BABY NABITIWAN NG LASING NA TATAY SA SEAWALL, NALUNOD

crime23

(NI ANNIE PINEDA)

NAWALA ang kalasingan ng isang mister nang matagpuan na lamang ang anak nitong nagpalutang-lutang sa dagat nang mabitawan umano nito habang nasa sea wall, sa Iloilo City.

Ayon sa Guimbal Municipal Police Station, bitbit ng amang si Vales, residente ng Barangay Pescadores, Guimbal, Iloilo ang kanyang 6-buwan sanggol na anak habang nagpapahangin sa sea wall malapit sa kanilang bahay.

Sinabi ng ama na nakainom siya ng alak at maaring nakaidlip siya nang malasing kaya hindi na niya napansing nabitawan ang anak.

Nagising na lamang siya nang masisigaw na ang mga residenteng may batang lumulutang sa dagat.

Kaagad naman iniahon ang sanggol at dinala sa ospital pero idineklara na rin itong patay.

Please follow and like us:
Read More

NCAA SEASON 95 FINAL 4 BUO NA; HULING SILYA SA STAGS

INOKUPAHAN ng San Sebastian College ang huling silya sa Final Four ng NCAA Season 95 seniors basketball tournament Biyernes matapos daigin ang University of Perpetual Help System Dalta, 99-94, Biyernes sa Filoil Flying V Centre.

Nagpasabog ng season-best 44 points, eight rebounds, four assists at steal si Allyn Bulanadi upang akayin ang Golden Stags sa quarterfinal round ng torneo.

“For me, Allyn is ready for the big league. This is for him, in his last year and I guess everybody should know that he’s ready,” sabi ni coach Egay Macaraya patungkol sa sweet-shooting swingman ng San Sebastian.

Nag-ambag naman sina RK Ilagan ng 22 points, seven rebounds, three assists, at steal, at Alvin Capobres 10 points, two boards, two dimes para sa Stags na may 11-7 record sa pagtatapos ng elimination round.

Nakadikit pa ang Altas, 97-94, sa pamamagitan ni Edgar Charcos, ngunit nabigo na maitabla ang score nang sumablay ang tres niya. Swerte naman na naipasok ni Rommel Calahat ang dalawang free throws na nagselyo sa panalo ng San Sebastian, 3.4 segundo ang nalalabi sa orasan.

Nanguna si Charcos na may 22 points, seven assists, at six rebounds habang nagdagdag sina Kim Aurin ng 20 points at six boards, at Jielo Razon 18 points, 10 rebounds, four assists, at two steals para sa Perpetual na may 5-13 kartada sa pagtatapos ng kanilang kampanya ngayong season.

Maliban sa San Sebastian, pasok din sa Final Four ng NCAA Season 95 ang San Besa Red Lions, Lyceum Pirates, at Letran Knights.  (PHOTO BY MJ ROMERO)

Please follow and like us:
Read More

CLAUDINE PINAGTULUNGAN NG MAG-INANG MARJORIE, JULIA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AKALA matatapos na ang gulo nang magkaroon na ng sabunutan na kailangang awatin pa ng security ni Presidente Digong na naroroon nang mangyari iyon, sa burol ng ama ng nag-aaway na Barretto sisters. Maging ang pakiusap ng presidente na magkasundo na sila, alang-alang sa namayapa nilang ama ay tinanggihan ni Marjorie. Si Gretchen naman ay nakipagkasundo na maging sa nakaalitan ding ina.

Pero habang nakikipag-usap si Gretchen sa ilang kaibigan, naitulak daw siya ng pamangking si Nicole, at kahit na inawat na sana nahablot ni Gretchen ang buhok ng pamangkin at nasabunutan.

Noon mismong gabing iyon, nasabihan yata ni Claudine na “wala sa ayos” si Marjorie, kaya iyon naman ang napagbalingan noon. Nang magbalik si Claudine kinabukasan, siya naman ang diumano ay pinagtulungan ng mag-inang Marjorie at Julia Barretto. Nagtamo ng mga kalmot sa kamay si Claudine at nagsabing nahihilo siya. Kinausap siya ng kapatid na si Gretchen sa telepono at sinabing umalis na siya sa lugar na iyon, at minabuti naman ng kanyang kasamang si Ruby Baguhin na dalhin na lang muna siya sa St.Luke’s Medical Center sa BGC para ma-check,  at kung saan naman siya nananatiling naka-confine hanggang ngayon.

Iyan ay taliwas sa kahilingan ng kanilang yumaong amang si Miguel Barretto na sa isang television interview mga dalawang taon na yata ang nakararaan ay nagsabing wala na siyang gustong mangyari kung di ang magkasundu-sundo ang kanyang mga anak. Sa halip lumala pa ang gulo sa burol niya.

