NUDE PICS NG DALAGITA BANTANG IKAKALAT, SEXTORTIONIST TIMBOG

NUDE PICS

NAHAHARAP sa  kasong paglabag sa Republic Act 9775 (child pornography) at Article 294 (robbery extortion ) in relation to RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, ang isang 20-anyos na binata na inaresto habang kinokolekta sa remittance center ang perang padala ng isang dalagita na tinakot niyang ipakakalat sa social media ang mga hubad na larawan. Binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District-District Investigation Division ang suspek na kinilalang si Mark Christian. Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:00 ng hapon nitong Huwebes nang arestuhin ang suspek sa…

Read More

VEHICULAR ACCIDENTS PINAKAMATAAS SA ZAMBALES SA REGION 3

accident12

NANGUNGUNA ang lalawigan ng Zambales sa Region 3 na may pinakamaraming naitalang vehicular accidents nitong taong 2019. Ayon kay Police Lt. Col. Oriano Mina, Deputy Director for Operation ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO), halos kalahati ng bilang ay sangkot ang mga motorsiklo. Sa datos mula Hulyo hanggang Disyembre noong nakaraang taon, pumalo sa 965 ang bilang ng naitalang mga disgrasya. Dahil dito, nais ng mga awtoridad na paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act 4136 na ipinagbabawal sa gitna ng national highway ang mga motorsiklo, tricycle at biseklita. Ngayong Linggo…

Read More

2 MOST WANTED TIMBOG SA PASAY

MOST WANTED

ARESTADO ang dalawang most wanted personalities sa Pasay City makaraan ang pinalakas na kampanya ng pulisya laban sa mga pinaghahanap ng batas. Kinilala ang mga suspek na sina Mark Kevin Ang, alyas Froster 24-anyos, top 3 most wanted person, suspek sa kasong panggagahasa, at Kristoffer Von Moraleja, top 1 most wanted person, suspek sa pagpatay sa kanyang nobya. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 10:20 ng gabi noong Biyernes nang madakip si Ang sa M. Tengco Street, Brgy. 173, Zone 17, Pasay City. Si Ang ay nadakip sa ikinasang manhunt…

Read More

JIRO MANIO ARESTADO SA PANANAKSAK

ARESTADO ang isang dating sikat na child actor sa kasong frustrated homicide makaraang pagsasaksakin ang isang lalaking naglalakad habang patungo ang biktima sa bahay ng kaibigan sa Marikina City, nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Jiro Katkura Manio, 27, binata, namamasukan bilang helper sa isang eatery sa M.A. Roxas St., Brgy. San Roque ng nabanggit na lungsod,  Ang suspek ay inaresto ng mga tauhan ng Marikina Police Station (CPS) makaraan ang insidente sa nabanggit na lugar dakong alas-7:20 ng gabi.  Batay sa report na ipinarating sa Eastern…

Read More

P/LT. GEN. GAMBOA BAGONG PNP CHIEF

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte President Rodrigo Duterte si Philippine National Police officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Gamboa bilang susunod na hepe ng PNP. “We have the PNP chief. I’m going to appoint you as the regular PNP. But you, Secretary Año and I will have a long, long talk first,”ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa Pasasalamat Gathering For Eagles SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City. Hinangaan ng Pangulo ang ipinakita sa kanyang katapatan ni Gamboa. “Pinakita mo sa akin ‘yung sincerity…

Read More

DALAGITA MINOLESTIYA, DRIVER SWAK SA SELDA

MINOLESTIYA

SWAK sa kulungan ang isang umano’y manyakis na driver na lango sa alak makaraang dakmain ang dibdib ng isang dalagita sa harap ng mga nakababatang kapatid sa Valenzuela City, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Edgardo Barasi, 59, driver ng pampasaherong jeep, residente ng San Dieto St., Lingahan, Malanday, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at unjust vexation. Ayon sa ulat ng biktima, naglalakad pauwi ang biktimang itinago sa pangalang “Klaudia,” 18,  kasama ang mga kapatid dakong alas-7:00 ng gabi sa kahabaan ng A. Marcelo St., Dalandanan,…

