mas ligtas ang mga bata sa masasamang loob gaya ng mga napaulat na may grupong ‘dumadagit ng bata’ at kinukuha ang ‘organ’ o mahalagang bahagi ng katawan at ibebenta sa manga­ngailangan ng ‘organ transplant’.

Sa ganang atin, mas maganda ang larong lansa­ngan. Bukod sa masaya, nagiging malakas ang katawan ng bata dahil napapagana ang lahat ng bahagi ng katawan nito sa pagtakbo, pagtalon, pagsipa, paghalakhak at pag-iisip kung anong istratehiya ang gagamitin para manalo sa laro.

Nagiging matulungin din. Sabi nga ng isa naming kaibigan, pagkatapos ma­nguha ng panggatong, pag-igib, pagkuha ng damong pakain sa alagang hayop, paghugas ng pinagkainan at paglalaba ay karipas nang sumali sa laro ng kapwa bata.

Sa pakikipaglaro sa kap­wa bata, napapanday din ang tigib na pakikisalamuha at pakikipagkaibigan. Nandyan din ang mapagpakumbaba at paghingi ng ‘sorry’ dahil minsan ay hindi maiiwang nagkamali at nakakasakit kahit hindi naman sinasadya.

Kaya, kung maibabalik lang ang kahapon. Wish ko lang: maibalik ang iba’t ibang larong lansangan sa ilalim ng sinag ng araw sa puting ilaw ng bilog na buwan.

Please follow and like us:
Read More

TRAPIKO?, SISIW!

PASIG RIVER FERRY

‘Di problema para sa mga Pinoy

(Ni Mac Cabreros)

SOBRANG trapiko ba, kamo? Huwag magkamot ng ulo. Maraming paraan para makaiwas.

Likas ang Pinoy ang pagiging malikhain at maparaan. Walang butas na hindi nalulusutan. Survivor, ika nga.

Sa trapiko, maraming paraan ang Pinoy. Maaring gumamit ng Internet App gaya ng Waze kung saan itinuturo ang tamang daan na hindi gaano mabigat ang trapiko at makarating sa paroroonan sa natakdang oras.

Maaari ding dumaan sa ilog. Andyan ang Bangka o ferry. Sa Pasig River, may improvise bangka na gawa mula sa ‘basura’ o akala’y hindi mapakinabangang materyales. Ginagamit ito sa pagtawid mula sa pampang patungo sa kabila. At siyempre, may konting pamasahe.

Speaking of ferry, andiyan ang Pasig River Ferry Service. Maraming negos­yante ang gumamit sa ilog para makabiyahe at maging ang mga residente na nais makarating sa patutunguhan na hindi nakikipagsiksikan ang mga sasakyan sa kalsada lalo na sa EDSA. Mas maganda nga naman ang gumamit ng ilog para sa mga taga-Pasig, Makati, Mandaluyong at Maynila.

Ngunit dahil sa paglipana ng informal settlers sa paligid ng Pasig River, naglutangan ang mga nasusulasok na basura. Bumaba ang bilang ng mga pasahero. Natigil ang operasyon ng Magsaysay Lines, StarCraft Ferry at SCC Nautical Transport Services, Inc.

Para maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila, muling binuksan ng Metro Manila Development Authority ang ferry noong Abril 28, 2014.

Patuloy ang rehabilitas­yon at pagdagdag ng mga ferry para lalong mapalawak ang serbisyo nito sa publiko.

Ikinasa na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Cavite – Metro Manila ferry.

Inanunsyo ng MARINA na ang ruta ng Phase 1 ng Metro Star Ferry na may terminal sa Cavite City Hall ang Sangley Port patungong SM MOA at CCP port habang ang Phase 2 ay Sangley Port patungong Escolta at Lawton sa Manila.

Ipinabatid ng DOTr, na kabilang sa shipping companies na gustong bumihaye ang Shogun Ships Co., Incorporated, Starlite Ferries, Incorporated, Seaborne Shipping Lines Incorporated at Pinoy Catamaran Corporation.

Katuwang sa proyekto ang  PPA, PCG, Philippine Navy, Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Laguna Lake Development Authority (LLDA) at local na pamahalaang ng Cavite at Manila.

Sa unang bahagi ng sunod na buwan ang unang biyahe ng ferry, pabatid ng DOTr.

Mabilis din ang biyahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit.

Andiyan din ang mga tren ng Philippine National Railways. Bukod dito, mayroong trolley ng mga malikhaing Pinoy. Gumawa ng ‘kariton’ na maaring masakyan ng pasahero. Bumibiyahe sila sa riles ng tren ng PNR.

Siyempre, may kunting pamasahe. At para sa driver ng trolley na nagpapadyak ay “ayos na ang buto-buto” sa kita.

Naglipana na rin ngayon ang habal-habal o skylab o ang­kas o taximoto.

Transportasyon sa motorsiklo. Mabilis ang biyahe dahil nakadadaan ang motor kahit sa makitid o masikip na espasyo.

Sa ngayon ay nasa 6-month dry run ang taximoto. Nagsimula ito noong Hulyo at matatapos ngayong Disyembre. Inaalam ng DOTR kung gaano kabisa bilang alternatibong transportasyon ang skylab. Nais din ng gobyerno masiguro ang kaligtasan ng pasahero at maging driver nito.

Gagamitin ang resulta ng pag-aaral para maisulong sa Kongreso ang pagregulate sa habal-habal o angkas.

Isinusulong rin ng gob­yerno ang Bus Rapid Transit o busway na layong mapaganda ang serbisyo ng bus bilang public transport.

“BRT is a high-quality bus-based transit system that delivers fast, comfortable, and cost-effective services at metro-level capacities,” pahayag DOTr.

Nirerekomenda rin ng mga dalubhasa ang pagbibisikleta. Bukod sa makatipid sa pasahe o gastos sa gasolina ay mabisang eherhisyo pa ito.

Maraming lokal na pamahalaan ang nagtakda ng bicycle lanes.

Kaya, tayong mga Pinoy, hindi sakit ng ulo ang trapiko. Ika nga: sisiw lang yan!

Please follow and like us:
Read More