BABAE HINIGOP NG IPO-IPO NATAGPUANG PATAY SA BANGIN

DIGOS City – Patay ang isang babae makaraang mahulog sa bangin nang tangayin ng ipo-ipo ang sinasakyang motorsiklo noong Sabado ng umaga. Kinilala ang biktimang si Kristelle Ann Abapo, 24-anyos. Ayon sa mga saksi, mabagal lamang ang takbo ng motorsiklo na sinasakyan ni Abapo ngunit pagdating sa Brgy. Cogon nang biglang humampas ang malakas na hangin kaya sumabit sa nakalaylay na kable ang biktima bago nahulog sa bangin. Samantala, nakaligtas ang driver ng motorsiklo na si Froilan Ladio ngunit nahihirapang lumakad dahil sa mga sugat sa kanyang katawan. Malaki ang…

Read More

MALASAKIT HATID NI NOGRALES

MALAYONG BARANGAY SA MONTALBAN NAABOT NG AYUDA GINUGOL ni Rizal, 2nd District Rep. Fidel Nograles ang araw ng Martes sa pamimigay ng ayuda sa isa sa pinakamalayong barangay sa bayan ng Montalban. Kung ang iba ay ipinagdiriwang ang nakagawiang selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA People Power tuwing sumasapit ang Pebrero 25, si Rep. Nograles naman ay ipinadama sa kanyang mga kababayan ang tunay na malasakit. Tinungo ng grupo ni Cong. Nograles ang Brgy. Puray sa bulubunduking bahagi ng Montalban, Rizal para maipamahagi ang sampung (10) bisekleta para sa Barangay Health…

Read More

HABAMBUHAY KULONG SA MGA AMPATUAN

HINATULANG makulong ng habambuhay sina Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr, Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan Sr. sa inilabas na desisyon Huwebes ng umaga ni Judge Solis-Reyes, sa karumaldumal na Ampatuan massacre na naganap 10 taon na ang nakararaan. 4 NA MIYEMBRO NG AMPATUAN CLAN INABSUWELTO APAT na miyembro ng Ampatuan clan na sina Datu Datu Akmad Tato, Datu Sajid Islam, Jonathan, and Jimmy Ampatuan ang inabsuwelto sa kasong murder. Matapos magdesisyon si Judge Solis-Reyes na basahin lamang ang ‘salient points’  sa 761 pahinang desisyon. Late ng isa’t kalahating oras si Reyes…

Read More

KARAMBOLA SA CARDONA: TRAK NAWALAN NG PRENO, 9 PATAY

NAWALAN ng preno ang isang trak at bumulusok hanggang sumalpok sa  pampasaherong jeep at isa pang trak kung saan siyam katao ang iniulat na nasawi sa Cardona, Rizal, Martes ng umaga. Pabulusok at nakakurbada ang bahagi ng pinangyarihan ng aksidente nang mawalan umano ng preno ang trak sa Barangay Looc, ani SSgt. Ladiboy Tamares. Samantala, nahulog naman aniya sa bangin ang isa pang trak at tumama sa ilang bahay. Kabilang sa mga nasawi ang driver ng ikalawang truck at ilang bystander na bumibili lang ng pandesal at nagja-jogging, dagdag sa…

Read More

GOLD-SILVER NASUNGKIT NG PINAS SA MEN’S TRIATHLON SA SUBIC

NASUNGKIT ni John Chicano ang unang gold sa Southeast Asian Games men’s triathlon sa Subic, Linggo. Runner-up naman ang kababayan na si Kim Remolino. Isa na naman itong 1-2 finish para sa Pilipinas sa event na inaasahang madodomina ng manlalarong Pinoy. Nagpakitang gilas na ang mga Pinoy sa 2017 Games sa Kuala Lumpur at ang pinakahuling panalo ay nagpapatunay sa upuan bilang pinakamagaling sa sport sa rehiyon. Si Chicano ay silver medalist dalawang taon na ang nakararaan kay Nikko Huelgas. Samantala, si Kim Mangrobang at Kim Kilgroe ay sasabak sa…

Read More

BASECO SINUYOD, 2 PATAY; 1,000 BINITBIT

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY MAYA FELIZA) BINITBIT ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Manila Police District at CIDG ang may 1,000 kalalakihan  at dalawa naman ang namatay nang manlaban sa   isinagawang  Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO ), Linggo ng hapon sa Baseco, Port Area, Maynila. Isinagawa ang pagsalakay sa naturang lugar alas 2:00 ng hapon kung saan nabulaga ang mga residente. Ang operasyon ay isinagawa sa tugon sa kautusan ni  Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na linisin ang Baseco sa kriminalidad at droga. Nabatid na…

