AFTER BILLY, VHONG, KASUNOD NANG IKAKASAL SI LUIS-JESSY?

(NI GORGY RULA)

MAAYOS ang kasalan nina Vhong Navarro at Tanya Bautista na ginawa sa Japan, na dinaluhan ng mga kasamahan niya sa it’s Showtime at mga close friends niyang Kanto Boys na sina Luis Manzano, Billy Crawford, at John Lloyd Cruz.

Sayang nga at hindi nakadalo ang mentor at discoverer niyang si direk Chito Rono dahil hindi pa siya puwedeng magbiyahe sa eroplano.

Pero isa siya sa mga ninong.

Matagal nang nagsasama sina Vhong at Tanya, at noon pa dapat sila nagpakasal, pero nasangkot sa malaking gulo ang comedian/TV host na umabot sa katakut-takot na kaso. Kaya sinasabi niyang tapusin lang niya ang mga kaso, aayusin na niya ang kasal nila ni Tanya.

Emotional nga si Vhong kapag pinag-uusapan ang wedding plans nila ni Tanya, dahil hindi talaga siya binitiwan kahit nagkasala pa ang aktor sa kanya.

Pero hindi pa rin pala tapos ang mga kaso nito laban kina Cedric Lee at Denice Cornejo dahil nagkontra-demanda ang huli.

Pero sinabi rin ni Vhong na bago mag-2020 ay gusto na niyang malagay sa tahimik at pakasalan na si Tanya.

Ang hinihintay naman ngayon ay kung kailan naman ang iba pang kagrupo

ni Vhong ang magpakasal.

Hindi malinaw ang kina John Lloyd at Ellen Adarna, kaya si Luis Manzano na lang ang hinihintay.

Kamakailan lang ay nag-post si Jessy Mendiola ng singsing na nakasuot sa daliri niya.

Promo pala iyun ng isang jewelry shop, at hindi engagement ring.

Nag-comment sa post na iyun si Billy Crawford na ang sabi; “Sabihan mo na yung bestfriend ko ilagay nya na yung singsing sa ring finger mo hahaha!”

Kaagad na sumagot si Luis sa comment na iyun ng “@billycrawford- yes (dalawang heart emoticon) that’s the plan J”

Natuwa ang mga followers ni Jessy, na tiyak isa sa pinakamasaya ay si Cong. Vilma Santos-Recto na matagal nang gustong magka-apo sa kanya ng mga anak lalo na kay Luis.

AIAI LHINDI SUMUSUKO SA PAG-MANAGE NG TALENT

Pabawas na nang pabawas ang mga clashers sa The Clash.

Ngayong weekend ay dalawa uli ang matatanggal pero may bago na naman

daw na twist na walang kamalay-malay ang mga clashers kung ano ang susunod nilang gagawin.

Anim na ang matitira, kaya patindi nang patindi ang mga labanan na kahit ang mga nasa clash panel na sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Aiai delas Alas ay hindi rin alam kung ano ang masusunod.

Mas excited si Aiai sa ngayong batch ng The Clash dahil mas marami raw talagang magagaling.

Noong maagang natanggal nga ang isang magaling din na si Tombi Romulo, kinuha agad ni Aiai para siya na raw ang mag-manage.

“Hindi pa rin ako natuto, ‘di ba?” natatawang pakli ni Aiai noong dinala niya si Tombi sa renewal ng kontrata niya sa Hobe Pancit Bihon.

Marami naman daw siyang natutunan noon sa paghawak sa Ex Battalion, pero mas maingat na siya ngayon at kinikilala pa raw niya ang family background ng  talent na ima-manage niya.

 

Please follow and like us:
Read More

8 GINTO SA ARNIS WAWALISIN NG PH

(NI DENNIS IÑIGO)

GIGIL na ang mga mandirigmang Filipino sa arnis na hakutin ang walong nakatayang ginto sa unang araw ng kompetisyon ngayon sa Angeles University Foundation sa Pampanga.

Muling ibinalik ang arnis, na kabilang sa 56 sports na paglalabanan sa 30th Southeast Asian Games. Huli itong nilaro noong 2005 Manila SEAG kung saan naging overall champion ang bansa.

Makikipagsabayan ang mga atleta ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF), sa pamumuno ni Sen. Juan Miguel Zubiri, sa 8 live stick events, apat sa men’s at apat sa women’s.

“Tiyak na kagigiliwan ito ng mamamayan at ito na ang panahon para sa arnis sa bansa. We (PEKAF) are confident that arnis could very well be a gold mine for the country in the SEA Games,” pagmamalaki ni PEKAF executive vice president Gerald Cañete sa Saksi Ngayon at Diaryo Bomba.

“Kaya nating pagwagian ang 11 hanggang 12 gintong medalya sa arnis. Sa katotohanan, baka mawalis natin ang eight golds sa first day pa lang ng competition.”

Sinabi ni Cañete, siya ring competition manager ng arnis, 20 na kinabibilangan ng 10 lalaki at 10 babae ang isasabak ng PEKAF sa tatlong araw na kompetisyon (December 1-3).

“Pinili namin ang pinakamahuhusay at mga madidiskarteng arnis players sa bansa. They were selected after three rigid qualifying tournaments in Luzon, VIsayas and Mindanao, and another one in the National Capital Region,” pagbibida ni Cañete, na ang ama na si Dionisio ay kinukonsiderang  “Father of Arnis “ sa Pilipinas.

Inamin naman ni PEKAF Executive Director Andrus Dominic Lacbayo na Vietnam ang pinakamalaking hadlang sa target ng Pilipinas na makubra ang overall title sa arnis.

“Vietnam is very good in arnis, too. Myanmar and Cambodia can also win a few gold medals. But I am sure we will get most of the gold medals at stake,” sabi ni Lacbayo.

Maliban sa SEA Games, nakapokus ang PEKAF sa darating na World Arnis Championships sa Cebu City sa susunod na taon.

