PATAY KAY ‘URSULA’ PUMALO NA SA 41 

(NI JG TUMBADO) UMABOT na sa 41 ang mga nasawi habang mayruon pang 12 ang nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Ursula sa bansa. Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), walo sa mga nawawala ay mula sa Region VI, habang tig-dalawa sa MIMAROPA at Region VIII. Samantala, umabot na sa P1.074 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastruktura at agrikultura sa Luzon at Visayas. Nasa kabuuang 399,242 pamilya o mahigit sa 1.6 milyon residente naman ang naapektuhan sa Region MIMAROPA, V, VI, VII, VIII at…

Read More

5 PATAY SA TRAK NA UMARARO SA POSO

bukidnon map 12

(NI JG TUMBADO) PATAY ang lima katao nang araruhin ng trak ang mga naliligo sa poso sa Sumilao, Bukidnon nitong Sabado. Tinukoy ng Bukidnon Police ang ilan sa mga biktima na sina Teresa Jagonal, truck driver na si Erman Falcis, substitute driver nito at dalawang menor de edad. Dakong ala-1:30 ng hapon ng Sabado nang maganap ang aksidente sa Sitio Langga, barangay San Vicente ng naturang barangay matapos mawalan umano ng kontrol si Falcis sa minamaneho nitong Isuzu aluminum wing van truck. Sa pahayag ng nakaligtas pero sugatan na pahinante…

Read More

LALAKI BINIGTI SA DUYAN

(NI NILOU DEL CARMEN) BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na lalaki na matapos paghahampasin ng matigas na bagay sa ulo ay binigti pa ito gamit ang duyan sa Bay, Laguna. Kinilala ng Bay police ang biktima na si Jose Malabanan, residente ng Barangay Sto. Domingo. Batay sa report,  nadiskubre itong nakabitin gamit ang duyan sa labas ng kanyang bahay noong Sabado ng umaga. Ayon pa sa pagsisiyasat, duguan ang ulo nito resulta ng mga sugat na mula sa pagkakapalo sa ulo. Nanawagan ng malalimang imbestigasyon ang mga kaanak…

Read More

4 INMATE SA MAYNILA NAKATAKAS

cell

(NI RENE CRISOSTOMO) NAKAPUGA ang apat na inmate sa  Pritil Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Manila Police District-Station 1, sa Tondo, Manila, nitong Disyembre 26. Gayunman sa  impormasyon nakalap , Sabado ng hapon, isa pa lamang ang naaresto na kinilalang si  Christopher Saladaga na  may kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling) na binitbit sa paglalaro ng cara y cruz. Nakalalaya pa ang tatlong nakapuga na pawang may kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9165 section 11 (possession of illegal drugs)  na sina Jose Johnson Nuevo; Exquiel…

Read More

LALAKI NAKURYENTE SA HEADPHONE, PATAY! 

(NI ANNIE PINEDA) NAKABULAGTA at wala nang buhay nang matagpuan ang isang helper nang makuryente umano sa suot na headphone habang naglalaba, iniulat kaninang umaga sa Davao City. Kinilala lamang ang biktima sa pangalan ‘Boyet’, ng Rosalina 3, Baliok, Talomo District, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 8:45 ng umaga huling nakitang buhay ang biktima na naglalaba. Kuwento ni Niko Arielle Amoguis, amo ng biktima, nagulat na lamang siya nang makitang nakabulagta si ‘Boyet’ habang suot ang headphone at wala ng buhay. Kaagad naman dinala sa…

Read More

MISTER PATAY, MISIS SUGATAN SA BANGGA SA POSTE

accident12

(NI ANNE PINEDA) PATAY ang isang mister habang sugatan ang misis nito makaraan bumangga ang kanilang sasakyan sa poste, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Nueva Vizcaya. Kinilala ang biktimang si Lucio Tayaban, 62, habang sugatan ang kanyang asawa na si Dolores Tayaban, 58, kapwa residente ng Poblacion, La Trinidad, Benguet. Batay sa report ng Bayombong Police Station, naganap ang insidente sa Maharlika Highway, Purok 2, Barangay Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya. Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Lucio ang pulang Kia Pride na may plakang AHA 101at pagsapit sa nasabing…

Read More

P34-M SHABU NASABAT SA MAG-ASAWA SA CAVITE

(NI ROSS CORTEZ) AABOT sa P34 milyon ang halaga ng nasabat na shabu ng pinagsanib na puwersa ng PNP Drug Enforcement Group, Region 4A Drug Enforcement Unit, Imus Component Police Station at PDEA Cavite, sa mag-asawang suspek, sa parking lot ng isang mall, sa lungsod ng Imus, Cavite. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Emard Jimenez at Gretchen Jimenez , mga residente ng Ususan, Taguig City, na umano’y kinuha nila sa isang lugar sa Manila ang humigit kumulang sa 5 kilong shabu, para i-deliber sa kanilang katransaksyon sa Imus Cavite,…

Read More

12 SUGATAN SA TUMAGILID NA BUS

accident121

(NI KIKO CUETO) SOCORRO, Oriental Mindoro — Aabot sa 12 katao ang sugatan nang tumagilid ang pampasaherong bus dito, Linggo ng madaling araw. Sa report ng pulis, sinasabing galing ng Roxas Port ang Elms bus at may sakay na 24 pasahero. Papunta ang mga ito sa Calapan City Port nang mangyari ang aksidente. Sinabi pa sa report ng Mimaropa Police na isinugod sa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City ang mga sugatang pasahero. Sa imbestigasyon, nagkamali umano ng kalkulasyon ang driver ng bus na si Marcelio Reyes pagdating sa zigzag…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA BATANG BABAE SA BATANGAS, NATIMBOG

