PANGHA-HARASS NG MGA ONLINE LENDING COMPANY, TRENDING!

TINIG NG MANGGAGAWA final

MULA nang magpalabas ng babala ang kolum na ito hinggil sa naglipanang “raket” sa ONLINE CASH LOAN, sunod-sunod na rin ang reklamo na natatanggap ko sa ating “E-mail o online”.

Pansamantalang hindi ko papangalanan ang kompanyang inirereklamo dahil sa pangha-harass sa isa sa kanilang mga kliyente na nagoyo. Hindi na bago sa aking pandinig ang ganitong gawain ng mga nagpapautang.

Ito ‘yung estilong PAGBABANTA, PAGPAPAHIYA at PANANAKOT sa mga creditor na nabigong makapagbayad ng kanilang inutang na pera sa pamamagitan ng ONLINE CASH LOAN.

Ayon sa liham ni Mariel (‘di tunay na pangalan), “Nagpapa-loan po sila ng pera 14-days term, pero bukod po sa malaking deduction dahil bawas na po ang interes at service fee, maya’t maya ang tawag at nagre-remind ng pagbabayad gayung wala pa sa takdang araw ang kanilang due date.”

Ngunit dumating sa puntong hindi nga nakapagbayad sa itinakdang petsa ang nagrereklamo, kaya’t  pinutakte ng tawag ang kanyang cellphone mula sa mga representante raw ng lending company na kanyang inutangan.

“Kapag tinatawagan namin ‘yung tumawag sa akin, hindi naman nakokontak. Ang nakapagtataka po kung papaano nila nakukuha ang numero ng CP ng aking mga kaibigan at katrabaho at isa-isa nilang napapadalhan ng TEXT at tawag para maipaalam ang utang ko,” paglalahad pa ng nagrereklamo.

Sa pag-imbestiga ng TINIG NG MANGGAGAWA, lumilitaw na masuwerte pa pala itong nagrereklamong si Mariel. Dahil mas masahol pa ang ginawang PAMAMAHIYA sa ibang UMUTANG, dahil Facebook ang ginagamit para IPAHIYA ang umutang na hindi nakapagbabayad.

oOo

Sa isa pang reklamo na ipinadala sa kolum na ito ng isang taga-Antique na itago natin sa alyas na Gloria, nakababahala ang reaksyon ng nagrereklamong ito dahil sa dumating na raw sa puntong gusto na n’yang MAGPAKAMATAY.

Ito ay dahil sa labis na kahihiyang dulot ng pangha-harass ng isa ring kompanya ng ONLINE CASH LOAN.

Ang hindi umano katanggap-tanggap na pangyayari ay ang palilitawin umanong nangutang siya sa lending company gayung wala naman siyang inutang at ni hindi binalak na umutang. Narito ang kanyang reklamo:

“Iginigiit po nila sa akin, na sa akin daw nakapangalan ang ONLINE CASH LOAN sa lending company na may pangalang “FAST CASH,” ayon sa nagrereklamo.

Giit pa ng nagrereklamo, “hindi po ako nag-loan sa kanila, ayaw nila maniwala. Nakuha ko raw po ang pera sa M.L. Lhuiller, P4,000 daw po. Nagmamatigas po ako na hindi bayaran kasi wala naman po talaga akong nakuha. Tapos ngayon po ay araw-araw na po silang tumatawag sa mga contact ko at ipinapaalam ang pagkakautang ko raw.”

“Nu’ng nakaraan po may tumawag sa akin, pinagmumura po ako. Ang sabi po, patay gutom daw ako, walang-hiya, garapal. Labis-labis na pong kahihiyan ang tinatanggap ko at pangha-harass nila,” dagdag pa sa reklamo ni Gloria.

Ang masahol pa, strategy ng mga dorobo na ito, na i-post sa FB page ng kompanya ang mga nangutang daw sa kanila at ise-send ito sa FB account ng ‘nangutang’ kaya malalantad ito sa kahihiyan sa mga kaibigan nito.

Sa susunod na isyu ng kolum na ito ang iba pang TRENDING na “Modus” ng mga kompanyang ONLINE CASH LOAN.  Abangan!

oOo

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipadala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran. Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com.  (TINIG NG MANGGAGAWA / DONG VALEZA)

Please follow and like us:
Read More

ELEKSYON NA, BAGUHIN ANG PULITIKA, IBOTO ANG TAMANG KANDIDATO

CHRISTIAN BOMB

ELEKSYON na. Sa totoo lang, mangilan-ngilan na lang sa mga kandidatong tumatakbo sa isang posisyon sa gobyerno ang nasa isipan ay tunay na pagmamahal sa bayan at ‘di ang personal na interes sa kayamanan at kapangyarihan.

Iilan na lang sa kanila ang may hangaring itama ang mga mali sa politika. O baguhin at paunlarin ang buhay ni Juan dela Cruz.

Ito ang mga tanong na dapat nating pagtuunan ng pansin bago tayo pumunta sa mga presinto upang bomoto. Pag-isipan mabuti ang mga pangalang isusulat sa ating balota.

Hindi porke siya ay nagpagawa ng ating mga kalsada, o nagpadala ng relief goods sa mga evacuation, o nagpalibing ng ating mga patay, nagpaaral ng ating anak, ninong o ninang ng ating mga apo, magaling magsalita, gwapo, artista at sikat, ay atin nang iboboto.

Ang pagboto ay katumbas ng ating kinabukasan. Gusto pa ba nating magdusa ng tatlo o anim na taon? Gusto pa ba nating magtiis na mangibang bansa para lamang may maipakain sa ating pamilya? Gusto pa ba natin na walang mananagot sa mga anomalya ng kasalukuyan at nagdaang rehimen? Gusto pa ba natin na apak-apakan ang karapatang pantao ng maliliit na mamamayan? Gusto pa ba natin ang mataas na bilihin na halos lahat tayo ay magdildil na lang ng asin? Gusto pa ba natin na ang ating mga anak ay makapag-aral man, ay di mabigyan ng tamang kaalaman at kalinga ng lipunan?

Ang lahat ng sakit ng lipunan ay kagagawan ng isang lider na mali ang patakaran, pamantayan at prayoridad. Kung ang isang lider ay tiwali, wala siyang karapatang magsugpo nito, subalit ito ay kanyang kinukunsinti upang ang sariling katiwalian ay magpatuloy. Kung ang isang lider ay nasusuhulan, siya rin ay manunuhol kung kinakailangan para sa kanyang sariling survival. Di nga ba ito ang kalakaran ng kasalukuyang gobyerno?

Pagkatapos ng halalan ay may mananalo at ang mga hinalal ay susumpa ng serbisyong bayan di lamang sa tao na kanyang kinasasakupan subalit pati na rin sa Diyos. Pero bakit pag sila ay may nagawang kabutihan tulad ng kalye, imprastraktura, nagpabahay ng mga iskwater, nagpakain ng mahihirap, ay dapat pa nating itanaw na utang na loob ito sa kanila? Bakit kailangan natin silang papurihan? Di nga ba’t ito ay kanilang sinumpaan na gagawin sa Diyos at bayan?

Pera ng bayan ang kanilang ginagamit sa mga ito, saan ngayon ang utang na loob dun?

Sa ibang bansa na ang kanilang mga lider ay nagre-resign at ang iba ay nagpapatiwakal pa dahil lamang sa mga pagkakasangkot sa katiwalian. Pero dito sa ating bayan, huli na, ayaw pang bumitiw sa pwesto ng kapangyarihan. At yung iba ay tumaas pa ang kinalalagyan! Parati nilang sinasabi, “Kung may katibayan, idulog sa tamang venue”. Ngunit anong venue ba ang dapat nating dulugan?

Di nga ba’t ito ay atin nang sinubukan? At ano ba ang nangyari? Di nga ba’t sila-sila rin ang ating sinusumbungan? Sila-sila rin ang magdedesisyon kung ito ay may katotohanan?

Hay naku Juan! may magagawa ka pa kaya?

Ito ngayon ang hamon sa ating mga kababayan. Itama ang pulitika sa bayan. Pumili ng tamang taong mamumuno.

Gamitin ang inyong karapatang bumuto na panlaban sa katiwalian. Palitan ang takbo ng politika sa Senado, Kongreso at sa lokal na posisyon upang ang buong bansa ay tuluyan nang umusad tungo sa pagbabago at kaunlaran.

Harinawa tayo ay patnubayan ng nasa itaas sa ating laban sa eleksyon na ito. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

BUMOTO KA NANG TAPAT, HUWAG KANG PASAWAY

@yourservice

MAGAGAMIT natin ngayong araw na ito ang isa sa pinakamahalagang karapatan natin sa ilalim ng saligang batas — ang karapatang bumoto ng ating mga representante sa Kongreso at mga tatayong tagapangasiwa ng ating komunidad bilang alkalde, bise-alkalde, mga konsehal, gobernador, bise-gobernador, at kasapi ng mga sanggunian.

Mula nang magsimula ang kampanya, dinumog na tayo ng patalastas ng mga kandidato sa telebisyon, sa radyo, maging sa social media. Nakakabalita rin tayo ngayon ng mga pagbili ng boto at mga paglabag ng mga alituntuning pinalabas ng COMELEC ukol sa halalan.

Ngayong dumating na ang araw ng halalan, maiging alalahanin natin ang mga alituntunin na inilabas ng COMELEC.

Ayon sa COMELEC, bago pa man dumating ang araw ng pagboto, dapat nakagawa na kayo ng listahan ng mga kandidatong iboboto at alam n’yo na kung saang voting center kayo pupunta.

Sa araw mismo ng halalan, pinaaalalahanan tayo ng COMELEC na dalhin ang ating listahan kasama ang isang valid ID o ang inyong registration stub. Mas mainam daw na maagang magtungo sa inyong voting center at tingnan din ang pangalan ninyo sa nakapaskil na voter’s list. Tandaan, ang polling center at polling precinct ay bukas mula 6AM hangang 6PM. Nagkaroon ng adjustment sa oras ang COMELEC dahil sa mas malaking bilang ng botante ngayon.

Inuulit din ng COMELEC na huwag bumoto nang labis sa takdang bilang na iboboto at iwasang kumuha ng larawan ng ballot box at ng VCM screen.

Kapag kayo’y nasa loob na ng voting area, pumila patungo sa inyong precinct, ibigay ang pangalan, ang valid ID at precinct number sa Board of Election Inspectors. Kunin ang inyong balota, secrecy folder, marker at tumungo na sa lugar kung saan kayo magsusulat ng inyong boto. Tignan mabuti ang balota, siguraduhing malinis ito at walang mga marka.