May nagpapayo nga raw kina Gretchen at Claudine na huwag nang magbalik sa burol at maging sa libing ng kanilang ama para maiwasan na ang mas matinding gulo. Pero sinasabi naman umano ng magkapatid na karapatan nila iyon dahil ang yumao ay ama nila.

Tumindi ang away na iyan nang ang magkapatid ay magpahayag ng simpatiya kay Bea Alonzo, nang magkaroon iyon ng controversy kay Julia Barretto.

ALEX DIAZ MAY INDECENT PROPOSAL KAY TRAINER MIGUEL CHANCO

May isa pang controversy Tito KC, ito ay ang paglalabas ng screenshot ng diumano ay indecent proposal na ipinadala ng Kapamilya star na si Alex Diaz sa physical fitness trainer na si Miguel Chanco. Ayon kay Chanco, dalawang ulit nang nagpadala sa kanya ng indecent proposal si Alex Diaz. Kinukuha siya diumano noon bilang physical fitness trainer, pero tinatanong din kung nakahanda ba siyang magbigay ng “iba pang serbisyo at kung magkano”.

Nagalit si Chanco at sinabing kaya niyang sampalin ng pera si Diaz, mabilis namang nag-sorry si Diaz, nagsabing “basag lang ako”, at nakiusap na huwag nang ilalabas iyon dahil makakasira sa kanyang career. Pero sa tindi ng galit ni Chanco dahil sinasabi niyang binastos ang kanyang pagkatao, inilabas niya screen shot ng kanilang internet chat at binuko si Diaz.

Kailangan diyan ang isang matinding  damage control. Marami nang pagkakataon na may mga tsismis na beki si Alex Diaz pero iyan ay pilit na tinatakpan ng kanyang mga handlers. Pero matapos ang expose ni Chanco, papaano kaya ang damage control na magagawa ng kampo ni Alex Diaz.

“Lessons learned,” sabi nga ng isa pang male star na nasangkot din sa isa pang internet controversy kamakailan. Mahirap talaga iyong pasok ka nang pasok sa mga usapan sa internet. Hindi mo alam kung ano ang mangyayaring kasunod.

 

Please follow and like us:
Read More

AUSSIE, KALIVE-IN, PINATAY SA LOOB NG KOTSE

CRIME12

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang magkalive-in  matapos silang pagbabarilin ng ng kasamahan sa loob ng sinasakyang kotse sa Olongapo, ngayong Biyernes.

Naganap ang insidente pasado alas 10 ng umaga sa may Ulo ng Apo circle sa Rizal Avenue, Barangay West Bajac-Bajac.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Police Station 1, dead on the spot ang isang Pinay at kanyang kinakasamang isang Australian national.

Nabatid sa ulat na isa pang Australian din ang dinala sa ospital dahil nagtamo ito ng tama ng bala ng baril.

Base naman sa pagsusuri na kuha ng CCTV sa lugar, kasama mismo ng mga biktima ang salarin sa loob mismo ng sasakyan nang maganap ang pamamaril.

Walang nakitang tama ng bala ng baril na posibleng galing sa labas kaya tiyak  na nasa loob din ng kotse ang suspek na sinasabing isang foreigner.

Napag-alamang nasa ligtas naman ang dalawang taong gulang na batang lalaki na anak ng mga biktima at kasalukuyang ikinostudiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

STATE OF CALAMITY SA N. COTABATO QUAKE IDINEKLARA 

(NI BONG PAULO)

SA pamamagitan ng resolution number 46-2019 ng Sangguniang bayan ay isinailalim na sa state of calamity ang buong bayan ng Makilala, North Cotabato nitong Huwebes ng hapon dahil sa pinsala sa mga kabahayan at paglobo ng mga taong nasugatan dahil sa nagdaang lindol.

Sinabi ni Municipal Administrator Sheryl Orbita, umakyat na sa 24 katao ang nasugatan dahil sa magnitude 6.3 na lindol, isa rito ang malubha at isinugod sa isang ospital sa Davao City.

Aabot naman sa 63 kabahayan ang nasira at marami ang hindi na pwedeng matirhan.

Labin-apat naman na barangay mula sa 38 ang lubhang naapektuhan dulot ng pagyanig at ang tatlong mga barangay ang una nang nagdeklara ng state of calamity.

Pinabibilis na rin ng lokal na pamahalaan ang pagpapalabas ng pondo upang makabili ng mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya tulad ng mga gamit na masisilungan, pagkain, gamot at iba pa.

Samantala, inirekomenda na rin ng MDRRMC sa Sangguniang Bayan na ilagay sa danger zone ang barangay ng Luayon at ilang mga lugar sa Barangay Kisante.

Apela rin ni Orbita sa mga opsiyales ng bawat barangay na makipag-ugnayan sa LGU- Makilala upang agad na maibigay ang sapat na tulong para sa kanilang nasasakupan.

Samantala, pumalo na sa 569 tahanan ang nasa partial at totally damaged sa bayan ng Tulunan, North Cotabato na siyang sentro ng 6.3 magnitude na lindol, ayon sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS.

