IRR NG FREE LEGAL ASSISTANCE LAW ILABAS SC, BIR KINALAMPAG NI NOGRALES

KINALAMPAG ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at maging ang Korte Suprema dahil sampung taon na simula nang maging batas ang Republic Act (RA) 9999 o Free Legal Assistance, ay wala pang inilalabas na Implementing Rules and Regulations (IRR).

Sa kanyang privilege speech sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Nograles na napakaganda ng nasabing batas para matulungan ng mga private lawyer ang mahihirap na mamamayan na may kinakaharap na kaso sa korte ngunit hindi naiimplementa dahil sa kawalan ng IRR.

“Ten years ago, Congress passed a landmark legislation providing free legal assistance for the poor. Supposedly,” ani Nograles subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi pa naglalabas ang Korte Suprema at BIR ng IRR.

Base sa nasabing batas, lahat ng mga private lawyer na magbibigay ng serbisyong legal sa mahihirap ay mababawasan ang binabayarang buwis.

“While all lawyers were required to render a minimum number of hours per month of pro bono service, they were given a benefit of tax deduction for any legal assistance rendered over and above the minimum. Supposedly.

Why supposedly? Because it appears that it is not enough for Congress to pass a legislative measure: RA 9999 or the Free Legal Assistance Act,” ayon pa kay Nograles.

Malaking tulong sana aniya sa mahihirap na akusado o may kaso sa korte ang batas na ito pero hindi napakikinabangan dahil wala pang IRR kahit 10 taon na ang nakalipas mula nang mapirmahan ito.

Sa ngayon kasi aniya ay hindi sapat ang puwersa ng mga abogado sa Public Attorney’s Office (PAO) para matulungan ang mahihirap sa kanilang legal na problema kaya kung maipatupad ang batas na ito ay napakalaking bagay sa mamamayan na walang kakayahang magbayad ng abogado.

“Is it because of incompetence? They are incapable of formulating the rules and regulations because they lack the technical expertise?

Is it because of contempt? They simply refuse to follow because they disagree with the provisions of the law?

Is it because of laziness? They are just taking their sweet time because they think that ten years of waiting is acceptable,” ani Nograles.

“Mr Speaker, my fellow representatives of the people, this is totally unacceptable.

We should not allow the judicial branch or the executive branch to render meaningless any law that we pass just by not formulating the rules and regulations necessary to implement the law.

Otherwise, we become powerless, and inutile, and laughable,” dagdag pa nito.

Kailangan aniyang magawa ng BIR at SC ang kanilang trabaho dahil ito na lamang ang pag-asa ng mahihirap na mamamayan na laging dehado sa korte dahil walang nagtatanggol sa kanila.

“We need to provide hope for our people, especially the poor, that the law will protect them when they are in the right, that the law will defend them when they are wrongfully attacked, that the law will serve them even if they do not have money to pay. We need to make this Free Legal Assistance Act work even if it is ten years late,” pahayag pa ni Nograles. BERNARD TAGUINOD

Please follow and like us:
Read More

TOTOONG HUSTISYA SA SAF 44

saf4412

Iginiit sa pag-alala sa kamatayan ng mga commando sa Mamasapano encounter

HUMIRIT ng totoong hustisya ang mga pamilyang naulila ng tinaguriang SAF 44 sa paggunita sa ikalimang taong kamatayan ng mga ito kahapon.

May kalungkutang ginunita ng pamunuan at mga kasapi ng Philippine National Police ang katapangan, kabayanihan at pagbubuwis ng buhay ng 44  Special Action Force commandos para lamang makuha, buhay o patay ang kilabot na Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir.

Kasabay nito ang panawagan ng mga kamag-anak ng SAF 44 para sa tunay na hustisya sa pangunguna ng pamilya ng 14 nasawing miyembro mula sa Cordillera na nagpaplanong dumulog kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanilang laban para sa hustisya.

Sa mensahe ng pamunuan ng PNP, binigyang-pugay ang kabayanihan ng mga nasawing pulis.

“Their supreme sacrifice will never be forgotten. Today, we honor their heroism and patriotism with deep pride as our inspiration to continue on our sworn duty to protect our people from lawless violence, criminal acts and illegal drugs that destroys the lives and future of our younger generation.

“Let us all salute them with pride as these 44 SAF commandos could be our modern-day heroes,” pahayag ng PNP.

Hindi naman maitago ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagiging emosyunal sa paggunita sa anibersaryo ng Mamasapano encounter.

Ayon kay Magalong, isa sa  mga nanguna sa imbestigasyon noong naninilbihan pa itong CIDG chief, dismayado siya sa pagbasura ng kaso laban sa mga high ranking official na konektado sa naturang operasyon.

Una na ring inihayag ng mga kaaanak ng mga nasawing SAF troopers ang pagkadismaya sa tuluyang pagbasura ng Sandiganbayan sa kasong graft at usurpation of authority laban kina dating PNP-SAF chief Getulio Napeñas at dating PNP chief Alan Purisima dahil sa kakulangan ng probable cause.

Bago ito ay ibinasura rin ng Sandiganbayan ang kaso laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ukol sa nasabing insidente.

Subalit muling nabuhayan ng loob ang mga pamilya ng SAF 44 nang ihayag sa Senado ang planong muling buksan ni Senador Richard Gordon ang imbestigasyon.

Matatandaang sinabi ni Gordon, bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang planong pagbubukas muli ng kaso matapos madismaya sa desisyon ng Sandiganbayan laban kina Purisima at Napenas. (JESSE KABEL)

Please follow and like us:
Read More

PDUTERTE KINALAMPAG SA PALPAK NA MRT

mrt312

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) na pagtuunan ang pagpapabuti sa serbisyo ng nasabing transportasyon.

