MALE STAR NAGSAWA SA MGA BAKLUSH KAYA LUMIPAT NG NETWORK?

malestar silhouette

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

KAYA pala naging “favorite” siya noon sa dati niyang network,  dahil si male star naman pala ay “very accommodating”. Hindi nga lang siya suwerte dahil nang dumating siya sa network ay may mga boyfriends nang lahat ang mga gay executives, pero “natuto naman siyang makisama sa mas mabababa, kaya napapansin pa rin siya at naisasali sa mga shows”.

Pero ngayon dahil “seriously in love” na ang male star sa kanyang girlfriend, tinigilan na niya ang pagiging “very accommodating” pero siguro naman tama na ang kanyang pakikisama noong araw kaya nakakakuha pa rin siya ng assignments kahit na sa kanyang bagong network.

Pero iyon nga ba ang dahilan kung bakit siya lumipat ng network?

 

Please follow and like us:
Read More

MALE STAR ATRAS SA REQUIREMENT NG PRODU PARA SA LEAD ROLE

malestar silhouette

(NI ED DE LEON)

TOTOO iyon Tito KC, isang dating male star talaga ang nagsabi sa amin. Tinawagan daw siya ng isang film producer, bago pa natapos ang unang pelikulang kanyang ginagawa. Sinabi sa kanya, sa susunod niyang pelikula ay bida na siya, solong bida at bibigyan ng malaking build up. Pelikula iyon tungkol sa isang macho dancer. Pero ang kapalit, kailangang maging syota siya ng bading na film producer.

Natakot daw siya, at nang umalis sa opisina ng producer ay hindi na nagbalik pa, kahit na may ilan pang eksenang hindi nakukunan sa ginawa niyang pelikula. Siyempre siniraan siya, sinabing unprofessional, at sinabing inuna pang itinanan ang girlfriend niya kaysa sa kanyang career. Pero hindi naman totoo iyon. Hindi siya nagtanan. Nag-aral siyang muli.

Pero kagaya nga noon, may kaso ng sexual harassment, pero ang katuwiran ay “wala namang nangyari eh”. May isang kasong napagsamantalahan “pero kung magdedemanda ako, sabi ni attorney para din daw rape iyan, kailangang ikuwento ng detalyado kung papaano ako inabuso ng bakla. Ano naman ang mangyayari sa akin pagkatapos, malalaman lang ng mga tao ang nangyari sa akin”.

At saka mahal ang attorney’s fees. Mabuti ngayon nag-aalok si Jimmy Bondoc ng legal assistance, kung hindi, aba sa acceptance fee pa lang ng kaso, patay ka na sa pagbabayad.

 

Please follow and like us:
Read More

BOYFIE NA BANO SA AKTING, ‘BILMOKO’ ANG STYLE SA AKTRES

actor12

(NI SHALALA )

HOW  true na ang boyfie ni young actress ay isang bilmoko?

Mas sikat kasi si  ateng at back-to-back ang project sa kanilang TV station.

Si  dyowa niya naman ay sumikat lang dahil nadikit ang name niya kay pretty young aktres.

Naging mag-on sila nang nagkasama sa isang serye.

Noong una raw ay tahimik si boylet at sini-sipat-sipat lang si young aktres na pretty namang talaga.

Nagkadyowa na siya noon pa nang siya’y dalaginding pa. As in puppy love lang.

Buti naman at nagkahiwalay din dahil my sapi si boylet. Nag-focus na lang siya sa work nya sa TV nang kaliwat-kanang waley pahinga.

Siney niya kay mama na nasa tamang edad na siya kaya need niya na magka-boyfrend. Sa mga pinagpilian niya ay dun na-focus ang mata niya sa bukol ng isa niyang suitor dahil doon si kuyang, may malignant tumor ang pinili nya. Masaya sila at ma- tagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.

Sabi nga, habang tumatagal dun niyo nakikilala ang isat-isa.

Si ateng ganun pa rin siya mabait.

Laging naka-ngiti may serye pa rin.

Si boylet pa-guest-guest lang muna sa dahilang bano siya sa akting.

Ka-pansin-pansin din daw kay kuya na nahihilig sa mga online shopping.

Pag may nagustuhan siya send niya ang picture kay gf niyang busy sa work.

Noon daw, ok lang pero ngayon, napapansin ni ateng na madalas nang nag-papabili ‘pag walang maganda sa  online sa store, sila’y sumasadya  at always  busy ang hintuturo ni kuya sa kakaturo ng mga gustong bilhin.

Unti-unting nahihimasmasan si young actress.

Sila pa rin hanggang ngayon.

