“COMMUNITY QUARANTINE” SA NCR: MANGYARING SUMUNOD SA MGA AWTORIDAD

f

NAKIKIUSAP tayo sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Rizal na makipagtulungan tayo sa mga hakbang ng ­gobyerno at sumunod tayo sa mga patakaran kaugnay sa ­ipinaiiral na “community quarantine” sa Metro Manila simula kahapon ­(Marso 15) hanggang Abril 14. Hindi lingid sa ating kaalaman na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kung kaya sinasang-ayunan natin ang naging hakbang ng inter-agency task force na gawin ang nararapat upang hindi na lumala pa ang sitwasyon at mas ­lumaganap ang COVID-19 sa mga karatig lalawigan. Batay sa resolusyon ng…

Read More

REPRODUCTIVE RIGHTS PALAKASIN, PANGANGANAK SA BAHAY PAGTIBAYIN

f

DAHIL ang buwan ng Marso ay idineklarang Women’s Month at ang March 8 (kahapon) ay kinikilalang International Women’s Day, isang magandang balita ang nais na iparating ng inyong lingkod sa mga kababaihan lalong lalo na ang mga magiging nanay o sa mga babaeng buntis. Isinusulong po ng inyong congressman mula sa 2nd District ng Rizal ang Reproductive Rights para sa mga kababaihang nagdadalang-tao na isilang ang kanilang anak sa lugar kung saan nila nais at kung saan sila kumportable. Kamakailan ay inihain natin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House…

Read More

ANG TUBIG AY BUHAY

KAAA BOOM

WATER is life! sabi ng mga millennial. Oo naman dahil hindi tayo mabubuhay kung walang tubig sa ating katawan. Bukod diyan, napakahalaga rin ng tubig sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. ‘Yan ang dahilan kaya ganun na lang ang malasakit ng Lolo Digong ko para masiguro na may maayos na serbisyo ng tubig ang bawat tahanang Filipino. Pero sadya atang ina­alat tayong mga Pinoy. Noong araw ay sa mga poso o water pumps at water stor-age tayo umaasa para magkaroon ng tubig. Iyan ay dahil na rin sa kabiguan ng gobyerno…

Read More

BAD NEWS NA PAMBAGONG TAON NG GOBYERNO SA TAUMBAYAN

CHRISTIAN BOMB

MAY bad news sa pagpasok ng year 2020 at ito ay ang taas pres­yo sa mga produktong petrolyo. Sa bisperas pa ng Bagong Taon, sasalubungin ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga konsumer, dahil sa Martes, Disyembre 31, madarag­dagan ang singil sa kada litro ng gasolina ng P0.80-P0.95/litro, P0.40-P0.50/litro sa diesel, at P0.30-P0.40/litro sa kero­sene. Bukod diyan, nakaamba rin ang taas-pres­yo sa LPG na magsisimula sa Enero 1. Tinatayang P7 hanggang P8 ang itataas ng kada kilo ng LPG o dagdag na P77 hanggang P88 sa 11-kilong tangke. Sabi…

Read More

PAALAM 2019

BOMBA KA DAY

PAGSAPIT ng alas-12 ng hatinggabi bukas, tuluyan nang titiklop ang huling pahina ng kalendaryo ng 2019. Hindi itataboy kundi lalapatan lang ng bago. 2020 na. Ang taon ng metal rat ayon sa Chinese zodiac. Kapag bago, asahan ang preskong panimula na hatid ng kinakapitang pag-asa. May iba’t ibang tra­disyon ang mga tao sa pagpasok ng bagong taon. Madagundong ang pa­­putok upang itaboy ang malas, naghahanda ng malalagkit na pagkain para dumikit ang swerte at iba pa na ang tinutumbok ay maalwang pamumuhay, mabuting kalusugan at ma-gandang samahan at relasyon. Gaano…

Read More

PAG-ASA

PINOY ABROAD

“BAGAMAN ako’y ­patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayonma’y aking aalalayan ang ­aking mga lakad sa harap niya.” (Job 13:15)   HINDI laging mangyayari ang gusto natin sa buhay. Kung minsan, sa halip na ang mga pagpapalang ipinangako, nakikita natin ang mga problema. Kung minsan, sa halip na ang mga tagumpay na ginarantiyahan, nakikita natin ang pagkatalo. Ano ang dapat gawin ng isang mananampalataya sa gayong mga kalagayan? Dapat na ba tayong mag-give up? Dapat na tayong tumigil sa tungkulin na itinawag sa atin dahil sa karanasan natin sa pagkakataong…

