BAHAY NG PAMILYA NIRATRAT: 3 PATAY, 3 SUGATAN SA COTABATO

crime

TATLO ang patay habang tatlo rin ang sugatan matapos pagbabarilin ang bahay ng isang pamilya habang sama-samang naghahapunan sa Barangay Poblacion, Matalam, Cotabato, Sabado ng gabi.

Namatay sa insidente ang mag-asawang sina Joe Getalla at Ernesta Getalla, kapwa 70 anyos. Patay rin ang kanilang anak na si Lorena Getalla, 40.

Sugatan ang tatlo pang kaanak na sina Jose Getalla, Emelita Getalla at Daryl Getalla na nasa katabing bahay.

Ayon kay Matalam Police Chief Police Major Brian Placer, naghahapunan ang mga biktima nang biglang paulanan ng bala ang kanilang bahay ng mga hindi pa kilalang salarin.

“Si Daryl ang target tapos ‘yung bahay kung saan ang mga matatanda, bahay niya ‘yun. Parang nag-swap sila, doon niya pinatulog ang nanay niya si Lorena pati ‘yung mga matatanda, tapos siya doon sa katabing bahay,” paliwanag ni Placer.

Nakuha sa crime scene ang 11 basyo ng bala ng M-16.

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

DAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 5.4 LINDOL

LINDOL-2

NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang southern province ng Davao Oriental, madaling araw ng Lunes kung saan inaasahan ang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig 72 kilometers southeast ng Governor Generoso town, ayon pa sa Phivolcs.

May lalim na 50 kilometers, ang lindol ay naramdaman na ‘parang may nagdaan na mga truck’, ayon pa sa pagtala ng ahensiya.

Habang inaasahan ang aftershocks, hindi naman ito makalilikha ng pinsala.

Noong Disyembre, niyanig ng 6.9 magnitude quake ang katabing Davao del Sur na ikinasawi ng 11 katao at nakasira sa may 14,000 kabahayan.

Please follow and like us:
Read More

DRAYBER, PAHINANTE NAKALIGTAS SA TRAK NA NAHULOG SA BANGIN

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY- Masuwerteng nakaligtas ang driver at pahinante ng 10-wheeler truck matapos mahulog sa bangin sa Kisolon, Sumilao,Bukidnon, Biyernes ng umaga.

Mula Nayan ng Maramag, papunta sana sa bayan ng Baungon ang truck na minamaneho ni Raymart Briones nang nawalan ng kontrol sa manibela pagtawid sa Alalum Bridge.

Dumiretso ang truck sa pangpang na 50 metro ang lalim.

Agad na rumesponde ang rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para iligtas ang driver at pahinante nitong si Romulo Briones.

Nagtamo ng minor injuries ang dalawa at kasalukuyang nagpapagamot sa Bukidnon Provincial Medical Center sa Malaybalay City.

 

Please follow and like us:
Read More

RAY ALEXANDER BIBIGYAN NG TRIBUTE NG WSC 2020

(NI DENNIS IÑIGO)

MAGSISIMULA na naman ang pinakaaabangang “Olympics of Sabong” o World Slasher Cup 2020 ngayong buwan.
Ang taunang 9-cock invitational international derby ay papagaspas sa Enero 20 hanggang 26 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum, bagong rebranded na Araneta City sa QC.

Sa taong ito, maliban sa tagisan ng mga pinakamahuhusay na local at international fowl fighters at cockers sa ruweba, bibigyan din ng tribute ang kinikilalang legendary gamefowl breeder na si Ray Alexander.

Si Alexander na namayapa noong Hulyo 2019 sa edad na 82 ay isa sa nagpasimula sa World Slasher Cup noong dekada 70. Siya rin ang kumimbinsi sa ilang American fighters at breeders na magtungo sa Pilipinas at sumali sa WSC.

Inaasahan naman na muling hahataw ang WSC champs noong nakaraang taon na Thunderbird 1 nina Nene Araneta at Frank Berin, at RC Warriors JD nina Rey Cañedo at Jun Durano.

Tatangkain din depensahan ni WSC 1 2019 solo champ Cris Copas ng Kentucky, USA at partner Claude Bautista ng CPB Group of Mindanao ang kanilang titulo.

