BRIBERY SA MEDIA: CAYETANO BINIRA NG FOCAP

BINATIKOS ng foreign correspondents sa Pilipinas ang bribery claims sa mga media ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) head at House Speaker Allan Peter Cayetano.

Sa statement ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sinabi nito: “Independent journalists report problems and issues imbued with public interest as they happen and become evident and do not delay the time to press for accountability. We report defeats and victories, failures and triumphs.”

Hindi umano katanggap-tanggap ang akusasyon ni Cayetano na nabayaran sila para magpalabas ng malisyosong mga balita.

“Such sweeping accusations, without a shred of evidence and laced with threats of libel suits, are totally unacceptable and tend to intimidate journalists from reporting irregularities objectively,” pahayag pa ng FOCAP.

Ito ang tugon ng grupo sa akusasyon ni Cayetano na “smear campaign” ang inireport ng ibang miyembro ng media, na ang ilan ay umamin umanong ilang sites ang binayaran para magpakalat ng fake news kaugnay sa SEA Games hosting.

Nauna nang binanatan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) si Cayetano at ang PHISGOC dahil sa umano’y ‘negative’ coverage sa SEAG.

“It is bad enough when trolls are let loose upon media reporting on the disastrous preparations… It becomes ridiculously unacceptable when the officials responsible for the disaster resort to bashing media as well, as if the reports on their shortcomings were to blame for the disaster,” ayon sa grupo.  EBG

Please follow and like us:
Read More

COED BINASTOS: RAMBOL SA BUS; 4 SUGATAN

crime21

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAGMISTULANG ‘fighting arena’ sa loob ng isang tumatakbong pampasaherong mini-bus  nang nagkabugbugan at nagkasaksakan sa pagitan ng isang lalaki laban sa tatlong kalalakihan dahil sa pambabastos sa isang 20-anyos na estudyante sa Noveleta, Cavite.

Pawang ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH) sina   Michael Barbacena, 24, construction worker, ng Brgy. Saling-gogon, Minalabac, Camarines Sur; Federico Baral, 26, at  Jhan Paul Bataller, 19, pawang mga construction worker at tubong Minalabac, Cam. Sur habang sa isang ospital din sa Cavite itinakbo ang suspek na si Michel Bandin, 42, isa ring obrero ng Alapan II-A, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni SSgt Ricky Cirilos, ng Noveleta Municipal Police Station, dakong alas-9:00 Miyerkoles ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng mini bus na biyeheng Cavite City – Naic.

Binabagtas ang kahabaan ng Manila-Cavite Road sakop ng Brgy San Rafael 3, Noveleta, Cavite patungo sa direksiyon ng Tanza  at sakay ang mga biktima, suspek at isang babaeng estudyante ng San Sebastian College-Cavite City branch.

Sa kalagitnaan ng biyahe, tinititigan umano ng grupo ni Barbacena ang babaeng estudyante at hindi pa nasiyahan ay nagbulungan, nagtawanan at  sinipulan pa ng mga ito.

Hindi naman nakatiis si Bandin dahilan upang sitahin ang tatlo pero minasama nila ito dahilan upang magpalitan ng maaanghang na salita hanggang sa naglabas umano ng bote ang una at ipinukpok sa isa sa kanila dahilan upang mabasag.

Kinuyog naman ng tatlo si Bandin pero dahil may hawak itong basag na bote ay nagawa nitong isaksak sa tatlo habang patuloy na umaandar ang pampasaherong bus.

Gayunman, pagdaan sa isang barangay hall sa San Rafael III ay tumigil ang pampasaherong bus at ipinaaresto ang apat.

Napag-alaman  na pawang mga nakainom ang apat.

Ayon kay Cirilos, kasong unjust vexation ang isinampa ng babaeng estudyante sa grupo ni Barbacena habang counter charge na physical injuries ang isinampa ng magkabilang panig.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NASEMENTO NANG BUHAY SA LOOB NG CEMENT MIXER

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Nasawi ang isang obrero na menor de edad habang nasa loob ng isang concrete mixer na naglilinis makaraang paandarin ng kasama nito ang nasabing sasakyan sa Barangay Sandakan, Sultan Kudarat, Maguindanao, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Datu Ali Acob, 17, ng barangay Dalumangcob sa bayan ng Sultan Kudarat.

Sa ulat ng pulisya, posibleng umanong hindi namalayan ng driver na naka on din pala ang plangka ng cement mixer.

Ayon kay PSSg Mujeeb Sepi, imbestigador ng Sultan Kudarat PNP, alas-10:00 na ng umaga nang makuha sa loob ng mixer ang biktima.

Sinabi ni Sepi na naglilinis sa loob ng cement mixer ang biktima nang mapa-andar ng kasama ang truck at sabay na umikot ang cement mixer.

Posibleng nakaswitch-on din ang plangka ng cement mixer kaya nang mapaandar ang truck ay sabay itong umikot.

Hindi naman matanggap ng pamilya ng biktima ang sinapit nito kung saan naulila ni Datu Ali ang misis nito at ang isang buwan na sanggol.