Read More

SOBRANG TINDI NAMAN NI SPEAKER CAYETANO

BAKBAKAN NATIN

NAGDESISYON si Speaker Alan Peter Cayetano na mamahagi ng P150,000 Christmas bonus sa bawat regular na kawani ng Kamara de Representantes. Ganyan kalaking ­halaga ang ibinigay ni Cayetano sa mga kawani ng Kamara upang tiyaking mas mataas ang Christmas bonus na kanyang ipinamigay kumpara noong si Gloria Macapagal-Arroyo ang pinuno ng mababang kapulungan ng Kongreso. Umabot sa P110,000 ang ipinamahagi noon ni Arroyo. Siyempre, tuwang-tuwa ang mga empleyado ng mababang kapulungan noong panahon ni Arroyo. Masayang-masaya rin sila ngayong panahon ni Cayetano. Kaso, maraming ­nagreklamo, sapagkat ang totoong natanggap nila…

Read More

NAG-AMOK NA SEKYU  SA DPWH, TATLO PATAY

PASABOG

ISANG malaking dagok sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nangyaring patayan sa loob ng parking area bago ang Kapaskuhan dahil ayon sa history ng DPWH, ito ang kauna-unahang insidente na tatlo ang  namatay on the spot sa bakuran ng ahensiyang ito. Bakit kanyo? Ibig sabihin, walang binatbat o inutil ang namumuno ng security services, na siyang may hawak ng Cata­lina at Bisang Pass security agency na nakabantay sa mga exit at entry ng DPWH. Para sa kaalaman ng avid readers ng kulom na ito, itong…

Read More

RALI VS CPP-NPA-NDF

BOMBAHAN NA FINAL

KAKAIBA ang nangyari ngayong taon sa nakaraang mga taon ng anibersaryo ng Communist Party  of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF). Nitong nakaraang Huwebes (Dec. 26) ay nagkaroon ng nationwide protest ang iba’t ibang grupo laban sa CPP- NPA-NDF. Ang ipinoprotesta ng iba’t ibang grupo ay hindi magandang karanasan ng kanilang mga anak, kapatid at kamag-anak  sa kamay ng CPP-NPA-NDF. Sabi nga ng mga magulang na nakausap ng silipero ng ‘BOMBAHAN NA’, ang kanilang mga anak na nadoktrinahan ng CPP-NPA-NDF habang nag-aaral sa universities at colleges…

Read More

KUNG MAY DELICADEZA SI USEC. VILLAR DAPAT MAG-RESIGN NA SIYA SA DOJ

CHRISTIAN BOMB

NABISTO, na si Justice Usec. Emmeline Aglipay-Villar, misis ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Mark Villar ang isa sa mga nag-review sa water concession contract ng mga nakaraang administrasyong Ramos at Arroyo sa Manila Water at Maynilad. Ang gobyerno ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang unang pumasok sa kasunduan na ang kontrata sa pamamahala ng Manila Water at Maynilad sa Metro Manila, Cavite at Rizal ay mapapaso sa taong 2022 at sa panahon ng dating gobyerno ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ay in-extend ang kontrata ng hanggang taong…

Read More

GISAHIN SINA SY JR. AT COYIUTO JR. SA KONGRESO HINGGIL SA NGCP

BAKBAKAN NATIN

NGAYONG mayroon tayong matapang at may ‘bayag’ na pangulo ng bansa laban sa mga oligarko mula nang mawala sa Malakanyang si Ferdinand Marcos Sr. noong Pebrero 1986, nararapat lamang na busisiin at imbestigahan nang husto ng mga kasapi ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kontrobersiya tungkol sa pagiging kasosyo ng kumpanya o consortium na mayroong kontrol sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mismong pamahalaan ng People’s Republic of China. Magandang pagkakataon itong hindi dapat palampasin ng mga senador at kongresista kumpara sa panahon nina Corazon Aquino, Fidel…

Read More

AMBULANCE FOR RENT, HEALTH CENTER AT IBA PA…

KAAA BOOM

ANO itong nakarating sa atin na sumbong na nagmimistulang ang ambulansiya sa Angono Government ay pinarerentahan? Ganun? Bakit? Ang siste raw kasi kung wala kang wala kang pera ay hindi ka makasasakay sa ambulansiya…Why? Kasi kailangan daw na may pang-gas ang isang pasyente bago sila maitakbo sa ospital na nais nilang pagdalhan sa kanila. Anong nagyari? Bakit ang mismong pasyente ang magbabayad? Paano kung walang pang gas ang mga ito? Mamamatay na lang at hindi nito itatakbo? Hindi lamang pala pang-gas ang problema ng mga nais na magpatakbo sa mga…

