20 TONELADANG KARGAMENTO SINUNOG NG BOC-NAIA

(NI KOI HIPOLITO)

BILANG plano sa pagluwag ng mga bodega o storage facilities ng BOC-NAIA, sinira at sinunog ang 20 tonelada ng mga hindi na ligtas at inabandonang mga kargamento nitong araw ng Miyerkoles sa Brgy. Aguado, Trece Martires sa Cavite.

Base sa report ni Port of NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, ang pagsira sa mga hindi na ligtas na mga kargamento ay ayon narin sa kautusan ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, para umano mapaluwag ang mga bodega ng mga inabandona at iligal na mga kargamento at para narin mapabilis ang kalakalan sa Port of NAIA.

Sinabi ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD)-NAIA na ang mga shipment ay binubuo ng mga sirang computer parts, expired vitamims, medicines at mga pagkain na walang mga kaukulang food and drug clearances na hindi na puwedeng gamitin at kainin ng mga tao. Habang ang iba naman ay dumating sa bansa na meron nilabag na batas at hindi maaring ibenta sa public auction.

Gamit ang thermal decomposer (Pyrolysis) ay isinailalim ang condemnation sa pasilidad ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa pakikipagtulungan ng Food and Drugs Administration (FDA), Optical Media Board (OMB) National Telecomunication Commission (NTC) at ng Commission on Audit (COA).

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG SARAH ‘DI MAGLA-LANDFALL; E-EXIT SA SABADO

bagyo

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT lumakas, hindi pa rin magla-landfall ang bagyong Sarah at asahan na sa weekend ay hihina ito at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Phillippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nasa kategoryang severe tropical storm na ang bagyo, namataan ito sa Basco, Batanes at kumikilos ito sa bilis na 10 kph, taglay ang lakas ng hangin na 100 kph at bugso na 125 kph.

Sa ngayon ay umiiral ang Storm Signal No 1 sa Babuyan Island at Batanes.

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente sa Batanes, Babuyan Islands, ibang bahagi ng Cagayan Valley, Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera at Central Luzon dahil sa asahan na magiging maulan ang susunud na 24 oras na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa o landslides.

Ipinagbabawal din na maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat dahil sa malakas na alon partikular sa baybayin Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cagayan, Isabela at hilagang Aurora.

 

Please follow and like us:
Read More

MILITARY ASSET, IGINAPOS, NIRATRAT  NG ‘NPA’ 

(NI ANNIE PINEDA)

GINAPOS saka niratrat ng bala ng baril ang isang magsasaka ng mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang paghinalaan umanong asset ng Philippine Army (PA), iniulat kaninang umaga sa Agusan del Norte.

Kinilala ang biktimang si Roy Olmo Biyog, 23, ng Camp Eduard. Alegria, Surigao del Norte.

Batay sa report ng Agusan del Norte-PNP, naganap ang insidente sa Kabanikagan, Brgy. Hinimbangan, lungsod sa Kitcharao, Agusan del Norte.

Lumabas sa imbestigasyon na naghahanap ng mga ligaw na baboy ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang biglang dumating ang limang armadong kalalakihan na sinasabing kasapi ng NPA.

Bigla na lamang nilang hinuli ang biktima saka iginapos at walang habas na pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

17-ANYOS NATULOG SA ILALIM NG TRAK, NAPISAK

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

SUMAMBULAT ang utak ng isang binatilyo makaraan magulungan ng trak habang natutulog sa ilalim nito, iniulat kaninang umaga sa Bacolod City.

Kinilala ang biktimang si Ronie Senayo, 17, ng Bgy. Felisa, Bacolod City.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang driver ng trak na kinilalang si Marco Cabrero ng nasabing lugar.

Batay  sa report ng Bacolod-PNP, dakong alas- 9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang pagilingan ng tubo sa Victorias, ng nasabing lungsod.

Kuwento ng ama ng biktima na si Erwin Senayo, sumaka ang kanyang anak kay Cabrero sa milling company para ipagiling ang mga kargang tubo.

