DESPERADONG MAGKA-ASAWA, NA-PRANING

JAILED-11

HUMANTONG sa karsel ang isang matandang binatang tulak umano ng ilegal na droga makaraang manggulo habang armado ng patalim nang mapraning dahil sa kaiisip kung paano siya makapag-aasawa noong Martes ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang arestadong suspek nasi Lito Reyes y Parlero, 40, binata, jeepney driver, ng 0315 BMBA Compound, 2nd Ave., East Grace Park, Barangay 120, Caloocan City, nakumpiskahan ng mahigit P231,000 halaga ng umano’y shabu.

Napag-alaman, dinampot si Reyes dakong alas-5:25 ng hapon nang maghuramentado sa eskinita sa gilid ng Jackman Plaza sa  Rizal Ave. Extension, Barangay 88, Caloocan City.

Bukod sa patalim  na ginamit sa pagwawala, nakumpiska rin sa suspek ang 12 sachet ng umano’y shabu na tumitimbang ng 34 gramo na may standard drug price na P 231,200, at isang timbangan.

Sasampahan ang suspek ng kaukulang kaso sa piskalya ng lungsod ng Caloocan.

Ayon sa ilang kalugar, malaon nang gustong-gustong lumagay sa tahimik ng suspek upang umano ay makapagbagong-buhay ngunit dinededma ng mga bebot dahil sa ilegal nitong gawain. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More

11.4 °C SA BAGUIO CITY, PINAKAMALAMIG SA 4 NA BUWAN

(NI ABBY MENDOZA)

NAITALA sa 11.4 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City, Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astrononomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura ay naitala sa Atok, Benguet na nasa 7 degrees celsius.

Asahan  pang lalamig  ang panahon sa mga susunod na araw dahil sa peak ng hanging amihan.

Ang 11.4 degrees ang pinakamababa na naitala sa loob ng apat na buwan mula nang punasok ang northeast monsoon o hanging amihan noong buwan ng Setyembre.

Hanggang buwan ng Pebrero ang peak ng hanging amihan kaya mahaba pa ang mararanasang malamig na panahon.

 

Please follow and like us:
Read More

‘URSULA’ LUMABAS NA NG PH; DAANG MILYONG PINSALA INIWAN

WALA na sa Philippine area of responsibility ang bagyong Ursula matapos makapaminsala ng milyun-milyong ari-arian at nakapatay ng higit 25 katao nitong Pasko, ayon sa Pagasa.

Marami pa rin ang nawawala sa bagyong Ursula nakapamuksa at nakatangay ng daan-daang kabahayan at bangka sa maraming bahagi ng Visayas.

Ilang lugar sa Leyte, Aklan, Eastern Samar at Oriental Mindoro ang isinailalim sa state of calamity para matulungan ng mga lokal na pamahalaan para sa libu-libong kababayan na naapektuhan ng malakas na ulan.

Wala pa ring kuryente ang malaking bahagi ng Capiz at lubog pa rin sa baha dulot ng pinsala ng bagyong Ursula.

Please follow and like us:
Read More

MAALIWALAS NA PANAHON SA BAGONG TAON ASAHAN — PAGASA

(NI KIKO CUETO)

MAALIWALAS na panahon ang asahan sa pagpasok ng bagong taon, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang Bagyong Ursula 335 kilometers west ng Zambales, at wala na itong anumang direktang epekto sa bansa.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin na sa bisperas ng bagong taon, asahan ang maaliwalas na panahon na may kaunti o mahinang buhos ng ulan sa hapon gabi.

Ang Ilocos, Cordillera, at Cagayan Valley regions at ang Aurora province ay makararanas ng maulap na papawirin na may isolated thunderstorms.

Ang nalalabing bahagi ng Metro Manila ay makakaasa ng maaliwalas na panahon.

 

Please follow and like us:
Read More

‘URSULA’ NASA BANSA NA, 13 LUGAR SINAILALIM SA SIGNAL NO. 1

(NI ABBY MENDOZA)

NASA 13 lugar na ang nasa Storm Signal No 1 matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ursula, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa).

