BAKIT ALAM NI PDU30 NA GUSTONG PALAYASIN NI SHARON SI SEN. KIKO?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI naman daw totoong gusto nang palayasin ni Sharon Cuneta ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan sa bahay nila. Mismong si Sharon ang nagsabi niyan.

Pero, hindi rin naman maliwanag kung sinabi nga ni Presidente Digong iyon. Magtataka ka rin eh, kasi nalaman iyon nang mag-react na ang anak ni Sharon na nasa Amerika. Sa dami ba ng reporter sa Pilipinas walang makapapansin kung may sinabing ganoon si Presidente Digong? Nakuha raw ng CNN, pero bakit walang ganoong report ang ABS-CBN, ang GMA, o ang TV 5, na lagi ring nakatutok ang coverage sa presidente.

Sa totoo lang nagtataka kami sa kuwentong iyan ha.

HOLLYWOOD STARS MAKAKASAMA NI COCO SA ANG PROBINSIYANO

Nagulat kami roon sa napanood naming video ng isang interview kay Coco Martin mula sa Rome, kung saan may promo sila ng kanilang mga programa na napapanood sa TFC. Sinabi niyang totoo, nakikipag-usap na sila sa ilang Hollywood stars na makakasama niya sa Ang Probinsiyano.

Isipin ninyo, iyong wala pang dalawang oras na pelikula ni FPJ, napahaba na nila nang apat na taon, ngayon sasamahan pa nila ng Hiollywood stars. Maliwanag na ang idea ng show ngayon ay hindi na original na mula sa pelikula ni FPJ. Talagang malaking bagay na hanggang ngayon nakalagay ang pangalan ni FPJ doon sa title ng Probinsiyano. Tribute na nila iyon sa original na Cardo Dalisay, pero hindi ba kung minsan unfair na rin iyon kay Coco dahil kailangang manatili siya sa ilalim ng anino ni FPJ ganoong siya na ang gumagawa ng Probinsiyano?

Maaari mo ngang sabihing siguro sa ngayon, maliban sa title at doon sa pangalan ng character, iyang Probinsiyano na napapanood ninyo sa tv, kay Coco Martin na iyan. Iyon nga lang ang masakit, dahil pinili niya noong una na gumamit ng palabas ng isang mas malaking artista, ang hirap makakawala sa anino noon.

Siguro hindi naman hihingin ni Coco na alisin na ang pangalan ni FPJ sa kanyang programa. Aba masasabi ngang malaking pagkakataon din iyong magamit ng kanyang show hanggang sa ngayon ang pangalan ng isang showbiz legend sa Pilipinas. Talaga namang isang alamat si FPJ kung ang pag-uusapan ay ang industriya ng pelikula dito sa ating bansa. Wala naman talagang makakapantay sa lahat ng kanyang mga nagawa.

Iyong Probinsiyano ay isa lang sa mga ginawa ni FPJ. Marami pang iba.

 

Please follow and like us:
Read More

INJECTABLES NA GAMOT GALING THAILAND NASABAT SA NAIA

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo ang assorted medicine at injectables dala ng isang pasahero na walang permit  o clearance mula sa Food and Drug  Administration (FDA).

Batay sa report, hindi nakuha ang pagkakilanlan ng pasaherong dumating sa NAIA terminal 3 mula Bangkok,Thailand sakay ng Cebu Pacific flight 5J 930.

Ayon kay Customs NAIA district collector Mimel Talusan, nadiskubre ang nasabing  gamot  nang idaan sa x-ray scanning ang bagahe at nakita ang imahe ng mga gamot .

Matapos ang eksaminasyon ng mga tauhan ng Customs, nakuha sa bagahe ang 67 bottles of Thai FD Supplement, 1 box Diane Ot 35, 70 boxes Estradiol Valerate Injection USP, 9 boxes Hyles 100, 40 packs Destrodiot Benzoate Inj., 100 packs Estrofem 2ml, 100 packs Progynova 2ml, 20 foils OC-35, 50 foils Duoton Fort Ampule and 25 boxes Prolition Depot, nang walang maipakitang health permit.

Ayon pa kay Talusan, walang maipakita ang may-ari o pasahero ng clearance o kaya ay permit to import dahilan upang kumpiskahin ito kasabay sa pag-turnover ng mga ito sa opisina ng FDA para sa masusing imbestigasyon.

Please follow and like us:
Read More

12-ANYOS ARSONIST NALAMBAT

kabacan north cotabato

(NI BONG PAULO)

NADAKIP ng pulisya ang isang 12-anyos na suspek sa panununog sa ilang mga establisimyento sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Disaster Risk Reduction and Management Head David Don Saure, may witness umano na nakakita sa naturang bata na may dalang plastic at lighter bago ang insidente ng sunog.

Nabatid na abot sa pitong mga establisimyento ang nasunog simula gabi  hanggang kaninang madaling araw.

Kabilang sa mga nasunog ay ang Bahay Buko, dakong alas-7:30 ng gabi at abandonadong bahay na pag-aari ng Orpiano family (pasado alas-8:00 ng gabi) na kapwa nasa Barangay Osias.