“In the SEA Games, we are bringing in some of the world’s top arnis officials to supervise the competition,” dagdag ni Lacbayo.

Ilan sa sinasabing manlalarong makapagbibigay ng buwenamanong gintong medalya,  ayon kina Cañete at Lacbayo, ay sina national team players Jeric Arce at Jeanette Agapito kung saan ay gagabayan sila ni coach Steven Achita .

Ayon naman kina Arce at Agapito, makikipagpaluan sa kanilang debut game sa SEA Games, ibubuhos nila ang kanilang buong lakas upang mapagwagian ang mga nakatayang medalya, maging ito man ay gold, silver o bronze.

Karagdagang walong ginto pa rin ang paglalabanan sa Disyembre 2 sa padded sticks at apat sa Disyembre 3 sa forms.

Nagtabla ang host Philippines at Vietnam noong 2005 SEAG sa six golds para sa four-nation competition. Nabokya naman ang East Timor at Cambodia.

 

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-PRESYO SA LPG ASAHAN BUKAS

(NI ROSE PULGAR)

BUKAS, (Disyembre 1), ay may dagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ang ilang kumpanya ng langis sa bansa.

Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.25 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75  na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi (Disyembre 1).

Bukod dito, tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi.

Aasahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya langis tulad ng Solane sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing unang araw ng buwan, ang may paggalaw sa presyo ng LPG pinatutupad ng mga kumpanyang langis sa bansa.

Please follow and like us:
Read More

SAMAR, SIGNAL NO. 1 NA  KAY ‘TISOY’

(NI ABBY MENDOZA)

PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar.

Ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa, taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng  Virac, Catanduanes.

Sinabi ng Pagasana sa Disyembre 2, Lunes ng hapon o sa Disyembre 3, Martes, ng umaga magla-landfall ang bagyo sa Bicol.

Sa forecast ng Pagasa, makararanas ng malakas at madalas na pag-uulan sa December 2 ang Bicol Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran.

Madalas subalit katamtaman na ulan naman sa Romblon,Marinduque at Quezon.

Sa Disyembre 3 ay tuloy-tuloy at malakas na pag-uulan at mararanasan sa Metro Manila, Bicol Calabarzon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Nagbabala ang Pagasa na may dalang malakas na hangin ang bagyo kaya inaasahan ang pinsala gayundin ay asahan ang malalakas na paguulan na maaaring magdulot ng flashfloods at landslide kaya pinapayuhan ang mga naninirahan sa mga low lying areas at malapit sa mga bundok na maging handa sa paglikas.

Pinagbabawal din ang paglalayag sa mga lugar na may storm signal.

 

Please follow and like us:
Read More

HUSTISYA NAKAMIT NA NI ERIK SANTOS

(Kopya po ito  sa Pep.ph article ni Rachella Siazon na lumabas noong Nover 16, 2019. Isang aral para sa mga tabloid writers na moonlighting din as online writers at bloggers/vloggers. Isang babala ito na ang cyber libel ay may ngipin kaysa  ordinaryong libel)

Nakamit ni Erik Santos, 36, ang minimithing hustisya halos tatlong taon mula nang idemanda niya ng multiple counts of cyber libel ang radio host/entertainment columnist/talent manager na si Jobert Sucaldito, 58.

Noong unang magsampa ng kaso si Erik,  inakusahan niya ng 21 counts of cyber libel, 2 counts of libel, at six counts of grave threats si Jobert.

Iba pa rito ang reklamong 22 counts of cyber libel, 1 count of slander, at 6 counts of grave threats na isinampa ng talent manager ni Erik na si Erickson Raymundo laban kay Jobert.

Nagsimula ang legal battle nila noong March 30, 2017.

October 2017 nang pormal na kasuhan ng 37 counts of cyber libel si Jobert. Nabasura naman ang mga reklamo nina Erik at Erickson na grave threats, slander, at libel laban kay Jobert.

Hanggang sa noong January 2019, makalipas ang mahigit dalawang taong paglilitis, nag-plead ng guilty si Jobert sa salang ordinary libel sa halip na cyber libel.

Tumawad siyang mapababa ang kanyang offense at saka nag-apply na sumailalim sa “probation” sa halip na magsilbi ng sentensiyang pagkakakulong.

Ang legal counsels na may hawak ng kaso ni Jobert ay sina Atty. Ferdinand Topacio, Joselito Lomangaya, at Jun Matthew Guerrero ng Topacio Law Office.

Sa kabilang partido, ang legal counsels nina Erick at Erickson ay sina Atty. Josabeth “Joji” Alonso at Chris Liquigan ng Alonso and Associates Law Office.

ERIK AND ERICKSON’S LIBEL COMPLAINTS VS JOBERT

Ano ba ang pinagmulan ng pagdedemanda nina Erik at Erickson laban kay Jobert?

Sunud-sunod na blind items ang inilathala ni Jobert sa kanyang Facebook account, mula March 10 hanggang March 22, 2017.

Tungkol ito sa “mag-talent/manager” na tinawag ni Jobert na “gay, bakla, baklita” kalakip ng iba’t ibang tirada hinggil sa diumano’y “kawalanghiyaan, kaplastikan, kabaklaan” ng mga ito.

Ilan pa sa blind items ni Jobert ay naglalarawan ng diumano’y sexual liaisons ng mag-talent/manager.

 

Narito ang bahagi ng sinumpaang salaysay ni Erik na isinumite sa Quezon City Prosecutor’s Office noong March 30, 2017:

“The words and phrases that he used are calculated to induce the readers of his Facebook page to suppose and understand that I am gay and that I engage in sexual relationships with people of the same gender.

“The same are indisputably defamatory for they impute upon me a condition which is sufficient to impeach or reputation as bankable artist and to hold me up to public ridicule.

“Attacking my sexuality is a clear insult and harmful to my person and career. He also repeatedly attacked my character, labelling me a traitor and one who mooches on other people.”

