GUSTONG MAGING INTERNATIONAL ARTIST KATULAD NINA CHARICE AT LEA

Nang kumanta ng kanyang original song si Maria Laroco sa pang-umagang programana na Bagong Pilipinas, akala ng mga staff at crew ng programa ay Ariana Granda song ang kinanta ni Maria.

Nang sinabi ng handler ni Maria na bagong original song ni Maria ‘yong kinanta niya ay napahanga na silang lahat.

Nag-umpisa ang pasyon sa pag-awit ni Maria Laroco nang siya’y tatlong taon pa lang . Kapag ini-encourage siya ng nanay niya na ipakita ang talent niya kapag may nagagawi sa kanilang munting tahanan sa Pangasinan.

Batambata pa si Maria nang mag-umpisang sumali sa mga singing contest sa kanila.

Ang mga singing contest na humasa sa kanya, at nagpalagablab ng kanyang hilig at pagmamahal sap ag-awit.

Si Lea Salonga ang isa sa mga malaking impluwensiya sa kanya. Karamihan ng kanyang contest piece noon ay mga Broadway songs ni Lea Salonga.

Sina Aretha Franklin at Liza Minelli ang mga international influences niya. Kaya maraming lumang kanta sa repertoire niya sa pop, jazz at soul genre.

Maria Loroco

Nang sumali siya  The Voice Kids (TVK) Philippines noong 2014 ay nagbigay sa kanya ng malaking boost sa  singing journey dahil naging season 1 contender siya. Pagkatapos ng TVK, naghasa pa siya nag husto dahil palagi siyang guest performing artist sa maraming  networking companies.  Malaking break niya nang mapasali siya sa Simon Cowell’s big UK TV Show na  X-Factor noong 2018.

Ang X-Factor UK ang nagbukas ng lahat, ng  big stage para sa kanyang  career. Marami ang napahanga audition piece  niyang “Purple Rain” (popularized by Prince). Naakaabot siya hanggang top 6 ng Girls Category. Dahil sa mentorship at guidance of Simon Cowell, more windows of opportunities were opened. In addition, prior to her X-Factor UK stint, she joined the Great British Festival Singing Competition and emerged as the Grand Finalist. In 2019, she returned to the Philippines to continue what she started. As a recording artist, she already garnered different awards such as 2019 – Top Global Teen Performing Artist, 2019 Kuala Lumpur Awardee, 2019 Asia’s Music Princess given by Global Music, and 2019 Excellence Award Pasadong Mang-aawat sa mga Kabataan. She released her first album entitled “Just Maria” which is available in the Philippines and in the US. In the latter part of 2019, she became the first solo artist being launched of the EMC Entertainment, Inc. “Pilit Pa Rin” is her latest recording under EMC Entertainment, Inc which can be streamed through various platforms such as iTunes and Spotify.

Sa February 14 and 15 will mark her first solo dinner concert entitled “FIRST LOVE” which would showcase a variety of repertoire that will prove her versatility in different genres. This will be held in Iagos Restaurant in Tomas Morato. Dinner buffet will start at 7:00pm and concert will commence at 9:00pm. This will be directed by Mannix Baja under EMC Entertainment, Inc with Mr. Hanzel Villafuerte as Media Communications Head. For ticket inquiries, you may contact 09266789722 / 09171761369 / 09366982077 and look for Ms. Hyacinth or Ms. Michelle. Ticket price is PhP 1,500.00 which includes buffet dinner.

Please follow and like us:
Read More

PARTNER NG YUMAONG SI GEORGE MICHAEL, ITINUTURING SIYANG ‘BIG MISTAKE’

Christmas Day 2016 nang mamatay ang “Careless Whisper” singer na si George Michael, isa mga hinahangaan kong singer-songwriter. He was only 53. The genius died of fatty liver (at least , that’s the official cause). Ang nakakita sa kanyang walang buhay na katawan sa kama ay ang partner niya noon na si Fadi Fawaz.

Up to that point, ang mag-partner ay tila wala namang problema sa kanilang relationship. Pero ang mga sumunod na panahon matapos ang pagkamatay ng half of the Wham! duo, nagbago ang lahat.

At ang latest ay ang Facebook post ni Fadi nitong Miyerkules lang. Na-shock na naman ang fans and followers ni George Michael  dahil sa panibagong rant na ito. Post ni Fadi: “”What a big mistake George Micheal was in my life. But we all live to learn or die to teach.”

HINDI INVITED SA LIBING NG SISTER

Bakit may biglang ganitong outburst si Fadi laban sa namayapa niyang lover?

Ang 46-year-old art dealer na si Fadi ay na-ban sa libing ng sister ni George Michael na si Melanie Panayiotou na coincidentally ay sa Christmas Day din pumanaw, sa edad na 55.

Ngayong linggo lang ito inilibing si Melanie, matapos paglamayan ng isang buwan. Banned si Fadi sa funeral rites dahil nakasamaang niya ng loob ang pamiya ni George Michael nang magkademandahan sila sa mana ng £98-million (Php65-billion) estate ng iconic singer-songwriter.

Sinabihan daw ito na “stay away from the funeral of the singer’s sister.”

Sabi sa mga reports mula sa sources na malapit sa pamilya ng singer, nahirapan si Melanie na matanggap ang pagkamatay ng kuya niya.

SQUATTER SA MANSION

Ang alitan sa pagitan ni Fadi at ng pamilya ni George ay sumabog nang arestuhin ito noong July 2019 “for suspected criminal damage” nang mag-squat ito sa £5million mansion ng namayapang singer.

Sabi sa mga reports noon, walang ginawa itong si Fadi kungdi ang magdala ng “stress, sadness, and problems” matapos pumanaw si George.

At si Melanie raw ang pinaka-apektado ng mga gawain niyang ito.

MUKHANG NAPAPRANING

Nitong mga nakaraang buwan, nagpapalit-palit ng hotel si Fadi sa London, at sa mga pinagsasabi nito sa kanyang mga kaibigan, tila ba ito’y napapraning.

Nariyan yung hinala niyang may pumapasok sa hotel room niya kapag wala siya roon. Sinabi niya rin na may naglagay daw ng sex drug sa inumin niya.

HIV POSITIVE AT BORING SA KAMA?

Noong October 2019, nabigla ang lahat nang mag-tweet si Fadi ng: “George Michael was HIV+” Ilang minuto ang nakalipas, may sumunod pang tweet: “We found out in Vienna after his illness.” At sinagot pa nito ang isang fan ni George: “And sex with him was so boring…”

TINULDUKAN NA ANG RELASYON SA PAMILYA NI GEORGE

At kahapon lang, January 31, may pahabol pang FB rant si Fadi habang sinusulat natin ito. Nagsalita na ito nang patapos, at tila pinatatamaan ang pamilya ni George Michael. Sabi niya, “You all will never ever be part of my life again. And I am to prove that to you if u ever dared to. Just saying.”

Taray!

 

Please follow and like us:
Read More