Ang limang iba pa ay nasunog kaninang madaling araw sa Poblacion na kinabibilangan ng Manolette Bakeshop, Pritong Manok, Corpuz Patilan, Cake’s by Lial at isang space for rent na stall.

Ayon kay Fire Inspector Albert Lagura ng BFP Kabacan, umaabot sa P2.233 milyon ang kabuuang danyos sa pitong magkakahiwalay na sunog.

Maituturing na arson ang insidente dahil sa intensiyon na pagsunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya at BFP ang motibo sa sunog maging ang kasabwat nito.

 

Please follow and like us:
Read More

P500-M NG OFWs NAKULIMBAT; NOTORIUS SCAMMER NAARESTO

(NI CYRILL QUILO)

NAARESTO ng CIDG Regional Field Unit 4-A ang isang negosyante na may 5 counts ng estafa nitong Nobyembre 29 sa Brgy. Mavalor, Rosario Batangas.

Ayon sa report ni Pol.Maj.Russel Dennis Reburiano kay Calabarzon Regional Director PBGen.Vicente Danao Jr.,nagsumbong sa pulisya ang biktimang si Patrick Norman Algenio na nag invest ng P10 milyon sa kompanya ni Elpidio Tanaliga Jr. na ALMASAI Finance and Investment Corp. dahil sa pangakong 5% interest nito buwan-buwan.

Ilang OFW din ng Saudi Arabia ang hinimok ng suspek na sumali sa Sangguniang Masang Pilipino International Inc.(SMPII) at magkakaroon din ng investment sa ALMANSAI Finance and Investment at umabot ng halos P500 milyon ang nakolekta.

Sa bisa ng warrant of 5 warrant of arrest ,naaresto si Tanaliga;

1.CC No. R-QZN-‎‎18-14278-CR issued by Hon. Ralph S Lee, Judge, RTC Branch 83, Quezon City dtd Nov 13, 2018 with recommended bail of ₱120,000.00;
2. CC No. R-QZN-‎‎19-07875-CR issued by Hon. Caridad M. Walse-Lutero, Judge, RTC, Quezon City dtd Jun 6, 2019 with recommended bail of ₱48,000.00;
3. CC No. M-QZN-‎‎19-02181-82-CR issued by Hon. Joel Socrates S Lorena, Judge, MTC Branch 33, Quezon City dated Mar 6, 2019 with recommended bail of ₱18,000.00;
4. CC No. M-QZN-‎‎19-02180-82-CR issued by Hon. Joel Socrates S Lorena, Judge, MTC Branch 33, Quezon City dated Mar 6, 2019 with recommended bail of ₱ 18, 000.00;
5. CC No. ‎‎19-00294 issued by Hon. John Boomselley Rodolfo, Judge, MTC Branch 38, Quezon City dated Jan 1, 2019 with recommended bail of ₱ 18,000.00.

Sinampahan sa Batangas Prosecutors Provincial Office ang suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 dahil sa pagdadala ng ilegal na armas.

Hinihikayat ng pulisya ang ilan pang nabiktima ng scammer na magsumbong sa pulisya.

Please follow and like us:
Read More

SEA GAMES ATHLETES MAY MGA SEX VIDEO

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

DAHIL Sea Games ngayon Tito Kc, ang natsi-tsismis naman ay ang mga athletes na kasali sa SEA Games na may mga nakikitang sex videos. Alam mo naman nakikiayon din sila sa panahon.

Nakita namin ang isang self sex video ng isang volleyball player. Kung sa bagay sinasabi nila na matagal na niyang ginawa iyon. Hindi naman namin maintindihan kung bakit siya gumagawa nang ganoon.

Mayroon ding sex video ang isang basketball player, pero hindi naman yata siya kasali sa ating team sa SEA Games dahil hindi ko siya masyadong naririnig ngayon.

Palagay ko marami pang lalabas niyan. Mukhang tinatalo ng mga athletes ang mga artistang hubadero.Years ago, ang nakita lang namin sy photo scandal ng isang sikat na basketball player, kasama ang isang movie reporter. Kuha mo iyon Tito KC?

 

Please follow and like us:
Read More

PNP OFFICIAL INAMBUS PAGLABAS NG HEADQUARTERS

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa natutukoy na salarin ang isang police official sa Calamba City, Laguna, Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Police Lt. Ramil Gonzalez, sa ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Batay kay Police Major Dexter Domingo, deputy chief of police ng Calamba City, pinagbabaril si Gonzales ilang saglit nang makalabas ito ng Provincial Police Headquarters sa Camp Vicente Lim sa Barangay Mayapa makaraang dumalo ito sa Officer’s Basic Course training pasado alas 8:30 ng gabi ng Linggo.

Naisugod pa sa Global Care Hospital si Gonzales subalit binawian din ng buhay sa kalagitnaan ng operasyon.

Sinabi ni Domingo na may “person of interest” na sila kaugnay ng krimen subalit tumanggi na itong pangalanan habang nasa proseso pa sila ng imbestigasyon.

Inaalam din ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng paglikida sa police official.

