MAINE, ARJO NAG-CELEBRATE NG 1ST ANNIV SA YATE

Ah, love, sweet love. How can you not see that in the faces of Eat Bulaga’s Maine Mendoza and boyfriend Arjo Atayde?

On Saturday morning, Maine posted a photo of the two of them posing a little bit ala Titanic aboard a yacht — with Maine’s dress being blown by the wind and Arjo looking up to his lady love, his hands encircling her waist. Both of them were smiling.

“ Happy first [heart emoji],” sulat ni  Maine na caption.

“I’m crying.. I love you,” sagot Arjo.

Ang lovebirds ay nag-celebrate ng kanilang  first anniversary na magkasama, at kanilang mga kaibigan, dabarkads at mga kapamilya  sa  industriya pati ang mga  fantsina ay aliw  at mga kinilig.

“So happy for you both! Happy Anniversary!!! [heart emoticon],” comment ni  Iza Calzado sa post.

Si  Ryzza Mae Dizon at Boobay at Ciara Sotto  ay sumagot din ng heart emojis.

Maraming netizens ang nag-remark na  kilig kilig sila p[ara sa dalawa at nag-wish pa na dapay ang magdyowa ay ipagpapatuloy ang init ng kanilang pagmamahalan.

Noong Marso lang umamin si Arjo na nagdi-date sila ni Maine exclusively.

“It’s true, I am dating Arjo,”  pag-amin naman ni Maine.

 

Please follow and like us:
Read More

VICE, ION NAMUDMOD NG PAMASKO

KAPAMILYA Vice Ganda at boyfriend Ion Perez , namudmod ng mga pamasko sa mga ordinaryong Pinoy sa lansangan. Para sa diwa ng Pasko na magbigayan at maging masaya kaya nasumpungan ng magdiyowa ang pamumudmod.

Sa  video na in-upload ni Vice sa  YouTube channel niya noong  December 9,makikita ang magdyowa na nakasakay sa   van at nag-iikot sa mga kalye para mamahagi ng  mga“pamasko.”

Ang mga maagang pamasko ay may laman ng mga produktong ini-endorse ni Vice katulad ng Aficionado at Alaska pati na sariling cosmetics line niya.

Sina Vice at Ion ay namahagi ng mga pamasko sa mga tricycle driver, mga nanay, mga estudente,at marami pang mga taong kalye o nakasalubong nilang naglalakad sa kalye.

Ala-swerte nga ang kanilang pamumudmod ng regalo at pati na kagandahang-loob.

Bago sila nag-ikot sa kalye at namudmod ng pamasko, nag- dinner ang magdyowa sa kanilang lovenest at nag-uusap pa sila  tungkol sa unang award na napagwagian ni Ion,  Breakthrough Artist of the Year, nang Makita ni Vice ang naka-imbak lang sa  tinitirhan nilang mga boxful of Alaska milk products.

“Alam mo hindi naman natin mauubos ‘yan, ipamigay na lang natin ‘yan,” sabi ni  Unkabogable star  na narinig naming sa video.

“Alam mo meron din ako sa itaas mga Vice cologne na Aficionado, ibaba mo nga ‘yon. Dadalhin ko ‘yon. Ilagay ninyo sa sasakyan. Tapos sa kalsada pauwi, ipamimigay ko na lang,” dagdag pa niya.

Si Vice ay kilalang matulungin  at may mababang loob para sa mga mahihirap.

Sa audience ng It’s Showtime, sobra-sobra na rin ang napanahagi ng bida ng  “The Mall, The Merrier.

Pati mga wish ng mga netizens ay naibigay rin niya.

Last October, a netizen, who was initially planning to purchase Vice’s makeup collection, expressed her sadness on social media as she cannot afford to buy it since she instead allocated the money for her sibling’s school expenses.

 

Please follow and like us:
Read More

ALDEN BUMALIK SA SOUTH KOREA

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

Tinotoo nga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang sinabi nito na babalik siya ng South Korea. First time pa lang na nakarating ng South Korea ni Alden nang tumanggap siya ng Asian Star Prize Award mula sa Seoul International Drama Awards noong August. Naging vocal ito sa pagsasabing nagustuhan at na-enjoy niya ang siyempre, favorite country rin naman, huh!

At nabanggit nga ng bida ng The Gift na gusto niyang bumalik ng Korea at gusto niyang isama ang kanyang pamilya.

And since for like ilang years, parang naging tradisyon na yata ni Alden na tuwing Holidays, ipinapasyal at sinasama niya sa bakasyon ang pamilya niya. So this year, sa South Korea nga magse-celebrate ng Christmas si Alden with his family.

Ayon kay Alden, “Pa-Korea kami, tapos balik din. Kasi nga, new year countdown.”

For sure, susulitin ng aktor ang kanyang bakasyon para mamasyal at makabonding ng ilang araw ang kanyang pamilya. At sa kanyang pagbabalik sa bansa, sa New Year Countdown celebration naman ng Kapuso Network mapapanood si Alden. Isa rin ito sa naging annual tradisyon ng Kapuso aktor na palaging present sa countdown special ng GMA.

At sa totoo lang, isa ito sa kinabibiliban namin kay Alden lalo na at marami sa ibang artista, hindi tumatanggap ng New Year’s countdown dahil siyempre, marami ay nasa bakasyon pa or kasama ang pamilya with their New Year’s celebration, pero si Alden, for nine years yata, from a newcomer to one of the most famous actors we have, maglalaan at maglalaan ito ng oras para sa network’s New Year’s countdown.

Siyempre, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang The Gift at ang bagong Sunday noontime show ng network simula sa January 5.

ANG PAGBABALIK NG PRIMETIME REYNA

Parang ang saya ng mga bagong line-up na shows na aabangan sa pagpasok sa ng 2020 sa Kapuso network. Kasabay ng bagong dekada ay ang pagbabalik din naman sa primetime ng Reyna ng network na si Marian Rivera.

Ang finally, matutuloy na pagsasama na nila ni Gabby Concepcion sa “First Yaya.” Nai-imagine na namin ang kakulitan ni Marian bilang Yaya ng mga anak ng amo niya na si Gabby at siyempre, paano made-develop ang relasyon sa dalawa. Sa totoo lang, naaalala namin dito ang isa sa mga unang pelikula ni Regine Velasquez noon na “Wanted Perfect Mother” with Christopher de Leon naman.

Gayundin ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Posibleng hindi na alam ng mga millennials ngayon, pero isa sa hit movie noong araw ni Gloria Romero ang “Manang Biday.”

Bago rin aabangan sina Barbie Forteza at Kate Valdez na parehong gaganap sa title role. Masuwerte si Migo Adecer dahil mukhang marami ang na-impressed sa kanya sa Sahaya kaya heto’t may follow-up agad sa kanya at siya ang pag-aagawan nina Kate at Barbie.

At siyempre, ang pinaka-aabangang Tagalog adaptation ng hit Korean series na “Descendants of the Sun.” Positibo ang mga nababasa naming comments sa teaser na inilabas na ng network sa tandem for the first time nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado as Big Boss and Beauty, lalo na sa isa sa mga iconic scene ng serye.

In fairness, kuhang-kuha yung feel sa original. Pero gusto naming mapanood muna sa Linggo, sa KMJS ang buong trailer ng D.O.T.S. kunsaan una itong ipapalabas.

Ang lahat ng ito ang pang-first quarter ng 2020 ng Kapuso network. Habang tuloy-tuloy pa rin ang mga primetime series na Beautiful Justice, The Gift at One of the Baes.

 

Please follow and like us:
Read More

JANINE HINDI PABOR SA PAGBABALIK-GMA NI SEN. BONG SA ‘AGIMAT NG AGILA?’

(NI GORGY RULA)

ILAN sa mga kaibigan sa showbiz ang nag-react sa komento ni Janine

Gutierrez sa tweet ng GMA Network tungkol sa bagong programang aabangan sa taong 2020 ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla Jr.

Sabi sa tweet na iyon, “Handa na ba kayong muling mapanood sa telebisyon si Senator Bong Revilla? Abangan siya ngayong 2020 sa #AgimatNgAgila!”

Reaction ni Janine; “Oh God”

May isang follower na kaibigan niya siguro na nag-comment ng “hahahahaha!”

Sinagot niya ng “Di ko kaya besh.”

Hindi dahil sa malapit ako kay Sen. Bong at kilalang-kilala ko siya.

Pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Janine sa komentong iyon.

Pero sa abot ng aking kaalaman (na maaring mali ako), hindi siya pabor sa pagbabalik ng actor/politician sa showbiz.

Ilang beses na ba binabanggit ni Sen. Bong na bread and butter niya ang pag-aartista. At alam naman siguro ng karamihang artistang pumapasok sa pulitika.

Sa pagkakaintindi ko rin ay serbisyo publiko ang pagiging senador o ano mang posisyon sa pulitika.

Magmula nang lumabas si Sen. Bong sa Camp Crame pagkatapos siyang ma-acquit sa kasong Plunder, isang taon din muna siyang naghintay bago napagdesisyunang bumalik na sa telebisyon at paggawa ng pelikula.

Tama ba ang isang kapwa artista ang magpahayag nang pagkontra sa pagbabalik trabaho ng isang artista?

Kahit sa ano mang propesyon, napaka-improper na magbigay ng hindi magandang komento sa kapareho mo ng propesyon.

Dito sa pagbabalik-Kapuso ni Sen. Bong, parang ang sakit na isa ring kapwa Kapuso ang kumokontra.

Aware naman siguro si Janine na pasya iyun ng network na mas alam naman nila ang kanilang desisyon at ginagawa.

Kagaya nang pagrespeto ng ilang artista sa pagbigay ng magandang programa sa kanya kahit hindi naman nagri-rate ito lahat.