Ang Public storm warning Signal No ay nakataas sa:

Sorsogon

Masbate including Ticao Island

Eastern Samar

Northern Samar

Samar

Biliran

Leyte

Southern Leyte

Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands, Camotes Islands)

Central Cebu (Balamban, Talisay, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu, Mandaue, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao)

northeastern Bohol (Inabanga, Danao, Dagohoy, Pilar, Guindulman, Anda, Candijay, Alicia, Buenavista, Jetafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, San Miguel, Ubay, Mabini, Pres. Carlos P. Garcia)

Dinagat Islands

Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente dahil sa mararanasang katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan na magdudulot ng pagbaha at landslides.

Ang bagyo ay namataan 900 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hangin na 65kph, bugso na 80kph at kumikilos sa bilis na 25kph.

Sa bisperas ng Pasko sa Martes, Dec.24 at sa mismong araw ng Pasko, ay asahan ang malalakas na ulan dala ng bagyo sa Kabisayaan.

Ayon sa Pagasa, bago ang pagtama sa kalupaan ng bagyong Ursula ay lalakas pa ito at magiging Severe Tropical Storm

Sa Eastern Visayas inaasahang maglalandfall ang bagyo, Martes ng gabi o sa mismong araw ng Pasko sa Miyerkules.

Sa Sabado ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

CHRISTMAS STORM: ‘URSULA’ PAPASOK NA NG PINAS

(NI ABBY MENDOZA)

PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko na bibiyahe ngayong Kapaskuhan para umuwi sa kanilang mga probinsya na gawin na ito ng mas maaga upang makaiwas sa ma-stranded dahil sa inaasahang papasok na bagyong Ursula.

Ayon sa Pagasa, itataas nila ang gale warning signal sa Lunes ng gabi, Disyembre 23, mangangahulugan ito na sususpendihin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe ng mga barko dahil sa sama ng panahon at inaasahang mataas na alon.

Sa pinakahuling monitoring ng Pagasa ay isa nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), sa oras na pumasok ito ng bansa ay tatawagin na itong bagyong Ursula na ika-21 bagyo na pumasok ng bansa ngayong taon.

Ang papasok na bagyo ay namataan 1855 km East ng Mindanao, kumikilos ito sa bilis na 40kph at bugso na 60kph.

Sa forecast ng Pagasa ay Lunes ng madaling araw inaasahang papasok ng PAR ang bagyo at dadaan ito sa Visayas Region.

“The tropical depression is expected to landfall at the Caraga region or Eastern Visayas between December 24 to 25. It is expected to become stronger and is most likely to become a tropical storm,” pahayag ni weather forecaster Netherlene Salitrero.

Samantala, ang isa pang LPA na nagdadala ng paguulan sa Visayas ay namataan sa layong 605 kilometers ng Hinatuan, Surigao del Sur, hindi naman ito inaasahang lalakas pa at matutunaw na sa mga susunod na araw.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGASA: LPA POSIBLENG MAGING BAGYO SA PASKO

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging ika-21 bagyo na papasok ng bansa ngayong taon.

Ayon sa Pagasa kung hindi magbabago ang direksyon ng LPA  ay maaaring maging ganap na bagyo na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa sa araw ng Kapaskuhan.

Sa ngayon ang sama ng panahon ay namataan 2,000km  sa Mindanao, maaari itong pumasok ng PAR sa Martes, o Christmas eve subalit sa darating na weekend pa lamang ay maaari na itong magdala ng mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas .

Sinabi ni Pagasa weather forecaster Sheila Reyes na malayo pa ang sama ng panahon kaya hindi pa madetermina ng Pagasa ang dala nitong lakas ng hangin at ulan.

Samantala isa pang shallow LPA ang namonitor ng Pagasa sa Mindanao ngunit hindi ito inaasahang lalakas pa at matutunaw din sa mga susunud na araw.

Umiiral ang Easterlies sa Eastern Visayas at Caraga na nagdadala ng pag uulan sa lugar habang asahan pa rin ang maaliwalas na panahon sa Luzon kabilang ang Metro Manila sa susunod na 24-oras.

