P3.4-M SHABU NASAMSAM

shabu16

ISANG 29-anyos na lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Las Piñas  City Police  at nakuhanan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa lungsod kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Danizon Manese, alyas Tenten, ng C-5 Extension, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City, matapos makipagpalitan ng droga at pera sa isang poseur buyer cop. Sa ulat ng pulisya, ilang araw ang ginawa nilang pagsubaybay kay Manese bago sila nakipagtransaksyon sa Barangay Manuyo bandang alas-11:30…

Read More

4 CHINESE ARESTADO SA TANGKANG PAGDUKOT SA DALAGA

NAARESTO ng Makati City Police ang apat na Chinese habang nakatakas at tinutugis ang dalawang iba pa na nagtangka umanong dumukot sa isang dalaga sa Makati City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Weird She; Weel In Bei; Xiaohui Sun at So Che, pawang mga Chinese na pansamantalang tumutuloy sa Central Park Condominium sa Pasay City.  Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa dalawang kasamahan ng mga naaresto at patuloy pa ring tinutugis ng mga pulis. Ayon sa biktimang si Gella Maniti, 18, ng 1873 Einstein St.,  Barangay…

Read More

MERCADO, DINAGIT NG PHOENIX

Solomon Mercado

KASUNOD ni Brian Heruela, kumuha ng isa pang veteran guard ang Phoenix sa katauhan ni Solomon Mercado ng NorthPort. Bilang kapalit ni Mercado, mapupunta sa Batang Pier sina LA Revilla at Rey Guevarra. Nauna nang tinrade ng Fuel Masters si Ron Dennison sa Blackwater para sa 30-anyos na si Huruela. Umaasa ang Phoenix na makatutulong ang mga bagong player nila, lalo na ang tried and tested sa playoffs at finals na si Mercado, sa all-Filipino campaign ng koponan. Matatandaang nakabilang ang 35-anyos na si Mercado sa tatlong title runs ng…

Read More

TAPATANG COCO AT DINGDONG ROUND TWO NA

DINGDONG-COCO

Nalalapit na ang pagtatapos ng Kapuso primetime series na Beautiful Justice, na katapat ng FPJ’s Ang Probinsyano. Ano naman kaya ang itatapat ng GMA 7 sa teleserye ni Coco Martin? Malamang sa alamang, Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Tinapatan na noon ang FPJ’s Ang Probinsyano ng Cain at Abel nina Dingdong at Dennis Trillo. If ever, round ito ito ng tapatang Coco-Dingdong. Bet ba ng Kapuso Primetime King na makipagsalpukan muli sa Hari ng Telebisyon? Why not hazelnut ngayong nakabinbin pa rin ang renewal of…

Read More

MOTOR, BIKE BAWAL NA SA HIGHWAY

MAHIGPIT nang ipatutupad ng pulisya ang pagbabawal sa mga motorsiklo at biseklita sa highway sa Zambales dahila ang lalawigang ito ang nangunguna sa Region 3 bilang may pinakamaraming naitalang vehicular accidents nitong taong 2019. Ayon kay Police Lt. Col. Oriano Mina, Deputy Director for Operation ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO), halos kalahati ng bilang ay sangkot ang mga motorsiklo. Sa datos mula Hulyo hanggang Disyembre noong nakaraang taon, pumalo sa 965 ang bilang ng naitalang mga disgrasya. Dahil dito, nais ng mga awtoridad na paigtingin ang pagpapatupad ng Republic…

Read More

EX-VICE MAYOR, TSERMAN PATAY SA AMBUSH

AMBUSH-BULACAN

BULACAN – Patay ang dating bise alkalde at ang kasama nitong incumbent barangay captain makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek nitong Linggo ng tanghali sa Barangay Bulihan, sa bayan ng Plaridel sa lalawigang ito. Sa report na tinanggap ni Bulacan Police Provincial Director Emma Libunao, kinilala ang mga biktimang sina Oscar Marquez, 54,  residente ng Barangay Manatal, dating vice mayor ng Pandi, Bulacan, at Mauro Capistrano, 56, barangay chairman ng Brgy. Bagbaguin ng nasabi ring bayan. Base sa panimulang imbestigasyon, nangyari ang krimen dakong alas-12:50 ng tanghali sa…

