BUHAY IPINAGPALIT SA BAG BABAENG LUMABAN SA SNATCHER, PATAY

CEBU City – Nagbuwis ng buhay ang isang babae habang sugatan ng kaibigan nito matapos makipagtigasan sa mga isnatser na riding in tandem at hindi binitawan ang bag dahilan para makaladkad sa kalsada, iniulat nitong Huwbes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang namatay na si Jennifer Vallespin, nasa hustong gulang, habang sugatan ang kaibigan nitong si Anin Manatad Dequita, at kapwa taga Mandaue Cebu. Batay sa report ng Mandaue City Police Station 2, namamasyal ang mga biktima sa mall nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na…

Read More

P6.9-M SHABU NASABAT SA LADY COURIER

NAKUMPISKA ang mahigit isang kilo ng umano’y shabu, tinatayang P6.9 milyon ang halaga, sa isang babaeng hinihinalang courier ng ilegal na droga, makaraang ikanta ng tatlong lalaking unang natimbog sa Sta. Cruz, Manila, iniulat ng pulisya kahapon. Unang naaresto sa buy-bust operation sina King Carl Ferrer y Darguan, alyas “Boss”, ng 471 Soler St., Binondo; John Christopher Tayao y Yumol, 32, ng 2021 Yakal St., Sta. Cruz, at Wilson Tan y Pascual, 26, ng 1326 Alvarez St., Sta. Cruz. Ang tatlo ay natimbog sa buy-bust operation sa panulukan ng Ipil St., at…

Read More

SUSPEK SA RAPE-SLAY SA BATANG PWD 63-ANYOS NANLABAN PATAY

RAPE-7

QUEZON – Patay ang isang lalaking suspek sa paghalay at pagpatay sa isang batang babaeng may kapansanan, matapos umanong manlaban sa aarestong mga pulis sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ng Tagkawayan police ang napatay na suspek na si Mauro Gravamen Cargar, 63-anyos, residente ng Barangay  Ilayang Alsam, Tayabas. Si Cargar ang suspek sa rape-slay sa batang si Kaycee Sabornido Oabel, 10-anyos, residente ng Barangay Ilayang Alsam. Batay sa report, ang suspek ay aarestuhin ng mga tauhan ng Tagkawayan police  sa pinagtataguan nitong kubo …

Read More

SHABU, ECSTASY IBINEBENTA ONLINE EX-FHM MODEL HULI SA DROGA

shabu

ARESTADO ang isang dating modelo ng FHM sa buy-bust operation nang pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency noong Miyerkoles ng hapon. Ang suspek na si Charlene Midel Mecayer alyas “Cindy”, 24, single, at residente ng Phase 9, Brgy. Sta. Ana ng nasabing bayan, ay nadakip sa ikinasang anti-drug operation  sa Greenwood Executive Village ng nabanggit na Barangay bandang alas-4:30 ng hapon. Inaresto ang suspek matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang mga operatiba ng Taytay MPS, sa…

Read More

MALASAKIT HATID NI NOGRALES

MALAYONG BARANGAY SA MONTALBAN NAABOT NG AYUDA GINUGOL ni Rizal, 2nd District Rep. Fidel Nograles ang araw ng Martes sa pamimigay ng ayuda sa isa sa pinakamalayong barangay sa bayan ng Montalban. Kung ang iba ay ipinagdiriwang ang nakagawiang selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA People Power tuwing sumasapit ang Pebrero 25, si Rep. Nograles naman ay ipinadama sa kanyang mga kababayan ang tunay na malasakit. Tinungo ng grupo ni Cong. Nograles ang Brgy. Puray sa bulubunduking bahagi ng Montalban, Rizal para maipamahagi ang sampung (10) bisekleta para sa Barangay Health…

Read More

LIDER NG GUN FOR HIRE, 2 PA TIMBOG SA CAVITE

CAVITE – Nasamsam ang iba’t ibang klase ng baril, bala at Identification Cards matapos madakip ang lider ng Edrina group at dalawang kasama nito sa Imus City sa lalawigang ito. Nakakulong ngayon sa Imus City Custodial Center ang mga suspek na sina Ronilo Edrina, Renadro Rabino at Romeo Fernandez, pawang nasa hustong edad, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Cynthia Marino-Ricablanca, Executive Judge ng RTC Branch 27 ng Sta. Cruz, Laguna. Ayon sa ulat, nagsagawa ng Oplan Paglalansag Omega at Salikop ang pinagsamang puwersa ng Criminal…