Mabilis namang tumakas ang driver ng truck matapos ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

DUELO NG SHOTGUN: 2 MAGSASAKA PATAY SA AWAY-LUPA

(NI BONG PAULO)

AWAY sa lupa ang dahilan ng pagbabarilan ng isang magsasaka at  kalaban nito matapos kapwa  masawi sa duelong naganap sa Sitio Kuloingal, Barangay Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ang dalawa na sina Junie Legal Mlaan, 32, ng nabanggit na lugar at isang Danilo Andal, alyas Pee, 23, ng Lamdabak, Barangay Lamfugon.

Sa imbestigasyon ng Lake Sebu PNP at 27th Infantry Battalion ng Philippine Army, narekober na lamang ang katawan ng dalawa na kapwa wala nang buhay, pasado alas-4:00 Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa opisyal, parehong nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang mga katawan ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Itinuturing na ng mga otoridad na case closed ang naturang insidente dahil walang testigo sa naturang pangyayari at wala rin silang person of interest na maaring sampahan ng kaso.

Homemade shotgun umano ang armas ng dalawa sa kanilang duelo.

 

Please follow and like us:
Read More

20 ILLEGAL ALIEN TIMBOG SA DIVISORIA

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 20 pinaghihinalaan mga illegal alien sa ikinasang raid Lunes ng hapon sa Sto. Cristo St. sa Divisoria, Manila.

Napag-alaman na anim na mga babae at 14 na mga lalaki ang mga nahuli ng intelligence agents habang nagtitinda ng mga produkto nang walang mga immigration visa o permit.

Ayon sa pahayag ng mga tauhan ng raiding team, naaresto ang mga ito sa tulong ng local vendors sa naturang lugar.

Huli sa akto ang 20 ilegal na dayuhan habang nagtitinda ng mga bawang, sibuyas at iba pang produkto sa sidewalk kung saan ipinagbababwal ng pamahalaan ng Maynila.

Ayon sa pahayag ng BI intelligence agents, sa 20 ilegal alien na naaresto, 17 ay mga Chinese national habang ang tatlo ay may dokumento na sila ay mga Filipino citizen .

Kaugnay nito, nagbabala si Commissioner Jaime Morente na itigil ng mga illegal na dayuhan na magtinda nang walang mga permit mula sa kanyang opisina, at maging sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang 17 Chinese national ay agad dinala sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig bago ipadeport sa kanilang bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

KILIG ANG BDAY MESSAGE NI VICE SA DYOWA

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SUPER kilig at napaka-touching ng birthday message ni Vice Ganda para sa boyfriend na si Ion Perez na ipinost sa kanyang Instagram account last Wednesday.

Sa bawat linya ng nasabing mensahe ay ramdam na ramdam mo ang sinserong pagmamahal niya para sa dyowa at nakakatuwa rin to know kung gaano siya kasaya ngayon.

“Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya. Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa. Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko. Hanggang nakilala ko sya.

“Lahat biglang nagbago. Sinagip nya ko bago ko tuluyang malunod. Binura nya lahat ng hinanakit. Naging matamis yung dating ubod ng pait. Sya lang yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito. Sya lang yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko.

“Sya lang yung may kamay na humawak sakin kahit may ibang nakatingin. Sya lang yung yumakap sakin na di nagtatago sa dilim. Sya yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako.

“Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po sya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya. Nawa po’y lagi syang nakangiti at masaya. Sana po ipahintulot nyong habang buhay ko syang makasama. Kasi po mahal na mahal ko sya,” mensahe ni Vice Ganda na may hastag na “HappyBirthdayIon.”

Inulan ng likes at positive comments ang nasabing post hindi lang ng natizens kungdi ng mga kapwa-artista which means marami talaga ang sumusuporta sa pagmamahalan nila ni Ion.

PAPAKASALAN NI VHONG ANG LONG TIME GF

Balitang-balita na nga ang kasal ni Vhong Navarro sa long time girlfriend na si Tanya Bautista na gaganapin daw sa Nov. 29 sa Japan. At kahit wala pang kumpirmasyong nanggagaling mula sa dalawa tungkol dito, base na rin sa ipinost ng TV host/dancer sa kanyang IG account, mukhang totoo nga ang tsismis.

Nag-post si Vhong ng larawan nila ni Tanya na tila kuha mula sa isang pre-nuptial shoot.

“She’ll often disagree, but at the end of it all, she will understand me,” ang simple but sweet caption ni Vhong.

Bumaha ng congratulatory messages sa thread para sa dalawa mula sa mga netizens at mga kaibigan from showbiz. Ilan sa mga bumati ay sina Ogie Alcasid, Luis Manzano, Erik Santos, Barbie Imperial, Rodjun Cruz, Zeus Collins, Ryan Bang, Jason Abalos. Billy Crawford among others.

Ang pagbati na ito ng mga kasamahan ay tila pagkumpirma na rin na totoo nga ang tsikang ikakasal na ang dalawa.

 

Please follow and like us:
Read More

ZERO INCIDENTS SA SEA GAMES TARGET NG PNP

PNP by JHAY JALBUNA -2

(NI JESSE KABEL)

TARGET ng Department of Interiors and Local Governments at Philipine National Police na pagkakaroon ng ‘Zero Incidents’ sa buong panahon na idinaraos ang 30th South East Asian Games sa Pilipinas.

