RIZAL REP. NOGRALES NABABAHALA; PAGPASLANG SA MGA ABOGADO KINONDENA

KINONDENA ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles ang pagpaslang sa kapwa abogado sa mismong opisina nito sa Talavera, Nueva Ecija. Ang pagpatay kay Atty. Bayani Dalangin ay pang-apatnapu’t walong insidente na laban sa mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) simula noong 2016. “Ang kulturang ito ng impunity na nagpapaliit sa halaga ng isang buhay ay dapat nang matigil,” ayon kay Nograles. Kasabay nito, iginiit ng mambabatas na kailangang magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso upang matukoy kung ano ang magagawa ng Executive branch para mawakasan na ang…

Read More

PANAWAGAN NG CBCP SA GOBYERNO KALIWA DAM PROJECT IBASURA

IPINATITIGIL ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam sa Quezon na popondohan ng loans mula sa China. Sinabi ng CBCP sa isang statement noong Pebrero 26 na makapipinsala ang proyekto sa kalikasan at magdudulot  lamang ng malaking gastos sa pamahalaan. “The Church is not against development as long as it does not sacrifice the ‘common good’  in the name of progress,” wika ni Bishop Romulo Valles ng Davao. “The ongoing Kaliwa Dam project of the government, in the guise of providing water to Metro…

Read More

SOLON SA BI OFFICIAL NA SANGKOT SA ANOMALYA: BISTADO NA, NAG-DENY PA

KINASTIGO ni Senador Risa Hontiveros ang ilang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na todo tanggi bilang kasabwat ng sindikato na tinaguriang “Pastillas” scheme na nagpapasok sa mga Chinese national nang walang kahirap-hirap kapalit ng P10, 000 kada ulo. Sa kanyang closing remarks matapos ang imbestigasyon ng Senate committee on women, youth and gender equality na kanyang pinamumunuan, sinabi ni Hontiveros na lubhang nakamamangha ang pagtanggi partikular ni dating Immigration Deputy Commissioner Marc Red Marinas sa anomalya. “Bistong-bisto na, pero deny pa!” ayon kay Hontiveros. Isinangkot ni Immigration Officer Alex…

Read More

DEFENSE TALKS SA US ‘DI PIPIGILAN

HINDI pagbabawalan ng Malakanyang si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na talakayin ang defense matters sa American counterpart nito. Ito’y sa kabila ng hindi nababagong posisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wakasan na ang Visiting Force Agreement (VFA) sa Estados Unidos. “You cannot stop the ambassador from entertaining talks or initiatives coming from his counterpart. That’s diplomacy,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo bilang tugon sa tanong kung ipag-uutos ng Malakanyang kay Romualdez na iwasan ang pagtalakay o mapag-usapan sa kanyang American counterpart ang posibilidad na…

Read More

KONGRESO SINISI SA KORAPSYON SA IMMIGRATION

BI modernization 12-taong tinulugan HINDI na nagtaka ang isang mambabatas kung talamak pa rin ang katiwalian sa Bureau of Immigration (BI) dahil 15 taong tinulugan umano ng Kongreso ang modernization bill sa ahensya. Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, simula 14th Congress o noong 2007 hanggang 2010 ay tinangka na umano ng mga mambabatas na ireporma at i-overhaul ang BI dahil sa mga katiwaliang nangyayari rito. “The best attempt or near-hit was in the 14th Congress. That time, the Senate agreed on a conference committee report,” ani Garbin…

Read More

AGUIRRE IMBESTIGAHAN – PALASYO

Itinurong utak ng ‘Pastillas’ scheme sa NAIA PABOR ang Malakanyang na  isailalim sa masusing imbestigasyon si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II makaraang idawit  ang pangalan nito bilang protektor ng ‘Pastillas’ scheme o ang panunuhol ng mga Chinese sa mga tiwaling opisyal sa Bureau of Immigration (BI) para makapasok sa Pilipinas at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Reaksyon ito ng Malakanyang sa pagbubunyag kahapon ng kolumnistang si Ramon Tulfo sa pagdinig sa Senado. Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, kailangan lamang magbigay ng ebidensya si Tulfo sa Philippine National…