Hindi rin pahuhuli ang WSC veterans at dating mga kampeon na sina seven-time champ Patrick “Idol” Antonio, Escolin brothers, mediaman Rey Briones, Magno Lim at Gerry Tesorero.

Kinilala bilang “Olympics of Sabong”, tampok sa World Slasher Cup ang mga pinakapili at pinakamahuhusay na breeds at bloodlines ng winged warriors mula sa fowl farms sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.

Sa mga interesadong sumali sa WSC 2020, maaari pa rin magparehistro ng entries sa pamamagitan ng www.worldslashercup.ph o tumawag sa WSC Derby Office sa telepono (8)588-8227 o (8)911-2928.

Para sa karagdagang impormasyon at updates, sundan ang WSC Facebook page @worldslashercup2020, o bisitahin ang kanilang website www.worldslashercup.ph o mag-email sa worldslashercupofficial@gmail.com.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NIRATRAT SA HARAP NG KAPATID 

crimeshoot

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang lalaki ang pakikipag-usap nito sa harap ng bahay ng kanyang kapatid ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan makaraan pagbabarilin ito ng hindi pa kilalang suspek sakay ng pick-up truck, sa Tuguegarao City.

Kinilala ang biktimang si Wilcaldo Canaya, 56, ng Barangay Namabbalan Norte.

Batay sa report ng Tuguegrao-PNP, gabi ng Sabado nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng kapatid ng biktima na kinilalang si Lolita Canaya, ng nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkukuwentuhan lamang ang magkapatid nang biglang dumating ang suspek na sakay ng pick-up truck at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa batok na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang suspek patungong Isabela.

Sa pagresponde ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente nakapulot sila ng tatlong basyo mula sa M16 rifle.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam ang tunay na motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

4 BEBOT KULONG SA DROGA 

ARRESTED WOMAN

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng apat na babae makaraan madakip ang mga ito ng otoridad sa ginawang buy bust operation, iniulat kaninang umaga sa Davao City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jomaira Casanguan, 27, ng  Purok 3B, Isla Verde, Boulevard;  Lalaimie Sarap Ibrahim, 18, ng Boulevard;  Joan Lasaca, 25, residente sa SIR, Matina ; at Girly Gooran, 18 anyos, residente sa Boulevard ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Sasa PNP, inilatag ang operasyon laban sa suspek na matagal na nilang minamanmanan hinggil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng shabu kapalit ng P1,500 dahilan para agad na posasan ang mga suspek.

Narekober rin sa mga suspek ang apat pang pakete ng shabu na nagkakahalagang P10,000at cellphone na ginagamit sa kanilang transaksyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o R.A 9165.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGPATAY SA TRIBAL LEADER NASAKSIHAN NG 9-ANYOS NA ANAK

cppnpa12

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY–Nasaksihan ng 9-anyos na batang lalaki ang pamamaril sa kanyang ama ng mga itinuturong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Impasog-ong, probinsya ng Bukidnon, alas 9:15 kaninang umaga (Linggo).

Ayon sa ulat ng 8th Infantry Battalion (IB), nangyari ang pamamaril sa pagtatapos ng Enero 7 ceasefire ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay First Lieutenant Ken Cabbigat, 8th IB Civil Military Operations officer, kinilala ang biktima na si Datu Sammy Diwangan, 45, Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) sa bayan ng Impasug-ong.

Sinabi ni Cabbigat na sinabi ng mga nakasaksi na pinuputol ng biktima ang mga kahoy gamit ang chain saw, ilang metro mula sa kanilang tahanan nang biglang dumating ang mga rebelde binaril ito.

Nagtamo ng tama sa noo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na agad niyang ikinamatay.

Ayon sa militar ibinunyag ng alyas Cardo, isang dating NPA na sumuko kamakailan, na matagal nang plano ng kanilang grupo na patayin si Diwangan dahil aktibo umano ito sa kampanya sa kanilang komunidad laban sa NPA infiltration at recruitment.

