PARA BALIKAN NG KA-LIVE-IN, LOVER BOY PUMATAY NG KAANAK

KORONADAL City – Sa ngalan ng pag-ibig, pinatay ng isang isang lalaki ang mag-asawang kanyang kaanak, iniulat nitong Martes ng umaga sa lungsod na ito. Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Paul John Membrado, 19-anyos, obrero at residente ng Prk. Maligaya, Brgy. Magsaysay, Koronadal City. Habang kinilala naman ang mag-asawang pinatay na sina Arturo Aquino, 68, isang retiradong opisyal ng Philippine Army, Erlinda, 75, retired midwife, at kapwa residente sa nasabing lugar. Batay sa report ng Koronadal PNP, nadakip ang suspek nitong Lunes ng gabi sa isinagawang follow-up operation sa…

Read More

3 MANYAK NALAMBAT

BULACAN -Tatlong hinihinalang manyakis ang magkakasunod na nadakip sa police response ng Bulacan PNP katuwang ang mga barangay tanod makaraaang ireklamo ng kasong act of lasciviousness sa mga menor de edad sa mga bayan ng Baliwag, San Ildefonso at San Jose del Monte City lalawigang ito, nitong Lunes. Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Police Director ng Bulacan PNP, kinilala ang mga arestado na sina Richard Gasparillo y Cuyo ng Barangay Concepcion, Baliwag; Justine Pastrana y Maningas ng Barangay Alagao, San Ildefonso, at Jobert Zaragoza y Gordo…

Read More

6 DRUG SUSPECTS SUMUKO 

MAGUINDANAO – Sumuko sa mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Rajah Buayan sa lalawigang ito, ang anim na drug personalities nitong Lunes. Kasamang isinuko ng anim na mga suspek na pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan para sa kanilang seguridad, ang limang malalakas na kalibre ng armas. Ang anim na mga suspek na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa Central Mindanao, ay boluntaryong sumuko matapos mahikayat ni Lt. Col. Elmer M. Boongaling, commanding officer ng 33IB at PNP Maguindanao. Sa isang simpleng seremonya,…

Read More

TUMAWID SA HIGHWAY NA-HIT AND RUN

DAVAO City – Bali-bali ang buto ng isang kusinero matapos salpukin ng isang sasakyan habang tumawid sa Davao-Cotabato national highway sa Sitio Goma, Brgy. Zone IV, sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan ng Davao del Sur, dakong alas-9:25 nitong Lunes ng gabi. Sa ulat ng Traffic Section ng Sta. Cruz Municipal Police Station, kinilala ang biktimang si Jerry Ipal, 46, may-asawa, kusinero ng GSL Premium Food Export Corporation at residente sa lugar. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid ang biktima sa kalsada nang biglang sumalpok sa kanya ang isang…

Read More

COUPLE NA IBA’T IBA ANG GAMIT NA PANGALAN PINAGBABARIL

DOUBLE MURDER SA APARTMENT CAVITE – Tinadtad ng bala ng hindi kilalang mga suspek ang mag-live-in partner sa inuupahan nilang apartment sa Brgy. Santol sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Lunes ng hapon. Dead on the spot ang mga biktimang kinilalang sina Amante Ronquillo at Ma. Jesusa Torcuator, kapwa 48-anyos, dahil sa dami ng mga tama ng bala sa kanilang katawan. Ayon kay Cavite Provincial Police Office (PPO) director, P/Col. Marlon Santos, nangyari ang insidente dakong alas -2:30 ng hapon sa nabanggit na lugar. Bigla umanong dumating ang armadong…

Read More

2 GRADE 10 STUDENT PATAY SA TRUCK

ISABELA – Patay ang dalawang Grade 10 student na binatilyo makaraang salpukin ng dump truck habang sakay ng kolong-kolong, iniulat nitong Martes sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sina Hanz Charlie Viado at Jhonrence Esquivel, kapwa 16-anyos, at residente ng Rizal, Roxas, Isabela. Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng dumptruck na kinilalang si Danilo Anog, 49-anyos at residente ng Sinamar, Roxas, Isabela. Batay sa report ng Roxas Police Station, nangyari ang insidente sa San Placido, Roxas, Isabela. Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Viado ang kolong-kolong sakay…