Please follow and like us:
Read More

GUNMAN SA RADIO ANNOUNCER KILLING, ARESTADO NA

(NI JESSE KABEL)

TIWALA ang  Tacurong City PNP at Presidential Task Force on Media and Security na susunod na babagsak sa kamay ng batas ang mastermind sa pagpatay kay Benjie Caballero, radio announcer at station manager, na binaril noong Oktubre.

Patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng Presidential Task Force on Media and Security, sa pangunguna ni Undersecretary Joel Egco, katuwang ang pulisya sa sinasabing gunman na nadakip ng mga awtoridad.

Nabatid na nasa kustodiya na ng mga otoridad ang gunman sa pamamaril at pagpatay sa mamamahayag na si Benjie Caballero Station Manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City.

Matatandaan na binaril at napatay ang biktima ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola habang itoy naghihintay ng tricycle sa harap ng kanyang bahay sa Sampaguita Street Tacurong City noong Oktubre 30.

Isang buwang nakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Saint Louis Hospital sa nabangit na siyudad bago ito inilipat sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City at doon na ito binawian ng buhay.
Batay sa impormasyon, tumagos ang dalawang bala na tumama sa kanyang baga na pinaniniwalaang dahilan ng kaniyang pagkasawi at agad na inilibing  ito ng kaniyang mga kaanak sa Barangay Inas sa M’lang, North Cotabato, ayon sa tradisyong Islam.

 

Please follow and like us:
Read More

LIQUOR BAN

liquor ban12

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Tisoy, ipinagbawal sa bayan ng General Luna sa lalawigang ito ang pag-inom ng alak simula Lunes hanggang Miyerkoles.

“Selling and consumption of alcoholic beverages are prohibited starting Dec. 2 until Dec. 4,” ani Mayor Matt Florido sa kanyang order na nakasaad sa Municipal Advisory na kanyang inilabas Lunes ng umaga

Sa panayam sa telepono, ipinaliwanag ni Florido na mahirap umanong magsagawa ng anumang “pre and post disaster activities” kapag lasing ang kausap.

“Kalimitan kasi kahit umuulan (at may bagyo) ay nag-iinom ang tao,” ang katwiran ng alkalde kung bakit siya nagpalabas ng nasabing utos.

Binigyang-diin pa niya na kapag nagbigay ng dikretiba ang “operation center” ng kanilang disaster risk reduction and management office “ay dapat nasa wastong pag-iisip ang mga tao at wala sa impluwensya ng alak”.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng levels sa public at private schools sa nasabing bayan hanggang Miyerkoles.

Ipinagbawal din ni Florido ang pagpapalaot sa Tayabas Bay ng lahat ng bangka dahil sa mapanganib na banta ng panahon at muli lang makapaglalayag ang mga sasakyang-dagat kapag nagpalabas ang munisipyo ng bagong order.

Ang bayan ng General Luna ay binubuo ng 27 barangay at may kabuuang populasyon na 26,500.

Please follow and like us:
Read More

MINIBUS TUMAGILID; 26 SUGATAN

(NI AMIHAN SABILLO)

AGAD naisugod sa pagamutan ang nasa 26 pasahero matapos bumagsak patagilid ang sinasakyan nilang minibus sa national highway na sakop ng Sitio Sandayong, Barangay Liko, Sogod, Cebu.

Ayon kay Police Staff Sergeant Raymund Bacordo ng Sogod Police station, patungong Cebu City ang minibus na may sakay na  40 mga pasahero, kabilang ang driver nito at dalawang konduktor nang mangyari ang aksidente dakong alas 2:00 ng madaling araw ngayong Lunes.

Napag-alaman na may lima sa 26 na sugatan ang nasa malubhang kalagayan bunsod ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod ang mga ito sa  Cebu City Hospital para malapatan ng lunas habang ang mga bahagyang nasaktan ay dinala sa Sogod District Hospital.

Sa paunang imbestigasyon, binilisan umano ng driver na si  Edgar Munez Atendido, 44, ang takbo  para mag-overtake sa isang bus sa kaniyang harap subalit nawalan umano ito ng kontrol dahilan para mawala ito sa balanse hanggang tumagilid ito nang tuluyan.

Mahaharap si Atendido sa kasong multiple physical injury at damage to property.

 

Please follow and like us:
Read More

SIGNAL NO. 3 ITINAAS SA 6 LALAWIGAN SA BAGYONG TISOY

(NI KIKO CUETO)

UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga lugar kung saan nakataas ang Signal Number 3, ayon sa Pagasa.

Patuloy ang banta ng malakas na hangin at buhos ng ulan na magpapabaha sa mabababang lugar sa bansa.

Malakas na ulan ang asahan sa Bikol, Samar at Biliran.

Matinding ulan din ang asahan sa Northern Cebu, Northern Negros Island, Dinagat Islands, Siargao Island, at natitirang bahagi ng Eastern Visayas.

Ramdam din ang ulan sa Romblon, Mindoro provinces, Samar, Eastern Samar at Calabarzon.

Dito sa Metro Manila, makararanas din ng matinding buhos ng ulan lalo na sa mga lugar kung saan idinaraos ang Sea Games.