Si Cardo, ayon kay Cabbigat, ay isang dating NPA commander ng Sentro De Grabidad Thunder ng Guerilla front 6, na nagsabi sa kanila na malaking hadlang si Diwangan upang maisagawa nila ang kanilang misyon sa Barangay Canangaan kung saan tribal leader ang biktima.

Dagdag ni Cabbigat nasaksihan ng anak nitong si John, ang pamamaril sa kanyang ama dahil pabalik na ito matapos utusan na kumuha ng isang galong gasolina.

“Agad na tumakbo ang bata pabalik sa kanilang tahanan upang magtago,” ani ni Cabbigat sa panayam sa telepono.

Kinondena ni Lieutenant Colonel Ronald Illana, 8th IB commanding officer, ang pamamaslang ng NPA guerilla front Malayag.

“We condemn this barbaric act of the NPAs against a helpless civilian who works for his family and community, this act is a clear manifestation of their evolution into a terrorist organization,” ayon sa opisyal.

Sinabi ni Illana na lagi silang tumutupad sa deklarasyon ng gobyerno na ceasefire laban sa mga NPA ngunit ang mga ito ay lagi namang lumalabag sa kanilang pangako.

Ikinakasa na ng mga pulis at militar ang kaso laban sa grupo ng mga NPA na nasa likod ng pamamaslang.

Sa ngayon, isinailalim na si John sa kustudiya ng Municipal Social Welfare and Development sa Cabanglasan, matapos ma-trauma dahil narinig nito ang mga putok ng armas at nakita sa dalawang mata ang pagpaslang sa kanyang ama.

 

Please follow and like us:
Read More

2020 TOKYO OLYMPICS: 70 PINOY ATHLETE SASABAK SA QUALIFYING EVENTS

(NI ANN ENCARNACION)

MAHIGIT 70 atletang Pinoy ang sasabak sa qualifying events para sa 2020 Tokyo Olympics mula sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs).

Sa Hulyo 2020 na ang 2020 Tokyo Olympics kaya nagkukumahog na ang mga pambansang atleta na makapasa sa qualifying events para sa pinaka-prestihiyosong sports tournament sa buong mundo.

Target ng Pilipinas na makapagpadala ng maraming Filipino athletes sa kada apat na taong torneo kasunod ng matagumpay na kampanya sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, kung saan naging overall champion ang bansa.

Pitong weightlifters, sa pangunguna ni Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz at kapwa Olympian Nestor Colonia, ang magpapasimula sa kampanya ng Pilipinas para makakuha ng tiket sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsalang sa qualifying meet na Roma 2020 World Cup sa Enero 27-31.

Kukumpletuhin naman  ni SEA Games gold medallist Kristel Macrohon at silver medallist Elreen Ando ang anim na IWF sanctioned events sa pamamagitan ng pagsabak sa 2020 Asian Weightlifting Championships sa Nur-Sultan, Kazakhstan sa Abril 20-25, kasama sina Maryflor Diaz, John Ceniza at Jeffrey Garcia.

Pangungunahan nina reigning world champion Nesthy Petecio at Eumir Marcial ang national boxers na sasagupa sa Asia-Oceania Olympic qualifying meet sa Pebrero 3-14 sa Wuhan, China at panghuli sa world Olympic qualifying tournament sa Mayo 13-24 sa Paris, France.

Tatangkain naman ni SEAG double-gold medallist sprinter Kristina Knott na mag-qualify sa Olympics sa pagtakbo sa Asian Athletics Indoor Championships sa Hangzhou, China sa Pebrero 12-13.

Kasama ni Knott na lalaban sa China si pole vaulter Natalie Uy at marathoner Cristine Hallasgo, na nag-dethrone sa dating SEA Games marathon queen na si Mary Joy Tabal.

Maging ang mga golfer na sina Yuka Saso, Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan, at karatekas Joane Orbon, Junna Tsukii, Sharif Afif at Jamie Lim ay susubukan na mag-qualify sa 2020 Olympics.

Kabilang pa sa naghahangad makakuha ng tiket sa Tokyo ay sina judoka Kiyomi Watanabe,  BMX cyclist Daniel Caluag, at swimmers James Deiparine at Remedy Rule.