Nirerespeto namin ang sarili niyang pananaw sa isyu ni Sen. Bong. Pero isyu ng pulitika iyun Janine. Hindi bilang artista kagaya mo.

Ano kaya ang mararamdaman mo kung isang araw, may isang kapwa mo artista ang magkomento na bakit kinukuha ka pang magbida sa pelikula gayung wala ka pang napatunayan sa boxoffice?

Pero walang artistang magsasabi ng ganoon Janine. Ewan ko kung kaya mo sabihin ‘yon!

MAY ROAD CLOSURE AT STOP AND GOL/COUNTERFLOW SCHEMES SA TAGUIG CITY

Sa Linggo, December 22 na  magsisimula ang 45th Metro Manila Film Festival na bubuksan ng isang makulay at napakahabang parada.

Okay lang daw ang mahaba, pero huwag lang daw sana umulan at sabi nga in Maine Mendoza ng Mission Unstapabol, hindi lang sana maulit ang nangyari noong nakaraang taon na ilang floats ang nabalahaw at naglabu-labo na ang takbo ng parada.

TIniyak naman ng local government ng Taguig na na hindi iyon mangyayari at inayos na nila ito nang mabuti.

In-announce ng Metro Manila Development Authority na magkakaroon ng road closure at ‘Stop and Go/Counterflow schemes sa naturang lungsod mula alas-dose nang tanghali hanggang alas-siyete ng gabi.

Magsisimula raw ang parada sa  Taguig Lakeshore Hall  sa Barangay Lower Bicutan at magtatapos sa Mckinley West sa BGC.

Para sa mga interesadong manood ng parada at sa mga naninirahan sa Taguig at kalapit nito; magsisimula nga ang parada sa Lakeshore (C6), kakanan sa ML Quezon Avenue, at kaliwa sa MRT Avenue, kanan sa Cuasay, kanan sa CP Garcia (C5 Road), left turn to Upper McKinley Road, kanan sa Lawton Avenue, at kakanan Mickinley Parkway, kaliwa sa 32nd Street, kaliwa sa 7th Avenue, kanan sa 26th Street,  kaliwa 5th Avenue, kaliwa sa Le Grand Avenue at  Chateau Road.

Sa mga motorista,  sarado ang ML Quezon mula Dr. A Santos hanggang MRT, mula ML Quezon hanggang Cuasay, mula MRT hanggang C5, C5 Service Road corner Cayetano Boulevard.

Puwede naman mag-counterflow sa Upper Mckinley Road (C5 to Lawton Avenue), Lawton to 5th Street (Upper Mckinley to Mckinley Parkway), at 32nd Avenue (Mckinley Parkway to 7th Avenue).

Ang ‘Stop and Go’ traffic scheme naman at i-implement sa C5 hanggang Upper Mckinley, C5 Service Road to Sampaguita Bridge, Mckinley Parkway to 26th Avenue.

Magbubukas naman ito uli ng alas-siyete ng gabi. Kaya kung wala naman gaanong lakad, mas mabuting huwag nang lumabas o manood na lang ng parada ng walong pelikulang kalahok at iba pang mga karosa na inihanda ng lungsod ng Taguig.

Inaasahang magi-enjoy nang husto ang mga fans na magtitiyagang mag-aabang sa mga kalye dahil ang karosa ng Mission Unstapabol nina Vic Sotto at Mendoza, susundan ng Culion ni Iza Calzado, pangatlo ang Write About Love nina Miles Ocampo at Rocco Nacino, pang-apat ang Tripol Trobol nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Aiai delas Alas, sumusunod ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, at ang horror na Sunod ni Carmina Villaroel, pampito ang Mindanao nina Judyann Santos at Allen Dizon, at panghuli ang The Mall the Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Sa December 25 na magsisimula ang showing at sa December 27 ang Gabi ng Parangal na gaganapin sa New Frontier Theater na kung saan paparangalan bilang Hall of Fame sa mga natanggap nilang acting awards sina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Amy Austria, Eugene Domingo, Cherie Gil, Christopher de Leon, Cesar Montano at ang namayapang si Anthony Alonzo.

Kinukuha kang magbida gayung wala ka pang napatunayan…

 

Please follow and like us:
Read More

ANG DAHILAN BAKIT NABALIW SI JAMES REID

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI namin alam kung saang beach iyon o kung ano ang okasyon, pero talagang ibinilad na ni Nadine Lustre ang kanyang katawan, nakasuot siya ng napaka-seksing bikini. Para bang sinasabi ni Nadine, iyan ang dahilan kung bakit nabaliw sa kanya si James Reid.

Kung sa bagay, talaga namang may pagka-liberated iyang si Nadine, dahil kung hindi ba naman sa edad niyang iyon ay maisipan na niyang makipag-live in sa boyfriend niyang si James Reid, ibig sabihin kung iyang pasusuot lang ng ganyang bikini, aba eh bale wala sa kanya iyan.

Siya rin naman iyong tipong hindi maaapektuhan ano man ang sabihin ng mga tao tungkol sa kanyang kasuotan. Basta nga naman ba wala siyang nai-istorbong ibang tao eh, ano pa nga ba ang pakialam niya kung ano man ang sabihin nila? At ano rin naman ang pakialam ng mga tao sa personal niyang buhay?

Kaya nga lang, bilang isang artista kailangan niyang isipin na siya ay may image na dapat pangatawanan. Siya ba ay isang sexy star? Hindi naman eh. Nag-click siya nang ipakilala bilang isang wholesome na leading lady, at matapos nga iyon ang sinasabi naman ay mahusay siyang aktres at nananalo siya sa mga awards ng mga kritiko. Doon sa ganoong klase ng image, mukhang hindi nga bagay iyong nakikita siyang naka-bikini sa kung saan-saan.

Medyo kasi “lustful”, huwag na nating tagalugin iyan kung ano, ang pagkakakuha at dating ng kanyang picture na iyon. Hindi naman sinasabing huwag siyang magsusuot ng bikini pero siguro nga mas maganda kung mai-ingatan kung papaano ilalabas at ano ang ilalabas na mga pictures talaga.

Kung sa bagay, parang hindi naman siya masyadong concerned sa kanyang career bilang isang artista, dahil sinasabi naman niyang sa 2020 gusto niyang mag-concentrate sa music matapos siyang pumirma ng exclusive contract sa kumpanya ni James Reid.

 

Please follow and like us:
Read More

ENOUGH OF SHARON’S COVER UP FOR HER TATAY DIGONG

(NI RONNIE CARRASCO III)

NAGGU-good-to-be-true-han kami each time Sharon Cuneta expresses na balewala lang sa kanya ang mga banat ni Pangulong Duterte against her husband Kiko Pangilinan.

Kesyo pabiro lang daw ito and not be taken seriously, Sharon conveniently likens it as a fatherly gesture tantamount to having a strict parent who does not approve of his daughter’s boyfriend.

Ang alam kasi namin sa isang magulang is that of a person who has the broadest of understanding toward his or her child, sinuman ang mapusuan nitong kasamahin o mahalin.

Enough of Sharon’s cover-up for her “Tatay Digong.”

Granting that Sharon looks up to Digong as her father, all the more that she has every reason to harbor ill feelings toward the latter. Naniniwala kami na ang isang tunay na pagmamahal comes in a package deal.

Isantabi n asana muna ang political affairs, dahil itinuring namang tatay ni Sharon ang Presidente even before she married Kiko. Hindi nga’t Digong’s friendship with Sharon’s late mayor-dad goes a long way?

Ergo, walang isyu dapat kung Pangulo si Digong and Kiko who’s on the other side of the political fence.

Imadyinin n’yo na lang ang mga banat at banta kay Kiko, would any spouse feel happy about it considering that the brickbats are coming from a person who Sharon looks up to as her father?

Parang hindi naman yata makatotohanan that Sharon projects herself as the least affected party here. Si Frankie lang ba kung ganu’n ang apektado just because—in the words of Sharon—ay hindi nito naranasang maging malapit sa Presidente?

Mismong si Sharon na ang nagsabi that the last time she spoke and saw Digong was noon pang May elections. Obvious naman that it was a reconnection of some sort, we bet there were never previous encounters where they would be seen together like a family portrait.

Sarilinin na lang sana ni Sharon ang kanyang mga saloobin rather than make an attempt to justify her not being affected at all by Digong’s tirades against Kiko.

Ginaganoon na nga naman ang asawa mo yet here you are convincing the world na biro lang ‘yon? What if Digong says that he means them?

Kaya nga mas bilib kami sa anak kesa sa ina. Frankie, watever stuff she’s made off, is one such young person who speaks her mind, which should be the case.

Sa maliit man niyang mundong ginagalawan, Frankie is able to exercise democracy tulad din ng napakaraming Pilipino who have grown sick and tired of social if not national foul-ups na isinisisi sa kasalukuyang pamahalaan.

Kung tatay ang tawag ni Sharon kay Digong, we certainly doubt kung maaatim ni Frankie na tawaging “Lolo Digong” ang Presidente.

Unless na lang tulad ng Pangulo’y nagbibiro rin lang si Frankie. Tit for tat.

Please follow and like us:
Read More

AYAW SA EXTRA SERVICE PERO… ENRIQUE NAGPA-MASSAGE NG HUBO’T HUBAD

rommel placente(NI ROMMEL PLACENTE)

GAYA ng ibang artista, pinasok na rin ni Liza Soberano ang pagnenegosyo. Nagtayo siya ng spa, na tinawag niyang  Hope..Your Wellness Ritual. Dalawa na ang branches nito. Ang isa ay matatagpuan sa Tomas Morato, at ang isa ay sa Filinvest Alabang, na kamakailan ay ginanap ang blessing nito. Dumalo rito ang boyfriend at ka-loveteam niyang si Enrique Gil, manager na si Ogie Diaz at ang kaibigan na si Robi Domingo.