Tandaan ulit, bawal ang bumoto nang labis sa iboboto. Kapag bumoto kayo ng labis na bilang ng mga kandidato sa inyong balota, hindi po isasama ang inyong boto. Ngunit, ayon din naman sa COMELEC, maari namang bumoto ng kulang sa bilang ng kandidato sa inyong balota o mag-abstain.

Sa pagboto, takpan ang inyong balota ng secrecy folder at markahan ang buong oval na katapat ng mga kandidatong inyong napili. Pagkatapos mo gawin ito, hintayin mo ang voter’s receipt receptacle mula sa VCM at ibibigay sa inyo ng precinct supervisor ang resibo mula sa makina. Pagkakuha ng resibo, i-verify ang inyong boto at ihulog sa ballot box. Isoli nyo ang secrecy folder at marker at magpamarka ng indelible ink sa inyong daliri at lisanin na ang polling precinct.

Ang prosesong ito ay isa sa mga natatanging karapatan natin bilang mamamayang Pilipino at naglalarawan ng isang matatag at progresibong demokrasya na nasasailalim sa ating saligang batas. Kaya’t nakalulungkot na maraming kandidato na nagtatangkang bumili ng boto. Ngunit mas nakalulungkot at nakakatakot, na marami rin sa ating kababayan na tumatanggap ng bayad at ipinasusubasta ang kanilang boto. Tila hindi na mahalaga sa kanila ang prosesong ito at ganun na lamang kadali ibenta ang kanilang boto — ang kanilang dangal at kinabukasan.

Ngunit sa aking munting palagay, may pag-asa pa tayong magbago. Manindigan tayo sa kung sino talaga sa ating palagay ang dapat mamuno sa ating bansa. Itigil na natin ang pagiging pasaway, bumoto na tayo nang tapat sa ating paninindigan. (@YOURSERVICE / ATTY DAVID ROBERT AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

MAY PUSONG POLITIKO; RAISE YOUR RIGHT HAND, PLEASE!

RATSADAHIN NATIN

SA nagdaang Labor Day noong Mayo 1, hiniling sa ating gob¬yerno ng mga manggagawa at ng ordinaryong kawani na dagdagan ang kanilang minimum wage. Sa Metro Manila, ang arawang sweldo ay P512. Mas mababa rito ang rate ng mga nasa probinsya.

Ang hirit ng Trade Union Congress of the Philippines na sinusuportahan ng Anak-Pawis para sa minimum wage ay P750. Kasi nga, sobra na ang taas sa presyo ng mga bilihin, nariyan pa ang dagdag singil sa koryente at tubig. At maya’t maya rin ang oil price hike. Opkors, mayroon itong chain reaction.

Ang manggagawa at may-ari ng kompanya ay di-mabubuhay nang wala ang isa sa kanilang dalawa. Daig pa nga raw nila ang mag-asawa na kapag di-magkasundo ay pwedeng mag-babu sa isa’t isa. Kaya naman masasabing forever silang mag-partner in life.

Ang masaklap sa panig ng mga nabubuhay sa arawang sweldo, ang kanilang pamilya ay nakararanas na ng matinding gutom at wala pang kakayahang magpadoktor man lang. Kung minsan, naibubulalas tuloy ng ilan sa labor sector: “Gusto ‘ata ng mga nasa gobyerno at ng mga may-ari ng kompanya na sa leeg na kami dapat maghigpit ng sinturon.”

Idaraos ngayong Lunes ang May 13, 2019 elections. Sangkatutak ang mga kandidatong naghahangad na maluklok sa pwesto sa Senado at ma¬ging sa pamahalaang lokal man sa buong bansa.

Sa araw na ito gagamitin ng mga mamamayan ng bansa ang karapatan nila sa pagpili ng mga opisyal ng pamahalaang lokal o nasyunal. Boboto syempre ang isang botante ayon sa kanyang kursunada.

Para sa nabanggit na okasyon, ikinampanya ng ibang samahang sibiko ang pagtataguyod ng isang mapayapa at malinis na halalan. At may nagsasabi rin na dapat natin pusuan ang mga kandidato na karapat-dapat masulat sa balota ang pangalan.

Teka, pupusuan natin ang mga politiko. Pero sino-sino naman kaya sa kanila ang may puso na totoong magmamalasakit sa interes ng bayan at sa ating mga kababayan?

Sige nga, tingnan nga natin kung sino o sino-sino sa hanay ng mga kandidato sa ngayon ang makapagtataas ng kamay. Raise your hand, please! Kung nahihiyang magtaas ng kamay, paa na lang ang itaas. At kung may putok sa kilikili, huwag na lang, yuks!  (RATSADAHIN NATIN / REY ATALIA)

Please follow and like us:
Read More

MAGPASALAMAT

PINOY ABROAD

“IN everything, give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you.” 1 Thessalonians 5:18 (KJV)

Ang ating paksa sa araw na ito ay tungkol sa pasasalamat.

Gaano ka kadalas nagpapasalamat? Sa magulang, sa kaibigan, katrabaho o kasama sa bahay?

Hindi ba’t masarap sa pakiramdam na ipadama sa kanila ang iyong appreciation sa kahit mumunting bagay na nagawa nila para sa iyo?

Isa sa mga hinahangaan ko si Apostol Pablo dahil sa kanyang pahayag at pangaral na “Magpasalamat sa lahat ng bagay.” Alam natin na si Apostol Pablo ay isang edukado at mataas ang tungkulin sa gobyerno ng Romano at namumuhay nang marangya at ginagalang bago niya nakatagpo ang Panginoon JesuCristo sa daan ng Damasco.

Mula noon ay naging tagasunod siya at masugid na tagapangaral ng Ma¬buting Balita ng Panginoon Jesus. Nawala sa kanya ang karangalan at kasaganaan dahil sa pangangaral ng Mabuting Balita. At kung dati siya’y tagausig ng mga mananampalataya kay Kristo, nangyaring siya naman ang inuusig ng mga Romano.

Bukod pa roon ay dumanas siya ng iba’t ibang pagsubok at kahirapan tulad ng paglubog ng sinasakyan niyang barko, nakagat ng ulupong, hinagupit ng mga sundalong Romano at ibinilanggo. Sa kabila ng kanyang mga naranasan, ipinangaral pa rin niya na, “In everything gives thanks.”

Ganito rin ang naging saloobin ni Haring David na laging nagpapasalamat sa dakilang Diyos. Sa Psalms 35:18 isinasaad na ”I will give thee thanks in the great congregation: I will praise thee among much people.”

Si Haring Hezekiah ay nag-appoint ng mga saserdote at levita para maghandog ng peace offerings, to minister and to give thanks, and to praise in the gates of the tents of the Lord. (2 Chronicles 31:2)

How about us? Na¬ging gawi na ba nating magpasalamat sa tuwi-tuwina?

Siguro sa panahon lang kung tayo’y may tinatanggap na biyaya.

Walang mawawala kung susubukan natin at pakikinggan si Apostol Pab¬lo. Anomang kalagayan o sitwasyon ay magpasalamat tayo.

“In everything give thanks…” and “Rejoice in the Lord, ye righteous; and give thanks at the remembrance of his holiness.” Psalms 97:12 (KJV)(givalencia777@gmail.com) (PINOY ABROAD / GUILLER VALENCIA)

Please follow and like us:
Read More

TIYAKIN NINYONG HINDI PRESS RELEASE ANG AKSYON LABAN SA BILIHAN NG BOTO

BAKBAKAN NATIN

MAGKASAMANG nagpa-press conference kamakailan ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) at Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan inamin nilang talamak ang bilihan ng boto sa eleksyong ito.

Kaya, tiniyak ni Comelec Chairman Sheriff Abas na kikilos ang Comelec upang matigil ang ka-demonyohang ito ng mga politiko.

Katunayan, binuhay ng Comelec ang Task Force Kontra Bigay para sa natu¬rang layunin, saad ni Abas.

Todo-suporta naman ang DILG upang mahuli ang mga sangkot sa krimeng ito, tugon ni Usec. Jonathan Malaya.

Ang Philippine National Police (PNP), ayon kay Major General Mao Aplasca ay bumuo ng 105 grupo upang hulihin ang mga taong masasangkot sa bilihan at bentahan ng mga boto sa iba’t ibang panig ng bansa.

Maging ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ay kumikilos din laban sa bilihan at bentahan ng boto.

Todo-todo ang suporta ko sa mga aksyong ito ng Comelec, DILG, PNP at PACC, sapagkat para sa bayan ito.

Ang hangad ko lang ay hindi hanggang “press release” lang ang mga pahayag ng mga opisyal ng mga nasabing ahensya ng pamahalaan laban sa tala¬mak na bilihan at bentahan ng boto.

Marami na kasing pahayag at pangako ang mga nasabing ahensya laban sa masasamang gawain patungkol sa eleksyon, ngunit pagtapos maglabas ng kanilang opisyal na press release sa publiko sa pamamagitan ng media ay wala nang resulta.

Tama ba ako o mali?!

SI COL. SEGUN, SI ‘COLLECTOR’ ZALDY AT PERGALAN SA CAVITE

HINDI maipagkakailang ginagampanan nang husto ni Col. William Segun ang kanyang gawain, tungkulin at obligasyon laban sa iligal na droga bilang hepe ng pulisya sa Cavite.

Naglulunsad din ng sorpresang dalaw si Segun sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa mga lungsod at bayan ng Cavite upang malaman at madiskubre niya mismo kung sinu-sino ang mga pulis-Cavite na batugan, natutulog sa himpilan ng pulisya at umiinom habang naka-duty.

Sa aspetong ‘yan ay maaari nating sabihing pasado si Segun na maging brigadier general.

Pero, may nakikita akong sagka sa kanyang promosyon.

Ito ay ang kanyang kapalpakang sugpuin ang napakatalamak na iligalidad sa buong Cavite.

Talamak ang jueteng na gamit ang small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), saklaan, pergalan at marami pang iba.

Iyong saklaan ni alyas “Zaldy” sa loob ng Cavite Cockfighting Arena sa Cavite City at buong Cavite City ay pihadong hindi magagalaw, sapagkat ipinagyayabang ng taong ito na nakapuwesto sa Task Force Ma-verick ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police – Region 4 – A (PNP–Region 4–A) ang kanyang boss na pulis.

Walang takot si alyas Zaldy na ipangalandakang ‘collector’ siya ng pulis sa Task Force Ma¬verick.