Nabatid na bago pa opisyal na mag-umpisa ang paligsahan ay nagpahayag na ang mga banyagang kinatawan ng palaro na kuntento sila sa inilatag na seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa mga delegado at mga manlalaro.

Ayon kay DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya, ramdam ng mga manlalaro ang ipinatutupad na seguridad sa kanila simula nang magdatingan sa bansa ang mga atleta ng 2019 Southeast Asian Games.

Giit ng opisyal, lahat ng mga foreign delegate ay escorted ng mga pulis.

“As of matter of fact noong dumating na yung mga delegado kaagad naroroon yung ating mga security convoys and the foreign delegates have already expressed their satisfaction with the security arrangements.”

“Wala po tayong na-receive na kahit anumang complaints from the foreign delegates about lack of security on their part. They feel secure, kitang-kita po natin on my way here may nakasalubong akong convoy ng mga delegado ng isang bansa na fully secured ng PNP,” pahayag ni Malaya.

Samantala , inihayag naman ni PNP spokesperson B/Gen. Bernard Banac, plano nila na magkakaroon ng special lane para sa SEA Games delegates gaya ng ginawa noong nakaraang APEC summit sa bansa at iba pang international events.

Nabatid na pangunahing concern ng PNP na nagsisilbing escorts at security convoys ng mga atleta ang grabeng trapik na kanilang ipinakita sa nilikhang Multi Agency Coordinating Center (MACC) sa Camp Crame kung saan tinututukan ang traffic situation para sa ibat ibang sports venues sa SEA Games.

Aminado ang PNP  na malaking hamon sa seguridad sa 2019 SEA Games ang nararanasang problema sa trapiko.

Sakaling hindi ma-finalize ang hinihinging special lanes para sa SEA Games ay mananatili sila sa stop and go scheme sa mga daraanang lansangan na  ipatutupad ng PNP.

Ayon kay Banac, target ng PNP ang zero incidents sa buong panahon ng palaro. Kasunod ng pahayag na may nakahanda silang protocols sakaling magkaroon ng aberya.

“So insofar as security preparations are concerned we are 100 percent prepared and ang target talaga natin ay zero incidents so for this to happen this is not simply the problem of the PNP, we enjoin LGUs, barangay officials magtulong tulong na po tayo rito especially kapag tapos na ang games at namamasyal na yung mga delegado sa mga hotels, beaches natin let’s continue to secure them even after the games until such time they return back to their respective countries,” wika ng opisyal.

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY, 11 SUGATAN SA SUMABOG NA GRANADA SA SCHOOL

granada

(NI AMIHAN SABILLO)

DEAD on the spot ang isang matandang suspek at pulis makaraang sumambulat ang granada sa school campus sa Misamis Oriental, Huwebes ng umaga.

Sa report ng Misamis Oriental sa Camp Crame, nangyari ang insidente dakong alas-11:20 ng umaga sa loob ng Initao College, Jampason, Initao, Misamis Oriental.

Rumesponde umano ang mga pulis sa report ng mga estudyante na may nag-aamok sa loob ng kanilang eskwelahan.

Nang makita ang suspek ay sinubukan umano itong kausapin nina PLt. Ruel Litiratus, PMaster Sgt. Jason Magno at PSMS Alice Balido, humantong sa pakikipagbuno ni Magno hanggang sa maitumba nito ang suspek subalit siya namang pagsambulat ng granada.

Dahil sa insidente ay agad binawian ng buhay sina Magno at suspek na hindi pa nakikilala habang sugatan naman si Balido at 10 mag-aaral.

Patuloy namang binibigyang lunas sa  MOPH-Initao ang mga sugatan habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng suspek at motibo nito sa pag-amok.

Please follow and like us:
Read More

GUNMAN PINAG-ALMUSAL PA; MAGSASAKA PATAY SA ‘KAIBIGAN’ 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang magsasaka na kamatayan ang kapalit pagkatapos nilang kumain ng almusal ng kanyang kaibigan, nang pagbabarilin ito ng huli, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang biktimang si Leandro Gapasinao, 54, ng Barangay Agpalali, Tapaz, Capiz.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Isidro Bundalan, 52, ng Barangay Tabon, Tapaz, Capiz.

Batay sa report ng Tapaz-Police Station, naganap ang insidente umaga ng Biyernes sa loob ng bahay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon, dumating ang suspek sa bahay ng biktima kaya niyaya rin itong sabay na silang mag-almusal.

Pagkatapos kumain, lumabas na ang suspek sa bahay ng biktima at sumunod naman ang biktima sa pag-aakalang makikipagkuwentuhan pa ito.

Dito, naglabas ng .45 kalibre na baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay saka mabilis na tumakas.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

BANGKAY NG PASLIT LUMUTANG SA SAPA 

(NI ANNIE PINEDA)

WALA nang buhay nang matagpuan ang batang babae na nawawala noong Miyerkoles nang makita itong nagpalutang-lutang sapa, sa Capiz.

