DATING PRESO TEPOK SA KUMATOK

BINARIL-4

GEN. SANTOS City – Patay ang isang dating preso makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek na kumatok sa kanyang bahay, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang bikimang si Romeo Zamora, nasa hustong gulang at residente ng Sarangani Homes Phase 1, Barangay San Isidro, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng GenSan Police Station, dakong ala-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang biglang may kumatok sa pinto. Agad binuksan ng…

Read More

DALAGITA, 3 PA TIKLO SA P136-K SHABU

SHABU-BABAE

KALABOSO ang tatlo katao kabilang ang isang 16-anyos na dalagita makaraang madakip sa buy-bust operation at makumpiskahan ng baril at P136,000 halaga ng umano’y shabu sa Caloocan City, nitong Martes ng gabi. Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Christopher Cristobal, 24, construction worker, ng Phase 1, Palmera Homes Spring, Brgy. 175, Camarin, Caloocan City; Percy Alvarez, 43, istambay, ng MBHNAI, Phase 6, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City, habang ililipat sa pangangala ng City Social Welfare Office ang 16-anyos na si alyas “Bekbek.” Alas-9:00 ng gabi nang masakote ang…

Read More

RAPE-SLAY SUSPECT NAMATAY SA SELDA

SELDA-2

QUEZON – Natagpuang walang buhay sa loob ng selda ang isang suspek sa pagpatay at panggagahasa sa isang 8-anyos na batang babae sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito. Base sa report, natuklasang hindi na  humihinga si Ricardo Burce, 55, nang gisingin ng mga kapwa preso. Itinakbo siya sa ospital kung saan idineklara siyang dead on arrival. Ayon sa spot report ng Candelaria police, hindi pa batid ang posibleng sanhi ng pagkamatay ni Burce. Nauna rito, inamin umano ni Burce ang pagdukot, panggagahasa at pagpatay sa 8-anyos na batang babae…

Read More

PANALO SA ‘MOBILE LEGENDS’ KINUYOG

PLAYING MOBILE LEGENDS

WALANG nagawa ang kasintahan ng isang 17-anyos na estudyante nang gulpihin at saksakin ang huli ng apat na kalalakihan makaraang talunin umano ng biktima ang mga suspek sa Mobile Legends noong Martes ng gabi sa Malabon City. Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng bugbog at saksak sa katawan ang biktimang itinago sa pangalang “Benjie” ng Blk. 46, Lot 12, Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod. Alas-8:45 ng gabi nang mangyari umano ang insidente sa loob ng JB Computer Shop sa Maya-Maya St. sa Brgy. Longos. Ayon sa ulat, habang…

Read More

BEBOT NAHULOG SA RILES NG LRT

LRT-5

INIHINTO pansamantala ang operasyon ng LRT-1 nitong Miyerkoles ng umaga nang mahulog sa riles ang isang babaeng pasahero. Sa report na nakarating sa tanggapan ng Department of Transportation, napag-alamang nahulog ang naturang pasahero sa riles sa Doroteo Jose Station sa Sta. Cruz, Maynila. Paliwanag ni Jacqueline Gorospe, corporate communications head ng Light Rail Manila Corporation, biglang nahilo ang babae kaya nawalan ng malay at nahulog sa riles. Dahil dito, itinigil ang operasyon ng LRT-1 para matulungan ang babae na dinala agad sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan. Balik-normal na ang operasyon…

Read More

NAGWALWAL NA WALANG PERA DINAMBA

BAR

MAKARAANG magpakalasing at magpakabundat ay ibinalibag sa selda ang isang probinsyanong nagpasiklab sa mga bebot ngunit wala palang  pangbayad sa ininom at kinain sa isang bar sa Caloocan City, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Sising-alipin matapos magbuhay-hari si Patrick Pineda, 34, binata, ng 48 Barangay Kias, Baguio City nang bitbitin sa presinto matapos ireklamo sa hindi pagbabayad ng halagang P21,090 na kanyang nakonsumong pagkain at alak sa 5th Avenue Bar sa panulukan ng M.H. Del Pilar at 5th Avenue sa Caloocan City. Alas-2:00 ng madaling-araw nang magtungo sa nasabing bar…