Please follow and like us:
Read More

PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO TATAAS

(NI ROSE PULGAR)

NAKAAMBA na naman sa pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo (Enero7).

Sa abiso ng ilang mga kumpanya ng langis sa bansa, posibleng tumaas ng P0.30 hanggang P0.40 kada litro sa diesel, sa kerosene naman ay nasa P0.30 hanggang P0.40 din kada presyo habang sa presyo ng gasoline, posibleng walang paggalaw sa P0.10 kada litro.

Base naman sa abiso ng Department of Energy (DOE), wala pang oil company ang nag-abiso na nagpatupad na sila ng dagdag-presyo dahil sa panibagong bugso ng fuel excise tax sa 2020.

Sinabi ng DOE, obligado ang mga gasolinahan na magpaskil ng karatula kung ipapatong na nila ang mas mataas na excise tax sa diesel, gasolina, gaas, at liquefied petroleum gas (lpg).

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 

Please follow and like us:
Read More

SINONG GARCIA ANG MAUUNA VS PACQUIAO?

(NI VT ROMANO)

SINA Danny at Mikey Garcia ay dalawa lamang sa mga boksingerong nangangarap makaharap si eight-division world champion Manny Pacquiao ngayong 2020.

At may dalawang dahilan iyon: Kumita ng milyon at tawagin ding alamat sakaling sila ay manalo.
Si (Danny) Garcia ay umaasang pipiliin siya ng 41-anyos na WBA welterweight super champion bilang susunod nitong kalaban.

“In order to become a legend, you’ve gotta beat the legend,” lahad ni Garcia (35-2, 21 KOs) sa panayam ng boxingscene.
“You know, Manny Pacquiao’s had an incredible career. Being 40 years old and beating a prime Thurman, he’s had an incredible career. He’s somebody definitely all the boxers should look up to. And for me to get the opportunity to fight him, you know, you’ve gotta beat the legend to be the legend. And that’s how I look at it.”
Wala pang napipisil na kontender si Pacquiao para sa kanyang susunod na laban at hindi pa rin batid kung sa spring o summer.
Pero, may nagsasabing posibleng piliin ng Pambansang Kamao si Errol Spence Jr. dahil mas malaki ang kanyang kikitain.
Nagpahayag si Spence na muli siyang lalaban sa parehong panahon ng pagbabalik din ni Pacquiao.
Ayaw din ng unbeaten IBF/WBC welterweight champion ng tune-up fight sa kanyang comeback matapos magpagaling buhat sa tinamong sugat sa mukha at ngipin dahil sa car accident noong Oktubre 10 sa Dallas.
Para naman kay (Mikey) Garcia, kung tatalunin niya si Jessie Vargas sa Pebrero 29, siya na ang susunod na makakalaban ni Pacquiao.
“There’s a lot of buzz going around on a potential Manny Pacquiao fight. It’s a fight that’s been brought up for years. Now it’s starting to pick up a lot of steam,” wika ni Garcia.
“He has obligations in the Philippines government, and I wanted to get a return fight [after losing to Errol Spence Jr]. I don’t know if he will be available or not, but I think the second half of 2020 might be ready for both of us to get in the ring.
“Maybe he gets something before that. By then, I’ll be ready to get back in the ring. I didn’t want to just wait. If I look forward to bigger fights, than the biggest fight for me is Manny Pacquiao, ” sabi pa ni Garcia.

Please follow and like us:
Read More

LOLA UTAS SA SUV NG DOKTOR

accident121

(NI FRANCIS SORIANO)

KASONG reckless imprudence resulting in homicide ngayon ang haharaping kaso ng isang 59-anyos na doktor matapos nitong mabundol at mapatay ang isang lola sa Malabon City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon City Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Dr. Emmanuel Santos, 58, ng 95 C. Arellano St. Brgy. Ibaba habang ang biktima  naman ay nakilalang si lola Iluminada Matias, 68, ng 32 Paez St. Brgy. Concepcion.