Sa interview ni Ogie kay Liza, tinanong niya ang alaga kung bakit sa Alabang nito naisipang magtayo ng spa.

Sabi ni Liza,”Kasi madalas po ako rito (Alabang). And whenever I’m here, I really feel like home, for some reason because it’s more relaxed, chilled, and parang ganoon ‘yon ang  vibe na gusto kop for Hope…Your Wellness Ritual. In the future, dito rin ako titira.”

Pagkatapos makausap ni Ogie si Liza, sunod naman nitong kinausap si Enrique. Dahil nga nandoon sa blessing ng spa ang young actor, ipinakita lang nito na supportive siyang boyfriend kay  Liza. Tinanong ni Ogie si Enrique kung gaano ito ka-supportive kay Liza.

Sabi ni Enrique:”Sobrang supportive. Kahit anong dreams niya, kahit anong gusto niyang gawin sa career niya, nandoon po ako.”

Since spa ang business ni Liza, tinanong ni Ogie ang aktor kung na-experience na ba nitong magpa-massage nang hubo.

“Oo, sa The Farm,”sagot ni Enrique na natatawa.

“Ewan ko pero parang hindi ako sanay. Minsan paglabas ko naka-brief pa ako. Tapos ‘yong mga babae roon, ‘yong mga masahista, sabi,”Sir tanggalin ninyo po ‘yan (brief). May provided na short,” Basta, parang ang weird ng feeling,”natatawang sabi pa ni Enrique

Sabi ni Ogie, ang swerte raw ng masahista na namasahe ang puwet ni Enrique.

“Oo nga, eh,”tawa na naman ni Enrique

Na-experiencia na rin ba niya ‘yung tinatawag na spakol? ‘Yung mamasahehin tapos ima-musturbate ng masahista?

“A, hindi.  Hindi pa,”natatawa na namang sagot ni Enrique

“Actually, may ginawa kaming pelikula  before, kami nina Xian (Lim), Enchong (Dee), Kean (Cipriano), ‘yung The Reunion. We had this, ‘yung cast bonding. Sabi ni Direk, tara may pamasads doon, ako na bahala, pamasahe tayo. Nauna pa nga akong pumasok doon (spa). Tapos noong nasa loob na ako ng cubicle, meron na ngang ganoon (spakol). Sabi ko sa masahista, “No, no, ‘yong normal massage lang,” natatawa pang kwento ni Enrique.

 

Please follow and like us:
Read More

ANNE CURTIS IBINIDA ANG KAKAIBANG PORMA NG ‘ABS’

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

WALA na ang dating porma ng abs ni Anne Curtis. Papaano nga seven months na ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Pero kung papaano ipinagmamalaki noon ni Anne ang kanyang magandang katawan, ganoon din niya ipinagmamalaki ngayon ang kanyang kabuntisan.

Gusto pa nga raw ni Anne na sumakay sa float ng kanilang pelikulang The Mall The Marrier sa parada ng festival, pero ang co-star niyang si Vice Ganda ang pumipigil sa kanya para maingatan ang kanyang baby. Oo nga naman, first baby pa naman iyan ni Anne.

Sen. Lito lapid said…

“SUWERTE ANG BAGONG ACTION STARS DAHIL SA TECHNOLOGY AT CGI”

Nang tanungin namin si Senador Lito Lapid kung ano ang nakikita niyang kaibahan ng mga action stars noong kanilang panahon, sa mga action stars ngayon, sinabi niyang ang mga bagong action stars ay masuwerte dahil sa mga makabagong teknolohiya sa pag-gawa ng pelikula.

“Suwerte ang mga action stars ngayon dahil iba na ang technology eh, Napabilis ang trabaho. Mayroon na silang CGI, kami noong araw walang ganyan kaya kami mismo ang gumagawa ng lahat ng mga dapat gawin.

Natatandaan ko noong araw, basta sinabing kailangan kang tumalon sa mataas na building, ikaw ang tatalon. Kung hindi hahanap sila ng double na malaki rin ang bayad. Kaya ang artista kailangan siya na rin ang tumalon. Talagang buwis buhay ang action noon. Mga tatlong camera ang sabay-sabay na kumukuha sa eksena. Hindi ka na kasi maaaring mag-ulit para lang makakuha ng ibang anggulo. Hindi naman puwedeng talon ka nang talon. Baka nagawa mo na eh, nadisgrasya ka pa sa kasunod.

Noong araw hindi ka maaaring magkamali sa routine. Basta nagkamali ka retake iyon, sayang na ang negatibo. Eh ngayon kung magkamali ka man at ipaulit iyon ng director, walang masasayang buburahin lang nila iyong video eh.

Talagang malaking kaibahan ng action noon sa action ngayon, “sabi ng Senador.

Pero bakit kakaunti ang gumagawa ng action ngayon?

“Bukod nga kay Coco walang gumagawa ng action ngayon. Pero iyang action kahit na anong pelikula ang mauso, kahit na bold pa, hindi nawawala iyang action. Laging may market ang mga action pictures. Siguro wala na lang iyong mga director ng mga action pictures natin kagaya noong araw. Lahat sila magaling sa drama.

Pero kung may gagawa ng isang maayos na action movie, kikita iyan” sabi ng senador.

 

Please follow and like us:
Read More

RAMDAM ANG LOVE SA ISA’T ISA NINA JOLO, ANGELICA

(NI GORGY RULA)

PAREHONG emotional ang bagong kasal na sina Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita sa katatapos lang na Christian wedding na ginanap sa Pelican Hill, Newport Beach, California, Linggo, December 15 ng hapon dito sa Los Angeles, California. Si Pastor Peter Kairuz ng 700 Club Philippines ang nag-officiate ng seremonya.

Pagkatapos magbihis ni Jolo, naluluha na raw siya nang kausap ang kanyang anak na si Gabriel.

“Excited. Sobrang excited,” tipid na sagot ni Jolo nang tinanong namin bago nagsimula ang seremonya.

Pagdating sa seremonya na kung saan nakikita na niyang nagma-martsa si Angelica patungo sa altar, umiiyak na ito.

Mas lalong naging emotional na hindi na napigilang maiyak ng bagong kasal pagdating sa exchange of vows.

Pambungad niyang mensahe; “Bebe, because of you and what you do, you made me a good man, Thank you for  loving me.

Medyo  garalgal na ang boses niya nang sinabi niyang “You made me realize that I don’t need to become someone else and pretend to be someone else. Tanggap mo kung sino at kung ano ako.”

Dagdag pa niya; “Not all angels are in heaven, mine is here on earth, standing now in front of me, making sure my life would feel like I’m in heaven…forever. Basta kasama kita, saan man tayo pumunta, pakiramdam ko lagi akong nasa langit.”

Tumutulo na ang luha ni Jolo habang sinasabi niya ito; “I’ve never been so certain. Lagi nalang pabagu-bago ang isip ko sa mga bagay pero sa ‘yo,       sigurado ako.”

Kahit sina sina Sen. Bong at Mayor Lani Revilla, pati ang ilang kapatid at malalapit na kaibigan ay naluluha na rin sa mga sinasabi ni Jolo.

Aniya; “Akala ko noon, wala nang magmamahal sa akin. Akala ko wala nang mahuhulog  at mai-in love sa akin. Pero napakabuti ng Diyos binigyan ako ng anghel na walang pakpak, at ikaw yun!

“I promise to be a good husband, good father to Gab and to our future children.

“I promise to honor you, take care of you and be with you for the rest of my life.”
Mas emotional si Angelica nang siya na ang magbigay ng mensahe para kay Jolo.

Simulang pahayag niya; “You know it’s true what they say, you know he’s the one when you see him, you’ll just know. This day is valid proof that it’s true.

Maraming ipinagpasalamat si Angel kay Jolo, kagaya nung nagha-hike daw sila sa Hollywood hanggang sa nanakit na ang mga tuhod nila.

Hindi raw niya makalimutan na minsan nagpi-pretend si Jolo na masarap ang niluto niya.

Pati ang pangungulit daw sa kanya na samahan siyang mag-gym kahit gusto pa niyang matulog.

Kaya sa susunod daw isusuot na raw niya ang pang-gym niya sa pagtulog para hindi na mahirapan si Jolo na yayain siyang mag-gym.

Dagdag na pahayag ni Angelica; “I may appear strong to many but you know my weaknesses and I love you for that. Thank you for making it up for the things that I can’t.

Nangako na rin si Angelica na aalagaan niya ang anak ni Jolo na si Gab at ituring na kanyang anak.

Sabi niya; “I know Gab is a big part of your life and I promise to God to love and care for him as my own.

“Today, I vow to know myself as you and you as myself.

“I promise to dream with you and be your biggest supporter, to encourage you and to stand by you from this day forward.”

Dagdag pa niyang pangako sa kanyang mapapangasawa; “Jolo, hindi ka na iiyak mag-isa. At higit sa lahat salamat sa  Panginoon for directing you to me because now, I have finally found my heaven on earth with you and Gab by my side. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal kita.”

Lalo pang naiiyak si Angel nang magibay naman sila ng mensahe sa kanilang magulang.

Nasa Mindoro ang ina ni Angel, pero hindi raw ito umaalis doon. Kaya wala siya sa Amerika.

Nag-iisang anak na babae si Angel, kaya ang tatlo niyang kapatid ang naghatid sa kanya sa altar.

Sabi nga ni Mayor Lani, siya ang nag-asikaso kay Angelica nang magbihis ito dahil wala ang kanyang ina.

“Wala kasi ang Mommy niya dito, kaya ako ang nakaalalay kay Angel this morning.

“Alam ko ninerbyos siya. Kaya nga sabi ko, wala man si Mama 1, nandito si Mama 2. Mama 2 will take care of you,” pakli ni Mayor Lani.