Ayon kay Tulunan Vice Mayor Maureen Ann Villamor, sa pag-iikot ng Rapid Assessment Needs Analysis o RDANA team ng nasabing bayan, matinding tinamaan sa ng lindol ang New Caridad High School kung saan halos buong kisame ang natanggal sa isang silid.

Habang malalaking lupa rin ang gumuho sa boundary ng Brgy. Bituan at Bacong, kabilang pa ang mga tulay na nasira sa ilang mga barangay.

 

Please follow and like us:
Read More

DEMOLISYON SA LOOB NG NBP NAGPAPATULOY

(NI ROSE PULGAR)

HALOS nasa pitong araw na ang isinasagawang demolisyon o clearing operation sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sinimulan ito noong Oktubre 11 sa Muntinlupa City.

Gayunpaman, nananatili pa rin naka red alert status ang mga quadrant ng NBP dahil sa nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang demolisyon sa mga kubol.

Ngayong Biyernes ay personal na  ininspection ni Police Colonel Juan Anonuevo, Deputy District Director for Operation ng Southern Police District (SPD), ang mga personnel ng SPD na itinalaga sa loob ng BuCor.

Nabatid, na itinalaga ang ilang police  sa loob ng BuCor mula sa unang araw ng isinasagawang clearing operation sa loob ng nabanggit na kulungan.

Nakikipagtulungan ang PNP para sa isinasagawang clearing operation sa loob ng BuCor sa ilalim nang pamamahala ng director nito na si Gerald Bantag.

Samantala, ayon naman kay BuCor Spokesperson Major Alberto Tapiru, napasok na ng mga awtoridad ang Quadrant 2 at 3 south and north ng NBP.

Ayon kay Tapiru parte ito ng isinasagawang paglilinis ng maximum security compound kung saan may mga nakuhang kontrabando tulad ng mga cellphone, sigarilyo, tabako at iba pa sa mga dinemolish na kubol sa loob ng nasabing piitan.

Gayunman, itinuturing pa rin na normal ang sitwaston sa NBP kasabay ng pagtiyak nito na sapat na tubig at pagkain sa brigada na pinaglipatan ng mga bilanggo.

Magugunitang nagkaroon ng pagsabog sa NBP kamakailan sa kalagitnaan ng isinasagawang clearing operation.

Please follow and like us:
Read More

P80-M PEKENG MGA PRODUKTO, WINASAK SA PNP

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT sa P80 million na halaga ng mga pekeng produkto na nakumpiska ng mga tauhan ng law enforcement agencies sa ilalim ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR), ang winasak sa national headquarters ng Philippine National Police (PNP), Biyernes ng umaga.

abilang sa mga winasak ng tatlong heavy equipment mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga pekeng Louis Vuitton bags, wallets, cellphone cases; mga pekeng sapatos, rolex at  pirated DVDs; branded cutting blades, pekeng Lacoste shirts, pekeng lotion, seasoning mix,  bogus na sigarilyo, mga pekeng sabon at mga pampaputi na nakumpiska sa ikinasang operasyon noong isang taon..

Ang ginawang pagwasak ay bahagi ng 4th quarter NCIPR ceremonial destruction na pinangunahan ni PNP Officer in Charge P/Lt.Gen. Archie Gamboa at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) Director General Josephine Santiago sa harap ng PNP grandstand.

Sa naturang seremonya, tiniyak ni Gamboa ang buong supporta ng PNP sa NCIPR na pinamumunuan ni Santiago sa kampanya ng pamahalaan kontra sa mga pekeng produkto.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER NASUNOG SA SAMPAYAN 

electrocution

(NI ANNIE PINEDA)

SA kagustuhang makatulong sa paglalaba sa kanyang misis, natusta ang isang mister makaraang makuryente habang nagsasampay sa ginawa nitong sampayan nang masagi ang livewire, sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang biktimang si Mohammad Kasan, 26, at residente ng Barangay Layog Maguindanao.

Batay sa report ng pulisya, bago ang insidente naglalaba ang asawa ng biktima habang gumagawa naman siya ng sampayan.

Pagkatapos nito ay nagkusang nagsampay ng mga nilabhan ng kanyang misis , subalit hindi nito napansin ang livewire.

Nasagi nito ang sampabayan dahilan para magkikisay at nasunog ang katawan nito na agad niyang ikinamatay.