Daing ng mga commuter, dapat siyasatin ng Pangulo ang mga nangangasiwa sa MRT upang masiguro na mas magiging epektibo ito at mabawasan kundi man tuluyang mawala ang mga aberyang kakambal na ng operasyon nito.

Sa tindi ng trapiko sa Metro Manila ay ang mga commuter ang pangunahing napiperhuwisyo kapag nagkakaaberya ang opersayon ng MRT na siyang inaasahan dapat ng publiko sa maalwang sistema ng transportasyon.

Subalit, maikling panahon lamang nalasap ng mga commuter ang kumportableng biyahe ng MRT dahil nang mapalitan umano ang nangangasiwa ng service provider ay naging palpak at madalas ang aberya sa mga pagbiyahe nito sa kahabaan ng EDSA.

Nasa 500,000 katao ang dating naisasakay ng MRT subalit nang magpalit ng maintenance company ay nasa 250,000 na lamang kada-araw ang naisasakay kaya mistulang sardinas ang mga pasahero sa pagsisiksikan.

“Panay ang papogi nila sa media tulad sa ginawa nilang “terrorist bomber drill” sa Cubao station nitong nagdaang araw.., okey ako run kasi for safety ng lahat, pero ang dapat nilang unahin e yung kalidad ng train para hindi pasira-sira, imbes na maging on-time ang lahat sa work o school e perhuwisyo ang dinaranas ng mga commuter,” pahayag ng isa sa mga suki ng MRT na si Edwin Reas, 45.

“Sa ngayon, magmula nang ibalik sa kumpanyang Hapones na Sumitomo ang maintenance operation ng MRT3, kahit painut-inot ay nagkakaroon ng pagbabago sa serbisyo nito. Yun lang, kailangan pa rin nating maghintay ng mga 2 hanggang 3 taon pa bago tuluyang mabalik ‘yung dating bilang na 22 train na tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, ” pahayag naman ng isa pang commuter na si Roland. (TJ DELOS REYES)

Please follow and like us:
Read More

‘JOB MASSACRE’ SA NFA WORKERS

NFA-4

Hagupit ng Rice Tariff Law

(BERNARD TAGUINOD)

NAKAAMBA na ang “job massacre” sa may 1,792 empleyado ng National Food Authority (NFA) matapos aprubahan ng Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporation (GCG) ang restruktura sa nasabing ahensya.

Ito ang nabatid sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), halos isang taon pagkatapos maging batas ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Liberalization Law (RLL) na mas kilala sa Rice Tariffication Law.

Ang ‘restructuring” sa NFA ay bahagi ng implementasyon ng nasabing batas na naipasa noong Pebrero 2019 kung saan babawasan na umano ang bilang ng mga manggagawa sa nasabing ahensya.

“They call it ‘restructuring’ or ‘downsizing’. But for agricultural workers, we call it job massacre and we condemn it in the highest terms possible,” ani Antonio Flores, chairman ng UMA.

Nabatid kay Flores na ang nasabing bilang ng mga manggagawa sa NFA ay nasa plantilla o regular employees kaya kung isasama sa mga contractual, job order at casual employees ay mas malaki ang bilang umano ng mga mawawalan ng trabaho dahil sa nasabing batas.

Magugunita na binawasan sa nasabing batas ang papel ng NFA sa industriya ng bigas kaya hindi na kailangan ang maraming manggagawa sa nasabing ahensya.

“Under the GCG’s restructuring plan, it was left to the NFA Council, through its Administrator, to look for fund sources to implement the downsizing. This puts in limbo the separation benefits of the 1,792 NFA employees marked for downsizing,” ani Flores.

Pinangangambahan din ni Flores na walang makukuhang separation pay ang mga empleyadong ito dahil wala umanong ibinigay na pondo para rito bukod sa baon sa utang ang nasabing ahensya.

“Are they going to source the separation benefits from the palay procurement funds of the NFA, thereby taking away from our wounded farmers in order to give something to NFA employees who are in wait for their extermination?” tanong pa ni Flores.

Please follow and like us:
Read More

UMIWAS SA FAKE NEWS

novel coronavirus

Apela ng DOH sa publiko kaugnay ng kumakalat na virus

UMAPELA ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang magpakalat o maniwala sa mga maling balita kaugnay sa novel coronavirus.

Kasabay nito ay muling iginiit ng DOH na nananatiling novel coronavirus (2019-nCov) free ang Pilipinas.

Ayon sa abiso ng DOH, kahapon ay wala pang kumpirmadong kaso ng naturang virus sa bansa.

Kasabay nito, pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa lahat ng kanilang mga kinakain, partikular na ang mga tinatawag na “exotic food.”

Ang payo ni Health Secretary Francisco Duque III ay sa harap na rin ng mga naglalabasang ulat na maaaring paniki at ahas ang pinagmulan ng 2019 NCoV na namiminsala na ngayon sa iba’t ibang bansa, partikular sa Wuhan, China.

Paglilinaw naman ni Duque, wala pang kumpirmasyon sa naturang mga report ngunit mabuti na aniyang maging maingat ang lahat.

Sa kabilang dako, nanawagan din si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga gumagamit ng social media platform tulad ng Facebook at Twitter na huwag magpakalat ng hindi naberipika, nakalilito o mapanlinang na impormasyon patungkol sa coronavirus.

Partikular na pinansin ng alkalde ang ilang “post” sa Facebook na nagsasabing nakapasok na raw ang coronavirus sa Pasay at inilagay sa quarantine ang Pasay City General Hospital.

Sa ulat ni  PCGH Head Dra. Lou Ocampo kay Mayor Calixto-Rubiano, pinabulaanan nito ang kumalat na balita. DAHLIA S. ANIN, DAVE MEDINA

Please follow and like us:
Read More

AYALA-UP CONTRACT PROBE KASADO NA

technohub-4

Technohub employees, hindi apektado

(Ni: NELSON S. BADILLA)

MAGSISIMULA na ang imbestigasyon sa kontrata ng University of the Philippines – Diliman at Ayala Land Inc. (ALI) upang matukoy kung totoong naloko o hindi ang pamantasang pag-aari ng pamahalaan sa nasabing kontrata.