Kaya umiiyak na si Angelica na nagpapasalamat siya kina Papa Bong at Mama Lani niya.

“Maraming salamat sa pagtanggap nyo sa akin.

“Ipinaramdam nyo sa akin na tanggap nyo ako sa pamilya,” umiiyak na pahayag ni Angelica.

Bahagi naman ng mensahe ni Jolo sa kanyang magulang; “Mama, thank you for teaching me how to love.

“Thank you for showing me how to be strong in very difficult life situations.

“Papa, thank you for guiding me since day one. Alam mo namang ikaw ang idol ko.

“You are my hero, you are my inspiration, and I am the Jolo now because of your guidance and inspiration.”

Labing-anim na pares ang ninong at ninang, pero ang mga nakadalo lang ay ang Presidential daughter Mayor Sara Duterte-Carpio, dating Sen. Jinggoy Estrada, Cong. Martin Romualdez, Gov. Jonvic Remulla, Pampanga Vice Gov. Lilia Pineda, at mga tita ni Jolo na sina Coun. Rowena Bautista-Mendiola, Mrs. Chaye Cabal-Revilla, Rebecca Bautista-Ocampo, at ang asawa ng tita Andeng niyang dating Antipolo Mayor Junjun Ynares.

Tumanggi na si Jolo na magpa-interview pa dahil mas gusto niyang tahimik na lang.

Si Angelica naman ay nangakong all-out ang suporta niya kay Jolo dahil nakikita raw niyang napakasipag nito at hindi nakakaramdam ng pagod lalo na kapag serbisyo ito sa mga taga-Cavite.

Aniya; “I will keep on supporting Jolo sa gusto niyang gawin for everyone…sa mga taga- Cavite.

“Super workaholic siya. Yun ang isang bagay na hindi siya napapagod gawin…yung mag-serve para sa mga tao. Kasi…alam mo yung kahit dalawang oras lang ang tulog niya, nakakaya niya talaga….wala siyang nararamdamang pagod.”

Best wishes sa bagong kasal na sina Jolo at Angelica na ramdam naming lahat ang sobrang love nila sa isa’t-isa.

 

Please follow and like us:
Read More

TINATALO NA NG KOREAN BOYBANDS KAYA MAGRE-RETIRO NA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NAIYAK daw si Gary Valenciano habang pina-plano ang kanyang huli ng major concert na gagawin sa Abril ng susunod na taon. Pagkatapos noon, maliliit na shows na lang, kung hindi man magreretiro na si Gary.

Tama namang desisyon iyon kaysa sa magpilit pa siya sa kanyang career na lumamig na rin naman ngayon. Tinatalo na rin siya ng mga Korean boybands.

***

For recomnendation na lang ang rating ng C.E.B…

WALA NG TAX REBATES

Hindi na puwede ang pagpapaganda-gandahan ng mga pelikula tapos aasa ng tax rebate kung makakuha ng mataas na ratings mula sa Cinema Evaluations Board. Ito ay matapos na lumabas ang final na desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing ang sections 13 at 14 ng RA 9167 na siya ring lumikha sa Film Development Council of the Philippines ay lumalabag sa local government autonomy na itinatadhana ng 1987 Constitution.

Kinokolekta ng FDCP ang amusement tax ng mahuhusay na pelikula mula sa local government at doon kinukuha ang ibinibigay nilang rebate, at pinagkukunan din ng iba pang gastusin ng council. Sinabi ni Associate Justice Estela Perlas Bernabe na iyon ay sumasaklaw sa kapangyarihang ipinagkaloob na ng batas sa local government.

Ngayong lumabas na ang final decision ng Korte Suprema, hindi na maaaring maningil ng amusement tax rebate ang FDCP sa mga local government.

Iyang paghingi nila ng tax rebate ay kinuwestiyon ng local government ng Cebu simula’t simula pa. Tumanggi silang magbayad sa FDCP hanggang walang desisyon ang korte. Ngayon naman inutusan din sila ng Korte Suprema na bayaran ang 76.8 milyong piso na hindi nila ini-remit sa FDCP bago lumabas ang desisyon ng Korte Suprema.

Sinabi naman ng FDCP na iyon lang mga pelikulang nakakuha na ng ratings hanggang Disyemre 10 lamang ng taong ito ang makakatanggap pa ng rebate. Ang nabigyan ng ratings pagkatapos noon ay wala na. Lalabas ngayong ang ratings ng CEB ay magiging guide na lang at rekumendasyon sa mga manonood ng pelikula at wala na ngang rebate.

Maaaring ipagpatuloy ang tax rebate, o anumang subsidy para sa mahuhusay na pelikula, pero kailangang kunin iyon ng FDCP sa kanilang budget. Palagay naman namin mas tamang magbigay sila ng incentives sa mahuhusay na pelikula kaysa sa kanilang ipinagpipilitang pagdaraos ng mga film festivals na nalulugi namang lahat.

 

Please follow and like us:
Read More

ANG SEXY NG GF NI RAYVER

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ANG sexy ng girlfriend ni Rayver Cruz. Ngayon lang namin nakita nang naka-bikini talaga si Janine Gutierrez at masasabi nga sigurong isa siya sa pinaka magandang artista natin sa ngayon. May talent din naman iyong bata.

Nang lumipat sa Channel 7 si Rayver, hindi niya ikinaila na ang isa sa mga dahilan noon ay para makasama niya sa mga projects si Janine, pero simula nga nang lumipat siya,kung kani-kanino na siya itinambal pero hindi kay Janine.

Bakit nga ba hindi. Sana iyong project na medyo sexy silang dalawa.

***

Available na uli sa market…?

MALE STAR PANAY POST NG HALD-NUDE PICS NIYA

Panay ang post ng isang dating male star, na noong una pa naman ay kinakitaan sana ng acting potentials ng kanyang mga pictures na half nude. Isa lang ang ibig sabihin niyan, sabi ng isang oberserver. Gustong iparating ng male star sa lahat ng “friends” niya na available pa rin naman siya kahit na siya ay may asawa na at dalawang anak sa ngayon. May negosyo naman daw ang male star, pero hindi naman ganoon kalaki ang kita “kaya kailangan pa rin siyang mag-sideline”.

“Madalas niyang ka-date ang isang macho gay at ang partner noon. Mukhang napakadalas nila sa Tagaytay. Baka naman doon sila “nagkukuwentuhan”, sabi pa ng isa naming source

“Kuwentuhan” nga lang kaya ang nangyayari sa Tagaytay lalo na at ganitong maginaw?

Ano sa palagay mo Tito Kc?

 

Please follow and like us:
Read More

MALABONG MAGKA-GIRLFRIEND SI MAYOR VICO  — BOSSING 

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

KAHIT naintrigang may namamagitan kina Pasig City Mayor Vico Sotto at Gretchen Ho, naniniwala si Vic Sotto na malabo pa raw talagang mag-girlfriend ang kanyang anak.

Kilala raw niya kasing kapag nakatutok si Mayor Vico sa isang bagay na gustung-gusto niyang gawin,  naka-focus talaga siya roon.

Kaya kung siya raw ang tatanungin, mas mabuting hindi raw muna ito magka-girlfriend.

“Sa totoo lang, I think it’s better, he’s single.

“May focus siya talaga eh. Baka maiba lang kapag meron eh,” pakli ni Bossing Vic nang sandali naming nakatsikahan sa mediacon ng MMFF entry niyang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Napag-usapan kasi itong  pagka-link ng anak niya kay Gretchen Ho nang nakita silang magkasamang nanood ng SEA Games.

Sinagot na rin naman iyun nin Mayor Vico, pero kahit si Bossing Vic ay naniniwalang walang namamagitan sa dalawa.

Hindi pa raw nila ito napapag-usapan dahil hindi na raw madalas ang pagkikita nilang mag-ama.

Kaya tingin daw niya hindi pa talaga ito magkaka-girlfriend dahil sa dami ng ginagawa niya sa Pasig.

“I don’t think he has time. Eh sa akin nga wala siyang panahon eh,” bulalas ng bida ng Mission Unstapabol.

Naintindihan naman daw nila na hindi na nila ito nakakasama nang madalas dahil sa laki ng responsibilidad niya sa Pasig.

“Every week  nagdi-dinner kami, pero ngayon every other week na lang. “Ang busy busy niya rin kasi.

“Naintindihan ko naman ang trabaho niya eh. Pinasok niya yan. What’s important, he’s enjoying it. Gusto niya yan eh,” dagdag niyang pahayag.

Proud naman daw siya sa ginagawa ng anak niya dahil nakikita niya ang gusto niyang pagbabago sa Pasig.

“Ang public service niya kasi is public service na malinis. He’s trying something different, something new politics.

“Mahirap banggain yung nakagisnan nating kultura. Pero he’s trying his best,” saad pa ni Bossing Vic.

Wala pa munang plano ngayon sina Vic at Pauleen kung ano ang gagawin nila sa Christmas, pero definitely makakasama raw niya ang mga anak niya.

Magiging abala lang siya talaga sa promo ng Mission Unstapabol, dahil itong MMFF naman daw ang nagpapa-kumpleto ng Pasko niya.

“Hindi talaga ako sanay kapag wala akong pang-MMFF sa Pasko eh,” sabi pa niya.

Hindi na rin daw siya nababahala kung mag-number one o kung pang-ilan ang pelikula niya sa box-office.

Hayaan na raw kung alin ang mag-number one o kung pang-ilan ang pelikula nila ni Maine Mendoza.

“Graduate na ako diyan eh. Ang mahalaga napapasaya ng pelikula namin ang buong pamilya,” nakangiting pahayag ni Bossing Vic.