 

Please follow and like us:
Read More

RESIDENTE NG MAYNILA SA COASTAL AREAS PINALILIKAS

(DAHLIA S. ANIN)

PINALILIKAS na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng Maynila nakatira sa coastal area dahil sa banta ni bagyong Tisoy.

Ang mga residente ng Baseco, Isla Puting Bato, Aroma at Happyland ang ilan sa mga pinalilikas dahil sa posibleng storm surges. Pansamantala silang sisilong sa mga evacuation centers sa kanilang mga lugar.

Alas 11 ng gabi noong Lunes nang mag-landfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon, ayon sa Pagasa at posibleng magdala ito ng malakas na hangin at ulan sa Metro Manila.

“Ayon sa Pagasa, baka lumakas ang bagyo patungo sa Maynila,” ani Moreno.

Sa ngayon ay taglay ni Tisoy ang hangin na nasa 175kph at bugso na umaabot sa 240kph.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG TISOY NAPANATILI ANG LAKAS, NASA S. QUEZON, MARINDUQUE, ROMBLON

NAPANATILI ng bagyong Tisoy ang lakas at nasa bahagi ng ng Bondoc Peninsula sa kasalukuyan.

Nabatid sa 8AM weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Quezon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa Pagasa, ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nananalasa at naghahatid ng napakalakas na hangin  at malalakas na pag-ulan sa Southern Quezon, Marinduque, at Romblon.

Sa loob ng susunod na tatlong oras ang ‘eyewall’ ng bagyo ay makaaapekto na sa Cavite, Batangas at sa norther portion ng Mindoro Provinces.

Maari din itong muling tumama sa kalupaan o ‘di kaya ay dumaan sa bahagi ng Marinduque-Simara Island-Banton Island bago mag-tanghali.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:

– Camarines Sur
– Albay
– Camarines Norte
– Masbate including Ticao at Burias Islands
– Romblon
– southern portion ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Catanauan, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres)
– Marinduque
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Batangas
– Cavite
– Laguna

Tropical cyclone wind signal number 2 naman sa:
– Catanduanes
– Sorsogon
– Metro Manila
– Bulacan
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
– Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Zambales
– Pangasinan
– Northern Samar
– Aklan
– Capiz
– Northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao)
– Northern Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Btad, San Dionisio, Sara, Concepcion, Lemery)

Tropical cyclone wind signal number 1 sa:
– Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones and San Agustin)
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Ilocos Sur
– La Union
– Quirino
– Nalalabing bahagi ng Aurora
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran)
– Eastern Samar, Samar, Biliran, northern Negros Oriental (Canlaon, Guihulngan, Vallerhermoso)
– northern Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Bacolod, Murcia, Salvador Benedicto, San Carlos, Bago, Pulupandan, Valladolid, La Carlota, San Enrique, Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla)
– Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands)
– Nalalabing bahagi ng Antique
– Nalalabing bahagi ng Iloilo
– Guimaras
– Leyte

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat at alerto.

Please follow and like us:
Read More

SIGNAL NO. 3 ITINAAS SA 6 LALAWIGAN SA BAGYONG TISOY

(NI KIKO CUETO)

UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga lugar kung saan nakataas ang Signal Number 3, ayon sa Pagasa.

Patuloy ang banta ng malakas na hangin at buhos ng ulan na magpapabaha sa mabababang lugar sa bansa.

Malakas na ulan ang asahan sa Bikol, Samar at Biliran.

Matinding ulan din ang asahan sa Northern Cebu, Northern Negros Island, Dinagat Islands, Siargao Island, at natitirang bahagi ng Eastern Visayas.

Ramdam din ang ulan sa Romblon, Mindoro provinces, Samar, Eastern Samar at Calabarzon.

Dito sa Metro Manila, makararanas din ng matinding buhos ng ulan lalo na sa mga lugar kung saan idinaraos ang Sea Games.

Maging sa Central Luzon, Cagayan at Isabela.

