ARA EXCITED TO WORK WITH COCO AGAIN

(NI LEO BUKAS) PASOK na rin si Ara Mina sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ito ang excited na ibinalita sa amin ng multi-awarded actress habang nagti-taping siya ng longest running teleserye ng bansa. Ayon pa kay Ara, dream come true ang paggi-guest niya sa Ang Probinsyano dahil matagal niya rin itong ipinagdasal. Mensahe sa amin ni Ara thru her Instagram account na @therealaramina: “Honestly, matagal ko nang pinagdarasal na makapag-guest dito. Then nung nakausap ko si Coco before magsimula ang Araw Gabi,  sinabi ko…

Read More

WANTED, BAGONG GILAS COACH

(NI ANN ENCARNACION) KAHIT naipanalo pa ang Gilas Pilipinas ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, walang balak si Barangay Ginebra coach Tim Cone na mag-extend sa kanyang national duty. Iginiit ni Cone na “one and done” ang pagiging Gilas coach niya. “I was told at the start that I will be some sort of a caretaker for the national team that will be playing for the Southeast Asian Games,” paliwanag ni Cone. Idinagdag niya na may inihahanda nang programa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa susunod na…

Read More

TATAY GINILITAN NG ANAK 

crime43

(NI ANNIE PINEDA) INUNAHAN na ng isang anak, bago pa man siya mapatay ng kanyang ama, matapos niyang bagsakan ng bato at gilitan sa leeg ang kanyang tatay habang natutulog, iniulat kaninang umaga sa Zamboanga del Sur. Kinilala ang biktimang si Fernando Bulaga Mercado, 54, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Robert Cabrera Mercado, 24, kapwa residente ng Sitio Tambulian, Barangay Malim, Tabina, Zamboanga del Sur. Batay sa report ng Tabina Police Station, himbing na natutulog ang biktima sa kanilang bahay nang bagsakan ito ng malaking bato sa…

Read More

3 SA 5 ANGKAS SA MOTORSIKLO PATAY SA TRAK

motoraccident12

(NI JG TUMBADO) PATAY ang tatlo katao makaraang sumalpok sa trak ang sinakyang motorsiklo sa national highway sa Purok 9, bayan ng Villanueva, Misamis Oriental. Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang motorsiklo ngunit pagsapit sa pagkurbadang bahagi ng daan ay hindi napansin ng drayber nito ang kasalubong na trak hanggang sa bumangga. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang batang angkas ng motorsiklo. Kinalaunan ay nasawi na rin ang rider habang nilalapatan ng lunas. Patuloy namang nagpapagaling ang dalawa pang sakay ng motorsiklo, kabilang ang isang…

Read More

DALAGA NATIKLO SA KIDNAPPING, NAG-ASAL BALIW

ARRESTED WOMAN

(NI GUILLERMO OCTAVIO) IBINILAD ng isang bebot ang kanyang alindog sa barangay hall nang tila masiraan ulo matapos masakote nang tangkaing dukutin umano ang isang paslit sa Caloocan City, Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Karen Tiongco, 27, ng 373 San Luis, Pampanga, na itinuturong nagtangkang dumukot sa isang tatlong-taong gulang na bata sa labas lamang ng kanilang bahay sa  Barangay 31, Caloocan City. Napag-alamang alas-9 ng gabi ay nalingat ang ina ng bata at naispatan na lamang nito at ng tiyo ng biktima na hila-hila na ni Tiongco ang…

Read More

INVESTMENT MANAGER BINARIL SA PARKING LOT

(NI ROSE PULGAR) PATAY ang isang dalaga makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang biktima ay pasakay ng kanyang sasakyan, Huwebes ng gabi sa Las Pinas City. Sa pamamagitan ng identification card nakilala ang biktima na si Corina Ibias, 33, dalaga, investment manager ng Sun Life Insurance at naninirahan sa Pamploma II Subdivsion, Las Pinas City. Si Ibias ay namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente makaraang magtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo nito. Batay sa isinumiteng report ni Police Col. Segundo…

Read More

5-ANYOS PISAK SA UMAATRAS NA PICKUP

accident12

(NI SIGFRED ADSUARA) NAMATAY  ang isang 5-anyos na batang babae nang magulungan ng isang  sasakyan habang nagpa-park sa Bacoor City, Cavite. Namatay habang ginagamot sa Binakayan Hospital ang biktimang si alias Angel, ng BARS  Habay 1, Bacoor City, Cavite habang naka-hospital arrest  ang driver ng isang Nissan Navarra pick up na may plakang NED 9016 na si Elizabeth Camello, 49, may-asawa ng Yakal St., Habay II, Bacoor City, Cavite. Sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong ala-11:30 Huwebes ng gabi nang naganap ang insidente sa…