Read More

PERSONALAN, BALASAHAN SA KAMARA

Sa gitna ng ouster plot vs Cayetano NAGKAROON ng kudeta sa mababang kapulungan ng Kongreso subalit hindi sa Speakership kundi sa chairmanship ng makapangyarihang House committee on appropriation at House of Representatives Election Tribunal (HRET). Sa sesyon ng Kamara nitong Lunes ng hapon, nag-move si Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla na palitan si Davao City Rep. Isidro Ungab bilang chairman ng appropriation committee. Agad inihalal na kapalit ni Ungab si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap habang tinanggal naman si Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon bilang head ng HRET…

Read More

TOP 2 MOST WANTED TIMBOG SA MANHUNT

KULONG-2

BULACAN – Makaraan ang mahigit dalawang taong pagtatago, nadakip sa manhunt operation ng mga awtoridad ang isang murder suspect na top 2 most wanted person, sa kanyang pinagtataguan sa  Barangay Loma de Gato, bayan ng Marilao sa lalawigang ito, nitong Linggo. Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Danny Icleo y Camposano alyas “Danny Putol”, na ranked number 4 din sa MWP ng Marilao PNP Lambat Sibat Target III. Nakakulong na ang suspek matapos makorner ng mga awtoridad…

Read More

2 BATA NAGUTAY SA NILARONG GRANADA

MAGUINDANAO – Nagutay ang katawan ng dalawang bata makaraang sumambulat sa kanilang bahay ang umano’y pinaglaruan nilang granada sa bayan ng Sultan Mastura sa lalawigang ito, noong Linggo. Kinilala ng pulisya ang dalawang biktima na sina Daniel Amora, 7-anyos, at Omar Amilol, 5-anyos. Nangyari ang pagsabog sa isang bahay habang naglalaro ang dalawang biktima sa bahagi ng Sitio Santillano sa Barangay Macaviso bandang alas-2:30 ng hapon. Isinugod ang mga biktima sa Sanitarium Hospital sa bayan ng Sultan Kudarat ngunit idineklarang wala nang buhay. Patuloy pang inaalam ng pulisya  ang ulat…

Read More

2 NAGLAKAD SA KALSADA INULAN NG BALA

QUEZON – Tumimbuwang na walang buhay sa kalsada ang dalawa katao makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang naglalakad, iniulat nitong Lunes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sina John Rod Francia, 29, at Lorelee Mapoy, 38,  kapwa residente ng Purok 7, Brgy. Malabanban, Candelaria Quezon. Batay sa report ng Candelaria Police station, naglalakad ang mga biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot nag suspek na armado ng .99mm na baril at pinagbabaril ang dalawa. Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na nagresulta…

Read More

MISIS SINAKSAK SA BINURANG TEXT

SAKSAK-4

LAGUNA – Sugatan ang isang ginang makaraang saksakin ng kanyang live-in partner nang burahin umano ng biktima ang text message sa kanyang cellphone habang sila ay nasa kanilang trabaho sa isang mall sa Calamba City, nitong Lunes ng hapon. Ang biktimang si Bendal Nazarrea, 35-anyos, empleyado ng IMall sa Brgy. Canlubang, Calamba City, ay tinamaan ng mga saksak sa kamay at dibdib. Nasakote naman ng mga security guard ng mall ang suspek at live-in partner ng biktima na si Franklin Clapis Calañada, 51, utility worker,  at itinurn-over sa mga pulis.…