(NI NILOU DEL CARMEN) BUMAGSAK na sa kamay ng mga awtoridad ang  itinuturong suspek sa pagpatay sa 11-anyos na batang babae na natagpuan sa gilid ng creek sa Bauan, Batangas. Naaresto noong Sabado si Mark Alvin Sajer, 27, isang laborer, at  nakatira umano malapit sa bahay ng biktima at isa rin sa limang person of interest na iniimbestigahan ng mga pulis. Ayon kay Police Lt. Col. Joemar Labiano, hepe ng Bauan Municipal Police Station, nagtutugma ang mga pahayag ng tatlong witness na nagsabing huling nakitang kasama ng biktima ang suspek noong Lunes.…

Read More

EX-BRGY KAGAWAD NA DRUG SURRENDERER ITINUMBA

TINADTAD ng bala ang katawan ng isang drug surrenderer ng barangay kagawad nang tambangan habang sakay ng motorsiklo, Sabado ng hapon sa Sarrat, Ilocos Norte. Kinilala ang biktima na si Rodante Corales, drug surrenderer at dating kagawad ng Barangay Medina, Dingras, Ilocos Norte. Nagtamo ang biktima ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan mula sa kalibre .45 at kalibre .9 mm na baril. Nagkalat din ang mahigit sa siyam na basyo ng bala ng kalibre .9 mm at tatlong basyo ng kalibre .45 sa crime scene. Sa imbestigasyon, napag-alamang…

Read More

IMBESTIGASYON SA BOCAUE FIRE NAGPAPATULOY

PATULOY ang imbestigasyon sa sunog na sumiklab sa hanay ng bentahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan, Sabado ng gabi, ilang araw bago ang bisperas ng Bagong Taon. Bandang alas-6:10 ng gabi nang unang marinig ang pagsabog. Sinabi ng mga residente na inakala nilang may fireworks lamang sa lugar hanggang sa sunud-sunod na putok na ang narinig nila. Unang nasunog ang stall sa A.T. Sayo Fireworks Store sa McArthur Highway sa Barangay Biñang 1st, ayon sa the Bureau of Fire (BFP) Bocaue. Umabot ng hanggang tatlong alarma ang sunog at…

Read More

NO BRIGHT, NO PROBLEM  

(NI DENNIS IÑIGO) MULING nagliwanag ang kinabukasan para sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa pag-alis ng kanilang sentro na si Bright Akhuetie, na nakatakdang gumradweyt sa susunod na taon. Ito ay dahil sa nakatakdang paglipat sa Diliman ng 6-foot-11 na si Maodo Malick Diouf. Ayon sa ulat ng Spin, pumayag na ang Centro Escolar University na mag-tansfer sa UP ang 20-anyos na Senegalese. Si Diouf ay may record na 16.7 points at 46-percent shooting, 19.5 rebounds, 3.3 assists, 2.9 blocks, 2.0 steals sa kanyang paglalaro sa CEU…

Read More

MAINIT NA BALITA NG 2019

(Ni NELSON  S. BADILLA / Unang Bahagi) MARAMING pangyayari ngayong 2019 na siguradong mayroong direktang epekto sa bansa at mamamayan.May maganda ang epekto at mayroon ding masama bu­nga anomalya at korapsyon. Isa-isahin natin. Kontra Maynilad at Manila Water HINDI tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ng Singapore na magbayad ang pamahalaan ng P7.39 bilyon sa Manila Water Company Inc. at P3.4 bilyon sa Maynilad Water Services Inc. bilang kapalit sa umano’y perwisyong ginawa ng pamahalaan sa dalawang kumpanya makaraang hindi kilalanin at hindi…

Read More

PAG-ASA

PINOY ABROAD

“BAGAMAN ako’y ­patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayonma’y aking aalalayan ang ­aking mga lakad sa harap niya.” (Job 13:15)   HINDI laging mangyayari ang gusto natin sa buhay. Kung minsan, sa halip na ang mga pagpapalang ipinangako, nakikita natin ang mga problema. Kung minsan, sa halip na ang mga tagumpay na ginarantiyahan, nakikita natin ang pagkatalo. Ano ang dapat gawin ng isang mananampalataya sa gayong mga kalagayan? Dapat na ba tayong mag-give up? Dapat na tayong tumigil sa tungkulin na itinawag sa atin dahil sa karanasan natin sa pagkakataong…

Read More

SOBRANG TINDI NAMAN NI SPEAKER CAYETANO

BAKBAKAN NATIN

NAGDESISYON si Speaker Alan Peter Cayetano na mamahagi ng P150,000 Christmas bonus sa bawat regular na kawani ng Kamara de Representantes. Ganyan kalaking ­halaga ang ibinigay ni Cayetano sa mga kawani ng Kamara upang tiyaking mas mataas ang Christmas bonus na kanyang ipinamigay kumpara noong si Gloria Macapagal-Arroyo ang pinuno ng mababang kapulungan ng Kongreso. Umabot sa P110,000 ang ipinamahagi noon ni Arroyo. Siyempre, tuwang-tuwa ang mga empleyado ng mababang kapulungan noong panahon ni Arroyo. Masayang-masaya rin sila ngayong panahon ni Cayetano. Kaso, maraming ­nagreklamo, sapagkat ang totoong natanggap nila…

Read More