Maging sa Central Luzon, Cagayan at Isabela.

Nakataas ang Signal No. 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Southern portion ng Camarines Norte (Daet, San Vincente, San Lorenzon Ruiz, Basud, Mercedes), at sa Burias Islands.

Kabilang naman ang Metro Manila sa Signal No. 2 maging sa Bulacan, Bataan, Pampanga, Eastern portion ng Nueva Ecija (Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, San Antonio, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Tinio, Palayan, San Leonardo, Cabiao, San Isidro, Gapan, Peñaranda).

Gayundin sa Southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan), Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, natitirang bahagi ng Camarines Norte, Masbate kasama ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.

Nasa Signal Number 1 naman ang

Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin), Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quirino, natitirant bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac, Zambales.

Kasama rin ang Calamian Islands, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, northern part ng Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, Manapla, Murcia, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City),  Northern Cebu (Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands).

Maging ang Metro Cebu (Balamban, Toledo City, Pinamungahan, Aloguinsan, Naga City, Talisay City, Cordova, Minglanilla, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City, Consolacion, Liloan, Compostela, and Danao City), Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands at Siargao Island.

Aabot naman sa 500 barangays sa 14 siyudad sa Metro Manila ang posibleng bahain dahil sa bagyo.

Pinayuhan ang mga residente na lumikas na.

Tiniyak naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na nilinis nila ang mga sewerage.

“Pagdating sa mga sewerage natin, ang sabi ko nga summer pa lang pinaghahandaan na ‘yan, araw-araw naman ‘yan. Hindi tayo nagpapahinga diyan. May darating mang bagyo o wala laging nalilinis ‘yan ng ating team sa flood control,” sinabi nito.

Sinabi naman ng Philippine Coast Guard-NCR na nagpakalat sila ng mga tauhan sa Baseco hanggang sa Malabon.

Samantala, aabot na sa 5,327 pasahero ang na-stranded sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol at Eastern Visayas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG TISOY INAASAHAN SA TUBIG SA ANGAT DAM

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT pinsala ang dulot ng bagyong Tisoy, steady na supply naman ng tubig para sa summer ang positibo nitong ihatid para sa mga residente ng Metro Manila.

Ayon sa National Water Resources Board(NWRB) inaasahan nilang makatutulong ang bagyong Tisoy para madagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam,ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nanatiling mababa sa 189 meters ang water level ng dam, kulang pa ito ng 16 meters para maabot ang normal operating level na 205 meters.

Sinabi ni David na umaasa silang mapupunan ang kakulangan ng tubig sa dam sa hatid na pag-uulan ng bagyong Tisoy.

“Itong bagyong Tisoy, kahit may pangamba sa mga epekto nito sa mga kababayan natin, sa punto naman po ng water supply e makakabuti po ito kung saka-sakali,” paliwanag ni David.

Ang Angat Dam ang syang pangunahing nagsusupply ng tubig sa Metro Manila.

Una nang sinabi ng NWRB na kung hindi madaragdagan ang tubig sa dam ay asahan na ang kakapusan ng tubig pagsapit ng buwan ng Marso hanggang Mayo, gayunpaman, maganda ang forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) sa bagyong Tisoy na magdadala ng pag-uulan sa Bulacan at Pampanga kaya positibo ang ahensya na makatutulong ito para maibsan ang problema sa supply ng tubig.

 

Please follow and like us:
Read More

6 HULI SA P5-M SHABU

(NI KOI HIPOLITO)

MAHAHARAP ngayon ang anim na suspek sa mga hiwalay na kaso ng paglabag sa violation of Sec.5 at 13 of Art.2 ng RA 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act. of 2002 matapos maaresto sa inilatag na drug buy-bust operation ng mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasay City police station bandang alas-2:30 ng hapon ng Linggo sa Diokno Blvd., Brgy.76, Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Nasrip Aiman, 25, Rakiin Benito, 40, Noe Ababa, 30, Abdul Didagon, 25, Florando Capistrano, 20 at si Erickson Alueta, 36.

Base sa report ni SDEU Chief PCapt.Deni Mari Pedrozo kay Pasay City police chief PCol.Bernard Yang, nakipagtransaksyon ang isang undercover agent na poseur buyer sa target ng operasyon na si “Nasrip” nakabili umano ng isang transparent plastic sachet na may shabu na nagkakahalaga ng P3,560

Nasamsam sa posisyon ng mga suspek ang 10 piraso ng knot tied transparent plastic sachets na may shabu at may bigat na 800 grams at nagkakahalaga ng P5,400.000, isang small transparent plastic sachet, digital weighing scale, 3 pcs. plastic bottle ng For x, 7 bundle ng unused medium transparent plastic sachets, notebook at isang sasakyan na Toyota Fortuner na kulay itim na meron conduction number na VB3815.

Nakakulong na ngayon ang anim na suspek sa opisina ng SDEU sa Pasay City habang nakatakdang dalhin sa SPD Crime Laboratory ang mga nakumpiskang iligal na droga.

