BDAY PARTY HINAGISAN NG GRANADA; BATA, 2 PA SUGATAN

north cotabato 12

KIDAPAWAN CITY – Tatlo katao ang sugatan, kabilang ang isang Grade 7-student matapos hagisan ng granada ang birthday party sa Purok 4, Brgy Bagolibas, Aleosan, North Cotabato, Lunes nga hapon.

Kinilala ni Aleosan PNP Chief Police Captain Arvin John Cambang ang mga biktima na sina Eleuterio Macaya Cantomayor, 64; Randy  Poja Cantomayor, 44, kapwa magsasaka at isang menor de edad na isang grade-7 student, lahat ay residente ng nabanggit ng lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-4:55 ng hapon habang nasa isang kasiyahan ang tatlo ay biglang dumating ang tatlong suspek sakay ng isang kulay asul na motorsiklo  at inihagis ang pampasabog.

Agad namang naisugod ang tatlo sa pagamutan at nagpapagaling na ito ngayon habang patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa motibo ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG CHINESE, DINUKOT, NI-RAPE NG 6 KABABAYAN

rape 12

(NI LYSSA VILLAROMAN)

INIREKLAMO ng isang babaeng Chinese national ang kanyang anim na kababayan na umano’y dumukot at gumahasa sa kanya sa Makati City.

Ang 24-anyos na biktima na itinago sa pangalang Gina (hindi tunay na pangalan), waitress, sa isang Chinese resto, at pansamantalang nanunuluyan sa Roxas St., South Admiral, Parañaque City, ay nagtungo sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Makati City police dakong alas-12:30 Martes ng madaling araw upang magharap ng reklamo laban sa kanyang mga kababayan.

Ang isa sa anim na suspect na nakilalang si Xiao Ming Wei, nanunuluyan sa Mini Hotel sa Dela Rosa St., Ayala Southbound, Legaspi Village, Makati City, ay nadakip na sa isinagawang follow-up operation ng Makati City police.
Base sa sinumpaang salaysay ng biktima, napag-alaman na dakong alas 3:00 ng madaling araw noong Setyembre 9 ay naglalakad siya malapit sa Okada Hotel kasama niya ang apat niyang kaibigang babaeng mga Tsino rin nang bigla siyang dukutin ng mga suspect.

Dagdag pa ng biktima sa kanyang salaysay,  dinala siya ng mga suspect sa isang condominium unit sa Greenbelt, Ayala Center, Brgy. San Lorenzo, Makati City kung saan doon umano isinagawa ang panggagahasa sa kanya.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang Makati City police upang madakip ang lima pang kasabwat ni Wei sa pagdukot at panggagahasa sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

ALDEN SUKO KAY JUDAY

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MUKHANG suko na si Alden Richards at inaamin na niyang naghihingalo ang kanyang serye sa pakikipaglaban kay Judy Ann Santos. Dahil hindi nga siya maka-abante, lalong tumaas ang ratings ni Juday. Ibig sabihin maski iyong mga dating nasa kanila, lumipat na kay Juday at dahil doon mas tumaas pa ang ratings ni Juday sa Probinsiyano.

Kasi nga si Coco mukhang mas may kalaban pa kahit na papaano, si Juday mukhang wala na ngang kalaban at nakuha na ang halos lahat ng audience sa kanyang time slot.

Ibig bang sabihin talagang iyon lang ang level ng popularidad ni Alden? Ibig bang sabihin talagang natangay lang siya ni Kathryn Bernardo kaya naging hit ang kanilang pelikula? Hindi naman siguro kailangang maging ganoon kalupit ang observations natin. Siguro sa kabuuan ay may mali rin sa project. Marami rin naman kasi silang artista na mailalagay sa project na iyon, pero siguro nga dahil sa sobrang tiwala nila matapos na gumawa si Alden ng isang box office hit, ayon isinaksak nila ang mga artista nilang walang projects.

Iyan ang problema minsan ng network eh, may kontrata silang may guarantee, kasi kung hindi naman magpapatali ba sa kanila ang artista na wala namang kasiguruhan kung may kikitain o wala? Kaya dahil sa guarantee, kailangan nilang isaksak na pilit sa mga projects dahil kung hindi magbabayad sila sa wala. Kaso nababatak naman pababa ang serye dahil hindi tama ang kumbinasyon.

Aywan kung hanggang kailan pa tatagal ang show na iyan ni Alden, pero kung kami ang tatanungin, sana maawa naman sila kay Alden. Tapusin na nila iyang show na iyan. Nakasisira iyan sa status ni Alden bilang isang artista. Inilalampaso ang serye niya.

MABILIS NAAKSIYUNAN ANG PROBLEMA NG MGA KAMAG-ANAK NI ANGELICA SA PARIS

Umaangal tayo sa mga balasubas na taxi drivers dito sa Pilipinas, na nagdadaya at naningil ng mas mataas kaysa sa kanilang metro. Galit na galit tayo sa masamang ugali ng maraming taxi drivers. Pero tingnan ninyo, maski sa Paris may taxi drivers na balasubas. Nabiktima rin ang kapatid ni Angelica Panganiban na nagbabakasyon din doon na kasama niya.