Read More

PAGKATAPOS NG TIGIL-PUTUKAN, SANA USAPANG-PANGKAPAYAPAAN NAMAN

CHRISTIAN BOMB

SA joint statement na nilagdaan sa Utrecht, Netherlands, nagkasundo ang gobyernong Duterte at National Democratic Front-Communist Party of the Philippines (NDF-CPP) na magpairal ng tigil-putukan sa panahon ng Kapaskuhan hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon. Magandang balita iyan para sa sambayanang Pilipino upang maging payapa ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa bansa. Ngayon may deklarasyong tigil-putukan ang pamahalaan at NDF-CPP, sana ang kasunod nito ay pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan. Natigil ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF-CPP dahil sa alegasyon na pagsalakay ng militar sa kampo…

Read More

HUMINGI

PINOY ABROAD

MAGSIHINGI kayo at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan: Sapagka’t ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. Mateo 7:7-8. Likas na sa tao na madaling sumuko. May sawikain na, “kung sa una mong tangka ay hindi ka nagtagumpay, huwag kailanman subukang muli.” Ang ating mga talata ngayon, ay ituro ang kabaligtaran na mga aralin. Pagdating sa paghiling ng mga bagay na kailangan natin sa Diyos, dapat tayong maging masigasig. Sa Lukas 11:5-8, ang istorya ng kaibigan…

Read More

MAYROON NA NAMANG PUGAD NG ECSTACY SA MAKATI

BAKBAKAN NATIN

HINDI bawal ang entertainment business sa Lungsod ng Makati, sapagkat kung bawal ay matagal nang patay ang Bistro RJ ni Presidential Adviser on Economic Affairs Ramon Jacinto. Ang totoo, isa sa nagbibigay-liwanag at kasiyahan tuwing gabi sa Makati ang entertainment industry. Ang masama rito ay mayroong mga establisimiyentong umaabot sa ilegal na droga ang nakapapasok sa kanila tulad ng isang club na dating nahulihan ng mga ope­ratiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sa pangunguna ng dating hepe nito na si Major General Guillermo Lorenzo Eleazar, ng ilegal na…

Read More

DESISYON NG KORTE SA MAGUINDANAO MASSACRE

BOMBAHAN NA FINAL

MAKALIPAS ang 10 taon na paglilitis sa sala ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa kasong Maguindanao Massacre, nadesisyunan na ito noong Disyembre 19. Guilty ang hatol ng korte sa pangunahing mga suspek na sina Andal Ampatuan Sr. (pumanaw na); Andal Ampatuan, Jr.; Zaldy Ampatuan at iba pa. Marami rin namang naabswelto sa mga kamag-anak ng Ampatuan na idinadawit sa maramihang pagpatay, at ilang mga awtoridad. Malayo pa ang lalakbayin ng kasong ito dahil pwede pang umabot ng Court of Appeals at ang huli ay sa Korte Suprema. Dito…

Read More

PINAKONG KASAL

yourservice

PINANGAKUAN ka na ba ng kasal? May kaibigan ka ba o ‘di kaya’y kamag-anak na pinangakuan ng kasal? Isang pangakong napako na lamang at iniwan kang luhaan? Ngunit ang mas magandang tanong — may mahahabol ba tayo sa taong nangako ng kasal sa ilalim ng batas? Ang sitwasyong ito’y hindi na bago sa a­ting lipunan. Sa totoo lang, laganap ang pangyayaring ito — may maririnig o mababalitaan tayong isang babae na pinangakuan ng isang lalaki ng kasal — pangakong napako — at bigla na lamang naglaho ang nangako. Paano ngayon…

Read More

OTS SA NAIA MGA WALANG MODO

PASABOG

I AM not saying, na lahat ng mga taga Office Transportation Security (OTS) na naka-assign sa mga paliparan ay mga dispalinghado but base on my experience, every now and then, karamihan sa mga ito ay walang modo. Or lumilihis sa ipinag-uutos ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ni MIAA General Manager Ed Monreal, na ipatupad ang makataong pakikitungo partikular na sa mga pasahero at maging sa airport users. Meaning, porket tinagurian kayong front liner ng airport magagawa n’yo na ang lahat kahit hindi maganda sa paningin ng taong…

