PULIS, 1 PA, DEDBOL SA BUY BUST OPERATION SA BULACAN

(NI JG TUMBADO)

DEDBOL ang isang aktibong pulis at kasabwat nitong lalaki makaraan silang makipagbarilan sa pulisya sa kalagitnaan ng buy bust operation sa San Jose Del Monte City, Bulacan, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang dalawang napaslang na sina Police Corporal Jayvee Ancho, at ang target ng operasyon na si alyas “Jun”.

Si Ancho ay nakadestino umano sa Provincial Police Office ng Bulacan Provincial Drug Enforcement Group.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil, Jr., chief of police ng San Jose Del Monte, nangyari ang engkuwentro sa Barangay Gaya-Gaya, pasado alas 10 ng gabi.

Nagawa umano ng poseur buyer na makabili ng P500 halaga ng shabu sa dalawa pero nakatunog ang mga ito na pulis ang kanilang nakatransaksyon kaya bumunot na sila ng baril at pinaputukan ito.

Agad namang nakaganti ang mga pulis kung saan napuruhan ang mga suspek na kapwa wala nang buhay na bumulagta.

Please follow and like us:
Read More

SI PIA ANG UNANG NAGBIGAY NG MOTIBO KAY MARLON

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NANG lumabas na noon pa lang September na split na sina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, kanino naman maraming natuwa, para kay Pia o para kay Marlon?

Aminin natin ang katotohanan, sa relasyon ng dalawang iyan ang talagang naging simula ay ang physical attraction. In fact, aminado si Pia na “ako ang unang nagparamdam” dahil nila-like niya ang mga pictures ni Marlon sa social media.

Pero noon pa man, marami ang pumupuna na si Pia ay kayod talaga sa kanyang pagiging isang artista, samantalang si Marlon ay abala lamang sa kanyang car racing, at kung nagmo-modelo rin naman ay hindi nga masasabing lagi. Siguro kumikita rin si Marlon bilang product endorser, pero walang dudang mas malaki ang kita ni Pia.

May kontra rin kay Marlon, lalo na noong lumabas ang katotohanan na siya pala ay mayroon nang mga anak, at may nagsasabi pang hindi niya sinusuportahan ang mga anak niya.

Ang isa pang objections, mas bata kasi si Marlon kaysa kay Pia.

On the other hand, marami rin naman ang natuwa dahil ngayong split na sila, may iba namang magkakaroon ng chances kay Marlon. Hindi naman maikakaila talaga ang kakaibang hitsura ng Filipino-Swiss car racer na noon pa mang una ay dinudumog na ng mga fans. Lalo siyang na-expose sa publiko nang maka-relasyon si Pia, at mas dumami pa ang may crush sa kanya.

In fact,  may nagsasabi ngang nabawasan ang mga endorsements ni Marlon simula nang maging syota si Pia, “kasi nabawasan ang ilusyon ng mga fans dahil may syota na siya.”

Kaninong advantage ngayon ang split?

WALANG PONDO

Simple lang ang naging paliwanag ng dating director-general ng Film Academy of the Philippines na si Leo Martinez, kung bakit pumayag silang makuha ng FDCP ang kanilang taunang Luna Awards sa taong ito. Ayon kay Leo, matagal na naman ang kooperasyon ng FDCP at ng FAP, at sa taong ito, dahil sa centennial nga ng Philippine Cinema kaya ibinigay nila sa FDCP ang Luna Awards.

May mas simple pang mensahe, wala kasing kakayahan ang FAP na itaguyod iyon. Wala na ngang pondo ang FAP.

Iyan sana ang unahin ng ngayon ay director-general na si Vivian Velez.

POGI PA RIN ANG ORIG SEX VIDEO KING NA SI HANS MOTENEGRO

Naging guest sa Unang Hirit anniversary ang isa sa mga original hosts ng show na si Hans Montenegro. Pogi pa rin si Hans, sabi nga nila. Kontrobersiyal din iyan, dahil hindi nga ba si Hans ang isa sa mga unang-unang nagkaroon ng sex video na hinanap talaga ng mga tao noon. Maraming ibang lalaki sa nasabing sex video, dahil siya nga ang pinaka pogi, at pinaka sikat, iyong video ay tinawag na “Hans Montenegro sex video”.