Ang malaking kaibahan nga lang, mabilis nilang nai-report ang kalokohan ng taxi driver. Mabilis din namang nagkaroon ng aksiyon. Hindi gaya dito sa atin na maliban na lang kung mai-report mo sa tv station at patulan ang reklamo mo, walang mangyayari kahit na anong report pa ang gawin mo sa LTFRB. Kaya malakas ang loob ng mga balasubas na taxi drivers dito sa atin, lalo na ngayong magpa-Pasko. Tsismis lang naman iyong nahahabol sila ng LTFRB eh.

BI  MALE STAR NAGING ‘COMFORT BOY’ NI POGING STAR

Aminado ang isang male star na bi, naging ‘comfort boy’ din siya in the past ng poging male star na kilalang biggie. Bilang ‘comfort boy’ siya ang tinatawagan ng poging male star kung hindi puwede ang girlfriend noon, na siyempre gusto naman ng bi na male star. Pangit lang pakinggan sa tagalog eh, pero ang maliwanag doon ginawa siyang ‘parausan’.

Pero ang male star na bi, todo tanggi pa rin sa mga interviews na bading din siya. Walang kakurap-kurap ang mga mata sa pagsasabing may naninira lang sa kanya at sinasabing bading siya. Hindi naman daw siya bading talaga, “naging parausan lang ng friend niya”.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO NAGWALA SA KTV, ARESTADO

arrested76

(NI JG TUMBADO)

ARESTADO ang isang aktibong tauhan ng Philippine Marines makaraan itong magwala sa loob ng isang KTV bar sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Taytay, Palawan.

Nakilala ang suspek na si Private First Class Louie Nietes Geonanga, 27, residente ng Barangay Paglaum.
Base sa report ng pulisya, mag alas 11:00 ng gabi ng Lunes nang maganap ang pagwawala nito sa loob ng bar sa labis na kalasingan.

Naglabas umano ng baril si Geonanga at iwinasiwas ito sa mga taong nasa loob ng bar at maging sa mga umaawat na trabahador.

Hindi na umano maawat ang sundalo at dito na tumawag sa pulisya ang floor manager ng KTV bar at agad naman itong naaresto.

Nakuha sa nagwalang sundalo ang isang caliber .45 pistol na service firearm nito.

Nahaharap sa patung-patong na kaso si Geonanga kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE NAG-SUICIDE SA DORM

crime12

(NI RENE CRISOSTOMO)

MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad sa motibo ng pagpapatiwakal ng isang 25-anyos na estudyante ng University of Sto. Tomas, makaraan umano itong tumalon sa tinutuluyang domitoryo sa Sampaloc,Manila, Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Paul Justine Tensioco, binata, may kursong BS Accountancy at nanunuluyan sa Adelina Dormitory sa 1117 Adeline St.,. Sampaloc.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Donald Panaligan, kay P/Capt. Henry Navarro hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang  alas-8:50 ng umaga, nang makarinig ng malakas na kalabog ang isang Bemars  Endino, 41, caretaker ng nasabing dormitoryo.

Salaysay ni Endino, habang nagkakape ito sa harap ng dormitoryo nang makarinig ito ng malakas na kalabog at nakita nitong duguan at wala nang buhay na biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente gayundin sa dalawang roommates ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

 ANGELICA DISMAYADO

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

HALATANG ikinadismaya ni Angelica Panganiban na hindi pala inanunsyo ng ASAP sa publiko na hindi siya kasama sa ASAP Rome sa darating na Nov. 16.  Nalaman ito ng aktres nang sa komento ng isang fan sa kanyang social media account na umaasang makita siya sa nasabing live show abroad.

Nakasaad sa komento ng kanyang fan na manggagaling pa sila sa Belgium at nagwi-wish na sana’y makalapit sa kanya on that day para makapagpa-picture.

Sagot ni Angelica sa fan, “hello! Hindi po ako kasali na dun. Sorry kung hindi niyo alam.”

Tanong pa ng aktres sa ASAP, “bakit hindi sila na-inform?”

Patuloy pa niya, “meron din po akong supporters….at iba po sa kanila bbyahe pa..matagal niyo ng alam na wala ako sa asap rome. Bakit hindi kayo nag announce? (Sorry for taking it on social media, hindi ko din to na expect).

Kaya naman si Angelica na ang nag-announce sa kanyang Twitter account na wala siya sa ASAP Rome sa Sunday.

“Mid of October pa ko nawala sa line up dahil may movie kaming ginagawa. Hindi ko talaga alam bakit hindi kayo na inform. Sorry,” ang pahayag ni Angelica.

Sumunod na tweet niya, “hayaan na natin. Hindi din naman ako big star kagaya ng mga artista nila. Balang araw… sisikat din ako at mag ma matter ako sa show nila. Sana one day. Sana talaga.”