Read More

PARA BALIKAN NG KA-LIVE-IN, LOVER BOY PUMATAY NG KAANAK

KORONADAL City – Sa ngalan ng pag-ibig, pinatay ng isang isang lalaki ang mag-asawang kanyang kaanak, iniulat nitong Martes ng umaga sa lungsod na ito. Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Paul John Membrado, 19-anyos, obrero at residente ng Prk. Maligaya, Brgy. Magsaysay, Koronadal City. Habang kinilala naman ang mag-asawang pinatay na sina Arturo Aquino, 68, isang retiradong opisyal ng Philippine Army, Erlinda, 75, retired midwife, at kapwa residente sa nasabing lugar. Batay sa report ng Koronadal PNP, nadakip ang suspek nitong Lunes ng gabi sa isinagawang follow-up operation sa…

Read More

3 MANYAK NALAMBAT

BULACAN -Tatlong hinihinalang manyakis ang magkakasunod na nadakip sa police response ng Bulacan PNP katuwang ang mga barangay tanod makaraaang ireklamo ng kasong act of lasciviousness sa mga menor de edad sa mga bayan ng Baliwag, San Ildefonso at San Jose del Monte City lalawigang ito, nitong Lunes. Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Police Director ng Bulacan PNP, kinilala ang mga arestado na sina Richard Gasparillo y Cuyo ng Barangay Concepcion, Baliwag; Justine Pastrana y Maningas ng Barangay Alagao, San Ildefonso, at Jobert Zaragoza y Gordo…

Read More

SPA SA MAKATI P3-K ANG ‘SEX FEE’

13 BABAE NASAGIP SA RAID NAHULI sa akto ang isang therapist na magsasagawa ng ‘sexual extra service’ habang nasagip ang 13 iba pa sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa isang spa sa Brgy. Poblacion, Makati City, nitong Martes ng madaling araw Sa pagitan ng ala-una at alas-tres ng madaling araw, maingat na isinagawa ng mga tauhan ng Makati SIDMS, sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines Jr. at ng Women and Children’s Protection Section, sa pangunguna ni P/Lt. Mylene Juan, ang rescue operation sa mga massage therapist sa SPA…

Read More

6 DRUG SUSPECTS SUMUKO 

MAGUINDANAO – Sumuko sa mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Rajah Buayan sa lalawigang ito, ang anim na drug personalities nitong Lunes. Kasamang isinuko ng anim na mga suspek na pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan para sa kanilang seguridad, ang limang malalakas na kalibre ng armas. Ang anim na mga suspek na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa Central Mindanao, ay boluntaryong sumuko matapos mahikayat ni Lt. Col. Elmer M. Boongaling, commanding officer ng 33IB at PNP Maguindanao. Sa isang simpleng seremonya,…

Read More

COUPLE NA IBA’T IBA ANG GAMIT NA PANGALAN PINAGBABARIL

DOUBLE MURDER SA APARTMENT CAVITE – Tinadtad ng bala ng hindi kilalang mga suspek ang mag-live-in partner sa inuupahan nilang apartment sa Brgy. Santol sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Lunes ng hapon. Dead on the spot ang mga biktimang kinilalang sina Amante Ronquillo at Ma. Jesusa Torcuator, kapwa 48-anyos, dahil sa dami ng mga tama ng bala sa kanilang katawan. Ayon kay Cavite Provincial Police Office (PPO) director, P/Col. Marlon Santos, nangyari ang insidente dakong alas -2:30 ng hapon sa nabanggit na lugar. Bigla umanong dumating ang armadong…

Read More

TUMAWID SA HIGHWAY NA-HIT AND RUN

DAVAO City – Bali-bali ang buto ng isang kusinero matapos salpukin ng isang sasakyan habang tumawid sa Davao-Cotabato national highway sa Sitio Goma, Brgy. Zone IV, sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan ng Davao del Sur, dakong alas-9:25 nitong Lunes ng gabi. Sa ulat ng Traffic Section ng Sta. Cruz Municipal Police Station, kinilala ang biktimang si Jerry Ipal, 46, may-asawa, kusinero ng GSL Premium Food Export Corporation at residente sa lugar. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid ang biktima sa kalsada nang biglang sumalpok sa kanya ang isang…

