JANELLA HINDI NAMANA ANG SHOWBIZ BLOOD NG MGA ESTRADA

MAGANDA naman daw ang relasyon ni Vice Mayor Janella Salvador sa kasalukuyang Mayor ng San Juan ngayon na si Guia Gomez. Sinusuportahan daw siya nito sa kampanya niya bilang hahalili sa posisyon nito. Ayon kay Janella, “Siya ang mag-endorse sa akin para sumunod na Mayor. Okay naman kami despite the rivalry of the siblings, nagtutulungan naman kami.” As we all know, si Mayor Guia ay isa sa mga ka-relasyon ng Lolo niya na si Erap Estrada kunsaan, anak naman nila si Senator JV Ejercito. Malaking bagay para kay Janella na…

Read More

TAMBAN NAGLUTANGAN SA DAGAT

tamban200

NAGULANTANG ang mga residente sa dalampasigan ng Barangay Maayong Tubig sa Dauin, Negros Oriental nang makitang naglutangan sa gilid ang maliliit na isdang tamban. Sinabi ng mga residente na sa tabi ng mga isdang naglutangan ay hindi na nila maibenta ito dahilan para gumawa sila ng paraan para mapakinabangan. Ang iba ay ginawang bagoong ang tamban habang ang iba ay ibinilad para maging daing. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang pagdagsa ng maraming tamban sa dalampasigan ay maaaring dulot ng closed season o fishing ban ng…

Read More

HINDI PERPEKTO SI SARAH PER0… — MATTEO

“HER simplicity, her honesty and her being real,” ang sagot ni Matteo Guidicelli nang tanungin siya ng press at his contract signing with Viva Artists Agency recently kung ano ang mga qualities na gustong-gusto niya sa girlfriend na si Sarah Geronimo. Of course, hindi naman daw perfect ang kanyang girlfriend but what’s amazing, maging ang mga negative qualities daw ni Sarah ay mahal din niya. “She’s not perfect, definitely, no? Nobody’s perfect. There are also things that I’ve learned to love, you know, her negative side or whatever, I’ve learned…

Read More

CAREGIVER SABIT SA SHABU NG BF

arrest

(NI ALAIN AJERO) TULUYAN nang naglaho ang pangarap ng isang babaeng caregiver na makapangibang-bansa matapos na mahulihan ng shabu kasama ang isang kelot na sinasabing masamang impluwensyang boyfriend nito sa Caloocan City Sabado ng hapon. Kulong sa magkahiwalay na selda ang umano’y magpartner na sina Michael Monitanus, 34, at Amalia Nagusara, 46, caregiver, kapwa ng Baesa, Brgy. 160. Alas-4:50 ng hapon nang respondehan ng mga pulis ang tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo na nagbebentahan ng iligal na droga sa kahabaan ng Reparo Road, Brgy. 161.…

Read More

P11-M SMUGGLED NA SIGARILYO NASABAT NG COAST GUARD

yosi1

(NI NICK ECHEVARRIA) NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umaabot sa P11 milyong halaga ng mga kontrabandong sigarilyo lulan ng dumaong na cargo ferry sa Zamboanga City Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ni Lt. Commander Jimmy Vingno, station commander ng Coast Guard sa Zamboanga City dakong alas-5:30 ng umaga nang makumpiska ang nabanggit na shipment sa loob ng isang commercial ferry na nagmula sa Jolo, Sulu. Sinabi ni Vingno na ang pagkakatuklas sa malaking halaga ng smuggled na mga sigarilyo ay bunga ng intelligence report…

Read More

SINDIKATO NG PEKENG ATM CARDS, TIMBOG

atm

(NI ALAIN AJERO) NASAKOTE ng pulisya ang isang sindikato na gumagawa ng mga pekeng automated teller machines (ATMs) card matapos ireklamo ng isang negosyanteng nabiktima ng mga ito sa Caloocan City. Ayon sa report mula sa Northern Police District (NPD), kabilang sa mga naaresto ay sina Julsen Navarro, 41, ng 17 Libis Ortega St. Brgy. 20, Evelyn Sebastian, 57, ng 127 Binangonan St. Brgy. Maypajo, Stephanie Guevarra, 37, ng 219 Pateros, Brgy. 31 at Nanding Guevarra, 55, ng 1749 C.M. Recto Avenue, Maynila. Nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspek matapos magsampa ng reklamo…