Pagdating sa pagilingan, mahaba ang pila kaya nagpasyang matulog na lamang muna ang biktima sa ilalim na trak na lingid sa kaalaman ni Cabrero.

Pagpaandar ng trak saktong nagulungan ang ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang insidente sumuko sa pulisya ang suspek at hinihintay na lamang ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso o makipag-areglo na lamang.

 

Please follow and like us:
Read More

DATING NPA NA PUMATAY SA SUNDALO, NAGPAKAMATAY

PATAY-3

(Ni BONG PAULO)

Wala ng buhay ng madatnan ng mga otoridad ang dating NPA member sa loob ng custodial facility ng Magpet PNP sa bayan ng Magpet, North Cotabato, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Magpet PNP Chief Police Captain Rolando Dillera Jr., ang namatay na si Noel Delgado alyas Mark Delgado at alyas Tonton, 19-anyos, single at residente ng Brgy Camutan, Antipas, North Cotabato.

Si Delgado ay sumuko nitong Martes ng hapon kay Brgy. Balite Chairman Edgar Hantoc kung saan nabatid na tumakas ito noong Nobyembre a-dyes matapos nitong paslangin ang sundalong si PVT Randy Castor ng 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Magpet habang sugatan din noon ang isa pa nitong kasamahan. Ang dalawang sundalo ang nagsilbi nitong escort habang ito ay nagpapatuloy ng kanyang kursong technical-vocational sa TESDA.

Matatandaang sabay ring itinakbo ni Delgado ang issued firearms ng dalawang sundalo. Pero kasabay naman ng kanyang pagsuko kamakalawa ay ang pagbabalik din ng mga kinuha nitong mga kalibre 45 pistola ng dalawa at maging kaniyang sariling 45-caliber.

Dagdag pa sa ulat na ayon sa nakatalagang duty custodial officer ng Magpet PNP, alas kwatro ng madaling araw ay nakita pa nilang nakahiga si Delgado sa loob pero nang muli nitong tingnan alas 5:40 umaga kahapon ay wala na itong buhay matapos magpakamatay.

Please follow and like us:
Read More

29 KATAO KALABOSO SA BUY-BUST SA CAVITE

(Ni SIGFRED  ADSUARA)

UMABOT sa 29 katao na hinihinalang mga drug user ang pinagdadampot ng Cavite police sa magdamag na buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar kung saan mahigit sa P194K ang halaga ng shabu ang nasabat sa Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Police Office (CPPO), nanguna ang Kawit sa may pinakamataas na bilang ng naaresto na umabot sa 5; kasunod ang Imus City na may 4; habang tig-3 naman sa Bacoor City; tig-2 naman sa Kawit at Gen. Trias City at  tig-1 sa Tagaytay City  at Dasmariñas City.

Ang nasabing operasyon ng pinagsamang puwersa ng Cavite police at  PDEA PRO4A  ay isinagawa sa loob ng 24-oras.

Ang mga naarestong suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 at kasalukuyang nakakulong sa Cavite Custodial Center.

Please follow and like us:
Read More

MODERNONG JEEP MALAPIT NANG PUMASADA SA SAN JUAN

MODERN JEEP-2

(Ni MAC CABREROS)

Magiging convenient at comfortable na ang biyahe ng ating kababayan sa San Juan.

Ito’y dahil sa nakatakdang pagpasada ng mga modernong pampasaherong jeep ng San Juan – Rosario Transport Cooperative (SANRO).

“Nagpapasalamat kami sa Kooperatiba dahil nag-invest sila para sa kapakanan ng riding public,” pahayag Mayor Francis Zamora.

Kahapon ay binasbasan ang 38 unit ng modernized jeepney na may wifi, cctv, GPS at aircon.

“Sana gayahin ito ng iba pang transport group,” diin Mayor Zamora at binanggit na malaki ang tulong ng CCTV para sa usaping seguridad.

Ang Development Bank of the Philippines ang nag-finance ng yunit at maging ang parking space.