At ang huling tweet niya about the matter, “back to regular programming na tayo mga besh. Wag tayo sa walang pakelam satin.

 ‘YOU GUYS WILL BLOSSOM ITO A BLESSING’

Dahil nga lalagay na sa tahimik si Sarah Geronimo, nagbigay ng kaunting payo si Billy Crawford kay Popsar hinggil sa marriage life.

Last Sunday kasi sa ASAP Natin ‘To ay kinakantiyawan si Sarah ng mga co-hosts dahil kalalabas lang ng balita that time na engaged na ito kay Matteo Guidicelli.

Tinanong ni Sarah si Billy kung kumusta ang buhay may-asawa at sagot ng singer/TV host ay napakasarap daw at pagkatapos ay nagbigay ng kanyang payo.

“Ay naku, napakasarap! Sinasabi ko sa ‘yo, kahit ano ang mangyari sa buhay, ‘pag mayroon ka nang asawa, iba na. Kung ano ‘yung problema mo, dalawa na kayo. Kung ano ‘yung maganda sa buhay n’yo, dalawa na kayong gaganda ang buhay n’yo.

“Pero ‘wag na ‘wag lang mawala sana na gagabay sa inyo ang Panginoon. ‘Yun lang. Unahin n’yo lang ang Panginoon sa relationship n’yo, you guys will blossom into a blessing. Pramis ‘yan,” pahayag ni Billy.

 

Please follow and like us:
Read More

ATE PINATAY NI BUNSO SA HATIAN NG MANA

(NI ROSE PULGAR)

KAKASUHAN ng homicide ng Paranaque City Police ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay nito ang nakakatandang kapatid na babae matapos magtalo sa hatian ng tinitirhan nilang bahay na minana nila sa kanilang mga magulang, Lunes ng hapon sa Paranaque City.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Paranaque ang biktimang si Arlene Monzarrate, ng 0324 Quirino Avenue, Brgy. Don Galo, ng naturang lungsod sanhi ng mga tinamong tama ng saksak ng kutsilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kaagad naman naaresto ang suspect na si Warren Guaddrama, 55, walang trabaho at nakatira rin sa naturang lugar.

Batay sa isinumiteng report ni Police Col. Ribon Sarmiento, hepe  ng Paranaque City Police, dakong alas-3:05 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng tinitirhan nilang bahay na iniwan sa kanila ng mga namayapang magulang.

Nabatid na isang pagtatalo ang naganap sa mag-ate ukol sa kung sino ang mas may karapatan sa bahay ng mga magulang hanggang sa mapikon at kumuha ng kutislyo si Guadarrama saka pinagsasaksak ang kaniyang nakatatandang kapatid.

Sinaklolohan at isinugod ng mga kapitbahay ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Agad naman nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspect at agad itong dinala sa Paranaque City Police.

Nitong Martes ay isinampa na ng pulisya ang kasong homicide laban sa suspect sa Paranaque Prosecutor’s Office.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘RAMON’ LALAKAS PA SA LOOB NG 48-ORAS

pagasa

(NI ABBY MENDOZA)

TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa Virac, Catanduanes at pinangalanan itong bagyong ‘Ramon’, ang ika 18 bagyo na pumasok sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay huling namataan 835km Silangan ng Virac, Catanduanes at 685 km Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.

Kumikilos ito sa bilis na 10kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 77kph.

Lalakas at magiging tropical storm ang bagyo sa loob ng 48-oras kung saan unang isasailalim sa Signal No 1 ang lalawigan ng Samar.

Itinaas din ng Pagasa ang gale warning signal sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan ang Bicol, Romblon,

Marinduque at Quezon gayundin ang Isabela, Quirino, Aurora, Polilo Island, Camarines Norte at mahina pero tuloy tuloy na pag-uulan sa Aklan, Capiz, Romblon at Marinduque.

 

Please follow and like us:
Read More

CONTAINER VAN KUMALAS ; TRIKE DRIVER SUGATAN

accident12

(NI RENE CRISOSTOMO)

ISANG 60 footer container van ang kumalas sa isang trailer truck na kung saan sugatan ang isang tricycle boy at madamay din ang isang pick-up, taxi at isang tindahan , Martes ng madaling araw sa Anda Circle, Port Area, Manila.

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente bandang  alas-2:00  ng madaling araw.

Nagtamo ng mga galos at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tricycle driver na si Menancio Alfino nang umano’y tumilapon ng may ilang metro ang layo.

Sa report ng pulisya , kalalabas lamang sa Port Area ni Arman Mercado, driver ng truck may plate number AUA-4085 nang kumalas sa lock ang 60 footer container van may kargang medical supplies.

Kaagad dinala sa MDTEU si Mercado na dumipensa na hindi naman siya ang nag-lock sa container van pero napag-alaman na amoy alak ito.

Tiniyak naman ng driver na pananagutan nito ang mga napinsalang sasakyan.