Ito marahil ang dahilan kung bakit namamayagpag ang mga saklaan ni Zaldy sa Cavite City at kung bakit hindi magalaw ni Segun ang iligalidad ng Zaldy na ito.

Hindi nakapagtataka, sapagkat ultimong mga pergalan sa Lungsod ng Imus ay hindi rin ipinatitigil at ipinasasara ni Segun.

Maraming pergalan sa mga barangay sa Imus kung saan ang isang alyas “Nelma” ang patok na patok ngayon sa lungsod na ito.

Kitang-kita ang pergalan ni Nelma sa erya ng MCI na lahat na yata ng iligal na sugal ay nakalatag, ngunit hindi ipinatitigil at ipinasasara ni Col. William Segun.

Bakit? Malakas ba si Nelma kay Segun o sa hepe ng pulisya ng Imus?

Ang balita ko, inayos na ni alyas Nelma ang isang alyas Landong Bulag tulad ng ginawa nina Atienza, Panganiban at iba.

Ibang klaseng magyabang ang alyas Lando na ito dahil ang sinasabi ng taong ito sa mga operator ng mga iligalidad ay ‘malakas’ siya kay Col. Segun.

Abangan ang kahulugan ng ‘malakas.’  (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

BAHAAAA!

BOMBAHAN NA FINAL

UNANG Linggo pa lamang ng buwan ng Mayo ay nagsimula na namang umulan.

Kaya ang mga nakatira sa tabi ng mga sapa, ilog at creek ay nangangamba na naman.

Ang matataas na lugar na dating hindi binabaha ay nakararanas na rin ngayon ng pagbaha pagdating ng tag-ulan.

Isa na rito ang Novaliches na dating sinasabing probinsya ng Quezon City.

Ang Novaliches ay nasa Norte at dulong bahagi na ng Quezon City dahil nasa boundary na ng Valenzuela at Caloocan City.

Mabagal ang pag-angat ng Novaliches kung ikukumpara sa iba pang lugar ng Quezon City kaya naman minsan ay gusto nilang humiwalay sa siyudad.

Nagtangka ang ilang Novaleño na humiwalay sa Quezon City dahil maraming nagdaang administrasyon na umupong Mayor ay pinabayaan mang lugar na ito.

Ang Novaliches ang pinakamalaking lugar sa Quezon City at noong araw, ang ika-60 porsiyentong kabuuang kita (income) ng Quezon City ay nanggagaling dito.

Karamihan sa kita nito ay nagmumula sa mga pabrika dahil dito matatagpuan ang industrial subdivisions.

Dahil sa laki ng lot area at populasyon ng Novaliches ay nilagyan ito ng mini-city hall na matatagpuan sa Jordan Plains Subdivision, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Pinamumunuan ito ng Secretary to the Mayor na si Mr. Tadeo ‘Tady’ Palma.

Makalipas ang matagal na panahon, ngayon unti-unti nang umaangat ang Novaliches.

Maraming establisimyento na ang itinatayo kaya naman kasabay nito ang naglalabasang mga problema. Tulad ng pagbaha, tuwing sasapit ang tag-ulan.

Ang Novaliches ay mataas na lugar sa buong Quezon City. Dati, hindi ito nakararanas ng pagbaha, ngayon lagi nang binabaha.

Bakit kamo? Dahil marami sa mga sapa, ilog at creek nito ay tinayuan ng mga gusali.

Kabilang sa mga ito ay ang itinayong gusali ng Honda Prestige sa may tulay na dinaraanan ng Tullahan River sa Quirino Highway, Novaliches.

Ang pagitan ng McDonalds at Nova Mall sa sentro ng Novaliches ay tinambakan ang sapa kaya tuluyan na itong nawala.

Tinambakan din at tinayuan ng gusali ang sapa sa may kanto ng Ramirez St. tagos sa may Susano St., Brgy. Novaliches proper.

Kaya naman hindi nakapagtataka na nung manalansa ang Bagyong Ondoy ay umapaw ang Tullahan River at binaha halos lahat ng parte ng Novaliches.

Babalik po ako sa nakaraan noong ako’y nasa elementarya pa sa dating Novaliches Elementary School na ngayon ay Susano Elementary School sa Brgy. Gulod, Novaliches. Dati ay nakaliligo pa kami sa Tullahan River.

Kaya tinawag itong Tullahan River dahil nakakukuha kami ng mga tulya noong araw rito.

Pero ngayon, ang makukuha na rito ay puro basura at dumi na nanggagaling sa mga nakatira sa paligid nito.

Tanong tuloy ng mga silipero kina Secretary to the Mayor Tady Palma, dating Rep. Annie Susano at QC District 5 Coun. Joe Visaya kung anong masasabi nila sa mga tinambakang ilog, sapa at creek sa may tulay sa Quirino Highway, Novaliches pagitan ng McDonalds at Nova Mall at sa dulo ng Ramirez St.?

Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim sir, sana masilip n’yo ang Novaliches para matingnan nyo kung anong ginawa nila sa mga daluyan ng tubig.

Kaya naman ang ganti ng Kalikasan ngayon ay baha tuwing umuulan.

Kaya ‘wag tayo magtaka tuwing umuulan kung ang Novaliches na dating hindi binabaha ay binabaha na ngayon.

Hindi masamang umunlad ‘wag lang sirain ang kalikasan.

Happy weekend, God Bless Po!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA! sa email joel2amongo@yahoo.com o itext sa cel# 0917-120-40-74.

Please follow and like us:
Read More

GAMITIN ANG ISIP, HUWAG PADALA SA AGOS

TINIG NG MANGGAGAWA final

ELEKSYON na sa Lunes. Handa ka na ba?

Alam mo na ba kung sino-sino ang mga isusulat mo sa balota?

Napakahalaga ng magaganap na halalan sa Mayo 13. Hindi lang para sa ating mga ka-manggagawa kundi sa pangkalahatan.

Sana ay maging matalino na tayo sa pagpili at bigyang-pansin ang plataporma ng mga kandidato at hindi ng kung sino ang nag-eendorso sa kanila o kaninong partido sila kaanib.

Lalong huwag magpagoyo sa mga boladas ng mga kandidato.

Marami sa kanila ang paulit-ulit nang tumatakbo, hindi first timer kaya halos kilala na natin ang likaw ng kanilang bituka, ika nga.

Nitong mga nakaraang linggo ay kanya-kanya silang papogi at paganda. Hindi nawawala sa kanilang mga ibinibida ang pagtaas ng sahod nating mga manggagawa.

Totoong kailangan na ng dagdag na sahod ng mga obrero. Sabagay, marami sa atin ang sanay nang hindi kumain ng tatlong beses sa isang araw.

Sanay tayong maghigpit ng sinturon dahil mula pa noon ay napapabayaan tayong mga manggagawa.

Oo nga’t nakakatsamba tayo minsan ng wage increase pero kakarampot. Utang na loob pa natin dahil pinagbigyan ng mga nasa gobyerno ang ating hiling.

Kailangan pa nating magmartsa nang magmartsa at mamaos sa kakasalita bago nila tayo pakinggan.

Yun mga panay ang bida ngayong kampanyahan na tutulungan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsusulong ng P710 na taas-sahod, bantayan natin sila. At singilin natin kapag naupo na.

Huwag hayaang dumaldal sila nang dumaldal pagkatapos kapag nakapwesto na ay bye-bye na sa mga pangako.

Sa pagboto sa Lunes, isipin natin ang kapakanan at kinabukasan ng ating mga anak.

Isipin natin ang kinabukasan ng ating bansang Pilipinas.

Pag-isipan at himaying mabuti ang bawat kandidato. Tingnan ang kanilang pagkatao, plataporma at hindi ang partido o grupo para makapili tayo nang maayos at tapat na manunungkulan sa bayan.

Kung tingin mo nagkamali ka sa pagpili sa mga nakaraang halalan, ngayon na ang pagkakataon para itama ito.

Sa Lunes, maaga tayong bumoto at umuwing taas ang noo.

oOo

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipadala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran.  Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com  (TINIG NG MANGGAGAWA / DONG VALEZA)

Please follow and like us:
Read More

SARI-SARI STORE MENTALITY 

GO FOR GOLD final

SAKIT na nating mga Filipino ang tinatawag na sari-sari store mentality.

Ito yung kung ano ang kumikitang negosyo sa komunidad, ganun din ang papasukin na negosyo ng mga kapitbahay.

Masdan ninyo, dahil malakas ang benta ng tindahan nina Ate Ofelia sa kanto, ganun na rin ang papasukin na negosyo ng mga kapitbahay niyang sila Aling Monang, atbp. O, hindi ba?

Sa kalye nyo na lang, ilan ang sari-sari store diyan na magkakatabi o magkahilera?

Di ba nila naisip na sa pagtatayo nila ng tindahan na magkakalapit ay pinapatay nila ang pagkakakitaan nilang lahat? Natural, pag kakaunti ang mga kostumer at marami ang bibilhan nilang tindahan, hindi sapat ang kikitain ng bawat tindahan para kumita at lumago.

Pinoy na pinoy talaga. Parang isang uri rin ng crab mentality. Dahil, lahat damay. Lahat babagsak at malulugi.

Saan ba natin nakuha ang ganyang masamang pag-uugali?

Naalala nyo ba nung mauso ang lechon manok dahil sa Andoks? Marami rin ang nagtayo ng lechon manok sa kani-kanilang neighborhood. Eh, di sandali lang at marami rin ang nagsara.

Ganyan din ang nangyari sa shawarma. Di po ba?

Ngayon malinaw na sa inyo ang pattern. Iwasan po natin ang ganitong masamang ugali dahil lahat tayo apektado. Lahat tayo talo.

Kaya ang payo ko sa mga nais magtayo ng negosyo, wag po natin gayahin ang kung ano ang uso at kumikita na negosyo sa kasalukuyan. Matutulad lang tayo sa karamihan sa mga kababayan natin na napariwara at nalustay ang pinag-ipunang pera.

Hindi po dahil kumita si kumare o ang kapitbahay natin sa ganitong negosyo ay kikita rin tayo.

Sabi nga ni dating MMDA chairman Bayani “BF” Fernando, napakaliit ng success rate ng mga pumapasok sa negosyo. Halos 95% daw ang failure rate. Kaya nga ang payo niya sa mga residente ng Marikina noon ay mamasukan na lang kayo at maging empleyado.