Nakasaad pa sa reklamo ni Erik na dumanas siya ng “mental anguish, serious anxiety, sleepless nights, besmirched reputation, wounded feelings and social humiliation” dahil sa mga pinakalat na umano’y malisyosong akusasyon sa kanya ni Jobert.

Sa kaso ni Erickson, dawit din ang kanyang pangalan at propesyon sa umano’y mapanirang blind items ni Jobert sa Facebook.

Si Erickson ay president at founder ng Cornerstone Entertainment Inc., ang talent management company na may hawak sa career ng Kapamilya singer na si Erik.

Nakalakip sa sinumpaang salaysay ni Erickson ang kopya ng Facebook posts ni Jobert hinggil sa talent management company na diumano’y nanunulot ng shows mula sa ibang management groups.

May isa pang blind item na nagsasabing inaalok ng “BUY ONE TAKE ONE” ang artists ng talent management company “kaya ang ibang artists ay nababump off” sa isang show.

Magaling din daw ang talent management company na manghikayat ng “promising singers” na magpa-handle sa kanila, kapalit ng pangakong “sure win” ang mga ito sa sasalihang talent search na ang mga “hurado” ay hawak din nilang artista.

For the record, deleted na ang Facebook posts ni Jobert noon pang March 30, 2017—o noong araw na isinumite nina Erik at Erickson ang kanilang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office.

JOBERT’S FACEBOOK POSTS DEEMED AS MALICIOUS, DEFAMATORY

Kinalaunan, lumabas sa preliminary investigation ng Quezon City prosecutor na pinangalanan ni Jobert sina Erik at Erickson sa kanyang kontrobersiyal na blind items.

Partikular na sa Facebook post na ito ni Jobert (published as is, except for select expletives with asterisks):

“Abot-langit na ang galit ko sa dalawang mag-tiyahin na ito- ERIK SANTOS na iyakin at ERICKSON RAYMUNDO ng Cornerstone na ubod na ng yabang ngayon.

“Wala kayong mga utang na loob. Mga p***eta kayo!!! Hindi ako takot sa mga pagsusumbong ninyo.

“Ako na nga ang binastos ninyo ako pa ang papalabasin ninyong masama sa mga boss natin. Magsubukan tayo. T*ngn*!!!!!”

Sabi pa sa preliminary investigation, malinaw na puno ng “obscene” at “vulgar” statements ang magkakasunod na blind items na isinulat ni Jobert.

Hindi lang daw dahil tinawag ni Jobert na “gay” o “bakla” si Erik kundi ang kabuuan ng ipinakalat na “defamatory remarks” ng entertainment columnist sa kanyang Facebook posts.

“In determining whether such allegation is defamatory or not, what should be considered is how the matter was conveyed to a fair and reasonable man and not the intention of the author.

“To tell another person he is ‘gay’ whether it be true or not, should be construed as to its context and what it is to third persons.

“Statements should not be interpreted by taking the words one by one out of context; they must be taken in their entirety.

“In the instant case, taken in its entirety, it is apparent that respondent has no other intention to call Mr. Raymundo and Santos as ‘gay’ or ‘bakla’ but to defame them or disparage their integrity and honor.”

Ang libel, ayon sa Revised Penal Code of the Philippines, ay tumutukoy sa pagpapakalat sa publiko ng malisyosong paratang ng isang “crime, vice, or defect,” mapa-totoo man o gawa-gawa lang, at iba pang “act, omission, condition, status, or circumstance” na nakakasira sa puri ng isang tao o alaala ng isang yumao.

Base pa rin sa preliminary investigation ng piskalya, “present” ang lahat ng “elements” ng libel sa reklamo nina Erik at Erickson kay Jobert.

Kabilang dito ang mapanirang akusasyong ipinapakalat ng akusado, paglathala sa publiko ng paratang, pagkikilanlan ng taong sinisiraan, at malisyosong intensiyon ng nagparatang.

Pati raw ang tirada ni Jobert na sangkot si Erickson sa panunulot ng mga proyekto at iba pang pailalim na transaksiyon upang ma-book ang artists ng kanyang management group ay maituturing na malisyoso.

“These accusations smack of bad faith and reveal an intention to besmirch the name and reputation of Mr. Raymundo, as well as Cornerstone.”

JOBERT CITES “FREEDOM OF SPEECH” AS INITIAL DEFENSE

Noong simula pa lang ng kaso, nanindigan si Jobert na walang katotohanan ang reklamong sinisiraan niya sina Erik at Erickson.

Depensa niya, “public figures” sina Erik at Erickson kaya natural lang na maging tampok ang mga ito ng “fair comment” sa publiko.

Inilaban din ni Jobert ang kanyang “freedom of speech” at ang kanyang mga isinusulat ay “privileged in nature.”

Pero saad sa preliminary investigation ng salaysay ng magkabilang-kampo, hindi raw saklaw ng freedom of speech ang paggamit ni Jobert ng “insulting language” laban kina Erik at Erickson.

“It is the cardinal condition of all criticism that it shall be bona fide, and shall not spill over the walls of decency and propriety.”

Sa kaso nga raw na ito, hindi nakitaan ng magandang intensiyon ang “series of Facebook posts” ni Jobert, at malinaw na ginawa ang mga ito para raw hiyain at sirain ang reputasyon nina Erik at Erickson.

Sabi pa ng Quezon City prosecutor noong October 2017, “Respondent went beyond his duties as a newsperson to actually attack complainants’ personal preferences in life.”

KAILAN BA LIBELOUS ANG BLIND ITEMS

Ipinaliwanag din ng Quezon City prosecutor na walang dudang “acceptable practice” ang paggamit ng “blind items” sa “field of journalism” at pati na rin sa batas.

Kaya raw sa kasong libel, mahalagang mapatunayan na na-identify sa blind item ang naghain ng reklamo.

Kung hindi man daw direktang pinangalanan, maaari raw makasuhan ng libel ang akusado kung matukoy ng mga nagbabasa kung sino ang laman ng blind item base sa paglalarawan dito.

