“COMMUNITY QUARANTINE” SA NCR: MANGYARING SUMUNOD SA MGA AWTORIDAD

f

NAKIKIUSAP tayo sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Rizal na makipagtulungan tayo sa mga hakbang ng ­gobyerno at sumunod tayo sa mga patakaran kaugnay sa ­ipinaiiral na “community quarantine” sa Metro Manila simula kahapon ­(Marso 15) hanggang Abril 14. Hindi lingid sa ating kaalaman na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kung kaya sinasang-ayunan natin ang naging hakbang ng inter-agency task force na gawin ang nararapat upang hindi na lumala pa ang sitwasyon at mas ­lumaganap ang COVID-19 sa mga karatig lalawigan. Batay sa resolusyon ng…

Read More

REPRODUCTIVE RIGHTS PALAKASIN, PANGANGANAK SA BAHAY PAGTIBAYIN

f

DAHIL ang buwan ng Marso ay idineklarang Women’s Month at ang March 8 (kahapon) ay kinikilalang International Women’s Day, isang magandang balita ang nais na iparating ng inyong lingkod sa mga kababaihan lalong lalo na ang mga magiging nanay o sa mga babaeng buntis. Isinusulong po ng inyong congressman mula sa 2nd District ng Rizal ang Reproductive Rights para sa mga kababaihang nagdadalang-tao na isilang ang kanilang anak sa lugar kung saan nila nais at kung saan sila kumportable. Kamakailan ay inihain natin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House…

Read More

MALASAKIT HATID NI NOGRALES

MALAYONG BARANGAY SA MONTALBAN NAABOT NG AYUDA GINUGOL ni Rizal, 2nd District Rep. Fidel Nograles ang araw ng Martes sa pamimigay ng ayuda sa isa sa pinakamalayong barangay sa bayan ng Montalban. Kung ang iba ay ipinagdiriwang ang nakagawiang selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA People Power tuwing sumasapit ang Pebrero 25, si Rep. Nograles naman ay ipinadama sa kanyang mga kababayan ang tunay na malasakit. Tinungo ng grupo ni Cong. Nograles ang Brgy. Puray sa bulubunduking bahagi ng Montalban, Rizal para maipamahagi ang sampung (10) bisekleta para sa Barangay Health…

Read More

IRR NG FREE LEGAL ASSISTANCE LAW ILABAS SC, BIR KINALAMPAG NI NOGRALES

KINALAMPAG ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at maging ang Korte Suprema dahil sampung taon na simula nang maging batas ang Republic Act (RA) 9999 o Free Legal Assistance, ay wala pang inilalabas na Implementing Rules and Regulations (IRR). Sa kanyang privilege speech sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Nograles na napakaganda ng nasabing batas para matulungan ng mga private lawyer ang mahihirap na mamamayan na may kinakaharap na kaso sa korte ngunit hindi naiimplementa dahil sa kawalan ng IRR. “Ten years ago, Congress passed…

Read More

MAGNA CARTA OF COMMUTERS IPASA – NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-2

(PFI Reportorial Team) NANAWAGAN ang isang bagitong kongresista sa kanyang mga kapwa mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na agad ipasa ang batas na nakikitang solusyon para mapabuti o mapahusay ang pagkilos ng mga Filipino sa buong bansa. Layunin ng Magna Carta of Commuters na pagtuunan ng pansin ang hindi pagkakapantay-pantay na dulot ng ilang dekadang kabiguan na maipatupad ang wastong pagkokonekta sa ating bansa, pahayag ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles. “Nananawagan tayo sa ating mga katrabaho. Bagong taon, bagong dekada, ngayon na ang tamang panahon bago pa…

Read More

REHAB CENTER SA RIZAL MAY AYUDA NG DDB

Nograles

(Ni JOEL O. AMONGO) Nagbigay ng limang (5) milyong pisong ayuda para sa pondo ng pagtatayo ng community based rehabilitation center ang pamunuan ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa San Mateo, Rizal bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra ilegal na droga sa bansa. Pormal na nilagdaan ang Memorundum of Agreement (MOA) nina DDB Chairman Catalino Cuy, San Mateo Mayor Cristina Diaz at Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles nitong nakalipas na Biyernes, Disyembre 20, 2019. Pinagtibay ng MOA ang pagtutulungan ng pamahalaang lokal ng San Mateo, Rizal at…