Nabatid ng Saksi Ngayon na hinihintay na lamang ang provisional authority mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang pagmodernized sa public transportation alinsunod sa adhikain ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “convenient, comfortable and safe” na biyahe ng Pinoy.

Please follow and like us:
Read More

ANGELICA AT BEA, UNBREAKABLE SA LIFE

BEA-ANGELICA

pwede ed deleonNagkatawanan na lang sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban nang marinig ang comment na “pareho sila ng kapalaran” sa kanilang love affairs. Alam naman natin ang mga kontrobersiyal na kuwentong namagitan kina Bea at Gerald Anderson. Ganoon din naman ang controversy ni Angelica kay Derek Ramsay at nang malaunan kay Carlo Aquino.

“Kaya kahit na sa personal na buhay “unbreakable” kaming dalawa. Kasi nga pareho ang pinagdaanan namin, mas nagkakaintindihan kami. Kung ang isa malungkot, dadamayan ng isa. Kung siya naman ang wala sa mood, dadamayan ko naman siya. Kaya nga habang ginagawa namin itong Unbreakable, nagkakatulungan kaming dalawa sa aming mga personal na pinagdadaanan,” ang sabi ni Angelica.

“Mas madali kasi kayong magkaka-intindihan kasi you know what you’re talking about. Hindi iyong magbibigay ka lang ng opinion mo sa mga bagay na hindi mo naman alam talaga dahil hindi mo naranasan. Kami ni Angelica, nagkataong magkaibigan kaming talaga. Kilala namin ang isa’t isa at halos pareho nga ang pinagdaanan naming.

So iyon, maise-share mo sa kanya kung ano man ang palagay mo. Pero siyempre hindi ka pa rin dapat makialam talaga kahit na kaibigan mo siya. Ang ibinibigay mo advice lang naman sa kanya. Nasa kanya pa rin ang final decision kung ano ang gagawin niya, after all it’s her life,”sabi naman ni Bea.

Kaya pala naging magaan para sa kanila ang nangyari, kasi nagkakatulungan sila. Mabuti naman nasabay iyon halos sa paggawa nila ng isang pelikulang magkasama. Madalas silang magkita, kaya ok lang ang lahat.

KUNG BAKIT CRUZ ANG GAMIT NA SCREENNAME NG MGA ANAK NI SUNSHINE KAY BUBOY MANHILOT?

SUNSHINE CRUZ-4Bagama’t ang ginagamit na screenname ng kanyang mga anak ay “Cruz” sinasabi ni Sunshine Cruz na iyon ay dahil lamang sa ang napiling pasukang career ng mga anak niya ay musika. Hindi naman maikakaila na ang pangalang “Cruz” ay masasabing legend na sa musika, lalo nga’t kung iisipin na ang kanilang lolo ang nagsimula ng mga big bands, si Tirso Cruz.

Lahat ng mga sumunod na henerasyon sa kanilang lolo ay ginamit din ang apelyidong Cruz.

Pero sa tunay na buhay, hindi na gustong palitan iyon ni Sunshine. “Hindi naman maikakaila kung sino ang tatay nila kahit magpalit pa sila ng pangalan. At saka basta nagsipag-asawa iyan magpapalit na rin naman ng pangalan, bakit kailangang palitan pa ngayon,”sabi ng aktres.

Hindi siya kagaya ng iba na pilit na pinapalitan ang pangalan ng mga anak.

Paboritong i-book sa out-of-town shows…

 ‘BACKSEAT LOVER’ SI MALE STAR

Pagkatapos ng kanilang activity sa probinsiya, ganoon pa rin pala ang drama ng male star na kung tawagin ay “backseat lover”. Uupo siya sa pinaka dulong upuan sa kanilang van, at kung sino man ang “may kursunada” maaari na siyang tabihan sa upuan at “iyon na iyon”.

“Matagal na niyang ginagawa iyan, panahon pa ng provincial shows noong pakanta-kanta pa lang siya. Talagang game siya sa ganyan kaya madalas siyang nakukuha sa mga shows ng mga may gustong matabihan siya sa upuan after the show,”sabi ng isang source.