May mga nagbibiro nga, kung si Hans daw ay gagawa ulit ng sex video, baka talunin niya ang mga sex videos na kumakalat ngayon, kung pagbabatayan ay ang naging interest ng mga fans, lalo na ang mga beki noong kanyang panahon.

 

Please follow and like us:
Read More

COLLEGE PROFESSOR TUMALON MULA SA PICKUP VAN, UTAS

(NI BONG PAULO)

KUSANG nagpasalubong kay kamatayan ang isang college professor matapos na tumalon habang sakay sa isang pickup sa bahagi ng national highway ng barangay Binoligan, Kidapawan City, gabi nitong Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Jomar Jose, ng College of Arts and Sciences ng University of Southern Mindanao, Kabacan main campus.

Napag-alamang sinamahan lang umano ng driver ang naturang biktima dahil problemado umano ito ngunit pagdating sa nasabing lugar, agad nitong binuksan ang pintuan ng sasakyan at tumalon, pasado alas-8:00 ng gabi.

Isa sa tinitingnang anggulo sa pagpapakamatay ni Jose ay posibleng dinapuan ito ng matinding depression.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA PATAY SA ALAGANG KALABAW 

(NI JG TUMBADO)

ISANG 48-anyos na magsasaka ang nasawi matapos itong suwagin ng kanyang alagang kalabaw sa bayan ng Enrile, lalawigan ng Cagayan.

Binawian ng buhay sa ospital ang biktima na si Rosendo Calayan sa kalagitnaan ng operasyon dahil sa tinamong malalalim na wakwak sa kanyang katawan bunsod ng pagkakasuwag sa kanya ng hayop.

Nabatid sa imbestigasyon ng Enrile Municipal Police, pasado alas 7 ng umaga ng Biyernes nang maganap ang insidente sa malawak na bukirin ng Barangay Alibago kung saan iniaahon umano ni Calayan ang kanyang alagang kalabaw.

Subalit sa hindi malamang kadahilanan ay biglang nagwala ang kalabaw at dito sinuwag ang biktima.

Nagdulot naman ng pagpapanic ang mga residente sa nabanggit na barangay dahil sa labis na takot na baka sila naman ang suwagin ng nagwawalang kalabaw na kalaunan ay napagpasyahan na lamang katayin bago pa makapaminsala sa iba.

Please follow and like us:
Read More

MISTER TODAS, KA LIVE-IN SUGATAN SA MTPB MEMBER

(NI RENE CRISOSTOMO)

PATAY ang isang 39-anyos na lalaki ,habang sugatan ang ka live-in nito  matapos mabaril at mapatay nang umano’y isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) , habang nasa kasagsaan ng tulog, Biyernes ng madaling araw, sa Parola Compund sa Tondo, Manila.

Nakilala ang biktimang si Arnod Penafronda, ng Pier 4, Barangay 20 Zaragosa St., Tondo , habang nakatakas ang gunman na si Arnold Laon, miyembro ng MTPB at residente ng Gate 56 Parola Compound sakop ng Binondo.

Samantala , isinailalim naman sa interogasyon ang umano’y kasama ni Laon , na kasaukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District-Homicide Section, na si Zandro Malopa, kaanib ng Batang City Jail (BCJ), ng Purok 3 Isla Puting Bato, Tondo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Charles Duran kay P/Capt. Henry Navarro hepe ng MPD-Homicide Section , bandang alas-5:00 ng  madaling araw, nang pasukin ng gunman ang bahay ng mag live-in. Agad pinagbabaril si Penaronda sa tiyan, habang tinamaan naman ng stray bullet ang kinakasamang si Cristal Joy Bustillos , 32 anyos.

Salaysay ni Bustillos, magkatabi silang natutulog ng biktima at ang mag-iisang taong gulang nilang anak,nang makarinig ng malakas na putok ng baril ,at naramdaman na lamang  nito na may tama na siya ng bala sa paa, at nakita nitong  duguan na ang kanyang kinakasama.

Hinalang resbak ang nangyari sa krimen dahil nitong Nobyembre ay nakipag-duwelo ang biktima kay Malopa at tamaan ito sa kamay habang sa hita naman tinamaan si Malopa.