Read More

CRIMINAL JUSTICE SYSTEM BAGUHIN, ‘ONE DAY TRIAL’ SA HEINOUS CRIME IPAIRAL NA

CHRISTIAN BOMB

MAKALIPAS ang sampung taon, nakamit din ang hustisya ng 58 kataong biktima sa Maguindanao Massacre, na karamihan sa mga pinatay ay mga journalist at kababaihan. Hinatulang guilty ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes na may parusang habambuhay na pagkakakulong ang magkakapatid na Ampatuan na nasa likod ng krimen noong Nobyembre 23, 2009. Ganito ang justice system sa ating bansa, kapag mayayamang politiko ang gumawa ng kasalanan ay umaabot ng dekada bago mapatunayang nagkasala. Pero ang mahihirap, kapag nakagawa ng krimen ay simbilis ng kidlat kung hatulan ng…

Read More

‘PAMILYA VILLAR KONTROLADO ANG 63 ‘WATER DISTRICTS’ SA BANSA

BAKBAKAN NATIN

MAGLINAW muna tayo, hindi pinababagsak ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi iwinawasto lamang niya ang pagiging ganid sa tubo ng dalawang oligarko (Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.) sa negosyong distribyusyon ng tubig sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. Ang pangulo na totoo at tanging nagpabagsak sa oligarkong pamilya Lopez ay ang namayapang Pangulong Ferdinand E. Marcos. Naganap ito noong 1973 nang magpasya si Marcos na kunin ng pamahalaan ang Manila Electric Company (Meralco) mula sa pag-aari, kontrol at pamamahala ng pamilya Lopez. Hindi nagdalawang-isip si…

Read More

PANIBAGONG E-MAIL SA ‘BOMBAHAN NA’ SA PAUPAHAN

BOMBAHAN NA FINAL

MULI po na­ting bigyan ng espasyo ang e-mail sa ‘BOMBAHAN NA’ kaugnay sa isinulat natin hinggil sa paupahan. Greetings Sir Joel! Ako po ay nagse-search sa internet ng kasagutan tungkol sa isang bagay patungkol sa pagpapaupa/pangungupahan nang matagpuan ko ang inyong article sa nabanggit na subject ng e-mail na ito. Nabasa ko po nang buo ang article pati na rin ‘yun mga batas na ukol dito. May isa lamang po akong tanong tungkol sa “deposit at advance” payment. Iyon po bang “advance” from the term itself, ay nangangahulugan na mula…

Read More

STYLE NG MAYNILAD, MANILA WATER BULOK

NIPIS

SABI ng dalawang concessionaires ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ay nakakaranas sila nang pagkalugi. Aba, noon pa mang hindi nakikita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panloloko ng  Maynilad at Manila Water sa mamamayan at pamahalaan ay sinasabi na ng mga ito na nalulugi sila kaya’t panay na panay ang pasa nila sa balikat ng gob­yerno  lalo na sa bulsa ng mamamayan sa mga gastusin na dapat ay sila ang bumabalikat. O, hindi ba’t kakaiba ang style ng Maynilad at Manila Water? Aba’y kumikita na ng bilyon-bilyong piso dahil…

Read More

TAMA SI PRES. DUTERTE NA SILIPIN DIN ANG KONTRATA SA IBANG KUMPANYA

CHRISTIAN BOMB

IISA-ISAHIN na raw ni Pangulong Rodrigo Duterte na silipin ang mga napasok na kontrata ng gob­yerno na may kinalaman sa pang-araw-araw na pangangailangan ng taumbayan, at kabilang sa aalamin ng Presidente kung talo o hindi ang mamamayan sa serbisyo sa kuryente ng Meralco. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, matapos na mabisto ni Pres. Duterte na talo ang mamamayan sa pinasok na kontrata ng gobyerno ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Manila Water ng mga Ayala at Maynilad ni Manny V. Lopez noong 1997. Sa kontrata ng…

Read More

TUBIG, TUBIG

yourservice

LUMALALA ang usapin at away tungkol sa kung ano ang magandang gawin sa suliranin ng ating distribyusyon ng tubig sa Kamaynilaan. Nag-umpisa ang lahat nang mabalitaan na­ting nagbaba ng hatol ang Arbitral Tribunal na pagbayarin ang ating pamahalaan ng higit sampung bilyon bilang danyos sa dalawang concessionnaire ng tubig, ang Maynilad at Manila Water, na ikinagalit naman ng ating Pangulo. Ayon sa balita, hindi babayaran ng pamahalaan ang sinasabing halaga at sa halip ay pinarebisa ng ating pangulo sa Department of Justice at sa Office of the Solicitor General ang…

Read More