 

Please follow and like us:
Read More

4 EMPLEYADO NG CASINO NATUSTA SA LOOB NG KOTSE 

(NI ANNIE PINEDA)

NATUSTA nang buhay ang apat na kawani ng casino matapos lumiyab nang tumalon sa kanal ang sinasakyan nilang kotse, iniulat kahapon sa lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ang mga namatay na sina Jerome Paeste, 31, driver; Jan Lionel Laiz, 31;  Jannelle Obar, 26; at Michelle R. Rodriguez, 24, pawang mga kawani ng D Heights Resort and Casino.
Batay sa report ng Traffic Management Section- Mabalacat City Police, naganap ang insidente sa U-turn ng Omni Aviation sa kahabaan ng M.A. Roxas Avenue, ng nasabing lalawigan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng mga biktima ang naturang lugar nang bigla na lamang mawalan ng kontrol sa manibela si Paeste dahilan para tumalon ito sa kanal at mabilis na lumiyab ang sasakyan.

Hindi na nakalabas ang mga biktima nang masunog ang sasakyan. Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, mabilis ang patakbo ng kotse.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar ng insidente, naabutan na nilang sunog na ang sasakyan at ang mga biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

2-ANYOS GINAHASA, PINATAY NG KAPITBAHAY

(NI ANNIE PINEDA)

NAKASUSULASOK na amoy ang umalingasaw nang madiskubre ang naagnas na katawan ng isang dalawang taong gulang na batang babae matapos umanong gahasain at patayin ng kapitbahay, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Negros Oriental.

Kinilala ang suspek na si Modesto Padiño, ng Dauin, Negros Oriental.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng bata sa bakanteng lote sa may damuhan may 300 metro ang layo mula sa bahay ng suspek.

Ayon sa ilang saksi, huling nakitang buhay ang bata noong Martes kasama ang suspek at dinala niya ito sa kanyang bahay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakuha mula sa bahay ng suspek ang pajama ng bata at may mga bakas ng dugo.

Nakitaan din ng laceration ang kaselanan ng bata na posibleng ginahasa ng suspek bago pinatay.

Sa follow-up operation nadakip ang suspek sa bahay ng kanyang tiyuhin sa Sta. Catalinan ng nasabing lalawigan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at mahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNOG SA MARKET 3: 1 PATAY, 783 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN

(NI CHERK BALAGTAS/PHOTO BY JIMMY CARBO)

ISA ang namatay at humigit kumulang 783 na pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na sumiklab, Biyernes ng madaling araw sa Lungsod ng Navotas, ayon sa tala ng census ng Philippine Fisheries Development Authority.

Nagbigay naman ang pamahalaang lungsod ng kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, relief goods, gamit pantulog, hygiene kit at pansamantalang matutuluyan.

Nakikipagtulungan na din sa ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong organisasyon ng lokal na pamahalaan para sa karagdagang suporta.

Magpapaabot na rin ng tulong si Navotas Mayor Toby Tangco sa pagpapaabot ng donasyon maaari itong dalhin sa Navotas City Hall lobby.

Ayon sa mga residente ng Barangay North Bay Boulevard North, nagising sila bandang alas-2:00 ng medaling araw nang makarinig ng sigawan na may sunog umano, mabilis lumaki ang apoy dahil sa pagsabog ng mga tangke ng LPG.

May imbakan din ng langis dahil sa mga repair shop ng mga sasakyang pandagat sa lugar.

Patuloy na inaalam ang pinagmulan ng apoy.

Please follow and like us:
Read More

GABBY: KUNG SAAN SIYA HAPPY, DOON DIN AKO!

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAHIT  nasa ibang bansa si KC Concepcion ay madalas pa rin daw nakakausap ang amang si Gabby Concepcion. Ayon sa aktor ay talagang nababantayan pa rin niya ang anak nila ni Sharon Cuneta kahit malayo ang dalaga sa kanyang piling. “Nag-uusap kami, happy naman siya. Recently nag-usap kami because of her new commercial. Ako ‘yung una niyang pinagpadalhan ng video,” nakangiting kwento ni Gabby.

Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na bilang magkasintahan sina KC at Pierre Plassart. Hindi raw ito lingid sa kaalaman ni Gabby dahil naipakilala rin ng aktres ang dating kasintahan sa kanya. “’Yon ang maganda sa buhay eh. It’s unpredictable. Life is full of challenges. sabi nga nila maraming hurdles. And again, ito na naman tayo sa mga hurdles ng buhay, hindi lang naman siya, lahat tayo. Katulad nga ng sinasabi ko dati pa, ang importante lang happy siya. Hindi ko naman makakasama sila ‘pag nasa bahay, sila-sila lang ‘yon. Kung saan siya happy, doon rin ako,” makahulugang pahayag ng aktor.