Ayon imbestigasyon nina P/Cpl. Anthony Codog at P/Cpl. Robert Hugo, dakong alas-5:30 ng madaling araw, minamaneho ni Santos ang kanyang Toyota Fortuner (AA-18184), habang tinatahak ang kahabaan ng Gen. Luna Street ay lumiko ito sa kaliwa patungong Burgos Street at aksidente nitong nabundol ang biktima habang tumatawid sa kalsada.

Agad isinugod ni Santos ang biktima sa Ospital ng Malabon subalit, inilipat din ito sa TMC hospital kung saan ito ideniklarang patay bandang alas-11:10 ng umaga.

Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

DRIVER SINILABAN NANG BUHAY NI MISIS

SUNOG-7

(NI FRANCIS SORIANO)

ANIMO’Y isang eksena sa pelikula ang sinapit ng isang 22-anyos na public utility driver matapos magtamo ng second degree burns sa leeg at katawan matapos buhusan ng gasolina ng kanyang live-in partner saka sinindihan makaraan ang kanilang mainitan pagtatalo sa Navotas City nitong Biyernes.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang biktima  na si Joselito Macabantad, habang ang suspek ay si Rose Marie Lazaro, 27, live-in partner at kapwa residente sa 308 Chungkang St. Brgy. Tangos South, naturang lungsod.

Ayon kay Balasabas, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-live-in partner matapos akusahan ng suspect ang kanyang live-in partner na tamad sa pagmamaneho ng jeep na nauwi sa pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, ang suspek na sa mga oras na iyon ay may hawak na galon ng gasolina at biglang ibinuhos sa biktima ang laman saka sinindihan gamit ang lighter.

Dito ay mabilis na tumakas ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide, habang mabilis naman inapula ang nasusunog sa katawan ng biktima ng kanyang kapatid na saka mabilis na isinugod sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong sunog sa katawan.

 

Please follow and like us:
Read More

11.4 °C SA BAGUIO CITY, PINAKAMALAMIG SA 4 NA BUWAN

(NI ABBY MENDOZA)

NAITALA sa 11.4 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City, Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astrononomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura ay naitala sa Atok, Benguet na nasa 7 degrees celsius.

Asahan  pang lalamig  ang panahon sa mga susunod na araw dahil sa peak ng hanging amihan.

Ang 11.4 degrees ang pinakamababa na naitala sa loob ng apat na buwan mula nang punasok ang northeast monsoon o hanging amihan noong buwan ng Setyembre.

Hanggang buwan ng Pebrero ang peak ng hanging amihan kaya mahaba pa ang mararanasang malamig na panahon.

 

Please follow and like us:
Read More

DAANG LIBONG MOTORISTA BALIK-MAYNILA; NLEX-SCTEX HANDA

nlexbomba12

(NI ELOISA SILVERIO)

NAKAHANDA ang pamunuan ng NLEX Corporation sa inaasahang pagdagsa ng daang-libong mga motorista sa NLEX-SCTEX na manggagaling sa mahabang holiday vacation pabalik ng Metro Manila ngayong weekend.

Muling ibinalik ng tollway company ang kanilang motorists assistance program, “Safe Trip Mo Sagot Ko” upang mapabuti at gawing ligtas ang biyahe ng mga motoristang mula sa pagbabakasyon nitong nakaraang holiday season.

“As the holidays come to a close and usher in the New Year, we want to assure our motorists of fast, safe, and comfortable travel through all these preparations in place at the NLEX and SCTEX,” ayon kay NLEX Corporation president and general manager J. Luigi L. Bautista.

Dahil dito, nagtalaga ng mga karagdagang collection point ang NLEX partikular na sa lalawigan ng  Bulacan at maging sa Mindanao at Balintawak toll plazas.

Inaasahang magsisimula ang build-up ng trapik bandang alas-2:00 ng hapon nitong Sabado hanggang buong araw ng Linggo (Enero 5).

NLEX management anticipates traffic volume to start building up by 2:00 p.m. on Saturday, (January 4), and as early as 12:00 noon on Sunday (January 5).

Nakaalerto rin ang mga patrol crews na siyang mangangalaga ng  traffic flow partikular sa Mabalacat at NLEX spur ramps na siyang choke points papuntang NLEX galing ng SCTEX gayundin sa Bocaue, Mindanao, at Balintawak exits.

