PEKENG PSC EMPLOYEE HULI SA REKLAMO NG 6 SA ‘SEA GAMES’ 

(NI ROSE PULGAR)

ISANG 48-anyos na lalaki na nagpakilalang kawani ng Philippine Sports Commission (PSC) ang naaresto makaraang tangayin ang salapi ng anim na katao na kanyang pinangakuan ng trabaho sa nagaganap na South East Asian (SEA) Games na katumbas ng malaking sahod, Martes ng hatinggabi sa Makati City.

Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe  ng Makati City Police, ang nadakip na si Rhoderick Malubago na nakatira sa no. 1224 Batangas St. Barangay San Isidro.

Ayon kay Simon, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin ng kanyang mga tauhan si Malubago sa kanyang tirahan sa Batangas St. bunsod sa reklamo ng mga biktima.

Batay pahayag nina Marlina Azur, 59, Roland Palapus, 34, Lorenze Manigbas, 33, Grace Garalde, 56, Arlene Magaso, 35 at Ronald Bellen, 34 na pawang mga taga Sansibar, Barangay San Isidro, nakuhanan sila ng tig-P10,000 ng suspect kapalit ng pangako na bibigyan sila ng trabaho sa nagaganap na SEA games at sasahod sila ng P20,000 bilang mga messenger.

Ayon pa kay Col. Simon, nakuhanan din ng P10,000 ng suspect ang ilang mga biktima ng sunog sa Makati kaugnay sa proyekto umanong pabahay at lupa ng PSC para sila ang unang makinabang subalit huli na nang matuklasan nilang nalinlang pala sila ni Malubago.

Pagdating sa himpilan ng pulisya, itinanggi ng suspect ang alegasyon laban sa kanya ng mga biktima.

Subalit hindi naman naniwala ang mga awtoridad sa kanya at ito ay ikinulong at sasampahan ng kasong estafa thru swindling sa Makati Prosecutor’s Office laban dito.

 

Please follow and like us:
Read More

KULANG NA LANG ISUMPA SI JOMARI YLLLANA

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

MAY  bago na namang pahayag ang ex-girlfriend ni Jomari Yllana na si Joy Reyes laban sa aktor ang this time, mas matindi ang mga pananalita niya’t kulang na lang ay isumpa niya ang dating karelasyon at ama ng kanyang dalawang anak na sina Ayrton and Fangio Yllana.

“Every single moment you spend with your other woman, let it be known that those moments are supposed to be spent on your sons. Wherever you are, whatever you do, whatever time it is, let everyone who sees you, disgustingly stares at you knowing that you are preferring to be with your other woman than to be with your own children.

“Common sense and a humane heart will tell you that you don’t need the technicality of the law to know that if you’re the one who convinced someone to give up her job for you, you have the moral accountability to help her get it back or at the very least, assist her while she is fixing the damages that you caused. Pagreresignin mo, tatanggalan mo ng trabaho tapos iiwan mo at gusto mo bahala na sya mamrublema sa Mga personal na kailangan nya habang nagwawaldas kayo ng babae mo.

“SO SANA, PAGKATAPOS DUMAAN NG SPORTSCAR NINYO SA DAAN NA NAGKUKUNWARING MATUWID AY DUMERETSO NA RIN ITO SA IMPYERNO… KASAMA NG MGA MAKAKATING BABAENG NANINIRA NG PAMILYA AT MGA BABAERONG NAPAKAHUSAY MAGSINUNGALING… NAPAKAHUSAY MAGPABAYA AT NAPAKAHUSAY NA MANALBAHE…. IKAW NA!!! IKAW NA ANG PINAKATANGANG PADRE DE PAMILYA SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS!!!!” ang mahabang pahayag ni Joy sa kanyang Instagram account.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas si Joy ng kanyang sama ng loob kay Jomari. Last week ang una niyang rebelasyon kung saan ay sinabi niyang nag-cheat ang aktor sa kanya at hindi sinusustentuhan ang dalawa niyang anak.

Up to now ay nananatiling tahimik si Jomari tungkol sa akusasyon ng dating karelasyon.

 ‘SHE’S THE CENTER OF MY LIFE’

Taus-puso kaming nakikiramay kay Boy Abunda at sa kanyang pamilya sa pagyao ng kanyang pinakamamahal na ina na si Licerna “Lesing” Romerica Abunda. She was 90 years old.

Ang kapatid ni Kuya Boy na si Eastern Samar Congresswoman Maria Fe Abunda ang unang nag-anunsyo ng malungkot na balita sa Facebook account nito in Waray. Nakasaad dito na pumanaw ang kanilang ina last Sunday, December 1.

Matatandaang matagal nang may sakit ang ina ni Kuya Boy at ito talaga ang kanyang laging ipinagdadasal at iniiyak.

Last October ay ipinagtapat ni Kuya Boy sa Bottomline na ilang weeks nang nasa hospital si Nanay Lesing.

“She’s the center of my life and I hope she’s not suffering. ‘Yun lang naman ang gusto ko sa nanay. She’s turning 91 in January, huwag lang masaktan,” ang pahayag ni Kuya Boy that time.

Sinabi rin niyang hindi niya raw alam kung paano siya mabubuhay kung wala ang kanyang ina.

“I will be honest, I don’t know I’m going to live my life without the presence of my mother. Pero katulad ng maraming sugal sa buhay ko, susuungin ko, because that’s the only way,” pahayag niya.

Alam naming napakasakit nito kay Kuya Boy kaya dasal namin ay maging matatag siya sa matinding dagok na ito sa kanyang buhay.