Read More

EMOSYON NAILABAS NI MOIRA MATAPOS MA-BULLY

(NI BOY ABUNDA) NARANASAN ni Moira dela Torre na ma-bully noong kabataaan niya. Ayon sa singer ay talagang mahirap ang kanyang mga pinagdaanan noon kaya nahilig sa pagsusulat. “If you look at my journals when I was growing up, most of them started with, ‘I don’t know what to do anymore. I miss my family. Is this dream really for me? Is this actually possible? I have a crush, does he like me back?’ Things like that. So my prayers revolved around getting married, having my own family, my career,”…

Read More

KAPITAN PATAY SA RIDO; KAANAK TINUTUGIS

rido1

(NI JG TUMBADO) “RIDO” o alitan sa pamilya ang umanoy dahilan ng pagpaslang sa isang barangay kapitan sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao, Sabado ng gabi. Dead on the spot sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na si Lumbatan Lampay, 55, residente ng Barangay Tugal, nang maka ilang beses paputukan ng baril ng tatlong hindi pa mabatid na lalaki. Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Senior Supt. Ronald Briones, sakay umano ang biktima sa kanyang motorsiklo at pauwi na ng kanyang bahay…

Read More

SHABU SA SELDA, 16-ANYOS PASOK SA CSWD

menor

(NI JG TUMBADO) SWAK sa kulungan ang isang menor de edad na lalaki makaraan itong maaktuhang nag-abot ng pitakang may mga lamang ilegal na droga sa isang preso sa loob mismo ng police station sa Cebu City. Ang 16-anyos na suspek ay nai-turn over ng San Nicolas Police Station sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development (CSWD) matapos maisagawa ang booking process nito. Nabatid kay SPO2 Edgardo Erci Emia, desk officer, inaresto ang binatilyo matapos madiskubre na ang pitaka na dala nito ay may lamang walong piraso ng plastic…

Read More

BANGKAY NG BABAE ITINAPON SA KALSADA

girl1

(TEKSTO/PHOTO BY ROSS CORTEZ) ISANG bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang nadiskubre sa tabing kalsada sa Barangay Cabuco, lungsod ng Trece Martires Cavite alas-10:00 Sabado ng gabi. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng itinapon lang sa lugar ang biktima na tinatayang nasa edad 30-35, may taas na 5’2, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng maong shorts at sando Nakabalot ng packaging tape ang buong ulo at braso ng biktima na kinakitaan din ng sugat sa gitnang bahagi ng dibdib. Inaalam na nang pulisya ang posibleng pagkakakilanlan sa…

Read More

BAKIT PURO FLOP ANG MGA PELIKULA NGAYON?

flop1

(NI ED DE LEON)             “KUNG ang gusto mo lang ay kumita nang malaki na walang puhunan, aba eh magtinda ka ng puto o kaya lugaw. Huwag kang gagawa ng pelikula,” ang natatandaan naming madalas na sinasabi sa amin ng dating MTRCB Chairman Manoling Morato. Galit na galit kasi siya noon sa mga gumagawa ng mga pelikulang kung tawagin ay “pene”. Aywan kung ano ang sasabihin niya ngayon na maski sa telebisyon, malapit na ring umabot ang mga palabas sa “pene”. Pero may punto si Manoling. Ngayon hindi nga lang “pene”…

Read More

ONLINE SEX TRAFFICKING: BABAE ARESTADO

onlne1

(NI NICK ECHEVARRIA) MATAPOS ang ilang taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinamumunuan ni P/Dir. Amador Corpus ang isang babaeng wanted sa kasong “online sex trafficking” ng mga bata sa Taguig City Sabado ng gabi. Sa ulat ni P/SSupt. Gamboa, chief ng CIDG-Major Crimes Investigation Unit (MCIU),  nadakip ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Ma. Lorena Regalona, alyas Rhea, sa No. 27 Gumamela Street, Bgy. Wawa ng nasabing lungsod bandang alas-6:00, sa bisa ng warrant of arrest…

Read More

BUS VS JEEP SA EDSA: HIGIT 20 NASAKTAN

timog10

HINDI bababa sa 20 pasahero ang nasaktan nang magsalpukan ang pampasaherong bus at jeep sa intersection ng Timog Avenue at Edsa, Linggo ng umaga. Sinabi ni Alfred Bingco, sector commander ng Metro Manila Development Authority at first responder sa aksidente, nasa 18-20 na pasahero ng jeep, habang limang pasahero ng bus ang nasaktan. Sa report, sinabi ni Ignacio Cadayday, driver ng jeep, na nasa kalagitnaan na umano siya ng Edsa nang abutan ng dilaw na traffic light at hindi inakalang babanggain siya ng bus. Sinabi naman ng bus driver na…