Bilang isang ama ay natural na para kay Gabby na palaging pinapayuhan si KC sa lahat ng ginagawa ng dalaga. Madalas ding kamustahin ng aktor kung ano ang lagay ng relasyon nina KC at Pierre noon. “Marami na akong nabigay sa kanyang advise. Pero ‘pag nagkikita kami lagi ko tinatanong na, ‘Are you happy? How are you? Is he okay?’ Ang importante lang naman communication eh, nagtatawagan, nag-uusap minsan, makakausap mo lang mawawala na ‘yung problema,” pagbabahagi niya.  -Reports from JCC-  

 

Please follow and like us:
Read More

P600-M SHABU NASABAT SA CHECKPOINT

(NI NICK ECHEVARRIA)

HALOS P600 million halaga ng shabu ang nasabat ng  mga awtoridad sa isang checkpoint sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bunagan, Gandara, Samar, Miyerkoles ng hapon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame mula kay Police Regional Office (PRO) 8 Director P/BGen. Dionardo Carlos, bandang alas-4:30 nang masakote ang  mga shabu ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), sa pangunguna ni P/Lt.Col. Harry Sucayre, sa tulong ng Samar Provincial Police Office DEU, Regional Mobile Force Battalion, PDEA at Gandara Municipal Police Station ni P/Cpt. Joselito Tabada.

Nabatid kay Samar Police Provincial Office Director P/Col. Andre Dizon, isang  silver gray na kotseng Mitsubishi Lancer (XTE 453)  at isang itim na Nissan Sentra (ZLV 463) mula sa Calbayog City ang nasabat sa inilatag na checkpoint sa nasabing lugar, kung saan nadiskubre ang 44 na pakete ng shabu na tinatayang may timbang na 88 kilo katumbas ng halos P600 million.

Sakay ng nasabat na Mitsubishi Lancer sina Cesar Uy, Jarred Axcel Elaran at Steven Perez,  habang lulan naman sa pangalawang sasakyan ang tatlong iba pa na na nakilalang sina Leonard De los Reyes, Elbert Abella at Jeralou Rapuela.

Nasa kustodiya ng PNP ang anim na sakay ng nabanggit na mga sasakyan habang isinasailalim sa kaukulang imbestigasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

WOMEN’S BATTLE AT THE BERRICS: DIDAL, MEANS PAMBATO NG PHL

(NI ANN ENCARNACION)

SASABAK ang mga pambato ng Pilipinas sa skateboarding na sina Margielyn Didal at Christiana Means sa isasagawa sa unang pagkakataon na Women’s Battle At The Berrics na magsisimula sa Oktubre 19 sa Deutschland, Germany.

Napili sina Didal at Means mula sa mga sumali sa buong mundo na nagpadala ng kanilang video footage sa pinakabagong world skateboarding competition.

Ilan sa mga makakalaban ng dalawang Pinay skateboarders, na kapwa naghahangad din na magkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics, sina Lacey Baker, Leticia Bufoni, Alexis Sablone at Mariah Duran.

Kilala ang Berrics bilang isang pribadong indoor skatepark na binuo ng mga professional skateboarders na sina Steve Berra at Eric Koston at popular ang kanilang “Battle At The Berrics series”. Unang pagkakataon naman na isasagawa ang women’s-focused competition.

Magsasagupa ang pares ng mga kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan kada round ay dalawa ang magpapagalingan sa isang H.O.R.S.E.-style game na flat ground skating hanggang hindi na makayanan ng isa na makapagpatuloy.

Ang magwawagi sa unang round ay uusad sa ikalawang yugto para harapin ang isa pang challenger at kapag nanalo ay sasabak na naman sa susunod na edisyon hanggang sa isa na lang matira.

Please follow and like us:
Read More

SABUNUTANG MARJORIE-GRETCHEN NAPIGILAN NG PSG

(NI GORGY RULA)

SANDALI lang na pinag-usapan ang tungkol sa pagdalaw ni Gretchen Barretto sa burol ng kanyang amang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, tinabunan na ito ng isang kuwentong may nangyaring sabunutan daw sa burol.

Ayon sa aming nakalap na kuwento; kaagad na nag-react daw si Marjorie

Barretto nang sinabi ni Claudine Barretto na  darating si Gretchen.

May mga sinasabi raw na bakit pa ito pupunta pagkatapos ng ginawa niya sa pamilya.

May sinabi raw si Marjorie na sinira ni Gretchen ang buhay ng mga anak niya at kung anu-ano pa.

Nung dumating daw si Gretchen na tamang-tama, nandun pa si Pres. Rodrigo Duterte, nagagalit na raw si Marjorie at sabi ng isang source namin, nagwawala na raw ito sa kanilang family room, lalo na’t nagyakap na ang mag-inang Gretchen at Mommy Inday.

Dagdag pang kuwento ng aming source, lumapit pa raw si Pres. Duterte kina Marjorie banda para kausapin sana ito at pag-ayusin silang magkakapatid, pero bago pa raw nakatabi si Pres. Duterte sa kanya, umalis na raw si Marjorie at umiwas na ito.

Ilang sandali lang, lumapit daw ang isang pamangkin ni Gretchen na Nicole ang pangalan at sasampalin daw sana ang tiyahin niya. Pero napigilan daw ni Gretchen at inawat naman sila agad.

Pero bago raw nailayo itong Nicole kay Gretchen, nahablot daw ng aktres ang buhok nito, kaya lalo raw nagkagulo.