Nakataas ang Signal No. 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Southern portion ng Camarines Norte (Daet, San Vincente, San Lorenzon Ruiz, Basud, Mercedes), at sa Burias Islands.

Kabilang naman ang Metro Manila sa Signal No. 2 maging sa Bulacan, Bataan, Pampanga, Eastern portion ng Nueva Ecija (Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, San Antonio, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Tinio, Palayan, San Leonardo, Cabiao, San Isidro, Gapan, Peñaranda).

Gayundin sa Southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan), Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, natitirang bahagi ng Camarines Norte, Masbate kasama ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.

Nasa Signal Number 1 naman ang

Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin), Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quirino, natitirant bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac, Zambales.

Kasama rin ang Calamian Islands, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, northern part ng Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, Manapla, Murcia, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City),  Northern Cebu (Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands).

Maging ang Metro Cebu (Balamban, Toledo City, Pinamungahan, Aloguinsan, Naga City, Talisay City, Cordova, Minglanilla, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City, Consolacion, Liloan, Compostela, and Danao City), Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands at Siargao Island.

Aabot naman sa 500 barangays sa 14 siyudad sa Metro Manila ang posibleng bahain dahil sa bagyo.

Pinayuhan ang mga residente na lumikas na.

Tiniyak naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na nilinis nila ang mga sewerage.

“Pagdating sa mga sewerage natin, ang sabi ko nga summer pa lang pinaghahandaan na ‘yan, araw-araw naman ‘yan. Hindi tayo nagpapahinga diyan. May darating mang bagyo o wala laging nalilinis ‘yan ng ating team sa flood control,” sinabi nito.

Sinabi naman ng Philippine Coast Guard-NCR na nagpakalat sila ng mga tauhan sa Baseco hanggang sa Malabon.

Samantala, aabot na sa 5,327 pasahero ang na-stranded sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol at Eastern Visayas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG TISOY INAASAHAN SA TUBIG SA ANGAT DAM

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT pinsala ang dulot ng bagyong Tisoy, steady na supply naman ng tubig para sa summer ang positibo nitong ihatid para sa mga residente ng Metro Manila.

Ayon sa National Water Resources Board(NWRB) inaasahan nilang makatutulong ang bagyong Tisoy para madagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam,ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nanatiling mababa sa 189 meters ang water level ng dam, kulang pa ito ng 16 meters para maabot ang normal operating level na 205 meters.

Sinabi ni David na umaasa silang mapupunan ang kakulangan ng tubig sa dam sa hatid na pag-uulan ng bagyong Tisoy.

“Itong bagyong Tisoy, kahit may pangamba sa mga epekto nito sa mga kababayan natin, sa punto naman po ng water supply e makakabuti po ito kung saka-sakali,” paliwanag ni David.

Ang Angat Dam ang syang pangunahing nagsusupply ng tubig sa Metro Manila.

Una nang sinabi ng NWRB na kung hindi madaragdagan ang tubig sa dam ay asahan na ang kakapusan ng tubig pagsapit ng buwan ng Marso hanggang Mayo, gayunpaman, maganda ang forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) sa bagyong Tisoy na magdadala ng pag-uulan sa Bulacan at Pampanga kaya positibo ang ahensya na makatutulong ito para maibsan ang problema sa supply ng tubig.

 

Please follow and like us:
Read More

SAMAR, SIGNAL NO. 1 NA  KAY ‘TISOY’

(NI ABBY MENDOZA)

PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar.

Ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa, taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng  Virac, Catanduanes.

Sinabi ng Pagasana sa Disyembre 2, Lunes ng hapon o sa Disyembre 3, Martes, ng umaga magla-landfall ang bagyo sa Bicol.

Sa forecast ng Pagasa, makararanas ng malakas at madalas na pag-uulan sa December 2 ang Bicol Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran.

Madalas subalit katamtaman na ulan naman sa Romblon,Marinduque at Quezon.