Read More

SUSPEK NA HOLDAPER NA KARNAPER PA NALAMBAT

11-ANYOS HINOLDAP ARESTADO ang isang lalaki dahil sa ibinibentang nakaw na motorsiklo, nakumpiskahan ng umano’y shabu at nangholdap ng isang 11-anyos na batang babae sa Valenzuela City, noong Lunes ng tanghali. Nahaharap sa kasong robbery holdup in relation to RA 7610 (child abuse), paglabag sa RA 6539 (Anti-Carnapping Act of 1972) BP 6 (illegal possession of bladed weapon) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang arestadong suspek na kinilalang si Enrique Beranio Jr., 29, ng NPC Sukaban, Bagbaguin, Caloocan City. Sa report ni P/Cpl. Christoper Quiao sa…

Read More

TULAK TIKLO SA P.3-M SHABU

ARESTADO ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang drug buy-bust operationg mga pulis sa Malabon City, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief, P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Allan Varga, 33, ng #276 Morong St., Maypajo, Brgy. 30, Caloocan City. Batay sa ulat, bandang alas-3:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col.…

Read More

2 GRADE 10 STUDENT PATAY SA TRUCK

ISABELA – Patay ang dalawang Grade 10 student na binatilyo makaraang salpukin ng dump truck habang sakay ng kolong-kolong, iniulat nitong Martes sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sina Hanz Charlie Viado at Jhonrence Esquivel, kapwa 16-anyos, at residente ng Rizal, Roxas, Isabela. Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng dumptruck na kinilalang si Danilo Anog, 49-anyos at residente ng Sinamar, Roxas, Isabela. Batay sa report ng Roxas Police Station, nangyari ang insidente sa San Placido, Roxas, Isabela. Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Viado ang kolong-kolong sakay…

Read More

IRR NG FREE LEGAL ASSISTANCE LAW ILABAS SC, BIR KINALAMPAG NI NOGRALES

KINALAMPAG ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at maging ang Korte Suprema dahil sampung taon na simula nang maging batas ang Republic Act (RA) 9999 o Free Legal Assistance, ay wala pang inilalabas na Implementing Rules and Regulations (IRR). Sa kanyang privilege speech sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Nograles na napakaganda ng nasabing batas para matulungan ng mga private lawyer ang mahihirap na mamamayan na may kinakaharap na kaso sa korte ngunit hindi naiimplementa dahil sa kawalan ng IRR. “Ten years ago, Congress passed…

Read More

LALAKI NIRATRAT SA BAHAY, PATAY

crimebaril1

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang mga suspek sa harap mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong  Biyernes ng umaga. Kinilala ng Sariaya police ang biktimang si Roberto Sabinosa,  59-anyos. Batay sa report ng pulisya, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay sa Lucky Homes subdivision sa Barangay Sto. Cristo nang pagbabarilin ng mga suspek dakong alas-7:30 ng umaga. Sakay ang mga suspek ng isang ‘di natukoy na sasakyan na biglang tumigil sa harap ng bahay…

Read More

POLICEWOMAN NAGLAKO NG SHABU ARESTADO

shabucop

DAVAO City – Posibleng masibak sa trabaho ang isang policewoman makaraang maaktuhang nagbebenta ng umano’y shabu sa operasyon ng mga awtoridad dakong alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes. Ayon kay Major Milgrace Driz, CIDG-XI deputy chief, dalawang buwan nilang isinailalim sa surveillance operation ang suspek na si Senior Master Sergeant Sheila Bande, 43, dalaga, residente ng Victoria Valley, Tigatto nitong lungsod. Si Bande, nakadestino sa satellite office ng Philippine Bomb Data Center sa lungsod, ay nadakip sa kanyang bahay ng pinagsanib na pwersa ng Davao City Police Office, CIDG Davao City…