Read More

5-ANYOS PATAY, 1 KRITIKAL SA LIVE WIRE

electrocution

(NI JG TUMBADO) PATAY ang limang taong gulang na lalaki makaraang aksidenteng matapakan ang buhay na kawad ng kuryente sa masukal na lugar sa Barangay Dayhagon, bayan ng Medellin sa Cebu. Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na si Rodjie Valiente. Batay sa paunang pagsisiyasat, naglalakad ang biktima kasama ang 7-anyos nitong kaibigan na si Andre Umacob patungo sa barangay kung saan nagtatrabaho ang kanilang mga magulang. Kapwa natapakan ng mga menor de edad ang linya ng kuryente sa Sitio Bangkal ng nasabing barangay at nang marinig ng mga…

Read More

LALAKI ITINUMBA SA HARAP NG PARTNER

(NI ALAIN AJERO) TINODAS ng dalawang maskaradong salarin ang isang  construction worker sa harap ng kanyang kinakasama sa Navotas City. Nagdiwang na ng kanyang huling Pasko ang biktimang si Rhyan Cuarteros, 32, ng 142 R. Domingo St. Brgy. Tangos habang nakapuslit naman ang mga suspek. Ayon sa pulisya, natutulog ang biktima katabi ang kinakasamang si Jonalyn Tenso nang puwersahang pumasok ang dalawang suspek na kapwa nakasuot ng itim na maskara dakong alas-12:01 ng hatinggabi. Tinutukan ng baril at tinangkang kaladkarin palabas ng bahay ng isa sa suspek si Cuarteros sa…

Read More

NENE GINILITAN, SINAKSAK, ITINAPON SA SAPA

(NI NILOU DEL CARMEN) NATAGPUANG patay sa gilid ng creek sa Bauan, Batangas  ang isang 11-anyos na bata na nawawala pa mula noong bisperas ng Pasko. Sa ulat ng Bauan PNP, pasado alas 2:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Ma. Cristine Velerio sa Brgy. Bolo. Ayon kay Lt.Col. Joemar Labiano, hepe ng Bauan police, nakasuot naman ng pang-itaas  na  damit nang matagpuan ang bata, subalit nakita ang pang-ibabang saplot nito mga 30 metro ang layo sa biktima. Kaya ayon sa PNP, pinaniniwalaan nila na rape ang motibo sa krimen. Isinasailalim pa…

Read More

MAALIWALAS NA PANAHON SA BAGONG TAON ASAHAN — PAGASA

(NI KIKO CUETO) MAALIWALAS na panahon ang asahan sa pagpasok ng bagong taon, ayon sa PAGASA. Huling namataan ang Bagyong Ursula 335 kilometers west ng Zambales, at wala na itong anumang direktang epekto sa bansa. Sinabi ni PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin na sa bisperas ng bagong taon, asahan ang maaliwalas na panahon na may kaunti o mahinang buhos ng ulan sa hapon gabi. Ang Ilocos, Cordillera, at Cagayan Valley regions at ang Aurora province ay makararanas ng maulap na papawirin na may isolated thunderstorms. Ang nalalabing bahagi ng Metro…

Read More

CHRISTMAS TREE SA PLAZA NAGLIYAB

(NI KIKO CUETO) BACOLOD CITY — Nasunog ang isang Christmas tree Huwebes ng gabi sa gitna ng plaza sa bayan ng Hinigaran, Bacolod. Ito kasunod ng pag-spark ng isang wire ng Christmas lights. Agad na rumesponde at naagapan ito ng Bureau of Fire Protection (BFP). Sinabi ni Andrew Cayetano, ng BFP, dalawang araw na hindi pinailaw ang Christmas tree dahil sa ulan. Muli itong pinailaw ng alas-6 ng gabi ng Huwebes at may nakitang nag-spark at doon na nagsimula ang apoy. Agad namang naapula ng BFP ang sunog.  