Sa Disyembre 3 ay tuloy-tuloy at malakas na pag-uulan at mararanasan sa Metro Manila, Bicol Calabarzon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Nagbabala ang Pagasa na may dalang malakas na hangin ang bagyo kaya inaasahan ang pinsala gayundin ay asahan ang malalakas na paguulan na maaaring magdulot ng flashfloods at landslide kaya pinapayuhan ang mga naninirahan sa mga low lying areas at malapit sa mga bundok na maging handa sa paglikas.

Pinagbabawal din ang paglalayag sa mga lugar na may storm signal.

 

Please follow and like us:
Read More

DARAANAN NI ‘TISOY’ PINAGHAHANDA NG PAGASA

(NI ABBY MENDOZA)

MAIHAHALINTULAD sa nanalasang bagyong Reming at Glenda ang padating na bagyong Tisoy kaya ngayon pa lamang ay inaatasan na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maging handa.

Ayon sa Pagasa, parehas ang direksyon na tinatahak ng bagyo na may international name na Kammuri sa direksyong tinahak ng bagyong Glenda noong November 28, 2006 at bagyong Reming noong July 2014.

Sa bagyong Reming ay 106 ang nasawi, 1250 ang sugatan, 5 ang missing at P38.6 Bilyon ang pinsala.

Sa talaan ng Pagasa si bagyong Glenda ay nag iwan ng 734 patay,  2,360 ang sugatan, 762 ang mawawala at P5.4 Bilyon ang naging pinsala.

Sa monitoring ng Pagasa ay mas lumakas pa ang typhoon ‘Kammuri’.

Namataan ito sa layong 1,470 km sa Southern Luzon ,sa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility, taglay ang lakas ng hangin na 140 kph at bugso na 170 kph.

Sa araw ng Sabado o Linggo ng umaga ito inaasahang papasok ng PAR at maglalandfall sa Catanduanes.

Nilinaw naman ni Pagasa Weather Division Chief Dr. Esperanza Cayanan na sa ngayon ay nanatiling maliit ang tiyansa na maging super typhoon ng paparating na bagyo.

Paliwanag ni Cayanan na iba ang pamantayan na ginagamit ng Joint Typhoon Warning Center ng America sa ginagamit na batayan ng Pagasa.

Ang bagyong Tisoy ay maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region at Samar provinces simula sa Lunes.

Habang sa Central Luzon, Bicol Region, Southern Luzon at Metro Manila ay maaaring makararanas ng malalakas na hangin at pag-ulan sa Martes at Miyerkules.

Samantala umapela ang PAGASA  sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media ukol sa bagyo. Tanging ang mga impormasyon na galing sa Pagasa ang siya lamang paniwalaan para maiwasan ang kalituhan.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG KAMMURI LUMALAKAS SA PAGPASOK SA PH

POSIBLE umanong maging super typhoon ang binabantayang ‘Bagyong Kammuri’ na papangalanang ‘Tisoy’ pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR)

Ayon sa 4am weather update ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1.350 kilometro Silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 km bawat oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 km kada oras at inaasahang papasok ng PAR sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga.

Ayon sa Pagasa, pagpasok ng PAR ay aabutin pa ng tatlong araw bago ito tuluyang tumama sa Southern Luzon partikular sa Bicol Region.
Ngayong araw, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa northeast monsoon o Amihan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay bahagyang apektado na rin ng Amihan at makararanas ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Sa Visayas at Mindanao asahan ang maalisangang panahon na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Isabela
– Aurora
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Camarines Norte
– Northern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes
– Eastern coast ng Quezon kasama ang Polillo Island
– Northern coast ng Northern
– Eastern Samar

Please follow and like us:
Read More

2 BAGYO ‘DI NAKAPAGPATAAS NG TUBIG SA ANGAT DAM

(NI DAHLIA S. ANIN)

SA kabila ng sobra-sobrang buhos na ulan na dinala ng sunud sunod na bagyo sa bansa, hindi man lang daw ito nakaambag upang maitaas ang antas ng tubig sa Angat Dam, ayon sa Pagasa.

Bumaha sa ilang Probinsya sa Hilagang Luzon bunsod ng bagyong Quiel at bagyong Ramon katulad ng Cagayan at Isabela dahil sa dami ng ilan na ibinagsak ng mga bagyo.