Ito naman ay opposite ng GO NEGOSYO! advocacy na marami namang natulungan na umangat sa buhay mula sa ating mga OFW, retirees, etc.

Sana makatulong itong tips para tumaas ang tsansa ninyo na maging successful sa negosyo:

  1. Alamin kung anong produkto o serbisyo ang mataas ang demand ngunit kakaunti naman ang nagsu-supply sa lugar o trade area na inyong balak pagtayuan ng negosyo.
  2. Sapat ba ang dami ng potential customers sa inyong lugar?
  3. Mas mabuti kung ang pasukin ninyong negosyo ay malapit sa inyong puso. Yung tila ba enjoy kayong gawin ito kahit hindi kayo bayaran. Ganun din kung magaling kayo sa linyang ito at natural lang ito sa inyo. Marami sa mga nalugi ay dahil pinasok nila ang isang negosyo na wala silang kaalam-alam at walang ka-inte-interes.
  4. Napaka-importante ng lokasyon sa negosyo. Dapat strategic at sentro sa maraming tao at very accessible, madaling puntahan.
  5. Gawan nyo ng paraan para ipaalam sa mga potential customers ninyo na meron kayong ganung produkto o serbisyo. Importante ito. Dahil kahit na gaano kaganda ang iyong produkto o serbisyo, kung walang may alam or hindi ito alam ng tao, balewala rin.
  6. Gawin ninyong mas madali para sa customer na magdesisyon na bumili o tumangkilik sa inyo. At gawin nyo ring mas madali para ma-deliver nyo ito sa kanila.
  7. Pumili ng mga tapat at maabilidad na empleyado at tratuhin sila ng mabuti para pagmalasakitan nila ang inyong negosyo o kompanya.

Ilan lamang ito sa mga payo na pangnegosyo. Sana nakatulong ito kahit paano.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

GEN. CARRANZA BITBIT NI ‘GEO’ SA ILIGALIDAD

BAKBAKAN NATIN

ALAM nating lahat na napakatalamak ng iligalidad sa Rehiyong Calabarzon ­(Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) o Region 4 – A.

Lahat ng uri ng iligal na sugal ay matatagpuan sa mga lungsod at munisipalidad ng limang malalaking lalawigan sa Calabarzon.

Nariyan ang jueteng na nagtatago sa small town lottery (STL) ng ­Philippine ­Charity Sweepstakes Office (PCSO), pergalan, saklaan at video karera.

Ang matindi rito ay ginagamit na ‘prente’ ang saklaan at video karera ng bentahan ng iligal na droga.

Napakalaking ­kasinungalingan kung itatanggi ng mga opisyal at kasapi ng Philippine National ­ Police (PNP) ng ­Calabarzon na laganap ang iba’t ibang uri ng iligal na sugal sa ­Calabarzon.

Kahit napakalala, hindi aktibong kumikilos ang PNP sa Calabarzon na pinamumunuan ni Brig. Gen. Edward Carranza laban sa mga gambling ­operator sa rehiyon.

Hindi na nga aktibo sa iligal na sugal, mukhang hindi rin masigla si ­Carranza pati sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Bakit ganito ang mistah ni General ­Oscar ­Albayalde sa ­Philippine Military Academy (PMA)?

Sinadya bang magpabaya ng PNP sa Rehiyong Calabarzon upang samantalahin ang iligal na sugal sa nasabing rehiyon?

Sa ganitong pangyayari, malayang-malayang nakakaikot ang isang tao na “Geo” ang alyas.

Bitbit ng alyas Geo na ito ang pangalan ni Carranza sa pag-iikot sa lahat ng iligal na pasugalan mula Cavite hanggang Quezon upang ­mangolekta ng lingguhang tara.

Kahit ang mga iligal na pasugalang prente ng iligal na droga tulad ng mga saklaan at video karera ay pinupuntahan at kinukuhaan ni alyas Geo ng lingguhang padulas.

Walang gumagalaw kay Geo na kahit sinong opisyal ng pulisya sa ­alinmang lalawigan sa Region 4A kahit lantaran itong tumatanggap ng lingguhang tara gamit ang ­pangalan ni­ Carranza.

Alam kaya ni Brig. Gen. Carranza na ­ipinangungolekta siya ni alyas Geo?

Upang matigil ang kasamaan ni alyas Geo, walang ibang dapat gawin si Carranza kundi ipahuli itong si Geo na walang takot kung gamitin ang ­pangalan niya sa pag-ikot at ­pangungolekta sa lahat ng iligal na pasugalan sa buong Rehiyong ­Calabarzon.

BAKIT HINDI HINUHULI NG CIDG – ­CALABARZON SI ALYAS ZALDY?

ITONG si alyas “Zaldy” ng Cavite ay mayroong saklaan sa Cavite Cockpit Arena, ngunit hindi ito ipinatitigil ni Col. William Sagun.

Kahit lantaran ang saklaang ito ni alyas Zaldy ay walang puwedeng gumalaw o magpasara rito, kahit si ­Sagun pa ang hepe ng PNP sa Cavite.

Ang impormasyong nakarating sa BAKBAKAN NATIN! ay kolektor ang alyas Zaldy na ito ng ilang ‘iskalawag’ na pulis ng Task Force Maverick ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Rehiyong Calabarzon.

Si alyas Zaldy ang nangongolekta at tumatanggap ng lingguhang tara ng mga iskalawag sa Task Force Maverick mula sa mga gambling operator sa Calabarzon.

Hindi binanggit ng nagparating ng imporma-syon kung si alyas Zaldy na rin ang kumokolekta sa mga iligalidad sa buong Calabarzon.    (BAKBAKAN NATIN / Nelson S. Badilla)

Please follow and like us:
Read More

BOMOTO NANG MAAGA SA LUNES

CHRISTIAN BOMB

MAGTATAGAL na ng hanggang alas-sais ng gabi ang oras ng botohan sa darating na 2019 midterm elections.

Ito ang ­naging pasya ang Commission on Elections (Comelec), na ­palawigin o pahabain ng isang oras ang ­voting time sa mga presinto sa bansa.

Ayon kasi kay Comelec ­spokesperson James ­Jimenez, lumobo ng ­mahigit 60 milyon ang ­ inaasahang boboto sa Lunes, Mayo 13, 2019 kumpara sa P58 milyon noong 2016.

Mula sa dating alas-sais ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ay paaabutin na ito hanggang alas-sais ng gabi.

Sa tantiya kasi ng Comelec, ­hahaba ang pila sa mga ­presinto at lalagpas ito sa alas-singko ng hapon na dating deadline ng pagboto.

Tiniyak din ng Comelec na papayagan pa rin makaboto ang mga botanteng nasa loob ng 30 ­meter-radius ng mga polling center kahit na lagpas na sila sa oras ng pagboto.

Napakaganda ang naging bagong desisyon na ito ng Comelec na bigyan ng mahabang oras ang mga botante sa pagboto.

May pagkakataon ang mga hindi nakaboto nuong nakaraang halalan na maiboto ang kanilang mga ­napipisil na kandidato.

Gayunman, ­dapat ay mas agahan ng mga botante ang pagtungo sa mga polling precint upang sila ay makaboto, dahil kung sa bandang hapon pa sila magtutungo ay baka hindi rin sila makaboto kapag inabot ng alas-sais na pagtatapos ng botohan.

Bomoto nang mas maaga para ang kandidatong ­napipisil ng mga botante ay maiboto at maipanalo nila. (CHRISTIAN’S BOMB)

Please follow and like us:
Read More

ANG BAGONG DAR  

@yourservice

MINSAN akong dumulog sa Department of Agrarian Reform o DAR sa Quezon City Circle ukol sa isang kaso na matagal nang nabinbin sa isang regional office nito. Ninais ko lamang malaman kung ano na ang kalagayan ng kaso upang makapaghanda sa susunod na paglilitis kung meron mang ­naitalang araw para rito. Pagpunta ko, hindi ko masyadong ­inasahan na may ­mangyayari sa aking lakad dahil sa tagal ko nang pumupunta sa mga ahensya ng pamahalaan, lagi na lang kaming pinababalik o di kaya’y pahirapan sa pakikipag-usap. Laking gulat ko na lamang nang kami’y mabilis na tinugunan ng isang opisyal ng DAR at nasagot ang lahat ng aming katanungan. Ibang-iba na ang DAR ngayon, nalaman ko na lamang na marami palang programang inilunsad ang kalihim nito upang maging maayos at makabuluhan ang DAR hindi lamang sa mga magsasaka, kundi sa sinomang dudulog dito.

Nabalitaan ko rin na binalaan kamakailan ni Secretary John ­Castriciones ng DAR ang mga kawani ng ahensya na tumulong o masangkot sa pagproproseso ng mga aplikasyon sa paglipat ng mga lupa na hawak ng DAR sa mga taong hindi naman kwalipikadong ­tumanggap nito. Sinabi niya na hindi siya mag-aatubiling patawan ng kaparusahan ang sinomang mahuli na gumagawa nito.

Bukod dito, noong una pa mang umupo si Secretary Castriciones sa DAR, minabuti na niyang rebisahin ang mga tao at baguhin ang mga lumang patakaran at proseso ng ahensya. Ayon din sa kanya, nais niya na matugunan ng DAR ang matagal nang hinaing ng ating mga kababayang magsasaka na magkaroon na ng sariling lupang sasakahin. Kaya kita naman natin na mula nang siya’y naupo bilang kalihim ay umikot na ang DAR at mga kawani nito sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas upang maipamahagi ang mga lupa sa ilalim ng programang repormang agraryo.

Ngunit hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami na sa bawat ahensya ng pamahalaan ay may mga taong nais gumawa ng kalokohan upang kumita lamang, kaya’t minabuti ng kalihim ng DAR na magsagawa ng pagsusuri at pagbabantay sa gawain ng mga kawani nito upang masupil o matigilan na ang mga modus nila.

Nabalitaan ko rin na hindi tumitigil dito ang ­ating kalihim. Nagsimula na rin silang baguhin ang mga patakaran at alituntunin tungkol sa ­maraming bagay, isa na rito ang ­proseso ng pag-lilitis sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB). Ginawa nilang mas simple, at mas mabilis ang proseso at iniwasan na ang pagpasa-pasa ng kaso o pagpapaikot nito sa iba’t ibang opisina ng Kagawaran.

Ayon sa isang bagong kawani ng ahensya doon — isa pang magandang pagbabago sa DAR ay ang transparency na tinatawag kung saan lahat ng galaw nito — maging sa pagbibigay ng lupang sakahan, o pag-aayos ng mga problemang nilalapit dito — ay buong tapat nang ipinagbibigay-alam sa lahat, walang tinatago, walang sikreto, walang panloloko.