Please follow and like us:
Read More

SANGGOL INIWAN SA GUBAT

baby feet12

(Ni ANNIE PINEDA)

TUGIS na ngayon ng mga awtoridad ang mga magulang ng bagong panganak na sanggol na natagpuan sa gubat, iniulat kaninang umaga sa Malaybalay, Bukidnon.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development ang babaeng sanggol na natagpuan sa gubat sa P3, Barangay 3, Malaybalay City.

Batay sa report ng Malaybalay City Police Station, dakong alas 11:30 ng umaga nang matagpuan ang sanggol sa may gubat ng nasabing lugar.

Kuwento ni  Jhun Pescador, taga- Lantapan, Bukidnon, bumisita sab oaring house ng kanyang anak, nang makarinig ng iyak ng isang sanggol sa gubat.

Dahil dito, hinanap niya ang pinagmumula ng iyak at tumambad sa kanyang harapan ang sanggol at agad ipinaalam sa pulisya ang nasabing insidente.

Kaagad naman dinala sa Bethel Baptist Hospital ang sanggol para sa pagsusuri .

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA BULAGTA SA KUMATOK

(Ni ANNIE PINEDA)

BULAGTA ang isang dalagita sa loob ng kanilang bahay nang pagbabarilin ito ng hindi pa kilalang suspek matapos kumatok , iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Jessiel Cultivo, 15-anyos at residente ng Barangay Patitinan, Sagñay, Camarines Sur.

Batay sa report ng Camarines-PNP, dakong 12:10 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, bago ang insidente may naghahanap sa kinakasama ng biktima sabay katok sa bahay at paglabas ni Cultivo, dito na siya binaril sa noo at dibdib na agad niyang ikinamatay.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek.

Please follow and like us:
Read More

PHILIPPINE ARENA BANTAY-SARADO NA SA SEAGAMES

(NI GINA BORLONGAN)

HANDANG-handa na ang libu-libong pulis at force multipliers sa opening ng 30th Southeast Asian Games o SEAGAMES  na idaraos sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue,Bulacan dahil nasuyod na ng kapulisan ang palibot ng arena mula sa mga most wanted person(MWP), tulak at adik, posibleng pagtatago ng makakaliwang pangkat at maging ang mga kolorum na pagawaan ng paputok na maaaring umagaw ng atensyon kapag aksidenteng magkaroon ng pagsabog.

Mula noong Lunes ay bantay-sarado na ng 1,083 police personnel ang paligid at loob ng Philippine Arena at bago pa man dumating ang send off ceremony ng Bulacan police sa pagdarausan ng opening ng SEAGAMES ay ay sinigurado nilang malinis na ang paligid ng arena.

Nabatid na pinakamatinding preparasyon at seguridad para sa mga atleta at delegado ng SEAGAMES ang inilatag ng Bulacan PNP kaya inaasahag magiging matagumpay ang magarbong okasyong ito na uukit sa kasaysayan ng arena at ng bayan ng Bocaue.

 

Please follow and like us:
Read More

PANCIT FACTORY SA QC NASUNOG

SUNOG-7

MABILIS na kumalat ang apoy at natupok ang pagawaan ng pansit sa Barangay Balon Bato, Quezon City Huwebes ng madaling-araw.

Nagsimula ang apoy alas-3 ng madaling-araw at mabilis na iniakyat sa ikalawang alarma, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nag-umpisa ang sunog sa likurang bahagi ng gusali kung saang may pugon, base sa inisyal na imbestigasyon.

Mabilis na lumaki ang apoy matapos umabot ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali na gawa sa kahoy.

Please follow and like us:
Read More

MAY IDENTICAL BRACELETS SINA GERALD AT JULIA?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MAY nakapansin na mukhang may suot na identical bracelets sina Gerald Anderson at Julia Barretto. May mga netizens pang naglabas ng mga pictures sa social media kung saan nakikita ang identical bracelets na suot ng dalawa.