 

Please follow and like us:
Read More

BUS NAHULOG SA BANGIN; 28 PASAHERO LIGTAS

(NI KIKO CUETO)

DEL GALLEGO, Camarines Sur — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 28 pasahero ng Philtranco bus na nahulog sa bangin sa Andaya Highway, Barangay Magais, nang itulak ng malakas na hangin mula sa Bagyong Tisoy.

Sa report, sinasabing galing sa Pio Duran, Albay ang Philtranco bus at patungo sana sa Maynila nang mangyari ang aksidente alas-11 ng gabi.

Sinabi naman sa imbestigasyon ng Del Gallego Municipal Police Station, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng bus dahilan para dumulas ang gulong sa highway at mahulog sa bangin.

Malakas ang ulan sa lugar dahil sa bagyong Tisoy.

Nahirapan naman ang mga rescuers dahil sa taas ng bangin.

Nataon din na madulas at maputik rin ang pagbaba dito.

Winasak ng mga pasahero ang bintana sa likuran ng bus at ang windshield upang makalabas sila.

Ang mga sugatan ay isinugod sa Ragay District Hospital sa Ragay, Camarines Sur.

Dalawang senior citizen na pasahero ng bus ang nagtamo ng grabeng sugat habang ang iba naman ay minor injury lang ang tinamo.

Ilan sa mga nakaligtas ay mga teachers mula sa Bato, Camarines Sur na dadalo sana sa isang convention sa Maynila.

Kinilala naman ang driver na si Marlon Borromeo.

Kwento niya, sobrang madilim sa lugar at hindi maayos ang mga warning signs sa road reblocking.

 

Please follow and like us:
Read More

MGA KALABAN DINOMINA NG GILAS WOMEN, MEN

(NI DENNIS IÑIGO)

IMPRESIBO ang simula ng kampanya ng Philippine women’s 3×3 basketball team makaraang talunin ang tatlong nakalabang koponan kahapon sa Arena, San Juan City.

Kabilang sa mga tinalo ng Gilas Women ang Myanmar, 21-4; Malaysia, 15-13, at Indonesia, 16-13.
Itutuloy ng Gilas Women na kinabibilangan nina Afril Bernardino Janine Pontejos, Jack Animam, at Clare Castro, ang kanilang laban ngayon (Lunes) sa pagpapatuloy ng elimination round kung saan makakalaban nila ang Vietnam sa alas-9:20 ng umaga, kasunod ang Thailand sa alas-1-:40 ng umaga bago ang semifinals round na magsisimula sa alas-2 ng hapon.

Tiniyak naman ni Bernardino na hindi magiging sagabal ang natamong injury sa right thumb sa laban kontra Indonesia sa magiging laro niya ngayong araw.

“Kumikirot pa rin siya pero siguro hindi ko na iniisip yung sakit kasi lahat naman kami pinagtrabahuan yung event na ‘to, pinaghandaan talaga namin ‘to,” paniniyak niya. “Hindi ito reason para mag-give up.”

Samantala, na-sweep din ng Gilas Men 3×3 team ang unang apat na laban nila kahapon.

Walang kahirap-hirap na tinalo ng team nina  CJ Perez, Jason Perkins, Mo Tautuaa at Chris Newsome ang kanilang mga nakalabang Vietnam, 21-15; Thailand, 21-10; Indonesia, 21-17; at Myanmar, 21-10.

Gaya ng Gilas Women, tatanggkain ng Gilas Men na makaabante sa semifinals ngayong umaga kontra Malaysia sa ala-11:20, bago harapin ang Cambodia sa 12:20 ng tanghali.

Please follow and like us:
Read More

KOMISYON SA HEALTH PROMOTION ITINUTULAK NI REP. NOGRALES

REP NOGRALES-KALUSUGAN-2

(PFI REPORTORIAL TEAM)

TINUTULAK ng isang bagong mambabatas ang paglikha ng Health Promotion Commission na popon­dohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law.

Ang pangunahing tungkulin nito ay upang mabuo ang National Health Promotion Policy Framework and Action Plan para matiyak na kalusugan ang mangunguna sa lahat ng mga polisiyang gagawin, pati na rin ang pagpapakilos ng mga mekanismong panlipunan at ma-monitor ang kanilang pagpapatupad.

Gagawa rin ito ng rekomendasyon para sa pag-unlad ng pamumuhunan sa mga tiyak na sektor na makatutulong sa pagsulong ng kalusugan upang ganap na makamit ang mga layunin sa kalusugan ng buong bansa, kabilang pero hindi limitado ang mga programa para paghahatid ng kamalayan sa kalusugan, pag-aaral sa mga polisiya, pagsusuri sa kasalukuyang batas para matiyak ang proteksyon sa kalusugan, at pagpapatupad ng pilot health promotion projects na magiging basehan sa paggawa ng mga polisiya at mga irirekomendang programa.

Ayon kay Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles, ang Health Promotion Commission ay mangunguna sa pagkambiyo mula sa kasalukuyang uri ng pamumuno sa kalusugan patungo sa isang prayoridad ang pagsasala o maagang pagpigil.

“Ang pagtaas ng kaso ngayon ng mga nakahahawang sakit na kayang pagalingin ng vaccines ay nagpapahiwatig sa amin na baka mali ang ating diskarte,” ayon sa abogadong nagsanay sa Harvard.