Ang mga “clue” at “hint” ni Jobert sa kanyang blind items na talent management na katunog ng “bato,” mga patamang “hindi ka SANTO, mahirap maging banal” ay “quite obvious” pero mahirap daw patunayan.

Pero giit ng Quezon City prosecutor, “The downfall of Mr. Sucaldito is when he actually named and positively identified complainants Raymundo and Santos on one of his posts, which makes the element of identity present, as evidenced by the Fifteenth and Eighteenth count in the complaint-affidavit of Raymundo and Eighteenth and Nineteenth count in the complaint affidavit of Santos.”

Iyon nga ay nang banggitin ni Jobert sa Facebook ang mga katagang “Huwag ako ERICKSON RAYMUNDO at ERIK SANTOS na parehong WALANG UTANG NA LOOB!!! HUWAG!!!”

At pati ang Facebook post ni Jobert na “Abot-langit na ang galit ko sa dalawang mag-tiyahin na ito- ERIK SANTOS na iyakin at ERICKSON RAYMUNDO ng Cornerstone na ubod na ng yabang ngayon.”

ANO KAYA  ANG MAGIGING COURT DECISION ON LIBEL CASE VERSUS JOBERT

Sa huli, nag-plead bargain si Jobert na siya ay “guilty” sa mas mababang offense na “libel” sa halip na “cyber libel.”

Sa pagsasaliksik ng PEP.ph, ang libel o ordinary libel ay ang pagpapakalat ng impormasyong nakasisira sa reputasyon ng isang tao sa pamamagitan ng paglathala nito sa print media tulad ng newspaper, magazine, book, o pamphlet.

Saklaw ito ng Revised Penal Code of the Philippines No 3815, kunsaan ang nakasaad na sentensiya sa libel ay pagkakakulong mula “6 months and 1 day to 2 years and 4 months” kung ang penalty ay prision correccional in its minimum period.

O “2 years, 4 months, and 1 day up to 4 years and 2 months” kung ang penalty ay prision correccional in its medium period.

Humingi rin ang PEP.ph ng legal expertise mula sa University of the Philippines Criminal Law professor na si Atty. Sandra Marie Colonel upang ipaliwanag kung bakit ordinary libel sa halip na cyber libel ang inakong offense ni Jobert.

Ang cyber libel ay may kinalaman sa paninirang-puri na naipakalat sa Internet sa pamamagitan ng paggamit ng computer o similar technological device.

Ang kaibahan nito sa ordinary libel ay mas mataas ang penalty sa cyber libel, alinsunod sa probisyon ng Cyber Crime Prevention Act of 2012.

Kada bilang ng cyber libel ay may parusang pagkakakulong sa loob ng “6 years and 1 day up to 8 years” o tinatawag na “prison mayor in minimum.” O parusang “8 years and 1 day to 10 years” kung ang penalty ay “prison mayor in medium period.”

Sa kaso ni Jobert, lumalabas na nag-plead siya ng guilty sa kasong ordinary libel upang mapababa ang kanyang offense.

Noong Sabado, November 16, nailathala sa PEP.ph ang court document kunsaan makikitang tumawad si Jobert na gawing probation ang kanyang penalty sa halip na siya ay makulong.

Hindi malinaw kung may lumabas nang desisyon hinggil sa kanyang application to qualify for probation.

Ayon sa court insiders, noong nakaraang linggo ay katatapos lang mainterbyu ng probation officer ang dalawang kasamahan sa showbiz ni Jobert.

Bahagi ito ng background check kay Jobert upang masigurong karapat-dapat siyang rekomendahan ng probation ng Board of Probation and Parole.

(Bukas ang pahinang ito para sa mga karagdagang pahayag mula sa mga nabanggit rito.)

 

Please follow and like us:
Read More

LOLA HULI SA DROGA 

(NI ROSE PULGAR)

ARESTADO ang isang 55-anyos na lola at nakumpiskahan ng 17.6 gramo ng hinihinalang droga sa isang buy bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enfocrement Unit ng Pasay City Police, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe  ng Pasay City Police, si  Maria Theresa Yasol, ng V. Noble St. Barangay 56 ng nasabing lungsod.

Sa isinumiteng report ni Yang, dakong alas-2:30 ng hapon nang maaresto ang lola sa kanyang mismong tirahan sa nasabing lugar.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng SDEU sa illegal na aktibidad ng suspect at nang makumpirma, dito na bumuo ng team si Col Yang para isagawa ang buy bust operation.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer para bumili ng halagang P1,000 droga sa suspect.

Nang aktong iabot na ng suspect ang droga, dito na dinakma ang lola hanggang sa maaresto ito.

Nakumpiska sa suspect ang 17.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P119,680.00  at ang P1,000 marked money na ginamit sa operation.

Hindi na nakapalag ang lola nang arestuhin.

Kasalukuyan nakakulong ang suspect sa nasabing himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag  sa section 5 at 11 ng article ll at Republic Act  9165  o comprehensive dangerous drug act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG MAY ‘SAYAD’ NANUNOG NG BAHAY 

(NI ANNIE PINEDA)

NAGING uling ang bahay ng mag-ina makaraan sunugin umano ng anak na babae na may problema sa pag-iisip na ikinadamay ng apat na katabing bahay nito, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Sinisisi ngayon ng kanyang mga kapitbahay si Ruth Magarse, sinasabing may deperensya sa pag-iisip at residente ng Barangay Punong, La Paz, Iloilo City.

Ayon kay SFO2 Edison Gimoteo, chief arson investigator ng Bureau of Fire Protection-Iloilo, dalawang bahay ang tuluyan natupok ng apoy kasama ang kay Magarse habang tatlo pang kabahayan ang nadamay.

Lumabas sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ni Magarse kasama ng ina nito sa loob at naniniwala ang mga kapitbahay nito na sinadya nito ang sunog.