Nagkasundo naman ang dalawa sa kanilang barangay, subalit ayon sa kinakasama ni Penafronda, nagbanta umano si Malopa na gaganti.

 

Please follow and like us:
Read More

KAWANI NG DEPED, 1 PA, PATAY SA ROAD MISHAP

accident12

(NI BONG PAULO)

DALAWA katao, kabilang ang isang empleyado ng Department of Education, ang nasawi matapos masangkot sa magkahiwalay na aksidente sa bayan ng Kabacan at Kidapawan City, North Cotabato.

Sa bayan ng Kabacan, patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos mabundol ng sasakyan sa National Highway Barangay Osias, alas 4:14 ng madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Dante Ponteres Espilita, Deped staff at nakatira sa bayan President, Roxas.

Sa ulat ng PNP Traffic section, binabaybay ng biktima ang daan na lulan ng motorsiklo patungong Davao at pagsapit sa lugar ay binangga ito ng isa pang sasakyan na nakarehistro sa pangalan ng isang Mitchell Honor Ruiz.

Dahil sa lakas ng impact nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan ang guro na agad isinugod sa pagamutan pero idineklarang patay ng mga doktor.

Habang iniwan na lamang ng suspek ang kanyang sasakyan at tumakas.

Sa Barangay Sibawan Kidapawan City, dead on arrival din sa pagamutan ang motorista habang sugatan naman ang dalawang angkas nito matapos ding magsalpukan ang dalawang motorsiklo mag-aalas 10 ng gabi, ng Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Jonnie Bolud, 22, ng Magpet habang sugatan naman ang dalawang angkas nito na pawang mga menor de edad.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, binabaybay ng dalawang motorsiklo ang magkabilang lane ng Highway nang biglang napatungo ang Rusi motorcycle na minamaenho ni Bolud sa kabilang lane dahilan ng pagkabangga sa kasalubong nitong motorsiklo na minamaneho ni Roel Dangin, 40, magsasaka na residente ng Barangay Imamaling, Magpet.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima pero kalaunan ay idineklarang patay ng attending physician si Bolud.

 

Please follow and like us:
Read More

ELECTRICIAN PATAY SA KURYENTE

electrocution

(NI FRANCIS SORIANO)

PATAY noon din ang isang electrician makaraang makuryente habang nagpapalit ng ilaw sa kisame sa Mang Inasal sa Valenzuela City, nitong Huwebes.

Kinilala Valenzuela City Police Chief Col. Carlito Gaces, ang biktima na si Edito Demate, 48, ng Purok 4, Anonas St. Angeles Pampanga City.

Ayon kay Gaces, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa naturang restaurant na nasa Ground Floor ng Happy Go Shopping Mall sa lbaba St. Bignay, habang nagpapalit ng ilaw ang biktima sa kisame.

Mabilis naman isinugod sa Valenzuela Emergency Hospital subalit, hindi na ito umabot nang buhay pa.

 

Please follow and like us:
Read More

AMBULANSIYA NAHULOG SA BANGIN, DRIVER SUGATAN

accident121

(NI JG TUMBADO)

SUGATAN ang isang driver makaraan mahulog sa bangin ang minamaneho nitong ambulansiya sa Imelda, Zamboanga Sibugay Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng mga galos sa katawan ang hindi na pinangalanang driver na nasa ligtas nang kondisyon.

Sa inisyal na ulat, nabatid na pabalik na mula Zamboanga City ang ambulansiya matapos maghatid ng pasyente.

Pero pagsapit sa bahagi ng national road ng Barangay Lower Baluran ay nahulog ito sa bangin na may lalim na 30 metro.

Dahilan umano ng pagkahulog ng ambulansya sa bangin ay ang pagkakaidlip sa driver.

 

Please follow and like us:
Read More

80-ANYOS NANAY SINAKSAK NG GUNTING NG ANAK

(NI SIGFRED ADSUARA0

IMBES na magpasalamat sa pagsisilbi sa kanya ng Ina, saksak ang tugon ng isang 50-anyos na lalaki sa matanda na nitong Ina nang  hindi nagustuhan ang pagkain na inihanda para sa kanya sa Dasmarinas City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa ospital sa Dasmarinas City ang biktimang si Eliza Edradan, 80, na nasa ligtas ng kalagayan  habang hawak na ng pulisya ang anak nitong si Edwin Edradan, may-asawa ng Blk 96 Zone 10, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmarinas City Police Station, dakong alas-7:30 Huwebes ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ina kung saan galing sa labas ang biktima at pagdating ng kanilang bahay ay naghanda ang matanda ng pagkain para sa kanyang anak na noon ay bagong gising at umano’y gutom na.