Sa aking munting palagay, maganda na ang nasimulan ng ating ­butihing kalihim ng DAR. Naisip ko rin na ito’y sa kadahilanang hindi naman siya politiko kundi isang taong nais lamang maglingkod sa abot ng kanyang makakaya. Tandaan natin na hindi man pansinin ang DAR kesa sa ibang ahensya tulad ng DepEd, DOH, DILG o DTI — mahalaga ang mandato nito sa ilalim ng ating saligang batas at ng batas ukol sa reporma sa agraryo — nasa DAR ang responsibilidad na ipatupad ang matagal na nating hangarin na ­maging realidad ang isang tunay at makabuluhang reporma sa pagsasaka. Sa wakas ay makakamit na ng ating mga kapatid na magsasaka ang matagal na nilang mithiin na magkaroon ng sariling lupang masasaka. (@YOUR SERVICE / ATTY. DAVID ROBERT AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA NATIN TAYO RIN ANG LULUTAS 

BOMBAHAN NA FINAL

WALANG ibang lulutas sa problema natin kundi tayong mga Pilipino mismo.

Tulad ng problema natin sa korapsyon, iligal na droga at peace and order.

Sa darating na Lunes, Mayo 13, 2019 midterm election na naman. Masusubok kung talagang gusto nating mabago o mawala ang korapsyon, iligal na droga at katahimikan ng ating bansa.

Magtulungan po tayo, piliin natin ang mga kandidatong matino at walang personal interest.

Hindi yung kaya siya tumakbo para magpayaman at magkaroon ng proteksyon sa kanyang mga negosyo at iligal na gawain.

Sabi nga ng mga silipero ng BOMBAHAN NA, walang karapatan ang taong naghahangad na maging maayos ang bansa natin kung hindi naman siya nakikipagtulungan o nakikiisa sa gawa.

Ibig sabihin ng BOMBAHAN NA, kung gusto nyo talagang magkaroon ng maayos, maunlad at tahimik na bansa makiisa kayo. Sa papaanong paraan?

Iboto niyo ang ma­tinong kandidato, walang bahid ng korapsyon at may malasakit sa kapwa niyang Pinoy.

Dahil eleksyon na naman, panay ang ikot ng mga lider ng mga kandidato.

Inaalam nila kung sino ang malalaking pamilya sa kanilang lugar.

Tatanungin ng mga ito kung ilan sa kanila ang mga botante, bakit kamo?

Para isa o dalawang araw bago ang eleksyon ay ibibigay na ang bayad para sa kanilang mga boto.

Mas malala pa sa mga lalawigan kung ikukumpara sa National Capital Region (NCR).

Bahay-bahay ang pinupuntahan ng mga lider ng kandidato para bayaran ang mga botante.

Kung ganyan ang ginagawa nyo na ibinebenta nyo ang inyong mga boto, ‘wag na kayong magha­nap ng kaayusan ng bansa natin.

Tanggapin nyo kung anung gagawin ng mga kandidatong pinagbentahan nyo ng inyong mga boto.

Kaya kung gusto natin na magkaroon ng pagbabago magkaisa po tayo, magkaroon tayo ng dignidad ‘wag natin ibenta ang ating kinabukasan sa mga kandidatong mapagsamantala.

Sabi nga, walang magbabayad ng boto, kung walang magpapabayad.

Dahil binayaran ang mga boto n’yo, walang silang utang na loob sa inyo.

Natural kung gaano kalaki ang kanilang ginastos para ipambili ng boto ninyo ay babawiin nila ito sa kaban ng bayan pag nanalo na sila.

Sino ngayon ang talo sa pagkapanalo ng pinagbentahan ninyo ng boto? Natural kayo ang talo at panalo ang politiko na bumili ng boto ninyo.

Rason ng nakararami kaya raw nila tinatanggap ang bayad ng kanilang mga boto kasi tuwing eleksyon lang sila nakikinabang sa mga kandidato.

Ika nga una at huling pakinabang nila.

Kasi nga tinatangkilik din natin ang kanilang kalokohan kaya sila nananalo at tayo ang may kasalanan kasi nagpapaloko tayo sa kanila.

Pero kung magkakaisa po tayong mga botante at panindigan natin na hindi natin tatanggapin ang kanilang bayad sa ating mga boto, malamang wala nang mangangahas sa kanila na mamigay ng pera tuwing eleksyon.

Sabi tuloy ng silipero ng BOMBAHAN NA, hindi puro salita lang kundi isagawa at manindigan laban sa katiwalian.

Gayundin ang iligal na droga, kaya lumala yan dahil may mga tiwa­ling opisyal ng gobyerno (politiko) ang mga protektor niyan.

Resulta, sa dami ng drug addict sa bansa natin, patayan dito, patayan dun, rape dito, rape doon.

Ngayon pagdating ng gabi sa tuwing naglalakad tayo, lagi tayong nag-aalala baka mabiktima tayo ng karahasan.

Nag-iisa lang ang Pilipinas, pag naging magulo ito, wala tayong pupuntahan kundi pagtiyagaan natin ito anomang nangyayari rito.

Para sa kaayusan natin at ikabubuti ng i­nang bansa, iboto ang mga bagong kandito. Ibasura ang mga politikong may bahid ng korapsyon.

Pagpalain po tayo ng Poong May Kapal. Amen.

oOo

Pasubugin ang katiwalian isumbong sa BOMBAHAN NA! sa email joel2amongo@yahoo.com o itext sa cel# 0917-120-40-74.

Please follow and like us:
Read More

MGA KANDIDATONG MAKA-DIYOS, MAKATAO AT MAKABAYAN ANG DAPAT INIENDORSO NI VELARDE 

CHRISTIAN BOMB

HINDI nagustuhan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang pag-endorso ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde kina ex-Sen. Bong Revilla, ex-Sen. Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at dating Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Para kay Pabillo, hindi raw dapat nag-i-endorso si Velarde ng mga kandidatong may bahid ang pagkatao, tulad nina Revilla at Estrada na kapwa nasangkot sa pork barrel scam, Gov. Marcos na anak ng dating diktador na si ex-Pres. Ferdinand Marcos, Sr. at ex-Gen. Dela Rosa na namuno noon sa madugong drug war ng gobyerno na ikinasawi ng napakaraming mahihirap na drug pusher at drug addict.

May punto si Pabillo na kondenahin si Velarde, dahil ang religious group ay nakapaloob sa Catholic church na nangangaral sa mga Katoliko na masamang magnakaw, mang-abuso ng kapwa at pumatay ng tao.

Hindi lamang si Pabillo ang bumatikos sa pag-i-endorso ni Velarde kina Revilla, Estrada, Marcos at Dela Rosa, kundi maging ang mga debotong Katoliko.

May pagkakataon pa si Velarde na baguhin ang kanyang naging desisyon, ang pag-endorso sa kandidatura nina Revilla, Estrada, Marcos at Dela Rosa.

Kung tutuusin nga, dapat ay kahit isa sa mga kandidato ng PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago ay walang i-endorso si Velarde dahil ang mga kandidato ng mga partidong ito ay nakasuporta sa deadly drug war ng kilalang human rights violator na si Pangulong Duterte.

Bilang lider ng charismatic group ng Catholic church, dapat ang ini-endorso ni Velarde ay mga kandidatong maka-Diyos, makatao at makaba­yan.

Sakaling hindi baguhin o iurong ni Velarde ang endorso niya kina Revilla, Estrada, Marcos at Dela Rosa, at maging sa iba pang kandidato ni Pangulong Duterte ay baka maging dahilan ito ng paghina ng suporta ng mga Katoliko sa kanyang charismatic group na El Shaddai.  (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

FROM KIAN TO GIAN 

BOMBA KA DAY

NASANGKOT na naman sa pagpatay ng menor-de-edad ang isang tauhan ng Caloocan City Police.

Sariwa pa ang iskandalong dulot ng brutal na pagpatay kay Kian delos Santos, heto at ginimbal na namang muli ang publiko sa pagpatay sa Grade 1 pupil na si Gian Habal.

Si Kian ang 17-anyos na pinatay sa Oplan Galugad ng ilang tauhan ng Caloocan police noong gabi ng Agosto 16, 2017 sa Barangay 160, Caloocan City.

Noong isang taon, hinatulan ng parusang reclusion perpetua o hindi bababa sa 40 taong pagkakakulong sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz dahil napatunayan ng korte na sinadya nilang patayin ang walang kalaban-labang binatilyo na inakusahan nilang sangkot sa iligal na droga.

Ayon sa korte, matibay ang testimonya ng tatlong testigo sa krimen habang hindi tugma ang depensa ng pulis na “nanlaban” si Delos Santos base sa physical evidence na isinumite ng PNP Scene of the Crime Ope­ratives (PNP-SOCO). Lumalabas kasi na walang pagkakataon si Delos Santos na ipagtanggol ang sarili dahil nakaupo ito at tinatakpan ang kanyang ulo nang ito’y barilin.

Kaya ang hatol ng korte ay guilty ang tatlo sa kasong murder.

Ikinatuwa ito ng marami lalo na ng pamilya ni Kian.

Pero sa kabila nito, naulit ang masaklap na pangyayari.

Ano ang problema ng mga pulis sa Caloocan?

Ang 6 anyos na si Gian ay naglalaro sa labas ng kanilang bahay nang tamaan ng bala matapos magpaputok ng baril si Police Corporal Rocky Delos Reyes.

Depensa ni Delos Reyes, may namataan siyang suspek malapit sa lugar kung saan nabaril ang bata. Hinabol umano niya ito hanggang sila’y nagkapalitan ng putok.

Taliwas ito sa deklarasyon ng mga residente at ng lola ni Gian na si Elsa Francisco Montañez na nasugatan naman sa insidente.

Ayon sa Matandang Montañez, nakita niya nang barilin ang apo kaya hinabol niya ang namaril pero pinaputukan din siya nito kaya siya tinamaan ng bala sa paa.

Si Corporal Delos Reyes ay dati nang naireklamo dahil sa pagpapaputok ng baril sa isang birthday party noong isang taon.

Lasing daw noon ang pulis at napagtripang magpaputok.

Napagtripan lang din kaya niyang paputukan ang musmos na si Gian?

Isa pang tanong ay ano ang nangyari sa mga naunang reklamo laban kay delos Reyes at ano ang naging aksyon laban sa kanya ng pamunuan ng PNP.