Kinilala ang biktima sa alyas Mae, 5, at residente ng Purok Casino, Brgy. Miranda, Pontevedra Capiz.

Batay sa report ng Pontevedra Municipal Police Station, dakong alas-2:00 kahapon ng hapon nang ipa-blotter ng mga magulang ang biktima na nawawala  hanggang sa matagpuan ang bangkay nito sa sapa bandang alas 9:00 ng gabi sa nasabing lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, huling nakitang buhay ang biktima kasama ang isang babae na may problema sa pag-iisip habang mayroon naman silang iba pang persons of interest na ngayon ay nasa kustodiya ng Pontevedra-PNP.

Lumabas sa unang pagsusuri ng doktor na namatay ang biktima sa suffocation.

Isasailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng biktima para malaman ang tunay na dahilan ng ikinamatay nito.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO KINATAY NG KARIBAL; RELASYON BUKING SA TEXT 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang lolo na ang pagmamahal nito sa isang babae ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan makaraan katayin ito ng tricycle na driver na kasintahan ng kanyang karelasyon, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Marcelino Penuliar, 61, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si James Berbon, 44, at kapwa taga Alaminos City, Pangasinan.

Batay sa report ng Alaminos Police Station, bago ang insidente, inaya pa ng suspek ang biktima na mag-inuman para maisakatuparan ang plano nitong pagpatay kay Penuliar.

Ayon sa pulisya, nabuking umano ni Berbon ang relasyon ni Penuliar sa kanyang ka-live in nang makita ang text message ng biktima na nagpadala ng pera sa karelasyon.

Dito umano nabuo sa isipan ng suspek na patayin ang biktima para matigil ang relasyon sa kanyang kalive-in.

Habang nag-iinuman, naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ng 25 beses ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan. Hindi pa ito nakuntento, kumuha pa ng malaking bato at inihampas sa ulo na naging sanhi ng agaran kamatayan ni Penuliar.

Nabatid, na matagal na umanong alam ng suspek na may relasyon ang biktima at kanyang kasintahan.

Matapos ang pamamaslang tumakas ang suspek at ngayon ay tinutugis na ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

PULIS KULONG SA RAPE NG INMATE 

rape 12

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang kawani ng Philippine National Police (PNP) nang hindi ito nakapagpigil sa panggigigil matapos ireklamo ng panggagahasa ng isang babaeng preso, sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang suspek na si Police Master Sergeant Romulo Carpio, ng Atimonan Police.

Ayon kay PMaj. Alejandro Onquit, Chief of Police ng PNP-Atimonan, bandang  alas 11:00 ng umaga noong Nobyembre 24 naganap ang insidente at na-ireport lamang ito ng biktima kinaumagahan.

Kuwento ng 49-anyos na biktima, habang naliligo siya sa banyo sa nasabing himpilan ng pulisya, nang biglang katukin ng suspek ang pintuan at sapilitan siyang ginahasa .

Sinabi pa nito, sa takot niya ay hindi agad-agad siya nakapagsumbong at kinabukasan pa niya ito inireport.

Isinailalim naman sa pagsusuri ang biktiam at positibong ginahasa ito ng suspek.  Agad naman dinakip ng kanyang mga kabaro ang suspek at posibleng mahaharap sa kasong rape at administratibo.

Nanganganib din umanong matanggal sa serbisyo ang suspek dahil sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

59-ANYOS BABAE PATAY SA SUNOG

NAMATAY sa sunog ang 59-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng hatinggabi.

Bedridden umano ang biktima at mag-isa lamang sa bahay nang sumiklab ang apoy, ayon kay Bacoor City fire marshal Jude Sumeg-ang.

Nasa trabaho ang mga kaanak nang mangyari ang sunog. Ang nag-aalaga naman sa kanya ay iniiwan siya kapag nakatulog na.

Nabatid na sa mismong kwarto ng biktima nagmula ang apoy na posible umanong faulty electrical wiring ang sanhi. Kasamang natupok ang tatlong bahay sa subdibisyon na umabot  sa ikatlong alarma bago naapula.

 

Please follow and like us:
Read More

GOVERNOR’S CUP LAST SEMIFINALS SEAT INAGAW

UMABOT sa tatlong overtime bago tuluyang naagaw ng eight-seed  NorthPort Batang Pier ang huling semifinals seat kontra No. 1seed NLEX Road Warriors, 126-123, Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.

Muntik pang magkaroong ng pang-apat na overtime kung pumasok ang tres ni Kiefer Ravena sa nalalabing 1.1 segundo.

Top scorer para sa Batang Pier ang Fil-German na si Christian Standhardinger na nagtala ng 33 puntos, kabilang ang dalawang winning freethrows, kasama pa ang 23 rebounds sa loob ng 61 minutong paglalaro.

Nagposte rin ng double-double, 30 points at 11 rebounds si Sean Anthony, habang nagambag si Michael Qualls ng 31 points kabilang ang game-tying freethrows para itulak ang laro sa unang overtime.

Makakatapat ng NorthPort sa semifinals ang Barangay Ginebra, samantalang Meralco Bolts at TNT Katropa ang dalawa pang teams na kukumpleto sa Final Four ng 2019 PBA Governor’s Cup.