Dagdag pa ni Nograles, kailangan tugunan ang ma­ling pananaw ng mga Filipino na nagkaroon ng takot sa bakuna sanhi ng kontro­bersyang hatid ng Dengvaxia.

Ang problema sa kalusugan ay kinabibilangan ng mga nakakaalarmang pagdami ng degenerative and lifestyle diseases gaya ng hypertension, cancer, diabetes at mga aksidente, na ayon sa mambabatas ay nangangailangan ng long term investments para maiwasan.

“Ito ang rason kung bakit kailangan natin ang Health Promotion Commission na multi-sectoral and inclusive. Hindi natin matatapos ang isyu sa kalusugan ng publiko sa pabagu-bagong paraan. Kailangang itong maging sistematiko, na may positibong pananaw para sa pangmatagalang tagum­pay,” ayon pa sa kongresista.

Ani Nograles, ang pangangailangan ng mga kabataan, kababaihan, mahihirap, matatanda, may kapansanan, at margina­lized sectors ay dapat unahin upang matugunan ang umiiral na kakulangan sa kalusugan.

Please follow and like us:
Read More

DIYASKENG DIABETES (1)

DIABETES-3

Hindi lahat ng matamis masarap, meron din masaklap

(Ni Mac Cabreros)

NOONG nakaraang buwan, buwan ng Nob­yembre, ipinagdiwang ang World Diabetes Day na hindi naman dapat ipagdiwang dahil patuloy ang pagdami ng bilang ng taong nagkakaoon ng sakit na diabetes.

Totoong hindi dapat ipag­diwang ang tawag dahil hindi naman nagagalak ang mga taong mayroong ganitong sa­kit subalit ang dapat ay gunitain at nagpakalat ng impormasyon upang maiwasan, maagapan at magamot sakaling umatake ito.

Ayon sa mga dalubhasa, ang diabetes ay kawalan ng katawan lalo ng lapay o pancreas ng kakayahan na makalikha o makagawa ng sapat na hormone na tinatawag na insulin para makontrol ang glucose level sa dugo.

May dalawang klase ang diabetes. Una ay Type 1 na mangangailangan ng paggamit ng artipisyal na insulin na ipapasok sa katawan at Type 2 na maaring ‘magamot’ sa pamamagitan ng tamang diet at pag-inom ng gamot. At gestational para sa mga nagdadalantao kung saan maari nitong maipasa sa kanyang supling ang sakit.

Ang diabetes ay siyang nagdudulot ng kumplikasyon o nagpapapala sa iba pang sakit gaya ng sakit sa puso at panlalabo ng mata na siyang sanhi ng kamatayan ng taong mayroon nito lalo na kapag napabayaan.

Sa taya ng Philippine Society of Endocrinology, Dia­betes, and Metabolism (PSEDM), nasa 3.3 milyong Pinoy ang may diabetes noong 2014. Hindi kasama dito ang tinatayang 2 milyon na hindi batid o alam na diabetic na sila.

Inaasahang sa 2030, magkakaroon ang bansa ng halos 7.8 milyong katao na may sakit na diabetes, ayon sa datos ng Philippine College of Physicians.

Ayon pa sa mga dalubhasa, maaring ‘namana’ ang sakit o naipapasa ng magulang sa kanilang anak gayundin na nakukuha sa pagkain lalo ang matatamis at mataas sa carbohydrates, sobrang alat at mataas ang alcohol.

Dagdag ng mga dalub­hasa, maaring maiwasan o maagapan ang naturang sakit. Ito ay sa pamamagitan ng diet o tamang pagkain at regular na eherhisyo gaya ng brisk walking ng 30 minuto kada araw tatlong beses isang linggo o depende sa payo ng health care team kabilang ang doctor, nurse, dietitian, dentist, ophthalmologist at health worker.

Sa taya ng mga eksperto, nakababawas ang brisk walking ng halos 60 porsyento ng tsansang magkaroon ng diabetes.

Kapag may sintomas na mataas ang blood sugar level, kumonsulta sa doktor at iba pang miyembro ng health care team para mailatag ang karampatang hakbang tulad  ng pagmonitor sa blood sugar level.

Kung sobrang baba (nasa 100 mg/dl) ang sugar level, payo ng mga dalubhasa na kumain ng 15 hanggang 30 gramo ng carbohydrates. Kung sobra naman sa 250 mg/dl sa Type 2 at 200 mg/dl sa Type 1, ipagpaliban muna ang pag-eherhisyo o paglalakad hanggang sa bumaba sa normal ang blood sugar level.

Madalas kapag pinag-usapan ang tungkol sa mataas na blood sugar, ang unang pumapasok agad sa isip natin ay diabetes. Pero bago ka pa ma-diagnose at magkaroon ng diabetes, bibigyan ka ng katawan mo ng mga sintomas ng diabetes tulad ng pagtaas ng blood sugar para habang maaga pa ay mabantayan mo at makagawa ng tamang hakbang.