 

Please follow and like us:
Read More

PLANONG PAG-ATAKE NG TERORISTA NAUNSYAMI

NPA

(NI JG TUMBADO)

NAUNSYAMI ang planong paghahasik ng terorismo ng ISIS terror linked na Dawla Islamiyah (DI) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilang mahahalagang pasilidad sa Central Mindanao makaraang madiskubre at masabat ang malalakas na uri ng pampasabog ng militar.

Narekober ng mga sundalo ang nasa labing dalawang ibat ibang home made explosive devices sa kalagitnaan ng surgical operations laban sa nabanggit na teroristang grupo sa bulubunduking bahagi ng Shariff Saydona Mustafa.

Ayon kay Major Gen. Diosdado Carreon, commander ng 6th Infantry Division at pinuno ng Joint Task Force Central (JTFC), kabilang sa mga nakumpiska ang mga Improvised Explosive Devices o IED, ibat iba rin na uri ng armas, at ilang mga bomb-making equipment.

Sa Barangay Pamalian, Shariff Saydona, ay hiwalay na nakuha ang high powered armalite rifles na may mga bala, improvised bombs na yari sa hand grenade at nakakabit sa live 81 mm mortar at iba pang sangkap sa paggawa ng IED.

Sinabi ni Carreon na gagamitin umano sa pag atake sa ibat ibang lugar sa Maguindanao at ilan pang mga kalapit na lalawigan ang mga pampasabog.

Batay sa intelligence report, ang mga bomba ay gagamitin at ipakakalat sa mga lansangan ng Maguindanao at mga matataong lugar sa Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.

Please follow and like us:
Read More

NA-CHECKPOINT: BARIL, P4-M CASH SA BODYGUARD NG KAPA FOUNDER

(NI KIKO CUETO)

DAVAO CITY — Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki na umano’y bodyguard ni Kapa founder Pastor Joel Apolinario.

Nakuhanan ng baril at mga bala sa checkpoint ng Task Force Davao at Bunawan Police Station habang papasok ng Davao City si Edilberto Naupan, 44, ng Bislig, Surigao del Sur.

Nagprisinta naman ito ng dokumento para sa kanyang dalang baril.

“Wala siyang maipakitang papeles sa dalang baril. Nang i-check natin ang kanyang sasakyan nakuhanan din ito ng mga bala at maraming pera. Nagpakilala rin siyang bodyguard ni Kapa founder Pastor Joel Apolinario,” ayon kay Police Major Noel Villahermosa, station commander ng Bunawan Police Station.

Nakuha naman sa kanyang sasakyan ang 13 bala ng .45 kalibreng baril, limang box na may lamang 77 piraso ng bala ng .22 long rifle.

May dala ring walong bundle na tig-P500,000 si Naupan na nagkakahalaga lahat ng P4 milyon.

Sa report, sinabi umano ni Villahermosa, na ang pera ay ‘pay out’ di umano ni Naupan ang nasabing pera mula sa KAPA investment scheme.

Nanubok din ang suspek na bayaran ng P6,500 si Police Corporal Alicer Cañete para hindi na siya hulihin.

Nasa kustodiya na ng Bunawan Police Station ang suspek.

Inaalam din ng Bunawan Police sa National Bureau of Investigation (NBI) Region XI kung kasama si Naupan sa mga kinasuhan ng kasong syndicated estafa.

 

Please follow and like us:
Read More

SHARON IIWAS SA UMIINIT NA PULITIKA NG BANSA

(NI ED DE LEON)

“MUKHANG mapapaaga nga yata ang retirement ko,” ang may halo pang pagbibirong post ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account matapos na mag-post siya ng dalawang pictures ng mga bahay na may snow sa paligid.

Sa nauna niyang post ng isang malaking puting bahay, na may mga dekorasyong pamasko at napapalibutan ng snow, sinabi niyang iyon ang pangarap niyang buhay, iyong manirahan sa isang lugar na hindi pa niya nararating at may snow kung panahon ng winter.

Nauna roon, nilinaw ni Sharon na maayos naman ang pagsasama nila ng asawang si Kiko Pangilinan, taliwas sa sinasabing sinabi raw ni Presidente Duterte na gusto na niyang palayasin ang kanyang asawa sa kanilang bahay.

Sinabi niyang kung sinabi nga iyon ng kanyang “Tatay Duterte” hindi niya alam kung saan iyon nakuha ng Pangulo.

Hindi rin naman siguro makapag-react nang husto si Sharon dahil hindi maliwanag kung sinabi nga iyon ng Presidente o kung ganoon nga ang pagkakasabi niya. Marami ang nagtataka na kung sinabi nga iyon ng Presidente, bakit nga ba hindi nakuha ng mas malalaking networks, at wala iyon sa kanilang inilabas na speech ng Pangulo sa parehong okasyon?

Wala rin namang nag-post ng video mismo ng statement na iyon.

Pero siguro hindi nga maikakaila na umiinit na ang sitwasyon sa pulitika, at nararamdaman na rin naman iyan ni Sharon, kaya siguro gusto na muna niyang mangibang lugar habang hindi pa favorable sa kanila ang sitwasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

CPP-NPA CHILD WARRIOR PATAY SA SAGUPAAN

(NI JESSE KABEL)

KINONDENA ng liderato ng 4th Infantry ‘Diamond’ Division Philippine Army ang paggamit ng mga batang combatant ng Communist New People’s Army sa kanilang armadong pakikidigma .

Ayon kay MGen Franco Nemesio Gacal, Commander ng  4th ID, inihatid ng CPP-NPA kay kamatayan ang batang rebelde  na kinilalang si , Litboy Talja Binongcasan, 16, mula  Sitio Shiohan, Brgy. Malinao, Gingoog City, Butuan City.