Kuwento ng mga kapitbahay, matagal na umanong nagbabanta si Magarse na susunugin nito ang kanilang bahay. Sinubukan ding sunugin noon ni Magarse ang kanilang bahay ngunit madali itong naapula.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

SAN JUAN ARENA KINORDON NA NG PNP

(NI MAC CABREROS)

MAHIGPIT na pagbabantay ang inilatag ng San Juan City Police sa FilOil Flying V Centre para sa pagsasagawa ng anim na events ng eSports sa 30th Southeast Asian Games.

Sa panayam ng media sa induction ng mga opisyal ng PaMaMaRIZSan Press Corps sa Café Laudico Guevarra, sinabi ni Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan City Police, na abot sa 100 pulis ang ikakalat nila sa bisinidad ng FilOil Flying V Centre para mangasiwa sa seguridad at kaligtasan ng mga manlalaro, kasama na rin ang maayos na daloy ng trapiko para makarating sa takdang oras ang mga ito.

Inihayag pa Col. Santos, na base sa isinagawang assessment, wala silang nakikitang threat o banta ng mga outside force na maghasik ng kaguluhan at karahasan sa kasagsagan ng SEAG.

Sinabi pa Santos na bagama’t magsisimula ang eSports sa Disyembre 5 ay ipinuwesto na nito ang kanyang mga tauhan. Magtatagal ang eSports hanggang Disyembre 10.

Hinggil sa kumakalat na ulat sa social media na may van na nangunguha ng mga bata, sinabi ni Col. Santos na bagamat hindi pa kumpirmado ito ay nakabubuting bantayan ng mga magulang ang kanilang
mga anak.

Si San Juan City Mayor Francis Zamora ang nagpanumpa sa mga opisyal ng PaMaMaRIZSan Press Corps kung saan hiniling nito ang magandang ugnayan ng media at Pamahalaang Lungsod para maitaguyod ang pag-uulat ng katotohanan at maayos na pamamalakad ng mga opisyal ng Lungsod tungo
sa pag-unlad ng San Juan City.

Naunang nagsagawa ng ‘simulation exercise’ ang mga kapulisan ng Eastern Police District sa pamumuno ni BGen. Johnson Almazan para maitaguyod ang mga SEAG events sa PaMaMariSan.

Ang reporter na ito ang chair ng Board of Directors ng PaMaMaRIZSan Press Corps habang si Neil Alcober ng Tribune ang Pangulo at si Knots Alforte ng Diaryo Bomba ang Auditor. Binubuo ng Press
Corps sina Vick Aquino ng Abante (VP), Christian Oineza (Secretary), Irwin Corpuz ng Police Files (Treasurer).

 

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTE NIRATRAT SA LOOB NG KOTSE

CRIME12

(NI BONG PAULO)

SINISILIP ng awtoridad na away sa negosyo o love triangle ang motibo sa pagpaslang sa isang negosyante sa loob ng kanyang sasakyan habang papasok sa boarding house sa Purok 6A, Lanao, Kidapawan City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Nino Abellanosa Lagria, 39, ng Bansalan, Davao del Sur.

Ayon kay Police Lt/Col. Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City PNP, nagmamaneho ng kanyang service vehicle na itim na Nissan Varra ang biktima at papasok na ng boarding house nang pagbabarilin alas-9:10 ng gabi.

Nakababa pa umano sa sasakyan ang live-in partner ng biktima at binuksan ang gate ng kanilang boarding house nang dumating ang gunman at pinagbabaril si Lagria.

Nabatid na hiwalay na umano ang biktima sa kanyang unang asawa.

Anim na basyo ng bala ang narekober sa crime scene mula sa kalibre.45 na pistol.

Please follow and like us:
Read More

3-ANYOS PATAY SA SEPTIC TANK

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay na nang maiahon ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos mahulog sa septic tank na ipinapagawa ng isang konsehal sa gilid ng kanyang bahay sa Purok Namnama sa Barangay Dagupan, Kabacan, North Cotabato, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Ramram Sheena, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, kasama umano ng biktima ang dalawa pang mga bata na naglalaro sa paligid hanggang sa napadako sila sa septic tank.

Ayon kay Kagawad Raymundo Gracia, nagpapagawa ito ng kanyang bahay at ang septic tank ay may lalim umanong tatlong talampakan.

Naipon umano ang nasabing tubig dahil sa umulan sa lugar.

Pero hindi umano nila namalayan na may mga batang naglalaro sa paligid hanggang sa mahulog ang biktima,  alas-3:00 ng hapon.

Makalipas ang 30 minuto ay nakita ang nakalutang na bangkay ng bata. Mabilis itong isinugod sa ospital pero hindi na umabot pa nang buhay.

Please follow and like us:
Read More

ARI NG LOLO KINAGAT NG NILALANDING PUSA

davao12

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY- Namimilipit sa sakit ang isang 68-anyos na lolo nang kagatin ng pusa ang kanyang ari nang mapag-tripang laruin ito sa harap ng hayop.

Tanghali ng Biyernes ay pumasok umano ang pusa sa kubo ni Lolo Rogelio, ng Sulop, Davao del Sur.

Ilang sandal pa ay inilabas umano ng lolo ang kanyang ari at nilaro sa harap ng pusa. Inihampas umano nito ang ari sa pusa na nagalit. Dahil dito, kinagat ng pusa ang ari ni Lolo Rogelio at hindi binitawan kahit pa iwinawasiwas na ito ng matanda.

Agad dinala ang biktima sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) dito sa lungsod.

Sa logbook ng Trauma Complex sa SPMC, nagtamo ng malalim na sugat sa ari ang biktima.
Unang dinala ang biktima sa isang ospital sa Digos City, ngunit sa laki ng sugat ay inilipat ito sa SPMC.
Patuloy na inoobserbahan ang matanda sa sugat na tinamo.

 

Please follow and like us:
Read More

P455-M SHABU NASAMSAM SA LAS PIÑAS APARTMENT

NASA P455-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang bumulaga sa raiding team nang lusubin ang isang apartment sa Las Piñas City, Sabado ng madaling-araw.