Ito ang tiniyak ni Presidential spokesperson Salvador Panelo matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang personal na kahilingan.

Inamin ni Panelo sa media na mismong siya ang humiling kay Duterte na imbestigahan ang 25-taong kontrata ng UP – Diliman at ALI na nagsimula noong 2008 (panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo).

“I told the President about this and ‘yung reaction ng Presidente ay tingnan natin kung totoo ‘yung alegasyon ng article na ‘yun,” kuwento ni Panelo sa press conference kung paano niyang nakumbinsi si Duterte na imbestigahan ang pinagdududahan niyang kontrata ng mga Ayala.

“Rekomendasyon ko [‘yan]. Sabi niya, kailangan talaga pag-aralan ‘yan,” diin ni Panelo.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, ang tanggapan niya (presidential legal department) o ang Department of Justice (DOJ) ang magsasagawa ng imbestigasyon.

Ang layunin ng imbestigasyon ay kung totoong P22 kada kuwadro-metro ang renta ng ALI sa 37-ektaryang lupa (o 370,000 kuwadro-metro) bawat buwan o hindi.

Naniniwala si Panelo na kung totoong P22 lamang ang buwanang renta sa loob ng 25 taon ay talung-talo ang pamahalaan sa kontrata sa pagitan ng ALI at UP-Diliman.

Renta lang sa kontrata ang puntirya ng imbestigasyon at hindi ang mga nagtatrabaho sa UP Technohub, punto ni Panelo.

Ilang araw na ang nakalipas, ‘binaril’ ng mga Ayala ang pahayag ni Panelo dahil wala umano itong katotohanan.

Ayon sa ALI, P171 bawat kuwadro-metro ang kanilang upa sa UP.

Pagkatapos ng 25 taon, magiging pag-aari na ng UP- Diliman ang Ayala Technohub, kasama ang 16 na mga gusali. Matatapos ang kontrata sa 2033.

Kaugnay nito, pinawi ng Palasyo ang pangamba sa negosyo at mga negosyante ng pagrerebisa ng mga government contract para sa “onerous” provisions.

Sinabi ni Atty. Panelo na ginagalang ni Pangulong Duterte ang sanctity o kabanalan ng bawat kontrata hangga’t walang nalalabag na batas.

“Let me allay the fears of foreign investors as well as Filipino businessmen. You don’t have to worry about the review, kasi if there is nothing with your contracts, there is nothing to worry about. The President will certainly respect the sanctity of contracts except only when from the very provisions it appears to be contrary to law, contrary to public interest and public policy,” ayon kay Sec. Panelo.

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagrerebisa o muling pag-aaral sa mga kontratang pinasok ng pamahalaan sa pribadong sektor  na itinuturing na disadvantageous sa  gobyerno at sa mga Filipino.

Ang sinasabing “onerous” contracts na kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing pagrerebisa ay ang concession agreement sa mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water at sa Chevron Philippines, Inc. at ang hiniling ni Sec. Panelo na rebisahin ang  lease agreement sa UP Ayala Land Technohub sa  Quezon City. May dagdag na ulat si CHRISTIAN  DALE

Please follow and like us:
Read More

PAGBASURA SA VFA UMARANGKADA NA

VFA

HINDI na hihintayin pa ng gobyerno ng Pilipinas ang magiging tugon ng Estados Unidos sa banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kakanselahin nito ang Visiting Forces Agreement (VFA) kung hindi itatama ang visa ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Nitong Miyerkoles, Enero 22 ay kinumpirma ni Dela Rosa na kinansela ang kanyang US visa.

Ayon sa Pangulo, bibigyan lamang niya ang Amerika ng isang buwang palugit para itama ang hakbang ng pamahalaan nito na kanselahin ang US visa ng senador.

Subalit, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos na ni Pangulong Duterte ang pag-convene ng Presidential Commission on Visiting Forces (PCVF) kung saan si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy Boy Locsin ang chairman habang si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang vice-chairman.

Kabilang din sa Commission ang National Security Adviser, ang executive director ng Presidential Commission on the VFA (VFACom) at kinatawan mula sa Office of the President at mula sa pribadong sektor.

Sinabi ni Sec. Panelo na sinabi sa kanya ni Sec. Locsin na sisimulan na nito ang pagproseso ng pagkansela sa VFA.

Nasabihan at nagka-usap na aniya sina Sec. Locsin at Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa bagay na ito.

PARA SA SOBERENYA

Suportado sa mababang kapulungan ng Kongreso ang plano ni Pangulong Duterte na pagkansela sa VFA pero hindi para ipaghiganti ng Pangulo ang pagkansela ng Amerika sa US Visa ni Sen. Ronald “Bato’ dela Rosa kundi para sa soberenya ng bansa.

Ito ang paglilinaw ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na agad nagpahayag ng kanyang pagpabor sa planong ito ni Duterte at iminungkahi nito na isama sa dapat aniyang ibasura ang  Mutual Defense Treaty (MDT) at Enhanced Defence Coorperation Agreement (EDCA).

Ayon kay Zarate, nararapat lamang na ibasura na ang mga nabanggit na kasunduan dahil kuwestiyonable umano ang mga ito at labag sa pambansang soberenya dahil sa direktang pakikialam ng Amerika sa Pilipinas sa lahat ng bagay.

BAHALA ANG US

Dedma naman ang Department of National Defense kung handa ba ang Pilipinas na ibasura ang Visiting Forces Agreement dahil lamang sa kinanselang US visa ni Senador ‘Bato’ dela Rosa.