Kung patuloy na hindi aaksyunan ang mga reklamo laban sa mga abusadong pulis at hindi sila parurusahan ay hindi malayong maulit pa nang maraming beses ang ganitong krimen hindi lang sa Caloocan.

Walang silbi kahit paulit-ulit na magbabala si PNP Chief General Oscar Alba­yalde sa kanyang mga tauhan na palagiang sundin ang tamang procedure sa kanilang mga operasyon at pagganap sa tungkulin kung malambot siya sa pagtugon sa pang-aabuso ng ilan sa mga ito.

Sa Rules 7 at 8 ng police procedure ay nakasaad ang tamang paggamit ng pwersa at  baril sa gitna ng police operation na dapat kabisado ng mga pulis.

Pero sa hindi na mabilang na pagkakataong nasangkot ang mga pulis sa pamamaril ng sibilyan, may silbi ba sa kanila ang isinasaad ng procedure na iyan?

Kung totoong seryoso si Albayalde na linisin ang kanilang hanay, itodo na niya.

Mukha kasing walang epekto ang sinasabing ‘internal cleansing sa PNP.

Simula 2016, nasa 8,000 personnel ng PNP na ang binigyan ng disciplinary action kabilang ang suspensyon at pagkasibak sa serbisyo. Sa laki ng bilang na iyan marami pa ring inirereklamo. Ibig sabihin hindi lang ga-tuldok ang bugok sa PNP kaya seryoso at puspusang kampanya ang kinakailangan para mapatino ang mga iyan.  (BOMBA KA DAY! / JO BARLIZO)

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL TREATMENT NI DUTERTE SA MGA CHINESE 

ANG TOTOO

KAPAG ang Pinoy ay nangibang bansa, lahat ng mga batas at alituntu­nin ay kailangang sundin at sinusunod niya.

Ito Ang Totoo: kapag lumabag ang Pinoy sa mga batas at alituntu­nin ng pinuntahang bansa, kalaboso kung hindi deportation ang bagsak niya.

Dito sa Pilipinas, ina­agawan ang mga Pinoy ng mga dayuhang intsik hindi lamang ng trabaho kundi pati negosyo.

Umaayon tayo kay Senador Panfilo Lacson na hindi dapat payagan ang mga dayuhan, partikular ang mga Intsik, na kumpitensiyahin ang mga Pinoy sa mga Small at Medium Scale na negosyo.

Ito Ang Totoo: pwede naman sila pumasok sa malalaking negosyo, o kontrata, huwag lamang magkaroon ng mga probisyong mistulang pagsuko sa ating soberenya at kasarinlan tulad ng sa Kaliwa Dam.

Hindi rin kailangan sa mga kontrata na payagang okupahan ng mga Intsik ang mga trabahong kaya naman ng mga Pinoy.

Halimbawa sa Chico River Irrigation Project, mistulang sinugod na ng mga Intsik ang Tabuk City, ayon mismo sa rek­lamo ng Cordillera Peoples Alliance (CPA).

Sumusuweldo pa umano ang mga intsik na ito ng sampung patong kumpara sa suweldo ng mga Pinoy.

Ibig sabihin, bukod sa nawalan na ng pagkakataon sa trabaho ang maraming Pinoy, ang babayarang utang ng Pilipinas sa kontratistang Intsik ay hinahakot din naman ng mga Intsik sa pamamagitan ng suweldo pabalik sa Tsina.

Ito Ang Totoo: hindi ginagawa ng Tsina sa ibang bansa, tulad ng Canada at Belarus, ang mag-empleyo ng mga Intsik sa pwedeng gampanang trabaho ng mga lokal.

Kung gayon, bakit kailangang pumayag ang Malacañang na pagkaitan ang mga Pinoy ng trabaho na kikita naman ng limpak-limpak na salapi para sa nangongontratang kompanyang Intsik?

Kita na sa kontrata, kita pa sa manggagawa, magaling sa perspektibo ng nagnenegosyo. Kaya lang, may tinatapakan, tayo iyon – mga Pinoy.

Darating ang panahon, huhusgahan ng kasaysayan ang direksiyong ito ng administrasyong Duterte: ang mga kabaliwang kaliwa’t kanan na yumuyurak sa dignidad at karapatan ng mga Pinoy na walang kahiya-hiyang isinusuko, partikular sa bansang Tsina. Ito Ang Totoo! (ANG TOTOO / VIC V. VIZCOCHO JR.)

Please follow and like us:
Read More

MABUHAY ANG MGA BAGONG ABOGADO! 

@yourservice

IKA-3 ng buwang ito, inilabas ng Kataas-taasang Hukuman ang resulta ng nakaraang pagsusulit para sa mga gustong maging abogado. Kaaya-ayang makita ang mukha ng mga pumasa — nakasaad sa kanilang mukha ang tuwa at higit sa lahat ang bagong pag-asa sa kanilang panibagong buhay bilang mga abo­gado ng bayan.

Ngunit sa gitna ng tuwa, ng pagdiriwang, ating alamin uli kung ano-ano ang pinapatong ng batas na mga responsibilidad sa isang abogado. Unang-una, ang abogado ay tinuturing na isang alagad ng hukuman o “officer of the court”. Ibig sabihin, may tungkulin siyang ipatupad lahat ng mga alituntunin at mga proseso ng hukuman at magbigay galang at pagsunod sa mga kautusan nito.

Pangalawa, ang isang abogado ay kinakailangang mamuhay nang matuwid at ayon sa mga alituntunin at bata­yan na inuutos ng Kataas-taasang Hukuman. Kasama na rito ang pag-iingat sa mga kasong hawak nito para sa kliyente kabilang ang pagbibigay ng tapat at tamang impormasyon tungkol sa mga detalye ng kaso, ang pagbibigay-galang sa kapwa abogado sa labas at sa loob ng korte, ang pagsunod sa mga utos ng hukuman, ang mamuhay na tapat ayon sa iyong sinumpaang tungkulin.

Lingid sa kaalaman ng lahat, mabigat din ang mga responsibilidad na pinapataw sa mga abogado. Kadalasan lamang nating nakikita ang karangyaan at kaakit-akit na bahagi ng propesyong ito. Ngunit tulad ng isang bagong teleserye na nagkukuwento ng buhay ng isang barkada na mga bagong abogado — sila’y tao rin na may kani-kanyang problema, adhikain, kahinaan at ambisyon.

Marami-rami na rin ang nagtatanong sa akin nuon kung ano ang magandang kurso na kunin para maihanda ang sarili sa pagpasok sa pag-aaral ng abogasya. May nagsasabi na maganda ang accountancy, legal management, politial science. Totoo, dahil ang mga kursong ito’y may mga law subject na ipinakikilala na sa mag-aaral. Ang aking tugon sa mga katanungang ito ay — lahat naman ng kurso ay mahalaga at ang mga ito’y naihahanda ka naman sa pagpasok, kung nanaisin, sa pag-aaral sa abogasya. May mga naging nurse at doktor na kumuha ng abogasya at naging abogado. May mga guro, inhinyero na naging abogado rin. May nabalitaan pa nga tayo noon na isang security guard at isang janitor na naging abogado. Sa a­king mun­ting palagay — ang importante ay ang utak, puso at determinasyong tapusin ang pag-aaral ng law. Kadalasan, marami ang nag-e-enrol sa first year ngunit sa second year o sa third year ay tumitigil na. Kailangan nating itanong sa sarili araw-araw kung bakit tayo nag-aaral ng batas. Hindi rin hadlang ang edad. May matatanda na nagiging abogado. Sa totoo lang, may kaklase ako noon sa law school na may anak na doktor at abogado, sabi niya sa akin ay siya naman ang mag-aaral ng abogasya kasi napatapos na niya sa pag-aaral ang mga anak niya.

Sa mga bagong abogado — mabuhay kayo! Kayo ngayo’y kasapi na ng isang samahan at isang propesyong tumutulong mapanatili ang mga institusyong demokratiko at palaganapin ang hustisya sa ating bayan.  (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID ROBERT AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

WALA PANG NAPAPATUNAYAN ANG PACC NI DANTE JIMENEZ 

BAKBAKAN NATIN

NAPAKALALA ng katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

Kaya, kahit mayroong Commission on Audit (COA) na nakadidiskubre ng samu’t saring anomalya at korapsyon, nagtayo pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kung saan itinalaga niya si Atty. Dante Jimenez bilang pinuno.

Dahil sa pagkakaroon ng PACC, sa wakas nabigyan na rin ng puwesto sa pamahalaan si Jimenez.

Kaya, hindi na lumalantad at nagsasalita si Jimenez sa media bilang hepe ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC), kundi bilang PACC chairman na.

May nakarating sa aking impormasyon na ‘inaawit’ noon ni Jimenez na makapuwesto sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kaso, walang nangyari, sapagkat ‘ibinasura’ siya ng mga taong nakapaikot kay Duterte.

Nang binuo ang PACC dahil gusto ni Duterte na mayroong gawin ang mismong Office of the President (OP) laban sa nagkalat na mga magnanakaw sa pamahalaan ay biglang nakapuwesto si Jimenez sa hindi malamang dahilan.

Mula noon, marami nang naibabatong balita sa media hinggil sa mga iniimbestigahan  ng PACC, ngunit hanggang ngayon ay wala pang nababalitaan ang publiko kung sinu-sino sa mga iniimbestigahan nila ang napatunayan nilang tiwali at korap.

Sa madaling salita, wala pang kongkretong resulta ang operasyon ng PACC.

Noong Enero, isinapubliko ng PACC na sinimulang imbestigahan ng ahensya sina Technological Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Isidro Lapeña, Labor Secretary Silvestre Bello III at National Commission on Indigenous People Chairman Leonor Oralde-Quintayo, ngunit hanggang ngayon ay walang resulta.

Mayo na, pero wala pa ring resulta.

Ayon sa PACC, iniimbestigahan din nito ang Duty Free Philippines upang malaman kung paano gumagana ang korapsyon dito, pero wala pa ring resulta.

Maraming nakakaalam na napakatalamak ng korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Transportation Office LTO), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at marami pang iba.

Ilang buwan na rin ang nakalilipas nang ibunyag ni Jimenez mismo na maraming kagawaran ng pamahalaan na napakatalamak ng katiwalian at korapsyon.

Ngunit, Mayo na ay wala pang sinasampahan ng kaso ang PACC.