Isang source ang tumawag sa pulisya at ayon kay Police Lt. Gen. Camilo Cascolan, deputy chief for operations ng Philippine National Police (PNP), itinuro ang isang apartment sa Manalo St. kung saan nakatira ang isang drug suspect na naaresto nitong Miyerkoles.

Kinausap ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group (DEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may-ari ng apartment at pumayag naman ito na iinspeksiyunin.

Nasa 67 kilo ng droga na nakalagay sa Chinese tea bags at kape ang natagpuan sa loob ng apartment.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Inaasahan ng pulisya ang sunud-sunod na pagsalakay sa mga pinaghihinalaang hideout ng drug dealer na naaresto para samsamin ang inilalakong droga.

 

Please follow and like us:
Read More

2,000 PAMILYA NAWALAN NG BAHAY SA 5-ORAS SUNOG SA M’DALUYONG

HALOS limang oras ang itinagal ng sunog bago naapula sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong kung saan aabot sa 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Ayon kay Mandaluyong City Fire Sr. Insp. Joscar Bongalon, 500 bahay ang natupok ng apoy na nagsimula bandang alas-3:00 ng hapon.

Sa bahay ng isang Maria Biada umano nagmula ang apoy na mabilis kumalat sa magkakadikit na kabahayan.

Umabot sa Task Forcnaalam pa sa ngayon ang sanhi ng sunog.

Pansamantalang manunuluyan ang ibang apektadong pamilya sa Panatag court.

Please follow and like us:
Read More

HINAMAK ANG LAHAT MAGING ANG BATAS SA NGALAN NG PAG-IBIG (1)

SHABU-22

(Ni Guillermo Octavio)

“O pag-ibig na makapangyarihan, kapag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat, masunod ka lamang,” wika ni Franciso “Balagtas” Baltazar sa kanyang obrang Florante at Laura.

Kung susuriin,  mapatutunayang totoo ang mga katagang ito sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela area, dahil marami sa mga nasabing lungsod ang hinamak ang lahat, maging ang batas, sa ngalan ng pag-ibig.

Shabu carinderia

Noong Marso ng taong kasalukuyan, dinakip ang isang adik, ang dyowa niyang tulak at siyam na iba pa sa isang buy-bust operation sa  “shabu carinderia” ng mag­dyowang sangkot sa ilegal na droga.

Nadakip sina Shirley Morales, 44; Salvador Bajaro, 49; at Michael Quizon, 37, sa Sia Compd., Lamesa St., Barangay  Ugong matapos may mag-Hudas hinggil sa pagtutulak ng droga ng mga ito sa naturang lugar.

Nang magkaabutan na  ng shabu ang mga suspek at sa poseur-buyer kapalit ng P300 marked money ay sumalakay ang grupo ng mga parak at dinakma ang tatlo at nakuha sa kanila ang  apat pang plastic sachets na naglalaman ng shabu at buy-bust money.

Kasama ring dinampot ang mga nabulagang bumabatak na sina Sonia Dangilan, 45; Cezarson de Chavez, 33; Dinnes Limsia, 23; Reynald Tibalcia, 19; Mark Dave Alvaro, 21; Aaran Jhan Sia, 19; Christian Jorge Candela, 27; at Richard dela Cruz, 22.

Napag-alamang animo karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain ang bahay ng magka-live-in na sina Bajaro at Dangilan na bukas naman para sa lahat ng gustong bumatak.

Nabukong sekreto

Noon namang Mayo, dinamba ang isang babae nang mabuking ng mga parak ang ipupuslit sana nitong ng P100,000 halaga ng shabu sa kanyang bag papasok sa Navotas City Jail  para sa kanyang boyfriend.

Huli na nang mapagtanto ng suspek na si Avegail Umali na walang lihim na hindi nabubunyag at hindi pala ganoong ka-“secret” ang secret pocket ng kanyang shoulder bag kung saan nakita ang shabu na dadalhin sana niya sa boyfriend na presong si Reginal Jacobe.

Nang kinapkapan pa lamang ay para nang pusang di mapaanak si Umali at nang siyasatin ang kanyang bag ay tinangka itong daklutin ni Umali mula sa nag-iinspek­syon ng pulis kaya’t lalo siyang pinaghinalaan at nang busisiing mabuti ay nakita sa secret pocket ang pinakatatagong shabu ng suspek.

Babae, ano ba ang pinasok mo?

Noon ding Mayo, isang maparaang babae ang nasakoteng nagpupuslit ng 167 stick ng sigarilyo na ipinasok sa kanya ari upang madala sa kanyang kinakasamang nakakulong sa Navotas City Jail ang pinatawan ng disciplinary action.

Palaisipan sa pulisya kung paanong napagkasya ni Vanessa Mae Adducol ang ganoong karaming sigarilyo sa kanyang ari at nakalakad pa nang dalawin ang dyowang si Jay-ar Feliciano.

Dahil dito, tatlong buwang walang labing-labing ang mag-live-in partner dahil binawalang dumalaw si Adducol sa piitan dahil sa kanyang ginawa.

Nagkakahalaga umano ang kada stick ng sigarilyo ng P150 kaya’t ipinapalagay na posibleng nenenegosyohin ng maglive-in partner ang mga sigarilyong tinangkang ipuslit sa loob ng piitan.

Napag-alamang may nagnguso sa mga bantay ng piitan na may “ipapasok” daw na epektus si Adducol kaya’t masusing sinuri ang lahat ng pwede niyang pagtaguan ng kontrabando hanggang sa makapa nga ang mga sigarilyo sa kanyang ari.

Nakasilid sa condom ang mga sigarilyo nang madiskubre sa ari ni Adducol.

Setyembre naman ay sinakote ang isang 36-anyos na babae matapos na tangkaing magpasok ng 60 stick ng sigarilyo sa Navotas City Jail (NCJ) sa pamamagitan ng pagpapasok rin  ng epektos sa kanyang ari.