Una nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorensana na pag-aaralan muna niya ang magiging epekto ng nasabing banta ng Pangulo.

Tumanggi ring magbigay ng kanyang panig si Lorenzana kaugnay sa banta ni Pangulong Duterte sa US government.

Anang kalihim, “the ball is in the US hand. Let’s see how they react to PRRD’s statement.”

Nauunawaan umano ng kalihim ang pinaghuhugutan ni Pangulong Duterte pero tumanggi itong magkomento kung makatwiran bang isakripisyo ang isang tratado kapalit ng visa ni Dela Rosa. (CHRISTIAN DALE, BERNARD TAGUINOD, JESSE KABEL)

Please follow and like us:
Read More

2 ARESTADO SA P68-M SHABU SA UKAY-UKAY

ARESTADO ang isang babaeng ukay-ukay vendor at kasamang lalaki makaraang makumpiskahan ng P68 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasay City Police dakong alas-8:30 ng gabi malapit sa isang provincial bus station sa Apelo Cruz Street kanto ng EDSA, Barangay 51, Zone16, Malibay, sa lungsod na ito.

Kinilala ni Pasay City Chief of Police Col. Bernard Yang ang mga suspek na sina Mia Bianca Atendido at Dave Tajores Realin, taga-Brgy. Cabuco, Trece Martirez, Cavite, nakumpiskahan ng halos 10 kilo ng umano’y shabu na P68,000,000 ang street value.

Sa tip na natanggap ng pulisya, ginagamit umano bilang front ni Atendido ang pagtitinda ng ukay-ukay sa pagtutulak ng ilegal na droga kasabwat si Realin.

Tinitingnan ng pulisya ang koneksyon ni Realin sa toneladang shabu na naipuslit sa Cavite nitong nakaraang taon gayundin ang kinalaman niya sa operasyon ng ilang Chinese national na sa dagat idinadaan ang mga kontrabando.

Kabilang sa nasamsam sa dalawang suspek ang P800,000 boodle money at dalawang piraso ng tunay na P1,000 peso bill.

Ang nakumpiskang droga ay nasa pangangalaga na ng SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis habang ang dalawang suspek ay nakadetine sa Station Custodial Facility. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:
Read More

50 BABOY IPINAMIGAY NG EX-MAYOR SA EVACUEES

pig12

BATANGAS – Ipinamigay ng isang dating mayor ang kanyang mahigit na 50 alagang baboy upang maging pagkain ng mga biktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, sa iba’t ibang evacuation centers sa lalawigang ito.

Noong Huwebes ng umaga nang mag-post sa Facebook si dating San Nicolas Mayor William Enriquez at iniaalok ang kanyang mga baboy sa mga taong nasa evacuation centers.

Bago magtanghali ay nasimot lahat ang kanyang mga alaga na nasa isang farm sa San Nicolas na isa rin sa matinding naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Ayon sa 57-anyos na dating alkalde, nakita niya ang matinding kakulangan sa pagkain ng evacuees sa kanyang tatlong araw na pagsilong sa As-is Elementary School na ginamit na evacuation center sa bayan ng Bauan, matapos na lumikas mula sa kanilang bahay sa Poblacion ng San Nicolas.

Matapos silang magkatay ng dalawang baboy na kanyang ipinakuha sa kanyang farm, doon niya naisip na ipamigay na ang lahat ng kanyang mga alaga.

Aniya, hindi naman eksklusibo sa mga taga San Nicolas ang kanyang ipinamigay at ipinamahagi rin ito sa evacuees mula sa mga bayan ng Agoncillo, Lurel, Lemery at Taal.

Si Enriquez ay dalawang terminong naging vice mayor at isang termino bilang mayor ng San Nicolas mula 2016 hanggang 2019. (NILOU DEL CARMEN)

Please follow and like us:
Read More

P/LT. GEN. GAMBOA BAGONG PNP CHIEF

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte President Rodrigo Duterte si Philippine National Police officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Gamboa bilang susunod na hepe ng PNP.

“We have the PNP chief. I’m going to appoint you as the regular PNP. But you, Secretary Año and I will have a long, long talk first,”ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa Pasasalamat Gathering For Eagles

SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City.

Hinangaan ng Pangulo ang ipinakita sa kanyang katapatan ni Gamboa.

“Pinakita mo sa akin ‘yung sincerity mo. I’d like you to leave something that you will be remembered by the country,” ayon sa Chief Executive.

Si Gamboa, nakiisa sa event ay agad na nagbigay ng pagsaludo sa Pangulo. 

Si Gamboa ay itinalaga bilang officer-in-charge ng PNP noong October 2019 matapos na magbitiw sa puwesto si dating PNP chief Director General Oscar Albayalde dahil sa alegasyon ng katiwalian. 

Matatandaang, isa si Gamboa sa sinabi ni Senador Bong Go na tatlong (3) matunog na high-ranking police officials at palaging nababanggit ni Pangulong Duterte bilang kapalit ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na nagretiro noong Nobyembre 8, 2019.

Kasama ni Gamboa sa pinagpilian ng Pangulo sina Lt. General Camilo Cascolan, at Major General Guillermo Eleazar.

Please follow and like us:
Read More

BINABANTAYANG LPA, PASOK NA SA PAR

NAKAPASOK na sa Phillippine Area of Responsibility o PAR ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).

Batay sa weather update ng Phillippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 670 kilometro sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nasa karagatan pa ang LPA kaya’t wala pa itong direktang epekto sa anomang parte ng bansa.

Dagdag pa ng PAGASA, mababa ang tsansa na lumakas ang LPA at maging isang bagyo.