Mabuti at nandun pa ang pangulo ng bansa at naawat na raw ng PSG.

Meron pang dagdag na kuwentong sumigaw na raw si Julia Barretto na tipong palabas lang daw ito lahat na nangyayari. Hindi lang ako ganun ka-sure kung ano ang ibig niyang sabihin.

Pero sumigaw daw ang isang anak ni Marjorie na si Leon na igalang man lang daw sana ang lolo niyang pinaglamayan pa.

Totoo kayang hindi raw ngayon okay ang mag-inang Marjorie at Leon, lalo na’t madalas daw ito sa Tita Claudine niya?

Hindi lang namin alam kung bakit ganun na lang ang galit kay Gretchen ng pamangkin niyang si Nicole. Pero may narinig din kaming kuwento tungkol diyan na mahirap pang pag-usapan.

Sanga-sanga na kasi ang mga kuwentong kumalat at mahirap lang isulat dahil kailangang hingin na ang sagot ng mga taong involved.

Kaya bukas ang pahinang ito sa pahayag ng lahat na mga taong involved sa kuwento.

May isa pa kasi kaming nasagap na kuwentong merong isa raw miyembro ng pamilya na may dalang baril doon at hindi raw ito nalaman ng PSG na nakabantay doon.

Galit din daw kay Gretchen ang taong ito, pero wala naman daw nanagyaring tutukan o pagbabanta nang pamamaril.

Mahigpit daw kasi doon sa burol dahil sa nandun ang pangulo ng bansa kaya ini-screen ng PSG ang lahat na pumupunta sa burol.

Abangan na lang natin kung sino ang unang magsalita kaugnay sa insidenteng ito.

Tutukan pa natin ang mala-teleseryeng kuwento ng pamilya Barretto.

 

Please follow and like us:
Read More

RAPE NG DALAGITA NAG-VIRAL; 2 MINORS HULI

(NI ANNIE PINEDA)

LUSOT na sana sa asunto ang dalawang binatilyo sa panggagahasa sa kapitbahay nilang dalagita, kung hindi nila ipinagkalat sa buong barangay at ipinagyabang pa nilang pinagsalit-salitan nila itong gahasain, sa Kalibo, Aklan.

Dumulog sa himpilan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Libacao Police Station, ang 15-anyos na dalagitang itinago sa pangalan Nora, kasama ang kanyang ina, para pormal na magsampa ng kasong rape laban sa dalawang binatilyo na kapwa edad 16-anyos.

Batay sa report ng Libacao-PNP, nagsimula ang insidente noong Setyembre 14 bandang alas-10:00 ng gabi sa isang bahay-kubo sa nasabing bayan.

Subalit, nitong Oktubre 9, naging sentro ng tsismis ang biktima sa kanilang barangay at nakarating sa kanya tungkol sa pagyayabang ng mga suspek na tinikman (ginahasa) siya ng mga ito.

Dahil dito, sinamahan ng kanyang ina ang biktima sa naturang himpilan ng pulisya para magsampa ng kaso laban sa mga suspek.

Kuwento ng biktima, sumama siya sa mga suspek na nag-inuman sa isang bahay-kubo at nang malasing ay doon na siya sinimulan gahasain ng mga suspek .

Babalewalain na lamang sana ng biktima ang pangyayari ngunit nang ipagyabang ng mga suspek ang ginawa sa kanyang kabababuyan ay saka na rin ito nagreklamo.

Hinihintay na ang desisyon ng korte para maglabas ng subpoena laban sa mga suspek saka iimbitahan ang mga ito sa himpilan ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

TNT SUSUNGKIT NG Q’FINALS SEAT

(NI ANN ENCARNACION)

Mga laro ngayon sa Ynares Center, Antipolo
4:30 pm Meralco Bolts vs Blackwater Elite
7:00 pm TNT Katropa vs Alaska Aces

MASUNGKIT ang isang silya sa quarterfinals ang tatangkain ng TNT KaTropa ngayong gabi sa pagsagupa sa nagpapamalas ng pagbabago na Alaska Aces sa tampok na laro sa Ynares Center, Antipolo City sa pagpapatuloy ng elimination round ng 2019 PBA Governor’s Cup.

Ngunit bago ang salpukan ng Katropa at Aces sa ganap na alas-7 ng gabi, magkakasubukan muna ang Meralco Bolts at Blackwater Elite sa ganap na alas-4:30 ng hapon.

Huling binigo ng TNT ang kapatid nitong  Meralco Bolts sa makapigil-hiningang 116-113 panalo noong Sabado.
Umiskor si KaTropa KJ McDaniels ng kabuuang 51 puntos, 10 rebounds, 2 assists, 1 steal at 4 blocks upang panatiliing walang mantsa ang kartada ng TNT.

Sa unang pagkakataon naman ay nanalo noong Linggo ang Alaska kontra Rain Or Shine Elasto Painters, 78-71, matapos ang anim na laro sa ilalim ng paggiya ni coach Jeffrey Cariaso.

