MEAL, LOAD ALLOWANCE DAGDAG BENEPISYO SA PULIS NG SEA GAMES

PULIS-8

(NI LYSSA VILLAROMAN) IPINAHAYAG ni National Capital Region Police Office chief, Brigadier Debold Sinas na makatatanggap ng allowance ang mga pulis na nakatalaga sa 30th Southeast Asian Games. “Lahat ‘yan sa first pa lang na deployment, you receive P500 saka P100, for the allowance and cellphone load tapos daily mayroon pa ‘yang pagkain, P100 per meal—three times po ‘yan,” ayon kay Sinas. Sinabi ni Sinas na dalawang shift ang kanilang isasagawa bilang bahagi ng security measure ng SEA games. “Maski sa gabi ka naka-shift, mayroon kang allowance na P300,” ayon kay…

Read More

EDSA IWASAN MUNA SA PAGBUBUKAS NG SEA GAMES — MMDA

traffic edsa12

(NI LYSSA VILLAROMAN) INABISUHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng motorista na iwasan ang EDSA mula 12:00 ng tanghali hangang 5 ng hapon sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games. Ayon kay MMDA EDSA traffic czar, Bong Nebrija, inaasahan na nila ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga naturang oras dahil sa isasagawa nilang stop-and-go scheme upang bigyan ng prayoridad ang mga bus na magdadala sa mga atleta sa Philippine Arena sa Bocuae, Bulacan. Ang mga bus ng mga delagado ay dadaan sa yellow lane dahil ang…

Read More

TEACHER NA TULAK, TIMBOG SA PARAK

SHABU-ARRESTED

(NI JG Tumbado) NATIMBOG ng pulisya ang isang 40-taong gulang na guro matapos itong magbenta ng shabu sa ikinasang drug bust operation sa bayan ng Dalaguete sa probinsya ng Cebu. Nakilala ang teacher na tulak na si Roy Ysao, ng Sitio Lalin, Barangay Poblacion at nagtuturo sa Dalaguete National High School. Si Ysao ay dinakip ng mga operatiba ng Municipal Station Drug Enforcement Group pasado alas 9:00 ng umaga ng Biyernes sa tapat mismo ng nabanggit na paaralan. Narekober ng pulisya mula sa posesyon ng suspek ang isang plastic sachet…

Read More

40-ANYOS GINANG PINATAY; DROGA SINISILIP NA MOTIBO

cebu

(NI JG TUMBADO) PATAY ang isang 40-anyos na ginang nang pagbabarilin ito sa loob ng kanyang tahanan sa Cebu City. Tig isang tama ng bala ng baril sa leeg at braso ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng biktima na si Vicenta Abano, naninirahan sa Block 3 Missionaries, Barangay Suba. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas 12 ng hatinggabi ng Biyernes nang pasukin sa loob ng bahay ang biktima ng dalawang naka-bonnet na lalaki at pinagbabaril nang matunton sa kanyang kuwarto. Bago ang pagpatay sa ginang ay sinundan na siya…

Read More

SOLONG ROBBER NANLOOB, NAN-RAPE, TUMANGAY NG P2-M

armed robbery12

(NI ROSE PULGAR) NILOOBAN ng nag-iisang hindi kilalang lalaki ang isang bahay at ginahasa pa ang isang 19-anyos na estudyante at tinatangay ang mahigit sa P2 milyong alahas, gadgets at cash sa Paranaque City, Biyernes ng madaling araw. Humahagulgol pa ang estudyante na itinago sa pangalang ‘Tina’ nang ito’y ay dumulog sa tanggapan ng Paranaque City Police  matapos siyang pasukin at halayin sa loob ng kanyang silid ng armadong suspect matapos takuting papatayin kapag pumalag sa kanyang kagustuhan. Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Police Cpl. Mary Ellen Ramos ng Paranaque Police…

Read More

DARAANAN NI ‘TISOY’ PINAGHAHANDA NG PAGASA

(NI ABBY MENDOZA) MAIHAHALINTULAD sa nanalasang bagyong Reming at Glenda ang padating na bagyong Tisoy kaya ngayon pa lamang ay inaatasan na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maging handa. Ayon sa Pagasa, parehas ang direksyon na tinatahak ng bagyo na may international name na Kammuri sa direksyong tinahak ng bagyong Glenda noong November 28, 2006 at bagyong Reming noong July 2014. Sa bagyong Reming ay 106 ang nasawi, 1250 ang sugatan, 5 ang missing at P38.6…

Read More

MAHIGPIT NA SEGURIDAD IPATUTUPAD SA MAYNILA

PNP150

(NI DAHLIA S. ANIN) SA pagbubukas ng SEA Games bukas, mahigpit na seguridad ang paiiralin ng Manila Police District sa nga venue at hotel sa Maynila kung saan idaraos ang ibang palaro. Ayon kay Lt. Col. Carlo Manuel Magno, tagapagsalita ng MPD, halos 4,000 pulis ang nakatakdang magbantay sa buong panahon na ginaganap ang SEAG. Isa na dito ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), kung saan idaraos ang football. Tinatayang nasa 400 pulis ang magbabantay sa lugar para tiyakin ang seguridad ng mga delegado at atleta. Maging ang Weightlifting, Taekwondo,…