Nagtatanong sila, “iyan ba ay engagement bracelets?”

Si Julia ay nakapag-deny na at nagsabing hindi sila mag-syota ni Gerald at nagkasama lang sila sa isang pelikula at iyon lang iyon. On the other hand, si Dennis Padilla mismo ang nagsabi na inamin sa kanya ni Gerald na nililigawan nga noon ang anak niya. Ano kaya ang mas paniniwalaan natin, iyong sinasabi ni Julia sa publiko, o iyong sinabi ng tatay niyang si Dennis Padilla na inamin ni Gerald?

 

 

Please follow and like us:
Read More

9 HULI SA ILLEGAL BETTING

arrested12

(NI DENNIS INIGO)

PINAIGTING ng Games and Amusements Board (GAB), sa pamumuno ni Chair Abraham ‘Baham’ Mitra, ang kampanya laban sa illegal betting makaraan ang matagumpay na operasyon sa Tondo at Sampaloc, Manila.

Iniulat ni Mitra, siyam na katao ang nadakip sa magkakasunod na pagsalakay na isinagawa ng GAB, sa kooperasyon ng Manila Police District-RID RSOG at MPD-DID DPIOU, sa dalawang illegal bookies sa lungsod.

Unang ni-raid ang isang bahay sa may Ortega St., Tondo kung saan ay nasakote ang kahera at anim na mananaya. isinunod ang isang bahay sa Maria Clara St., Sampaloc na ikinahuli rin ng cashier at isang bettor.

“The GAB is determined to pursue its mandate to regulate professional sports and protect the interest of the government against illegal betting,” pahayag ni Mitra sa TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports).

Binalaan ni  Mitra, lubusang sinusuportahan nina Commissioner Eduard Trinidad at Mar Masanguid, ang illegal bookies na hindi sila titigil sa kanilang kampanya hanggat hindi nasasawata ang pagpapatuloy ng illegal gambling sa bansa.

Ang kampanya ng GAB ay paraan nito ng pagtulong sa horse racing industry na pinababagsak ng illegal bookies.
Ikinasa na ang kaukulang charges ng MPD laban sa mga nadakip sa illegal gambling operations.

Please follow and like us:
Read More

BUHAY KO, HAWAK MO

KAMAY

Sa kalinisan ng kamay nakasalalay ang kalusugan

(Ni Mac Cabreros / Huling Labas)

PAANO nga ba maproprotektahan ang kalusugan ng tao kung ang mga kamay pa lang ay hindi na malinis.

Hindi nga ba’t kamay ang unang gamit sa paghawak ng kung anu-anong bagay sa anumang gawain natin lalo na sa pagkain.

Kailangang malinis ang kamay lalo na sa pagkain dahil ito ay lumalapat sa ating mga labi at bibig upang magpasok ng pagkain.

Kaya naman ang itinuturo sa atin sa mga paaralan, mas higit ang mga eksperto, na sundin ang mga sumusunod para sa kalinisan :

l Hugasan ang kamay bago, habang, at matapos maghanda o magluto ng pagkain; bago kumain;

l Bago at matapos ma-expose o mag-alaga sa taong maysakit.

l Bago at matapos

maglinis ng hiwa o sugat.

l Matapos magbanyo, matapos magpalit ng diaper ng bata o matapos hugasan ang bata na gumamit ng palikuran.

l Matapos bumahing,

suminga, o umubo.

l Matapos humawak ng hayop, pakain sa ha­yop, o dumi ng hayop.

l Matapos humawak ng basura at pera, matapos humawak ng mga bagay na nakapitan ng iba.

l Matapos makakapit

sa taong may sakit.

l Matapos humawak

sa kemikal.