Sa madaling salita, wala pang napatutunayan ang PACC sa ilalim ng pamumuno ni Dante Jimenez. (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

LABAN PARA SA MURANG KURYENTE, NASA KAMAY NG KONGRESO – MKP 

TODO PASA

SA ginagawang Joint Congressional Power Commission hearing at ang posibilidad na makabilang sa Mababang Kapulungan ang mga partylist na kumakatawan sa interes ng distribution utilities, nasa kamay ng Kongreso ang desisyon para sa abot-kayang kuryente para sa mga konsumer, ayon sa opisyales ng Murang Kuryente Partylist (MKP).

Kahit na bago pa lamang ang partylist na itinatag ng mga energy advocate na walang karanasang politikal, kabilang ang MKP sa top 20 partylists na maaaring makakuha ng puwesto sa Mababang Kapulungan base na rin sa huling Pulse Asia survey.

“Ito ang dahilan bakit kami tumakbo. Walang ibang magtatanggol sa interes ng konsumer kundi kapwa nila konsumer. Inaalala ko kung ano ang mangyayari sa atin kung walang lalaban sa mga energy companies na pumapasok na sa Kongreso gamit ang partylist system,” sabi ni MKP nominee at energy advocate Gerry Arances.

“Inasahan namin ito. Kumikita sila nang malaki dahil sa EPIRA [Electric Power Industry Reform Act] at siyempre haharangan nila ‘yung mga reporma na hinihingi namin.”

Apat na partylist ang kasalukuyang nahaharap sa electoral complaint sa Commission on Elections (Comelec), ang Philippine Rural Electric Cooperative Association (PHILRECA), Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC), RECOBODA, at Ako Padayon na pawang tumanggap ng financial contributions mula sa electric cooperatives para sa kanilang kampanya na isang malinaw na paglabag sa batas.

Ayon sa petisyon, tumanggap ng pinakamalaking kontribusyon ang PHILRECA ng P3 milyon mula sa Davao del Sur Electric Cooperative (DASURECO), na first nominee ang kanilang general manager na si Godofredo Guya ng RECOBODA partylist.

Tumatayong third nominee rin ang DASURECO Board of Directors President na si Rodrigo Sacedor ng APEC partylist at director/senior vice-president ng PHILRECA.

“Bukod sa binanggit sa petisyon, may hawak din kaming mga ebidensya na magpapakitang nangangampanya ang mga electric cooperative para sa PHILRECA kahit labag ito sa batas. Dito natin nalalaman na talagang desidido silang manalo sa kahit anong paraan,” ani Arances.

Matagumpay na naharangan ng MKP ang petisyon ng PHILRECA na ipasa ang kanilang real property taxes sa mga electric consumer sa Luzon habang nananatiling nakapending ang petisyon sa Visayas at Mindanao sa tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Manalo man o matalo, naghahanda ang MKP para sa isang mahabang pakikipaglaban.  (TODO PASA / ARIEL BORLONGAN)

Please follow and like us:
Read More

“PI” O MURA BA NI DIGONG ANG MANGHUHUSGA?

KAAA BOOM

MALAKING usapin pa rin hanggang ngayon ang walang tigil na pagmumura ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga speech kung saan inaabangan na yata ng mga nakikinig kung sino na naman ang mumurahin niya.

May mga napapahalakhak, mayroon din namang napapataas ang kilay, kulang na lang mabuwal sa kanilang kinauupuan. Marami rin ang nagsasabing nakakahiya ang bayan natin dahil sa mga lumalabas sa bibig  ng ating Presidente.

Tanong lang naman, mali nga ba ito o hindi lang tayo nasanay dahil ngayon lang tayo nagkaroon ng lider na palamura? Kasalanan daw kasi ito ayon sa mga moralista at religious group.

Totoo nga naman po, ang sabi nga sa Mateo 15:18 “Ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso.”

Kapag nagmumura ka raw, ipinakikita ng iyong pananalita kung ano ang nasa loob mo at ipinahihiwatig nito na wala kang pakialam sa damdamin ng iba.

So, ibig bang sabihin nito, kapag nagmura ang pangulo eh masama na siyang tao? Ganoon ba yun o depende sa sitwasyon?

Kung ako po ang tatanungin, personally, wala pong kaso sa akin ang pagmumura. Kasi sa totoo lang po mostly sa mga nagmumura, they don’t mean it, nagiging expression na lang nila. Ako po aaminin ko, may mga pagkakataon na nakakapagmura ako, nababanggit ko ang word na “PI” but I don’t mean it…parang expression na nga lang.

Sa akin, ang mahalaga po kasi ay yung laman ng puso ng tao, kung gaano ka nagmamalasakit sa kapwa mo, kung paano ka makitao, yun po ang mahalaga sa akin. Ma­rami po akong kakilala, nakakasalamuha na kung makapagmura ay wagas ngunit kung aalamin mo at kikilalanin kung sino sila talaga, sila pa yong maraming naisasakri­pisyo upang makatulong sa kanilang kapwa. Sila po yung may puso sa kanilang mga kababayan.

Katulad din yan ng kasabihang “Don’t judge a book by its cover.” Huwag po nating husgahan ang ating kapwa sa mga nakikita ng ating mata o naririnig ng ating mga tenga. Tumingin tayo sa puso, sa pag-uugali, sa kalooban ng tao, sa kanilang mga pinahahalagahan dahil doon natin makikita ang totoo nilang pagkatao. Well, sa a­ting pangulo, yan na siya eh, tumanda na siya na ganyan.

Sabi nga, ang kawayan pag tumanda na, matigas na, mahirap nang hubugin nang ayon sa ating kagustuhan, mahirap na itong baliin. Siguro ang masasabi ko na lang lalo na sa atin na mga magulang, i-guide na lang natin at paliwanagan ang ating mga anak, kung ayaw nating tularan siya sa pagmumura, pagsabihan at gabayan na lang natin sila. Still my point here is, look deeply and closer at the heart of a person at huwag po yung superficial lang. Yung nakikita lang natin on the surface. AND I THANK YOU!

Para sa inyong mga rek­lamo at sumbong, itext lamang ang inyong lingkod 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

oOo

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am – 9am.  

Please follow and like us:
Read More

BASTUSAN NA 

@yourservice

INAANYAYAHAN ko kayong samama sa akin sa isang kathang-isip na pangyayari — kathang isip muna.

Mayroon tayong kapitbahay na pilit ginagamit at sinasakop ang isang parte ng ating ari-arian. Upang hindi mauwi sa lantarang away o hidwaan, dumulog tayo sa barangay kung saan hinatulan ng barangay na sa atin ang lupang iyon at hindi maaari kailanman pakialaman ng ating kapitbahay. Ngunit sa a­ting kagustuhang maging maayos ang lahat at mapanatili ang katahimikan sa lugar — pinagbigyan natin ang ating kapitbahay na gamitin — kahit sa kalaunan ay tila inangkin na niya ang bahagi ng ating pag-aari sa kadahilanang nagulat na lamang tayo at nagpatayo na ito ng mga permanenteng gusali at iba pang istraktura. Dahil mahaba ang ating pisi, di tayo umalma.

Ngunit pagkatapos ng ilang araw, bigla na lamang nating nalaman na inani ng ating kapitbahay ang mga pananim natin na wala man lang pahintulot o di man lang nagpasintabi. Sa pag-ani ng ating kapitbahay ng mga pananim na tayo ang nagtanim at sa ating lupa tinanim — nasira pa nila ang kalikasan at kagandahan ng ating lupa. Nga­yon, kahit siguro sinong may mahabang pisi or kahit sino pa ang pilit na unawain ang mga pinaggagawa ng ating kapitbahay — isa lamang ang maaaring itawag dito — ito’y lantarang bastusan na.

Marami tayong makukuha sa ginawa ng ating kapitbahay sa pagkakataong ito — unang- una, hindi sila takot sa atin. Siguro ito’y dulot ng ating di pag-imik or pagpalag noong inumpisahan nilang gamitin at sakupin ang ilang bahagi ng ating lupa. Pangalawa, kahit tayo’y nagwagi sa pagdulog sa barangay — hindi natin ito pinanindigan, bagkus hinayaan lamang nating manatili ang a­ting pagwawagi sa papel lamang. Totoong umiiwas lamang tayo sa isang marahas na hidwaan o away sa ating kapitbahay na mas malakas sa atin, ngunit tama kaya ang ginawa nating pananahimik lamang? Maaari sana nating kalampagin ang iba nating kapitbahay at mga kaanak o kakampi upang mailahad sa lahat ang pag-iisantabi ng ating kapitbahay sa utos o hatol ng barangay.

Pangatlo, wala na silang respeto sa atin. Totoong pag kaharap sila’y puro pagpupugay ang binibigay nila sa atin — ngunit ang aking tanong lamang ay — mas matimbang ba ang pagpupugay na binibigay ng harap-harapan o ang pambabastos pag tayo’y hindi na kaharap?

Siguro nga inisip ng ating kapitbahay na tayo’y mahina, hindi tayo nagkakaisa. Sabagay, may mga kaibigan tayo o kamag-anak sa lugar na ito na kumakampi pa sa kapitbahay nating bastos. Wala tayong pagkakaisa — maging sa suliraning ito man lamang.

Sa aking palagay, ang kathang-isip na pangyaya­ring ito’y madalas maranasan ng ating mga kababayan sa kani-kanilang lugar o komunidad. Kadalasan, dinadaan sa pananakot o pagsuhol upang makuha ng isang kapitbahay ang gusto nila. Minsan naman, dinadaan na lamang sa tahasang pagnanakaw ng pag-aari ng iba. Kahit kathang-isip lamang ang aking naibahagi sa inyo, siguro naman marami sa ating mga kababayan ang nakakaintindi sa sitwasyong ito.

Ikaw? May sitwasyong ka bang alam kung saan ang isang kapitbahay na kinaibigan mo na, pinagbigyan mo na nung agawin niya ang iyong pag-aari, ay lantarang ninakaw pa ang mga pananim mo sa lupa man o sa dagat?  (@YOUR SERVICE / ATTY. DAVID ROBERT AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

VP LENI ROBREDO, EPEKTIBO O MAHINANG LIDER OPOSISYON?

CHRISTIAN BOMB

NOONG July 2018 ay nagdeklara na si Vice President Leni Robrero na pangungunahan niya ang United Opposition.

Nuong una kasi ay atubili pa si VP Robredo kung pamumunuan niya ang oposisyon dahil binigyan siya ng puwesto sa gobyerno nuon ni Pangulong Duterte bilang housing chairperson.