Base  sa impormasyong ibinigay ni Maj. Regie Go ng Division Public  Affair Office chief ng Army 4th ID; unang nakasagupa ng mga operatiba ng 23rd Infantry ‘Masigasig’ Battalion, 402nd Infantry ‘Stingers’ Brigade, 4th Infantry ‘Diamond’ ang isang grupo ng mga armadong miyembro ng NPA sa  Sitio Salvacion, Brgy Manila de Bugabos, Butuan City na naging dahilan ng kamatayan ng batang gerilya.

Nabawi sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang AK-47 rifle, isang M16A1- rifle, isang M16A1- RMC rifle, limang civilian backpacks, dalawang  bandoleers, anim na magazines para sa  AK-47 rifle, limang  magazines ng M653 rifle at mga subersibong dokumento.

Pinapurihan naman ni MGen Cacal, Commander pinuno ng 4th ID  ang kanyang mga tauhan.

Please follow and like us:
Read More

KANO NA BANK EXEC NAGBIGTI SA CONDO

suicide12

(NI MAC CABREROS)

MASUSING ngayon ng awtoridad ang pagkamatay ng isang Amerikano na sinasabing nagbigti sa loob ng tinuluyang condominium sa Mandaluyong City.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi ng Lunes nang matagpuan ang bangkay ni Szymon Radziszewicz, 45, operation coordination specialist ng Asian Development Bank, na nakabitin sa loob ng One Shangri-La Place Condominium South Tower Level 61, Stairwell 10, Fire Exit, Interior Road, Brgy Wack Wack, Mandaluyong City.

Nadiskubre ni Joel Bulatao, security guard, na may nakapulupot na strap na kulay abo sa leeg ng biktima at nakatali sa steel pipe. Agad nitong ipinagbigay-alam sa kanyang nakatataas na opisyal na siya namang nakipag-ugnayan sa pulisya ganap alas-10:30 ng gabi.

Kinordon ng mga nagrespondeng awtoridad ang lugar at nagsagawa ng malalimang pagsusuri sa bangkay at maging sa mga bagay o gamit para makakuha ng mga karagdagang ebidensya na magreresolba sa kaso.

Kasabay ng pangangalap ng karagdagang impormasyon o ebidensya, nakatakdang isailalim sa autopsiya ang bangkay para malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay o mabatid kung nagpakamatay o sinadyang pinatay ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

DAHIL SA BAGYONG TISOY; ILANG EVENTS SA SEA GAMES, INILIBAN

ILANG events sa Southeast Asian Games ang iniliban ngayong Martes dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy.

Alas-11 ng umaga, ang mga sumusunod na event ay ipinagpaliban:

SUBIC CLUSTER
• Beach Volleyball (moved to Dec. 4)
• Canoe, Kayak, Traditional Boat Race (moved to Dec. 6-8)
• Muay (moved to Dec. 4-8)
• Pencak Silat (moved to Dec.4)
• Sailing/Windsurfing (moved to Dec. 5)
• Modern Pentathlon (moved to Dec. 5)
• Surfing (moved to Dec. 4)
• Sepak Takraw (moved to Dec. 4)

SOUTHERN LUZON CLUSTER
• Underwater Hockey (moved to Dec. 4, subject to actual conditions)
• Skateboard (moved to Dec. 4, subject to actual conditions)
• Polo (moved to Dec. 4, subject to actual conditions)

METRO MANILA CLUSTER
• ESports (training schedule moved to Dec. 4)

CLARK CLUSTER
• Petanque (moved to Dec. 4)

Hindi pa rin maisapinal ang bagong schedule sa  wakeboarding, golf at iba pang  aquatic events, ayon sa post sa  SEA Games 2019 official Facebook page.

Itinuloy naman ang iba pang  sports competitions tulad ng mga sumusunod:

SOUTHERN LUZON CLUSTER 
• Cycling
• Indoor Hockey
• Netball

METRO MANILA CLUSTER
• Floorball
• Badminton
• Fencing
• Football
• Gymnastics
• Tennis
• Weightlifting
• Wushu
• Volleyball

CLARK CLUSTER
• Rugby 7s
• Archery
• Arnis
• Athletics
• Wrestling
• Kurash
• Baseball
• Softball
• Lawnbowls
• Dancesport
• Water polo

 

Please follow and like us:
Read More

DANIEL MALABO PANG PAKASALAN SI KATHRYN

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MALABO pang pakasalan ni Daniel Padilla ang girlfriend na si Kathryn Bernardo. Bagama’t umamin na rin sila finally sa kanilang relasyon, sinabi ni Daniel na marami pang mga bagay na kailangan nilang ihanda para sa kanilang kinabukasan.

“Kung bilyonaryo na nga ba ako eh di kahit na bukas magpapakasal na ako. Kaso hindi eh. Marami pang mga bagay na kailangang paghandaan. Hindi naman puwedeng basta ganoon lang iyon,” sabi ng actor.

CALOY YULO ROCKSTAR NG SEA GAMES

Sa ngayon, para talagang rockstar si Caloy Yulo sa SEA Games. Siya ang pinagkakaguluhan matapos na manalo ng sunud-sunod na gold at maging qualified sa Olympics sa Tokyo sa susunod na taon. Pero hindi pa lumalaro ang mga basketball players ng bansa.

Oras na lumaro na ang mga basketball players ng bansa, aba mas marami riyan ang tinatawag nilang “hotlethes”. Tiyak na mas magkakagulo ang mga fans, pero hindi naman yata libre ang tickets pagdating sa basketball.