Hindi rin inaasahang tatama ang LPA sa bansa subalit sa paglapit nito ay asahan na magdudulot ito ng pag-uulan sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Gayunman, mananatili aniya ito sa gitna ng Philippine Sea bago tuluyang malusaw habang patuloy na nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa buong Luzon. (JG Tumbado)

Please follow and like us:
Read More

PADRINO SYSTEM UGAT NG KORAPSYON SA PNP

BINALAAN ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) na maparurusahan ang sinomang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na mapatutunayang nagpapairal ng “padrino” o “bata bata system” na siya umanong ugat ng korapsyon sa hanay ng kapulisan.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kahit sino ang kaanak o kakilala ng mga nais magpulis, kung hindi sila qualified, hindi sila pwedeng maging pulis.

Papatawan aniya ng kaukulang kaparusahan ang sinomang magpapagamit ng koneksyon para makapasok sa PNP.

Naniniwala ang kalihim na sa hiring process magsisimula ang cleansing program ng pulisya. Malaking ginhawa umano para sa PNP kung masasala agad ang mga aplikante bago makapasok sa serbisyo.

Dapat din aniyang maging transparent ang mga recruiter mula recruitment hanggang sa pagtanggap ng mga ba-gong pulis upang maiwasan ang mga iregularidad.

Nabatid na may 17,000 vacancies ang PNP ngayong 2020 kaya ngayon pa lamang ay higit pang paiigtingin ang ‘internal cleansing’ sa kanilang hanay.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa ‘nakabaon’ nang korapsiyon sa PNP.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa, may nakalatag na silang mga programa kaugnay ng internal cleansing upang tuluyang malinis ang kanilang organisasyon. JESSE KABEL

Please follow and like us:
Read More

MAGNA CARTA OF COMMUTERS IPASA – NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-2

(PFI Reportorial Team)

NANAWAGAN ang isang bagitong kongresista sa kanyang mga kapwa mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na agad ipasa ang batas na nakikitang solusyon para mapabuti o mapahusay ang pagkilos ng mga Filipino sa buong bansa.

Layunin ng Magna Carta of Commuters na pagtuunan ng pansin ang hindi pagkakapantay-pantay na dulot ng ilang dekadang kabiguan na maipatupad ang wastong pagkokonekta sa ating bansa, pahayag ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles.

“Nananawagan tayo sa ating mga katrabaho. Bagong taon, bagong dekada, ngayon na ang tamang panahon bago pa mahuli para malutas ang araw-araw na bangungot ng ating mga commuter,” ayon kay Nograles.

Ang batas ay naglalayong kilalanin at itaguyod ang karapatan ng mga mananakay.  Saklaw ng karapatang ito ang pagbibigay ng serbisyo sa pampublikong transportasyon, ligtas at maaasahang imprastraktura hanggang sa malinis na hangin habang naglalakbay gayundin sa kapakanan ng commuter at pakikiisa ng mga ito.

Nakasaad din sa Magna Carta na kailangan nang lumipat ang bansa mula sa car-centric public policy and infrastructure patungo sa mas sustainable transport and mobility policy, upang bukod sa kapakanan ng mga commuter ay matiyak din na mapangangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga mananakay na Filipino.

“Ang hakbang na ito ay naglalayong itakda ang ating mga direktang prayoridad sa kung paano ginagamit ang mga espasyo – sa mga gumagamit ng pampublikong transportasyon, sapagkat sila ang bumubuo ng pinakamalaking numero, kaya dapat silang bigyan ng prayoridad sa paggamit ng ating mga kalsada,” saad ng mambabatas.

Dagdag pa nito, upang matugunan ang lumalalang traffic na dinaranas ng bansa, partikular sa urban areas, kinakailangang pag-aralan o alamin ang sanhi o ugat nito tulad ng patakaran sa paggamit ng lupa at ang pagwawasto ng proporsyon ng pribado at pampublikong transportasyon.

“Kung iisipin, maaaring pilitin ng Magna Carta of Commuters ang mga gumagawa ng polisiya at nagpapatupad nito para tingnan ang mga suliranin ukol sa madaliang pagkilos bilang isang sistema ng inter-related issues na nangangailangan ng isang holistic at multi-stakeholder approach,” ayon pa kay Nograles na isa ring abogado na nagtapos sa Harvard.

Ang sukatan para sa pinakamimithing layunin ay matiyak ang mabilis na paggalaw at mabigyan ng dangal ang mananakay, pahayag pa ng mambabatas.

“Aayusin natin para ang Pinoy commuters, hindi hulas, hindi inis, hindi nakakaltasan ng sahod dahil na-late sa trabaho.

Please follow and like us:
Read More

PATAY KAY URSULA 57 NA – NDRRMC

ndrrmc-typhoon

Umakyat na sa 57 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Ursula noong Kapaskuhan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

Batay sa 5:00 pm update ng ahensya noong Huwebes na nilagdaan ni Executive Director Ricardo Jalad, ang bilang ng mga nasugatan at napinsala ay 369, mas mataas sa unang napaulat na 362, habang nananatiling anim ang bilang ng mga nawawala.

Ang mga namatay ay naitala sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas, ayon pa sa NDRRMC.

Samantala, ang mga bahay na napinsala sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas ay naitalang umabot sa 513,626. Sa nasabing bilang, ang 63,312 ay buong nawasak at 450,314 naman ang bahagyang nasira. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More

MALAWAKANG BALASAHAN NAKAAMBA SA AFP

AFP LOGO

TIYAK ng magkakaroon nang malawakang balasahan sa hanay ng Armed Forces of the Philippine top key positions kasunod nang pagkakatalaga kay Lt. Gen. Felimon T. Santos bilang  bagong AFP chief of Staff .

Bukod sa nabakanteng posisyon ay malaki rin ang epekto nang nakatakdang changing guard ang pagreretiro ng dalawang pinuno ng AFP major Services.

Kabilang sa apektado posiyon ng naka-ambang shake-up sa Sandatahang Lakas ang Eastern Min-danao Command na nabakante matapos na italaga ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere si Eastmin-com Commnader Lt. Gen. Felimon T. Santos bilang AFP chief.

