BEA HINDI NA TALAGA BABALIKAN SI GERALD

(NI VINIA VIVAR) NAGSALITA na nang tapos si Bea Alonzo na hindi na niya babalikan si Gerald Anderson. Ito ang kanyang naging pahayag sa Gandang Gabi Vice guesting nila ni Angelic Panganiban aired last Sunday. Tungkol sa love life ng dalawang aktres ang topic at wala mang binabanggit na pangalan ng mga ex-boyfriends nila, alam na alam naman ng lahat kung sino ang mga ito. Of course si Bea ay si Gerald ang huling ex-boyfriend while si Angelica naman, officially ay si John Lloyd Cruz pero recently ay nagkaroon sila…

Read More

KAWANI NG BOC SWAK SA KOTONG

(NI RENE CRISOSTOMO) TIMBOG ang isang kawani ng Bureau of Customs ( BOC ) matapos umanong  tumanggap ng ‘lagay’ o ‘under-the-table’ sa Manila International Container Port, Martes ng hapon. Si Cesar Nierva, nakatalaga sa Entry Processing Unit ng BoC, ay binitbit ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard na naka assign sa MICP. Ayon kay Spokesperson Captain Armand Balilo, si Nierva umano ay nahaharap sa  kasong paglabag sa Section 9 ng Republic Act 1319 o Anti- Graft and Corrupt practices Act . Sa ulat ng PCG, tumanggap umano ang suspek…

Read More

MAG-UTOL HULI SA P115-M SHABU SA PARKING LOT BUY BUST

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY) ARESTADO ang magkapatid na courier ng droga ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Las Piñas City police at Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) makaraang mahulihan ang mga ito ng 17 kilo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P115 milyon bago mananghali ng Miyerkoles. Sa report na isinumite ni Las Piñas City police chief P/Col. Segundo Lagundi kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Nolasco Bathan, nakilala ang magkapatid na sina Joel at Merwin Bustamante, kapwa residente ng Barangay Tenejeros, Malabon…

Read More

KIM NAGPALIWANAG SA KALIWA’T KANANG BASHERS

(NI VINIA VIVAR) MAY mga nangba-bash kay Kim Chiu matapos siyang mag-post sa kanyang Instagram account ng larawan ng asong nakakagat sa kanya last Sunday sa BGC (Bonifacio Global City), may mga nang-bash sa aktres at sinabihan siyang hindi na niya dapat ipinakita ang dog sa public dahil nakaka-offend daw ito sa owner. Bukod dito, may mga ilang nangaral din kay Kim na hindi na raw kasalanan ng owner kung nakagat siya dahil in the first place ay siya naman ang humawak sa aso kahit hindi niya kilala. Kaya naman…

Read More

BUMANGGA SA 3 SASAKYAN; 2 LASING NA RIDER TODAS

accident12

(NI NILOU DEL CARMEN) KAPWA namatay ang dalawa umanong lasing na magkaangkas sa motorsiklo matapos na ang sinasakyan ng mga ito ay kumarambola at sumalpok sa tatlong sasakyan  sa Tagatay – Nasugbu highway sa Barangay Kaylaway, Nasugbu, Batangas Martes ng gabi. Dead on the spot ang backrider na si Rene Gonzales, 46,  samantalang nasawi  rin matapos na maisugod sa ospital ang nagmamaneho na si Gilmark De Villa. Ayon kay PMAJ Ronald Cayago, hepe ng Nasugbu police, batay sa findings nang doktor sa pinagdalahan na Metropolitan Hospital, parehong amoy alak ang dalawa. Base sa report,…

Read More

DALAGITA PROBLEMADO SA BUHAY NAGBIGTI 

(NI ANNI PINEDA) HINDI umano nakayanan ng isang dalagita ang matinding problema nito dahilan para tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti, sa probinsya ng Davao Oriental. Kinilala lamang ang biktima sa alyas Jennifer, 14, grade 8 student, at residente ng Barangay Lupon, Davao Oriental. Batay sa report ng Lupon Municipal Police Station, nakita na lamang ng kanyang ama ang biktima na nakabigti sa nilang bahay-kubo gamit ang pisi. Kuwento ng ama, bago siya umalis ng bahay ay sinabihan niya ang anak na sumama sa kanyang mga kaibigan na…

Read More

AAGAWIN SI MAHAL; KARIBAL PINASLANG 

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng suspek na pinaniniwalaan karibal nito sa babaeng kanilang nililiyag habang nakatambay ang una sa labas ng kanilang bahay, kagabi sa Cebu City. Kinilala ang biktimang si Niño Aguilar, 39, ng B. Aranas Street, Brgy. Duljo Fatima, Mambaling, Cebu City. Batay sa report ng Mambaling Police Station, dakong alas 12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, nakatambay ang biktima sa labas nang dumating ang suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril…

Read More

MIYEMBRO NG CHOIR PINATAY SA LOOB NG SIMBAHAN

crime55

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang lalaki na miyembro ng choir matapos itong barilin ng isang lolo sa loob ng kanilang simbahan sa Jesus Miracle Crusade Ministry, iniulat kaninang umaga sa Compostella Valley Province. Kinilala ang biktimang si Dennis Gubaton Nudalo, 21, ng Purok 4, Brgy. Sisimon, Laak, Compostela Valley Province. Habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Macario Burdios Tano, 78,ng Purok 2, Brgy. Sisimon, ng nasabing bayan. Batay sa report ng Laak Municipal Police Station, dakong alas 8:00 ng umaga nang bigla na lamang sugurin ng suspek…

Read More

ITITIRA NA BA NI GRETCHEN SI MOMMY INDAY SA BAGONG BAHAY?