Read More

DUTERTE KAILANGAN NG LOCAL FILM INDUSTRY

DUTERTE-29

(NI LOLIT SOLIS) NAAWA naman ako sa mga producers ngayon na kaagad tinatanggalan ng mga sinehan kapag mahina sa unang araw ng showing nito. Di ba yung Elise ng Regal, hindi man lang umabot sa weekend sa mga sinehan lalo na sa mga SM cinemas? Kay Mother Lily na yun ha? Akala ko pa naman pag mga Regal na pelikula may respeto diyan ang mga theater owners dahil ang Regal pa rin ang gumagawa ng napakaraming pelikula. Ang dinig ko maganda naman ang pelikula. Wala akong narinig na negative feedback…

Read More

PHILHEALTH TUTULONG SA CONFINEMENT VS MEASLES

phil1

GINARANTIYAHAN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na tutulong ang ahensiya sa pasyenteng mako-confine dahil sa tigdas. Ito ay sa harap ng deklarasyon ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon at iba pang panig ng bansa. Sinabi ng PhilHealth na ang coverage sa tigdas ay aabot mula P7,700 hanggang P25,700. Kung walang kumplikasyon, P7,700 ang maaaring itulong ng ahensiya habang ang tigdas na may kumplikasyon ng pneumonia ay aabot ng hanggang P15,000. Ang confinement dahil sa tigdas na ang kumplikasyon ay meningitis ay matutugunan ng hanggang P25,700.…

Read More

5-ANYOS PISAK SA VAN

crime08

(NI CHERK BALAGTAS) ISANG limang taong gulang na batang babae ang naging kalunos -lunos ang katapusan matapos madurog ang ulo nito nang magulungan ng van sa Lungsod ng Caloocan Huwebes ng hapon. Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap umanong alas – 5:00 pasado ng hapon nang maganap ang insidente sa parking lot ng Macropoint International Sales Corporation na matatagpuan sa kahabaan ng Tanigue Street, Samantad Compound, Barangay 14 ng nasabing lungsod. Kasalukuyan umano noong naglalaro sa gilid na bahagi ng parking lot ang biktimang si Althea Joy Saniel,…

Read More

ALDEN WALANG PANAHON SA MAINE-ARJO ROMANCE

SA February 17 pa ang aktuwal na kaarawan ng muling tumatakbo para sa pagka-Senador na si Jinggoy Estrada. Pero nagkaroon na ito ng advance birthday celebration with the entertainment press kunsaan, present din ang anak niya na si Vice Mayor Janella Estrada at tumatakbo ngayon sa pagka-Mayor ng San Juan. Dumating din ang kaibigan at tumatakbong Congressman din ng San Juan na si Edu Manzano. Katulad ng tumatakbong Senador rin na si Bong Revilla, halatang hindi pa rin ganoon ka-kumportable si Senator Jinggoy kapag ini-interview. Hindi naman nakapagtataka dahil apat…

Read More

TOTOY UMAYAW SA TAGAY, UMUWING MAY BLACKEYE

8black

(NI GUILLERMO OCTAVIO) AMOY chico at may black eye nang umuwi ang isang totoy na nasa Ikawalong Baitang matapos na tugisin ng lagari, sapakin at batuhin ng basong may alak ng isang lasing na construction worker nang tumanggi sa tagay ang estudyante sa lungsod ng Valenzuela Huwebes ng gabi. Naglalakad mula sa paaralan sa kahabaan ng Feliciano Street, Barangay Mapulang Lupa , kasama ang mga kaibigan, ang 14-anyos na itinago sa pangalang Elmer nang alukin ng tagay ng bangengeng obrerong si Jimmy Mengote, 51. Tumanggi si Elmer at sinabi umano sa…

Read More

LUIS SA PAGPATOL SA BASHERS: ‘GOODTIME’ KO LANG!