Samantala napatunayan ng Blackwater Elite na tama ang kanilang desisyon na magpalit ng import sa katauhan ni Marcus Blakely na inakay ang team sa 95-89 pagwawagi laban sa walang import na Magnolia Hotshots noong Miyerkoles.

Pinamunuan ni Blakely, pumalit kay Aaron Fuller, ang Elite nang magtala ng 19 puntos, 13 rebounds , 3 assists, 5 steals at 1 block tungo sa panalo ng Elite laban sa Governor’s Cup defending champ Hotshots.

Please follow and like us:
Read More

BADING HULI SA RAPE NG 5-ANYOS NA BATA

(NI KIKO CUETO)

ARESTADO ang isang lalaki dahil sa panggagahasa umano sa paslit na lalaki.

Agad inaresto ang 18-anyos na lalaki sa rape sa 5-anyos na lalaki.

Nakaposas na nang dalhin sa Consolacion Police Station ang suspek nang positibo siyang ituro ng biktima na gumahasa sa kanya.

Sinabi naman ng ama ng biktima, Martes ng umaga, umiiyak nang umuwi ang bata sa kanilang bahay.

Agad na isinumbong ng bata na ginahasa siya ng kanilang kapitbahay.

Inamin naman ng bading ang kanyang ginawa sa bata at nagsisisi sa ginawang kalaswaan.

Sa imbestigasyon naman ng Children and women’s desk ng Cosolacion PNP, sinasabing gumamit umano ng ilegal na droga ang suspek bago niya ginawa ang krimen.

Lumabas din sa medical exam ng bata na may anal laceration ito.

Kakasuhan ng rape ang suspect.

 

Please follow and like us:
Read More

HUBAD NA LARAWAN NG TATAY NG ESTUDYANTE IPINADALA SA GURO

cellphone12

(NI HARVEY PEREZ)

NAGSAMPA ng kasong unjust vexation,ang isang guro laban sa tatay ng isa niyang estudyante matapos padalhan ng hubad nitong larawan ang kanyang cellphone sa Sta. Mesa,Maynila.

Sa kabila ng pagkabigla, isang linggo pa ang pinalipas ng gurong si Eve, hindi tunay na pangalan, 48,  bago naglakas ng loob na isumbong ito sa kanilang principal.

Nabatid  sa reklamo ng guro kay PMSg Thelma Samudio,ng Manila Police District-Children and Women Protection Unit  sa headquarters, kinilala nito na si
Ruben Santos, 50,  ng Pinagkaisahan , Makati, City ang nagpadala sa kanya ng hubad nitong larawan.

Ayon sa biktima, noong Oktubre 10, bandang 12:15  ng tanghali, nang magbukas ito ng kanyang celfone, at laking gulat ng ginang , nang tumambad sa kanya ang  larawan ng hubad na lalaki na mismong ari nito ang nakaharap sa cellular phone.

Kinompronta umano nito ang suspek na umamin naman na sa kanya ang larawan na hubad pero idinipensa nito na ‘wrong sent’ lamang.

Hindi umano sinasadya na sa guro maipadala ang larawan na ipadadala sana niya sa kanyang girlfriend.

Please follow and like us:
Read More

2019 AMATOS SPOR HAFTASI KARATE: LIM NAKATISOD NG GINTO SA TURKEY

(NI RAVENSON BIASON)

PINANGUNAHAN ni Jamie Berberabe Lim, anak ni former PBA star Samboy ‘Skywalker’ Lim, ang Philippine team nang manalo ng gintong medalya sa 2019 Amator Spor Haftasi Karate Championship sa Turkey.

Dinomina ni Lim, nagtapos ngayon taon na Summa Cum Laude sa University of the Philippines Diliman, ang kanyang nakalabang Turkish, 8-0, sa Senior Female -68kgs Kumite division para sa kaisa-isang ginto ng Pilipinas sa nasabing tournament.

Pitong iba pang Filipino athletes naman ang nanalo ng tatlong silver at apat na bronze medals sa Amator.

Si Lim at iba pang miyembro ng Team Philippines ay patuloy na naghahanda para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Please follow and like us:
Read More

MUNICIPAL TREASURER PATAY SA AMBUSH

(NI BONG PAULO)

PATAY on the spot ang acting Municipal Treasurer ng President Quirino sa Sultan Kudarat nang tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek habang sakay ang biktima sa kanyang sasakyan, sa Purok 1, Barangay Tinaungan, President Quirino, Sultan Kudarat, hapon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Rey Torres, 46, residente Barangay Katico ng nasabing bayan.

Sakay ng isang puting van ang biktima na pag-aari ng bayan at pauwi na sa kanyang bahay nang tambangan, alas-4:50 ng hapon.