NAG-IMBITA ng ilang mga kaibigan si Gretchen Barretto para makita ang kanyang bagong bahay, at obviously lahat ng nakakita sa bago niyang bahay ay nagsasabing napakaganda noon. Nakita namin ang video at mukha ngang napakalaki rin ng bahay na iyon. Nakita rin namin sa video na nang ipinapasyal ni Gretchen ang mga kaibigan niya sa bago niyang bahay, naroroon din ang kanyang inang si Inday Barretto. May nagtatanong nga, isasama na ba ni Gretchen ang kanyang ina sa bago niyang bahay, after all mukhang hindi na rin maganda para sa…

Read More

3 DAYUHAN ARESTADO SA CYBER CRIME

(NI MAC CABREROS) DALAWANG Chinese national at isang Briton ang inaresto ng awtoridad dahil sa cyber crime sa magkahiwalay na insidente sa Pasig City. Dinakip sina Zun Shao, 27, at Yao Mao Quan, 23, nang tangayin ang mobile phone ng kompanya at ginamit para mailipat ang pera ng kompanya sa kanilang sariling account. Sa ulat, nakumbinsi ni Pengrong Lin, 37, finance officer ng Global LGA Business Process Outsourcing sa Ortigas Technopoint Tower 2 Julia Vargas Ave., Brgy Ugong Pasig City, na sumuko ang dalawa. Kusa namang nagpakita sina Shao at…

Read More

11 SANGAY NG POGO SERVICE PROVIDER IPINASARA NG BIR

(NI ROSE PULGAR) APAT na gusali na may 11 branches ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) service provider ang isinara ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi umano pagbabayad ng tamang buwis sa Paranaque City, Miyerkoles ng umaga. Dakong alas- 9:00 ng umaga nang salakayin at i-padlock ng mga tauhan ng Pogo Task Force ng BIR ang New Oriental Club 88 Corporation”, isang Pogo service provider sa Macapagal Blvd. Barangay San Dionisio, Paranaque City. Pinangunahan nina Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino at…

Read More

NIGERIAN NA NAKAPOSAS NASAGIP SA PASIG RIVER

(NI KIKO CUETO) NAILIGTAS ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard ang isang Nigerian na nakaposas at palutang-lutang sa Pasig River sa Mandaluyong City, Miyerkoles ng umaga. Kwento ng Nigerian galing siya sa isang police station, pero hindi na niya nasabi na kung paano siya napunta sa Pasig River sa lugar ng barangay Hulo. Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na hindi naman mga posas na galing sa Makati police ang ginamit sa Nigerian kundi sa isang sibilyan. Patuloy ang kanilang imbestigasyon sa na-rescue na Nigerian.  

Read More

AUSTRALYANO HULI SA BARIL, BALA SA MACTAN AIRPORT

BARIL at mga bala ang nasamsam sa isang pasaherong Australyano sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA). Ayon sa Office for Transportation Security (OTS), nakita ng X-ray operator na si Sheena Mae Doydoy at baggage inspector Michael Paul Mendoza ang baril sa bagahe ng pasahero nang dumaan ito sa initial security screening checkpoint. Sampung bala na nasa baril ang natagpuan sa loob ng kulay green na trolley bag ng Australyano. Ang bagahe ay pag-aari ng pasaherong si Stanley Wayne pasahero ng Philippine Airlines flight PR 2880 patungong Maynila. Walang naipakitang dokumento si…

Read More

P2.5-B SHABU SA PAKETE NG DOG FOOD NASAMSAM SA MAKATI

MAHIGIT sa P2 bilyong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam sa isang subdibisyon sa Makati City, Miyerkoles ng madaling araw. Arestado sa anti-drug operation sa Banuyo Street, Barangay San Antonio ang Chinese national na si Liu Chao. Nakumpika kay Chao ang 371 kilo ng hinihinalang shabu na tinataya sa ₱2.5 bilyon, ayon kay Philippine National Police officer in charge Archie Gamboa. Sinabi ng pulisya na ang bahay ni Chao ay nagsisilbing bodega ng sindikato kung saan ang mga iligal na droga ay nakalagay sa dog food package at cabinet. (PHOTO…

Read More

KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN: 1 PATAY, 3 SUGATAN

PATAY ang isa katao at tatlo pa ang sugatan sa tatlong sasakyan na nagkarambola sa Sariaya, Quezon. Bandang alas-10:50 ng gabi nitong Martes nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Sto. Cristo kung saan nagkarambola ang dalawang kotse at isang van. Wasak na wasak ang dalawang kotse habang naipit naman sa kanyang sasakyan ang driver ng isa sa mga kotse. Ayon kay Lt. Colonel William Angway Jr, Sariaya police chief, nakilala ang nasawi na si Pedro Mojica, isang retiradong government employee at residente ng Barangay Mangilag…