* * * * *

CONG. ALFRED VARGAS TOYM AWARDEE FOR PUBLIC SERVICE

Napag-usapan na rin lang ang public service, gusto lang naming i- congratulate si Cong. Alfred Vargas na napiling Ten Outstanding Young Men (TOYM) honoree for public service.

Kasama niya ang kanyang asawa at mga kapatid na tinanggap ang naturang parangal na ginanap sa Manila Hotel nung nakaraang Biyernes, December 13.

Isa sa pinuri sa actor/politician ay ang ipinasa niyang batas na Rep. Act 11215 o National Integrated Cancer Control Act na naglalayong makatulong sa mga Cancer patients pati sa pamilya nito.

“Ang batas natin, ang National Integrated Cancer Control Act, iyun ang batas na nagsasabing the government will help the Cancer patient and the Cancer family, pati ang pamilya ng pasyente.

“Kasama na rito ang pagpapatayo ng Cancer Centers…hindi lamang one Cancer Center. Hindi lang tulad dito isa lang ang Heart Center. Dito, hopefully Luzon, Visayas at Mindanao and even sa regional level,” pahayag ng actor/politician na alam na alam niya ang pinagdaanan ng pamilyang may mahal sa buhay na nagka-Cancer dahil iyun ang dahilan kung bakit pumanaw ang kanyang ina.

Ito raw ang ipinangako niya sa kanyang ina bago ito pumanaw na sa abot ng kanyang makakaya ay tutulong siya sa mga taong nagka-Cancer pati sa pamilya nito.

“Ako kasi from my experience, pag may Cancer ka ang laki ng gastos. Tapos tinitingnan mo kung saan ka ituturo…yung streamlining mo, lahat ang organizing, before Cancer, during Cancer, and after Cancer. Kasama na yung government even in providing subsidies sa medicines and treatments,” dagdag niyang pahayag.

Ang isa pa sanang gustong iparating sa lahat ni Cong. Alfred ay meron na raw paraan kung paano nating ma-control o maiwasang magka-Cancer.

May mga tests na raw para malaman kung ano ang puwede nating gawin para maiwasan nating magka-Cancer.

“Marami po talagang Cancer ngayon na puwedeng iwasan.

Actually, there are tests even sa mga apps.

“Puwede mong papuntahin sa bahay para magpatingin ko kung saan ka Cancer predisposed.

“With that, ma-detect mo eh, maiwasan mo ang mga pagkain, ma-adjust mo yung lifestyle mo, para maiwasan mo kung ano yung predisposed ka.

“The technology is available, and andidiyan.

“I suggest to everyone, magpa-early screening na tayo. Kasi it’s the cheapest way, it’s the most effective way to battle Cancer habang maaga pa.

And we know some friends who have successfully battled Cancer,” pahayag ng Representative ng District 5 ng Quezon City.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

MICHELLE DEE ‘DI UMUBRA, MISS JAMAICA WAGING MS WORLD 2019

(NI RONNIE CARRASCO III)

HINDI umubra ang ating remaining hope sa larangan ng pandaigdigang kagandahan.

Katatapos lang ng 69th Miss World kung saan si Toni-Ann Singh ng Jamaica ang kinoronahan, followed by Miss France at panghuli si Miss India.

Of the three ay si Miss India ang early favorite among the 114 candidates.

Earlier, hindi rin nagwagi si Gazini Ganados sa Miss Universe, pero nasungkit naman niya ang Best in National Costume. Ang inaasahan ngang back-to-back nila ni Catriona Gray ay hindi nangyari.

Back to Miss World, nakabilang lang si Michelle Dee hanggang 20 semi-finalists. But honestly speaking, malayung-malayo siya sa kanyang inang si Melanie Marquez, former Miss International, na pagsampa pa lang sa entablado’y nangangabog na.

Comparatively, malamya si Michelle. She needs further training on the ramp, that is, kung tulad ng kanyang ina’y gusto niyang mapabilang sa mundo ng modeling.

Given the global magnitude of Miss World, in fairness, brisk-paced ang proceedings. Limitado ang commercial load, mabilis ding naitawid ang mga segments.

But it’s over. Tunay nga ang kapaniwalaang one can’t have it all.

Mahigit isandaang gintong medalya na nga naman ang nakamit ng Pilipinas sa nakaraang SEA Games, that international prestige in the world of sports must be enough.

Samantala, with three evening gown changes, kahit saang anggulo tingnan ay winner talaga ang nagsilbing co-host ng Miss World (herself a past winner) na si Megan Young. Patunay na she could hold a candle to other foreign female hosts sa ganu’ng event.

With the pageant season over, abangan na lang natin kung ano ang magiging lneup ng mga kandidatang ipapadala natin next year to various (at least seven) international beauty pageants.

Mas kaabang-abang ang isasabak natin sa Miss Universe ngayong kumalas na MU sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. at pamumunuan na ng National Director na si Shamcey Supsup.

ANG MAKULAY NA BUHAY NI CESAR

Postscript ito ng aming alaala of Cesar Apolinario, ang batikang field reporter at host ng GMA, who died of lymphoma nitong December 13.

Many years ago ay nagkaroon kami ng pagkakataong maging malapit kay Cesar. That time ay meron na siyang nasimulang film project, actually his first attempt at tapping his directorial talent.

Sa labas ng canteen GMA niya ipinagmamalaki sa amin ang proyektong ‘yon. Nasundan pa ‘yon ng ilang rare encounters just before umere ang nakalap niyang balitang eere sa 24 Oras.

Tulad ng mga kabaro niya sa News and Public Affairs ng istasyon—mapababae man o lalaki—walang ere o “yabang factor” si Cesar who was doing his job and was doing it so well. This explained kung bakit hindi nakaligtas sa news department ang kanyang husay rin sa pagho-host, hence his program with Susan Enriquez.

For sure, hindi naman siguro kami mumultuhin ni direk Cesar for saying na minsan isang panahon ay nagkaroon siya ng makulay na lovelife for having an actress bilang nobya niya.

Ewan nga lang kung sumilip ang ngayo’y masaya na rin at tahimik na aktres, na nabuko na lang namin ang kanilang colorful past throughout our friendship.

Sa ‘yo, Cesar, mapayapang paglalakbay.

 

Please follow and like us:
Read More

PATCH, AHTISA TARGET ANG MS UNIVERSE CROWN NEXT YEAR?

MATAPOS mag-issue ng statement ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. na tapos na ang franchise nila sa Miss Universe, marami ang nakapansin sa ipinost ng Binibining Pilipinas International Patricia Magtanong sa kanyang Instagram account.

Ang pagkakaintindi ng karamihan, mukhang interesado itong sumali sa Miss Universe Philippines na iba na ang may hawak ng franchise nito.

Sabi ni Patch sa kanyang Instagram account; “When the heart speaks, listen. When purpose calls, follow.”

Maraming nag-react sa post niyang iyun, na pati ang ilang bloggers ay nagtanong kung may plano nga siyang sumali.

Gayundin ang isa pang Binibining Pilipinas-International winner na si Atisha Manalo ay tila may plano rin itong sumali, dahil nakisabay rin siya ng post sa kanyang Instagram account ng isang mensaheng; “It’s time to give it a go! Bring your dreams with you!”

Kaya baka ang ending nito pawang mga dating title holders ang sasali next year dahil lahat naman na mga sumasali sa beauty competitions ay ang korona ng Miss Universe ang gusto nilang masungkit.

MASAYA ANG TAPING NG LAST EPISODE NG SUNDAY PINASAYA

Hanggang Linggo na lang ang Sunday Pinasaya.

Nai-tape na nila ang episode na iyun at kumpleto na raw silang lahat.

Tiniyak nilang masaya at pasabog ang kanilang Christmas special at bale

finale na rin ng masayang Sunday Comedy Variety show.

Wala pa ring binibigay na announcement tungkol sa ipapalit na programa pero nagkumpirma na ang ibang Kapuso stars na kasali nga raw sila.

Nabanggit sa amin noon ni Glaiza de Castro na kasali siya rito.

Napapag-usapan na ring pangungunahan daw ito nina Alden Richards at Julie Anne San Jose, at nung nakatsikahan din namin si Aicelle Santos sa Walk of Fame ng GMA 7 nung nakaraang Huwebes ay nabanggit niyang may bagong show naman daw siyang dapat abangan next year na isang musical.

Ito na ngang napapanood ng Linggo ng tanghali.

AICELLE, PRIORITY ANG NEW FAMILY

Kaya hindi na nga raw niya iniisip na bumalik sa Westend o subukang mag-Broadway dahil mas i-prioritize niya ang pagsasama nila ng asawang si Mark Zambrano.

Napagkasunduan daw kasi nilang hindi sila maghihiwalay para lang magtrabaho.

Hindi raw siya aalis kung hindi naman kasama si Mark.

Ani Aicelle; “Napag-usapan naming magkasama kami wherever I go. Kasi, it’s pointless marrying and then maghihiwalay kayo ng years just for work.

“So, if it’s meant to be, God will allow that…ipagdadasal ko na kung saan ako magtatrabaho, sana makahanap din siya ng trabaho dun.”
Mabuti nga raw at may bago siyang show, kaya hindi na muna niya iniisip na mag-audition sa London o sa Amerika para makabalik sa entablado.

Hindi pa naman daw nila pinaplano, pero kung sakaling mabuntis na raw siya, okay lang daw sa kanya dahil blessing naman daw para sa kanila iyun.

Kaya talagang naka-focus si Aicelle sa pagiging Mrs. Zambrano.

Nakakakanta pa rin naman daw siya dahil nga sa bagong programang gagawin nilang ipapalit sa Sunday Pinasaya.

 

Please follow and like us:
Read More

PINAKAMAHIRAP NA PELIKULANG GINAWA NI COCO

(NI LEO BUKAS)

AMINADO ang TV King na si Coco Martin na ang pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya bilang aktor.