Read More

LALAKI NIRATRAT SA BAHAY, PATAY

crimebaril1

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang mga suspek sa harap mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong  Biyernes ng umaga. Kinilala ng Sariaya police ang biktimang si Roberto Sabinosa,  59-anyos. Batay sa report ng pulisya, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay sa Lucky Homes subdivision sa Barangay Sto. Cristo nang pagbabarilin ng mga suspek dakong alas-7:30 ng umaga. Sakay ang mga suspek ng isang ‘di natukoy na sasakyan na biglang tumigil sa harap ng bahay…

Read More

POLICEWOMAN NAGLAKO NG SHABU ARESTADO

shabucop

DAVAO City – Posibleng masibak sa trabaho ang isang policewoman makaraang maaktuhang nagbebenta ng umano’y shabu sa operasyon ng mga awtoridad dakong alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes. Ayon kay Major Milgrace Driz, CIDG-XI deputy chief, dalawang buwan nilang isinailalim sa surveillance operation ang suspek na si Senior Master Sergeant Sheila Bande, 43, dalaga, residente ng Victoria Valley, Tigatto nitong lungsod. Si Bande, nakadestino sa satellite office ng Philippine Bomb Data Center sa lungsod, ay nadakip sa kanyang bahay ng pinagsanib na pwersa ng Davao City Police Office, CIDG Davao City…

Read More

NAKURYENTENG MISIS ISINALBA, MISTER PATAY 

NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na lalaki makaraang isalba ang nakuryente niyang asawa habang tinatanggal sa pagkakasakal ang asong nakatali sa poste ng barangay street light sa Dasmariñas City sa lalawigang ito. Kapwa isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang mag-asawang sina Joselito Cabanas Jr. at Katlin Santos, 31, kapwa residente ng Block 10-D, Lot 13, Brgy. San Andres 2, Dasmariñas City. Gayunaman, nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas si Cabanas habang kritikal ang kalagayan ni Santos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police…

Read More

PAGPATAY KAY EX-CONG. MENDOZA PINAGPLANUHAN SA BILIBID

Edgar Mendoza-2

SA loob ng New Bilibid Prisons nabuo ang planong itumba si dating Batangas 2nd district congressman Edgar Mendoza. Ito ang lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa karumal-dumal na krimen na sinapit ng dating kongresista na ikinadamay ng kanyang driver at bodyguard kamakailan sa Tiaong, Quezon. Ikinukonsidera na ng PNP-CIDG na sarado ang kaso ng dating mambabatas matapos madakip ang lima sa mga pangunahing suspek. Ito ang pahayag ni PNP-CIDG Director P/Bgen. Napoleon Joel Coronel kasunod ng pagkakadakip sa mga suspek na sina  Kristine Fernandez, Madonna…

Read More

BRANCH MANAGER NG KAPA MISSING, DRIVER PINATAY

BARIL-10

DAVAO City – Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad sa General Santos City ang nawawalang Alabel, Sarangani branch manager ng Kapa Community Ministry International, matapos pagbabarilin ng mga armado ang kanilang sinasakyang pick-up, dakong alas 3:00 ng madaling araw noong Miyerkoles. Ayon kay Police Major Alex Lanestosa, hepe ng Police Station 4 sa General Santos City, nangyari ang insidente sa Brgy. San Isidro, habang papunta ang mga biktima sa Pagadian City. Sinabi ni Lanestosa, ang branch manager na si Remely Jombitado Iral, 42, ay nakasakay sa itim na Ford Ranger…

Read More

MANYAK NA HOLDAPER, TIMBOG SA DENTAL CLINIC

HOLDAPER-2

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 43-anyos na lalaking  nagpanggap na customer ng isang dental clinic ngunit ang pakay pala ay mangholdap at tinangkang abusuhin ang isang empleyado sa Bacoor City sa lalawigang ito. Sinampahan ng kasong robbery holdup, paglabag sa RA 10591 (Gun Replica) at act of lasciviousness ang suspek na si Ruel Manibale, may-asawa, ng #0612 Norberto St., San Jose, San Miguel, Bulacan dahil sa reklamo ni alyas “Shaina”, 37, dental assistant, ng Brgy. Molino IV, Bacoor City. Nadakip ang suspek nang sumaklolong si P/Corporal Francis Noel…