Read More

NAG-AMOK BAGO NAG-SUICIDE 1 PATAY, 5 SUGATAN SA EX-ARMY

CAVITE – Nagpakamatay ang isang dating miyembro ng Philippine Army makaraang mag-amok na ikinamatay ng isang biktima at malubhang ikinasugat ng limang iba pa sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, noong Linggo, bigla na lamang nagwala at namaril si Junny Palacio gamit ang .38 kalibreng baril . Namatay sa nasabing pamamaril ang isa sa mga biktima na kinilalang si Murharma Bautista. Habang sugatan ang isang retiradong sundalo na si Albert Sorio at apat na iba pa na kinabibilangan ng dalawang pulis. Napag-alaman, nasukol nang nagrespondeng mga…

Read More

PANGAKONG BAHAY AT LUPA NAGLAHO 4 LOLO TIMBOG SA ENTRAPMENT

kulong

KALABOSO ang apat na mga lolo, kabilang ang dating barangay chairman, sa inilatag na entrapment operation makaraang maghain ng reklamong estafa ang siyam na mga biktima, sa  fastfood restaurant sa Sta. Ana, Manila, iniulat ng pulisya kahapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (syndicated swindling/estafa) ang mga suspek na sina Alfredo Reintegrado y Dionisio , 71, dating barangay chairman sa Brgy. 891 at residente sa #2794 Old Panaderos St., Sta. Ana; Alfredo Gaiser Jr. y Bunagan, 66; Evaristo Alcantara Jr. y De Guzman, 61, at…

Read More

BABAE BINISTAY NG BALA SA TULAY

TADTAD ng tama ng bala nang matagpuan ang bangkay ng isang babae nitong  Linggo ng gabi sa Navotas City. Kinilala sa pamamagitan ng identification card ang biktimang si Annaliza Villegas, na natagpuan ng mga enforcer ng Navotas Traffic and Management Office dakong alas-10:50 ng gabi sa Marala Bridge sa North Bay Boulevard, Brgy. North Bay Boulevard South-Proper. Tinatayang nasa pagitan ng 40 hanggang 45 anyos ang biktima, nakasuot ng asul na kamiseta, bulaklaking pantalon at tsinelas. Natagpuan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang apat na basyo ng bala…

Read More

2 SUSPEK SA RESTO MURDER HINDI SUNDALONG CHINESE

HINDI miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang dalawang nahuling suspek sa pamamaril sa tatlong Chinese national dakong alas-10:00 ng gabi sa VIP Room ng Jiang Nan Hot Pot Restaurant sa #223 N. Garcia, Brgy. Bel-Air, Makati City noong Huwebes. Nauna rito, nasakote ang mga suspek na sina Yang Chao Wen, 32-anyos, at Liang Yuan Wu, 29, kapwa Chinese national makaraang pagbabarilin ang mga biktimang sina Yin Jian Tao, 33, IT employee, dead on the spot sa insidente, at Zheng Kai, 25, online employee, kapwa rin Chinese national.…

Read More

2 BABAE SA QC BINARIL, PATAY

crime45

TODAS ang dalawang babae sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa lungsod ng Quezon nitong Linggo ng gabi. Dead on the spot bunsod ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Michelle Sasis. Batay sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nag-aayos ng gamit sa bahay ang biktima, kasama ang kanyang ina, sa Barangay Old Balara nang pasukin sila ng isang lalaki na naka-bonnet at malapitang pinaputukan si Michelle. Nabatid sa report na dating nakulong  ang biktima…

Read More

HIGIT 30 WORKERS HINOSTAGE SA GREENHILLS

UMABOT sa 30 empleyado ang ini-hostage ng isang nag-amok na sinibak na security guard sa pinapasukan niyang mall sa Greenhills, San Juan City kahapon. Ayon sa inisyal na report ng San Juan City PNP, tinanggal sa trabaho ang suspek na isang security guard kaya binalikan nito ang kanyang head guard at ini-hostage ang 30 empleyado ng Vira Mall. Agad namang nagresponde ang mga miyembro ng PNP SWAT na kinordon ang lugar at agad pinalabas ang mga taong nasa loob ng mall pati ang mga mamamahayag ay hindi muna pinapasok dahil…

Read More