Binawalang dumalaw ng tatlong buwan sa kanyang asawang drug detainee na si Christian Lazaro si Generose Candelario, ng 388 Gov. Pascual St., Navotas City dahil sa ginawang paglabag sa mga patakaran ng piitan.

Ayon kay NCJ Warden Chief Insp. Ricky Heart Pegalan, alam ni Candelario na ipinagbabawal ang sigarilyo at iba pag kontrabando sa mga kulungan dahil regular naman nitong dinadalaw ang asawa.

Bibisitahin sana ni Candelario ang asawa dakong alas-2:35 ng hapon nang may makapa si duty guard JO1 Gennylyn Pinanching na kakatwa sa gawing ari ng bebot nang isailalim ito sa routine inspection.

Nang utusan ni JO1 Pinanching si Candelario na sumailalim sa strip and ca­vity search ay bumulaga ang mga sigarilyong nakapalara at nakabalot sa transparent cling wrap na nakasalaksak sa ari nito.

Please follow and like us:
Read More

MAGARBO, MATINDING PAKULO SA SEAG OPENING CEREMONIES

SEA GAMES-5

WALANG kaduda-dudang may mga isinagawang matitinding pakulo ang organizers sa pagbubukas ng seremonya ngayon ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena.

Tiyak na magarbo ang opening rites, na ayon sa ating source, ay lubos na magugustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod sa mamamalas ng mga opisyal sa isports at maging ng mga atletang ipaparada ng labing-isang kasaping bansa sa Timog-Hilagang palakasan sa Asya,  pinag-aralan din ng organizers ang masinop, masigla at kaligtasan ng bawat isa sa biennial meet na inaasahang panonoorin ng milyon-milyong katao sa iba’t ibang bansa.

Kasado na maging ang mga sasakyan para sa mga opisyal at atletang tutuungo sa Philippine Arena,  maayos ang lahat sa venue,  nakahanda ang PNP,  MMDA at mga enforcers na mangangalaga sa kaayusan ng trapiko at kaligtasan ng mga sasaksi sa kapaligiran ng venue. Tinitiyak din ng mga kinauukulan na hindi makakaporma ang mga mapagsamantalang tao sa kainitan ng pagbubukas ng kada-dalawang taong palakasan hanggang sa pagsasara ng palaro sa Subic sa Disyembre 11.

Ilan sa magpapasigla sa sinasabing makasaysayang okasyon ay ang traditional dance ng mga Filipino, grand parade ng 11 bansang kasapi ng SEAG,  torch relay na siyang magiging simbolo sa pagbubukas ng ‘urna’, mga mensahe ng ibat ibang bisitang sports officials at ang pinakaabangan na maningning na fireworks display.

Ang lahat ng mga ito ay masasaksihan ng ating mga kababayan, sa labas man o sa loob ng inyong tahanan,  basta’t huwag nyo lang kaliligtaan na tumutok sa inyong mga telebisyon o radyo. Siyempre pa sa mga livestreaming na daan para mapanood din ang SEAG opening ceremonies sa iba’t ibang panig ng mundo.

At upang hindi kayo mapag-iwanan ng mga impormasyon hinggil sa mga resulta at kaganapan sa kasagsagan ng mga laro,  humanap kayo ng mga kopya ng Saksi Ngayon at Diaryo Bomba upang masundan ninyo ang mga balita sa mga hinahangaan nyong atleta na makikibaka sa mga atleta sa Southeast Asia.

Ipagdasal at suportahan po natin ang ating Team Pilipinas. Samahan natin sila para: WE WIN AS ONE!

Ngayon pa lamang ay pinasasalamatan na natin ang ating mga atleta at sports officials,  partikular si PSC Chairman William “Butch” Ramirez,  na ang talagang hamon ay kamkamin ang pangkalahatang kampeonato ng 30th Southeast Asian Games. Mabuhay po kayo at ating mga Pilipinong atleta!

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWA PATAY SA RED TIDE

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang mag-asawa matapos umanong malason sa kinain nilang shellfish na positibo sa paralytic shellfish poisoning, iniulat kaninang umaga sa Barangay Kinayan sa Barobo, Surigao del Sur.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Lucia Quiñonez Namoc, 55, at Leonito Cumahig Namoc, 58, kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Barobo Municipal Police Station, kumain ng shellfish na tintawag na telepono ang mag-asawa na nagmula sa baybaying dagat ng Lianga Bay na may mataas na level ng red tide toxin.

Nabatid, na naisugod pa sa ospital ang mag-asawa, pero nalagutan din ng hininga.

Sinabi naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Caraga, na hindi sila nagkulang sa pagpaalala matapos magpalabas ng adivosry na mahigpit na ipinagbabawala munang kainin lahat ng uri ng shellfish mula sa Lianga Bay na nasasakop sa mga bayan mula sa San Agustin hanggang sa Hinatuan, Surigao del Sur.

 

Please follow and like us:
Read More

FIELD TRIP NAKATUTULONG BA SA MGA ESTUDYANTE?

BOMBAHAN NA FINAL

MASASABI nga bang educational ang isinasagawang field trip ng mga paaralan, pribado man ito o pampubliko?

May napupulot bang aral ang mga estudyante na sumasama rito?

May mga suhestiyong natanggap ang Bombahan Na mula sa silipero, na dapat itigil na ang field trip dahil wala naman daw napapala ang kanilang mga anak sa pagsama sa field trip kundi panganib lang.

Marami na kasing aksidente na nangyayari na kinasasangkutan ng mga field trip at may nagbuwis na rin ng buhay mula sa mga estudyante.

Sabi pa nga ng mga magulang, pinaganda lang ang tawag nila na ginawang “educational field trip” pero ang totoo ay wala namang natututunan ang kanilang mga anak.

Ang hindi pa maganda na ginagawa ng mga guro sa hindi nakakasama sa field trip na mga estudyante ay pinaparusahan nila.