Read More

RIDER NA PULIS PATAY SA JEEP

accident12

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 41-anyos na pulis-Pasay nang banggain ng isang pampasaherong jeepney ang minamaneho niyang motorsiklo at nasagi ang isang traffic enforce sa Bacoor City sa lalawigang ito. Namatay habang ginagamot sa Saint Dominic Medical Center ang biktimang si P/SMSgt. Herbert Salazar, may-asawa, nakatalaga sa Pasay City Police Station, habang ginagamot sa nasabing ospital si Traffic Enforcer Arnold Oserio, 50, ng Brgy. Habay 2, Bacoor City. Arestado naman ang driver ng isang pampasaherong jeepney na may plakang DJN 579, na si Reggie Cruzada, 28, binata, ng…

Read More

5 EX-OFW ARESTADO SA P5-M SHABU

shabu kulong 12

CAVITE – Nadakip ang limang dating overseas Filipino worker (OFW) makaraang makumpiskahan ng P5 milyong halaga ng umano’y shabu na nakalagay sa mga lata ng gatas at ibinaon sa lupa sa Bacoor City sa lalawigang ito. Kinilala ang mga suspek na sina Aisa Juiamalo, 58, umano’y lider ng drug syndicate at recruiter; Bainot Saidali, 40; Nasser Makalpal, 38; Baebon Mohammad, 25, at Ramona Punyong, 31-anyos. Sa report ni P/Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Municipal Police Station, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU)…

Read More

3 PULIS SINIBAK SA PAGLALARO NG GOLF

PULIS-2

TATLONG police senior officers ang sinibak sa puwesto  matapos paulit-ulit na mahuling naglalaro ng golf habang naka duty. Pawang mga nakatalaga sa Central Visayas ang tatlong police colonel na inalis sa kanilang puwesto. Ipinag-utos ni Philippine National Police chief, P/Gen. Francisco Archie Gamboa ang pagsibak kina Police Col. Dennis Artilna, nakatalaga sa Central Visayas bilang regional comptroller, Police Lt. Col. Richard Badang, ng PNP Central Visayas Police Regional Office 7 Finance, at Police Lt. Col. Glenn Mayam, hepe ng PNP-PRO7 Drug Enforcement Group. Nilinaw ni Gen. Gamboa na mahigpit ang…

Read More

1 PATAY SA MOTOR VS TRICYCLE

motoraccident12

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang motorcycle rider nang makasalpukan ang isang tricycle sa Bacoor City sa lalawigang ito. Hindi umabot nang buhay sa South East Asian Medical Center ang biktimang si Ronnie Arevalo, 32, ng #97 Molino 1, Bacoor City, habang kinilala ang driver ng tricycle na si Ernie Dorol, 44, ng Clover St., De Castro Village, Aniban 1, Bacoor City. Sa ulat ni Corporal Christian Jovit ng Bacoor City Police Station, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Molino Road, Molino II, Bacoor City.…

Read More

P3.5-M SHABU KOMPISKADO SA NEGROS OCCIDENTAL

SHABU-ARRESTED

NEGROS Occidental – Aabot sa P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga pulis mula sa umano’y mga miyembro ng isang drug group sa joint buy-bust operation ng PNP sa Talisay City. Ayon sa report, nakuha sa tinutuluyang apartment ng babaeng target sa joint buy-bust operation ng Silay City at Talisay city police, ang mahigit sa kalahating kilo ng hinihinalang shabu sa Barangay Zone 10 sa Talisay City. Kwento ng imbestigador, nakatakdang ibenta sa taunang selebrasyon sa ilang lugar sa probinsya ang ilegal na droga. Tatlo pang lalaki…

Read More

MISTER PATAY, TRADER KRITIKAL SA AMBUSH

ambush

BULACAN – Patay ang isang 49-anyos na driver habang kritikal ang dyowa nitong negosyante makaraang pagbabarilin ng  hindi  kilalang armadong riding in tandem ang sinasakyan nilang Sports Utility Vehicle (SUV) habang binabagtas ang kahabaan ng Provincial Road, Barangay Sto. Niño sa bayan ng Paombong sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na biktimang si Bernardo Umali, 49, habang agaw-buhay naman ang kinakasama nitong si Ma. Corazon Endo, 58, negosyante, ng Wawa 2nd, Barangay San Sebastian, Hagonoy, Bulacan. Ligtas naman ang 3-anyos na paslit na kinilalang…