Umabot naman ng dakong 7 :00 ng umaga bago  tuluyang naalis ang container van na bumalagbag sa Anda Circle at naging sanhi ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Please follow and like us:
Read More

ITALYANONG PEDOPILYA HULI SA DAVAO CITY

(NI FROILAN MORALLOS)

NADAKIP  ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao ang isang Italyanong  pedopilya, ayon sa report na nakarating sa opisina ni BI commissioner Jaime Morente, galing sa kanyang mga tauhan sa Davao City.

Ayon sa report na ipinadala ni BI acting Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. kay Morente, kinilala ang suspek na si Lorenzo Marchesi, 57, at nahuli ito noong Nov. 8 sa Davao International Airport (DIA).

Nakasaad sa report ni Manahan na pasakay na ang suspek sa kanyang flight palabas ng bansa nang ma-intercept ng mga tauhan ng BI intelligence officers bago mag boarding sa departure area ng airport.

Agad naman na dinala si Marchesi sa BI holding facility sa BI district office sa Davao City, habang under process ang kanyang deportation proceedings, at ang resolution ng criminal complaints na isinampa laban sa kanya ng mga biktima .

Nabatid mula kay BI intelligence officer at Mindanao Intelligence Task Group (MITG) head Melody Gonzales, na ang suspek ay respondent sa patung-patong na criminal complaints na isinampa sa Davao City prosecutor’s office ng Philippine National Police’s women and children’s desk.

Ito ay may kinalaman sa paglabag sa  expanded anti-trafficking act, cyber crime law, at anti-child abuse act, resulta sa kanyang makamundong pagnanasa o sexual acts laban sa mga biktima kapalit ang pera.

Nabatid sa BI data base na si Marchesi ay labas-masok ng bansa mula pa noong January 2019 via Davao at Mactan International airport.

Please follow and like us:
Read More

12-ANYOS NABUNTIS NG STEPDAD 

antique12

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG nasira ang kinabukasan ang isang 12-anyos na nene matapos itong mabuntis ng kanyang stepfather at inamin may relasyon sila na siya naman sinamantala ng huli ang inosenteng nararamdaman ng bata, iniulat kanina sa probinsya ng Antique.

Batay sa report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Antique, himingi  sa kanila ng tulong si Lola Rosemarie, hinggil sa kanyang apo na si alyas Cherry, na nabuntis ng kinilalang ama sa Supa, San Jose Antique.

Sa pahayag ng lola, nagulat na lamang siya kung bakit lumalaki ang tiyan ng apo, kaya tinanong niya ito at sinabi ng bata na buntis siya at ang ama ay ng kanyang stepdad na si Joseph.

Kuwento naman ni Cherry, may relasyon sila ni Joseph at para sa kanya ay in-love ang kanyang nararamdam sa stepfather.

Hindi naman itinanggi ni Joseph na siya ang ama ng pinagbubuntis ng kanyang anak-anakan at nakahanda siyang suportahan ang magiging anak sa kinupkop niyang si Cherry at itinuring na anak subalit sinamantala niya ito hanggang sa mabuntis.

Nabatid, na wala ng mga magulang si Cherry ay naiwan na lamang it okay Joseph na pangalawang asawa ng ina.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kanyang lola si Cherry sa Kirayan Sur, Miag-ao, Iloilo City.

 

Please follow and like us:
Read More

NENE NI-RAPE, TINANGKANG PATAYIN  

(NI ANNIE PINEDA)

PUTOK ang ulo ng isang 13-anyos na nene makaraan hatawin ng bato saka gahasain ng pamangkin ng kanyang stepfather, sa lalawigan ng Cadiz City.

Inoobserbahan ngayon sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital, ang biktima na itinago sa pangalan ‘Nena’, mag-aaral sa nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-4:30, ng hapon ng Lunes nang matagpuan sa madamong bahagi na lugar sa lungsod ang biktima.

Kuwento ng ina ni Nena, alas-9:00 ng umaga nang umalis ng bahay ang anak para pumasok sa eskuwela pero nagtaka na lamang siya at hindi pa umuuwi ang anak kaya hinanap niya ito.

Dito na niya nakitang duguan ang ulo sanhi ng pagkakapalo ng malaking bato at mga sugat sa mukha.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas.

Sinabi ng ina, itinuturong suspek ang pamangkin ng kanyang kinakasama na siyang gumahasa at tinangkang patayin ang anak.

Tugis na ngayon ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINARIL SA SUGALAN

(NI ANNIE PINEDA)

DUGUAN humandusay ang isang babae habang nagsusugal nang lapitan ito at pagbabarilin ng kanyang kalugar, Lunes ng sabi sa lalawigan ng Vigan City.

Kinilala ang biktimang si Jennifer Quintin, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Edgardo Quidolit, residente ng Barangay Salindeg, Vigan City.

Batay sa report ng Vigan City-PNP, dakong alas 10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, abala ang biktima sa pasusugal at hawak-hawak nito ang baraha nang biglang sumulpot ang suspek at walang babalang pinagbabaril si Quintin saka tumakas.

