LALAKI NIRATRAT SA BAHAY, PATAY

crimebaril1

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang mga suspek sa harap mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong  Biyernes ng umaga. Kinilala ng Sariaya police ang biktimang si Roberto Sabinosa,  59-anyos. Batay sa report ng pulisya, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay sa Lucky Homes subdivision sa Barangay Sto. Cristo nang pagbabarilin ng mga suspek dakong alas-7:30 ng umaga. Sakay ang mga suspek ng isang ‘di natukoy na sasakyan na biglang tumigil sa harap ng bahay…

Read More

POLICEWOMAN NAGLAKO NG SHABU ARESTADO

shabucop

DAVAO City – Posibleng masibak sa trabaho ang isang policewoman makaraang maaktuhang nagbebenta ng umano’y shabu sa operasyon ng mga awtoridad dakong alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes. Ayon kay Major Milgrace Driz, CIDG-XI deputy chief, dalawang buwan nilang isinailalim sa surveillance operation ang suspek na si Senior Master Sergeant Sheila Bande, 43, dalaga, residente ng Victoria Valley, Tigatto nitong lungsod. Si Bande, nakadestino sa satellite office ng Philippine Bomb Data Center sa lungsod, ay nadakip sa kanyang bahay ng pinagsanib na pwersa ng Davao City Police Office, CIDG Davao City…

Read More

NAKURYENTENG MISIS ISINALBA, MISTER PATAY 

NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na lalaki makaraang isalba ang nakuryente niyang asawa habang tinatanggal sa pagkakasakal ang asong nakatali sa poste ng barangay street light sa Dasmariñas City sa lalawigang ito. Kapwa isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang mag-asawang sina Joselito Cabanas Jr. at Katlin Santos, 31, kapwa residente ng Block 10-D, Lot 13, Brgy. San Andres 2, Dasmariñas City. Gayunaman, nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas si Cabanas habang kritikal ang kalagayan ni Santos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police…

Read More

NAGLAKO NG FAKE PWD ID, LOLA TIKLO

PWD ID

DINAMPOT ng mga tauhan ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) ng Valenzuela City ang isang lola  dahil umano sa paglalako ng pekeng Person with Disability (PWD) ID at iba papeles. Kalaboso si Elizabeth Katigbak, 58, jobless, residente ng #481 Dulong Tangke, Brgy. Malinta, Valenzuela City. Ayon sa pulisya, alas-11:00 noong Biyernes ng umaga ay pumunta sa CSWDO ang biktimang si Lucita Cortez, 59, ng Bakawan, Dulong Tangke, Malinta ng nasabi ring lungsod upang beripikahin ang hawak niyang PWD ID at CSWDO Notification Letter for Pension. Nang tingnan ng social…

Read More

PAGPATAY KAY EX-CONG. MENDOZA PINAGPLANUHAN SA BILIBID

Edgar Mendoza-2

SA loob ng New Bilibid Prisons nabuo ang planong itumba si dating Batangas 2nd district congressman Edgar Mendoza. Ito ang lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa karumal-dumal na krimen na sinapit ng dating kongresista na ikinadamay ng kanyang driver at bodyguard kamakailan sa Tiaong, Quezon. Ikinukonsidera na ng PNP-CIDG na sarado ang kaso ng dating mambabatas matapos madakip ang lima sa mga pangunahing suspek. Ito ang pahayag ni PNP-CIDG Director P/Bgen. Napoleon Joel Coronel kasunod ng pagkakadakip sa mga suspek na sina  Kristine Fernandez, Madonna…

Read More

TOTOONG HUSTISYA SA SAF 44

saf4412

Iginiit sa pag-alala sa kamatayan ng mga commando sa Mamasapano encounter HUMIRIT ng totoong hustisya ang mga pamilyang naulila ng tinaguriang SAF 44 sa paggunita sa ikalimang taong kamatayan ng mga ito kahapon. May kalungkutang ginunita ng pamunuan at mga kasapi ng Philippine National Police ang katapangan, kabayanihan at pagbubuwis ng buhay ng 44  Special Action Force commandos para lamang makuha, buhay o patay ang kilabot na Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir. Kasabay nito ang panawagan ng mga kamag-anak ng SAF 44 para sa tunay na hustisya sa pangunguna…

Read More

APLIKANTE MINOLESTIYA NG POLYGRAPH EXAMINER

MINOLESTIYA

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o acts of lasciviousness ang isang 54-anyos na polygraph examiner makaraang isuplong sa Manila Police District (MPD) ng isang 20-anyos na aplikante na umano’y pinaghahalikan at niyapos nang isalang ang biktima sa lie detector test sa Ermita, Manila, noong Martes. Kinilala ang suspek na si Marcus Antonious y Gella, may asawa at residente ng 49-A Lorraine St., Park Way Village, Barangay Apolonio Samson, Quezon City. Base sa ulat ni P/Staff Sergeant Emmalyn Munoz, ng Women and Children Protection Unit…

Read More

GRAPHIC ARTIST KALABOSO SA P.7-M SHABU

shabu300

KALABOSO ang isang graphic artist na nangunguna sa listahan ng top most wanted drug personalities ng Northern Police District (NPD) matapos makumpiskahan ng P700,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City nitong Biyernes ng hapon. Arestado si Mark Justin Buenafe alyas Baba, 26, binata, ng 353 Marulas A, Brgy. 36, ng lungsod. Dakong alas-5:05 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban kay Buenafe sa Marulas A, Talipapa St., Brgy. 36,  ng lungsod. Dinamba ng mga parak ang suspek makaraang bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang…

Read More

SEKYU INUMBAG NG 2 CHINESE

JAIL-1

KALABOSO ang dalawang lasing na Chinese national makaraang bugbugin ang isang security guard sa  6th floor ng Paseo Verde Condominium, Brgy. Pulanglupa 1, Las Piñas City kahapon ng madaling araw. Ayon sa salaysay ng biktimang si Carlo Dalaguit, nagbabantay siya sa condominium nang dumating ang mga Chinese national na sina Li Feng Hau at Lem Liu na pawang nakainom ng alak. Nagulat na lamang umano siya nang pagtripan ng mga suspek at pinagtulungan siyang bugbugin. Bunsod nito, inireklamo niya ang mga suspek sa himpilan ng pulisya. Agad namang nagresponde ang…

Read More