(NI GORGY RULA) SI Mark Herras ang kinulit ko kung totoong sasali ba uli si WinWyn Marquez sa Binibining Pilipinas, wala pa siyang sagot. Hintayin na lang daw magsimula ang promo ng Time and Again nina Winwyn at Enzo Pineda, at mapapag-usapan naman itong sinasabing plano niyang pagsali sa Binibining Pilipinas. Sa mga nakaraang interviews namin kay Winwyn, sinasabi naman niyang pinag-iisipan niyang sumali uli pero suot pa niya noon ang korona ng Reina Hispanoamericana kaya hindi pa niya iniisip nung panahong iyun. Pero napapag-usapan na sa mga sumusubaybay sa…

Read More

ROBBERY GROUP NA MGA BAGETS LAGLAG SA DSWD

10anyos8

(NI JESSE KABEL) SA DSWD ang bagsak ng apat na menor de edad na sangkot sa P200,000 robbery case at iba pang kaso ng pagnanakaw matapos silang maaktuhan ninanakawan ang ilang mga tindahan sa Davao City. Ayon sa Davao City police ang apat ay pawang edad 10, 13 at 16 ay sangkot na sa ilang kaso ng mga pagnanakaw bago pa matiyempuhan ng mga awtoridad. Lumitaw sa imbestigasyon na isang establisyimento ang pinasok ng mga menor de edad na suspek pero agad silang nahuli matapos mamonitor ang isa sa kanila…

Read More

VOLUNTEER DOCTOR DEDO SA HIT AND RUN

hitandrun8

(NI JG TUMBADO) PATAY ang isang 32-anyos na doktor makaraang mabundol ng isang humaharurot na SUV sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte Huwebes ng gabi. Hindi na umabot nang buhay habang isinusugod sa Cabadbaran District Hospital ang biktima na nakilalang si Dr. Zuriele Arambulo. Lumalabas sa imbestigasyon ng Santiago police, nakababa na umano ang biktima ng sinakyang pampasaherong bus subalit bigla itong nahagip ng isang SUV habang tumatawid sa kalsada. Sa lakas ng pagkakabangga ng naturang sasakyan ay tumilapon umano ng ilang metrong layo ang biktima bago bumagsak sa…

Read More

2 PANG INMATES, TODAS SA SELDA SA CAVITE

sel8

(NI NILOU DEL CARMEN) DALAWA pang inmates ang nadagdag sa dumaraming bilang ng mga namamatay sa preso sa mga kulungan sa Cavite. Magkasunod na nasawi sina Steven Yvañez at si Marlon Aboganda na kapwa detainee sa Dasmariñas police station custodial facility na parehong ideneklarang dead on arrival sa Pagamutan ng Dasmariñas kamakalawa ng umaga. Dakong alas 3:40 ng madaling araw ng isugod si Aboganda matapos na ito ay dumaing ng hirap sa paghinga. Multiorgan failure at septic shock ang nakita ng doktor na dahilan ng pagkamatay nito. Wala pang dalawang…

Read More

BAKIT HINDI NA KUMIKITA ANG MGA LOCAL FILMS?

xian8

(Ni ED DE LEON) BAKIT  walang nanonood ng mga pelikulang Pilipino? Iyan ang tanong ng director na si Erik Matti. Ibig bang sabihin totoong hindi nila alam kung bakit flop ang mga pelikulang Pilipino? Simple lang ang sagot namin diyan eh. Kasi gumagawa sila ng mga pelikulang hindi gustong mapanood ng mga tao. Siguro hindi nila alam kung anong klaseng pelikula ang babagay sa kanilang mga artista. Maaaring hindi rin nila alam kung sinong artista ang babagay sa kanilang pelikula. Ang isa sa mga sikreto ng pelikula, casting. Eh kaso…

Read More

4 SCORPION GIRLS, LIDER, ARESTADO SA DRUG BUST

imus8

(NI SIGFRED ADSUARA) PINANINWALAANG malalansag na ang tinaguriang “Scorpion Group” ng Cavite  matapos na naaresto ang hinihinalang lider nito matapos na madakma kabilang ang dalawang lalaki  sa isang buy bust operation  sa Imus City, Cavite. Nakakulong ngayonsa Imus City Custodial Center ang mga naarestong suspek na sina Traccy Laforteza, alias “Paula” ng Imus City, Cavite; Christalline Delos Santos, 20, ng  275 Calumpang Bagong Pook, Cavite City, Cavite;  Mariel Hannah Rodelas, 29, ng 932 Diegong Bayong St Brgy E Aldana, Las Piñas  City at Mizzi Deminy Abueg. 24, ng 19 Brgy…

Read More