Read More

KAWATANG CALL CENTER AGENT HULI SA CCTV

MAGNANAKAW-4

BUKING ang isang call center agent sa ninakaw na Laptop makaraang masapol ng CCTV sa Brgy. Nangka, Marikina City, nitong Lunes. Kinilala ang nadakip na suspek na si Michael Solis y Gonzales, 41-anyos, binata, call center employee, residente ng 38 Balubad St. ng parehong Barangay. Nabatid sa imbestigasyon ng Marikina City Police Station, natutulog ang biktimang si Christian Lebrano y Gagarin, 20, estudyante sa kanilang bahay sa Block 25, Lot 2, Phase 2, Balubad Settlement, Brgy. Nangka sa nasabing lungsod, nang pasukin ito ng suspek. Walang kahirap-hirap na nakuha ng…

Read More

RIDER PATAY SA PALYADONG MOTORSIKLO

MOTORSIKLO-10

BINAWIAN ng buhay ang isang rider nang sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklong nawalan ng kontrol dahil umano sa mechanical failure, nitong Lunes ng hapon sa Navotas City. Hindi umabot nang buhay sa Navotas City Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Carlito Sampayan, 56, driver, ng Blk. 4, Lot 20, Paradise Village, Letre, Brgy. Tonsuya, Malabon City. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South Proper. Minamaneho ni Sampayan ang kanyang motorsiklo nang mawalan ng…

Read More

P5-M SHABU NASABAT SA CAVITE

shabu432

CAVITE – Mahigit P5 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa 11 katao, kabilang ang limang babae, sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa loob ng 24-oras sa Bacoor City sa lalawigang ito. Sinampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Article 2 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang arestadong mga suspek na sina Joey Evangelista, 37; Irene Legaspi, 29; Mercelito Gonzaga, 30; Bruno Montibon, 36; Alma Sumague, 26; Roger Calinisan, 40; Ramona Punyong, 31;  Aisa Juiamalo, 58; Bainot Saidali, 40; Nasser Makalpal, 38,…

Read More

BINATA ITINUMBA SA TAGAYAN

BARIL-9.jpg

DAVAO City – Duguang bumulagta ang isang binata makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang nakikipag-inuman, iniulat nitong Martes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Rodolfo Mabitad Suizo, 23-anyos, residente sa Purok Cabbage, Lapu-Lapu Extension, Brgy. Zone 3, Digos City. Batay sa report ng Digos Police Station, dakong alas 2:10 ng madaling araw noong Lunes nang mangyari ang insidente sa loob ng Walwal Music Bar sa Purok Talisay, Luna Extension, Brgy. Zone 3, ng nasabing lunsod. Lumabas sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktima sa nasabing lugar…

Read More

NAGHATID NG RELIEF GOODS SA BATANGAS, TODAS SA TRUCK

TODAS SA TRUCK

INABOT ng malas ang dalawang binata matapos maghatid ng relief goods sa mga biktima ng Taal explosion nang bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa trailer truck na kanilang ikinasawi sa San Jose, Batangas, Martes ng madaling araw. Ayon sa San Jose police, dead on the spot sina Rio John Abel at ang nagmamanehong si Maximino Alcantara III na nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan matapos maipit sa nagkayupi-yuping kotse. Malubha namang nasugatan ang isa pang pasahero na si Darwin Lajara. Pauwi na umano ang mga ito galing…

Read More

GUNRUNNER UTAS SA SHOOTOUT

GUNRUNNER

CAGAYAN de Oro City – Patay ang isang lalaking hinihinalang gunrunner makaraang manlaban umano sa mga awtroidad sa ikinasang operasyon nitong Martes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang napatay na si Klyd Jun Bryan Llamis, nasa hustong gulang, residente ng Zone 4, Barangay Bulua, Camaman-an. Batay sa report ng Camman-an Police Station, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa City Public Cemetery sa Barangay Camaman-an ng nasabing lungsod. Ayon sa pulisya, matagal nilang minanmanan ang suspek sa hinggil sa pagbebenta umano ng mga armas at…

Read More