Kabilang sa mga sintomas ang sobra at madalas na pag-ihi sa gabi (Polyuria); paglabo ng paningin; madaling mahapo o mapagod o panghihina; panunuyo ng bibig o pagkauhaw (Polydipsia); pag-iba ng kulay, nanunuyo at nangangating balat, laging nakakaramdam ng gutom (Polyphagia); paglobo ng tiyan at pagbigat ng timbang; pabalik-balik na impeksyon; mabagal na paghilom ng sugat; pagiging imbalido; mahirap dumumi; pangingilig at pamamanhid ng kalamnan at nerve problem.

“Ang pagkontrol sa pagkain sinasabayan ng regular at tamang pag-eehersisyo at pag-inom ng mga gamot ang pinakaepektibong paraan ng pangangalaga at pagmamantina sa kalusugan ng taong may sakit na diabetes,” ayon sa mga dalub­hasa.

Idinagdag pa na dapat isaalang-alang ang pagmamantina ng kalusugan  nang sa gayon ay maiwasan ang mga hindi magandang epekto at komplikasyon na dulot ng diabetes. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More

MALE STAR ‘DI TOTOONG SOLO ANG VACAY ABROAD

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ITO ang tsismis, mag-isang nagbakasyon abroad ang isang male star. Pero ang totoo pala, hindi naman siya “alone” talaga.

Pagdating niya roon, sinalubong na siya ng ka-date niya na isang gay millionaire na nauna lang pala ng ilang oras ang flight sa kanya. May nakakita sa kanilang sabay na lumabas sa airport. Nakita rin silang magkasabay na nag-check in sa iisang hotel. Magkaiba naman daw ng room, pero ‘adjacent’.  Ibig sabihin maaaring lumipat ng room si male star anumang oras nang walang makakakita. Puwede rin namang ang gay millionaire ang lilipat sa kanyang room.

Discreet pa rin silang dalawa kahit na nasa abroad. Mahirap na nga naman. Marami ring pinoy doon at maaari silang makunan ng picture at mai-upload sa social media. Kung mangyayari iyon, buko si male star ng kanyang ka-live in. At ano na naman ang ikakatuwiran ni gay millionaire sa mga hindi niya nasipot na board meetings?

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAKA MASIPA SA PAGKA-SPEAKER SI CAYETANO

CHRISTIAN BOMB

IKINAGALIT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang na­ging kapalpakan ng mga organizer ng Southeast Asian (SEA) Games.

Bukod sa Pangulo, sa post ni Presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay binuska nito ang mga kongresistang sumuporta noon sa pagiging speaker ni Taguig City Rep. Alan Cayetano na sa ngayon ay nalalagay sa malaking kontrobersya dahil sa mga aberyang nangyari sa SEA Games na pinamamahalaan ng foundation nitong PHISCOG o Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee.

May punto ang mag-ama na magalit at madismaya sa naging pamamahala ng foundation ni Cayetano sa SEA Games dahil ang lumalabas na kahiya-hiya rito ay ang gobyernong Duterte.

Dahil sa galit ng Presidente at pagkadismaya ng anak nitong si Mayor Sara sa mga kapalpakang nangyari sa SEA Games hosting, posibleng pagkatapos ng SEA Games ay magkaroon ng pagbabago sa liderato ng Kongreso.

At kung sakaling masipa sa pagka-speaker si Cayetano ay walang ibang dapat sisihin dito, kundi mismo ang sarili niya.

Ibinigay na kasi ng pamahalaan ang pondong hinihingi ng grupo ni Cayetano sa PHISCOG para pamahalaan ang SEA Games, tapos, pumalpak na naglagay tuloy sa malaking kahihiyan sa Philippine government.

PATI CORRUPTION IMBESTIGAHAN

Kahit humingi na ng paumanhin si Speaker Cayetano sa mga kapalpakan ng pinamumunuan niyang PHISGOC ay sinabihan pa rin ito ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na hindi sapat ang sorry dahil nalagay sa malaking kahihiyan ang bansa dahil sa mga sablay na diskarte sa SEA Games.

Nauna rito, umamin si Cayetano, na may sablay sila sa mga samu’t saring problemang dinanas ng football team mula sa Timor-Leste, Myanmar at Cambodia.

Humihingi ng paumanhin ang PHISGOC sa mga naturang bansa dahil sa hassle na naranasan nila sa problema sa transportasyon, hotel arrangement at pati na sa pagkain.

“Bakit nangyari ang mga ganito? Hindi apo­logy ang kailangan natin ngayon. Hindi ito madadaan sa apology lamang. Ang kailangan ay gisingin lahat. Huwag papatay-patay,” ito ang pahayag ni Go sa kanyang privilege speech.

Dahil sa mga kapalpakan ng PHISGOC ay tiniyak ni Sen. Go na iimbestigahan niya ito kapag natapos na ang SEA Games sa bansa, at kahit sino raw ang masagasaan, ay dapat may managot.