Kaagad naman dinala sa Ilocos Sur Provincial Hospital- Gabriela Silang ang biktima pero idineklara na ring patay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at mabilis na pagdakip sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-LIVE-IN PARTNER NIRATRAT,  1 PATAY

bacolod city12

(NI JESSE KABEL)

DEAD on the spot ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang kinakasama nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay 2 sa Bacolod City, Lunes ng gabi,

Sa report ng Bacolod City Police Office, nasawi sa pamamaril si Robert Salvador, 50.

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang live-in partner na si alyas ‘Tintin Tipon’.

Hinihinalang may kaugnayan sa droga ang motibo sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon kay Police Station 2 commander P/Major Sherlock Gabana, kapwa nasa drugs watchlist ang dalawang biktima.

Base sa pagsisiyasat, may mga impormasyon hinggil sa umanoy onsehan sa droga at umano’y panloloko ni Salvador sa kanyang mga parokyano.

Ayon pa  sa pulisya, hindi ito ang unang pagkakataong may nagtangka sa buhay ni Salvador pero dahil sa lalim ng pagkakasangkot nito sa ilegal na droga ay hindi na ito nakaligtas sa ikalawang pagkakataon.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo at pagkakakikilanlan ng mga salarin na sumalakay sa bahay ng mga biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

HABULAN NG PUSHER VS PULIS: 3 TIMBOG SA APARTELLE

(NI DAVE MEDINA)

NAUWI sa habulan ang pagsita ng mga pulis sa isang delivery boy ng droga gamit ang bisikleta sa San Isidro, Makati City, Lunes ng hapon.

Bukod sa lalaki ay arestado rin ang dalawang babae na naaktuhan namang nagre-repack ng shabu alas-3:00 ng hapon ng Lunes.

Ayon kay Makati Police chief Col. Rogelio Simon, nagpapatrulya ang kanyang  mga pulis sa Batangas St. nang makita ang isang lalaki na naka-bisekleta na may iniaabot sa isa pang lalaki.

Nang lalapitan ng mga pulis, inihagis sa lapag ng isa sa mga suspek ang isang sachet ng shabu sabay nagpulasan ng takbo patakas.

Nagkaroon ng habulan ang mga suspek at mga pulis na umabot  sa kwarto ng Morales Apartelle sa Batangas St., kanto ng Zansibar St., Bgy San Isidro , Makati City at  sorpresang  naabutan ang dalawang babae na nagbabalot ng ipinagbabawal na droga.

Nasamsam sa mga suspek na sina Joshua Gonzaga, Geraldine Belmes at Lyselle Braga ang 43 sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000.

Please follow and like us:
Read More

ULAN DULOT NG LPA SA CATANDUANES

ulan1

(NI KIKO CUETO)

MAGIGING maulan ang malaking bahagi ng bansa dahil na rin sa low pressure area, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang  LPA sa  910 kilometers east ng Virac, Catanduanes.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, magdadala ang LPA ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidnat lalo na sa Visayas, Bicol Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Caraga at sa lalawigan ng Quezon, Marinduque at sa Romblon.

Ang nasabing LPA ay posibleng maging bagyo bukas.

Kapag nangyari ito, tatawagin itong Bagyong “Ramon.”

Ang northeast monsoon naman o ang amihan ang magdadala ng maulap na papawirin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at sa Central Luzon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng fair weather na may paminsan-minsan na ulan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PINTO SA PAG-ASENSO

WORLD BANK

Pagpapapogi upang makuha tiwala ng World Bank

(Ni Mac Cabreros)

SA pag-ibig, nagpapaguwapo ang nanini­ngalang-pugad na binata para mapitas ang matamis na ‘OO’ ng sinisintang dalaga.

Sa larangan naman ng negosyo, kailangan ding magpapogi ang gobyerno maging ito ay lokal o nasyunal para mahimok ang mga investor na maglagak ng puhunan at magtayo ng negosyo.

Ganito ang ginawa ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nagdaang mga panahon kaya’t naging mabango ito sa mga investors at nakamit ang pinakamataas na puwesto bilang business friendly kumpara sa mga nagdaang mga taon.

Base sa Ease of Doing Business 2020 report ng World Bank, tumalon ng 29 bahagdan upang umangat ang Pilipinas sa ika-95 pwesto mula ika-124 noong nakaraang taon.

Mula sa 190 ekonomiya sa buong mundo, tinanghal ang Pilipinas na pinakamagandang lugar na pagtatayuan ng negos­yo bunsod ng mga repormang ipinatupad sa nagdaang mga taon.

“The Philippines strengthened minority investor protections by requiring greater disclosure of transactions with interested parties and enhan­cing director liability for tran­sactions with interested parties,” ayon World Bank.

Ayon naman kay Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry, pinalaki ng Pilipinas ang bukas ng pinto para sa mga manga­ngalakal o investors nang alisin ang minimum capital requirement para sa domestic companies at pagluwag sa proseso sa pagkuha ng construction permit at occupancy certificate.