Pero kulang na kulang ang ulan na dala ng mga bagyo upang mapunan ng tubig ang watershed ng Angat dam sa Bulacan.

Ayon sa tala ng Pagasa bumababa ng 15 sentimetro ang lebel ng tubig sa dam kada araw.

Sa pagtataya ng ahensya, dalawang bagyo na lamang ang posibleng tatama sa bansa ngayong taon, at dapat na dumaan ang mga bagyong ito sa Central Luzon.

Ayon kay Chris Perez, Senior Weather Specialist ng Pagasa sa isang panayam, “What we need is storm intensity na tatawid sa Central at Southern Luzon at hindi kabagalan ang pagkilos, atleast 62 kilometers ang lakas pag ganun.”

Ang bagyong Jenny pa lamang ang bagyo na nakapagdala ng sapat na tubig sa Angat watershed, ayon sa Pagasa.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG SARAH ‘DI MAGLA-LANDFALL; E-EXIT SA SABADO

bagyo

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT lumakas, hindi pa rin magla-landfall ang bagyong Sarah at asahan na sa weekend ay hihina ito at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Phillippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nasa kategoryang severe tropical storm na ang bagyo, namataan ito sa Basco, Batanes at kumikilos ito sa bilis na 10 kph, taglay ang lakas ng hangin na 100 kph at bugso na 125 kph.

Sa ngayon ay umiiral ang Storm Signal No 1 sa Babuyan Island at Batanes.

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente sa Batanes, Babuyan Islands, ibang bahagi ng Cagayan Valley, Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera at Central Luzon dahil sa asahan na magiging maulan ang susunud na 24 oras na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa o landslides.

Ipinagbabawal din na maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat dahil sa malakas na alon partikular sa baybayin Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cagayan, Isabela at hilagang Aurora.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BAGYO MAGPAPAULAN SA BANSA

(NI ABBY MENDOZA)

SA loob ng 24-oras ay dalawang bagyo ang patuloy na magpapaulan sa Northern Luzon matapos pumasok na rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagong bagyong Sarah.

Sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA), humina na ang bagyong Ramon matapos itong maglandfall sa Cagayan.

Huling namataan ang Bagyong Ramon  sa may Roxas, Isabela, taglay ang hangin na 55 kph at pagbugso na 90 kph at  kumikilos sa bilis na 20 kph.

Mas hihina pa ang bagyong Ramon at  posibleng maging isang Low Pressure Area na lamang sa loob ng 24-oras at lalabas na ng bansa.

Umiiral na lang ang  Signal No 1 sa  Batanes, Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur, kanlurang bahagi ng Isabela (Quezon, Mallig, Quirino, Roxas, San Manuel, Burgos, Aurora, Reina Mercedes, Luna, Cabatuan, San Mateo, Cauayan, Ramon, Alicia, Angadanan, San Isidro, Santiago at Cordon), Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union at Pangasinan

Samantala, ang bagyong  Sarah ay isa nang tropical storm.

Namataan ito sa  layong 640 km silangan ng Casiguran, Aurora,  may lakas ng hanging 65 kph; bugso na 80 kph at kumikilos ng 20 kph.

Dahil sa inaasahang pagtama sa lupa ng bagyong Sarah ay itinaas na sa signal No 1  ang silangang bahagi ng Cagayan at  hilagang-silangang bahagi ng Isabela.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘RAMON’ HUMINA NA

bagyo

BAGYONG ‘Ramon’ humina na matapos tumama sa Santa Ana, Cagayan kaninang alas-12:20 ng hatinggabi.

Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, isa na lamang Severe Tropical Storm ang bagyo at patuloy na kumikilos sa ibabaw ng Cagayan.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Baggao, Cagayan.

Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 km bawat oras.

Kumikilos ito sa bilis na 10 km bawat oras sa direksyong Timog-Kanluran.