Ayon kay P/Capt Jessie Silva, hepe ng President Quirino PNP, wala pa silang matukoy na motibo sa ngayon sapagkat magsisimula pa lamang silang kumalap ng ebidensya na makapagtutukoy sa motibo at kung sino ang nasa likod sa pagpatay sa acting municipal treasurer.

Naka-recover ng ilang empty shell at slug ng cal. 45 armas ang SOCO sa pinangyarihan ng pananambang.

Sinabi ni Silva na lahat ng posibleng anggulo ay kanilang titignan upang mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng nasabing opisyal.

Wala namang malaman na dahilan ang misis ng pinaslang na acting treasurer dahil wala namang sinasabi ang biktima na may threat ito.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang cellphone ng biktima habang dadalhin naman sa PNP crime laboratory office ang mga basyo ng bala para sa ballistic cross examination.

Please follow and like us:
Read More

P11.5-M SHABU NASABAT SA CEBU

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nasa P11.5 million halaga ng high grade shabu ang nasabat ng pulisya sa drug raid sa sinasabing hideout sa Barangay Labangon, Cebu City.

Sa nabanggit na operasyon ay kasabay ng pagkakadakip ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (DEU) sa isang Mark Rosales na siyang target ng search warrant.

Ang raid ay isinagawa pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Huwebes sa pinagkukutaan ni Rosales sa nabanggit na lugar.

Nasamsam kay Rosales ang nasa 1.7 kilo ng shabu na nakabalot sa malaking plastic bag na may packing tape.
Matagal na umanong isinailalim si Rosales sa masusing pagmamanman ng DEU under cover agents.

Napag-alaman na si Rosales ay dating waiter bago naging full-time trader ng ilegal na droga.

Inaalam na rin ng pulisya ang mga sources ni Rosales na siyang pinanggagalingan ng shabu.

 

Please follow and like us:
Read More

NURSE, 1 PA SA BENTAHAN NG SEX, DROGA SA QC, KALABOSO

arrested12

(NI LILY REYES)

ARESTADO ang dalawang lalaki na umano’y  hindi lang pakikipagtalik ang ibinibenta  kundi  pati na rin droga, sa buy-bust operation na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD), Miyerkoles ng gabi sa Proj. 4, Quezon City.

Kinilala ni QCPD-Proj. 4 Police Station 8 Commander, PCol  Jeffrey Bilaro, ang mga suspek na sina Rowell Pagsolingan, 34, binata, isang nurse, ng  58 D A.  Luna St.,  cor  Datu  Sumakwel St.,  Brgy.  Bagumbuhay, Proj. 4, Quezon City at  Ralph Duran,  33, binata,  ng 65  Delnacia Drive Brgy.  Talipapa, Quezon City.

Sa imbestigasyon  ay nabatid  na ang buy bust operation ay naganap bandang alas 11:00 Miyerkoles ng gabi matapos  makatanggap ng impormasyon ang Station Anti-Illegal Drugs ng PS-4 na may bebentahan ng droga sa tapat ng 58-D A. Luna St.,  Datu Sumakwel St., sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan ng isang pulis na nagpanggap na buyer, nalaman ng otoridad ang “chemfun” o yung pakikipagtalik na may kasamang paggamit ng droga.

Dahil ditto, ikinasa na ang buy-bust operation kung saan target ang isang male nurse

ang naaresto at nasamsaman ng 4.05 gramo ng shabu  na nagkakahalaga ng P27,540. Si  Pahsolingan at Duran ay kapwa  sinampahan ng kasong   Violation of Sec. 5 at 11 ng  RA 9165 at kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

‘SESYON’ SA KOTSE, 2 TIMBOG

(NI FRANCIS SORIANO)

HIMAS- rehas ngayon ang dalawa katao, matapos maaresto ng mga nagpapatrulyang awtoridad na humihithit ng marijuana sa loob ng kanilang sasakyan sa Valenzuela City, nitong Miyerkoles.

Kinilala ni Valenzuela City Police Chief PCOL Carlito Gaces, ang mga naarestong suspek  na sina Vel Christian Mayor, 31, businessman at  Mark Kevin Balatbat, 29, kapwa residente ng Doon St., Brgy. Maysan.

Ayon sa ulat ni PCMS Restie Mables, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek nang mga nagpapatrulyang tauhan ng PCP-10 nang maaktuhan humihithit umani ng hinihinalang marijuana sa loob ng kanilang sasakyan na kulay pulang Mitsubishi Adventure na may plakang (AQA-3463) sa Service Road, Rumarao St., Brgy. Parada.

Narekober din sa mga suspek ang isang pipe na may bahid pa ng sunog na dahon ng marijuana, isang glass tube na may bahid din ng pinatuyong dahon ng marijuana, resealable plastic sachet na may laman na marijuana at isang sling bag na naglalaman ng dalawang glass tube na may laman ng pinatuyong dahon ng marijuana, kulay silver na metal grinder at pera.

Please follow and like us:
Read More