Pero imbes na pasalamatan ng anak ang paghahanada sa kanya ng ina ay nagalit pa ito dahil hindi niya nagustuhan ang inihanda para sa kanya kaya kumuha ng gunting at sinaksak sa tiyan ang kanyang Ina.

Isinugod ang biktima sa ospital habang inaresto naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek  na sinasabing may deperensiya sa pag-iisip at dating nagpagamot  sa mental hospital sa Trece Martires City.

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA NAGNAKAW NG 4 KAMBING BINOGA 

crime100

(NI ANNIE PINEDA)

PANINIWALAAN buhay ng isang magsasaka ang naging kapalit sa apat na kambing na pinatay nito, matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang sugatan ang isa pa, sa probinsya ng North Cotabato.

Kinilala ang namatay na si Laping Barat, 35, ng Sinapangan, bayan ng Libungan habang sugatan naman si Lencio Paciones, 60,  residente ng Barangay Gumaga, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Libungan Police Station, dakong alas 10:00 ng umaga nang bigla na lamang paulanan ng bala ng baril ng mga hindi pa kilalang suspek ang mga biktima sa gitna ng kanilang sakahan.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na agad ikinamatay ni Barat habang dinala naman sa ospital si Paciones at nilapatan ng lunas.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad bago ang insidente, pinatay umano ng mga biktima ang apat na kambing na kumakain ng mga kanilang mga pananim sa sakahan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at inaalam ang pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PINALAKOL NG BAYAW 

crime ax 12

(NI ANNIE PINEDA)

TAPYAS ang mukha ng isang lalaki makaraan palakulin ito ng kanyang bayaw nang sitahin ng una ang huli na nag-iingay nang magtalo dahil kahoy na panggatong, iniulat kaninang umaga sa Roxas City.

Kinilala ang biktimang si Gilbert Doloroc, 34, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Ryan Frias, 33, at kapwa residente ng Barangay Salgan, Maayon, Capiz.

Batay sa report ng Maayon Municipal Police Station, naganap ang insidente sa labas ng bahay ng mag-bayaw sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, nag-iingay ang suspek sa labas ng bahay habang nagbibiyak ng kahoy na panggatong.

Dito, lumabas ang biktima at sinita ang suspek kung bakit nagrereklamo habang nagbibiyak ng kahoy.

Sa inis ng suspek dito pinalakol sa mukha ang biktima saka tumakas.

Kaagad naman dinala sa Bailan District Hospital ang biktima at patuloy na inoobserbahan dahil sa maselan nitong kalagayan.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI ARESTADO; BABAE PINUGUTAN, UTAK KINAIN

DAHIL lamang sa pagsasalita ng Ingles at dismayado, pinugutan ng isang lalaki ang babaeng kausap at kinain pa ang utak nito sa Talisayan, Misamis Oriental, araw ng Huwebes.

Kinilala ni Talisayan police chief Capt. Maribeth Ramoga ang 21-anyos na suspect na si Lloyd Bagtong, ng Brgy. Casibole.

Sinabi umano ng suspek na nagalit siya dahil hindi maintindihan ang babae sa kaka-ingles nito.

Dahil dito, pinugutan niya ang babae gamit ang bolo at iniulam ang utak nito.

Umamin ang suspek sa karumal-dumal na krimen na ginawa niya umano habang lasing at gutom.

Natagpuan ang bangkay ng babaeng biktima na walang pang-itaas na damit at suot na lang ang maong na pantalon.

Nakagapos din ang mga kamay nito.

Natagpuan naman ang bungo ng biktima sa bahay ni Bagtong.

Sasampahan ang suspek ng kasong murder at kasalukuyan na itong nakakulong sa Talisayan Police Station.

Kukonsulta naman ang pulisya sa psychiatrist para malaman ang kalagayan ng pag-iisip ng suspect.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima kaya’t hinimok ng pulisya ang mga pamilya na may nawawalang kaanak na pumunta sa Gomez Funeral Homes na pinagdalhan ng mga labi nito.