Tamang paghuhugas ng kamay

Ayon sa World Health Organization, kinakailangan tumagal ng 40 hanggang 60 seconds ang wastong pag­huhugas ng mga kamay. Katumbas ito ng pagkanta ng “Happy Birthday” nang dalawang beses. Sundan ang mga sumusunod:

Basain ang mga kamay ng malinis na tubig at lagyan ng sabon; pagkiskisin ang mga palad saka ipatong ang kanang palad sa likuran ng kaliwang kamay saka kaliwang palad sa likuran ng kanang kamay.

Pagsuotin ang mga daliri sa pagitan ng bawat isa. Kuskusing mabuti.

Pagharaping muli ang mga palad nang nag-eekis ang mga daliri. Gamitin ang gilid ng mga daliri para sabunin ang isa’t isa. Iporma ang mga kamay nang parang magkukusot ng damit ngunit hawak ang isa’t isa para sabunin ang likod ng mga daliri. Hawakan ang kaliwang hinlalaki gamit ang kanang palad at sabunin paikot. Gawin din ito para sa kanang hinlalaki.

Kuskusin nang paikot ang palad ng isang kamay gamit ang dikit dikit na daliri ng kabilang kamay. Gawin para sa parehong kamay. Banlawan ang mga kamay nang mabuti gamit ang malinis na tubig. Tuyuing mabuti ang mga kamay gamit ang malinis na basahan, tuwalya o hand dryer.

Ugaliin ding magdala ng hand sanitizer o alcohol bilang paunang pamatay ng disease causing germ, virus at bacteria.

Hindi lamang ang kamay ang dapat manatiling malinis. Maging sa iba pang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng hygiene at sanitasyon. Maligo at magtoothbrush. Panatili­hing malinis ang bahay lalo ang mga palikuran.

Base sa pag-aaral, madalas lumiliban ang isang bata na pumasok sa paaralan dahil sa sakit gayundin kapag nagkakaroon ng ‘buwanang dalaw’ ang mga babae.

Dahil dito, ipinupursige ng DepEd ang paggamit ng feminine pads.

Pinagdadala din nila ang mga babae ng pads para may magamit agad kung sakaling datnan habang nasa paaralan upang manatili at magpatuloy sa pag-aaral kesa umuwi na lamang ito o cutting class.

Hindi lamang nakasalalay sa ating kamay ang ating kalusugan. Dapat kapit-kamay ang lahat. Ika nga: Hawak NATIN ang ating buhay!

Please follow and like us:
Read More

ATENEO BACK-TO-BACK CHAMP

GUMAWA ng kasaysayan ang Ateneo Blue Eagles nang magkampeon na may perpektong kartada sa UAAP Season 82 men’s basketball finals sa Mall of Asia Arena kahapon.

Winalis ng Blue Eagles ang UST Growling Tigers nang talunin ito sa iskor na 86-79 sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals series.

May perpektong 16-0 ngayong season ang Ateneo, itinuturing na “most dominant campaign” sa buong collegiate basketball.

Bumida para sa Blue Eagles si Thirdy Ravena na umiskor ng 17 puntos, kabilang ang walo sa huling quarter, bukod sa pitong rebounds at limang assists.

Si Ravena rin ang tinanghal na Finals MVP.

Tinangka ng UST na makabawi mula sa kanilang 91-77 pagkatalo sa Game 1 noong Sabado, ngunit sa huli ay hindi na rin nito kinaya at nanaig pa rin ang ngayo’y  three consecutive champ Ateneo. (PHOTO BY MJ ROMERO)

Please follow and like us:
Read More

2 EMPLEYADO NG TAGUIG CITY GOV’T HULI SA KOTONG

(NI ROSE PULGAR)

NAARESTO sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) at ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang dalawang empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig makaraang mangotong sa isang aplikante para sa building permit sa isang mall  nitong Martes ng hapon sa lungsod.

Kinilala ang mga naaresto na sina Edward Buncad, 50 at Emma Robianes, 46, kapwa nakatalaga sa Local Building Office ng Taguig City hall.

Kahapon ay  sinampahan ng kasong Robbery Extortion ang dalawa sa Taguig Prosecutor’s Office.