Read More

SELOSONG EX-LOVER NAPATAY NG GINANG

(NI SIGFRED ADSUARA) TULUYAN nang tinapos ng isang 34-anyos na negosyanteng ginang ang pagiging seloso ng kanyang dating live-in partner nang barilin at mapatay nito nang  sumugod sa kanilang bahay matapos na pagselosan ang kanyang driver, sa Imus City, Cavite. Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Roderick Linazan, driver  ng Green State Subd., Brgy. Malagasang 1F, Imus City, Cavite dahil sa tama ng bala sa katawan habang ginagamot sa Ospital ng Imus si Rolly Ayop, 32, may-asawa ng  Green Valley Subd. Brgy San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite dahil sa…

Read More

“SHALL I FREEZE MY EGGS OR NOT?”

(NI VINIA VIVAR) HINDI masabi ni Ruffa Gutierrez ang estado ng love life niya nang makatsikahan namin siya last Wednesday sa block screening ng Unbreakable na pinagbibidahan ng kapatid niyang si Richard Gutierrez with Bea Alonzo and Angelica Panganiban. May tsika kasing hiwalay na siya sa French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal pero ayaw itong pag-usapan ni Ruffa. “Huwag na nating pag-usapan ang mga love life,” she said. Pero hindi ba niya naiisip na panahon na rin naman para mag-asawa siya? “Alam mo, wala namang akong balak mag-asawa ulit or…

Read More

SENIOR CITIZEN NA BAKWIT PATAY SA EVACUATION CENTER

north cotabato 12

(NI DONDON DINOY) MAKILALA, North Cotabato  – Binawian ng buhay ang isang senior citizen na bakwit matapos hindi kayanin ang pabago-bagong panahon sa loob ng evacuation center sa Barangay Bulakanon, nitong bayan, Huwebes Ayon sa ulat, kinilala ang nasawi na si Evie Damali, 60, ng Purok 1, Barangay Bato sa lugar, na isa rin sa mga lugar na ideneklarang high risk area at pinagbawalan pa silang bumalik sa lugar. Sinasabing nagkasakit na noon ang matanda pero mas lumala lamang dahil na rin sa pabago-bagong panahon na kanilang nararanasan sa evacuation…

Read More

200 NA PATAY SA HIV/AIDS SA DAVAO REGION

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Aabot na sa 200 na indibidwal sa Davao Region ang namatay dahil sa human immunodeficiency virus-acquired immunodeficiency syndrome (HIV-Aids) sa unang kalahati ng taong 2019. Ayon kay Davao City Reproductive Health and Wellness Center (RHWC) head Dr. Jordana Ramiterre, base sa datos ng Department of Health-Epidemiology Bureau (DOH-EB), nakapagtala ang rehiyon ng kabuuang 191 indibiduwal, kung saan 137 nito galing sa Davao City. Dagdag ni Ramiterre na ang bilang sa rehiyon ay ang pang-lima sa rankings na may pinakamaraming kaso ng HIV-Aids na 3,476 at 2,902…

Read More

MANILA TRAFFIC ENFORCER HULI SA KOTONG

kotong

SWAK sa kulungan at patung-patong na kaso ang kakaharapin ng enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos umanong mangikil sa isang driver sa Sampaloc, Maynila. Nagsumbong sa Sampaloc Police ang 25-anyos na driver mula Sta. Cruz, Maynila matapos kikilan ng traffic enforcer na nakilalang si Mark Ordinaryo, 22-anyos. Miyerkoles nang patawan ang driver ng violation na reckless driving habang binabaybay ang Barlin corner Tolentino Street sa Sampaloc. Nang ibigay ang Ordinance Violation Receipt (OVR), humirit umano ang enforcer na bigyan siya ng P4,000 kapalit ng hindi pag-ticket sa…

Read More

BARIL INIYABANG; BUNGO NG SEKYU SUMABOG

crime12

(NI NILOU DEL CARMEN) SABOG ang bungo ng isang security guard  matapos pumutok  ang nilalaro nitong  baril  harap ng kanyang mga katrabaho sa isang hotel sa Batangas City Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Jorney Ugmad, 21, ng Valenzuela City at security guard ng Dreaming Forest hotel sa   Barangay  Libjo, Batangas City. Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente alas 6:30 ng gabi habang ipinagyayabang ng biktima ang kanyang 9mm na baril sa dalawang roomboy ng hotel. Ayon sa dalawang roomboy, tinanggal umano ng sekyu ang magazine at mga bala saka itinutok ang baril sa ulo…

Read More

BAGYONG KAMMURI LUMALAKAS SA PAGPASOK SA PH

POSIBLE umanong maging super typhoon ang binabantayang ‘Bagyong Kammuri’ na papangalanang ‘Tisoy’ pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Ayon sa 4am weather update ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1.350 kilometro Silangan ng Southern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 km bawat oras. Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 km kada oras at inaasahang papasok ng PAR sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga. Ayon sa Pagasa, pagpasok…