Read More

2 PATAY SA LAMBANOG POISONING SA LUCENA

HINDI pa man natatapos ang imbestigasyon sa sunud-sunod na pagkamatay sa pag-inom ng lambanog, dalawa katao ang naiulat na namatay din sa pinakabagong insidente nitong Pasko sa Barangay Dalahican, Lucena. Kapwa isinugod sa pagamutan nang bumula ang mga bibig nina Arvin Jun Santiago, 34, at Dominic Torres Colegio, 29. Ayon sa Lucena City Police, alas-8 ng umaga noong Disyembre 24 nang isugod sa Quezon Medical Center ang dalawa na parehong nakaranas ng sintomas ng pagkalason tulad ng pagsusuka at pagkahilo. Martes, Disyembre 24, ng gabi namatay si Santiago, habang hapon…

Read More

MAGPINSAN NAG-CELEBRATE SA PAG-INOM NG PESTICIDE

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY- Agad dinala sa pagamutan ang magpinsang lalaki matapos uminom ng pesticide dahil sa tuwa ng dalawa na nagkabati noong araw ng Pasko matapos ang ilang taon nilang away. Nangyari ang insidente sa Barangay Malibago, sa Cateel, Davao Oriental, alas 12:30 ng tanghali, Miyerkoles. Sa ulat mula sa Compostela Emergency Respond Team (COERT), nakilala ang isa sa mga biktima na si Alex Cabanilla, 24, residente sa lugar. Mismong mga kaanak ng biktima ang humingi ng tulong sa COERT matapos malason ang magpinsan upang dalhin sa ospital.…

Read More

LASING, WALANG GAWANG MAGALING

ALAK-10

(Ni Guillermo Octavio) Sa panahon ng Kapaskuhan ay kaliwa’t kanan ang mga Christmas at New Year parties.  Laganap ang kasiyahan, pagbibigayan ng mga regalo, pagmamahalan at kainan. Syempre, kadalasan kapag may kainan, hindi  nawawala ang mga inuman, at ‘pag may inuman, tiyak na may malalasing, dahil anuman ang gawin ng sangkatauhan, hindi pa nito natalo ang espiritu ng alak kailanman. Kapag malagihay lang ang tama, may mga ginagawa ang mga nakakainom na nakatutuwa, gaya ng paghingi ng tawad sa matagal nang atraso.  Mayroon din namang nakatatawa, gaya ng pag-ihi sa…

Read More

MANHUNT!

(NI JESSSE KABEL) TULUY-TULOY ang manhunt operation laban sa isang sundalo na nag-amok at nakapatay ng dalawa niyang kasamahan at ikinasugat ng lima pa sa Sitio Banisilan, Barangay Bandaraingud, Pagayawan, Lanao del Sur. Kinilala ng Lanao del Sur PNP ang suspek na si Cpl. Nao Mohammad Lassam. Pinagbabaril ni Lassam ang mga kasamahan na sina 1Lt Mark Linne Banua at Sgt Jhankjihan Carumba ng 55th IB, Philippine Army. Ayon sa pulisya , blangko pa ang mga kasamahan ng suspek sa motibo nito kung bakit nagwala at namaril saka mabilis na tumakas…

Read More

KUNG MAY DELICADEZA SI USEC. VILLAR DAPAT MAG-RESIGN NA SIYA SA DOJ

CHRISTIAN BOMB

NABISTO, na si Justice Usec. Emmeline Aglipay-Villar, misis ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Mark Villar ang isa sa mga nag-review sa water concession contract ng mga nakaraang administrasyong Ramos at Arroyo sa Manila Water at Maynilad. Ang gobyerno ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang unang pumasok sa kasunduan na ang kontrata sa pamamahala ng Manila Water at Maynilad sa Metro Manila, Cavite at Rizal ay mapapaso sa taong 2022 at sa panahon ng dating gobyerno ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ay in-extend ang kontrata ng hanggang taong…

Read More

GISAHIN SINA SY JR. AT COYIUTO JR. SA KONGRESO HINGGIL SA NGCP

BAKBAKAN NATIN

NGAYONG mayroon tayong matapang at may ‘bayag’ na pangulo ng bansa laban sa mga oligarko mula nang mawala sa Malakanyang si Ferdinand Marcos Sr. noong Pebrero 1986, nararapat lamang na busisiin at imbestigahan nang husto ng mga kasapi ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kontrobersiya tungkol sa pagiging kasosyo ng kumpanya o consortium na mayroong kontrol sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mismong pamahalaan ng People’s Republic of China. Magandang pagkakataon itong hindi dapat palampasin ng mga senador at kongresista kumpara sa panahon nina Corazon Aquino, Fidel…

Read More