Pero si aktres,    kontrolado na ang paggamit ng credit cards niya.

Waaa na siya bring ng cash, coins na lang ang dinadala nya. L.O.L.

 

Please follow and like us:
Read More

MALE YOUNG STAR INIIWASAN DAHIL SA TOKHANG

hulawho12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NOONG nagsisimula pa lamang si male youngstar, aba pantasya siya ng halos lahat. Maging mga babae o mga bading, sinusundan siya talaga lalo na at napupunta siya sa mga watering holes sa Makati at sa Taguig. Pero ngayon daw naiba na ang sitwasyon. Marami kasi sa mga dating nagpapantasya sa kanya ang “naka-date” na niya at mukhang “disappointed sila”.

Bukod doon, iniiwasan na siya dahil baka raw kung makikitang kasama siya ay madamay ka pa kung magkaroon ng buy-bust o raid laban sa droga. Iyon ba talaga ang dahilan? Hindi kaya dahil alam lang nila na “taken” na siya?

Ang bilis naman niyang nalaos.

Please follow and like us:
Read More

HUNK ACTOR BINALAAN NG GAY TV EXEC SA KARIBAL NA POLITIKO

actor12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NAKU Tito KC, nagalit daw ang isang gay network executive sa isang actor at sinabing kung hindi talaga matitigil ang mga tsismis at pakikipagkita niya sa isang gay politician, huwag na siyang umasa pa sa projects.

Payag naman daw si gay network na executive na nakikisingit na lang siya sa misis ng actor, pero iyong may sisingit pang ibang bading, lalo na iyong millionaire realtor, galit siya.

Kasi pala naagaw ng millionaire realtor noong araw ang isa sa “pinakamamahal” na syota ng gay network executive. Tapos nga ngayon baka maulit na naman. Noong malaman daw naman iyon ng gay millionaire realtor, ang sinabi sa actor, “hindi mo kailangan ng TV show”. Iyon na.

Please follow and like us:
Read More

TUNAY NA DIVA SA UGALI ANG SINGER NA MAY PLATINUM AWARD

singersilhouette12

(NI SHALALA)

ANG kilalang diva ay  perfectionist sa kanyang kanta.  Churang nasa entablado na siya.  Isa siya sa mga sikat na mang-aawit sa bansa.  Kilala rin sa ibang bansa. Dami rin siyang hit songs. Gold at platinum awarded naman ang kanyang mga album.

Kaya naman ganun na lang siya kaingat sa pag-perform lalo na sa stage.

Nagkapelikula na rin siya,

Kaya naman kung diva-divahan lang ang pag-uusapan  una siya sa listahan. Sa mga performance sa telebisyon late siya madalas. Ang  tagal niya ring magpa-make-up.

Mapili sa mga damit at pag may color motiff madalas iba ‘yong kanya.

Ayaw niya rin ang nauuna ‘pag nakakasama niya ang ibang diva .

Dapat sa bandang huli siya (o diva nga!).

Sa isang production sa concert na guest lang siya with other divas, nagulantang ang lahat lalo na ‘yong mga kasama niya sa stage pati ang banda dahil pinatigil niya ang performance nila sa dahilang nagkamali siya sa isang linya ng song. Parang walang nangyari at pinalakpakan naman siya ng mga utaw at ng mga kasama sa production number.

Chika na mga ka-join niya, totoo nga sya talaga ang divang ayaw magkamali kahit na nasa harap ng plenty of pipol. Wa siya keber kung pinahinto niya man ang kinakanta nila. Mabuti na raw ‘yong ganoon kesa naman pagtawanan sila ng mga utaw na nagbayad ng tickets para makarinig ng mga magagandang awitin mula sa mga totoong diva.

Please follow and like us:
Read More

SEXY ACTRESS PABORITO NG MGA BIGTIME SA GOBYERNO, MILITAR

silhouette actress12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NAPAKA-SEXY naman kasi talaga ni aktres, at magaling siyang magtago ng kanyang nakaraan, pero may isang nasa “introduction service” na nagsasabing “iyang babaing iyan ay matagal na naging private escort, pero high class dahil malaki talaga ang bayad”. Kabilang daw sa mga naging client ng ngayon ay aktres ay malalaking businessmen, mga opisyal ng gobyerno at opisyal din ng militar.

Aba talaga palang big time siya noong araw pa. Tapos nagkaroon nga ng connection sa isang network, naging artista at sumikat din naman kahit na papaano.

Pero tingnan mo nga naman, kahit na anong tago mo sumisingaw pa rin.

Please follow and like us:
Read More