Sa ulat ng Taguig City Police ,ikinasa ang entrapment operation dakong alas-4:00 ng hapon sa satellite office ng Taguig City Government sa loob ng isang mall sa Bonifacio Global City.

Nabatid na nagreklamo sa PACC ang negosyanteng si Rodrigo Cueto na nagsabing hinihingan siya ng mga suspect ng perang padulas para mailabas ang building permit niya.

Dito nakipag-ugnayan ang PACC sa pangunguna ni Undersecretary Greco Belgica sa Taguig City Police at NCRPO Regional Special Operations Group na nagkasa ng entrapment operation.

Nahuli sa akto sina Buncad at Robianes makaraang tanggapin kay Cueto ang P1,000 marked money na inihalo sa P9,000 halaga ng boodle money.

Hindi na nakapalag ang mga suspect nang arestuhin ng mga nakabantay na mga pulis.

 

Please follow and like us:
Read More

‘PINAS SINAKOP NA NG MGA ALIEN?

BOMBAHAN NA FINAL

NAGMAMAKTOL ang labor groups sa bansang ‘Pinas dahil sa pagdagsa ng  mga Intsik (alien) na kaagaw nila sa trabaho.

Nagkalat daw ang Chinese nationals sa bansa na makikita sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at makikita sila sa mga gusali at hotel.

Hindi lang sa Metro Manila, maging sa Cebu City, Pampanga, Laguna, Batangas at iba pang lugar ay naglipana ang mga Tsekwa.

Ayon sa isang opisyal ng BIR, wala pang 100k ang legal na Chinese nationals na nasa ‘Pinas.

Ibig sabihin, sila lang ang pwedeng magtrabaho sa Inang Bayan ni Juan.

Pero ayon sa nakuhang detalye ng “Bombahan Na” halos abutin na ng 500K na Tsekwa ang nasa ‘Pinas ngayon.

“Sir, baka po sinakop na po tayo ng mga Intsik (alien) n’yan?,” tanong pa ng isang silipero ng Bombahan Na.

Hindi po makakapayag si President Duterte nyan.

Kaya nga po kaliwa’t kanan ang isinasagawang pagsalakay ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Immigration (BI) at iba pang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa mga alien.

Kaya nga problemado ngayon ang gobyerno kung saan nila ikukulong ang kanilang nahuling mga intsekto….este mali, Intsik pala, sori po!

Naalala ko tuloy nang mag-umpisa ang anti-drug campaign ng  ni Pangulong Duterte na dumami ang huli ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Sumakit ang ulo nila kung saan ikukulong ang mga peste… este mali na naman, mga adik pala.

Balik po tayo sa mga alien na mga singkit, madali naman pong malaman kung sila ay mga Tsekwa dahil bukod sa singkit sila ay mga sakang pa.

Wala rin silang alam na ibang salita kundi kanila lang lengguwahe.

Kaakibat ng kanilang pag­dagsa sa ‘Pinas ay ang ilegal na kanilang mga gawain.

Nariyan na ‘yung kidnapin nila ang kanilang kapwa at pabayarin ng ransom ang mga kamag-anak ng kanilang mga biktima.

Sila rin ang madalas na mahulihan ng bulto-bultong shabu.

Anak kayo ng mga tokwa’t baboy!

Pumasok na nga kayo sa bansa namin, nagkakalat pa kayo?!

At Hindi lang mga lalaki ang pumapasok sa ‘Pinas na Tsekwa, may bitbit din silang taga-aliw na kababaihan.

Ika nga sa salitang kalye, ‘mga kalapating babae ang lipad’.

Kumpletos rekados na sila sa Bayan ni Juan.

Kasi nga naman kumita na sila rito kailangan din naman nila maglibang ‘pag nalulumbay ang kanilang kalalakihan.

Ano kayo sinuswerte?

Kaya hamon tuloy ng mga silipero ng “Bombahan Na” ‘wag matutulog sa pansitan ang mga awtoridad natin para hindi tayo tuluyang masakop na ng mga alien.

Kaya gustong-gusto ng mga alien ang ‘Pinas dahil mahilig daw sa dayuhan ang mga Pinoy.