“The vast improvement in the country’s ranking was triggered by higher scores in the following areas: getting credit, protecting minority investors and dealing with construction permits,” ani Lopez.

Umaasa ang Kalihim na lalong gagaganda at babango ang mga bansa sa mga investor sa sunod na taon.

“While not all reforms were accepted by the World Bank in this cycle, we are counting on the newly esta­blished Anti Red Tape Autho­rity (ARTA) to ensure that the agencies continue the EODB reforms already initiated. These reforms must create a positive impact on our stakeholders,” diin Sec. Lopez.

Dagdag pa dito, aniya, ang pagpapatupad sa batas na nagkakaloob ng pautang sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

“The enactment of Republic Act 11057 or the Personal Property Security Act (PPSA) would help propel the Philippines to a higher ranking in the business index for 2021,” pagsang-ayon Finance Secretary Carlos Dominguez.

“With the PPSA in place, MSMEs can register their movable assets, such as inventory with the Land Registration Authority (LRA) and use those assets as collateral in accessing formal sources of financing,” pahayag Dominguez.

“This is among the reforms we are pursuing to further improve our business climate and empower small entrepreneurs.”

Ang RA 11057 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto nakaraang taon para mapalawak ang access sa credit ang mga MSMEs, magsasaka at mangi­ngisda.

Nabatid na itinatakda ng naturang batas na maaring makahiram sa banko ang iba’t ibang sector gamit ang non-traditional collateral gaya ng account receivables, inventory, negotiable instruments, electronic securities, crops, livestock, consumer goods, machinery, equipment at intellectual property rights.

Sa EODB report ng World Bank, tinimbang ang patakaran at panuntanan ng gob­yerno hinggil sa pagsisimula ng negosyo, pagkuha ng construction permit, pagkukunan ng elektrisidad, pagrerehistro ng ari-arian, pagkuha ng credit, proteksyon ng mga maliliit na investor, pagbabayad ng buwis, pangangalakal sa ibang lugar at pagtalima sa kontrata.

“Governments can foster market-oriented development and broad-based growth by crea­ting rules that help businesses launch, hire, and expand,” pahayag World Bank Group president David Malpass nang ilabas ang EODB 2020 report.

“Removing barriers fa­cing entrepreneurs generates better jobs, more tax revenues and higher incomes, all of which are necessary to reduce poverty and raise living stan­dards,” dugtong Malpass.

Sa mata ng mga eksperto, malaking aspeto para pumasok ang investor ay ang kaayusan at kapayapaan sa lugar.

Dahil dito, ginagawa ng gobyerno ang lahat na paraan para mapahupa ang kaguluhan at karahasan sa bansa na gawa ng mga rebelde gayundin na mapagtigil ang mga krimen na gawa ng mga adik.

Nasusukat din ang pagi­ging business friendly ang isang lugar sa dami ng umusbong na kalakal na nakalikha ng maraming trabaho ng mamamayan.

Naitutulak ng mabangong kalakalan ang ekonomiya ng isang bansa.

Napakagandang balita. Pero umaasa ang sambayanan na hindi lamang nakatala sa estadistika o datos kundi maramdaman ang tunay na ginhawang bunga nito.

Please follow and like us:
Read More

5 SA 9 NA NAWAWALANG MANGINGISDA NATAGPUAN NA

OCCIDENTAL MINDORO1

UPDATE

(NI JESSE KABEL)

NATAGPUAN na ang lima sa siyam na mangingisda na unang napaulat na nawawala sa Maburao, Occidental Mindoro.

Ang mga mangingisda ay sakay ng mga bangkang Marx Man at Ariana-Je nang magkasunod na maglayag noong Nov. 4 at 5 sa Mindoro Strait.

Araw ng Sabado, Nov. 9 dapat ay nakabalik na mula sa laot ang mga mangingisda pero bigo na ang kanilang kaanak na sila ay matawagan.

Sa ikinasang search and rescue operations ng PCG-Occidental Mindoro, nakita na ang limang crew ng FB Marx Man na nagawang makapagkubli sa Paluan, Occidental Mindoro matapos hampasin ng malalaking alon.

Pinaghahanap pa ngayon ang apat na crew ng FB Ariana-Je.

 

Please follow and like us:
Read More

UAAP SEASON 82 SEMIFINALS: LAST CHANCE SA UST, UP

INAASAHANG magiging mas mainit ang bakbakan ng UST at UP sa kanilang do-or-die game bukas (Nobyembre 13) sa Mall of Asia Arena.

Ang mananalo ang siyang makakabangga ng undefeated Ateneo de Manila University sa best-of-3 finals.
Umabante ang fourth-seeded UST sa semifinals stepladder kontra UP makaraang talunin ng Growling Tigers ang No. 3 Far Eastern University, 81-71, noong nakaraang Miyerkoles.