Please follow and like us:
Read More

ANG PROBINSIYANA

PROBINSIYANA

Mga walang muwang sa Maynila,  ‘wag pagsamantalahan

(Ni Guillermo Octavio)

Mula pagkabata, umaga hanggang hapon, araw-araw ay nakatitig sa punong mangga sa kanilang bakuran ang dalagang si Saturnina (‘di tunay na pangalan).

Sapul sa pagiging bulaklak hanggang sa pagiging hinog ng bunga ay nasasaksihan niya ang bunga ng kanilang puno ng mangga.

Malimit din niyang maitanong sa kanyang sarili, “Ako kaya kailan mahihinog ang kapalaran ko?  Kailan kaya ako makawawala sa nakababagot na lugar na ito?”

Tuwing magsisimba ay ipinananalangin ni Saturnina na sana ay may prinsipeng sumagip sa kanya sa kanyang ­pagkabagot sa kasalukuyang buhay.

Sa paglipas ng mga taon ay napagtanto ni Saturnina na ang tunay na buhay ay hindi kawangis ng mga alamat ng mga diwata, kung saan palaging masaya ang wakas, at ang mga pangunahing tauhan ay namumuhay ng maligaya matapos malagpasan ang mga pagsubok.

Happily ever after?

Isang araw, nang malapit nang panawan ng pag-asa si Saturnina ay may nakarating sa kanyang impormasyon na nangangailangan ng mga serbidora sa bansang Singapore, ang maliit ngunit mayamang bansa kung saan maging tubig ay ­inaangkat at maraming gatas sa mga pamilihan kahit wala kang bakang makikita.

Puno ng pananabik na nag-apply na serbidora si Saturnina at halos himatayin sa tuwa nang sabihin ng recruitment agency na siya ay nakapasa matapos magbigay ng libo-libong piso para sa training at medical fees sa mga pasilidad na pag-aari din umano ng “recruiter”.

Araw  na lamang ng pag-alis ang dapat hintayin ng dilag, at ng kanilang buong baryo na nakasagap ng “mabuting balita”.

Lingid sa kaalaman ni Saturnina, ang kailangan pala niyang ihain bilang serbidora ay ang kanyang pinakaiingatang puri at katawan.

Ayon kay Saturnina ang sabi sa kanila ng isang nagngangalang Manuel, kung hindi sila magpapahipo man lang ay wala silang kikitain at kung hindi makikipagtalik ay wala silang sasahurin.

Kapag may alak may balak

Bukod dito, obligado umano silang uminom at magpakalango kapag kasama ang kliyente, at dahil hindi naman sila sanay uminom ng alak ay pinupwersa silang ­magpakalasing.

Dito na naghinala si ­Saturnina at nakumpirma ang kanyang kutob at ng 19 na iba pang biktima ng illegal ­recruiter, ang kanilang katransaksyon nang makipag-video call ang ­“ahensya” ng ­“recruiter” sa kanilang magiging amo sa sa ­Singapore.

Nang tanggihan ni ­Saturnina at iba pang aplikante ang karima-rimarim na hanapbuhay na naghihintay sa kanila sa Singapore ay dinaluhong kanilang pinagkatiwalaang tao ang kanilang pasaporte.

Bukod dito, tinakot din silang haharanganin at iba-blacklist sila sa iba pang recruitment agencies at hindi na sila ­kailanman makaaalis ng Pilipinas.

Sigaw ng katarungan

Bunsod ng kanilang sinapit, naibulong ni Saturnina, “Uuwi ba ako sa aming lalawigan na walang taglay kundi maruming damit at kahihiyan?”

Si Saturnina na rin ang ­sumagot sa sariling tanong at kasama ang iba pang aplikanteng nalinlang ng matamis na dila ng illegal recruiter ay dumulog sa Tanggapan ng Punong Lungsod ng Maynila at sumigaw ng katarungan para sa kanilang sinapit.

Kasunod nito, dagling nagsagawa ang Manila Police District’s Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng entrapment operation kung saan pitong illegal recruiters ang inaresto.

Isinagawa ang operasyon sa APP Worldwide Recruitment Services sa Malate, Manila, at pinagdadampot ang general manager ng “kumpanya”  na si Ruben Samonte; at marketing manager na si  Evelyn Samonte.