Read More

PARALEGAL SALAIN

Rep Juan Fidel Nograles-2

Pamantayan, benepisyo, ipinatatakda ni Rep. Nograles (PFI Reportorial Team) ISINUSULONG ng isang bagitong mambabatas ang tamang benepisyo at pagkilala sa mga papasok sa propesyong paralegal. “Panahon na upang maging propesyonal ang paralegal work para matiyak ang kalidad ng serbisyong legal sa pamamagitan ng pagtatakda ng pamantayan para sa sinomang pumapasok sa ganitong uri ng trabaho.” Ito ang dahilan kaya itinutulak ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles, ang House Bill 5886, isang komprehensibong panukala na nagsasaad ng tungkulin ng paralegal workers at magbibigay ng garantiya sa kanilang karera at propesyonal…

Read More

KOMISYON SA HEALTH PROMOTION ITINUTULAK NI REP. NOGRALES

REP NOGRALES-KALUSUGAN-2

(PFI REPORTORIAL TEAM) TINUTULAK ng isang bagong mambabatas ang paglikha ng Health Promotion Commission na popon­dohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law. Ang pangunahing tungkulin nito ay upang mabuo ang National Health Promotion Policy Framework and Action Plan para matiyak na kalusugan ang mangunguna sa lahat ng mga polisiyang gagawin, pati na rin ang pagpapakilos ng mga mekanismong panlipunan at ma-monitor ang kanilang pagpapatupad. Gagawa rin ito ng rekomendasyon para sa pag-unlad ng pamumuhunan sa mga tiyak…

Read More

REP. NOGRALES: SIERRA MADRE PROTEKTAHAN

Rep Fidel Nograles-Sierra Madre-2

NAIS ng isang mambabatas mula sa Rizal na masigurong nabibigyan ng proteksyon ang bulubundukin ng Sierra Madre. Ito ang layunin ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles kaya isinusulong niya sa Kamara ang pagbuo ng Sierra Madre Development Authority. Magiging pangunahing gawain ng naturang ahensiya ay magsagawa ng komprehensibong survey ng pisikal at mga likas na yaman gayundin sa mga potensyal na makikita sa Sierra Madre region at gumawa ng komprehensibong tala at detalyadong plano batay sa resulta ng survey, at gumawa ng disenyo upang mapangalagaan at gamitin nang mabuti…

Read More

NOGRALES BIDA SA ABROAD SA PAGSUSULONG NG KAPAKANAN NG OFWs

REP NOGRALES-6

PINURI ng Alliance of Bonafide Recruiters for Overseas Filipino workers Advancement and Development (ABROAD) si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles dahil sa panukalang batas na isinusulong nito na pagbuo ng hiwalay na ahensiya upang humawak sa overseas labor cases. Ayon kay ABROAD Convenor Russel Garcia, maganda ang hakbangin ni Nograles bukod pa sa napapanahon na upang bigyang pansin ang kapakanan ng mga makabagong bayani ng bansa. Sinabi ni Garcia na ang National Labor Relations Commission ay hango sa batas na inakda ng US Congress noong panahon ng Commonwealth Republic…

Read More

BATAS KONTRA TEENAGE PREGNANCY ISINUSULONG NI REP. NOGRALES

REP NOGRALES-6

INIHAIN ni Congressman Fidel Nograles ng Ikalawang Distrito ng Rizal, ang isang panukalang batas para mapigil ang teenage pregnancy sa bansa. Sa buong Southeast Asia, ang Pilipinas ay nakapagtala ng mataas na rekord ng maagang pagbubuntis sa mga kabataan. Bunsod nito, inihayag ni Rep. Nograles na kailangang gumawa ng hakbang para mapigilan ang maagang pagdadalantao ng mga kababaihan. Nitong Huwebes, sinabi ni Rep. Nograles na ang laganap na kaso ng maagang pagbubuntis ay lumilikha ng agwat sa pagitan ng batang magulang at mga serbisyong pangkalusugan, nutrisyon, edukasyon at kasanayan na…

Read More

HAZING VICTIMS DAPAT UMAKSYON PARA MAPANAGOT ANG MGA SUSPEK – REP. NOGRALES

REP NOGRALES-5

(Ni PAOLO SANTOS / Kuha ni EDD CASTRO) HINIKAYAT ni Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles ang mga biktima ng hazing na umaksyon at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mabigyang hustisya ang kanilang sinapit. Ito ang dahilan kaya nais amyendahan ng mambabatas ang anti-Hazing law upang mas mabigat na parusa ang maipataw sa mga sangkot at makasuhan ang mga kasabwat o willing victims ng hazing. Sa media forum kahapon sa Quezon City, sinabi ni Rep. Nograles na sa ilalim ng Anti-Hazing Act 2019 o Republic Act 11053 na nilagdaan…