Habang nitong nakalipas na Disyembre ay nabakante rin ang puwesto ng Southern Luzon Comand nang italaga  si Lt. Gen. Gilbert Gapay bilang Philippine Army chief at pansamantalang pahaha-wakan ito kay Maj. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos bilang SOLCOM Officer in charge.

Si Gen. Burgos ay sinasabing ini-endorso ng AFP Board of General para sa SOLCOM post.

Nakatakda ring mabakante ang posisyon ng Philippine Air Force chief dahil sa napipintong pagrere-tiro ni PAF Commander Lt. Gen. Rozzanao Briguez ngayong  Enero 17.

Habang magreretiro namang ngayong Pebrero 3, 2020 si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad at matunog na hahalili sa kanya ang pinaka-qualified at most senior Navy Officer Rear Admira Giovanni Joby Bacorrdo.

Nilinaw naman ni AFP Spokesman B. Gen. Edgard Arevalo na walang epekto ang nakaambang re-shuffle o reposition ng top key position dahil may  acting commanders naman na handing mag-take-over sa mga mababakante posisyon.

Ayon kay Arevalo, “Pinagplaplanuhan na naman kung sino ang mga papalit sa kanila kaya ang ating board of gens ay kaka-deliberate lang so meron na tayong siguradong pupunta dyan.”

“Huwag kang mag-alala kasi ang  armed forces very rigid ang ating structure, lagi tayong may deputy either in the absence of the incumbent or for the time being na pinaprocess pa yung kanyang ap-pointment but definitely that will have no serious impact on the armed forces and its operation,” pa-hayag pa ng opisyal. (JESSE KABEL)

Please follow and like us:
Read More

GAERLAN BAGONG SC ASSOCIATE JUSTICE

Justice Samuel Gaerlan

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Court of Appeals Justice Samuel Gaerlan bilang Associate Justice ng Supreme Court.

Kinumpirma ito mismo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Matatandaang isa si Gaerlan sa inilabas na shorlist ng Judicial and Bar Council (JBC) na mga nominado para maging bagong associate justice ng Korte Suprema.

Sa liham ng JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagsumite ito ng anim na pangalan na maaring mapagpilian ng pangulo para italagang bagong mahistrado.

Kabilang sa mga ito sina: Manuel Barrios, Samuel Gaerlan, Ramon R. Garcia, Jhoseph Y. Lopez, Jose Midas Marquez, at Eduardo Peralta Jr.

Papalitan ng hihiranging associate justice ang pwesto ni Justice Diosdado Peralta na ngayon ay punong mahistrado na. (CHRISTIAN DALE)

Please follow and like us:
Read More

DFA SA PINOY SA IRAQ: MAG-INGAT!

NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na bibiyahe sa Iraq na pansamantalang ipagpaliban ito kasabay ng pag-init ng tensiyon sa rehiyon.

Sa kalatas, hiniling din ng DFA sa mga Filipino sa Iraq na makipagkoordinasyon sa Philippine Embassy doon at sa kanilang employers sakaling magkaroon ng mandatory evacuation sa naturang bansa.

Pinapayuhan na tumawag ang mga Pinoy doon sa Philippine Embassy sa Baghdad sa  (+964) 781-606-6822; (+964) 751-616-7838; at (+964) 751-876-4665.

Maaari ring makipag-ugnayan sa embahada sa baghdad.pe@dfa.gov.ph, o  Facebook page at Philippine Embassy sa Iraq.

Nauna rito, napatay sa US strike ang top Iranian commander na si Qasem Soleimani, deputy head ng Iraq Hashed al-Shaabi military force sa Baghdad airport matapos unahan ng Amerika ang sinasabing balak nitong pumatay ng daan-daang Amerikano sa naturang bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

BABALA NG NWRB: POSIBLENG MAWALAN NG TUBIG SA SUMMER

(NI KIKO CUETO)

POSIBLENG muling magbalik ang mahina o walang tulo ng tubig sa gripo dahil hindi pa rin sapat ang mga pag-ulan para punan ang kakulangan ng imbak na tubig sa Angat Dam.

Sa ngayon, ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 202.6 meters.

Mas nababa ito sa 212 meters na normal high water level.

Ito rin ang itinuturong dahilan ng National Water Resources Board kaya’t hindi nila maibalik ang water allocation na46 cubic meters per second mula sa kasalukuyang  40 m³/s, sa Manila Water at Maynilad.

“Kailangan po nating ma-manage ang supply para mapaabot… hanggang sa summer po, bago po ang mga pag-ulan. Kaya sa ngayon po, hindi pa ho natin maibabalik sa normal na alokasyon,” sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. sa panayam sa DZMM.

“Posible po talagang magpapatuloy iyong hindi normal na serbisyo ng tubig para sa kababayan po natin,” dagdag nito.

Nagkaroon ng rotational water service interruptions sa Metro Manila mula noong October 2019.

Nitong Marso, walang tumulo na tubig sa gripo sa malaking bahagi ng Metro Manila nang bumagsak sa below critical level ang tubig sa Angat Dam.

 

Please follow and like us:
Read More

PARALEGAL SALAIN

Rep Juan Fidel Nograles-2

Pamantayan, benepisyo, ipinatatakda ni Rep. Nograles

(PFI Reportorial Team)

ISINUSULONG ng isang bagitong mambabatas ang tamang benepisyo at pagkilala sa mga papasok sa propesyong paralegal.

“Panahon na upang maging propesyonal ang paralegal work para matiyak ang kalidad ng serbisyong legal sa pamamagitan ng pagtatakda ng pamantayan para sa sinomang pumapasok sa ganitong uri ng trabaho.”