May twice-to-beat advantage ang No. 2 Fighting Maroons at nangangailangan lang ng isang panalo papasok sa finals ngunit binigo sila sa ikatlong pagkakataon ng Growling Tigers, 89-69, Linggo para makapwersa ng decider game.

Bago ito, tinalo ng UST ang UP sa dalawang beses na paghaharap nila sa elimination round, 85-69 sa first round, at 84-78 sa second round.

Bumida para sa UST ang Season 82 MVP na si Soulemane Chabi Yo na tumipon ng double-double 17 points at 15 rebounds.

Nag-ambag din ang tandem nina Rhenz Abando at Mark Nonoy ng kabuuang 33 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si Sherwin Concepcion ng 12 points, kabilang ang crucial 3-pointers sa final quarter, at  Renzo Subido 8 points at 12 assists para sa Growling Tigers.

“It’s all about execution. Execution on both defense and offense. We executed our game plan and lahat ng instructions ko, sinusunod ng mga players. We were connected out there,” sabi ni UST coach Aldin Ayo matapos ang kanilang panalo.

Maganda ang naging simula ng Growling Tigers nang kumunekta ng triples nina Subido at Rhenz Abando na nagpaabante sa UST 19-13 sa opening quarter.

Pagdating ng third quarter, lumobo na ang lamang ng UST, 52-33, ngunit sa pangunguna ni UP Maroons’ Bright Akhuetie bahagyang naibaba ito sa 57-46, 1:15 ang nalalabi sa oras.

Naibaba pa ng Maroons sa single digit ang lamang ng Tigers nang pumasok ang floater ni Kobe Paras, 72-63, 3:14 ang nalalabi sa last quarter.

Ngunit magkasunod na pumukol ng tres sina Concepcion at Nonoy upang muling dumistansiya ang UST, 78-63, at mula rito ay hindi na sila nahabol ng UP. (PHOTO BY MJ ROMERO)

Please follow and like us:
Read More

P500-M BAWAT KONGRESISTA

BAKBAKAN NATIN

TAMPOK na balita ngayon ang pagbabago ng mukha ng kampanya laban sa ilegal na droga dahil tinanggap ni Bise-Presidente Ma. Leonora “Leni” Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging co-chairman ng Inter-agency Committee Against Drugs (ICAD) at ang pinakaaabangang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Mistulang mga ba­gong lutong pandesal ang dalawang isyu na ‘yan pero hindi mainit at matunog ang inamin sa media kamakailan ni Speaker Alan Peter Cayetano na ang totoong ipinasok at inilaang pera ng pamahalaan sa bawat kongresista ng bawat distrito sa bansa ay P500 milyon para sa 2020 badyet ng pambansang pamahalaan.

Ang limangdaang mil­yong badyet ng bawat kongresista sa bawat distrito ng bansa ay pasok sa ipinasa ng Kamara de Representantes na hini­hinging P4.1 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa 2020.

Sisimulan nang busisiin at talakayin ng bawat komite ng Senado ang P4.1 trilyon.

Masyadong malaki ang P500 milyon.

Napakalayo nito sa P100 milyong sinabi ni Rep. Joey Salceda ilang buwan na ang nakalilipas.

Hindi lang malinaw kung maging ang mga kinatawan ng party-list ay mayroon ding P500 milyon tulad nina Rep. Michael Romero at Rep. Enrico Pineda ng 1-PACMAN; Rep. Conrado Estrella III ng ABONO; Rep. Eufemia Cullamat, Rep. Ferdinand Gaite at Rep. Carlos Izagani Zarate ng BAYAN MUNA; Rep. Arlene Brosas ng GAB­RIELA; Rep. Sarah Jane Elago ng KABATAAN; Rep. Eduardo Villanueva at Rep. Domingo Rivera ng CIBAC (Citizens Battle Against Corruption).

Ang mga binanggit kong mambabatas ay mga kinatawan ng mga mahihirap, pinabayaan at pinagsasamantalahang sektor ng ating lipunan.

Sabi ni Cayetano, ang P500 milyong pondo ng bawat kinatawan ng distrito ay kabuuan ng mga proyektong isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education (DepEd) at Department of Agriculture (DA) na nakatuon sa “build, build, build projects” ng bawat distrito.

Si Speaker Cayetano ay kinatawan ng Taguig at Pateros (unang distrito) sa mababang kapulungan ng Kongreso mula 2019 hanggang 2022.

Ang kanyang asawa na si Rep. Ma. Laarni “Lani” Cayetano ay kinatawan naman ng ikalawang distrito ng Taguig.

Kaya aabot sa isang bilyon ang mapupunta sa Lungsod ng Taguig at bayan ng Pateros.

Ano-ano kaya ang mga proyektong ito?

Sana umunlad nang tuluyan ang Taguig at Pateros sa loob ng isang taon, sapagkat ang isang bilyon ay nakalaan lamang sa loob ng isang taon.

Sana ang bawat limangdaang milyon ng bawat kongresista ay mapunta sa mga proyekto nila at hindi maging ka­ragdagang yaman.