Imagine, sa pelikulang ito ay ibinalik niya ang karakter ni Paloma at nagsuot pa siya ng T-back, huh!

“Ang hirap magbihis-babae, talagang in-effort-an ko. Lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako ‘yung palit-makeup lang. Lahat palit — contact lens, kuko, palit,” natatawang kuwento ng aktor sa presscon ng kanyang pelikula.

Patuloy pa niya, “Ako ‘yung dumarating na pinakamaaga sa set. Kasi nga, one and a half hours akong minemeykapan. Tapos bibihisan ako na kung anu-anong nilalagay sa akin para maging sexy.”

Ang karakter ni Paloma ay nagsimula sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Pero kakaibang Paloma raw ang mapapanood ng tao sa kanyang pelikula dahil ni-level-up daw niya ito nang times five.

“Ibang-iba yung Paloma rito. Talagang sinagad ko na siya,” pagmamalaki pa ng aktor.

“Actually, isa sa pinaka-highlight ng pelikula ‘yung nilalandi ko si Sam (Milby), na sumasayaw ako sa harapan niya, ganyan. Tapos, ‘yung magki-kiss kami. Iba, ibang ano. Kasi, sabi ko nga, gagawa ka na rin lang ng comedy, sagarin mo na. Wala nang tipiran.

“Lahat ng maiisip mo, lahat ng mga hindi ine-expect ng mga tao gawin mo na. Sabi ko nga, sana lang after nito, lahat ng nanonood ng Probinsyano bumalik pa rin ‘yung pagtingin nila kay Cardo. ‘Yung respeto sana, nandu’n pa rin,” sabay halakhak ng aktor.

Natatawa ring inamin ni Coco na napasubo siya kay Jennylyn Mercado habang pini-present niya ang concept ng pelikula lalo na do’n sa part na kailangan niyang mag-T-back.

Kuwento niya, “Actually, napasubo ako rito. Nu’ng pinresent ko kay Jennylyn ‘yung concept, sabi ko, ‘Jen, ganito ‘yung mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, may eksena tayo rito, magsu-swimming tayo, naka-swimsuit ka, tapos, ako rin naka-swimsuit, tapos naka-T-back”

“Eh, siyempre, nu’ng pinresent ko kay Jen, para pumayag siya, ine-excite ko siya. Eh, nu’ng gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan? Kasi nga, kailangan kong magpakita ng puwet. Eh, siyempre, mapapahiya naman ako sa kanya (Jen) pag hindi ko ginawa. Ginawa na namin sa pelikula.”

Samantala, bukod kay Jennylyn ay kasama rin sa pelikula si Ai-Ai delas Alas na gumaganap naman bilang nanay ni Coco, Sam Milby, Edu  Manzano, Tirso Cruz III, Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Jojit Lorenzo at marami pang iba.

Si Coco rin ang prodyuser (CCM Productions) at director (for his real name Rodel Nacianceno) ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

 

Please follow and like us:
Read More

BOSSING VIC NINONG SA KASAL NI MAINE MENDOZA

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

IBANG Maine Mendoza ang humarap sa media sa naging grand mediacon ng Mission Unstapable, isa rin sa official entry sa 45th Manila Film Festival.

Very open na rin siyang pag-usapan ang boyfriend na si Arjo Atayde. Na nang tanungin nga ito kung sa scale na 0-10, nasaan na ang relationship nila, natatawa at buong ningning na sinagot niya nang, “14!”

Although idinadaan sa biro, pero alam mong masaya ito ngayon sa lovelife niya and with Arjo. When asked kung napag-uusapan na nila ang future, napag-uusapan daw.

Nagbiro pa nga ito na 25 year old ang ideal age sa kanya to get married, e, 24 na siya ngayon.

Hindi diretsahang sinagot ni Maine ng yes or no ang tanong namin kung nakikita na ba niya si Arjo sa kanyang future. Pero sey niya, “Siyempre, hindi naman tayo magsasayang ng oras sa tao kung hindi natin gustong makasama habang buhay.”

Sa isang banda, ikatlong pagsasama na sa pelikula nina Maine at Bossing Vic Sotto ngayon sa Mission Unstapable. At kahit daw sino ang mapangasawa niya, sure na “ninong” niya si Bossing sa kasal.

“LIBRE AT MAGAGALING NA AKTOR”

Apat na taon na ang Ang Probinsyano sa telebisyon. Kapansin-pansin din na sa tuwing gagawa ng pelikula si Coco Martin, karamihan sa cast ay ang mga kasama niya rin sa serye.

Nagbiro si Coco na “libre” raw kasi.

Pero sey niya rin sa naging grand mediacon ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na magagaling na actor raw kasi.

“Kumbaga, magagaling na actor po sila. Siyempre, kung ikaw ang magdi-direk, iisipin mo pa yung magwo-workshop pa, patuturuan mo pa. Siyempre, kung saan ka kumportable, sa ugali mo, alam na nila ang pacing mo.

“Parang yung katrabaho mo, kapamilya mo. Sila po talaga, maasahan mo sa trabaho, sa promo. Nagkakainintindihan na kami at kapamilya na ang turing.”

Nabanggit ni Vice Ganda na nang magkita sila, sinabi niya raw na okay lang siya na maging 1strunner-up nito sa MMFF ngayon.

“Honestly, wala kasi akong issue sa kung sino ang number 1, kung sino ang number 2. ‘Di ba, parang, iisipin mo pa ba yun sa dami ng ano?

“Masasabi ko lang na siguro, dapat ay kinakabahan ako ngayon. Pero ngayon, excited ako. Kasi, kapag maganda ang produkto mo, excited kang i-announce sa mga tao at confident.”

Sabi rin ni Coco, “Ako, kung ako ang tatanungin, siyempre, gusto ko na sige kahit na anong under pa kami basta alam ko na pagkatapos ng Metro Manila Film Festival, alam kong proud ako sa ginawa ko.Lalung-lalo na ako ang nag-produce at alam ko na hindi ako napahiya sa mga co-actors ko dahil artista rin ako.

“Eh, ‘eto, proud ako. At sa hirap ng buhay ngayon, sa hirap ng pinagdadaanan, sulitin naman natin ang ibabayad nila.”

Kasama ni Coco sa MMFF entry na 3Pol Balbon kunsaan, siya rin ang editor, director under his CCM Productions sina AiAil delas Alas, Jennylyn Mercado, Sam Milby at iba pa.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE PUMIRMA NG KONTRATA SA CARELESS MUSIC NI JAMES

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ITINATANONG nila ngayon, lumayas na nga rin daw ba si Nadine Lustre sa kanyang dating home studio at management company, iyong Viva? Talaga nga bang sumunod na rin siya sa kanyang live in boyfriend na si James Reid?

Iyan ay matapos na kumalas siya sa Viva Records at ngayon ay pumirma nga ng isang exclusive recording rights sa Careless Music na ang may ari ay si James. Iyang kumpanya ni James ay nakikipag-collaborate din sa Viva noong araw, pero nang umalis siya sa kumpanya, sinabi niyang iyang Careless Music na iyan ay isa nang independent company na siya ang chairman of the board at CEO. Hindi maliwanag kung si Nadine ay member din ng kanilang board, na hindi naman malayo.  Sigurado na iyang pagpirmang iyan ni Nadine ng recording contract sa kumpanya ni James ay hindi papayagan ng Viva kung siya ay naka-kontrata pa.

Siguro nga masasabing tapos na ang kanyang contract, at kagaya ni James hindi na rin siya nag-renew.  Maliwanag din naman sa kanyang statement, nito daw taong ito ay masyado siyang concentrated sa pagiging isang artista sa pelikula, at gusto naman niyang sa 2020 ay sa musika naman niya ibaling ang kanyang atensiyon. Ibig sabihin hindi na muna siya interesado sa pelikula.

Siguro rin naman walang magandang projects eh, at takot na rin siyang maulit iyong nangyaring sunud-sunod na bumalibag sa takilya ang kanyang pelikula, kaya naiwan na siya nang husto ng sinasabing kalaban niya noong si Kathryn Bernado.  Pero malaking sugal iyang pinasok ni Nadine. Una hindi mo naman masasabing ganoon kalaki ang kita ng mga recording artists dito sa atin. Kumikita lang sila kung nakagagawa ng malaking hit at dahil doon kinukuha sila sa mga concerts. Kung hindi, wala ring kita.

MGA KASALI SA MMFF 2019 NA HINDI MO ALAM NA KA-JOIN PALA

Medyo may kaba ang ibang mga tao sa darating na Metro Manila Film Festival. Dahil kahit na sabihin mong may mga pelikulang kasali na agresibo sa promo ng kanilang pelikula, may mga pelikula namang kasali na halos hindi mo naririnig na pinag-usapan.  Mukhang wala namang ginagawa ang festival committee mismo para tulungan ang mahihinang pelikula.

Kung iisipin na bago ang festival walang malakas na pelikulang Pilipino, na natabunang lahat ng malalaking pelikulang Ingles, ano nga kaya ang kalalabasan niyang festival. Nababasa lang yata iyan sa Facebook at naririnig sa mga radio programs na wala namang ratings.

 

Please follow and like us:
Read More

JULIA INILAMPASO NG HIPON GIRL  

IISIPIN mo ba na iyong episode ng Maalaala mo Kaya na ang bida ay si Julia Barretto, ilalampaso sa ratings noong Magpakailanman na ang bida ay iyong si Harlene Budol na tinatawag nilang “Hipon Girl” sa show ni Willie Revillame?

Pero mahirap ikaila ang katotohanang iyan. Hindi lamang ang ratings ng AGB Nielsen ang nagsabi nang ganoon, maging sa survey ng Kantar Media Services na sinasabi nga nilang pabor sa ABS-CBN ay nagsabi ring tinalo nga ni Hipon Girl si Julia.