Sana nga, totohanin ni Sen. Go ang sinabi niyang iimbestigahan niya ang kapalpakan ng PHISGOC at sana, hindi lang ang mga sablay ng grupo ni Cayetano ang imbestigahan, kundi pati ang mga napaulat na anomalya rito, kabilang ang P50 milyon ginastos sa SEA Games cauldron o kaldero.

oOo

TIMBRE: Paging NCRPO Director, Gen. Debold Sinas, hanggang ngayon daw ay tuloy pa rin ang lotteng at bookies nina “Kiko Payat” sa San Juan; “Rose” at “Cris” sa Pasig City;”Pedong Labo” at “Egay” sa Marikina City; “Ben Tanda”, “Dodo” at “Jerry” sa Mandaluyong. isang alyas “Noel” daw ang nag-o-operate ng video karera sa Malabon City at Navotas City. Pakitanong lang si Eastern Police District (EPD) Director, Gen. Johnson Almazan bakit wala siyang ginagawang aksyon sa mga gambling lord sa kanyang nasasakupan. Paging Laguna PNP Director, Col. Eleazar Matta, isang alyas “Rico” daw ang may mga pa-video karera sa Calamba City. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

NULLUM CRIMEN

yourservice

MAKIKISAWSAW na ako sa usaping vape — tutal halos lahat na ay nakikipagdiskusyon sa social media tungkol dito. Sa totoo lang, hindi ako gumagamit ng vape at ‘di rin ako marunong manigarilyo. Ngunit may mga kaibigan akong naninigarilyo at nung nagkaroon ng vape — ay gumagamit na ng vape.

Kaya kung ang pag-uusapan ay ang paggamit ng vape at kung ito’y nakasasama sa kalusugan ay hahayaan ko na lamang ang mga dalubhasa ang magsabi nito — abogado ako at hindi doktor.

Ngunit kaya ako nakisawsaw sa usaping ito ay dahil sa utos na paghuli sa sinomang makitaang gumagamit ng vape sa publiko. Dugtong pa rito ang deklarasyon ng kapulisan na huhulihin lang pero hindi ikukulong at kakasuhan. Kaya sa a­king munting pag-iisip, para tayong maglalaro ng patintero — maghabulan tayo at pag nahuli ay back to zero at habulan ulit. Aba — maganda pala itong programa ng kapulisan — balik pagkabata at mag­habulan tayo — cops and robbers kumbaga.

Kalimutan muna natin ang paghuli ng mga magnanakaw, mga nanghalay, mga pumatay, at mga nagtitinda ng ilegal na droga — dahil ayon din sa isang deklarasyon ng kapulisan — ang paghuli ng mga gumagamit ng vape ang prayoridad ngayon — dahil nga utos ng mahal nating pangulo. Ayon sa mga pinuno ng Philippine National Police — batas daw ang salita ng pangulo at dapat itong sundin.

Napahanga ako sa mga deklarasyong ito — kalimutan nyo na ang inyong pagsasanay at pag-aaral nung kolehiyo at pagsasanay sa mga probisyon ng batas nung kayo’y naging pulis — basta ang importante, ang lahat ng sabihin ng pangulo ay batas. Makikita natin ang katapatan ng ating kapulisan sa pa­ngulo, ang kanilang tapat na pagsunod sa basta sabihin nito. Ayan ang nakikita kong diskarte ng kapulisan ngayon — diskarte nila yan.

Kaya’t makikisawsaw muna ako sa epekto ng vape sa mga kumpanya ng sigarilyo. Ang aking katanungan — may epekto ba ang pagpasok at pagtangkilik ng mga tao, lalo na ang mga kabataan, sa po­pularidad ng vape. Nagbabayad ba ng tamang buwis ang mga gumagawa at nagtitinda nito? May tumitingin ba at nagseseguro na ligtas itong gamitin? Mauunawaan ko ang galaw at utos ng pangulo kung lahat ng katanu­ngang ito ay hindi kayang sagutin.

Sa aking munting palagay — at ito’y ayon lamang sa aking limitadong pang-unawa sa batas — hindi maaaring hulihin ang isang indibidwal kung wala itong ginagawang kasalanan o ito’y hindi labag sa anomang batas. Kaya medyo naguguluhan lang ako sa deklarasyon ng mga pulis ngayon. Paano na kung sabihin o ipag-utos na bawal na ang kumain ng saging sa pampublikong lugar? Ibig sabihin bang huhulihin na ng mga pulis ang mga nagtitinda, bumibili at kumakain ng saging? Paano naman kung ideklarang ayos lang magkalat ng basura sa lansangan? Ibig bang sabihin, ito’y batas na? Sa aking huling pagkakaalam — ang batas ay sakop ng kapangyarihan ng ating Lehislatura at ang pagpapatupad nito ay trabaho ng mga taong naninilbihan sa Ehekutibo — kasama na rito ang kapulisan.

May nabalitaan din akong naglabas ng dekla­rasyon na huwag makikialam ang mga miyembro ng Hudikatura sa kautusang ito. Medyo nagulat lamang ako dito kasi tulad ng Kongreso, ang mga korte natin ay kasama sa isang hanay ng pamahalaan na independent kung ituring.

Sa ngayon, nawa’y mabigyan ng resolusyon ang usapin at problemang ito upang marapat nang maituon ng kapulisan ang tamang pansin sa kanilang tungkulin sa ilalim ng ating batas. (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More