Anyway, diyan natin malalaman kung sino ang kanilang pinagpapantasyahan talaga.

 

Please follow and like us:
Read More

HITMAN INUTAS NG KATROPA

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang hitman na siya ang itutumba ng kanyang kasamahan at barilin habang nakatalikod, Lunes ng gabi sa General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Al Sadam Saybel , ng Maasim Sarangani Province.

Batay sa report ng Glan-PNP, dakong alas 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Purok Basak, Barangay Tapon Glan, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle pauwi sa kanilang bahay nang sundan ng kanyang kasama na sakay ng motorsiklo saka pinagbabaril na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, naabutan pa nila ang biktima na nakasuot ng maskara at nakuha mula sa bag nito ang isang .45 kalibre na baril na may silencer at mga magazine ng mga bala.

Nagpapatuloy naman ang follow-operation ng mga awtoridad laban sa mga kasamahan ng biktima na pinaniniwalaan grupo ng gun for hire.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS ITINUMBA PAGBABA NG PAMPASAHERONG VAN 

crime43

(NI ANNIE PINEDA)

DUGUAN na bumulagta ang isang misis nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek pagkababa mismo sa sinakyan nitong pampasaherong van, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Surigao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Analyn Surita Dahunog, 36, ng P-7, Brgy. Quirino, Madrid, Surigao del Sur.

Batay sa report ng Madrid Municipal Police Station, naganap ang insidente malapit lamang sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, galing Tandag City ang biktima at sumakay ito ng pampasaherong van pauwi at pagkababa nito agad siyang nilapitan ng suspek at binaril ng dalawang beses na agad nitong ikinamatay.

Mabilis naman tumakas ang suspek at kasama nito na nagsilbing look-out ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan.

Paniwala ng mga awtoridad, matagal nang sinusubaybayan ng mga mag suspek ang biktima hanggang magkaroon ang mga ito ng pagkakataon at naisagawa ang pagpatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMA GINILITAN

(NI JESSE KABEL)

MISTERYO pa rin sa mga awtoridad ang motibo sa mag-amang ginilitan ng leeg habang natutulog sa loob ng bahay sa Capitol Hills, Brgy. Central, Mati City. Ayon sa Mati City Police Office, hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nanloob sa mag-amang  sina Wenceslao Noval Sr., 74, dating empleyado ng Department of Agrarian Reform at ang anak nito na si Wenceslao Noval Jr., 50.

Sa pagsisiyasat, himbing na natutulog ang mag-ama nang biglang dumating at ang mga hindi nakilalang mga lalaki at agad na ginilitan ang mga biktima.

Tumakas ang mga suspek matapos ang krimen  .

Inaalam naman ng mga otoridad kung may mga nawalang gamit at ari-arian ang mga biktima o anumang bagay na maaaring makatulong para matukoy ang motibo g mga salarin.

Kapwa dinatnan ng mga kapitbahay na wala nang buhay ang dalawang biktima.

Please follow and like us:
Read More

500K EVACUEES SA BICOL REGION, INILIKAS

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa halos kalahating milyon ang bilang ng mga residenteng inilikas sanhi ng pagragasa ng bagyong Tisoy sa Bicol  Region.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5 na siyang nagsilbi bilang first responders matapos manalasa si Tisoy, pumalo na sa 455, 232 hanggang nitong alas-5:00 ng umaga ng Martes ang mga inilikas sa 2,880 na  mga evacuation center sa nasabing  rehiyon partikular  sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, Camarines Norte at Sur gayundin sa Sorsogon at Naga City.

Nabatid din na may dalawang casualties ang naitala dulot ng bagyo, kung saan 1 ang patay matapos na makuryente sa Libmanan habang 1 naman ang sugatan sa Polangui matapos bagsakan ng puno.

Kinilala ng Libmanan Municipal Police Station (MPS) sa Camarines Sur ang nasawi na si Marco Paolo Ursua, 33, vendor, ng Centro B, Brgy. Loba-Loba ng nasabing bayan.

Inaayos umano ng biktima ang bubong ng kanilang bahay pasado alas-10:00 ng umaga nitong Lunes bilang paghahanda sa bagyo nang dumikit sa yero ang isang damaged live wire na naging dahilan ng pagkakakuryente nito.

Dahil sa lakas ng kuryente dumausdos ito sa kanal malapit sa kanilang bahay, kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Samantala nasa 52 bayan at mga lungsod naman ang iniulat na nawalan ng kuryente sa Bicol sanhi ng bagyong Tsioy habang nasa 4,093 na mga pasahero sa mga pantalan  ang istranded.

Bagama’t walang naitalang matinding pinsala sa mga gusali at kabahayan, nasa 20 naman ang mga kalsada sa rehiyon ang iniulat na nalubog sa baha.

 

Please follow and like us:
Read More

RESIDENTE NG MAYNILA SA COASTAL AREAS PINALILIKAS

(DAHLIA S. ANIN)

PINALILIKAS na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng Maynila nakatira sa coastal area dahil sa banta ni bagyong Tisoy.

Ang mga residente ng Baseco, Isla Puting Bato, Aroma at Happyland ang ilan sa mga pinalilikas dahil sa posibleng storm surges. Pansamantala silang sisilong sa mga evacuation centers sa kanilang mga lugar.

Alas 11 ng gabi noong Lunes nang mag-landfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon, ayon sa Pagasa at posibleng magdala ito ng malakas na hangin at ulan sa Metro Manila.