Iyang si Julia Barretto, matagal nang nag-aartista iyan at kung iisipin mo todo build up ang ibinigay ng network nila riyan. Papaanong natalo siya ni Hipon girl na isa lang sa maraming co-hosts ni Willie Revillame at noon lang nabigyan ng pagkakataong umarte. Wala ring publisidad si Hipon girl. Ang totoo maski kami eh, noon lang namin nakita iyang Hipon girl na iyan. Pero mas pinanood siya ng mga tao.

Iyan ay maliwanag na katotohanan na hindi pa nga nakakabawi si Julia doon sa mga issue ng “ghosting” na nasundan pa ng kaguluhan ng kanilang pamilya, kung saan sabit na naman siya dahil siya ang itinuturong nanakit ng kanyang tiyahing si Claudine Barretto.

Mukhang walang nangyayari roon sa ginagawa nilang damage control, at iyon nga siguro ang dahilan kung bakit hindi nila maisugal na ipalabas na ang isang pelikula niyang matagal nang tapos. Kasi kung negative pa rin ang kanyang dating, tiyak na hindi rin kikita iyon.

Kung wala iyang mga survey na iyan at kami ang tatanungin, hindi namin sasabihing tatalunin ni Hipon girl si Julia kahit na anong nega pa ng dating niya. Pero tinalo siya na ang ibig sabihin napakatindi talaga ng pagka-nega niya sa ngayon.

 

Please follow and like us:
Read More

ALDEN, A RARE BREED OF STAR

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

AKALAIN mo, ika-siyam na taon pa lang pala ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa showbiz. Napabalik-tanaw rin tuloy kami nang mag-post si Alden sa kanyang social media account habang nasa Baguio ito.

Una naming nakilala si Alden sa presscon ng Alakdana na nagsilbing unang show niya sa GMA-7, pero bida na agad siya. Noon pa lang, sinabi na namin sa kanya na ang laki ng hawig niya kay John Lloyd Cruz.

Napansin na rin agad ng ibang press na may kakaibang dating si Alden at bukod sa amin, may mga nagsabi rin dito na sana, ‘wag lalaki ang ulo sakali at sumikat.

The rest is history.

Sa loob ng siyam na taon, mula noong hindi pa siya kilala at hindi pa halos pinapansin ng lahat hanggang sa ngayon na milya-milya na ang naabot ni Alden in-terms of his showbiz career and even as an accomplished young businessman, walang pinagbago. Isa kami sa makakapagpatunay na hindi nalulunod ng tagumpay.

A rare among new breed of stars.

Maganda ang disposisyon ni Alden, yung faith niya sa Diyos. Kaya ang ganda ng ibinahagi niya sa pag-alala niya sa ika-9th anniversary niya habang nakarating na sa Diplomat Hotel at nagpakuha ng larawan sa may cross.

Instead na yung mga horror stories about the place, yung faith ni Alden ang makikita sa bawat post niya. Gusto namin yung napili niyang verse na Psalm 61:2 na, “When my heart is overwhelmed, lead me to the rock that is higher than I.

At saka niya sinundan nang, “Reflecting on the past 9 years and so much has happened, it’s almost surreal. Some say it’s #blessed, some call it luck. It’s definitely hard work, perseverance, and prayers. All I can say is thank you from the bottom of my heart.  Maraming salamat sa inyo! Road to 10, let’s go!

Hindi lang Road to 10, Road to another decade dahil yung attitude, hindi lang talents na meron si Alden ay yung alam mong magtatagal at magtatagal sa mundong pinasok niya.

KIM TUNAY SUPERSTARA SA SAUDI

Alam mong nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam ni Kim Molina dahil sa naging surprised hit na movie niya na Jowable at pagiging instant box-office star niya siyempre.

At malaking bagay rin naman ang exposure niya sa Kadenang Ginto na mas nakilala nga siya. At true enough, ramdam na ramdam namin sa post ni Kim sa kanyang Facebook account ang mga pictures at video nang mag-homecoming siya sa kanyang alma matter noong December 8.

Sabi ni Kim, “Overwhelmed Today I visited my alma matter in Saudi Arabia, Al Majd International School (Formerly Al Jazeera International School/PSD) and the International Philippine School in Al Khobar. Two schools dear to my heart. One where I graduated Elem and High School, and one where I had my First Grade Philippine curriculum quarter and where my brothers went to. Never have I imagined a homecoming as warm as this. From the bottom of my heart, THANK YOU SO MUCH, my Alma Matter PSD AMISD/AJISD and IPSA family! MAHIGPIT NA YAKAP PO SA INYONG LAHAT! Will be posting a Vlog about this soon. ANG DAMING MEMORIES SA MGA LUGAR NA ITO! HAHAHUHU! Sobrang kilig saya ko’t nakita ko ulit kayong lahat. Shukran Katir.”

Nakita nga namin ang mga videos na pinost niya, aba, e, Superstar na Superstar lang naman ang peg ni Kim sa Saudi ha.

 

Please follow and like us:
Read More

 PDU30 GUSTONG ‘BUNTALIN’  SI SEN. KIKO

(NI GORGY RULA)

DOON na rin sa celebrity premiere ng Mindanao ay hiningan namin ng reaksyon si Sharon sa huling patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan.

Sinabi kasi ni Pres. Duterte sa isang speech na gusto na raw palayasin ni Sharon ng bahay si Sen. Kiko.

Hindi naman daw sila naapektuhan doon, pero hindi lang daw niya masisisi ang mga anak niya sa kanilang reaction.

“Alam mo naman tatay ko ‘yon. Sabi ko naman, parang tatay na hindi naga-approve sa boyfriend mo, parang ganoon.

“Kasi noon nga may sinasabi pa siya sa Bukidnon na ‘yong asawa ko raw, bubuntalin ko ‘yan kung hindi lang dahil kay Sharon,” saad ng megastar.

“Parang ano lang yan. Parang tatay na ayaw ang boyfriend mo. That’s the way lang I take it.

“Pero tingnan mo, wala nang sumunod di ba? After nito…kasi parang nalaman niya na ah okay na pala ‘tong anak ko.

“I don’t think naman na ang babaw na sasabihin nya yun kung feeling niya…kung mas may mahalaga pang kailangang sabihin siguro dala ng inis niya kay Kiko, tapos ako yung naiisip niya na parang daughter nga niya ako,” dagdag niyang pahayag.

Kahit nga raw si Sen. Kiko ay hindi naman nag-react at hindi apektado sa sinabi ng presidente dahil wala naman daw pinanggalingan iyun.

Ang ikinainis lang daw niya ay kapag may pulitika na, nababago ang magagandang samahan.

Sobrang close daw siya kasi talaga sa pamilya ni Pres. Digong, na nagkaganun lang dahil nasa oposisyon si Sen. Kiko.

“Naiinis ako sa pulitika talaga. Kung wala yun, magkakasundo sila,”

himutok ni Sharon.

SHARON IYAK NANG IYAK  HABANG NANONOOD NG MINDANAO NI JUDY ANN 

Natatawang ipinakita ni Sharon Cuneta ang tambak na tissue sa may upuan niya pagkatapos mapanood ang MMFF entry ni Judy Ann Santos na Mindanao na obra ni direk Brillante Mendoza.

Iyak siya nang iyak habang pinapanood ang pelikula,  kaya natatawa na rin si Judy Ann na kinukunan niya ng video si Sharon.

Isa si Sharon sa mga celebrities na dumalo sa celebrity premiere na ginanap sa Podium noong nakaraang Lunes ng gabi.

Sabi nga ni Judy Ann, mas lalo raw siyang kinabahan nang nakita niya ang mga artista at magagaling na direktor na dumalo roon.

“Mas kinabahan ako tonight kasi ang daming mga batikang artistang nanood. Mga sa teatro, mga director. Ang dami naming support na nakuha tonight from the different parts of the industry, from theater to film, lahat.

“Nakaka-overwhelm, nakakataba ng puso. Sapat na sa akin to. Parang konti na lang ma-heart attack na ako.

“Sana ma-appreciate nila yung ginawang istorya ni direk Brillante on how he properly and perfectly told the story sa mga ipinaglalaban ng mga kapatid nating muslim kung paano ang mga pinagdadaanan nila,” pahayag ni Judyann.

WILLING MAG-AUDITION AT MAGBAGSAK PRESYO MAIDIREK LANG NG ISANG BRILLANTE

Kaya nga sabi ni Sharon, kahit daw magpa-audition siya, gagawin daw niya para maidirek lang siya ni direk Brillante.

Nang ipinakilala siya ni Judy Ann kay direk Brillante, binulungan siya ni Sharon at naulinigan ko lang na sinabi niyang willing siyang magpa-audition para sa role, at kahit bagsak presyo raw siya.

“Sana ma-appreciate nila ito,” pakli ni Judy Ann na sobrang saya sa magandang feedback sa pelikula.

“Kung hindi man masaya pa rin ako dahil nakangiti ang puso ko, araw-araw gabi-gabi na alam ko nakagawa ako ng isang pelikulang napakamakabuluhan at sapat na ako dun.

“Nakita ko naman na halos isang kilong tissue ni Ate Sharon, okay na. Wala na akong hahanapin pa,” natatawa pa niyang pahayag.

 

Please follow and like us:
Read More

BEA POPULAR SA NGAYON; PELIKULA TUMIBA SA TAKILYA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ISIPIN mo iyon, umabot pa sa 100 million ang naging kabuuang kita ng huling pelikula ni Bea Alonzo, na ang akala nga ng marami ay karaniwang pelikula lang naman. Pero maliwanag na talagang popular si Bea sa ngayon, dahil kung nega ang dating niya, baka paurong-urong din ang playdate ng kanyang pelikula kagaya ng ibang artista.