Please follow and like us:
Read More

MAJA, DYOWA TODO SUPORTA SA PELIKULA NI JANELLA

(NI GORGY RULA)

SUPORTADO ng mga kaibigan ng main cast ng The Heiress ang kanilang premiere night na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall nung nakaraang Martes, November 26.

Dumating ang magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nunez, Arjo Atayde, Alexa Ilacad, at Pamu Pamorada ng PBB.

Sabi ni Janella Salvador, hindi pa raw niya naimbita si Maja nagprisinta na itong  dadalo siya sa premiere night para sumuporta sa pelikula niya.

“Sobrang thankful ako sa lahat na nagpunta.

“Especially yung cast ng Killer Bride, nagpunta sila.

“Si Ate Maja, siya mismo nasabing ‘support natin yung movie ni Emma (character niya sa Killer Bride),” pahayag ng Kapamilya young actress.

Namataan din naming  nanood si Markus Patenson na nali-link kay Janella, pero kaagad na iniwas siya ng taga-Star Magic sa movie press na gusto sanang mag-interview sa kanya.

Pinaalis siya pagkatapos ng pelikula.

“Of course!” bulalas naman ni Janella nang binanggit naming nandun si Markus.

Sinundan ko siya ng tanong kung sa anong level na ba ang relasyon nilang dalawa, pero napakibit-balikat lang siyang nakangiting pagkatamis-tamis.

“Pag ready na kami sasabihin namin sa inyo,” makahulugan niyang sagot sa amin.

Si Arjo naman ay suporta siyempre Maricel Soriano, ang Nanay Sabel ni Elai ng General’s Daughter.

Doon na rin ay tinanong namin ang Kapamilya actor kung napaplano na ba ang dinner nila uli kasama na ang pamilya ni Maine Mendoza.

“Opo,” medyo naaalangan niyang sagot.

“Sa amin na lang po muna yun and I’m happy na may time kami with our family. Pero sa amin na lang po muna yun,” sabi pa niya.

Nakasabay din nila roon ang premiere night ng Unbreakable at nagtilian din ang mga fans na nakatambay sa The Heiress nang dumaan doon sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion at Bea Alonzo.

Napansin lang namin, karamihang taga-media ay nanood ng The Heiress at natapos dahil maayos naman ang pelikula.

Bagay nga itong pang-MMFF na obvious namang ginawa ito ni direk Frasco Mortiz para sa taunang filmfest.

Kaya na-curious tuloy ako kung gaano kaya kaganda ang nag-iisang horror sa MMFF na Sunod, para ito ang piliin over The Heiress.

Showing na ngayon ang The Heiress, na tiyak na tiyak na ikatutuwa ito ng mga fans ni Maricel na magaling pa rin at bagay sa kanya ang role bilang tiyahin ni Janella na mambabarang.

Pagkatapos nga ng screening, mahigpit na nagyakap sina Maricel at Roselle Monteverde na tuwang-tuwa sa kinalabasan ng pelikula.

Medyo emotional si Maricel dahil sa magagandang feedback sa performance

Sa 2019 MMFF Parade…VIC SOTTO UNA, VICE GANDA HULI

Nagkabunutan na pala ang mga representatives ng walong pelikulang

kalahok ng sequence ng parada, kung aling pelikula ang unang paparada at alin ang huli.

Ang maganda, ang pelikula ni Vic Sotto ang mauna at tatapusin naman ng pelikula ni Vice Ganda. Kaya ang saya nito dahil talagang mag-aabang ang mga fans hanggang sa matapos ang buong parada.

Mauuna nga ang Mission Unstapabol nina Bossing Vic at Maine Mendoza, susunod ang Culion ni Iza Calzado, pangatlo ang Write About Love nina Rocco Nacino at Miles Ocampo, pang-apat ang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon, susunod ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach,  tapos ang Sunod nina Carmina Villaroel at Mylene Dizon, na susundan ng Mindanao nina Judyann Santos at Allen Dizon at panghuli ang M&M: The Mall, the Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis na tiyak na malaki na ang tiyan niyan.

Ang dinig namin, kakaririn ng taga-Mindanao ang kanilang float na Muslim inspired at marami silang puwedeng gawin para maging colorful ito.

Pero alam naman natin kung aling float ang talagang pagkakaguluhan.

Iikot sa buong Taguig ang parada dahil ito ang host city.

Tiniyak naman nilang maayos ito at never na mangyari ang kapalpakan nung nakaraang taon.

Samantala, may narinig naman kaming tsika na meron daw isang entry na nakakatulog daw ang mga naka-screen nito.

Ano kaya ito?

 

Please follow and like us:
Read More

GF NAKIPAG-BREAK; LALAKI NAG-SUICIDE

suicide

(NI JG TUMBADO)

LABIS na kalungkutan at pighati ang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang 22-anyos na binata kasunod ng pakikipaghiwalay sa kanya ng kasintahan sa Butuan City.

Nakilala ang nag-suicide sa pamamagitan ng pagbigti sa kisame na si Jerry Uy, tubong Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang bangkay ng binata sa loob ng kwarto nito na nakabigti gamit ang kumot.