Read More

BROKER PATAY SA AMBUSH NG TANDEM

crime143

(NI CYRILL QUILO) TINAMBANGAN ang isang real estate broker sa Brgy. Bulbok,Lipa City, Batangas, Sabado ng umaga. Tama ng bala sa ulo ang agad na ikinamatay ni broker kahapon ng umaga matapos pagbabarilin ng mga riding in tandem sa Brgy. Bolbok  Lipa City, Batangas. Kinilala ni PLt. Col. Balauag ng Lipa City Police Station, ang biktimang si Florencio Maranan , 59, ng Purok 3 Brgy. Bolbok, Lipa City. Ayon sa imbestigasyon, habang tinatahak ni Maranan ang Brgy.San Guillermo Lipa, isang motorsiklo ang sumabay sa kanyang paglalakbay at biglang may dalawang…

Read More

BANTAY NG SIERRA MADRE NAIS MAGKAARMAS

illegal loggers-5

(Ni Jun V. Trinidad / Huling labas) MALAKING panga­nib ang kinakaharap ng forest rangers na nangangalaga ng Sierra Madre na ngayon ay sinasabing pugad na rin ng mga illegal loggers at kanilang mga escort na humihigop ng usok ng shabu bago magtrabaho. Kadalasan, ang forest rangers ay nagtratrabaho ng isang linggo sa loob ng kagubatan ng kabundukan ng Sierra Madre na ang tanging armas ay camera, global positioning system (GPS) device, teleskopyo at solar-powered lights para sa kanilang dokumentasyon habang ang hinahabol at hinaharap nilang mga illegal loggers ay armado…

Read More

JUDGE NATANGAYAN NG PERA, ALAHAS SA LOOB NG GYM

crime robber12

(NI ROSE PULGAR) NATANGAY ang pera, alahas at mahahalagang dokumento na nagkakahalaga ng P.3 milyon ang isang hukom matapos mag-workout sa isang sikat na gym sa lungsod ng Pasay, Martes ng hapon. Galit na galit at nanlulumo pa nang dumulog sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police ang biktimang si Taguig City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Bernard Bernal, 41, ng Branch 74. Base sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe  ng Pasay City Police, dakong alas-3:50 Martes ng hapon nang…

Read More

PAULO, JANINE MAGSASAMA SA BAGONG PELIKULA

(NI ISAH V. RED) MUKHANG nagiging regular na ang pagsasama ng mga artistang magkaiba ng home studio, partikular na ang Kapuso at Kapamilya. Habang may hysteria sa pagsasanib pwersa ng dalawang network sa katauhan ni Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na ipapalabas na sa July 31, heto’t magsasama naman si Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa isang pelikula ni Prime Cruz para sa T-Rex Entertainment. Sinulat ito ng GF ni Prime na si Jen Chuaunsu. Nagpa-presscon angT-Rex nung isang Linggo sa restaurant na pag-aari ng…

Read More

P1.4-M MARIJUANA SA TORTILLA CHIPS NASABAT SA NAIA

customs naia12

(NI DAVE MEDINA) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang nasa  P1.4 milyon halaga ng pinatuyong marijuana or  kush marijuana na inilagay sa  tortilla chips mula sa Illinois, USA. Habang kini-claim  sa  Post office NAIA Customs ang tumitimbang sa 847.20 grams  na kontrabando ay inaresto ng BOC operatives ang suspect na nakilalang si Ryan Ramos Soriano,  isang call center employee, ng  San Juan City. Nakatakdang sampahan ng pag labag  sa Section 117, 1400 at 1113 ng R.A. 10863 (CMTA) na may…

Read More

KAI SOTTO IMPRESIBO KONTRA AL RAYYAN

MAS impresibong Kai Sotto ang nanguna sa Gilas Pilipinas Youth sa 79-54 panalo nito kontra Al Rayyan kahapon sa Doha, Qatar. Ang game laban sa Al Rayyan ay bahagi ng dalawang  tuneup games bilang preparasyon ng Batang Gilas para sa 2019 Fiba Under-19 World Cup. Nagposte ang 7-foot-2 na si Sotto ng 19 puntos sa episyenteng 7-of-10 shooting, dalawang rebounds, dalawang assists, dalawang blocks at isang steal sa 26 minutong paglalaro nito. Nagambag naman ang frontcourt partner niyang si AJ Edu ng six points, seven boards, five assists at three…

Read More

5 OFW PAPUNTANG AIRPORT PATAY SA AKSIDENTE SA NLEX

accidentsign1

PATAY ang limang indibidwal habang nasa siyam na iba pa ang nasugatan at isa ang nawawala makaraang maaksidente ang kanilang sinasakyang semi-van sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bayan ng Apalit, Pampanga, Sabado ng tanghali. Sa panayam kay Supt. Elmer Decena, chief of police ng Apalit, kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga nasawi habang naisugod naman sa iba’t ibang pagamutan ang siyam na kasamahan na lahat ay pawang mga Oversees Filipino Workers (OFW). Sinabi pa ni Decena na isa pa sa kanilang kasama ang nawawala at…

Read More