“Ayon sa Pagasa, baka lumakas ang bagyo patungo sa Maynila,” ani Moreno.

Sa ngayon ay taglay ni Tisoy ang hangin na nasa 175kph at bugso na umaabot sa 240kph.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG TISOY NAPANATILI ANG LAKAS, NASA S. QUEZON, MARINDUQUE, ROMBLON

NAPANATILI ng bagyong Tisoy ang lakas at nasa bahagi ng ng Bondoc Peninsula sa kasalukuyan.

Nabatid sa 8AM weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Quezon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa Pagasa, ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nananalasa at naghahatid ng napakalakas na hangin  at malalakas na pag-ulan sa Southern Quezon, Marinduque, at Romblon.

Sa loob ng susunod na tatlong oras ang ‘eyewall’ ng bagyo ay makaaapekto na sa Cavite, Batangas at sa norther portion ng Mindoro Provinces.

Maari din itong muling tumama sa kalupaan o ‘di kaya ay dumaan sa bahagi ng Marinduque-Simara Island-Banton Island bago mag-tanghali.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:

– Camarines Sur
– Albay
– Camarines Norte
– Masbate including Ticao at Burias Islands
– Romblon
– southern portion ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Catanauan, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres)
– Marinduque
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Batangas
– Cavite
– Laguna

Tropical cyclone wind signal number 2 naman sa:
– Catanduanes
– Sorsogon
– Metro Manila
– Bulacan
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
– Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Zambales
– Pangasinan
– Northern Samar
– Aklan
– Capiz
– Northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao)
– Northern Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Btad, San Dionisio, Sara, Concepcion, Lemery)

Tropical cyclone wind signal number 1 sa:
– Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones and San Agustin)
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Ilocos Sur
– La Union
– Quirino
– Nalalabing bahagi ng Aurora
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran)
– Eastern Samar, Samar, Biliran, northern Negros Oriental (Canlaon, Guihulngan, Vallerhermoso)
– northern Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Bacolod, Murcia, Salvador Benedicto, San Carlos, Bago, Pulupandan, Valladolid, La Carlota, San Enrique, Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla)
– Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands)
– Nalalabing bahagi ng Antique
– Nalalabing bahagi ng Iloilo
– Guimaras
– Leyte

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat at alerto.

Please follow and like us:
Read More

3 GOLDS SA CYCLING, DUATHLON

(NI ANN ENCARNACION)

TATLONG ginto ang inambag ng pambansang koponan sa cycling at duathlon sa pagsisimula ng ikalawang araw (Lunes) ng 30th Southeast Asian Games kahapon.

Ginulat ni Lea Denise Belgira ang mga kalaban nang sungkitin nito ang kanyang unang gintong medalya sa women’s downhill sa Tatlong Bungo sa Barangay Niyugan,  Laurel, Batangas.

Hindi inasahan ng marami ang panalo ni Belgira lalo’t ito ay una pa lamang na pagsabak niya sa women’s downhill event sa biennial meet.

Noong Linggo ay kabilang siya sa mga nagpartisipa sa mountain bike cross country ngunit hindi pinalad na manalo.
Hindi rin nagpaiwan si John Derick Farr nang hablutin ang ginto sa men’s downhill, habang ang kanyang kakampi na si Eleazar Barba ang kumuha ng silver para sa 1-2 finish para sa Pinoy cyclists.

Hindi naman naging balakid kay Asian elite champion Monica Torres ang pananakit ng tiyan para kunin ang gold sa sa women’s duathlon sa Subic Bay Boardwalk.

Tinapos ni Torres ang 10km run-40km bike-5km run sa loob ng dalawang oras, walong minuto at 44 segundo.

“Expected ko na malakas yung bike ko pero yung totoo naisuka ko lahat ng nutrition and gels ko,” pagtatapat ni Torres. “Malaking tulong po yung mga tao na sumusuporta kaya inisip ko na lang na I will not let them down.”
Ibinalik ang run-bike-run event sa 30th SEAG sapul nang huli itong isagawa noong 2007 sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.

Samantala sisimulan ngayong araw (Martes) ang mga kompetisyon sa Billiards, Bowling, Canoe Kayak, Fencing, Muay Thai, at Skateboarding.

Please follow and like us:
Read More

SUNDIN ANG A,B,C NG DIABETES (2)

diabetes-4

(Ni Mac Cabreros / Huling labas)

SINASABING ang pinakaepektibong paraan sa pangangalaga at pagmamantina sa kalusugan ng tao ay ang pagkontrol sa pagkain na sinasabayan ng regular at tamang pag-eehersisyo at pag-inom ng mga iniresetang gamot.

Ayon sa mga eksperto, pag-aralan at alamin ang ABC ng diabetis, kaya’t gumawa ng karampatang hakbang para makontrol at sumanggguni sa health care team.

Kabilang sa mga payo: kumain lagi nang regular sa oras. Ang sobrang pagtaas o sobrang pagbaba ng lebel ng asukal sa dugo na karaniwang nararanasan kung may sakit na diabetes ay maaaring maiwasan kung kakain sa takdang oras.

Halimbawa, ang oras ng almusal ay nakapako sa alas-7 ng umaga sa bawat araw, ang tanghalian ay alas-12, at hapunan ay ipako naman sa alas-7 ng gabi sa bawat araw.

Dapat bawasan ang pagkaing may mataas na carbohydrates gaya ng asukal, kanin at tinapay. Maiging palitan o kumain ng oats, pasta, whole-grain na tinapay, kamote, at mais. Dagdagan ng protina, fiber at omega 3 fats ang mga kinakain.