Kasama ding binitbit sa himpilan ng pulisya ang clinic staff na sina Agnes Almoguera at  Rolando Patiag; marketing staff na si Chaz Patiag; staff na si Jocelyn Tolentino; at maging ang kanilang tsuper na si Regino Tolentino.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga pasaporte ng mga biktima at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Philippine Passport Act of 1996 dahil sa pagkuha sa mga pasaporte ng mga biktima; Presidential Decree No. 28 (illegal recruitment as a crime of economic sabotage), Article 286 of the Revised Penal Code (grave coercion), at Omnibus Revenue Code of Manila.

Hindi pa batid kung nabawi ni Saturnina at 19 pang ibang biktima ang kanilang ginugol mula sa mga manggagantso ngunit ang pagkakadakip sa mga ito ay tunay na isang hakbang palapit sa pagkakamit ng katarungan.

Please follow and like us:
Read More

4 CONTRACTOR LICENSE FOR HIRE SALOT SA BIDDING

PASABOG

GANID sa salapi ang may-ari ng apat na contractor license for hire na ito, na nag-o-operate o umiikot sa National Capital Region (NCR) at mga karatig na lugar sa hilagang Luzon at ­maging sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ganid in the sense na dahil hindi ito tumatanggap ng barya-barya mula sa lehitimong mga kontraktor na totoong namumuhunan para kumita sa legal na paraan para sa kanyang pamilya.

Hindi katulad nitong walang kaluluwa na panay hingi at hindi basta hingi, ito ay demand, at heto pa “take it or leave it policy” kapag hindi pinagbigyan sa kanilang asking price na “one is to one or one is to five hundred” ay manggugulo itong mga gonggong nang walang pakundangan.

Para ika nga suspense, with held muna nating ang mga pangalan ng apat na contractor license for hire para kung baga sa pagluluto ng manok na pinikpikan, ito ay ang Baguio recipe, na tinatawag nilang “Killing me softly” kanta ‘yan. Ngeek!

Mantakin mo, kumikita itong mga gonggong ng milyon-milyon na salapi nang walang kahirap-hirap, laway lang ang puhunan? Oh my God, forgive them for they do not know what the are doing.

Sana, sana lang hindi kayo balikan ni Mang “Karma” sige nandiyan siya sa inyong likod, kala mo lang ha. Dahil if God permits, sa kangkungan ka pupulutin. (PASABOG / Froilan Morallos)

Please follow and like us:
Read More

TEAM PILIPINAS PATULOY NA HUMAHAKOT NG MEDALYA SA SEA GAMES

BAKBAKAN NATIN

MABUHAY ang mga atletang Filipino!

Palakpakan natin ang Team Pilipinas sa ipinakikita nitong husay sa iba’t ibang laro sa ika-30 taon ng South East Asian Games (SEA Games).

Malinaw na walang kapaguran at walang tigil ang pagkakamit ng mga manlalaro ng mga medalya, lalo na ng ginto.

Kung susumahin sa pinakahuling bilang ay mahigit na 100 ang medalyang nakuha ng mga atletang Fiipino.

Nasa 50 ang ­medalyang ginto ang nakuha ng bansa.

Unang araw pa nga lang ng palaro, naungusan na ng Pilipinas ang kabuuang 24 medalyang ginto na nakuha natin sa 2017 SEA Games na ginanap sa Malaysia.

Resulta ito ng pagpupursigi ng mga ­organizer at sports officials sa ­ating mga atleta na muling makuha ang overall champion title sa SEAG na naibulsa ng Pinas sa 2005 SEA games na inilunsad din noon sa ating bansa.

Umabot sa 112 gintong medalya ang nakuha ng Pilipinas noong 2005 SEAG at maaari itong higitan sa nagaganap na 30th SEA Games.

Tingnan ninyong mabuti, unang araw  pa lamang ng SEA Games ay nalagpasan na ng Team Pilipinas ang 24 na gintong medalya na nakuha ng mga atletang Filipino noong 2017 SEA Games sa  Malaysia.

Pihadong patuloy pang nadadagdagan ang mga gintong medalya ng Pilipinas lalo na sa 14 gold medals na napanalunan sa arnis, 10 gold ­medals sa dance sports, 2 sa wushu, 2 sa gymnastics at iba pang gintong medalya na nakopo sa iba pang sports events.