Wala nang nakataas na Tropical Cylone Warning Signal (TCWS) no.3 at signal no.2 na lamang ang nakataas sa:
• Batanes
• Cagayan including Babuyan Islands
• Apayao
• Kalinga
• Abra
• Ilocos Norte
• at Ilocos Sur

Nasa ilalim naman ng Signal no. 1 ang:
• Northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
• Mountain Province
• Benguet
• Ifugao
• La Union
• Pangasinan

Ngayong araw, mahina hanggang katamtaman na minsan ay may madalas na malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao at northern portion ng Batanes.

Mahina hanggang katamtaman na may panaka-naka ring malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, northern portion ng Isabela at nalalabing bahagi ng Ilocos Norte.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng flashfloods at landslides.

Ayon sa PAGASA, posible ang coast flooding at bawal ang paglalayag sa mga lugar na nasa TCWS, maging sa seaboards ng:
• southern Isabela
• Camarines Norte
• Catanduanes
• western seaboard ng Zambales
• Bataan
• Occidental Mindoro
• Palawan
• at northern seaboard ng Camarines Sur

 

Please follow and like us:
Read More

NORTHERN CAGAYAN SIGNAL NO. 3 NA KAY ‘RAMON’

RAINY DAY-1

(NI ABBY MENDOZA)

ISINAILALIM na sa signal no 3 ang Northern portion ng Cagayan dahil sa inaasahang paglandfall ng bagyong ‘Ramon’.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 Northern portion ng Cagayan, Signal no.2 naman sa Batanes, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur at  nakataas ang signal no 1 sa Mountain Province, Benguet, Ifugao La Union, at  Pangasinan.

Ang bagyo ay huling namataan sa Calayan, Cagayan, taglay ang 120 kph na lakas ng hangin at bugso na 75kph.

Martes ng gabi ito inaasahang tatama sa Babuyan Island.

Ayon kay weather specialist Raymond Ordinario, sa pag-landfall ng bagyo sa Cagayan ay hihina ito at tatahakin ang direksyon patungong Dagupan City at sa araw ng Huwebes ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kaugnay nito, nasa loob na ng bansa ang

binabantayang Low Pressure Area. Namataan ito sa layong 930 km ng Guiuan, Eastern Samar.

Inaasahang magiging bagyo ito sa loob ng 24 oras at tatawagin itong bagyong Sarah, ang ikatlong bagyo nitong buwan ng Nobyembre.

 

Please follow and like us:
Read More

‘RAMON’ LUMAKAS, SIGNAL NO. 2 ITINAAS SA ILANG LALAWIGAN

bagyo

(NI ABBY MENDOZA)

KASUNOD ng inaasahang landfall ng bagyong Ramon, ilang lugar ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 2 ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito.

Itinaas na ang Storm Signal No 2 sa Cagayan, Northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga at Northern portion ng Ilocos Norte.

Ayon sa Pagasa, ang mga nasa signal No 2 ay makakaranas ng lakas ng hangin na aabot sa 61kph hanggang 120kph sa loob ng 24 oras.

Nasa Signal No 1 naman ang nalalabing lugar sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mountain province, Ifugao, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Isabela.

Sa monitoring ng Pagasa, ang sentro ng bagyo ay namataan 160 km sa silangan hilagang-silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph, bugso na 105kph at kumikilos sa bilis na 10kph.

Nagbabala ang Pagasa sa mga daraanan ng bagyo na maging alerto dahil lalakas pa ang bagyong Ramon habang papalapit ang pagtama sa lupa.

Sa araw ng Miyerkoles lalabas ng bansa ang bagyong Ramon.

Nakataas din ang gale warning signal at ipinagbabawal ang paglalayag sa seaboards sa mga lugar na nasa ilalim ng storm warning signal gayundin sa Southern Luzon.

Samantala, sinabi ng Pagasa na isa pang sama ng panahon ang papasok sa PAR sa loob ng 24 oras,huli itong namataan 1,605 km sa silangan ng silangang-Visayas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SIGNAL NO. 1 ITINAAS SA 7 LALAWIGAN; ‘RAMON’ LUMAKAS PA

(NI ABBY MENDOZA)

LUMAKAS  pa ang bagyong ‘Ramon’ na isa nang tropical storm kung saan pitong  lalawigan ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 1.