Sinasabing bago ang insidente ay narinig na nag-aaway sa cellphone ang biktima at kanyang nobya nitong Nobyembre 24 dahil sa selos na nauwi sa hiwalayan.

Dito na umano nagtaka ang kaanak  kung bakit hindi lumalabas ng bahay ang biktima hanggang mabulaga nalamang sila sa pagkakadiskubre sa bangkay nito.

Please follow and like us:
Read More

CRACKDOWN SA MGA KALIWANG GRUPO WALANG KATOTOHANAN!

AKTIBISTA-2

(Ni NELSON S. BADILLA / Ikaapat at huling bahagi)

MALIBAN sa paratang na “gestapo-like,” inakusahan din ng mga aktibistang kabilang sa kaliwa na may crackdown ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa kanilang hanay.

Ang tinutukoy  ng PeryodikoFilipino writer na ito na mga aktibistang bahagi ng kaliwa ay ang Kilusang Mayo Uno (KMU), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Gabriela, Bayan Muna,  Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at iba pang mga kasamahan nila.

May iba pang bahagi ng kaliwa tulad ng Partido ng Manggagawa (PM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas at iba pa.

Ayon sa mga pinuno ng mga organisasyong ito, wala namang hinuhuli ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay.

Iwinasiwas ng kaliwa na ang naganap na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng AFP at PNP sa Bacolod City noong Oktubre 31 at Maynila noong Nobyembre 5 ay bahagi ng crackdown ng administrasyong Duterte laban sa kanilang hanay.

Ang crackdown ay sagot daw sa pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na armadong pakikibaka ng pambansa demokratikong puwersa.

Idinikit ng puwersa ng mga kaliwang aktibista na bahagi ng pambansa demokratikong puwersa ang binabanggit na crackdown makaraang biglang iatras ni Duterte ang usapang pangkapayapaan ng kanyang administrasyon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ang Communist Party of the Philippines (CPP) ang namumuno sa NDFP.

Ang CPP rin ang namumuno sa pambansa demokratikong pakikibaka simula noong Disyembre 1968.

Kapag sinabing crackdown, ibig sabihin “sinisira” o “winawasak” ang isang organisasyon o kilusan.

Ang salitang ito ay aktibo na nangangahulugang patuloy na nagaganap.

Kaya, hindi tumitigil sa iisang teritoryo ang pagsira o pagwasak sa organisasyong itinuturing na kaaway ng pamahalaan.

Ayon sa AFP at PNP, walang isinasagawang crackdown ang estado laban sa kanilang puwersa.

Ang naganap na panghuhuli sa mga kasapi ng KMU, Gabriela, Bayan Muna at iba ay batay sa impormasyong may itinatago silang mga armas at bala sa tanggapan ng nasabing mga organisasyon.

Labag sa Penal Code of the Philippines ang paghawak at pagtatago ng mga baril at bala nang walang kaukulang papeles.

Tiniyak din ng AFP at PNP na walang ipinag-uutos ang kanilang Commander-in-Chief na si Pangulong Rodrigo Duterte na sirain at wasakin ang mga organisasyong nakaugnay sa CPP.

Kahit walang pahayag ng pagtanggi ang AFP at PNP, napakalabong ikahon o isalawarang mayroong naganap na crackdown laban sa mga organisasyong matagal nang iniuugnay sa CPP, sapagkat napakaunting bilang lamang ng mga kaliwang organisasyon ang dinakip at ikinulong ng pinagsanib na puwersa ng AFP at PNP.

At ang operasyong ito ay hindi ilegal o labag sa batas, sapagkat mayroong search warrants ang mga awtoridad.

Ang search warrants na tiniyak ni Punong Mahistrado Diosdado Peralta na legal at nakabatay sa resolusyon ng Korte Suprema ay galing sa Quezon City Regional Trial Court.

Ang operasyon ay idinaan sa sistemang legal.

Wala kinidnap o pinapatay ang AFP at PNP kahit isa sa kanila.

Kaya, ang punto ng AFP, PNP at Korte Suprema nang pumutok sa media ang operasyon sa Bacolod City at Maynila ay dapat daanin din sa legal na proseso ng mga kaliwang aktibista ang naganap na dalawang operasyon.

Ang pagpapalaki sa media ng operasyon ng AFP at PNP sa kahit kaninong kaliwang aktibista, sa pamamagitan ng pagbabanggit ng mga salitang hindi naman naganap, ay hindi nakakatulong sa kaliwa o sa hanay ng CPP.

Sa halip, lalong inilalayo ng mga kaliwang aktibista ang kanilang sarili mula sa mamamayang Filipino.

At ibinabaon ang kanilang mga sarili sa gilid ng bangin ng kasaysayan hanggang sa kalaunan ay malaglag nang kusa, sapagkat isinuka sila ng mamamayang Filipino.

Please follow and like us:
Read More

TAUHAN NG BUCOR NILIKIDA SA HARAP NG BILIBID

bilibid12

(NI DAVE MEDINA)

HINDI nakaligtas kay kamatayan  ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang tambangan sa harap lamang ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ni BuCor Spokesperson Maj. Alberto Taripu ang biktima na si CO1 Porferio Bergula , na nakatalaga sa Medium Security Compound (MedSC) sakop ng New Bilibid Prisons Reserve Complex (NBPRC).