Ang binabawas na carbohydrates sa pagkain ay makabubuting palitan ng mga pagkaing mayaman sa protina gaya ng manok, isda, puti ng itlog, gatas, mani, gulay at prutas Mag-ehersisyo araw-araw.  Epektibo ang paglalakad ng 45 minuto sa bawat araw.

Nababawasan ang taba sa katawan at manatili ang lebel ng asukal sa dugo.

Bukod sa mabantayan ang dami ng asukal sa mga kinakain. Mahalaga rin uminom ng sapat na tubig. Iwasan din ang matatamis na inumin gaya ng softdrinks at pagkaing sobrang tamis gaya ng cake at chocolate.

Huwag manigarilyo at mamuhay sa happy lifestyle o iwas sa buhay na puno ng pagkabagot o stress.

Ayon sa mga eksperto, dapat iwasan ang pagkaing may mataas na glycemic index gaya ng kanin (puti) dahil mataas ang tsansang magkaroon ng diabetes ang malakas kumain ng kanin. Mas maganda kung brown rice dahil nagtataglay ito ng fiber at magnesium.

Para Type 1 dapat iwasan ang pagkaing mataas sa carbohydrates na mabilis maabsorb ng katawan. Say NO sa nakakatakam na pagkain gaya ng cake at pastries. Iwasan din ang softdrinks, energy drinks, café, fruit juice, raisins at palm oil.

Sa diet therapy,  mahalagang nasa tamang oras ang pagkain. Sundin ang iskedyul. Huwag pumalya o i-delay dahil nagdudulot ito nang biglaang pagtaas sa blood su­gar level. Kumain ng fiber-rich foods gaya ng gulay at prutas. Iwasan ang sobrang alat. Huwag uminom ng sobrang alcoholic gaya ng alak.

Kung may mga pagkaing bawal, mayroon ding pagkaing inirerekomenda ng mga dalubhasa. Kabilang sa 10 Kumainments ang beans at gulay gaya ng spinach dahil siksik sa bitamina ang mga ito, kamote, kamatis, citrus fruit gaya ng orange, grapefruit at lemon, nuts, whole grains, milk yogurt na mayaman sa calcium at vitamin D at isdang mayaman sa omega-3 fatty acid gaya ng salmon.

Ayon pa sa mga dalubhasa, ang diabetes ay siyang sanhi ng pangungulontoy sa ‘manoy’ ng mga kalalakihan; pagkakasugat na hindi guma­galing lalo sa paa na kadalasan ay pinuputol para hindi lumala at nagpapalala sa sakit sa hypertension at atake sa puso.

Dagdag ng mga dalubhasa: walang gamot sa diabetes. Tataglayin habambuhay ito ninuman. Kaya maigi na iwasan ang mga bawal kundi ugaliing gawin at isapuso ang mga nararapat na hakbang para magkaroon ng normal na buhay. Kesa laging mag-injection ng insulin at lumagok ng tableta. Ika nga: Prevention is better than cure. Tara sama-sama tayong humakbang para sa ating kalusugan.

Please follow and like us:
Read More

SERYE NG KIDNAPPING SA PASAY, FAKE NEWS?

(NI AMIHAN SABILLO)

PINABULAANAN ng Philippine National Police (PNP) ang report na mayroong serye ng kidnapping sa bahagi ng Pasay, na kalimitan sa mga kinukuha ay mga bata base na din sa nagkalat na text at post sa social media.

Ayon kay PNO Public ainformation Office (PIO) Chief Brig.Gen. Bernard Banac, fake news ang lahat at malinaw na walang basehan.

Sinabi pa ni Banac na “tungkol doon sa mga kumakalat sa social media na diumano may mga abduction ng mga kabataan nais po natin pabulaanan ang mga kumakalat na fake news na ito at wala pa pong basehan at hindi ito validated.”

Gayunman, iba-validate ng PNP ang mga post sa social media at text na kanilang matatanggap kasabay ng pakiusap sa publiko na isulong sa pulisya ang anumang report upang ma-check kung tunay o fake news sa halip na i-post agad sa social media.

Paliwanag pa ni Banac na “nananawagan tayo sa lahat ng mga concerned biktima o pamilya ng mga biktima na dumulog kaagad sa pinakamalapit ng police station upang maimbestigahan at huwag pong i-upload kaagad, huwag ipagkalat kung hindi naireport pa sa ating police station para magkaroon ng basis ang ating mga pulis, ma-validate ang information. ”

Katunayan umano ay sinusuri na ng PNP ang nakunan sa CCTV na insidente umano ng abduction sa bahagi ng Pasay. “May mga report na mga missing person, pero walang validated na kidnapping, baka po mga naglayas o kaya ay nagtanan, maliban lang sa isang kaso kung saan nakuhanan ng CCTV ang ginawang pagdukot,” pahayag pa ni Banac.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Banac na bumuo na rin ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Pasay PNP sa pangunguna ni  Pasay Police Col Bernard Yang na silang tututok sa lahat ng insidente ng umano’y kidnapping habang ang cyber patrol na  Anti Cybercrime Group (ACG) ang nakatuon sa pagmo monitor sa lahat ng communication sa social media para sa pagtukoy  sa fake news at hindi.

Isa rin umano sa tutukuyin ang original na nagpost sa Facebook ng sinasabing serye ng kidnapping

Please follow and like us:
Read More

CARGO TRUCK BUMAGSAK SA BAHAY; 3 MAG-AAMA, PATAY, 9 SUGATAN

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA)

TATLONG miyembro ng isang pamilya, kabilang ang apat na taong gulang na bata, ang nasawi habang sugatan naman ang siyam na iba pa matapos na mabalaho sa kalsada ang isang cargo truck at magtuluy-tuloy na dumausdos sa mga kabahayan sa Zamboanga del Norte.