Sabi nga nila ‘Its more fun in the Philippines’.

Uror! Hindi masaya sa inyo ang lahi ni Juan dahil ina­agawan n’yo kami ng mga kabuhayan.

Obyus na kaya gusto ng mga dayuhan sa ‘Pinas dahil bukod sa maganda ang klima rito ay mayaman pa tayo sa natural resources.

Ala na silang hahanapin pa, mababait na ang mga Pinoy, maganda pa ang lugar at makatitipid pa sila.

Kasi mura ang gastusin dito tulad ng hotels, pagkain at beach resorts na naggagandahan.

Ito ang mga gustong-gusto ng mga dayuhan.

Kaya hamon sa tagapagbantay ng alien sa gobyerno ay maging mapagmatyag sila para hindi tayo nalulusutan nila.

Sa inyo po nakasalalay ang kaligtasan ng sambayanan.

oOo

Pasabugin ang katiwalian isumbong sa “Bombahan Na” mag-email joel2amongo@yahoo.com/operarioj45@gmail.com (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

MAYOR ISKO ‘DI SUSUKO

NIPIS

TILA hinahamon ng mga aktibistang Panday Sining, youth group ng Anakbayan,  kung hanggang saan ang pisi ng pasensiya ni Manila Mayor Isko Moreno matapos sagutin ng panibagong spray painting ang panawagan ng alkalde na tigilan na ang ginagawang bandalismo sa lungsod na kanyang pinapa­munuan.

Noong isang linggo, ang bagong linis, bihis  at pinturang underpass sa tapat ng Manila City hall ay sinulatan gamit ang pulang spray paint ng mga miyembro ng Panday Sining.

Sinabi ng aktibistang grupo, sining o art ang kanilang ginawa at ipinaglalaban nila ang mga biktima ng hindi makatarungang pamumuno sa bansa.

Kaya naman sinagot sila ni Yorme Kois na “hiningi ba nila ang tulong nyo?” Bukod pa sa sagot hindi niya palalampasin ang pambababoy sa Maynila kaya’t kapag nahuli ang mga ito ay padidilaan nya hanggang mabura ang spray paint.

Ngunit bago pa may mahuling muli ay ipina­kita na ni Mayor Moreno na mahirap burahin at tanggalin ang ginawa nilang bandalismo kaya’t nasabing malaking gastos at oras ang ginugugol ng pamahalaan na sa halip na madala sa ibang programang mas magdadala ng pag unlad sa Maynila.

Pero tila wala talagang puso at wala talaga sa sariling pag iisip ang mga aktibista dahil mu­ling sinubukan si Yorme nang panibagong spray paint vandalism sa pader ng Arraulo High School sa may  Taft Avenue na ilang metro ang layo sa Manila Police District (MPD) Headquarters ang isinulat sa mga pulang titik na nakasaad ay “ Makatwitran ang maghimagsik”.

Pero ang alkalde ay hindi para sumuko sa hamon ng mga batang suwail na tila hindi kayang supilin ng kanilang mga magulang, kaya naman mas pinahigpitan pa nito ang pagbabantay sa mga bahagi ng kamaynilaan na madalas sprayan ng mga aktibista.

Kaya nga kapag nahuli ay tiyak na ipatutupad nito ang kanyang bantang padidilaan ang mga sinulat hanggang mabura.

Eh kilala naman si Yorme na may isang salita kaya’t alam natin na hindi ito para umurong sa laban at patunay dito ang hanggang ngayon na paninindigan niya na hindi puwedeng magtinda sa kalsada ng C.M Recto, Blumentritt at Pedro Gil.

Sinabi ng alkalde na kapag nagkaroon ng mga magtitinda ay ibig sabihin na tinanggap niya ang P5M na suhol para lang makapuwesto sa mga nasabing lugar.

Tiyak ang banta ni Mayor Isko na papapanagutin ang may sala. (NIPIS / LEA BOTONES)

Please follow and like us:
Read More