Sa imbestigasyon, lumitaw na ang biktima ay nasa tapat ng isang restaurant na 400 metro lamang ang layo sa gate ng NBP nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktimang si Bergula pero binawian din ng buhay.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Inaalam din ang motibo sa pananambang.

Please follow and like us:
Read More

HELPER ARESTADO SA RAPE NG TOTOY

(Ni FRANCIS SORIANO)

ARESTADO ang isang 30-anyos na helper matapos nitong halayin ang 15-anyos na anak ng kanyang amo sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Carlito Gaces, ang suspek na naaresto na si Arthur Jabonete, 30, stay-in helper habang ang biktimang ay isang Grade 8 at kapwa ng Sitio Kabatuhan, Gen. T. De Leon.

Ayon sa ulat,  dakong alas-11, dumating ng kanilang bahay ang biktima at nagtuloy kaagad sa kanyang silid subalit lingid sa kaalaman ng binatilyo, sinundan siya ng suspek at pumasok din sa kanyang silid bago isinara at pinto.

Dito na tinakot umano ang suspek ang binatilyo na may mangyayaring masama sa kanya kapag gumawa siya ng ingay kaya’t naging sunud-sunuran lamang ang biktima nang kaladkarin at itulak siyang pahiga sa kama at  ginawa ang makamundong pagnanasa nito.

Matapos ang insidente ay nagsumbong sa kanyang tiyahin ang binatilyo na kaagad namang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

SOBRANG POLITIKA NAKASASAMA

BOMBAHAN NA FINAL

SA halip na sumulong ang Pilipinas ay mabagal ang pag-angat ng bansa natin.

Tulad na lamang po ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Kesyo may mga nagsasabi na failure ang kampanyang ito ng gobyerno.

Sa tingin n’yo kundi si Pangulong Duterte ang naluklok sa Malakanyang ay nabawasan ang holdaper, hablutan ng cellphone, alahas sa jeep, masaker sa mga inosenting tao?

Na ang mga gumagawa ay lango sa ipinagbabawal na droga.

Hindi pa man siya nakauupo sa Palasyo ng Malakanyang ay marami na ang sumukong mga sangkot ng ilegal na droga.

Kitang-kita po natin sa tuwing umuuwi ang inyong lingkod ng hatinggabi mula sa pahayagan na dati kong pinagtatrabahuan ay harap-harapan nating nakikita na may nabibiktima ng hablutan ng cellphone at alahas.

Tuwing sasapit naman ang “ber months” kaliwa’t kanang holdapan ang nangyayari na ang biktima ay mga taxi driver at call center agents.

Sa ayaw at sa gusto n’yo, ngayon ay bihira na po kayong makarinig ng mga ganitong pangyaya-ri.

Ibig sabihin po nabawasan ang salot sa lipunan na mga lango sa ilegal na droga.

Hindi man totally nawala ang ilegal na droga sa bansa pero malaki ang nabawas nito.

Simple lang po wala na pong nadidiskubreng shabu laboratory hindi katulad ng dati na kaliwa’t kanang may nababalitaan tayong may niri-raid.

Sabi nga ni Sen. Bato Dela Rosa, hindi perpekto ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ayon pa sa dating PNP chief, hindi biro ang ginagawa ng mga awtoridad sa paglaban sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Pero nakatitiyak ang senador na malaki ang nagawa nila para mabawasan ang mga nasa likod nito.

Inihalimbawa pa ni Sen. Bato na maging ang mauunlad na bansa tulad ng Amerika, Columbia, Mexico at marami pang iba ay hindi perpekto ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Naniniwala po ang BOMBAHAN NA sa sinasabi ni Sen. Bato dahil ang makagagawa lamang ng perpektong gawain ay ang Pangulong Diyos lamang po.

Mas makabubuti po kesa batikusin n’yo ang gobyerno sa paglaban sa salot na ilegal na droga ay tumulong na lang po kayo.

Para sa atin lahat po ito.

Mahirap labanan ang hindi matinong pag-iisip tulad ng mga lango sa shabu.

May suhestiyon lang po sa gobyerno ang BOMBAHAN NA unahin po ‘yung pinagmumulan ng ilegal na droga tulad ng mga financier, drug lord at protektor.

Pag binarahan n’yo po ang tubig ay wala nang dadaloy sa ibaba na ang sumasahod ay ang mga ordinaryong mamamayan.Sabi nga ni Sen. Bato, kung hindi makatutulong si Vice President Leni Robredo sa kampanya, tama lang na tinanggal siya ni Pangulong Duterte bilang anti-drugs czar.

Hindi maaaring walang mamatay ang giyera ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Hindi normal ang pag-iisip ng isang tao na bangag sa ilegal na droga.

Kailangan din sa mga paaralan ay palakasin ang kampanya laban sa ilegal para malaman nila ang masamang dulot nito sa tao.

Sa mga politiko naman, ‘wag n’yo politikahin ang isyu ng kampanya ng gobyerno sa ilegal na droga.