Nangyari ang insidente nitong Linggo bandang alas-7:20 ng gabi sa kahabaan ng National Highway sa Sitio Lipubo, Limpapa, Sibuco, Zamboanga del Norte, na ikinasawi ng mag-aamang  sina Dwayne Santiago, 4, James Bryan Santiago, 18-anyos, at Rodolfo Santiago, 60, ng Sitio Lipuno, Barangay Limpapa, Sibuco sa nabanggit na lalawigan.

Ginagamot naman sa Labuan Public Hospital Medical Center ang mga nasugatan na sina  Zyramae Santiago, 11 buwang gulang; Allan Jailani; Domiciano Roxas Estenzo, 60; Roceny Calago Marcial, Sherry Jane Bulalang Estenzo, 8; Sarah Jane Bulalang Estenzo, 29; Mary Rose Estenzo Reso-Or, 37; Delmar Estenzo Reso-or, 8 at Roderick Guevara Estenzo, 4.

Bahagya namang nasugatan si Jayson Tejeros De Leon, 35, driver ng cargo truck, na ngayon ay nakakulong sa Sibuco Municipal Police Station (MPS) at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injuries.

Sa ipinarating na ulat ng Police Regional Offcie (PRO) 9  sa Camp Crame, patungo sana ang trak na minamaneho ni De Leon sa Zamboanga City nang aksidenteng mabalaho sa kalsada at mawalan ng kontrol hanggang sa magtuluy-tuloy na bumulusok sa mga kabahayan na nasa  ibabang bahagi ng gilid ng kalsada kungsaan napuruhan ang bahay ng pamilya Santiago at Entenzo.

 

Please follow and like us:
Read More

NAKABABAHALA ANG ‘CHINESE IMPERIALISM’

BAKBAKAN NATIN

MANIWALA kayo o hindi, umiiral ang “Chinese imperialism” sa Pilipinas.

Noong 2009, nagkaroon tayo ng Republic Act No. 9511 na ang nilalaman ay 25-taong concession contract at 50-taong prangkisa upang patakbuhin ng isang kumpanya ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang R.A. 9511 ay tungkol sa sistema ng elek­trisidad sa Pilipinas.

Sa batas na ito, nagkaroon ng 40 porsiyentong direktang pag-aari ang pamahalaan ng China, sa pamamagitan ng State Grid Corporation of China (SGCC).

Lilinawin ko po na ang pagpasok sa NGCP ng SGCC ay hindi pagpasok ng isang pangkat ng mga negosyanteng Intsik, kundi mismong pamahalaan ng China, sapagkat pag-aari at kontrolado nito ang SGCC.

Sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay muling nakapasok ang isang kumpanya ng pamahalaan ng China dahil kasosyo ito ng Dito Telecommunity (dating Min­danao Islamic Telephone Company Inc. o Mislatel).

Ang Dito ay ang ikatlong telecommunications company na nagsisimulang ilatag ang punda­syon nito sa buong bansa upang tapatan at talunin ang Globe Telecoms ng pamilya Ayala at Smart

Communications na pinamamahalaan ni Manny Pangilinan sa ngalan ng Salim Group of Companies ng Indonesia.

Pag-aari at kontrolado ang Dito ni Dennis Uy, sa pamamagitan ng pag-aari niyang Udena Corporation at Chelsea Logistics Corporation.

Isa pa sa may-ari ng Dito ay ang China Telecommunications Corporation na pag-aari ng pamahalaan ng China.

Ang online gambling ng mga sugapa sa sugal sa China ay multibilyong industriya ngayon sa Pilipinas na tinawag na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Marami na ring Intsik na nagbilihan ng malalawak na lupain sa Pilipinas.

Maging sa ilegal na negosyo tulad ng prostitusyon ay nakalusot na rin sa bansa.

Pawang babaeng Instik at parokyanong Intsik ang pasok sa prostitusyong ito.

Kahit sa industriya ng konstruksyon ay mayroon na ring mga manggagawang Intsik.

Nagaganap ang lahat ng ito habang agresibong inaangkin ng pamahalaan ng China ang West Philippine Sea (WPS).

Kahit unti-unting nakapagtatayo ng mga pasilidad ang China sa sakop ng WPS ay hindi natatakot ang pamahalaan ng bansang ito na agresibong ilar­ga ang engrandeng plano nito laban sa mga Filipino.

Kitang-kitang ipinagtatabuyan ng mga sundalong Intsik ang mga ma­ngingisdang Filipino na mangisda sa mga karagatang hindi maitatangging bahagi ng WPS, ngunit hindi ipinagtatanggol ni Pangulong Duterte.

Malinaw na malinaw ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ng China kung paanong itinatanim at pinalalakas ang imper­yalismong China sa Pilipinas.

Pinapasok at namumuhunan ang pamahalaan ng China sa mga estratehikong industriya sa bansa.

Unti-unting makokontrol at masasakal sa leeg ang Pilipinas dahil sa itinayo nitong mga negos­yo sa sinasabi kong estratehikong industriya sa Pilipinas tulad ng elektrisidad at telekomunikasyon.

Kakaiba sa Amerika ang pagpapakalat ng China ng kanyang imperya­lismo.

Hindi ipinakakalat ng pamahalaan ng China ang imperyalismo nito, sa pamamagitan ng pa­ngungumbinsi sa mga Filipino hinggil sa konsepto ng pangmatagalang digmaang  bayan upang maitayo ang pamahalaan ng mga manggagawa at magsasaka sa Pilipinas tulad ng ginawa ng Chinese Communist Party (CCP).