At sa ikatlong araw, nakapagtala na ang Pilipinas ng 47 na gintong medalya bukod pa sa silver at bronze medals na nasungkit ng ating mga manlalaro sa iba’t ibang sports events.

Hindi na kasi nakabawi ang Pilipinas sa performance nito sa SEAG dahil noong 2017, 41 gold medals lamang ang naipanalo, 38 gold ­medals noong 2009, 36 gold ­medals noong 2011, tig-29 gold medals noong 2013 at 2015, at 24 gold medals lamang noong 2017.

Tayo ay umaasa na mababaliktad ang performance natin sa SEA Games dahil inspirado at ganadung-ganado ngayon ang ating mga manlalaro dahil sa napakalakas na suporta na ipinapakita sa kanila ng pamahalaan.

Ang magandang nagaganap sa Ika-30 taon ng  SEA Games ay kapansin-pansing ngayon lang nangyari sa ­administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong ni PHISGOC president at House Speaker Alan Peter ­Cayetano na nanguna sa pagpapagawa ng olympic standards sports venues tulad ng sports stadium at aquatic center sa New Clark City sa Tarlac.

Inihayag mismo ng mga atleta na inspirado silang makipaglaban sa kani-kanilang sports dahil sa napakalakas na suporta sa kanila ni Duterte, sa partikular, at ng mamamayang Filipino, sa pangkalahatan.

Ganado rin ang mga atletang Filipino dahil dumarayo ang mga  kababayan natin sa iba’t bang sports venues upang manood at magpakita ng suporta sa mga manlalarong Filipino.

Nagalak nang husto ang mga manlalaro sa napakagandang seremonya ng pagbubukas ng ika-30 taon ng SEA Games sa Philippine Arena noong Nobyembre 30 na sinalubong ng nakabibinging hiyawan at palakpakan ng mga manonood nang pumarada na sa entablado ang mga atletang Filipino.

Kaya naman, maging ang OCA o Olympic Committee of Asia ay napabilib sa hosting ng bansa sa SEA Games.

Kaya hinikayat ni OCA Vice President Jizhong Wei ang Pilipinas na mag-bid para sa 2030 Asian Games.

oOo

Alam ko na kayong mga mambabasa ay higit na maraming nalalaman kaysa inyong lingkod.

Kaya tawag o mag-text na sa: 0998 – 565 – 0271. (BAKBAKAN NATIN / Nelson Badilla)

Please follow and like us:
Read More

HINDI TAMANG GAWING BIRO NI DUTERTE NA MAY KRISIS SA PAGSASAMA NINA KIKO AT SHARON

CHRISTIAN BOMB

KAHIT biro, mali ang isinapubliko ni Pangulong Duterte na may problema ang pagsasama ng mag-asawang sina Sen. Kiko Pangilinan at Megastar Sharon ­Cuneta.

Ito ang buong ­litanya ni Pres. Duterte… “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko, totoo ‘yan”.

Dahil sa sinabing iyan ng Presidente, inakala nga ng publiko na may malaking problema ang mag-asawang Kiko at Sharon at dahil diyan, naobliga ang megastar na maglabas ng mga litratong masaya siya sa piling ng kanyang mister na senador at pinabulaanang may krisis na ang pagsasama nilang ­mag-asawa, at ang sabi ng megastar, nasa oposisyon daw kasi ang kanyang asawa kaya’t nagbibiro nang ganyan ang Pangulo.

Sa inis ng anak nina Kiko at Sharon na si Frankie ay nag-post tuloy ito sa social media ng mga pambabatikos sa Pangulo.

Sana, bago nag-joke nang ganyan si Pres. Duterte ay inisip niyang may mga anak nina Kiko at Sharon na maaapektuhan sa kanyang biro.

Presidente siya at anumang sabihin niya ay maaaring paniwalaan ng publiko.