Nasa ilalim ng tropical storm warning signal No 1 ang Eastern Samar, Northern Samar, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon.

Ang bagyo ay huling namataan sa Catarman Northern Samar, taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na 70kph.

Asahan umano na magiging maulan sa nasabing lugar kaya ibinabala ng PAGASA na maaaring magkaroon ng landslides at pagbaha.

Ayon kay PAGASA Weather Division Chief Esperanca Cayanan, Bicol Region at Eastern Visayas ang madaraanan ng bagyo kaya ngayon pa lamang ay dapat na maghanda ang mga local government units at mga residente sa posibleng paglikas kung kinakailangan.

“‘Yun pong mga lugar na basa pa ‘yung kanilang kabundukan, matataas pa ‘yung mga tubig sa kanilang ilog at sa kanilang mga reservoir, ay kailangan po talagang tutukan. Dahil ‘yung ulan na nakikita po natin, hindi man ito tuloy-tuloy na malakas, pero may pagbugso…. Maaring umuulan pala doon sa bundok at ito ay magdudulot ng pagbaha doon sa kapatagan…so kailangan po natin magbantay, maging handa,” pahayag ni Cayanan.

Nakataas din ang gale warning na nagbabawal sa paglalayag sa  mga maliliit na sasakyang pandagat kabilang sa Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur,Isabela, Aurora at Camarines Provinces.

Kung hindi magbabago ng direksyon ang bagyo ay inaasahang sa araw ng Sabado ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘RAMON’ LALAKAS PA SA LOOB NG 48-ORAS

pagasa

(NI ABBY MENDOZA)

TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa Virac, Catanduanes at pinangalanan itong bagyong ‘Ramon’, ang ika 18 bagyo na pumasok sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay huling namataan 835km Silangan ng Virac, Catanduanes at 685 km Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.

Kumikilos ito sa bilis na 10kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 77kph.

Lalakas at magiging tropical storm ang bagyo sa loob ng 48-oras kung saan unang isasailalim sa Signal No 1 ang lalawigan ng Samar.

Itinaas din ng Pagasa ang gale warning signal sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan ang Bicol, Romblon,

Marinduque at Quezon gayundin ang Isabela, Quirino, Aurora, Polilo Island, Camarines Norte at mahina pero tuloy tuloy na pag-uulan sa Aklan, Capiz, Romblon at Marinduque.

 

Please follow and like us:
Read More

ULAN DULOT NG LPA SA CATANDUANES

ulan1

(NI KIKO CUETO)

MAGIGING maulan ang malaking bahagi ng bansa dahil na rin sa low pressure area, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang  LPA sa  910 kilometers east ng Virac, Catanduanes.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, magdadala ang LPA ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidnat lalo na sa Visayas, Bicol Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Caraga at sa lalawigan ng Quezon, Marinduque at sa Romblon.

Ang nasabing LPA ay posibleng maging bagyo bukas.

Kapag nangyari ito, tatawagin itong Bagyong “Ramon.”

Ang northeast monsoon naman o ang amihan ang magdadala ng maulap na papawirin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at sa Central Luzon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng fair weather na may paminsan-minsan na ulan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

QUIEL UMEXIT NA NG PH

bagyo

NAKALABAS na kaninang alas-5:00 ng madaling araw ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Quiel.

Ayon sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 590 kilometro Kanluran ng Coron, Palawan.

May taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.

Mabagal na kumikilos ang Bagyong Quiel sa direksyong pa-Kanluran at tinatahak ngayon ang bansang Vietnam.

Sa kabila nito, nakakaapekto pa rin ang Tail-End of a Cold Front sa Northern Luzon.

Makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region.

Maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. Magkakaroon din ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Calayan
• Babuyan
• Cagayan
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• Isabela
• La Union
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Cavite
• western coast ng Batangas
• Occidental Mindoro
• at Palawan

Please follow and like us:
Read More