Pero dumating sa punto na hindi nakatiis si VP Robredo sa mga ma­ling polisiya ng gobyerno, tulad ng human rights violation, EJK (extrajudicial killings) at pambabastos sa kababaihan.

Dahil sa mga isyung ito, hindi napigilan ni VP Robredo na salungatin na ang mga inaakala niyang maling polisiya ng pamahalaan hanggang sa mabatikos na niya ang gobyernong kanyang kinaaaniban.

Hindi ito nagustuhan ni Pangulong Duterte at kanyang mga adviser, kaya’t tinanggal si VP Robredo bilang housing chairperson.

Ayon kay Robredo, maraming grupo ang gustong salungatin ang administrasyong Duterte. Pero dahil hindi nag-uusap-usap, hindi napag-iisa ang kanilang mga boses kaya’t nagpasya siyang pamunuan na ang tinatawag nilang United Opposition.

Mula nang umalis sa Duterte government si VP Robredo ay nagsimula na rin siyang sunud-sunod na batikusin ang mga maling polisiya ng pamahalaan.

At dahil lider na ng oposisyon, obligado si VP Robredo na ikampanya ang mga kandidato ng oposisyon sa pagkasenador at mga lokal na posisyon, upang tapatan ang kampanyang ginagawa ng mag-amang Pangulong Duterte at Presidential daughter Sara Duterte para naman sa mga kandidato ng administrasyon.

Sa mga survey, la­ging lamang ang mga kandidato ng administrasyon, pero sa mock polls, lamang naman ang mga kandidato ng oposisyon.

Sa Mayo 13, 2019 malalaman ng publiko kung sino sa mga kandidato ng oposisyon at administrasyon ang magwawagi sa halalan.

Diyan malalaman ng mamamayan, kung epektibong lider ng oposisyon si VP Robredo. Kapag nanalo ang kanyang mga kandidato, epektibo, pero kapag natalo, ibig sabihin niyan, mahinang klase siyang lider-oposisyon. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

WALISIN ANG MGA DAYUHANG NEGOSYANTE SA PHILIPPINE MEDIA COMPANIES

BAKBAKAN NATIN

TAHASANG tutol ako sa anomang porma ng pakikialam at panghihimasok ng mga dayuhan sa ating mahal na Pilipinas.

At hanggang ngayong propesor at mamamahayag na ako ay pinanghahawakan ko pa rin ang pani-nindigan kong ito na nagsimula noong second year college ako sa Lyceum of the Philippines, sapagkat labis akong naniniwala na saanmang anggulo tignan ay mali na makialam at manghimasok ang mga dayuhang bansa sa mga kaganapang pampolitika, pangpamahalaan, pang-ekonomiya, panlipunan at iba pa ng Pilipinas.

Bilang mamamaha-yag at makabayang Pilipino, tungkulin ko na labanan at makibaka laban sa pakikialam ng mga dayuhan sa ating bansa, kasama na ang pamumuhunan ng mga dayuhang negosyante sa mga kompanya sa media rito sa ating bansa.

Ang media (pahayagan, telebisyon, radyo o iba pang porma nito) sa kabuuan ay institusyon sa isang lipunan.

Kung walang media, walang malayang boses ang mamamayan.

Kung walang media, hindi maisisiwalat ang walang tigil na pagpapayaman ng mga opisyal ng pamahalaan, sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiwali at korap na mga aksyon.

Hindi rin malalaman ng mamamayan ang samu’t saring kabuktutan, kapalpakan, kamalian, kababuyan, iligalidad at iba pang kasamaan sa isang lipunan.

Kaya, napakahalaga ng media, sapagkat mayroon itong natatanging papel, tungkulin at obligasyon na dapat gampanan sa isang bansa, lipunan at mamamayan.

Kabilang sa papel, tungkulin at obligasyon ng mga mamamahayag sa Philippine media ay isiwalat, labanan at tapusin ang walang tigil na pakikialam at panghihimasok ng mga dayuhang bansa sa anomang kaganapan sa ­ating bansa.

Ang masama ay hindi na nga nagagampanan ang nasabing papel, tungkulin at obligasyon ng iilang Pilipinong mamamahayag, pinayagan pa nilang mamuhunan ang mga dayuhang negosyante sa kanilang kompanya.

Mayroong mga solidong katibayang magdidiin sa Rappler, Vera Files, Philippine Center for ­Investigative ­Journalism (PCIJ) at Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) na nagsasabing namuhunan at pinondohan ng mga dayuhang ­negosyante ang mga nasabing kompanya.

Ayon sa ilang kolum ni Rigoberto “Bobby” Tiglao sa isang broadsheet, hiningan niya ng ­paliwanag o reaksyon ang Rappler, Vera Files, PCIJ at CMFR hinggil sa pamumuhunan at pagbibigay ng pondo ng ilang dayuhang kompanya sa kanila, ngunit hindi sumagot ang pamunuan ng apat na mga kompanya.

Nakababahala ang pananahimik ng ­pamunuan ng Rappler, Vera Files, PCIJ at CMFR, sapagkat ipinakikitang hindi nila ­kayang komprontahin, diretsahin at patunayang “mali at walang katotohanan” ang mga isiniwalat ni Tiglao sa publiko laban sa kanila.

Noong nagsisimula ako sa pagiging mamamahayag noong huling bahagi ng 1994, isa sa mga itinuro sa akin ng aking mga editor at senior reporter ay kunin ang reaksyon ng mga tao at organisasyong binibira sa bawat istoryang susulatin ko, lalo na kung ang nilalaman ng balita tungkol sa kanilang katiwalian at korapsyon.

Nakaangkla rito ang nasabing reaksyon o paha-yag sa “patas na pamamahayag.”

Ngunit, nakapagtataka namang hindi nagsalita at naglinaw sina Maria Ressa ng Rappler, Ellen Tordesillas ng Vera Files, Howie Severino at Malou Mangahas ng PCIJ at Melinda de Jesus ng CMFR.

Isa sa mahahalagang probisyon ng Konstitu-syon ng Pilipinas ay dapat 100 porsiyentong pag-aari ng mga negosyanteng Pilipino ang kompanya ng media.

Ibig sabihin nito, kahit isang porsiyento ay hindi dapat makapagpasok ng puhunan ang mga dayuhang negosyante sa anomang paraan at porma.

Sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day nitong Mayo 3, idiniin ng National Press Club (NPC) ang kahalagahan ng “malayang pamamahayag.”

Kaakibat ng mala-yang pamamahayag ay ang pagtitiyak na “malaya” mula sa dayuhang pag-aari at kontrol ang mga kompanya ng media na kumikilos at nagnenegosyo sa Pilipinas.

Hayaan n’yong ilatag ko rito ang mga napakahalagang pahayag ng NPC hinggil sa naturang isyu upang inyong mabasa: “For how does one defend the fact that while these groups, collectively and individually, fatten themselves from the millions of pesos they regularly receive as paid partners of foreign interests, thousands more — the rest of us — remain mired in ­poverty and financial difficulties as we daily fulfill our obligations and responsibilities as journalists.”

“Philippine media is now in deep crisis because, some in our midst—unfortunately those who styled themselves as God’s gift to our profession—have wittingly and knowingly committed the worst form of corruption when they started accepting what amounts to as bribe money from foreign interests.

“In exchange for money, they have bastar-dized the practice of our profession thru their distorted and one-sided ­presentation of “facts” …on a host of issues on a daily basis. The result is a people divided, a government unable to focus on its job of good governance and a profession— our profession— fast losing its credibility and standing as a pillar of our democracy.

“And so, as we join in the celebration of the World Press Freedom Day, we call on all self-respecting members of the Philippine media not to lose hope. Let us turn this adversity into opportunity!

“Rally behind the National Press Club! ­Together, we shall be able to cast away these foreign puppets in our midst who have greatly damaged the name and prestige of the media profession in our country!

“MABUHAY ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG!” (BAKBAKAN NATIN / Nelson Badilla)

Please follow and like us:
Read More

FAILURE ISN’T FINAL

PINOY ABROAD

ANG tatalakayin ko ngayon para sa inyo aking mga kababayan, dito sa abroad at diyan sa Pilipinas ay mula sa aklat ng Kawikaan o Proverbs.

“For a righteous man may fail seven times and rise again, but the wicked shall fall by calamity.” (Proverbs 24:16)

Sa Biblia  ay mara-ming bayani, subalit si Jesus lang ang perpekto. Lahat ng mga santo sa biblical records ay nakagawa ng mali, nabigo at nagkasala.

Moses lost his temper. Noah got drunk. Si Abraham lied about Sarah. David created scandal. Jonah ran away. Peter denied Christ. Elijah fell into depression. Paul did what he hate to do and many more.

Sa punto ng buhay-ispiritwal, we mustn’t tolerate spiritual failure in our lives para ang biyaya sa atin ay lalong lumaganap. But on the other hand, kung tayo ay nabigo, nagkasala o nagkamali, hindi naman tayo dapat sumuko o mag-give-up.

Kung tayo ay maligaw, nariyan ang Diyos.“He will not leave us nor forsake us.” God is merciful and kind. He is patient and full of love. He knows how to draw us back, and Helps us to repent and grow from the experience.

Wika nga sa 2 Timothy 2:13, “Kung tayo’y hindi mga tapat, siya’y nananatiling tapat; sapagka’t hindi makapagkakaila sa kanyang sarili.”

Sa secular world, halos lahat ay nakaranas na ng kabiguan sa iba’t ibang larangan. Maging ang mga taong nagtagumpay sa buhay ay may mga pinagdaanan ding kabiguan.

Subalit hindi ‘yun ang katapusan ng buhay.

Diyos lang ang ­tanging makapagsasabi nang ating katapusan.

At tulad ng laging paalala ng naging prime minister ng England na si Winston Churchill, ­“Never, never, never, ­never give up!”

Si dating pangulong Abraham Lincoln ng America ay nakaranas din ng failure sa negosyo at sa politika.

Tumakbo siyang kongresista at senador at parehong natalo. Pero nahalal siyang pangulo at ­itinuturing na one of the best presidents in America.

Si Elvis Presley naman ay well-known singer noong dekada 60 pero alam n’yo bang ang kanyang unang recordings ay hindi rin bumenta.

Kasabihan nga nating mga Pinoy, ”habang may buhay, may pag-asa.”

Don’t give up, your miracle is on it’s way! ­Obstacles are out there. They are meant to overcome. (givalencia777@gmail.com) (PINOY ABROAD / Guiller Valencia)

Please follow and like us:
Read More