At dapat isipin din ni Pres. Duterte na hindi siya kapamilya nina Kiko at Sharon kaya’t mali talaga na idaldal niya sa publiko na may malaking problema na ang pagsasama ng senador at megastar.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa, sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at ­Quezon) daw ay may mga pulis na nanghihingi ng payola sa gambling lords. Ang pangalan daw ng mga pulis na kolektor ay sina alyas “Chan” at “Uruga”… Sa Caloocan City, isang alyas “Sherwin” daw ang may pa-lotteng sa bukid area ng lungsod. (CHRISTIAN’S BOMB / Christian Hernandez)

Please follow and like us:
Read More

BULACAN LGU’s UMALMA SA PAGHARANG SA NEW MIA PROJECT

Sec Carlos Dominguez III-E

Motibo ni DOF Sec. Dominguez kinuwestiyon

(PFI REPORTORIAL TEAM)

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya at inalmahan ng hanay ng local government units (LGUs) sa lalawigan ng Bulacan ang pagkaantala ng groundbreaking ng $15-B New Manila International Airport project na nakatakda ngayong buwan dahil sa panibagong isyu umano na inilutang ni Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez III.

Ayon sa mga LGU, malaking tulong ang pagbubukas ng itatayong international airport sa bahagi ng kanilang turismo, trabaho at kabuhayan kung kaya huwag sana itong harangin ni Dominguez.

Sa panayam ng PeryodikoFilipino sa ilang mayor sa Bulacan na nakiusap na huwag banggitin ang kanilang pangalan, nagpahayag ang mga ito ng pagdududa sa tunay na motibo ng pagharang umano ni Dominguez sa benepisyo ng modernisasyong ipapasok sa kanilang bayan.

Matatandaan na nito lamang nakalipas na Linggo, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nakabinbin sa Department of Justice (DOJ) ang concession agreement sapagkat may ilang isyu na kailangang linawin ang DOF, partikular na ang ‘wording at interpretation’ sa terms ng proyekto matapos makakuha ang San Miguel Corporation (SMC) ng notice to proceed noong Setyembre 18.

Sa kabila nito, umaasa si Tugade na matutuloy ang groundbreaking ceremony para sa inaasahang solusyon upang lumuwag ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at magkaroon ng solusyon sa patuloy na pagsikip ng paliparan.

Nitong nakarang taon, nagpahayag ng kanyang ‘reservation’ si Dominguez sa proyekto kung saan idinahilan nito ang New Clark City na may 55 kilometro ang layo sa pagtatayuan ng modernong paliparan.

Kamakailan naman ay napaulat na inilutang nito ang paglilinaw sa interpretasyon ng ‘material adverse government action’ (MAGA) at hangganan ng pananagutan ng gobyerno sa proyekto.

Ang MAGA ay sumasaklaw sa kompensasyon ng concessionaire sa pagkakataong magkaroon ng negatibong epekto sa proyekto ang aksyon ng pamahalaan.

“Pinaghahandaan na namin ang pagtatayo ng international airport sa aming lugar. Excited kaming sumabay sa posibleng oportunidad na ihahatid nito sa aming bayan. Maging ang aming urban planning ay isinasaalang-alang na namin,” ayon sa isang lokal na opisyal sa unang distrito ng Bulacan na nakasasakop sa pagtatayuan ng mismong paliparan.

Samantala, inamin naman ni SMC President and Chief Operating Officer Ramon S. Ang na delayed na ang groundbreaking ceremony at huli na sila sa schedule sa konstruksiyon ng NMIA dahil naka-hold pa ito.

Matatandaan na isinara ng DOTr ang Swiss Challenge matapos na walang ibang kompanya ang nagbigay ng alok upang itayo ang P735 bilyong bagong paliparan, maliban sa SMC kaya dito ipinagkaloob ang “Notice of Award” na nagpapahintulot na mamuhunan, magdisenyo, gumawa at magpatakbo sa NMIA.

Base sa disenyo ng NMIA na nauna nang inilabas sa media, ito ay may tatlong dobleng kapasidad kumpara sa NAIA. Lalatagan ito ng apat na runway kung saan kayang lumipad at lumapag ang apat na eroplano nang magkakasabay, walong taxiways, tatlong passenger terminal na may kapasidad na mula 100 hanggang 200 milyon kada taon. Mayroon din itong kapasidad na makapagparada ng aabot sa 240 na eroplano bawat oras at ikakabit dito ang 8.4 kilometrong expressway na lalabas sa North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Marilao, Bulacan.

Please follow and like us:
Read More