Hindi nito kinukumbinsi ang mga Filipino na higit na mainam ang lipunang sosyalismo kaysa lipunang kapitalismo.

Nakaaalarma nang husto ang ginagawang pagpapakalat ng Chinese imperialism sa bansa.

Kailangang imbestigahan ito ng Kongreso bago maging solido ang imperyalismo ng China sa Pilipinas.

Kailangang magkaroon ng malalimang imbestigasyon hinggil sa lumalakas na pagkakapuwesto ng Chinese imperialism sa bansa upang maipamukha kay Pangulong Duterte ang sobrang kaluwagan niya sa China.

oOo

Alam ko na kayong mga mambabasa ay higit na maraming nalalaman kaysa inyong lingod.

Kaya, tawag o magtext na sa: 0998 – 565 – 0271. (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

MEDIA NA MAKABAYAN, MEDIA NA MAKABAYAD

NIPIS

BILANG isang le­hi­timong miyem­bro ng media, masakit mabasa sa social media na marami sa mga mamamahayag na naglalabas ng iba’t ibang isyu kaugnay sa mga kapalpakan ng mga namumuno sa Southeast Asian Games 2019 ay pawang bayaran.

Nakakapikon talaga at halos kumulo ang dugo ng mga totoong mamamahayag na nagko-cover sa SEA Games kapag inakusahan ng mga opisyales ng Philippine Sea Games Organizational Committee na mga binayaran sa halip na magpaliwanag ang mga ito kung bakit may mga kapalpakan at pagkukulang ang kanilang pamunuan sa kaganapan.

Hindi naman po ang mga mamamahayag ng Pilipinas ang unang naglabas at nagpakita ng mga kapalpakan at kakulangan ng pamunuan na namamahala sa SEA Games. Hindi po ba ang mga atleta mula sa ibang bansa ang naglabas sa kanilang social media account ng kanilang karanasan sa kung paano sila sinalubong, hinarap at tinanggap ng mga Pilipino bilang bisita?

Dapat, ang sinisi ng mga namahala sa SEA Games o ng PHISGOC ay ang social media at hindi nag-akusa kaagad na lumabas ang issue dahil sa mga bayarang media na silang nagpapakalat ng mga pagkakamali sa paghawak ng 30th SEA Games.

Masakit para sa mga mamamahayag na naglabas ng isyu bilang trabaho nila at hindi upang upakan ang PHISGOC para pagkaperahan. Sana, bilang mga opisyal ng pamahalaan, hindi sila naging balat-sibuyas at sa halip ay sinagot ang bawat bato ng akusasyon.

Bilang mamamahayag, karamihan ay kinukuha naman ang magkabilang panig bilang pagsunod sa code of ethics na pagiging fair and just in writing issues. Hindi lang maganda ang pagtanggap ng maraming opisyal ng SEA Games dahil batid nilang mayroon talaga silang pagkukulang.

Sinong matinong mamamahayag ba ang nais na masira ang sari­ling tahanan para lang makakuha ng balita? La­ging nag-iisip muna bago tumipa lalo’t batid ng mga ito na maganda ang layu­nin ng SEA Games batay sa motto nitong “We Win As One.”

Umiiral pa rin sa dugo ng karamihang mamamahayag ang pagiging makabayan. Pero dahil sa naglabasang issue, hindi muna inisip ng maraming opisyal ng pamahalaan at maging ng mga mamamayan na mabilis mag-akusa na ang isyu ay mula sa mga bayarang media.

Sa totoo lang, kung wala namang talagang palpak na nakita ang mga dayuhan, wala namang maglalabasang isyu. Pero dahil kumalat, mabilis na nag-react si Pangulong Rodrigo Duterte at nag-utos ng imbestigasyon.

Paano nga naman, napakalaki ng budget na itinalaga para sa okasyon dahil inaabot ng ilang taon bago ulit mapunta sa Pilipinas ang pamamahala at paggaganapan ng SEA Games.

Mabilis si PHISGOC chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na mag-akusa sa mga mamamahayag na binayaran at tinakot pa na magsasampa ng libelo dahil sa paninira sa mga pahayagan sa isyu ng SEA Games.

Sino ba ang nag-aalaga ng mga bayarang media? Hindi ba ang mga opisyal na katulad mo?  Ang mga opisyal ng pamahalaan na may inaalagaang pangalan? May inaalagaang proyekto? May hinihintay na pangyayari at higit sa lahat ay yung mga tumatakbo sa eleksyon?

Baka lang nakalimutan ng speaker ng mababang kapulungan na noong mga unang buwan ng taon, nagpalabas siya ng mga artikulo sa ilang pahayagan na handang-handa ang PHISGOC sa paghawak at pamumuno sa SEA GAMES kaya nga kung mga nangya­ring kapalpakan, dapat humingi na lang siya ng paumanhin at inayos ang mga nagawang kamalian at hindi ituturo media na silang may kasalanan dahil mga bayaran.

Sa palagay ko, marami pa rin ang makabayang media na handang ilabas ang katotohanan sa mga kaganapan. Ang mga mamamahayag na makabayad ay yung mga nakahawak lang ng celfon at may nakuhanang pagkakataon at ipapakalat na kaagad.

Masasabing makabayad din iyong mga gumagawa ng fake news o issues para lang masira ang partikular na tao o grupo dahil sa hindi magandang motibo. (NIPIS / LEA BOTONES)

Please follow and like us:
Read More