Tulad ng pagpapagawa ng mga kung ano-anong project sa mga estudyante bilang kaparusahan sa hindi pagsama sa field trip.

Sinasabi rin ng mga guro na may plus 5 sa grade ng mga mag-aaral kapag sumama sa field trip.

Kung ano-anong pangungumbinsi ng mga guro sa kanilang mga estudyante para lang sumama rito.

Tulad na lang ang Bagumbong High School sa Brgy. 171, Zone 15, Caloocan City, ang mga estudyante na hindi sasama sa kanilang field trip sa darating Disyembre 2019 ay pagagawin ng thesis bilang kaparusahan.

Tama ba, DepEd Secretary Leonor Briones, ang ginagawang ‘yan ng mga guro?

Dahil hindi sasama sa field trip, parurusahan sa pamamagitan ng project?

Tapos papipirmahan pa sa kapirasong papel ang mga magulang na nagpapatunay na pumapayag na pasamahin ang kanilang mga anak sa field trip.

Para kung maaksidente ang sinasakyan ng mga estudyante ay lulusot kayo na pumayag naman ang mga magulang sa pagsama ng kanilang mga anak?

At hindi lang ‘yan, napakamahal pa ng kanilang singilan, P800 kada estudyante ang bayad sa fieldtrip.

“Sir, hindi po kaya pinagkakakitaan na ng mga guro ang field trip dahil sa laki ng singil nila bawat estudyante?”, tanong ng silipero ng Bombahan Na.

Hindi pa makalimutan ng Bombahan Na ang nangyaring aksidente ng bus na sinasakyan ng mga estudyante ng Bestlink School of Novaliches na nalaglag sa bangin sa Rizal at  maraming mga mag-aaral ang namatay.

Mga nasa kolehiyo na ‘yun, mas lalong delikado sa mga estudyante ng elementary at high school.

Halos hindi na mabilang ang mga namatay na estu­­dyante dahil lang sa aksidente sa field trip.

Kaya tuloy ang tanong ng nakararaming magulang, bakit hindi maipatigil ng DepEd ang field trip?Anong mayroon?

oOo

Pasabugin ang katiwalian mag-email sa joel2amongo@yahoo.com/operarioj45@gmail.com (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

ISANG KALDERONG KIKIAM

BOMBA KA DAY

AT nagkagulo sa bayan ni Juan.

Pano kasi lumutang ang gintong kaldero. Ito raw ba ang kaldero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan?

Ang pagkamahal-mahal na kaldero ay nasa tuktok ng tore na sisindihan at magiging hudyat ng pormal na pagsisimula ng ika-30 Southeast Asian Games.

Nagreklamo ang netizens at hindi matanggap na ang kaldero ay mistulang ginto dahil nagkakahalaga ng P50 milyon.

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng ispiker ng mababang kapulungan ng Kongreso na si Alan Peter Cayetano bilang chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Bakit daw gumastos ng P50 milyon para lang sa kaldero.

“Work of art.” Bwelta ni Cayetano sa mga bumabatikos sa kanyang kaldero.

Huwag daw tingnan ang kaldero kundi ang may likha nito na isang national artist sa katauhan ni Francisco ‘Bobby’ Mañosa.

Ang disenyo ni Mañosa ay para sana sa planong Centennial Tower na itatayo sa Luneta noong 1988. Kaya naiguhit niya ito bago pa man siya pumanaw.

Base sa mapaglarong imahinasyon ng netizens, binura lang ang needle sa ibabaw ng tower na siyang original design kaya na­ging kaldero na gagamitin ngayon sa SEA Games.

Kaya naman katakot-takot na lait at batikos ang inabot ni Cayetano.

Hindi pa man nakaka-move on sa gintong kaldero ang publiko. Sumingaw naman ang kikiam na ipinakain umano sa mga atleta – bisita at lokal.

Pumalag na naman ang netizens. Bakit nga naman hindi, biruin mong P6 bilyon ang ibinuhos dito ng pamahalaan tapos kumbinasyon ng kikiam at itlog ang pagkain?

Agad namang nilinaw ng hotel management na naghanda ng inirereklamong agahan, hindi raw kasi kikiam yun kundi chicken sausage. So, hitsurang kikiam lang pala yun pero lasang chicken? Ganun?

Sino nga ba ang matutuwa sa mga kapalpakan na ‘yan?

Kabilang sa reklamo ang hindi sapat na pagkain at ang ilang venue na hindi pa natatapos ang repair o renovation gayung magsisimula na ang mga palaro.

Pagdating pa lang ng mga bisitang manlalaro ay pumalpak na ang PHISGOC dahil ilan sa mga ito ang naghintay ng mahabang oras sa NAIA bago nasundo tulad ng polo team ng Indonesia.

Nagdududa tuloy ang ibang mga manlalaro na sinasabotahe sila.

Kitang-kita na kapos sa paghahanda ang PHISGOC taliwas sa pagyayabang ni Cayetano na preparado silang magbigay ng ‘world class hosting’.

Sa gitna ng naglulutangang batikos at puna, paano makababawi si Cayetano at paninindigan ang world class hosting ng SEAG?

Nagsalita na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte. Paiimbestigahan niya ang mga kapalpakan sa SEA Games at walang sisinuhin. Lahat ng may kinalaman sa kontrobersyal na SEAG hosting ay sasalang sa imbestigasyon kaya hagip dito si Ca­yetano.

Kahit pa siniguro ng isang kaalyado ni Ca­yetano na malabong imbestigahan nila ito sa Kamara, tiyak na babaliktad sila kapag si Digong na ang nag-utos.

Hindi pwedeng magturo lang si Cayetano sa pangyayaring ito. Nasa kanyang balikat ang malaking responsibilidad at siya ang papasan sa malaking kahihiyan na ina­ani ngayon ng Pilipinas. (BOMBA KA DAY! / JO BARLIZO)

Please follow and like us:
Read More