Ito ang dahilan kaya itinutulak ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles, ang House Bill 5886, isang komprehensibong panukala na nagsasaad ng tungkulin ng paralegal workers at magbibigay ng garantiya sa kanilang karera at propesyonal na pag-unlad sa legal profession.

Ayon sa pag-aaral, may nakikitang pagtaas ng demand para sa paralegal services sa maraming bansa, kabilang na ang Pilipinas, na mayroong 33% growth rate.

“Gayunman, maliban sa mahalagang tungkulin na kanilang ginagampanan sa legal profession, ang paralegals ay hindi nakatatanggap ng tamang kompensasyon at pagkilala na nararapat sa kanila,” pahayag ng kongresista.

Ayon kay Nograles, “Ang paralegals ay may napakahalagang papel na ginagampan sa propesyong legal. Sila ay nagbibigay ng suporta na kinakailangan ng legal practitioners para magampanan nang maayos ang kanilang iba’t ibang gawain at responsibilidad.”

“Ito ang tamang panahon na kilalanin natin ang kanilang trabaho at gawing propesyunal ang kanilang mga serbisyo, pati na rin ang paggawa ng hakbang para masiguro na mayroon silang sapat na pagsasanay bago sila pahintulutang gumanap sa kanilang serbisyo,” ayon pa sa mambabatas na isa ring abogado at nagtapos sa Harvard Law School noong 2016.

Sa ilalim ng HB 5886, ang mga nagnanais maging paralegal ay kinakailangang Filipino citizen na nasa wastong gulang, nakapagtapos ng high school at dapat munang sumailalim sa Paralegal Training and Education Program (PTEP) na magkatuwang na binuo at nilikha ng Department of Justice, Supreme Court at Commission on Higher Education.

Ang PTEP ay may kasamang 200 oras na on-the job training sa mga tanggapan ng gobyerno na naatasang gumawa ng legal na kasanayan o tungkulin, o sa isang accredited na pribadong law firms.

Sa oras na makumpleto ang PTEP, ang mga nagsanay ay sasailalim sa Paralegal Professional Exam- isang walong oras na pagsusulit na sesertipika sa sinomang indibidwal bilang professional paralegals kapag naipasa nila ang eksaminasyon.

Please follow and like us:
Read More

BARIL NG PULIS HINDI LALAGYAN NG MASKING TAPE SA KAPASKUHAN

(NICK ECHEVARRIA)

PAIIRALING muli sa ikatlong sunod na taon ang “no muzzle taping of guns” o ang hindi paglalagay ng masking tape sa dulo ng baril ng mga pulis ngayong holiday revelry para patunayan ang pagiging responsable ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Gayunman, sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations, Lt. Gen. Camilo Cascolan na masisibak sa puwesto ang mga police commanders at  chief at police na mabibigong umaksiyon sa loob ng 24-oras sa kanilang mga tauhan na masasangkot sa mga indiscriminate firing alinsunod sa “one strike policy” na mahigpit nilang ipatutupad.

“Our ultimate target is to reduce the 33 incidents of indiscriminate firing and 12 cases of stray bullet injuries last year to zero this Christmas season,” pahayag ni Cascolan sa isang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes.

Ayon kay Cascolan sa nakalipas na dalawang taon ay walang naitalang mga police officer  na nagpaputok ng kanilang mga baril o nasangkot kaya  sa indiscriminate firing sa panahon ng holiday season.

Inatasan din ni Cascolan ang mga police commanders na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad bilang partner upang madaling matukoy ang mga trigger happy sa mga Barangay na madalas gumagamit ng mga illegal na armas.

Paiiralin din ang “one strike policy” kaugnay sa inaasahang mga pagsalakay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kaugnay sa nalalapit na 51st founding anniversary ng Communist Party of the Philippines sa December 26, na palagiang ginagawa ng mga ito kung saan kadalasang target ang mga pulis.

Naniniwala si Cascolan na sa pamamagitan ng kahalintulad na polisiya, mapipilitan ang mga police commanders na palakasin ang mga security measures sa kanilang nasasakupan laban sa anumang pagtatangka ng mga rebelde.

Inihalimbawa ni Cascolan ang nangyaring pag-atake ng mga NPA noong 2017 sa isang himpilan ng pulisya kung saan nagulantang na lamang at walang nagawa  ang mga ito ng biglang salakayin ng mga rebelde, na ilang araw na palang naniniktik sa ilang mga kabahayan malapit sa nasabing police station bago gawin ang pagsalakay.

 

Please follow and like us:
Read More

COAST GUARD NAKAALERTO NGAYONG HOLIDAY SEASON

(NI JESSE KABEL)

IPINAG-UTOS  ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ilagay sa heighted alert ang buong puwersa ng Philippine Coast Guard ngayong Christmas season.

Sa direktiba ng DOTr,  naka- heightened alert ngayon ang  Philippine Coast Guard sa lahat ng pantalan sa bansa sa buong panahon ng yuletide season .

Ayon kay PCG Commandant Admiral Joel Garcia, ito ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019” na pinasimulan nila ngayong Lunes at paiiralin hanggang January 5, 2020.

Layunin ni Tugade na masigurong ligtas at komportable ang lahat ng transportation services para sa publiko.

“All PCG units are directed to be on heightened alert and intensify safety and security measures on national ports and ferry terminals this Christmas season to ensure the orderly operations of all sea transport facilities; the safe and convenient  travel of the riding public; and the security at beaches and local resorts,” pahayag pa ni Adm.  Garcia.

Bunsod nito, naka-deploy na rin ngayon ang lahat ng assets ng PCG sa mga pangunahing pantalan sa bansa partikular ang kanilang  55-meter multi-mission offshore vessels, siyam na 44-meter multi-role response vessel, anim na 30-meter monitoring control surveillance vessel, dalawang 35-meter search and rescue vessels, at tatlong 24-meter fast patrol boats.