Karagdagang 60 collection point ang ilalagay sa  Bocaue Toll Plaza upang mapabilis ang customer toll transactions.

Pinaalalahanan din NLEX Corporation ang mga gumagamit ng  Easytrip RFID sticker and Easytrip tag/transponder na siguruhing mayroong sapat na pondo ang kanilang mga accounts upang maiwasan ang pagkaabala.

Ayon kay Bautista, bagamat ang kanilang kumpanya ay mahigpit na ipinatutupad ang mga traffic laws ay nararapat ding aniyang maging responsable sa pagmamaneho at maging maingat ang mga driver gaya ng pagpapairal ng safe driving distance at sumunod sa itinalagang  tamang bilis ng pagpapatakbo upang maiwasan ang aksidente.

Please follow and like us:
Read More

KARERA SA KAMATAYAN

accident12

(NI KIKO CUETO)

SORSOGON City — Isa ang kumpirmadong patay habang marami ang sugatan sa banggaan ng isang bus na nakikipagkarerahan sa dalawang bus at bumangga sa pampasaherong jeep sa Barangay Bulabog.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Police Maj. Renato Ibarondo, deputy chief ng Sorsogon City Police, na binangga ng bus ang jeep na magbababa sana ng pasahero.

Lumalabas din na nakikipaghabulan umano ang driver ng bus sa dalawa pang bus, na ang isa sa mga ito ay kasama ng driver.

Dinala sa ospital ang mga nasugatang pasahero ng jeep.

Labing-walo ang sakay ng jeep at 17 sa mga ito ang sugatan, habang isang lalaking pasahero ang namatay.

Kabilang sa mga sugatan ang driver ng jeep.

Nagtamo rin ng minor injury ang dalawang sakay ng bus.

Ayon kay Ibarondo, mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries ang driver ng bus.

Please follow and like us:
Read More

CARRASCO ‘DI PA LUSOT SA GUSOT NG SEA GAMES

(NI DENNIS IÑIGO)

NAGTAPOS na ang kontrata ni executive director  Tom Carrasco sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Ngunit hindi ang mga usapin kaugnay sa mga samu’t saring isyu patungkol sa mga kontrobersya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na patuloy na naghihintay ng kasagutan.

Tuluyang nagsara ang pintuan ng Phisgoc kay Carrasco, isa sa mga pangunahing personalidad ng organizing committee ng SEA Games, noong Disyembre 31, 2019.

Sa kabila ng tagumpay ng Filipino athletes at muling pagiging overall champion ng bansa sa SEAG, patuloy na kinukwestyon ng marami ang mga naging kakulangan ng organizing committe sa preparasyon, incompetence ng ilang mga personnel nito, at pinakamatindi, ang labis na gastos umano sa biennial meet.

Dahil dito, bumuo ang Office of the Ombudsman ng seven-man fact-finding body na siyang hihimay sa mga naturang alegasyon, habang ang Senado sa pangunguna ni sports committee chairman Christopher Lawrence “Bong” Go  ay magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon tungkol dito.

Ayon kay Go, marapat lang na malaman ng sambayanang Pilipino kung paano ginastos ang P6.5 bilyong pondo para sa SEAG.

Bagama’t terminado na ang kontrata ni Carrasco sa Phisgoc, handa pa rin umano itong humarap sa anumang imbestigasyon kung ipatatawag siya, ayon sa mapagkakatiwalaang source.

Please follow and like us:
Read More

KINABUKASAN NG PINOY JINS NASA KAMAY NG PTA

(NI ANN ENCARNACION)

NASA kamay ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kapalaran ng national jins na nangangarap mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Magkakaroon ng taunang general assembly ang PTA  bukas ng alas-9 ng umaga sa San Andres Coliseum sa Malate, Manila na dadaluhan ng tinatayang 400 regional heads , coordinators at instructors, at taekwondo officials mula sa AFP at PNP.

Pangungunahan nina PTA top officials, Grandmasters Sung Chon Hong, Monsour Del Rosario at 30th SEA Games deputy chef de mission Stephen Fernandez, ang general meeting kung saan pag-uusapan ang pagpili sa apat na Pinoy jins na isasabak sa Olympic qualifying tournaments (OQT) sa Tokyo Summer Games.