Read More

NOGRALES BIDA SA ABROAD SA PAGSUSULONG NG KAPAKANAN NG OFWs

REP NOGRALES-6

PINURI ng Alliance of Bonafide Recruiters for Overseas Filipino workers Advancement and Development (ABROAD) si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles dahil sa panukalang batas na isinusulong nito na pagbuo ng hiwalay na ahensiya upang humawak sa overseas labor cases. Ayon kay ABROAD Convenor Russel Garcia, maganda ang hakbangin ni Nograles bukod pa sa napapanahon na upang bigyang pansin ang kapakanan ng mga makabagong bayani ng bansa. Sinabi ni Garcia na ang National Labor Relations Commission ay hango sa batas na inakda ng US Congress noong panahon ng Commonwealth Republic…

Read More

TANIM ANG MGA EBIDENSIYA?

AKTIBISTA

(Ni Nelson S. Badilla / Ikatlong bahagi) MARAMING orga­ni­sasyong kabilang sa kaliwang puwersa ang bumatikos at kumondena sa ginawang pag­lusob at pagdakip ng mga awtoridad sa mga aktibista sa Bacolod City noong Oktubre 31. Ang maanghang magsalita at matulis ang dila sa kanila ay si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na nagsabing: “Bayan Muna strongly condemns the dastardly Gestapo-like raid… simultaneously conducted by state forces against the offices of Bayan Muna, Gabriela and NFSW in Bacolod, Negros Occidental.” Ang punto ni Zarate ay panggigipit na matatawag ang operasyon ng…

Read More

BANGKAY NG LALAKI SINUNOG SA BAKANTENG LOTE

crime12

(NI NICK ECHEVARRIA) SINUNOG sa isang bakanteng lote sa Sitio Sambangan, Brgy. Lagtang, Talisay City, Cebu, Lunes ng gabi, ang isang hindi pa nakikilalang lalaki. Ayon s ulat ng Talisay City Police Station (CPS), alas-10:00 ng gabi nang makatanggap sila ng text mula sa hindi nagpakilalang texter kaugnay sa lalaking sinunog sa isang hukay sa bakanteng lote sa lugar. Nang puntahan ng pulisya ang lugar para beripikahin ang natanggap na message natagpuan nila ang sunog na bangkay na nagsisimula nang maagnas sa  may tatlong talampakang lalim ng hukay. Ayon kay Patrolman Eleazar Belcina, imbestigador   ng Talisay CPS, patuloy pa rin nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasabing texter na itinuturing…

Read More

DALAGITA, KALABOSO SA PANANAKSAK NG 13-ANYOS

(NI CHERK BALAGTAS) KALABOSO ang isang 16-anyos na dalagita matapos saksakin ang 13-anyos na lalaki sa loob ng internet shop sa Malabon City, Linggo ng gabi. Sa ulat ni Malabon City Police Chief P/Col. Jessie Tamayo, ganap umanong alas – 11:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng isang Piso net sa Block 9 Hiwas Street, Barangay Longos. Base sa imbestigasyon Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) P/SSgt. Romirosa Mallari, naglalaro sa nasabing establisimyento ang biktimang itinago sa pangalang Boy, nang dumating ang suspek na itinago rin sa pangalang Angie,…

Read More

CORRUPTION AT MGA KAPALPAKAN SA SEA GAMES

CHRISTIAN BOMB

MATAPOS mabunyag ang P50 million overprice sa SEA Games cauldron (kaldero), ang sunod-sunod na kapalpakan naman sa palarong ito ang nabalita, kabilang ang hindi maayos na pag-istima ng PHISCOG (Philippine SEA Games Organizing Committee) Foundation Inc. sa mga atleta ng Timor Leste, Cambodia, Thailand at Myanmar na dumating sa bansa. Kabilang sa mga kapalpakan ay ang late na pagsundo sa airport, sa mga mini-bus lang isinakay, sa maling hotel nadala, hindi maayos na tulugan at tini­pid sa pagkain at tubig ang mga dayuhang atleta. Dahil sa kapalpakan ng PHISCOG, naobliga…

Read More

ANG GURO, ESTUDYANTE AT MAGULANG

yourservice

MARAMI ang nagsalita. Marami ang nagalit. Marami ang nagbigay ng kanya-kayang opinyon at haka-haka. Marami rin ang naghagis ng bintang at sisi. May sumuporta, may nagdepensa, mayroon ding nagbiro. Suma total, naging usap-usapan ng karamihan nitong Sabado at Linggo ang naganap sa isang programa kung saan isinumbong, tinakot, hu­mingi ng tawad, at ipinahiya ang isang guro sa kadahilanang na-trauma raw ang isang mag-aaral nang palabasin ng silid-aralan dahil hindi raw nadala ang report card nito. Binaha ang social media ng mga post at mga saloobin ng maraming tao, karamihan ay…

Read More