Sabi ni Cayetano, hindi “lump sum” ang P500 milyon kaya tiniyak niyang walang korapsyon.

Ang ibig sabihin ng lump sum ay hindi detalyado at hindi tukoy ang bawat programa at proyekto na paglalaanan ng pera.

Kaya madaling manakaw ang pera dahil mistulang Pacific Ocean ang hitsura nito.

Ngunit hindi naman ibig sabihin na literal nang walang magaganap na korapsyon sa mga proyekto kapag lump sum ang diskarte sa paglalatag ng pondo.

Ang sistema ng korapsyon na alam ng nakararami ay ang pondong nakalaan sa proyektong kalsada o tulay, halimbawa, ay nakapila ang komis­yon ng mga opisyal na aabutan ng kontraktor ng proyekto.

Ang totoo, hindi lang naman sa lump sum nagkakaroon ng korapsyon sa bilyun-bilyong pera ng pamahalaan.

Kahit sa mga detalyadong programa at proyekto patungkol sa “hard projects” at soft projects” ay nagaganap pa rin ang katiwalian at korapsyon hanggang sa antas ng barangay.

Syempre, todo-todong itatanggi ito ng mga kongresista.

Kung si Senador Panfilo “Ping” Lacson ang tatanungin, sigurado siyang mayroong P20 bilyong ‘nakaparadang’ pera sa P4.1 trilyon.

Umabot sa P10 bilyon ang nakapila para sa DPWH, tugon ni Lacson.

Mayroon ding nakaparada para sa Department of the Interior and Local Government (DILG), patuloy ng senador.

Ang ibig sabihin ng nakaparadang pondo ay sa simula nakalaan sa isang distrito o kagawaran ang pondo, ngunit ililipat sa ibang distrito o kagawaran.

Ang isa pang kaduda-duda sa ipinasa nina Speaker Caye­tano ay mayroong mga inilaang badyet na lump sum, diin ni Lacson.

Labag ito sa desisyon ng Korte Suprema noong 2013.

oOo

Alam ko na kayong mga mambabasa ay higit na maraming nalalaman kaysa inyong lingkod.

Kaya, tawag o magtext na sa: 0998 – 565 – 0271. (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

MANAGINIP KAYO – YORME KOIS

NIPIS

POSIBLENG dala ng inis ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa nasaksihang tambak na basura sa Ylaya sa Binondo, Manila na iniwan ng mga magtitinda sa lugar kaya’t nang tanungin ito kung makapagtitinda ang karamihan ng mga vendor sa mga pangunahing lansangan sa Divisoria sa darating na Pasko ay naisagot nitong “Managinip kayo!”

Itinanggi ng alkalde ng Maynila na nabali na ang kanyang binitiwang salita tulad ng lumabas sa ilang balita na magbubukas ang mga kalye ng Divisoria sa mga magtitinda dahil nalalapit na ang kaPaskuhan.

Sinabi ni Moreno na mula noong Hulyo hanggang sa kasalukuyan ay hindi nagbabago ang kanyang paninindigan at polisiya na hindi makakapagtinda ang mga vendors sa C.M. Recto.

Bagaman noong una ay hinamon siya ng ilang critics na hindi kayang tumagal ni Moreno sa kanyang ipinalabas na panuntunan at hindi nito kayang panindigan ang kanyang mga binitiwan salita.

Subalit hanggang ngayon, may apat na buwan na ang batang alkalde ng Maynila sa kanyang puwesto ay nananatili siya sa kanyang prinsipyo.

Bilang ganti naman ni Moreno sa ilang orga­nizer na nagpapaputok na makakapagtinda na ang karamihan ng vendors sa mga lugar na dating pinuwestuhan ng mga ito dahil sasapit na ang Pasko, sinabi ni Moreno na ma­ling maling ang akala ng mga organizer na kating-kati na ang puwit na magkapera.

Tila iniinis ni Mayor Isko Moreno ang organi­zers na handang bumayad sa mga magsusulat na lumambot na ang puso ng alkalde kaya puwede na magtinda at makapuwesto ang mga ito sa C.M> Recto at iba pang pangunahin daan sa Maynila.

Bagaman maraming nangangailangan na magkaroon ng hanap-buhay ay nananatili si Moreno sa kanyang prinsipyo na kailangang sumunod sa panuntunan ng pamahalaang lungsod ng Maynila na ilugar ang pagtitinda.

Nanindigan si Moreno na handa siyang bigyan ng puwesto ang ilang magtitinda subalit sa mga daang hindi makakaperwisyo. Hindi puwede sa Blumentritt, C.M. Recto at Pedro Gil.

Kapag pinagbigyan na makapagtinda ang mga ito sa kalsada, mas marami ang mapeperwisyo lalo na ang mga mananakay dahil hindi na makaraan ang mga sasakyan.

Tama naman ang gusto ng alkalde sapagkat ang nais niya ay para sa kapakanan ng nakararami at hindi ng iilan lamang. (NIPIS / LEA BOTONES)

Please follow and like us:
Read More