Nakatakda ang OQT sa unang quarter ng taon, habang ang Summer Games ay magaganap Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Ilan sa mga inaasahang pagpipilian para sa OQT ang mga taekwondo jins na sina Pauline Lopez, Samuel Morrison, Dave Cea at Kurt Barbosa, na pawang nanalo ng gintong medalya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Please follow and like us:
Read More

15 NAILIGTAS SA TUMAOB NA PUMP BOAT

NEGROS OCCIDENTAL — Nailigtas ang nasa 15 katao kasunod ng pagtaob ng sinasakyan nilang pump boat sa lungsod ng Sagay sa lalawigang ito, Biyernes ng hapon, ayon sa  local coast guard.

Sinabi ng city information and tourism office sa lungsod, masama ang panahon nang pumalaot sila patungo sana sa Carbin Reef nang hampasin ng malakas na alon ang kanilang sinasakyang na pump boat kaya ito tumaob.

Agad silang na-rescue ng Coast Guard at grupo ng mga mangingisda. Kasama sa mga nailigtas ang apat na mga bata, isang senior citizen at person with disability.

Na-rescue rin ang dalawang timonero.

Itinuturing naman na isolated incident ang nangyari.

Nangako ang lokal na pamahalaan na mas lalo nilang paiigtingin ang pagbabantay upang maiwasan ang pangyayari.

Please follow and like us:
Read More

2 BUS, 1 VAN NATABUNAN NG LANDSLIDE

(NI KIKO CUETO)

NATABUNAN ng landslide ang dalawang pampasaherong bus at isang van.

Nangyari ito sa Barangay Binaloan, bayan ng Taft, Samar, Biyernes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulis, bago ang nasabing insidente, nagkaroon pa ng dalawang landslide sa lugar sa umaga dahil sa mga pag-ulan.

Sinabi naman ng Department of Public of Works and Highways Eastern Samar na pansamantala rin muna nilang ipinahihinto ang clearing operation para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Ayon kay Police Lt. Ruben Caspe, ng Taft Philippine National Police, ligtas na nakalabas agad ang mga sakay ng mga sasakyan.

Please follow and like us:
Read More

MONDAY CARMAGEDDON ASAHAN SA BALIK-MAYNILA NA BAKASYUNISTA

(NI KIKO CUETO)

DUMAGSA na ang mga pasahero na galing probinsya sa mga terminal ng bus, paliparan at pantalan ngayong Sabado, hudyat ng balik trabaho at matinding trapik sa Lunes.

Nagtapos na rin ang mahabang bakasyon dahil sa Christmas Break.

Bukas, Linggo,  inaasahan pa ang dami ng pasahero at pagsisikip sa trapiko.

Sa Ninoy Aquino International Airport, dagsa ang mga nagbabalik mula sa mga probinsya.

Sa pier naman, aabot sa 200,000 pasahero ang dumaan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ng Biyernes, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sa nasabing bilang, marami sa mga pasahero ay galing sa mga pantalan sa Cebu, Iloilo, Palawan, Batangas, at Mindoro.

Marami ang nagsimula nang bumalik sa Maynila dahil umpisa na rin ng pasok sa trabaho at eskuwelahan ng nakararami sa Lunes.

Dagsa na rin ang mga pasahero mula pa kahapon sa Araneta City Bus Terminal sa Quezon City. Hindi lamang ang mga pauwi ng probinsya ang nandito sa bus terminal dahil maging ang mga nagbakasyon sa probinsya ay dito na ibinababa.

Marami rin ang pumipila na paalis pabalik sa probinsya, lalo na ang mga dito sa Metro Manila nag-Pasko at Bagong Taon.

Nagdagdag na rin ang ilang bus company ng mga bumibiyaheng bus. Kung sa karaniwang araw ay limang bus ang kanilang pinabibiyahe, ngayong weekend ay nasa walo hanggang 10 bus ang lalarga.