Read More

SARANGANI NIYANIG NG 3.8 MAGNITUDE LINDOL

LINDOL-2

NIYANIG ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Glan, Sarangani at naramdaman ito sa ilang lugar sa Mindanao. Ayon sa Philvocs, dakong alas-8:54 ng umaga nang maitala ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan. May lalim na 19 kilometro ang lindol ngunit walang inaasahan ang Phivolcs na magdudulot ito ng aftershocks at pinsala. Naramdaman ang Intensity IV sa Glan, Sarangani; Intensity III sa Alabel at Malapatan, Sarangani, habang Intensity I sa General Santos City. Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Alabel, Sarangani at Intensity…

Read More

LIVE-IN PARTNERS BALIK-SELDA SA DROGA

JAIL-1

DAVAO City – Balik-selda ang isang mag-live-in partner na dating nakulong dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod na ito. Huli sa akto ang mga suspek nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa Sitio Sto. Niño, Brgy. 76-A,  Bucana, nitong lungsod, alas-8:00 ng gabi noong Martes. Ikinasa ng mga tauhan ng Talomo Police Station at Regional Special Operating Group-Regional Police Drug Enforcement Unit (RSOG-RPDEU) XI, ang operasyon laban sa mga suspek na sina Arlene Lapiña Brigole at Edilberto Siblos Parilla. Nasabing operasyon, ilang pakete ng umano’y…

Read More

2 TOTOY NAGLAKO NG DAMO, ARESTADO

MARIJUANA

CAVITE – Gustong makatikim ng luho ng katawan, luminya sa paglalako ng marijuana ang isang 16-anyos na senior high school student, isa pang menor de edad at dalawang kasamahan nito ngunit minalas na madakip sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Imus City sa lalawigang ito. Hawak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang menor de edad na sina alyas “James”, 17, out-of-school youth, at alyas “Marcus”, 16, senior high school student, habang nakakulong naman sa Imus City Custodial Center ang kasama nilang sina…

Read More

PINTOR BINURDAHAN NG SAKSAK

SAKSAK-4

BATANGAS City – Walang buhay nang matagpuan noong Martes ng umaga ang isang pintor makaraang tadtarin ng saksak ng hindi kilalang suspek sa lungsod na ito. Bukod sa mga tama ng saksak, ginilitan pa sa leeg ang biktimang si Rommel Manalo, 50-anyos, residente ng Barangay  Sta. Rita Karsada. Ayon sa report ng Batangas City police, natagpuan ng isang residente ang bangkay sa gilid ng maliit na daan patungo sa kanyang bahay bandang alas-7:00 ng umaga. Posible umanong hinarang ng suspek ang biktima habang pauwi sa kanilang bahay noong Lunes ng…

Read More

AWAY SA PERA MOTIBO SA MENDOZA SLAY?

Edgar Mendoza

KINUMPIRMA ni PNP-Criminal Investigation and Detection Gorup (CIDG) director P/BGen. Joel Coronel, hawak na nila  ang limang suspek sa pagpatay kay dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza. Ang bangkay ni Mendoza ay natuklasang sinunog sa loob ng isang kotse kasama ang driver at isang body guard nitong sina Ruel Ruiz at Nicanor Mendoza sa Tiaong, Quezon noong Enero 9. Gayunman, tumanggi si Coronel na i-detalye kung ano ang direktang partisipasyon ng mga suspek sa pagpatay kay Mendoza at sa dalawa pa nitong kasama, habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang…

Read More

25 PATAY SA DENGUE SA BULACAN

dengue12

BULACAN – Umabot na sa 25 katao ang namatay mula sa naitalang 10,307 kaso ng dengue sa lalawigang ito, noong taong 2019. Bilang suporta sa National Zero Waste Month, pinaalalahanan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang publiko sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health, na ipagpatuloy ang paglilinis ng kapaligiran upang hindi na dumami pa ang kaso ng dengue sa lalawigan. Sa pinakahuling datos ng Dengue Surveillance, may 10,307 na hinihinalang kaso ng dengue ang naitala sa iba’t ibang disease reporting units sa Bulacan noong 2019, sa bilang na ito…

Read More