Read More

SINIGURO NI REP. NOGRALES SA 800 MAGSASAKA SA RIZAL: LUPA, KABUHAYAN

NOGRALES

MAHIGIT 800 agra-rian reform beneficiaries (ARBs) mula sa ikalawang distrito ng Rizal ang nakatanggap ng titulo ng kanilang sinasakang lupa bukod pa sa naipangakong tulong upang mapaunlad ang sakahan na saklaw ng 737 ektaryang lupaing agrikultural. Sinabi ni 2nd District Rep. Fidel Nograles, hindi magtatapos sa pamamahagi ng lupa bilang pagtupad sa kautusang nilalaman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang tulong na ibibigay sa ARBs. “Magbabalangkas kami ng mga pamamaraan upang siguruhin na mapapakinapangan ng husto ng mga benepisyaryo ang lupa na kanilang natanggap. Magtutulungan kami hindi lang para…

Read More

BIKTIMA NG HAZING PAPANAGUTIN — REP. NOGRALES

Rep Fidel Nograles-3

NAIS ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles na maamyendahan ang umiiral na Anti-Hazing Law upang maparusahan na rin kahit ang mga biktima nito. Ito ay dahil naniniwala ang kongresista na sa ganitong paraan ay matatapos na ang tinatawag na kultura ng impunity. Ipinunto ni Nograles na maraming mga estudyante ang sumasali sa fraternity kahit alam nilang maaaring makaranas ng hazing. “Umaasa tayo na sila’y mapipigilang sumali sa isang samahan na may kultura ng hazing kung may sapat silang kamalayan dito, gayundin, maaaring maparusahan ng batas,” pahayag ni Nograles. Sinabi…

Read More

NOGRALES: DAPAT PAGBAYARAN ANG KRIMEN

NIPIS

SA mga hindi sinasad­yang pagkakataon, nakasalubong, nakasalamuha at nakapanayam ng inyong lingkod ang isang batambatang mambabatas mula sa ikalawang distrito ng Rizal na si Juan Fidel Nograles na siya ring vice chair ng House Committee on Justice. Masarap makipagtalastasan sa abogadong mambabatas sapagkat marami itong kaalaman tungkol sa batas, na dapat naman dahil nagtapos lang naman siya ng abogasya sa Harvard University at nakakuha ng Juris Doctor degree sa Ateneo de Manila University. Para kay Rep. Nograles, hindi dapat palayain ang mga gumawa ng heinous crime tulad ni dating Calauan…

Read More

SWINE FLUE DAPAT SUGPUIN – NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-3

Dapat magkaisa sa pagsugpo ng swine flu ang lahat ng nagmamay-ari ng babuyan at nag-aalaga ng baboy sa Montalban (Rodriguez) upang matiyak na hindi kakalat ang swine disease bagamat kinukumpirma pa lamang ang ulat. Sinuportahan ni Congressman Juan Fidel Nograles, kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Rizal ang pagkilos ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA), sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal at iba pang ahensiya na naatasang i-monitor at gumawa ng kaukulang aksiyon upang mabilis na masugpo ang banta ng posibleng sakit sa baboy. “Habang hindi pa…

Read More

LAWYERS’ KILLINGS PINATUTULDUKAN NI REP. NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-2

KAILANGAN nang tuldukan ang nangyayaring karahasan sa mga abogado at tiyakin ang kanilang kaligtasan at pag-iral ng batas. Iginiit ito ni House Committee on Justice Vice Chair at Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles. Kasabay nito ay nanawagan ang mambabatas ng imbestigasyon sa pagpatay sa mga abogado, piskal at huwes. Kahapon ay inihayag ni Nograles ang kanyang pag-akda sa House Resolution No. 185 dahil panahon na umanong kumilos ang gobyerno sa sunud-sunod na pagkitil sa buhay ng mga abogado na tinawag nitong “mga bantay sa Rule of Law.” “Ang…

Read More

FREE LEGAL AID SA MAHIHIRAP ISUSULONG SA KAMARA PARA TUGUNAN ANG KAKULANGAN SA ABOGADO

REP NOGRALES-2

SA wakas ay matutuldukan na rin ang patong-patong na kasong hinahawakan ng Public Attorney’s Office, na hindi magkamayaw ang mga abogado ng ahensya sa pangangasiwa ng mga kasong idinudulog sa kanila. Ayon kay Rizal Second District Rep. Fidel Nograles, isang solusyon ay ang pagsasabatas ng free legal aid program sa mga eskwelahang nagtuturo ng batas sa bansa “upang bigyan ng libreng tulong-legal ang mga mahihirap na Pilipino.” “Ginagarantiya ng ating Konstitusyon ang pantay-pantay na pagkakataon sa katarungan ng mga mahihirap sa pamamagitan ng libreng serbisyong legal sa mga hukuman at…

Read More