Read More

BOMBAY TINANIMAN NG TINGGA SA ULO

BINARIL SA ULO-2

CAMARINES Sur – Patay ang isang Indian national makaraang barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa tabing kalsada sa bayan ng Bulan sa lalawigang ito, nitong Linggo ng umaga. Kinilala ng Bulan Municipal Police Station (MPS) ang biktima ng pamamaril bandang alas-9:30 sa Provincial Road, Zone 1, Brgy. Balaogan ng nasabing bayan, na si Surjit Singh y Kaur, 40, may asawa, residente ng Zone 6, Brgy. San Miguel, Iriga City. Sa paunang ulat ng Bulan MPS, nasa loob umano ng kanyang nakatigil na sasakyan…

Read More

‘ARSONISTA’ SA TONDO FIRE SUMUKO KAY ISKO

arested45

SUMUKO kay Manila Mayor Isko Moreno kahapon ng madaling araw ang umano’y suspek sa panununog ng kanilang bahay na ikinadamay ng 20 kabahayan at ikinamatay ng anim katao na nakulong sa kanilang bahay sa Tondo, Manila. Sinasabing lulong sa shabu ang suspek na kinilalang c ng Katamanan Ext., Tondo nang sunugin ang bahay na kanilang inuupahan makaraang awayin ang misis niyang si Encarnacion. Sa nasabing sunog ay nadamay ang kanilang mga kapitbahay na ikinamatay ng mga biktimang sina Odessa Conde, 36, at tatlo nitong mga anak na sina Yhancy kieffer,…

Read More

LOLA HINATAW NI LOLO SA ELEKSYON

PINALO

ARESTADO ang isang 68-anyos na lolo matapos hatawin ng meter tool ang kanyang misis na boboto sa isinasagawang eleksyon ng mga opisyal ng senior citizen sa Marikina City, noong Sabado ng umaga. Nangyari ang insidente sa covered court ng Brgy. Parang sa nabanggit na lungsod bandang alas-10:00, kung saan dinakip ng mga tauhan ng Marikina 161 Rescue Team ang suspek na si Apolonio Barrion y Casabal, alyas Pol, 68, isang tubero. Nabatid sa Marikina City Police Station (CPS), ayon sa salaysay ng biktimang si Estrella Barrion y Anuran, 70, asawa…

Read More

MOTEL SA BAGUIO NASUNOG 

SUNOG-7

BAGUIO City – Nasunog ang isang motel sa bahagi ng Katipunan Street sa lungsod na ito. Sa report ng Baguio City Fire Department (BCFD), nagsimula ang apoy dakong alas-dos ng hapon nitong Sabado. Agad nagresponde ang mga bombero mula sa BCFD at iba pang fire volunteers. Agad lumabas ang mga tao maging ang mga mula sa karatig na gusali para sa kanilang kaligtasan sa pangambang gumapang ang apoy patungo sa kanilang kinaroroonan. Tumagal ng halos isang oras ang sunog at idineklarang fire under control dakong 3:30 ng hapon. Wala namang…

Read More

2 ARESTADO SA P68-M SHABU SA UKAY-UKAY

ARESTADO ang isang babaeng ukay-ukay vendor at kasamang lalaki makaraang makumpiskahan ng P68 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasay City Police dakong alas-8:30 ng gabi malapit sa isang provincial bus station sa Apelo Cruz Street kanto ng EDSA, Barangay 51, Zone16, Malibay, sa lungsod na ito. Kinilala ni Pasay City Chief of Police Col. Bernard Yang ang mga suspek na sina Mia Bianca Atendido at Dave Tajores Realin, taga-Brgy. Cabuco, Trece Martirez, Cavite, nakumpiskahan ng halos 10 kilo ng umano’y shabu na P68,000,000…

Read More

P2.5-M RELIEF GOODS DONASYON NG PRO3 SA MGA PULIS

PRO-3

PAMPANGA – Namahagi ng P2.5 milyong halaga ng relief goods ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa mga pulis ng mga lalawigan ng Batangas at Cavite na apektado rin ng pag-aalburoto ng Taal Volcano. Pinangunahan ni PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia ang relief operation sa Batangas Police Provincial Office sa Batangas City. Kabilang sa ipinamahagi ang sako-sakong bigas,  toiletries, bottled water at mga delata na umaabot sa P2.5 milyon ang halaga. Sinabi ni Sermonia, ang nasabing donasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Association of Chiefs of Police in the Philippines…

Read More