Tumulong na lang kayo kung paano ito malulutas nang parepareho tayong nakatutulog ng mahimbing.

oOo

Pasabugin ang katiwalian mag-email sa joel2amongo@yahoo.com/operarioj45@gmail.com (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

ISTAP! WALA MUNANG UTAK TALANGKA

NIPIS

HINDI na maitatago ang mga kapalpakang nangyayari sa gaganaping 30th South East Asian (SEA) Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019 dito mismo sa ating bansa.

Nagsimula sa P50 milyon ‘cauldron’ na binatikos ng mga mamamayan lalo na ng mga oposisyon, hanggang umabot na sa pagdating sa bansa ng mga athletang bisita na kasali sa kompetisyon na hindi nabigyan ng tamang atensiyon ng organizing committee ng SEA Games.

Nagreklamo ang mga atleta at lumabas pa sa mismong mga komunikasyon nila sa sarili nilang bansa ang mga palpak na pagtanggap sa kanila ng Pilipinas gayun noon pa man ay kilala na ang ating bansa sa kahusayan sa pagtanggap ng panauhin.

Ipinakita ang pagsisiksikan sa isang sasakyan ng mga bisitang atleta, maling pinagdalhang hotel, pagtulog sa sahig ng hotel dahil sa kawalan ng preparasyon at akomodasyon, traffic, palpak na pagkain dahil hindi nabigyang halaga ang pagkain ng mga Muslim, kakulangan sa tubig, hindi tapos na press venue, hindi tapos na pagdarausan ng mga laro at marami pang iba.

Hindi nga maganda ang paghawak ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC)  na pinangungunahan ni House Speaker Allan Peter Cayetano dahil nagmukhang amateur ang Pilipinas sa paghawak ng ganitong event gayung hinawakan na natin ang 23rd SEA Games noong 2005 na nagkaroon man ng gusot subalit mabilis na nagawan ng paraan at hindi masyadong malaking kahihiyan ang naidulot.

Bago magkaroon ng 2019 National and Local Elections, nagpalabas pa ng press release si Ca-yetano na noon ay kalihim ng Department of Foreign Affairs at chairman ng PHISGOC.

Sa press release, sinabi ni Cayetano na handang-handa ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang pinamumunuang committee na pangunahan ang 30th SEA Games kung saan inaasahang dadaluhan ng labing-isang bansang miyembro nito.

Subalit, talagang palpak kaya hindi maitago ang mga kaganapan. Ilang nasa panig ng pamahalaan ang nagsasabi na puro dilawan o oposisyon ang bumabanat at naghahanap ng kasiraan ng administrayon kaugnay sa palpak na paghawak sa SEA Games.

Maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nabubuwisit na nangyayaring kahihiyan ng bansa na dulot ng SEA Games. Hindi na nga naman ito gawa mismo ng diliwan o ng kalaban ng pangulo sa politika subalit mismong ang mga pinagkatiwalaan na ng pangulo.

Noong una, iniyayabang pa ng pangulo na kaya ganoon kamahal ang kalderong gagamitin sa palaro ay dahil sa milyon din ang bayad sa taong nagdisenyo nito. Nilinaw niya na walang korapsyong naganap sa pagpapagawa nito.

Subalit, unti-unting lumilinaw sa isipan ng pangulo na tila may mali sa pamamahala ng SEA Games. May ilang lumalabas na isang dahilan ay ang kakulangan ng panahon dahil hindi umano ito orihinal na itinalaga sa Pilipinas. Naunang itinalaga sa Brunei ang palaro subalit inayawan dahil sa kakulangan ng budget.

Gayunman, nang ipasa sa Pilipinas, nagkaroon nang pag-urong sulong ang bansa dahil sa nangyaring Marawi Siege noong 2017. Gumastos ang bansa para sa pagbangon ng Marami ngunit makalipas nga ang ilang buwan ay tinanggap na ng Pilipinas ang pagho-host sa SEA Games.

Nandiyan na yan, wala nang magagawa ang mga Pinoy kung hindi tanggapin na lang ang mga pangyayari at sana, huwag na tayong dumagdag pa sa problema ng mga opisyales ng pamahalaan sa pagbatikos sa mga nangangasiwa ng kaganapan.

Sana, sa halip na magbatuhan ng putik dahil sa mga nangyayari sa SEA Games, magtulungan muna upang malutas ang mga maliliit na kakulangan ng mga opisyales ng PHISGOC nang sa gayun ay matapos ang palaro na nagkakaisa ang mga Pilipino.

Huwag muna tayo mag-utak talangka. Magtulungan muna tayong lutasain ang mga problema at kakulangan dahil ang kahihiyan at kapalpakan ng PHISGOC sa gaganapin/ginagaganap/naganap na SEA Games ay kahihiyan at kapalpakan din ng ating bansa.

Pagkatapos ng SEA Games, magkaroon na ng masusing imbestigasyon sa mga nangyaring kapalpakan, gisahin ang dapat gisahin at parusahan ang dapat parusahan.

Pero sa ngayon, magtulungan muna tayo para sa ikagaganda ng ating Inang Bayan. (NIPIS / LEA BOTONES)

Please follow and like us:
Read More