RIZAL REP. NOGRALES NABABAHALA; PAGPASLANG SA MGA ABOGADO KINONDENA

KINONDENA ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles ang pagpaslang sa kapwa abogado sa mismong opisina nito sa Talavera, Nueva Ecija. Ang pagpatay kay Atty. Bayani Dalangin ay pang-apatnapu’t walong insidente na laban sa mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) simula noong 2016. “Ang kulturang ito ng impunity na nagpapaliit sa halaga ng isang buhay ay dapat nang matigil,” ayon kay Nograles. Kasabay nito, iginiit ng mambabatas na kailangang magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso upang matukoy kung ano ang magagawa ng Executive branch para mawakasan na ang…

Read More

PANAWAGAN NG CBCP SA GOBYERNO KALIWA DAM PROJECT IBASURA

IPINATITIGIL ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam sa Quezon na popondohan ng loans mula sa China. Sinabi ng CBCP sa isang statement noong Pebrero 26 na makapipinsala ang proyekto sa kalikasan at magdudulot  lamang ng malaking gastos sa pamahalaan. “The Church is not against development as long as it does not sacrifice the ‘common good’  in the name of progress,” wika ni Bishop Romulo Valles ng Davao. “The ongoing Kaliwa Dam project of the government, in the guise of providing water to Metro…

Read More

SOLON SA BI OFFICIAL NA SANGKOT SA ANOMALYA: BISTADO NA, NAG-DENY PA

KINASTIGO ni Senador Risa Hontiveros ang ilang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na todo tanggi bilang kasabwat ng sindikato na tinaguriang “Pastillas” scheme na nagpapasok sa mga Chinese national nang walang kahirap-hirap kapalit ng P10, 000 kada ulo. Sa kanyang closing remarks matapos ang imbestigasyon ng Senate committee on women, youth and gender equality na kanyang pinamumunuan, sinabi ni Hontiveros na lubhang nakamamangha ang pagtanggi partikular ni dating Immigration Deputy Commissioner Marc Red Marinas sa anomalya. “Bistong-bisto na, pero deny pa!” ayon kay Hontiveros. Isinangkot ni Immigration Officer Alex…

Read More

DEFENSE TALKS SA US ‘DI PIPIGILAN

HINDI pagbabawalan ng Malakanyang si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na talakayin ang defense matters sa American counterpart nito. Ito’y sa kabila ng hindi nababagong posisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wakasan na ang Visiting Force Agreement (VFA) sa Estados Unidos. “You cannot stop the ambassador from entertaining talks or initiatives coming from his counterpart. That’s diplomacy,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo bilang tugon sa tanong kung ipag-uutos ng Malakanyang kay Romualdez na iwasan ang pagtalakay o mapag-usapan sa kanyang American counterpart ang posibilidad na…

Read More

KONGRESO SINISI SA KORAPSYON SA IMMIGRATION

BI modernization 12-taong tinulugan HINDI na nagtaka ang isang mambabatas kung talamak pa rin ang katiwalian sa Bureau of Immigration (BI) dahil 15 taong tinulugan umano ng Kongreso ang modernization bill sa ahensya. Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, simula 14th Congress o noong 2007 hanggang 2010 ay tinangka na umano ng mga mambabatas na ireporma at i-overhaul ang BI dahil sa mga katiwaliang nangyayari rito. “The best attempt or near-hit was in the 14th Congress. That time, the Senate agreed on a conference committee report,” ani Garbin…

Read More

AGUIRRE IMBESTIGAHAN – PALASYO

Itinurong utak ng ‘Pastillas’ scheme sa NAIA PABOR ang Malakanyang na  isailalim sa masusing imbestigasyon si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II makaraang idawit  ang pangalan nito bilang protektor ng ‘Pastillas’ scheme o ang panunuhol ng mga Chinese sa mga tiwaling opisyal sa Bureau of Immigration (BI) para makapasok sa Pilipinas at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Reaksyon ito ng Malakanyang sa pagbubunyag kahapon ng kolumnistang si Ramon Tulfo sa pagdinig sa Senado. Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, kailangan lamang magbigay ng ebidensya si Tulfo sa Philippine National…

Read More

PERSONALAN, BALASAHAN SA KAMARA

Sa gitna ng ouster plot vs Cayetano NAGKAROON ng kudeta sa mababang kapulungan ng Kongreso subalit hindi sa Speakership kundi sa chairmanship ng makapangyarihang House committee on appropriation at House of Representatives Election Tribunal (HRET). Sa sesyon ng Kamara nitong Lunes ng hapon, nag-move si Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla na palitan si Davao City Rep. Isidro Ungab bilang chairman ng appropriation committee. Agad inihalal na kapalit ni Ungab si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap habang tinanggal naman si Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon bilang head ng HRET…

Read More