Read More

SEAMAN PINATAY NG HOLDAPER SA MISMONG KAARAWAN

GUN-3

NALAGUTAN ng hininga ang isang seaman makaraang pagbabarilin ng dalawang hinihinalang mga holdaper at tinangay ang kanyang motorsiklo nitong Biyernes ng umaga sa Caloocan City. Hindi na nakapagdiwang ng kaaarawan ang biktimang si John Paul Sargento, 25, ng Kingfisher St., Zabarte Subdivision, Novalichez, Quezon City, na hindi umabot nang buhay sa Jose N. Rodriguez Hospital, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan. Dakong alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Quirino Highway, harap ng MRT7 Depo Gate, Brgy. 163. Ayon sa pulisya, tinutukan ng baril ang…

Read More

LALAKI MINARTILYO NG KAPWA KARPINTERO 

MARTILYO

INARESTO ang isang 40-anyos na lalaki makaraang paluin ng martilyo ang kapwa niya karpintero na ikinamatay ng biktima sa Makati City. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan lamang nitong Enero 2 ang naagnas nang bangkay ng 60-anyos na karpinterong si Ernesto Aliwanay sa Basement 1 ng Ayala building sa panulukan ng EDSA at Ayala Avenue, Barangay San Lorenzo. Bunsod nito, agad na inimbitahan ang suspek para isailalim sa imbestigasyon. Inamin naman ng suspek ang krimen habang isinasailalim sa interogasyon. Kwento ng suspek, pinalo niya ang ulo ng biktima gamit ang…

Read More

SEKYU KRITIKAL SA SARILING GRANADA

granada

AGAW-BUHAY ang isang isang security guard nang sumabog ang hawak niyang granada kamakalawa, nitong Huwebes ng gabi sa Caloocan City. Binigyan ng 50-50 tsansang mabuhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital si Ronnie Atibagos, 42, ng Juan Luna St., Upper Tawi-Tawi, Brgy. 181, Pangarap Village sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, hawak ng biktima ang isang hand grenade sa bakanteng lote sa gilid ng kanyang bahay dakong alas-6:30 ng gabi nang sumabog ito nang aksidenteng matanggal ang pin. Inaalam pa ng pulisya kung saan galing ang granada…

Read More

P136-M DROGA NADISKUBRE SA BAGAHE

DROGA-2

SORSOGON – Aabot sa P136 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa tea bags, ang natagpuan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa loob ng isang bagahe sa Matnog Port. Umaabot  sa 20 piraso ng tea bags ang kinumpiska nang madiskubre na hinihinalang shabu ang laman nito, na pumapalo sa 20 kilo. Sinasabing pagmamay-ari ang mga ito ng dalawang arestadong mga suspek na kinilalang sina Irish dela Peña at Jose Lani “Dong” Racaza. Sinabi ni PDEA Bicol Regional Director Christian Frivaldo, ito ay resulta nang pinalakas nilang…

Read More

90 KABAHAYAN NATUPOK, 50 PAMILYA HOMELESS

fire123

DAVAO City – Aabot sa 50 pamilya ang nawala ng tirahan matapos matupok sa sunog ang kanilang bahay dakong alas-10:30 ng umaga noong Miyerkoles, Enero 15, sa Purok 2, Bryco, Barangay 5-A, Bankerohan nitong lungsod. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Bangoy District, patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon upang alamin ang posibleng sanhi ng sunog. Ngunit ayon sa isang residente, napabayaang sinaing na nakalagay sa kalan ang pinagmulan ng apoy na nagresulta sa sunog. Dahil pawang yari sa light materials ang halos lahat ng mga kabahayan ay mabilis na…

Read More