May isang pelikula na ipapalabas nga sana noong September pa, pero pinayuhan daw ng mga theater managers ang producer na ipagpaliban na lang ang showing ng pelikula hanggang hindi pa nakakabawi sa hindi magandang image ang bida. Eh sa halip na makabawi, nadagdagan pa, kaya hanggang ngayon hindi alam kung kailan mailalabas ang pelikula niya.

Iyon nga daw tv show na ginawa siyang guest bagsak din ang ratings eh.

 

Please follow and like us:
Read More

NATUWA ANG DYOWA NI GAZINI NANG MA-LUCILA LALU SIYA?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

TRENDING sa social media kaninang umaga ang mga aktres na sina Luz Valdez at Lucita Soriano. Napag-usapan pati na ang radio actress na si Luz Fernandez. Akala nga namin uungkatin pa nila ang malaking krimen noong bata pa kami, noong pagputul-putulin ang katawan ni Lucila Lalu.

May warning agad, huwag kayong magpapagupit sa parlor, o magpapa-make up. Mainit ang ulo ng mga bakla. Hindi lang nabigong manalo ang Miss Philippines na si Gazuini Ganados, ni hindi iyon nakapasok sa top ten ng contest. Taun-taon hindi man manalo ay laging pasok sa top ten ang Philippines simula pa noong 2010 nang makapasok sa Venus Raj bilang runner up. Sinasabi nga nila na ito ang hindi magandang finish ng Philippines sa Miss Universe.

Marami pa ang naka-ismid dahil mukha ngang hindi pa tayo handa para sa isang “itim” na Miss Universe. Ang nanalo ay si Zozibini Tunzi ng South Africa.

Nagkamali pa ang host na si Steve Harvey na ang nanalo daw sa “national costume” ay Philippines, na mabilis namang nai-correct ng Miss Malaysia na siyang nanalo at nasa tabi na niya talaga. Kung kami naman ang tatanungin, hindi rin namin pipiliin ang national costume na iyon ni Gazini, dahil hindi naman ganoon ang damit ng mga Pilipino. Hindi mo masasabing national costume iyon. Para nga siyang character sa Star Wars.

Pero sa palagay namin, ang talagang happy ngayon ay ang syota ni Gazini,dahil tiyak na ok pa ang kanilang relasyon. Nakita naman ninyo, nang manalong Miss Universe, iniwan ni Catriona Gray si Clint Bondad. Kamakailan lang, iniwan naman ni Pia Wurtzbach si Marlon Stockinger. Ngayong natalo, tiyak na matibay pa rin ang relasyon ni Gazini sa kanyang boyfriend sa Cebu.

 

Please follow and like us:
Read More

GAZINI GIRL, GO GET THE CROWN!

(NI GORGY RULA)

BAKIT parang hindi gaanong excited ang mga bading sa laban ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019?

Iyan ang inaabangan ngayong araw, pero marami ang ‘di gaanong interesado dahil feeling nila hindi makalalaban nang bonggang-bongga ang ating kandidata.

May mga ilang tumutok sa preliminary pageant nito nung nakaraang Sabado, at hindi sila gaanong na-impress sa performance nito.

Halatang hirap daw itong lumakad sa evening gown niya.

Hindi siya gaanong matunog kung ikumpara mo kina Pia Wurztbach at Catriona Gray.

Si Miss Thailand ang malakas, kaya baka ang naturang bansa na naman ang makasungkit ng korona pagkatapos ng panalo sa Miss International at Supranational.

Solid naman ang suporta ng mga kapwa beauty queens sa labang ito ni Gazini, kaya tingnan na lang natin.

Si Pia ang isa sa nag-post kaagad noong kamakalawa lang ng suporta niya kay Gazini.

Sabi niya sa kanyang Instagram account; “Good luck kisses from me to you! The whole Philippines is rooting for you @gazini and I always got your back girl! You were born to do this Go get the crown.”

YENG MAY PA-ACOUSTIC

Ngayong hapon ay may pa-acoustic live session si Yeng Constantino sa

112 Delgado, Quezon City bilang bahagi pa rin ng promo ng MMFF entry ng TBA Studios na Write About Love.

Ang ganda ng rendition ni Yeng ng kantang Ikaw Ang Akin na bale theme song ng naturang pelikula.

May remake din siya ng Kapag Ako ay Nagmahal na feel na feel niya ang pagkakanta sa sa awiting ito.

Kaya mukhang may laban ito sa Best Original Theme Song.

Pero sa mga nakapanood ng naturang pelikula nung premiere night, ang dami nang nakapansin sa galing ni Yeng at puwede siyang lumaban sa Best Supporting Actress.

Hindi naman ini-expect yan ni Yeng. Ang gusto lang daw niya ay mapansin siya sa pelikulang ito dahil gusto na rin niya talagang pasukin ang pag-arte.

Talagang inasam niya kasi ang role na napunta sa kanya, dahil dumaan daw siya talaga sa audition.

“Ang panalangin ko po talaga for this project na kung makitaan po ako ng potential ng industriya, sana marami pong kumuha sa akin,” pahayag ng singer/actress nung nakaraang premiere night.

Magiging abala si Yeng sa bagong album niya next year. Kaya maaring maisasantabi pa muna ang balak nilang magka-baby.

“Two years ago po nagplano kami, nag-try, hindi po nangyari. Tapos, yun po…okay lang di po na hindi siya nangyari kasi ang dami rin po naming….in a way, blessing in disguise na rin para maging maganda na rin po ang future ng maging anak namin sa mga investments na ginagawa namin ngayon,” saad niya.

Kapag nakita nating normal uli ang kulay ng buhok niya, baka subukan daw niya uli ang mabuntis.

“Nag-try pa nga po ako two years ago na nag-normal ng kulay kasi nag-try talaga kami…eh hindi pa eh.

“Pero kung ano man po ang kalooban ng Panginoon, iyun na po,” sabi pa ni Yeng.

 

Please follow and like us:
Read More

REP. SANTOS NAGSALITA SA ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“HINDI lang naman ako, mahigit na 300 ang mga congressmen ang bumubuo sa House, kaya hindi masasabing desisyon ng isa o ilan lang ang kailangan para sa franchise renewal ng ABS-CBN. Pagkatapos na makalusot iyan sa aming lahat, dadaan pa iyan sa Senado at 24 pa silang gagawa ng sarili nilang desisyon,” ganyan ang sinabi ni Congresswoman Vilma Santos nang hingan siya ng comment doon sa naunang sinabi niyang gusto niyang makakuha ng franchise ang ABS-CBN, at isa pa nga siya sa nagharap ng panukalang batas tungkol doon.

“Ako naman kasi noong gawin ko iyon, wala ang pulitika sa isip ko eh. Siguro nga kasi mas matagal naman akong artista kaysa pulitiko. Hindi lang naman ako sa ABS-CBN nakapagtrabaho, kung natatandaan ninyo, nagsimula iyong show ko sa Banahaw Broadcasting, tapos lumipat ako sa GMA 7 at doon ako nagtagal. May mga offers pa nga sa aking tv show ang ABS-CBN pero hindi ko naman magawa dahil sa schedule ko.

Para sa akin kasi ang tingin ko sa ABS-CBN isang entertainment channel na gusto naman ng publiko. Alam ba ninyo na madalas pag-iikot ko sa mga barangay tinatanong nila ako tungkol diyan, kasi nga raw baka hindi na nila mapanood iyong Probinsiyano. Iyon ang kaisipan ng karaniwang tao eh, hindi naman nila alam iyong political o iba pang issues.

Ako naman nag-propose lang, pero sinasabi ko nga, mahigit na tatlong daan kaming lahat na gagawa ng desisyon. Kung ano man ang kalabasan ng usapan eh di tanggapin natin,”sabi pa ni Ate Vi.

Matapos kasing lumabas na nasabi ni Ate Vi na gusto niyang mapanatili ang ABS-CBN, bina-bash na siya ng ibang mga political trolls dahil maliwanag nga raw sinabi ng Presidente na ayaw niya noon.

Ang sinasabi naman ni Ate Vi, hindi dapat husgahan lahat agad, kailangan mapag-usapan. Kaya nga may kongreso eh.

SI PRISCILLA ANG DAHILAN?

Bagama’t nilinaw ni Jomari Yllana na  hindi ang muli nilang pagkikita at pagde-date ng dating naging girlfriend na si Abby Viduya ang dahilan kung bakit niya iniwan ang kanyang live in partner na si Joy Reyes at ang dalawa niyang anak doon, iba pa rin ang sinasabi ng mga tao.

Sinasabi nila, kung hindi raw kaya nagkamabutihan sina Jomari at Abby, talaga kanyang hindi na rin magkakasundo sina Jomari at Joy?

Mukhang lumalabas na ganoon nga, dahil maski naman si Joy ay nagsabing hindi niya hinahabol na magkaroon pa sila ng reconciliation ni Jomari. Ang sinasabi lang niya ay pangatawanan ng actor ang pagsu-sustento sa pangangailangan ng kanilang dalawang anak.

ATHLETE NA SING TO DEATH SA MODEL

Ang pogi noong model Tito KC, at siya ang kasama ng isang pogi ring athlete na nakasali rin sa SEAGames sa isang video. Nagkakilala raw ang dalawa dahil nagmo-model din naman iyong athlete. Pero hindi mo aakalaing magagawa iyon ng pogi rin at machong-machong athlete sa poging model. Lumalabas sa video na ang athlete ang “mas gay kung pareho mang gay silang dalawa”. Kasi nga si athlete ang sing to death, at hindi iyon naganap sa isang bedroom, mukhang dressing room iyon eh dahil maraming damit na nagkalat. Mukhang nagkasama sila sa isang fashion show at doon naganap ang miracle, hindi sa cell number 7.

 

Please follow and like us:
Read More