Nakahanda rin ang maliliit na sasakyang-pandagat tulad ng dalawang 12-meter high speed boat, sampung seven-meter rigid hull inflatable boats, at ilang aluminum at rubber boats para rumesponde sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente.

Bunsod nito, inihayag din ng DOTr na 24-oras na nakaalerto ang Special Operations Forces, Harbor Patrols, at Ship Inspectors sa mga pier at iba pang daungan sa bansa.

Bukod dito inihayag din ni Garcia na mayroon ding mga tauhan ng PCG sa mga Malasakit Help Desk sa mga pantalan sa buong bansa na kaagapay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang masiguro na walang maritime incident o casualty ngayong Kapaskuhan.

 

Please follow and like us:
Read More

SIMBANG GABI 2019: PNP NASA FULL ALERT

(NI NICK ECHEVARRIA)

SIMULA December 15 ganap na alas-6:00 ng umaga hanggang January 5, 2020 isasailalim na sa full allert status ang lahat ng units ng kapulisan sa Luzon at Visayas bilang paghahanda sa pagsisimula ng tradisyunal na “Simbang Gabi”.

Batay ito sa kautusan ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa para palakasin ang police visibility ngayong holiday season kaugnay sa seguridad ng mga magsisimbang gabi kung saan ilalagay sa pinakamataas na antas ng kahandaan ang PNP sa mga nabanggit na mga lugar.

Aabot sa 69,335 na mga personnel ng PNP kasama ang 157,264 na mga force multipliers ang ipapakalat para sa law enforcement at public safety operations, batay sa ipinalabas na  PNP Command Memorandum Circular “Paskuhan” 2019.

“We do not really anticipate major peace and order issues during the Yuletide Season, but, we are deploying more policemen in the field as a crime prevention measure,” sabi ni Gamboa.

Partikular na inatasan ni Gamboa ang kanyang mga Regional Directors na dagdagan ang mga itatalagang pulis kung gabi na magsasagawa ng mga foot patrol para tutukan ang siyam na araw na “Misa de Gallo ngayong yuletide season.

Idinagdag pa ni Gamboa na kailangan din ang koordinasyon sa pagitan ng mga local police units at sa mga opisyal ng barangay para magkatuwang na bantayan ang mga lalabag sa paggamit ng mga ipinagbababawal na paputok.

Inabisuhan din ng PNP OIC ang mga field unit commanders na tiyaking laging bukas ang blinkers ng kanilang mga mobile patrol units para mas madaling makita ng publiko.

Sinabi naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na layunin ng hakbang na ipatupad ang PNP Enhanced Managing Police Operations (E-MPO) Strategy, para sa kaligtasan at sa iba pang security concerns.

Kabilang sa mga tutukan ng PNP ang mga na itinalagang firecracker at display zones sa mga komunidad, assistance hubs, simbahan, commercial centers, road safety points, mga pantalan, istasyon ng mga train at mga paliparan sa bansa.

Gagamitin naman sa mga  anti-criminality operations, anti-motorcycle-riding suspects at bilang reactionary standby support ang iba pang puwersa ng pambansang pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDERS PINAYUHAN SA PAGDALO SA CHRISTMAS PARTY 

mmda12

(NI LYSSA VILLAROMAN)

PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na maging disiplinado sa mga road safety sa pagsisimula ng pagdaraos ng Christmas party sa iba’t ibang lugar.

“We would like to advise the public, unang-una mag-carpool kayo kung pupunta kayo ng party and designate a driver. Ibig sabihin, kung mag-iinuman kayo please make sure that there is someone sober enough to drive you back home,” ayon sa pahayag ni MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija.

Sinabi rin ni Nebrija na maging pasensiyoso ang mga motorista upang maiwasan ang mga away sa kalye lalo na ang inaasahan nilang pagbigat ng traffic ngayong Kapaskuhan.

Ayon pa rin kay Nebrija, sila ay may deployment ng mga traffic enforcer sa mga malls at lugar na may pagdarausan ng Christmas party.

Inabisuhan din ni Nebrija ang mga mall owner na i-monitor ang kanilang mga entrances sa EDSA upang maiwasan ang mahabang pila ng mall-goers papasok sa kanilang malls na siyang isang nagiging dahilan ng mahabang traffic ng mga sasakyan sa highway.

“Let it be part of their corporate social responsibility na tulungan ‘yung mga kababayan natin na huwag maipit sa traffic, lalong lalo na ‘yung mga motorista na hindi naman papunta ng malls,” ani Nebrija. 

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALONG ATLETA PINAPURIHAN NG AFP

(NI AMIHAN SABILLO)

PINAPURIHAN at pinasalamatan ng Armed Forces (AFP) ang lahat ng sundalong atleta na nakilahok sa Southeast Asian Games na pormal na nagwakas Miyerkoles ng gabi sa isang engrandeng seremonya sa New Clark City sa Tarlac.

Ayon kay AFP Spokesperson B. Gen. Edgard Arevalo na ipinaabot ni AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement ang kanyang pagbati sa 127 sundalong atleta na nagbigay ng karangalan hindi lang sa AFP, kundi sa buong bansa sa kanilang mahusay na performance sa palaro.

Sinabi pa ni Arevalo, 27 ginto, 13 silver at 8 bronze medals ang naiambag ng mga sundalong atleta sa Team Philippines na nagkamit ng pinakamaraming medalya at itinanghal na Overall Champion sa palaro.

Dagdag pa ni Arevalo, bilang  pagkilala sa mga sundalong atleta, sila ay pagkakalooban ng “thanksgiving dinner sa December 19.

Nagpasalamat din si Arevalo sa buong sambayanan sa patuloy na pagsuporta sa AFP, na magdiriwang ng kanilang ika-84 na anibersaryo sa Disyembre 17.

 

Please follow and like us:
Read More