Please follow and like us:
Read More

‘RAPIST’ NA PINALAYA NG PISKALYA NAKITANG PATAY

crime

DALAWANG araw matapos makalaya sa kasong pagpatay at paghalay sa 11-anyos na dalagita, nakitang patay ang 27-anyos na suspek na may tama ng bala sa katawan sa Bauan, Batangas.

Dinakip ang suspek na si Mark Alvin Sajer, 27 anyos pero dalawang araw matapos siyang makalaya mula sa kostodiya ng mga pulis, nakita itong walang buhay umaga ng Biyernes na tadtad ng bala ang katawan.

Ayon kay Batangas police chief Col. Edwin Quilates, iniimbestigahan na nila ang kaso ng pagpatay kay Sajer.

Naaresto si Sajer noong December 28 sa kasong pagpatay sa batang babae na natagpuan malapit sa creek noong bisperas ng Pasko.

Pero pinalaya ang suspek matapos ipag-utos ng provincial prosecutor na siya ay mai-release at maisailalim sa mas masusi pang imbestigasyon dahil nakulangan ang piskalya sa ebidensya laban dito.

Apat na testigo ang hawak ng pulisya na nagsabing huli nilang nakita ang bata na kasama si Sajer.

 

Please follow and like us:
Read More

DFA SA PINOY SA IRAQ: MAG-INGAT!

NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na bibiyahe sa Iraq na pansamantalang ipagpaliban ito kasabay ng pag-init ng tensiyon sa rehiyon.

Sa kalatas, hiniling din ng DFA sa mga Filipino sa Iraq na makipagkoordinasyon sa Philippine Embassy doon at sa kanilang employers sakaling magkaroon ng mandatory evacuation sa naturang bansa.

Pinapayuhan na tumawag ang mga Pinoy doon sa Philippine Embassy sa Baghdad sa  (+964) 781-606-6822; (+964) 751-616-7838; at (+964) 751-876-4665.

Maaari ring makipag-ugnayan sa embahada sa baghdad.pe@dfa.gov.ph, o  Facebook page at Philippine Embassy sa Iraq.

Nauna rito, napatay sa US strike ang top Iranian commander na si Qasem Soleimani, deputy head ng Iraq Hashed al-Shaabi military force sa Baghdad airport matapos unahan ng Amerika ang sinasabing balak nitong pumatay ng daan-daang Amerikano sa naturang bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINARIL SA KARINDERYA

crime55

NABALOT ng tensiyon sa isang karinderya matapos pagbabarilin at mapatay ang babaeng kostumer habang bumibili ng pagkain sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Lumabas lamang umano ang 39-anyos na biktima para bumili ng hapunan nang maganap ang insidente.

Sinabi ng mga saksi na nilapitan ang biktima ng grupo ng mga armadong lalaki at sabay-sabay na nagpaputok.

Sa takot umano ng mga tao ay nagpulasan ang mga ito dahilan para maiwan sa kainan ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Ang kasama pa nito sa bahay ang rumesponde at nadatnan ang biktima na wala nang buhay.

Sinabi ng kasama ng biktima na wala siyang alam sa kaaway o motibo sa pagpatay dito.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni, Batasan Police Station, na iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril gayundin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

P.6-MILYON SHABU NASABAT SA CAVITE

SHABU-ARRESTED

(NI SIGFRED ADSUARA)

CAVITE – Umaabot sa mahigit P.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska makaraang madakip ang pito katao sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod na ito.

Kinilala ni P/Col. Marlon Santos, Cavite Provincial Director, ang mga arestado na sina Ronnie Mendoza, 42, driver; Carlito Paz II, 46; Roberto Bayani, 36, butcher; Amos Camantigue, 34;  Gilbert Butingan, 43; Mark Joseph Dichoso, 19, at Jennielyn Reyes, 43-anyos.

Ang mga suspek ay nadakip sa magkakahiwalay na operasyon sa Gen. Trias City at Imus City.

Sa kabuuan, tinatayang 90.54 gramo ng shabu ang nakumpiska, na may street value na P613,700.

Ang pitong mga suspek na nakakulong sa Cavite Custodial Center ay sinampahan ng kasong paglabag sa  Section 5, 11 at 26 ng Article 2 ng  RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

Please follow and like us:
Read More