Read More

NAKURYENTENG MISIS ISINALBA, MISTER PATAY 

NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na lalaki makaraang isalba ang nakuryente niyang asawa habang tinatanggal sa pagkakasakal ang asong nakatali sa poste ng barangay street light sa Dasmariñas City sa lalawigang ito. Kapwa isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang mag-asawang sina Joselito Cabanas Jr. at Katlin Santos, 31, kapwa residente ng Block 10-D, Lot 13, Brgy. San Andres 2, Dasmariñas City. Gayunaman, nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas si Cabanas habang kritikal ang kalagayan ni Santos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police…

Read More

NAGLAKO NG FAKE PWD ID, LOLA TIKLO

PWD ID

DINAMPOT ng mga tauhan ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) ng Valenzuela City ang isang lola  dahil umano sa paglalako ng pekeng Person with Disability (PWD) ID at iba papeles. Kalaboso si Elizabeth Katigbak, 58, jobless, residente ng #481 Dulong Tangke, Brgy. Malinta, Valenzuela City. Ayon sa pulisya, alas-11:00 noong Biyernes ng umaga ay pumunta sa CSWDO ang biktimang si Lucita Cortez, 59, ng Bakawan, Dulong Tangke, Malinta ng nasabi ring lungsod upang beripikahin ang hawak niyang PWD ID at CSWDO Notification Letter for Pension. Nang tingnan ng social…

Read More

PAGPATAY KAY EX-CONG. MENDOZA PINAGPLANUHAN SA BILIBID

Edgar Mendoza-2

SA loob ng New Bilibid Prisons nabuo ang planong itumba si dating Batangas 2nd district congressman Edgar Mendoza. Ito ang lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa karumal-dumal na krimen na sinapit ng dating kongresista na ikinadamay ng kanyang driver at bodyguard kamakailan sa Tiaong, Quezon. Ikinukonsidera na ng PNP-CIDG na sarado ang kaso ng dating mambabatas matapos madakip ang lima sa mga pangunahing suspek. Ito ang pahayag ni PNP-CIDG Director P/Bgen. Napoleon Joel Coronel kasunod ng pagkakadakip sa mga suspek na sina  Kristine Fernandez, Madonna…

Read More

TOTOONG HUSTISYA SA SAF 44

saf4412

Iginiit sa pag-alala sa kamatayan ng mga commando sa Mamasapano encounter HUMIRIT ng totoong hustisya ang mga pamilyang naulila ng tinaguriang SAF 44 sa paggunita sa ikalimang taong kamatayan ng mga ito kahapon. May kalungkutang ginunita ng pamunuan at mga kasapi ng Philippine National Police ang katapangan, kabayanihan at pagbubuwis ng buhay ng 44  Special Action Force commandos para lamang makuha, buhay o patay ang kilabot na Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir. Kasabay nito ang panawagan ng mga kamag-anak ng SAF 44 para sa tunay na hustisya sa pangunguna…

Read More

APLIKANTE MINOLESTIYA NG POLYGRAPH EXAMINER

MINOLESTIYA

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o acts of lasciviousness ang isang 54-anyos na polygraph examiner makaraang isuplong sa Manila Police District (MPD) ng isang 20-anyos na aplikante na umano’y pinaghahalikan at niyapos nang isalang ang biktima sa lie detector test sa Ermita, Manila, noong Martes. Kinilala ang suspek na si Marcus Antonious y Gella, may asawa at residente ng 49-A Lorraine St., Park Way Village, Barangay Apolonio Samson, Quezon City. Base sa ulat ni P/Staff Sergeant Emmalyn Munoz, ng Women and Children Protection Unit…

Read More

GRAPHIC ARTIST KALABOSO SA P.7-M SHABU

shabu300

KALABOSO ang isang graphic artist na nangunguna sa listahan ng top most wanted drug personalities ng Northern Police District (NPD) matapos makumpiskahan ng P700,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City nitong Biyernes ng hapon. Arestado si Mark Justin Buenafe alyas Baba, 26, binata, ng 353 Marulas A, Brgy. 36, ng lungsod. Dakong alas-5:05 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban kay Buenafe sa Marulas A, Talipapa St., Brgy. 36,  ng lungsod. Dinamba ng mga parak ang suspek makaraang bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang…

Read More