Read More

LABADAN, LALABAN SA SEAG

(NI DENNIS IÑIGO) IBIBIBIGAY ng teenage-wonder gymnasts na si Breanna Labadan ang lahat upang maisakatuparan ang pangarap na makapaglaro sa Southeast Asian Games. Kinakitaan ng malaking potensyal ang 13-anyos na si Labadan, tubong Butuan City, na ngayon ay nagpapakitang gilas sa rhythmic gymnastics. Nito lamang Nobyembre ay tatlong gintong medalya ang kinubra niya sa junior Individual All-Around titles mula sa Hungary at Denmark. Ibinulsa ng dating St. Scholastica’s College student ang titulo sa 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnasts meet at RG Friends Masters Gymnastics meet 2019. Nakamit rin niya ang…

Read More

ANAK NG PASIG GAGAWING KAMBAL

PASIG CITY-4

(Ni Mac Cabreros) SA distrito ng PaMaMariSan (Pasig, Mandaluyong, Marikina, San Juan), tanging ang Marikina City ang may dalawang Congressional District o Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kinakatawan ngayon ni dating Metro Manila Development Authority at Mayor Bayani F. Fernando ang Unang Distrito para sa 18th Congress (2019-2022) na binubuo ng Barangay Barangka, Calumpang, Industrial Valley Complex, Jesus de la Peña, Malanday, San Roque, Sta. Elena, Sto. Niño at Tañong na may populasyon noong 2015 na 178,876 at naninirahan sa 9.03 metro kilometro. Si Rep. Stella Luz A. Quimbo…

Read More

ESTUDYANTENG MANONOOD NANG LIVE, ILIBRE–PANELO

(NI CHRISTIAN DALE) ILIBRE o huwag nang pagbayarin ang mga estudyante na manood ng iba’t ibang games sa 2019 Southeast Asian Games. Ito ang suhestiyon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo upang maraming estudyante ang makapanood ng kada dalawang taong biennial meet. Kung hindi papayag ang 30th SEA Games organizers, bigyan man lamang ang mga estudyante na gustong manood nang live sa iba’t ibang venues ng kahit 50% discount. “Baka pwedeng yung mga estudyante  huwag na lang pagbayarin siguro, pero yung mga may sweldo naman, eh, magbayad,” ani Panelo. Ayon pa…

Read More

PH WOMEN VOLLEY TEAMS: DO-OR-DIE EVERY GAME

(NI ANN ENCARNACION) NGAYONG araw magsisimula ang kampanya ng Philippine men at women’s team sa 30th Southeast Asian Games beach volleyball competition sa Subic Tennis Center. Pangungunahan ang women pairs nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, at Dzi Gervacio at Floremel Rodriguez. Ang men’s team naman ay binubuo nina Edmar Bonono at Jude Garcia, at Anthony Arbasto at James Buytrago. Sinusulat ito ay hinihintay pa ang resulta ng draw na dinaluhan ng mga coach at team managers ng mga magko-compete na teams. “Bawat bansa ay mayroong isinaling 2 teams,” pagbabahagi…

Read More

2 EMPLEYADO NG DPWH NASA HOT WATER

PASABOG

PARANG nakasa­lang sa mainit na kawali itong dalawang kupal na empleyado ng DPWH makaraang mabulgar at madiskubre ng ilan sa mga kasamahan nito ang  kanilang modus sa loob ng opisina. Ang estilo nitong mga walang modo na empleyado, sa halip na gampanan ang kanilang from day to day assigned task, mas pina-priority nitong mga kupal ang pangingikil sa mga kontraktor? Ang akala ko, sorry maraming nasisira sa akala! Take note, mga reader, ang pagkakaalam ng publiko, stop na ang corruption sa loob ng DPWH! Oh my God!, patawarin mo sila…

Read More

MGA DAPAT BANTAYAN SA SEA GAMES

SEA GAMES-2

Kilala na ng karamihan sa mga sports fans ang mga tulad nina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, boxing champion Nesthy Petecio at syempre ang buong Gilas Pilipinas team na maglalaro sa paparating na Southeast Asian Games. Hindi lang dahil sa kanilang international success ang dahilan kung bakit nakilala ang mga pangalang nabanggit kungdi dahil na din sa tuloy-tuloy na exposure na nakukuha ng mga ito sa media. Sa 30th SEA Games na sisimulan bukas, inaasahan na mas maraming atleta ang mabibigyan ng magandang exposure at makilala ang kanilang mga…

Read More

PATUNAYAN NI MAGALONG NA MALINIS ANG PULIS-BAGUIO

BAKBAKAN NATIN

POKUS na uli si Mayor Benjamin Magalong sa Lungsod ng Baguio matapos ang kanyang natatanging papel sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa ilegal na droga, partikular sa panahon ng pagiging direktor noon ni Gene­ral Oscar Albayalde sa Pampanga noong 2013. Kahit bagitong alkalde, maraming plano si Magalong sa Baguio upang maresolba ang problema sa napakatin­ding trapik, basura at mga punong ipinapuputol ng mga negosyante. Pero ang mabigat na kagyat na hamon kay Magalong ay ang katiyakang walang pulis na sangkot sa ilegal…

Read More